........
Kayo ano ang na notice nyo? or similar parin na yung mga kapitbahay nyo ay wala paring pake kay Bitcoin?
Parang wala namang nagbago sa pagtingin ng mga kakilala ko tungkol sa bitcoin. Ewan ko kung saan nyan kinukuha yong mga data nila na lumalawak na yong adoption ng bitcoin sapagkat meron akong mga kapamilya na nasa IT pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang alam tungkol dyan sa bitcoin at ano ang gamit nito. Eh, wala nga silang pake nong na-hack yong Binance kaya in my opinion, hindi pa rin talaga ganoon kalawak yong adoption ng cryptocurrency dito sa ating bansa. Hangga't hindi kumikita ang mga ordinaryong tao dito sa bitcoin ay mananatiling walang pake yong mga kababayan natin dito.
Yan din nga yung hindi ko maintindihan, dumarami pero hindi naman natin nararamdaman talaga yung adoption. ang nararamdaman ko bilang individual crypto community ay kung pano sinasakal ng mga ahensya ng gobyerno natin tulad ng SEC ay yung pagban nila ng mga crypto foreign exchange na nakakapag-operate dito sa bansa natin.
Tapos mas lalo pa ngang napapasama yung crypto diba dahil sa mga binabalita nilang masama ang crypto para maitanim sa isipan ng mga mamamayang pinoy na ang bitcoin o crypto ay pawang scam lamang, ganito yung napapansin ko sa reality na nangyayari.
Ang pakikialam ng SEC ay nagiging hadlang sa inaasahan sana nating mabilis na paglago ng adopsyon sa bansa natin. Sinasabi ng gobyerno natin na magpataw ng tax sa mga crypto holders.
Hindi lang foreign exchange ang na-ban, pati na rin ang mga gambling sites. Sabi nila, suportado ng gobyerno ang cryptocurrency, pero panggigipit ang kanilang ginawa. Kung hindi nila maayos ang uri ng kanilang pamamaraan, hindi ko na isipin na lumago pa ang industriyang ito sa bansa.
Pero para sakin may ibang impression ako sa ginagawa ng SEC. Dahil tingin ko may point din naman kasi sila dun sa pagbibigay nila ng warning sa mga tao, tungkol sa mha nilabas nilang risky platforms.
Gets ko yung punto nila. Pero yung iba nga lang talaga ay medyo tagilid. Maybe dala din ito ng maliit nilang kaalaman kaya minsan nagkakamali din sila sa mga ibang bagay na kanilang ginagawa.
I don't expect any growth with this current administration. Pagsumpo palang ng problema sa ating ekonomiya ay di kayang gawan ng paraan. Pag adapt pa kaya, lalo na't bago palang ito sa kanilang pandinig.