Pansin ko lang na marami nang anonymous exchanges ngayon. Ang process nila ay mag-send ka lang ng crypto at makakatanggap ka ng ibang crypto, no account needed, no KYC, kaya mabilis lang.
Ano bang pinagkaiba nito sa mixers in terms of tracing? For instance, kung mag-send ka ng Bitcoin gamit ang anonymous exchange at ang matatanggap mo ay altcoin, ma-trace pa rin ba ng authorities kung saan napunta ang Bitcoin at kung sino ang receiver, considering na anonymous exchange ito?
Most probably, yes. Depende rin kasi 'yan sa exchange, if itatago ba nila yung trace ng swaps/sells sa exchange nila or those are available to be traced sa blockchain networks. Mostly kasi, those exchanges only aim to protect your identity by not requiring you to undergo a KYC process (which most centralized exchanges require), kaya tinawag na anonymous.

Mixers, on the other hand, ultimately aim to break blockchain connections. Nililinis nito ang trace ng coin sa blockchain by swapping it with clean coin (madalas sa mga "clean" coins nila is purchased directly from CEX or P2P). You send BTC to them, then mixers pick BTC-XZY sa hawak nilang pool ng mga BTC and send it to you - this severs the connection with your previous BTC to you.
Note that may mga anonymous crypto exchange din that offer mixing services.
Marami kasing mga instant swap atomic model na iba iba ang blockchain na ganyan ang style.
Ibang category na yata yun; I think those are considered decentralized exchanges.
