Bitcoin Forum
May 07, 2024, 01:23:48 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 [77] 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 »
1521  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 04, 2019, 01:00:26 PM
Di ko lang marecall kung nakakapag laro na ba ulit si Gordon Hayward ng Celtics after nung injury nya at kamusta naman ang performance.

Mukhang matagal ka ng di nanunuod ng laban ng Celtics ahh, last season pa kasi nag lalaro si Hayward and until now healthy pa rin siya.

Maganda naman ang performance ng Celtics paps, at ganun parin ka lakas si Hayward gaya ng dati. Mas lalo nang bumuti ang pangangatawan nya dahil sa tamang diet at disiplina.
Heto ang link ng highlights ng laro ng Celtics this year paki tingnan lang sa baba.
https://youtu.be/kqdhc4FT4Ic
1522  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Meron pa bang update sa traxion token? on: November 04, 2019, 07:25:11 AM
Magandang araw sa lahat, nais ko lang sana malaman ang update sa traxion token, kung sino ang nakaalam. Napakaganda kasi ng plano noon ng team noon kasi pinoy ang team nila at naniniwala ako na maraming nakakajoin noon. Anyare?...  Sad Huh Undecided
huli kung nakita eh na list sila sa idex after nun wala na ko balita, mukhang delisted nadin sila sa idex.
https://m.facebook.com/traxiontech/?_rdr
Last update  nila sa fb , mukhang naubusan na ng fund para i continue ung proyekto .

Apektado talaga ang karamihan ng proyekto sa bearish market na nangyayari. Kasi kung delisted na ang traxion sa idex, at wala namang ibang exchange na tumatangap dito, eh considered na deadcoin na ito sa ngayun. Sana nga lang hindi, at may panahon na babangon ang mga developer sa proyektong ito kapag naging maayos na lahat ng altcoins.
1523  Local / Pamilihan / Re: Usapang Security: Tignan kung compromised ang email niyo on: November 04, 2019, 04:10:41 AM
Nag try ako ilang minuto lang, at maganda naman ang resulta safe parin ang email ko hindi ito nanganganib sa posibleng masamang mangyari.
Kung mangyaring na compromise yung email natin pagka check natin gamit yung link na suggest ni Op. Dapat sundin nalang ang nararapat na gawin upang di masadlak sa mas seryoso na sitwasyon ang ating email. Mas mabuti nang sigurado kaysa hindi, kasi siguridad natin ang nakasalalay.
1524  Local / Pilipinas / Re: [Koro-Koro] mga magaganap sa taong 2019-2020 on: November 04, 2019, 02:53:44 AM
Sa tingin Ko Bitcoin Halving ang may malaking idudulot para tumaas ang presyo ng Bitcoin sa susund na taon. Dahil nakita naman natin nun kung gaano kabilis tumaas ang presyo ng bitcoin at halos 1,000 ito kada buwan hanggang sa umabot ito ng 20,000$. Sana ay maging double pa ang presyo nito sa susunod na taon. 

Marami sa atin ang may hangad na mangyari ang lahat ng iyan, pero kung titingnan natin ang takbo ng merkado medyo mahirap itong makamit sa maiksing panahon. Kung aasahan natin na dodoble pa ito sa susunod na taon, siguro ilang buwan pa bago makamtan ang $20k. Mas mahirap isipin kung aabot hanggang sa patapos na din ang 2020 bago mangyari ang inaasam natin.
1525  Local / Pamilihan / Re: Mga bounty hunters ginagamit madalas ng mga scammer para makalikom ng pera on: November 03, 2019, 03:53:05 PM
Sa tingin ko ang problema is hindi nagtutulungan yung nag-mamanage ng bounty campaign at yung mismong bounty hunters.
Yes, ilabas na natin dito yung mismong company/startup/project, why? kasi kung nature talaga ni mang-scam, wala na tayo magagawa dyan.
Kahit anong promises pa gawin nila when the campaign starts, hindi parin talaga magiging happy ending.
Ang mas mabuting pagtuonan ng pansin is yung cooperation ng bounty manager at mismong bounty participants.
Tao lang din kasi mga BM's and there will be times na yung evaluation nila about the company/startup/project ay hindi 100% accurate, that's the time that the bounty hunters can also help on validating the company/startup/project.
Hindi yung aasa 'lang sa evaluation ng BM at basta-basta na 'lang sasali, then, kapag tagilid na yung project sa bandang huli, BM nalang palagi sinisisi.
Remember that everyone always have a choice, pupwede kayo sumali, pupwede din hindi.
You also have a choice to voice out your opinion about the said company/startup/project, at least you can help on raising awareness not only sa BM pati narin sa kapwa mo bounty hunter.
Nang sa ganun ay hindi maging kasangkapan sa pang-iiscam ang mga kapwa mo bounty hunters at ang BM.
caming from one of the best and finest Bounty manager na Pinoy?sapat lahat ng sinabi para maunawaan na wag lage isisi sa Bounty managers,at wag din isisi sa Kumpanya kasi minsan kailangan din tayo mismo ang gumawa ng paraan para kilalanin ang sasalihan nating campaigns,ang problema kasi madalas ay nagtitiwala nalang tayo dahil sa laki ng  kikitain,or dahil sikat ang manager na hahawak.tapos tayo hindi na nag reresearch at basta nalang sumasali kaya ang kalalabasan?ayon Biktima at magrereklamo kasi na scam

Lahat ng nakikita natin hindi lahat tutuo, meron sa mga ito ay panlilinlang lamang upang makapanlamang ng tao lalo na ang mga scammers. Hindi na bago ang balitang ito, at sa dami ng tao na gusto kaagad kumita ay nasadlak sa ganyang sistem kaya agresibo mag join sa kahit anong project, na hindi iniisip ang kahihinatnan.
1526  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 03, 2019, 03:00:06 PM
Guys sa tingin nyo, ano na kaya ang mangyayari sa Golden State? katapusan nila na kaya? ito ang nakita ko ngayon sa aking Newsfeed matapos magkaroon si Stephen Curry ng malalang injury na nagdala sa kanya na hindi bababa sa 3 buwang pagpapagaling. makakayanan kaya ng ibang GSW Warriors ang depensahan ang kanilang trono sa streak nila sa championship games? or ito na yung panahon na makikita natin na iba na yung teams na magkakaharap sa final games?
Sa tingin ko diretsong losing streak na sila parang kabilang na sila sa worst team ngayon season.
sira na ang gameplan at wala ng chemistry ang team tapos mapapagod pa ang players nila dahil konti lang ang kapalit.

Pilay na pilay na ang GSW ngayon, sakit lang tignan na last season ang lusog pa ng team nila kayang kaya talagang pumasok ng finals pero ngayon napaka baba na ng chance na pumasok ito sa playoffs. Sa ngayon wala pang team na makikita na malaki ang chance sa finals talagang anybody's game ngayong season kahit lakers di pa sigurado na pang finals ang team nila. Pero di natin alam like nung nangyare last season na di naman maingay ang raptors at puro chamba pa ang pagpasok pero sila ang nagchampion.

Hindi din sila healthy nung nakaraang season dahil injured din so Durant at SI Thompson Kaya nagkanda letse2x laro nila Kaya Wala talaga silang Panama sa raptors dahil kompleto sila. At sa ngayon lalo na silang mahihirapan dahil Wala SI Thompson, injured SI Curry dumagdag pa SI green sa injured list nila Kaya tiyak di na talaga sila makakapasok sa play offs Wala silang maaasahan Kay Russell dahil sobrang lambot nun.

Pero sa ngaun talaga napaka unpredictable ng teams ngaun dahil parehong malakas Kaya tingnan nalang natin ang susunod na mangyayari dahil tiyak puros magagandang Laban ang magaganap dahil lahat ng team naghanda talaga bago mag open ang season.
Hindi pa natin sigarado kung si Russell ay magkakaroon ng bagong stilo sa laro upang makatulong sa kamyang team. Gaya nga ng sabi mo mate na unpredictable, tama yan nga lahat ng trend ng laro parating nakak surpresa yan at hindi naman kaila halos pare pareho ng lakas ang mga players dahil sa sobra silang handa sa sarili bago sumalang sa laban. Basta importante sa sarili ko pag nag bet ako ay hindi ko na iisipin kung alin sa kanila ang pinaka magaling, ang maganda ay alam mo ang mga pamamaraan nila.
1527  Local / Pamilihan / Re: (HYIP) LASON sa imahe ng Crypto on: November 03, 2019, 02:21:17 PM
Talaga namang lason ang mga investment scheme na ito sapagkat ito ang nagiging dahilan ng pag-iisip ng karamihan na ang cryptocurrencies ay isang avenue upang makakuha ng mabilis at madaling pera, ngunit ang totoo ay hindi. Napakaraming risks ang involved sa pag-investment sa lehitimong paraan at 'di hamak na mas marami rin ang kaakibat ng mga gantong klase ng scam schemes. Yung mga nauuna lamang ang may nahihita; yung mga nahuhuli ay wala at kadalasang naiiwanang luhaan. Madali lang naman makaspot ng red flags sa isang investment scheme, at naibigay na naman karamihan ng mga ito dito sa mismong thread kung kaya't nasa sa inyo kung isusugal niyo o hindi.
ito talaga ang nakakasira sa imahe din ng cryptocurrency kasi kung maraming mga crypto user ang madadali ng ganitong investment ay magiging negative ang mga ito kahit hindi pa naman nila nalalaman ang ibang way na talagang legit naman kung magreresearch lang. Yun ang akala natin na maliit lang ang epekto ay malaking epekto pala sa atin kaya dapat puksain ang mga HYIP para sa ikakaganda ng lahat.

^ naalala ko tuloy yung mga nabalita dati na "bitcoin is a scam" dahil madaming tao ang nascam gamit ang bitcoin sinasabi na nila na scam si bitcoin without doing their own research kung ano ba talaga ang bitcoin at bakit nila nasasabi na scam. nakakatawa na lang sila, kadalasan talaga yung hindi alam ang isang bagay kung ano ano masasabi nila na hindi maganda
Wala din kasi nakakaalam sa kanila kung ano ba talaga ang bitcoin. Maski nasa media that time hindi talaga nila maintindihan kaya ang pagkakaintindi nila ung bitcoin talaga ung scam at hindi ung company na ginamit lang bitcoin pang scam. Pero siguro naman ngayon medyo madami nadin ung nakakaintindi pero syempre hindi pa lahat.

Puro negative din kasi ang media kaya di mo din gugustuhin ng aralin kapag alam mong pangit ang mga sinasabi, iisipin na ng mga tao scam talaga ang Bitcoin dahil dito, anyway, sana nga meron isang documentary na maganap para sa Bitcoin, about history, and kung anong meron siya para maaware ang mga tao.

Sa pagkakaalam ko biased ang media lalo na sa crypto, at kung sino ang malakas o malaki magbayad sa kani ay yung ang linalabas nila sa pahayagan lalo na sa article sa internet. Maraming beses na nasadlak sa masamang balita ang bitcoin, kaso pinipilit parin nitong bumangon galing sa putik. At sa kadahilanan na walang alam ang karamihan ng tao, yan talaga kadalasan ang mangyayari, ang panic at bumababang bilang ng adoption ay talagang posible.
1528  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Pillar token holders, may pag-asa paba umangat ito? on: November 03, 2019, 01:45:51 PM
I suggest that you continue holding since if you look at the price, wala na rin masyadong volume and the price is very low.
I still remember this coin and actually I have hold some of that in the past but lucky I was able to sell it in time, but just for that coin only since I still have a lot of holding in my wallet now with the same situation as that pillar.

Maraming nagsasabi na i hold nalang nya ito, dahil hindi natin alam kung anu ang pwedeng mangyari bukas. dag2x kolang na may mga time din yung mga worthless tokens sa wallet natin ay, meron din palang biglaang pag pum ng kanilang mga presyo. dahil nung isang araw lang nagulat nalang ako na meron ng presyo ang ETH wallet ko. hindi man gaanong mataas pero pwede na rin. Kaya naman i hold mo nalang ito dahil baka naman sa susunod ay bigla din itong mag pump at makakabawi ka na sa iyong matagal na paghold nito.

Kaysa sayangin lang sa mababang halaga at e dump ito, mas mainam na maging matatag at wag papadala sa iyong takot. Dapat i hold talaga at wag sukuan ang ating holdings, maging pillar man yan o ibang tokens na nasa wallet mo. Kung gaano man katagal mag pump ang market, di mabubulok yan at talagang magkakaroon yan ng kaukulang halaga pagdating tamang panahon.
1529  Local / Pamilihan / Re: [GAMBLING] PBA Governor's Cup Discussion and Crypto-Sportsbetting on: November 03, 2019, 12:34:57 PM
mukhang masarap humabol ng taya sa Gin kings ah malaki ang lamang ng Meralco ngayong second quarter 23-42 ang score talagang liliit ang odds ng meralco dyan at tataas naman ang sa gin kings 5.02 na ang ML ng gins sulit tayaan talagang sugal ang mangyayare.

Mag stay nalang ako sa meralco kasi sigurado yan babawi sa susunod na mga laro nila. Maganda di ang pinapakitang gilas nitong Gin Kings, kaya di malabo na magiging masaya ang laro na ito at talagang batak ang labanan.
Manalo matalo ang aking sugal para sa team na ito, obserbahan ko muna kung maka recover ba sila o hindi. Kasi pag hindi pa, lipat pusta na ako kung talagang walang pagbabago.
1530  Local / Pilipinas / Re: [Tanong] Technical Analysis on: November 03, 2019, 11:36:01 AM
Hindi ako full time trader kasi alam ko baka maubusan lang ako. Meron akong nakikita sa facebook na para sa mga full time pinoy traders at maraming mga pinopost na mga proof ng mga students nila na kumikita pero may bayad ata training nila.
Bitcoin tagalog coach name ng fb nila.

Kung sulit naman ang bayad natin, di naman siguro worthless kung sasali tayu sa ganyang trainings. Magandang opportunity din sa mga students kasi sa batang edad nila ay natuto na sila kumita ng pera sa pamamagitan ng pamamaraan na makukuha sa training. Sana rin mapalago ito sa buong bansa natin para tataas ang bilang ng mga natututo ng trading.
1531  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: XYO Geohacker on: November 03, 2019, 11:10:21 AM
Mga kabayan, meron ba dito yung mga holder ng XYO or gumagamit ng coin app?

Holder ako kabayan pero hindi ako gumagamit ng app para mag store ng ganito. Ang tangi ko lang pinaglalagyan nyan ay ang metamask wallet ko, kasi mas trusted ito kaysa ibang wallet sa aking palagay lang. Pero pwede naman siguro ito e strore sa app gaya na trust wallet.

Metamask din ang gamit ko, yung sinasabi kong coin app is yung mismong app nila na gamit talaga sa project nila at hindi pang store ng kung anong coins. Most xyo users gamit ay trust wallet Smiley

Maganda din naman gamitin yang trust wallet kabayan, kaya lang tipid tipid lang muna kasi sayang yung eth balance ko transaction fee galing metamask. Eh kung may rewards makukuha kung need talaga na gamitin ang trust wallet para sa pag store ng xyo token.
1532  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: MAY CHANCE BA NA MADEFEAT NG XRP ANG BTC BILANG TOP 1? on: November 03, 2019, 10:27:18 AM
Wala. Kasi hindi naman basehan ang ranking dyan sa coinmarketcap. #1 ang XRP kung "centralized coin" ang category. Gusto mo ba ng ganyang coin na centralized? Edi parang di ka rin nakawala sa lumang banking system.
Tama ka po at gusto  ba natin na mag top 1 si XRP which alam naman natin na sa presyo pa lang hindi nya kakayanin ang bitcoin matalo. Saka hindi naman totally accurate ang ranking coinmarket nag base lang siguro sa everyday na volume yan kaya nagbago ang ranking. Malabo talaga na maungusan si bitcoin ni XRP, decentralized si bitcoin at alam naman natin na maraming may gusto ng ganitong system compare sa centralized na katulad ni XRP.
Malayong malayo ang porsyentong ito upang ma lampasan ng xrp si bitcoin, at kung titingnan natin ang takbo ng presyo nito mukhang mahirap talaga. Ang presyo sa ngayun ay mahina pa ang kanyang pag angat, at kahit ang bitcoin ay nag downturn ng maraming beses hindi naman ito ganun ka lakas mag crash. Kailangan pa ng ilang taon aabutin bago mangyari yan, at dapat may whales din na bibili ng malaking holdings upang matawag natin na competent and xrp.
1533  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: China is cooking its own coin! on: November 02, 2019, 10:14:28 PM
Well pananaw nila yan kung ano ang mangyayari sa hinaharap pero walang katiyakan sa magiging resulta. In my opinion hindi parin malalaos ang metal assets like gold and silver dahil consistent parin ang demand nito sa buong mundo. At sa pag launch ng China ng gold backed crypto asset malaki ang impact nito sa economy bansa nila at titibay lalo ang monetary system nila.

Kung ganon ang aim ng china sa crypto, talagang sustainable ito sa darating na panahon dahil hindi lang digital asset ang focus nito, pati narin pala sa physical asset gaya ng gold. Magaling ang china sa business, so sa tingin ko titindi ang sistema ng ekonomiya nila dahil sa magandang hubog nito sa pangkalahatang merkado lalo na sa crypto. Malaking dulot din kay bitcoin kasi dadami ang demand kasi crypto na ang kadalasan gamitin ng mga tao, lalakas ang demand.
1534  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 02, 2019, 02:38:04 PM
quote]

Need ko din talaga ng confirmation for those users na nag withdraw using xrp kasi nag dadalawang isip pa ako.
Masiyadong mahapdi yung fee if direct btc withdrawal kaya consider ko talaga yung xrp.Imagine 500 pesos ang masasave.

Wala akong Psbank. Why not try Security bank instead?

Ok na yung xrp wallet ng yobit working as normal na ulit nag try alo kahapon lang and if my doubt po pwede naman itry mag withdraw ng 50xrp as minimum lang para matry kung may problema or wala yung xrp wallet nila Smiley

Maraming salamat sa pag-update mo sa amin tungkol sa XRP wallet ng Yobit tol, ito rin kasi ginagamit ko upang magsend galing sa yobit patungong coins.ph, tingin ko kasi sinuwerte talaga tayo noong mag desisyon ang Coins na i dag2x ang XRP sa mga Altcoins na tinatanggap nila. mahirap na kasi kung umasa ka sa BCH, Naku! napakatagal na transaction. isang beses ko lang nasubukan sa OKEX patungong Coins. kaya yun kung magwiwithdraw man ako galing sa mga ibang exchanges, dalwa lang talaga ang pinagpipilian ko, kung hindi ETH, XRP.

Talagang malaki ang advantage nito sa lahat ng trader sa ating bansa, dahil makakatipid pa sila sa withdrawal fee at tsaka advantage di para kay yobit na lalakas ang deman ng xrp kasi bibili ang karamihan para lang makapag withdraw ng pera nila patungo coins.ph. Napakalaking tulong ang coins.ph sa pag lista nila sa xrp sa exchange nila kasi halos karamihan ng tao sa panahon na to pinipili nila ang eth or xrp sa kanilang trading.
1535  Local / Pamilihan / Re: May gumagamit na ba ng Abra at may Nakapag withdraw na ba dito on: November 02, 2019, 01:39:44 PM
Ano ba ang advantage ng abra compare sa ibang wallet or exchange? Bakit parang ang daming gumagamit niyan? Di ko kasi alam kung mas better ba yan sa coins.ph eh and pwede ka rin bang makapagwithdraw gamit yan? O baka need pa idaan sa coins.ph?
1. No KYC or any other collection of information.
2. Alternative use as a wallet, more of a security din ng funds.
3. Tambunting is the easiest way and the fastest way to cash out money. And Tambunting is everywhere. Banks cashout for no fee.
4. Just like coins, walang fee sa pagsesend ng mga transactions to other Abra users.
5. Easy to use.
6. You can buy stocks from Forex.


Kung walang KYC, parang walang hassle yan sa mga funds cash out. Ewan ko lang kung di ba tayu mag kaka problema in the future, at sana maganda ang serbisyo nila gaya ng coins.ph. Magandang paraan yan kung magagamit nati sa trading sites gaya ng forex, mas lalo na sa crypto at sa nakita ko talagang maganda ang kahihinatnan nito sa darating na taon, sa aking palagay lang.
1536  Local / Pamilihan / Re: ♛♛♛NBA Prediction Tournament [0.02BTC Prize Pool]♛♛♛ on: November 02, 2019, 01:05:24 PM
Hi mga kabayan ito naman ang prediction line up ko, salamat sa pag tanggap.

Day 1 prediction:

1. ThunderWashington Wizards
2. Charlotte Hornets
3. Brooklyn Nets
4. Oklahoma City
5. Phoenix Suns
7. Denver Nuggets
1537  Local / Pilipinas / Re: [GABAY] Paglalapat ng code sa Paper wallet on: November 02, 2019, 12:33:45 PM
Kung paper wallet din naman ang usapan siyempre safe na safe yan lalo na sa mga hacker lalo na ngayon uso nakawan ng mga bitcoin o iba iba coins sa mga wallet. Kung ang mga bitcoin mo ay more than 10 bitcoin I suggest na mag paper wallet kana dahil mas secure talaga ito.  Pero kung gusto niyo magstay sa wallet na ginagamit niyo okay pa rin basta sigurauhin niyo lang na hindi ito mahahack dahil hindi biro mawalan ng bitcoin ngayon.

Maganda at secure pala ang pag gamit nitong paper wallet, akala ko lang nung una print out lang ito ng private keys mo, hindi pala. Gusto ko pa matutunan ang kung ano ang mga nilalamn nito, kasi sa ngayun metamask  parin ang gamit ko na sa tingin ko safe parin gamitin. Sigurado yan ang metamask na hindi ma hack basta e follow lang natin ang standard procedure nito.
1538  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Scam Awareness on: November 02, 2019, 12:04:32 PM
Guys try nyo pumasok sa xponz community nag eexpose cla ng mga scam na mga investment platform

https://www.facebook.com/groups/161079027854529/
Malaking tulong itong thread na ito. Sa dami ng mga naglilipanang scams ngayon mahirap nang i-distinguish kung alin ba ang tunay sa hindi. Lalo na ngayon na mas gumagaling sa pag gawa ng mga modus at websites ang mga scammers, napagmumuka nila itong katulad sa original na website o di kaya naman ay pagagandahin ito ng todo upang hindi maging kahina hinala ito. Mabuti at may listahan na para sa mga ito at matutulungan ang mga newbies na malaman ang mga dapat iwasan na investment platform.
Kung ang mga scammer ay mas lalong gumagaling sa mga ganyang uri ng pangiiscam ng mga tao. Tayo bilang imvestors ay kinakailangang maging matalino sa bawat ating kinikilos katulad ng pag-iinvest dahil Oo hindi agad agad natin malalaman ang iba kung ito ay scam or hindi dahil sa kagalingan ng scammer na itago ang katotohanan pero karamihan sa mga investment site ngayon ay obviously naman na scam kailangan lang busisihin maigi.


Sa tingin ko naman nagiging matalino na ang mga tao ngayon, kita naman natin halos wala ng ICO, wala na halos nagiinvest dahil nadadala na ang mga tao Kaya halos tuluyan ng nawala ang ICO. Mas gusto ng mga tao ngayon na maging safe fund na lang.


Dapat lang matuto ang mga tao dahil kung patuloy lang tayu pabibiktima, ay tuloy rin ang pagkawala ng ating pera. Malaking tulong din ang mga masamang karanasan upang maging mas mapanuri ang bawat isa para wag na mabiktima sa kahit anong scam na ICO. Sa tingin ko dapat na pumasok sa trading ang bawat isa para mas produktibo ang kita sa hinaharap.
1539  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Napapanahon bang bumili ng altcoin? on: November 02, 2019, 10:36:13 AM
Sa ngayon masasabi ko sayo mababa presyo ng mga altcoin at kung balak mo po bumili ay piliin at suriing maiigi ang bibilhing altcoins para d ka mahirapan sa bandang huli. At mas mainam yong mga kilala ng altcoins ang bilhin ka mo.

Ang ganda siguro nung mga oras na mababa pa yung presyo nila nung mga nakaraang buwan, ay bumili na tayo. kasi nakikita naman natin yung takbo ng presyo nito sa Market. grabe talaga ang itinaas. nakakaingggit yung maraming na hold na coins. Patience lang talaga ang dapat gamitin sa pag hodl ng mga Altcoins. Kailngan lang bumili kung saan napakababa ng presyo ng mga ito at dapat itong paghandaan dahil maaring mag hold ka na tatagal ng isang taon o higit pa, para makuha mo talaga yung full price nito.

Hindi naman sa ganun tol, eh ako di ko nga ramdam ang kagandahan nito kasi kung tutuosin malayo pa ang lalakbayin ng mga holdings ko sa ngayun. Oo tama isa din ako sa bumili noon pero hindi pa ito masyadong hinog kasi nasa bear market parin tayu.
Dapat parin natin hintayin ang tamang panahon upang magkaroon ng sapat na halaga ang lahat ng mga token natin, ng sa gayun makabili na tayu ng ibang mas malaki ang potential.
1540  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: XYO Geohacker on: November 01, 2019, 03:58:01 PM
Mga kabayan, meron ba dito yung mga holder ng XYO or gumagamit ng coin app?

Holder ako kabayan pero hindi ako gumagamit ng app para mag store ng ganito. Ang tangi ko lang pinaglalagyan nyan ay ang metamask wallet ko, kasi mas trusted ito kaysa ibang wallet sa aking palagay lang. Pero pwede naman siguro ito e strore sa app gaya na trust wallet.
Pages: « 1 ... 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 [77] 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!