Consider the following sguro when looking into investing sa mining.
1. Kaya mo ba maghintay ng 6months para sa ROI? Ito lang ba ang source ng Income mo? Pag hindi. Proceed sa Number 2.
2. Afford ko kaya bumili ng gamit para sa mining? May magtuturo ba sa akin pano ikokonekta ang aking blockchain wallet sa pool? Kung ang sagot mo sa unang tanong ay, oo. Proceed answering the next question. Pag wala, matuto magtanong sa nakakaalam at hindi ka lolokohin. Proceed sa ikatlo kung okay ka na dito.
3. Topography ng lugar. Ownership ng paglalagyan ng mining rigs. Sa topography dapat alam mo kung kelan madalas umulan sa lugar, kung bumabaha ba, flash floods, mainit ba. Suitable ba gumana mining rigs sa gantong temperature. Ownership ng paglalagyan ng mining rigs. Simple lang. Ayaw mong manakaw ung pagkamahal mahal na rig mo tapos iba makinabang.
4. At pinakahigit sa lahat, presyo ng kuryente. Kung malaki bayarin sa kuryente like sa Manila, wag na. Kahit pa nameet mo ung 3 sa taas kung di mo naman afford gumastos para sa mataas na presyo ng kuryente, humanap ka ng ibang lugar. Ganon kasimple.
PS. Di po ako expert. Base lang po ito sa aking mga nabasa.