Medyo stretched yung imaage pababa kabayan kaya medyo mahirap basahin yung mga nakasulat. Much better kung bawasan mo yung height para maging less stretch yung text.
Hindi ko lang alam pero ok naman siya sa browser ko (Google Chrome)
Back on point. Totoo talaga na maayos na sana yung pagtanggap ng Bitcoin sa bansa natin noong panahon na bago plang si BBM since open sya pag accept sa Bitcoin.
Nag iba ihip ng hangin nung naging focus ang government sa pagnanakaw sa national budget since humanap sila ng mga funds para dito then madaming mga oligarch ang nagsamantala sa weakness ng government. Resulta, monopolize at wala ng development sa Bitcoin acceptance. Bawi nlng tayo next administration.

Marahil nga dahil bz sa paghahanap ng maibubulsa ang ilan sa nakaupo sa pwesto, kaya mas pinaburan ang pagsasara ng registration ng VASP ng ilang taon at marahil nga ay tumanggap ng malaking halaga ang mga nakapwesto sa mga gustong magmonopolize ng industriya patungkol sa cryptocurrency exchange dito sa bansa.
Naisip ko lang kung hindi pinagbawalan ang pagpasok ng ibang bansa sa pamamagitan ng paghinto ng pagtanggap ng mga aplikasyon, gaano na sana kalayo ang development ng crypto sa ating bansa?
Hindi ko sinasabi na magiging advanced tayo, pero makaka-keep up tayo sa ibang bansa na bukas sa pagtanggap ng mga global exchange. Makaka-experience tayo ng iba't ibang features na ino-offer ng mga global exchanges na di mo makikita o ma-e-experience sa mga local exchanges natin.
Dahil hindi tinatanggap ang application ng mga global exchange, marami ang nakakaramdam na parang paatras tayo, dahil huli tayo sa latest development ng mga global exchange.
Ramdam ko rin na parang biglang bumagal ang usad ng cryptocurrency dito sa bansa ng isara nila ng ilang taon ang pagrehistro sa VASP at sa pagkakaalam ko ay medyo aktibo na sana ang mga programa tungkol sa cryptocurrency that time . Then biglang humina dahil nga sinarado nila ang pinto para sa mga foreign exchange through VASP.