Madali lang magbenta pero mahirap ang bumili. Kasi kahit may pera, may mga panahon na kahit gusto natin bumili ay parang may pumipigil sa atin kasi nga parang ayaw natin ng price at baka bumaba pa. Pero sa totoo lang, may point din naman na halos parehas ang mahirap. Yung ayaw nating magbenta kasi ayaw natin sa price na meron siya at baka tumaas naman. Kung dumating naman yung bull run, mas nagiging greedy ang isang tao at gusto pa din natin maghintay lang ng maghintay kasi psychologically, sa isip natin patuloy lang yan tataas at parang hindi na bababa. Basta planuhin lang lahat ng galaw, mapa-bili o benta man at ang mahalaga sa panahon na ganito ay patuloy lang din bumili.
Both madali lang pero own opinion ko lang ito ah.

Sa sinabi mong may panahon na gusto nating bumili pero baka bumaba pa ang price, ito ang dahilan kaya palagi nating sinasabi na wag mag all-in sa iisang price pagdating sa pag-invest. Hindi rin naman natin mapipigilan na bumaba ang price at hindi naman natin malalaman kung kelan bababa or kung bababa ba kaya palaging magtira ng pera para kapag bumaba eh makakapag-invest ka pa rin. Same sa pagbenta. Wag rin mag all-in sa pagbebenta. Magbenta ka ng let's say 40% sa price na ito tapos pag tumaas pa, mag benta ka ulit ng 40% at ung natitirang 20% ay kapag tumaas pa ito.
May sinabi ka kabayan na ginawa kong bold text dahil hanggang ngayon eh masama pa rin ang loob ko.

2021 bull run. Imbes na ibenta ko lahat ng assets ko at mag imbak ng stablecoins para sa paparating na bear market eh mas pinili kong ihold ang mga ito hanggang sa bumagsak na nga silang lahat. Natuto na ako at nitong nakaraang bull run eh binenta ko talaga lahat ng assets ko at nag ipon para may ipangbili ngayong bear market year.
Gaya ng sinabi mo, planuhin lahat ng galaw at palagi dapat na may Plan B at Plan C.
