Watch-Only Wallet vs Spending Wallet: Kailangan Ba Talagang Magkaiba?
Image generated by AI
Table of Contents
1. Ano ang Watch-Only Wallet?Nung una, pag naririnig ko ang salita na Bitcoin wallet, ibig sabihin nito ay ang wallet na ginagamit natin para tumanggap at magpadala ng Bitcoin. Ngunit meron pa palang klase ng isang wallet na walang kakayahang gumastos. Pwede mo lang syang tingnan, para imonitor mo ang wallet mo at ilan ang halaga nito. Ito ay tinatawag na
Watch-Only Wallet.
Pwede nating sabihin na wala itong private key. Ang gagamitin mo sa pag-import at hindi private key or 12-24 seed phrase, kundi ang isang extended public key.
Karaniwang gumagamit ito ng public information gaya ng:
- Bitcoin addresses
- Extended public key (xpub)
- Iba pang extended public keys depende sa wallet structure
Ang pinakamahalagang katangian nito:
Makikita mo ang wallet, pero wala sa watch-only wallet ang private key na kailangan para pumirma at gumastos ng Bitcoin.
2. Ano ang Spending Wallet?Ang
Spending Wallet ay wallet na may access sa private keys na ginagamit para
pirmahan ang Bitcoin transactions. Kaya kapag sa usual na paggamit natin, katulad ng pagpapadala ng
BTC, kailangan mong mapatunayan na sa iyo ito sa pamamagitan ng private key.
At alam naman natin na kapag ang private key o seed phrase ay makompromiso, maaaring magkaroon ang attacker na makuha ang ating Bitcoin.
Kaya ang wallet na ginagamit para sa spending ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng security.
3. Ano ang Pagkakaiba Nila?| Feature | Watch-Only Wallet | Spending Wallet |
| Private Keys | Walang private keys para sa signing | May access sa private keys |
| Makikita ang Balance | Oo | Oo |
| Makikita ang Transactions | Oo | Oo |
| Gumawa ng Transaction | Maaaring gumawa ng unsigned transaction | Oo |
| Mag-sign ng Transaction | Hindi | Oo |
| Pangunahing Gamit | Monitoring | Spending at signing |
| Risk kapag na-hack ang device | Hindi direktang makakagastos ng BTC dahil walang private key | Mas mataas kung exposed ang private keys |
4. Bakit Mas Secure ang Watch-Only Setup?Kasi kung iisipin mo, nagtago ka ng Bitcoin sa hardware wallet mo. Pero gusto mong makita ang transaction nito, let says bawat buwan. Hindi mo na kailangang i-plug ang hardware wallet mo at pag risk pa dahil pwede mo syang i-setup bilang Watch-Only wallet.
Ito ang pangunahing security advantage ng paghihiwalay ng monitoring at signing.
5. Paano Gumagana ang Watch-Only Setup?Isang halimbawa ng setup ay ganito:
Hardware wallet->Private keys->Watch-Only Wallet->Monitoring ng iyong balanse->Computer mo.
At kung gusto mong gumastos ng Bitcoin, maaaring gumawa muna ng unsigned transaction sa online computer.
Pagkatapos, maaaring gamitin ang hardware wallet o ibang signing device upang
pirmahan ang transaction.
Pagkatapos ng signing, maaari nang i-broadcast ang signed transaction sa Bitcoin network.
Ang konseptong ito ay maaaring gamitin kasama ng
PSBT (Partially Signed Bitcoin Transaction), depende sa wallet at setup.
6. Kailan Dapat Gamitin ang Bawat Isa?Walang isang setup na pinakamaganda para sa lahat.
Depende ito sa kung paano mo ginagamit ang Bitcoin.
| Gamit | Mas Angkop na Setup |
| Daily spending | Spending Wallet |
| Long-term Bitcoin holdings | Hardware Wallet + Watch-Only Wallet |
| Pag-monitor ng malaking BTC balance | Watch-Only Wallet |
| Transaction signing | Hardware Wallet / Signing Device |
| Cold storage | Offline Signing Device + Watch-Only Wallet |
Para sa long-term holdings, maaaring maging kapaki-pakinabang ang paghihiwalay ng wallet na ginagamit para sa monitoring at ang device na naglalaman ng private keys.
7. Anong mga Wallet ang May Watch-Only Support?Ilan sa mga kilalang wallet na maaaring gamitin para sa watch-only setup ay:
| Wallet | Watch-Only Support | Paano Ito Ginagamit |
| Sparrow Wallet | Oo | Maaaring gumawa ng watch-only wallet gamit ang xpub o iba pang public wallet information para sa monitoring. |
| Electrum | Oo | Maaaring gumamit ng master public key para gumawa ng watching-only wallet. |
| BlueWallet | Oo | Maaaring gamitin ang public address o supported extended public key para sa monitoring. |
| Specter Desktop | Oo | May support para sa watch-only wallets at hardware-wallet workflows. |
Sparrow Wallet - partikular na idinisenyo upang gumana sa iba't ibang wallet setups, kabilang ang watch-only wallets at hardware wallets.
Electrum - mayroon ding documented watching-only workflow. Maaari mong ilagay ang master public key sa online computer habang nananatili sa offline device ang private keys.
BlueWallet - maaari ring gamitin para sa watch-only monitoring, depende sa uri ng wallet information na ini-import.
Specter Desktop - nakatuon sa advanced Bitcoin self-custody at hardware-wallet workflows, kabilang ang watch-only setups.
Mahalagang tandaan na ang
watch-only support ay hindi nangangahulugan na pare-pareho ang features ng bawat wallet.
Ang ilan ay nakatuon sa simpleng monitoring, habang ang iba ay may advanced features gaya ng:
- PSBT signing
- Hardware-wallet integration
- Multisig
- Offline signing
Kaya bago pumili ng wallet, magandang tingnan kung anong klase ng watch-only functionality ang aktuwal na sinusuportahan nito.
8. KonklusyonAng Watch-Only Wallet at Spending Wallet ay may magkaibang roles sa ating Bitcoin holders. Ang watch-only wallet ay nakatuon sa
monitoring, habang ang spending wallet o signing device ay nakatuon sa
transaction signing.
Ang malaking advantage ng paghihiwalay ng dalawa ay hindi kailangang nasa isang internet-connected device ang iyong private keys.
Sa madaling salita:
Watch-Only Wallet = Nakikita mo ang Bitcoin.Spending Wallet = Maaari mong gastusin ang iyong Bitcoin.Mahalaga pa rin ang tamang pagprotekta sa:
- Seed phrase
- Private keys
- Wallet backups
- Signing device
- Mga device na ginagamit para sa wallet monitoring
Sa huli, ang watch-only wallet ay hindi kapalit ng hardware wallet o cold storage.
Maaari itong maging
kasama ng mga ito—isang paraan para makita at i-monitor ang iyong Bitcoin wallet habang nananatiling hiwalay ang private keys.
9. Mga Sanggunian