---
Patok na patok ulit ang memecoin trading ngayon simula nung nauso ang app na FOMO.
Ano ang pipiliin nyo, futures trading o memecoin trading at bakit? Parehas pwede kang maging mayaman sa sandaling panahon pero pareho din na mataas ang risk.
Futures trading pa rin ako pero in fairness, sumisikat na yang FOMO app na yan ah. Marami na rin akong nakitang PH influencers na nagpropromote nyang app na yan but of course with their referral link.
Pass ako sa meme coin trading, pero hindi totally. I mean sobrang dalang ko mag-invest sa meme coins dahil alam ko kung gaano karisky itong category na ito. Sa futures trading, may "stop-loss" pero dito sa meme coins, walang stop-loss. Kapag bumagsak yung meme coin, wala kang way para makapag-out kaagad unless online ka nung nangyayari ang massive dump. Sa futures trading, pwede mong iset ang stop-loss mo to prevent further losses.
Both are risky pero mas pipiliin ko pa rin ang futures trading dahil mas may experience at knowledge na ako at alam ko na ang gagawin ko. Reward-wise, mas malaki ang meme coin lalo pag natsambahan mo pero hindi naman yun sustainable sa long-run di gaya sa futures trading na pwede maging sustainable as long as meron kang working strategy, rules, may disiplina sa sarili at may self-awareness.
Pag baguhan sa crypto space, auto-pass ka sa meme coin trading. Mas maganda if mag spot trading ka na lang muna.
