BUY LOW SELL HIGH??Sa trading yan ang madalas mong marinig na payo karamihan sa mga traders. Pero ang tanong, yan nga ba talaga ang pinaka basic sa Trading?? Hmmm, madali lang naman talaga sabihin pero napaka generic po nito.
Nung una kong magtrade ng mga cryptocurrencies yan din ang mahiwagang payo ng nagrefer sa akin pero di naman talaga directly applicable sa trading eh. Dahil ang daming alt-coins at iba-iba ang mga range nito. Ang tanong, pano natin masasabi kung nasa LOW o HIGH na ang mga coins na ito?.
Yun na nga eh, kung intindihin lang natin mabuti ang pinaka-basic talaga sa trading ay,
📌
"Alamin ang Best Price to BUY and Decide kelan ka mag-siSELL (exit)."In short, ang buying side talaga natin ang pinaka importante sa trading. Kung nasa best price ka lang nakabili ng isang coin, nasa safer side talaga tayo. Pero kadalasan nga lang, it takes a lot of time to buy at its best price na mauuwi lang sa inip pag kunti lang pacenxa mo.
Decide kelan ka magsisell? oo, dahil depende na yan sayo kung anong target amount ng profit na gusto mo.
Unfortunately, marami sa atin dun na bibili sa mga trending PRICE (hyping stage) na which is too risky not unless alam mo pano laruin ito using short-term strategies. Oo, kung isa kang big investor, kunting galaw pwede ka naman kumita ng malaki pero kung hindi satoshis lang makukuha mo versus sa taas ng level ng RISK.
Bakit napaka risky ng mga trending coins?.. -Dahil meaning pag nagsitaasan na price nyan, yan na po dapat ang best time to sell pabor para sa mga long-term traders hindi po yan buying stage.
In short, its more on hype sa ayaw at sa gusto mo. Pag isa ka sa nakabili nyan na nagbabakasakaling tataas pa ang price nito lalo, well, malaki ang chance na magiging bag holder ka lang pag di mo talaga alam kelan ang tamang pag exit nito, it needs more timing pag nasa ganyang estado na.
Eh kailan ba talaga dapat bibili ng coins??📌 The safest way sa pag invest ng coin ay,
"HABANG TULOG PA ANG MARKET NITO!!" (knowing dev team are still working in background).
📌 At isa pa, iwasang bumili po sa direct price ng mga coins learn how to set buy orders at tatawad pa para sa possible BIGGEST dump na mangyayari. Mapapansin mo, most traders takot sa pula o Dump ng isang coin, pero ang tanong, pano na yung mga taga SALO ng mga dump ng mga PANIC TRADERS?? Syempre, sila yung mga tunay na mga Ninja moves! lol, I mean, mga real traders talaga..
Bawasan na rin ang kape.
Also, learn how to read basic graph history ng mga coins at isummarize ang laro ng market nya. Tandaan every coin, ibat iba po ang laro nito.
Happy Trading..