So malaking tulong talaga ang self-exclusion at marami na ring Filipino ang nakaka-realize na hindi nakakatulong ang pagsusugal, sana tuloy-tuloy pa ito at gumawa pa ng maraming hakbang ang government para labanan ang gambling addiction. Since we cannot stop gambling anymore, siguro it will stay since the government needs taxes, but as long as tama ang implementation nila at ganito ang good results, magandang development na yan.
Good at bilib din ako sa mga nag-self-exclusion. Kudos to them for choosing to quit their addiction.
Sa tingin ko mas dadami pa 'yan considering na nawala na yung direct link nung pinaka-popular e-wallet dito sa Pinas sa local gambling sites [
1]
*Cough GCash Dito kasi sa probinsya, napapansin ko, even yung mga tricycle drivers lulong sa ganyang bisyo. Yung kita nila maghapon, matik pinangka-cash-in sa GCash para pang-scatter.

Mas maganda pa sana kung tanggalin na sa billboards at online ads ang mga ’yan. Sa Youtube nga, madalas ko pa rin nakikita ang mga ads nila; si Kim Domingo pa talaga ang brand ambassador nung isang local casino e. Mapapa-hinto ka talaga sa ad.
