Malamang, halos lahat tayo dito at may idea na kung ano ang mga eto. Hindi ko na dadaanin sa sobrang teknikal.
Futures trading - Long, inaasahan mong tataas ang presyo. Short, inaasahan mong bababa ang presyo. Leverage, eto nagsisilbing pang multiply sa mga trading position mo. Eto rin ang madalas na dahilan kung bakit nasusinugan ang mga trader. Dahil na rin nagtatakda sila ng higit na mataas na leverage.
Kung sobrang taas ng leverage, itinuturing na etong sugal ng karamihan at hindi na trading.
Memecoin - wala ng iba, mula sa salitang meme. Sobrang volatile. Pwedeng umangat at bumagsak ng malaki sa isang kisapmata lang. Pwedeng ang barya mo ay maging libo sa isang iglap and vice versa. Pero, hindi eto ganun kadali dahil mas madami ang scam coin o rug project kesa sa tunay kung saan ikaw ay talagang kikita. Madalas din, kailangan mo ng insider info para makaentry ng maaga at kumita ng malaki.
Patok na patok ulit ang memecoin trading ngayon simula nung nauso ang app na FOMO.
Ano ang pipiliin nyo, futures trading o memecoin trading at bakit? Parehas pwede kang maging mayaman sa sandaling panahon pero pareho din na mataas ang risk.
Risky lahat yan pero kung tama approach mo maaring hindi ka masunugan or mawalan ng malaki laging gamitin ang pera na kaya mong mawala sayo at huwag basta maniwala sa iba kailangan aralin mo din mabuti ang ginagawa mo, dahil sa isang pagkakamali maari kang maubusan or walan ng lahat.