Bitcoin Forum
October 30, 2026, 01:00:13 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: [LARO]Bitcoin Escape Room 2 Yugto - Ang Nawawalang Block[$100 pabuya]  (Read 27 times)
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2221


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
October 29, 2026, 01:16:52 PM
Merited by BigTarget (3), GazetaBitcoin (1)
 #1

Orihinal na akda: [GAME]Bitcoin Escape Room Season 2 - The Missing Block[$100 reward]
Orihinal na akda ni: BigTarget






Isang Bitcoin Forensics Challenge | Season 2
"Ang ebidensya ay nasa chain. Ang katotohanan ay nasa detalye."



Ano ang Bitcoin Escape Room Season 2

Ito ay pangalawa yugto ng aking Bitcoin educational puzzle series.
Hindi katulad ng ika-1 yugto, kung saan inalam natin ang pinagmulan ng Bitcoin, fundamentals at historya, ngayon ang yugto ay magpo-pokus sa praktikal na imbestigasyon at teknikal na dahilan.
Ngayon ay titingnan ninyo ang mga ebidensiya, at uunawain ang Bitcoin data, i-resolba ang pagkakaugnay ng mga puzzle at ipaliwanag ang inyong konklusyon.
Hindi mo kailangan maging Bitcoin developer, pero maging mausisa, maingat sa mga dahilan, at magbigay ng atensiyon sa bawat detalyeng makakatulong.



Papremyo (Babayaran sa BTC )

🥇 Unang puwesto: $50
🥈 Pangalawang puwesto: $25
🥉 Pangatlong puwesto: $15



Mga Patakaran

• Ang mga Alt-accounts ay hindi maaaring sumali at sila ay ma-re-report.
• Kailangan mayroong 5 merits na nakuha sa huling 120 araw.
• Ang Season 1 ay binubuo ng 6 puzzle rooms at kailangan inyo makaalis sa lahat ng ito nang sunod-sunod para manalo.
• Huwag lamang i-post ang sagot kundi ibigay din ang inyong eksplanasyon. Isang magandang sagot ay bibigyan ng halaga kaysa sa isang linyang sagot.
• Bukas ang makikipagdiskusyon, pero ang bawat manlalaro ay kailangang magbigay ng kanyang sariling solusyon.
• Kung ang kwarto ay naging mahirap, ang mga palatandaan ay ibibigay sa susunod.
• Ang mga mananalo ay pipiliin batay sa lahat ng kalidad ng kanilang sagot mula sa anim na kuwarto at hindi lang kung sino ang nauna.
• Hindi pinagsikapan, copy-pasted, o di kaya naman ay halatang gawa ng isang AI, ito ay diskwalipikado.
• Ang pinakahahalaga ay matuwa at mag-saya sa mga pagsubok!



Pormat ng Aplikasyon

Wala itong pormat. Isolba lang ang bawat kwarto at akyatin ang leaderboard.
Ang unang 3 makakatakas ay gagantimpalaan, pero ito ay maaaring madagdagan kung ito ay dadagdagan ng ilang mga kalahok.



Ang Kwento

Quote
Kung sa tingin nyo ang paglalakbay na ito ay tapos na noong nakatakas ka sa Satoshi's Vault.
Nagkakamali ka.
Pagkatapos ng ilang taon, isang misteryosong mensahe ang lumabas sa iyong terminal:
CASE FILE #002: ANG NAWAWALANG BLOCK
Isang transaksiyon ang sinabing nawawala.
Ang balanse ng wallet ay hindi nadagdagan.
Ang isang block ay lumabas na kakaiba.
Dalawang source ang hindi sumasang-ayon sa nangyari.
May isang tao ang nagtatago ng isang mahalagang detalye.
Ang iyong misyon ay hanapin ito.
Maaari mong magamit ang koleksiyon ng transaksiyon ng record, block data, technical clues at witness reports.
Ilang ebidensiya ang magagamit, ang ilan ay hindi kumpleto. Ang ibang konklusyon ay magiging kumplikado sa unang tingin.
Mayroong anim na kwarto sa pagitan mo at sa katotohanan.



Ang mga Kwarto

Quote
Room 1 - Ang nawawalang Transaksiyon
Imbestigahan ang nawawalang bayad at tukuyin ang maaaring ebidensiya na magpapatunay.

--------------------------------------------------------------------------------

Room 2 - Ang Wallet Ay Hindi na Dagdagan
Alamin ang galaw ng pera at pagkakakilanlan ng misteryo sa likod ng balanse ng wallet.

--------------------------------------------------------------------------------

Room 3 - Ang Forged Block
Tingnan ang block data at alamin ang kakaiba dito bilang ebidensiya.

--------------------------------------------------------------------------------

Room 4 - Ang Fee Trap
Imbestigahan at siyasatin ang transaksiyon at alamin kung bakit ang kumpirmasyon nito ay kakaiba.
--------------------------------------------------------------------------------

Room 5 - Ang Dalawang Source ng Katotohanan
Lutasin ang hindi pagkakasundo ng dalawang source ng Bitcoin data.
--------------------------------------------------------------------------------

Room 6 - Ang Huling Pagbubuo
Pagsamahin ang mga clue at ayusin kung ano ang totoong nangyari.





Mga Takdang Iskedyul ng Paglalabas

Para ito ay panatilihing interaktibo, bawat kwarto ay ilalabas sa magkakaibang post sa thread na ito.

Post Link       Content        Status
Room 1Ang nawawalang TransaksiyonActive until Oct 27th, 2026
Room 2Ang Wallet Ay Hindi na DagdaganLaunching on Oct 27th, 2026
Room 3Ang Forged BlockTBD
Room 4Ang Fee TrapTBD
Room 5Ang Dalawang Source ng KatotohananTBD
Room 6Ang Huling PagbubuoTBD



Leaderboard

Rank       Bitcointalk Username        Rooms Completed
🥇-0/6
🥈-0/6
🥉-0/6

Ang leaderboard ay mag-u-update matapos makumpleto ang bawat kwarto.




#Ang layunin nito ay hindi maunang makatakas. Ito ay pagpapakita ng totoong pag-unawa sa Bitcoin.



Huling Mensahe

Quote
Ang kada transaksiyon ay nag-iiwan ng ebidensiya.
Kada block ay nagsasabi ng kwento.
Bawat ebidensiya ay kailangang maunawaan ng tama.
Maaari mong mahiwalay ang katotohanan sa haka-haka, mabuo ang pangyayari, at makita ang katotohanan sa likod ng nawawalang block?


Ang palaro ay malapit nang magsimula.
Abangan ang Room 1.

Good luck sa lahat ng sasali!

▄▄████████████████████▄▄
▄████████████████████████▄
██████████████████████████
██████████████████████████
███▄▄▀▀▀▄▀▀▄█▄▀▀▀▄█▄▀▀▄▄██
████████████▐▌████▐▌██████
███▀███████▀▀████▀▀███████
███▐▌█████████████████████
████▀▄▄██▄▄▄▄███▄▄▄███████
██████▀▀▀█▀▀▀▀█▀▀▀▀▀██████
██████████████████████████

▀████████████████████████▀
▀▀████████████████████▀▀

..1win..
█████████████████████████
█████████████████████████
████████████▀░░░▀▀▀▀█████
█████████▀▀▀█▄░░░░░░░████
████▀▀░░░░░░░█▄░▄░░░▐████
████▌░░░░▄░░░▐████░░▐████
█████░░░▄██▄░░██▀░░░█████
█████▌░░▀██▀░░▐▌░░░▐█████
██████░░░░▀░░░░█░░░▐█████
██████▌░░░░░░░░▐█▄▄██████
███████▄░░▄▄▄████████████
█████████████████████████
█████████████████████████

..POKER..
█████████████████████████
█████████████████████████
███████████▀▀▀███████████
███████▀▀░░▄▄▄░░▀▀███████
██████▄░░░░███░░░░▄██████
█████░▀▀█▄▄░░░▄▄█▀▀░█████
█████░██░░▀▀█▀▀░░██░█████
█████░░░░░░░█░██░▄▄░█████
█████▄░░░▄▄░█░▄▄░▀▀▄█████
███████▄▄▀▀░█░▀▀▄▄███████
███████████▄█▄███████████
█████████████████████████
█████████████████████████

..GAMES..
█████████████████████████
█████████████████████████
████████▀▀░░░░░▀▀████████
██████░░▄██▄░▄██▄░░██████
█████░░████▀░▀████░░█████
████░░░░▀▀░░░░░▀▀░░░░████
████░░▄██░░░░░░░██▄░░████
████░░████░░░░░████░░████
█████░░▀▀░▄███▄░▀▀░░█████
██████░░░░▀███▀░░░░██████
████████▄▄░░░░░▄▄████████
█████████████████████████
█████████████████████████
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!