Bitcoin Forum
October 20, 2026, 03:51:10 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Watch-Only Wallet vs Spending Wallet: Kailangan Ba Talagang Magkaiba?  (Read 30 times)
coinrifft (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 364
Merit: 255


Rainbet


View Profile
October 19, 2026, 01:47:41 AM
Merited by cryptoaddictchie (1), Peanutswar (1)
 #1

Watch-Only Wallet vs Spending Wallet: Kailangan Ba Talagang Magkaiba?

Image generated by AI



Table of Contents




1. Ano ang Watch-Only Wallet?

Nung una, pag naririnig ko ang salita na Bitcoin wallet, ibig sabihin nito ay ang wallet na ginagamit natin para tumanggap at magpadala ng Bitcoin. Ngunit meron pa palang klase ng isang wallet na walang kakayahang gumastos. Pwede mo lang syang tingnan, para imonitor mo ang wallet mo at ilan ang halaga nito. Ito ay tinatawag na Watch-Only Wallet.

Pwede nating sabihin na wala itong private key. Ang gagamitin mo sa pag-import at hindi private key or 12-24 seed phrase, kundi ang  isang extended public key.

Karaniwang gumagamit ito ng public information gaya ng:

  • Bitcoin addresses
  • Extended public key (xpub)
  • Iba pang extended public keys depende sa wallet structure

Ang pinakamahalagang katangian nito:

Makikita mo ang wallet, pero wala sa watch-only wallet ang private key na kailangan para pumirma at gumastos ng Bitcoin.



2. Ano ang Spending Wallet?

Ang Spending Wallet ay wallet na may access sa private keys na ginagamit para pirmahan ang Bitcoin transactions. Kaya kapag sa usual na paggamit natin, katulad ng pagpapadala ng BTC, kailangan mong mapatunayan na sa iyo ito sa pamamagitan ng private key.

At alam naman natin na kapag ang private key o seed phrase ay makompromiso, maaaring magkaroon ang attacker na makuha ang ating Bitcoin.

Kaya ang wallet na ginagamit para sa spending ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng security.



3. Ano ang Pagkakaiba Nila?

FeatureWatch-Only WalletSpending Wallet
Private KeysWalang private keys para sa signingMay access sa private keys
Makikita ang BalanceOoOo
Makikita ang TransactionsOoOo
Gumawa ng TransactionMaaaring gumawa ng unsigned transactionOo
Mag-sign ng TransactionHindiOo
Pangunahing GamitMonitoringSpending at signing
Risk kapag na-hack ang deviceHindi direktang makakagastos ng BTC dahil walang private keyMas mataas kung exposed ang private keys



4. Bakit Mas Secure ang Watch-Only Setup?

Kasi kung iisipin mo, nagtago ka ng Bitcoin sa hardware wallet mo. Pero gusto mong makita ang transaction nito, let says bawat buwan. Hindi mo na kailangang i-plug ang hardware wallet mo at pag risk pa dahil pwede mo syang i-setup bilang Watch-Only wallet.

Ito ang pangunahing security advantage ng paghihiwalay ng monitoring at signing.



5. Paano Gumagana ang Watch-Only Setup?

Isang halimbawa ng setup ay ganito:

Hardware wallet->Private keys->Watch-Only Wallet->Monitoring ng iyong balanse->Computer mo.

At kung gusto mong gumastos ng Bitcoin, maaaring gumawa muna ng unsigned transaction sa online computer.

Pagkatapos, maaaring gamitin ang hardware wallet o ibang signing device upang pirmahan ang transaction.

Pagkatapos ng signing, maaari nang i-broadcast ang signed transaction sa Bitcoin network.

Ang konseptong ito ay maaaring gamitin kasama ng PSBT (Partially Signed Bitcoin Transaction), depende sa wallet at setup.



6. Kailan Dapat Gamitin ang Bawat Isa?

Walang isang setup na pinakamaganda para sa lahat.

Depende ito sa kung paano mo ginagamit ang Bitcoin.

GamitMas Angkop na Setup
Daily spendingSpending Wallet
Long-term Bitcoin holdingsHardware Wallet + Watch-Only Wallet
Pag-monitor ng malaking BTC balanceWatch-Only Wallet
Transaction signingHardware Wallet / Signing Device
Cold storageOffline Signing Device + Watch-Only Wallet

Para sa long-term holdings, maaaring maging kapaki-pakinabang ang paghihiwalay ng wallet na ginagamit para sa monitoring at ang device na naglalaman ng private keys.



7. Anong mga Wallet ang May Watch-Only Support?

Ilan sa mga kilalang wallet na maaaring gamitin para sa watch-only setup ay:

WalletWatch-Only SupportPaano Ito Ginagamit
Sparrow WalletOoMaaaring gumawa ng watch-only wallet gamit ang xpub o iba pang public wallet information para sa monitoring.
ElectrumOoMaaaring gumamit ng master public key para gumawa ng watching-only wallet.
BlueWalletOoMaaaring gamitin ang public address o supported extended public key para sa monitoring.
Specter DesktopOoMay support para sa watch-only wallets at hardware-wallet workflows.

Sparrow Wallet - partikular na idinisenyo upang gumana sa iba't ibang wallet setups, kabilang ang watch-only wallets at hardware wallets.

Electrum - mayroon ding documented watching-only workflow. Maaari mong ilagay ang master public key sa online computer habang nananatili sa offline device ang private keys.

BlueWallet - maaari ring gamitin para sa watch-only monitoring, depende sa uri ng wallet information na ini-import.

Specter Desktop - nakatuon sa advanced Bitcoin self-custody at hardware-wallet workflows, kabilang ang watch-only setups.

Mahalagang tandaan na ang watch-only support ay hindi nangangahulugan na pare-pareho ang features ng bawat wallet.

Ang ilan ay nakatuon sa simpleng monitoring, habang ang iba ay may advanced features gaya ng:

  • PSBT signing
  • Hardware-wallet integration
  • Multisig
  • Offline signing

Kaya bago pumili ng wallet, magandang tingnan kung anong klase ng watch-only functionality ang aktuwal na sinusuportahan nito.



8. Konklusyon

Ang Watch-Only Wallet at Spending Wallet ay may magkaibang roles sa ating Bitcoin holders. Ang watch-only wallet ay nakatuon sa monitoring, habang ang spending wallet o signing device ay nakatuon sa transaction signing.

Ang malaking advantage ng paghihiwalay ng dalawa ay hindi kailangang nasa isang internet-connected device ang iyong private keys.

Sa madaling salita:

Watch-Only Wallet = Nakikita mo ang Bitcoin.

Spending Wallet = Maaari mong gastusin ang iyong Bitcoin.

Mahalaga pa rin ang tamang pagprotekta sa:

  • Seed phrase
  • Private keys
  • Wallet backups
  • Signing device
  • Mga device na ginagamit para sa wallet monitoring

Sa huli, ang watch-only wallet ay hindi kapalit ng hardware wallet o cold storage.

Maaari itong maging kasama ng mga ito—isang paraan para makita at i-monitor ang iyong Bitcoin wallet habang nananatiling hiwalay ang private keys.



9. Mga Sanggunian


Peanutswar
Legendary
*
Online Online

Activity: 2436
Merit: 2214


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
October 19, 2026, 06:15:01 AM
 #2

Oh wait so basically ang watch only wallet is like a portfilio lang din ng mga address ninyo tama ba?

Kasi ako currently may ginagamit din ako na tracker lahat ng crypto asset ko is tapos ginagawa ko lang is pang monitor lang talaga di ako pwede mag spent doon gamit ang platform na yun check lang if profitable ba ako or not. So sa spending wallet is gumagamit tayo dito ng dalawang wallet. Hot and Cold wallet which is sa hot wallet ito yung pang active natin na ginagamit na willing tayo mawala at ang cold wallet is for long term natin.

Salamat dito OP para at least iwas din sila mag login lagi ng wallet nila. Or else is tamang gamit lang din sila ng blockchain explorer which is the same sa ginagawa ko pa din para sa hodling ng bitcoin ko.

▄▄████████████████████▄▄
▄████████████████████████▄
██████████████████████████
██████████████████████████
███▄▄▀▀▀▄▀▀▄█▄▀▀▀▄█▄▀▀▄▄██
████████████▐▌████▐▌██████
███▀███████▀▀████▀▀███████
███▐▌█████████████████████
████▀▄▄██▄▄▄▄███▄▄▄███████
██████▀▀▀█▀▀▀▀█▀▀▀▀▀██████
██████████████████████████

▀████████████████████████▀
▀▀████████████████████▀▀

..1win..
█████████████████████████
█████████████████████████
████████████▀░░░▀▀▀▀█████
█████████▀▀▀█▄░░░░░░░████
████▀▀░░░░░░░█▄░▄░░░▐████
████▌░░░░▄░░░▐████░░▐████
█████░░░▄██▄░░██▀░░░█████
█████▌░░▀██▀░░▐▌░░░▐█████
██████░░░░▀░░░░█░░░▐█████
██████▌░░░░░░░░▐█▄▄██████
███████▄░░▄▄▄████████████
█████████████████████████
█████████████████████████

..POKER..
█████████████████████████
█████████████████████████
███████████▀▀▀███████████
███████▀▀░░▄▄▄░░▀▀███████
██████▄░░░░███░░░░▄██████
█████░▀▀█▄▄░░░▄▄█▀▀░█████
█████░██░░▀▀█▀▀░░██░█████
█████░░░░░░░█░██░▄▄░█████
█████▄░░░▄▄░█░▄▄░▀▀▄█████
███████▄▄▀▀░█░▀▀▄▄███████
███████████▄█▄███████████
█████████████████████████
█████████████████████████

..GAMES..
█████████████████████████
█████████████████████████
████████▀▀░░░░░▀▀████████
██████░░▄██▄░▄██▄░░██████
█████░░████▀░▀████░░█████
████░░░░▀▀░░░░░▀▀░░░░████
████░░▄██░░░░░░░██▄░░████
████░░████░░░░░████░░████
█████░░▀▀░▄███▄░▀▀░░█████
██████░░░░▀███▀░░░░██████
████████▄▄░░░░░▄▄████████
█████████████████████████
█████████████████████████
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!