Bitcoin Forum
April 24, 2026, 10:06:15 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: TalkImg.com - Image hosting para sa BitcoinTalk  (Read 604 times)
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2254
Merit: 1895


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
May 01, 2023, 04:54:20 AM
Last edit: May 04, 2025, 12:25:15 PM by Peanutswar
Merited by joker_josue (5), Halab (2), AbuBhakar (2), Porfirii (1), PX-Z (1)
 #1

Akda ni: joker_josue
Orihinal na paksa: TalkImg.com - Image hosting for BitcoinTalk






WWW.TALKIMG.COM


Ngayong ay ipina-pakilala ko sa inyo ang isa sa serbisyo sa pag bibigay ng image hosting, na inidisenyo para sa Bitcointalk at sa buong komunidad. Makalipas ang ilang taon ay madalas nating makita ang hindi lumalabas na imahe pag ito ay nailagay na natin sa forum. alam naman natin kung gaano ito kabagal din mag load. Ngayon ay ginawa ang proyekto na ito at tinatawag na TalkImg.


 Purpose  ____________________
Ginawa ito para mag bigay ng opsyon para sa Bitcointalk forum kung saan napaka daling gamitin at ito para sa lahat, kung saan mas mabilis ang load ng mga imahe pag ito ay in-upload.


 Features ____________________
- Lahat ng imahe na gagamitin ay maaring magamit sa forum (ito ay depende na lamang sa user at sa mga susunod pang hakbang para dito)
- Tinatanggap lamang nito ang format ng mga sumusunod (JPG, JPEG, PNG).
- Ang laki lamang ng imahe at dapat na sa 2.5MB
- Pag na upload na ang imahe ay hindi na ito mabubura (depende nalamang kung ang link na ginamit sa pag upload ay na sa iyo pa din)
- NSFW (Not safe for work) ay ipinag ba-bawal dito.
- Hindi kailangan mag register ng personal na impormasyon para lamang magamit ito (Pawang IP lamang ang mai-save para sa spam control)
- Lahat ng EXIF na impormasyon ay kusang buburahin ng system..
-Kasama ng BBCode with pati na ang sakto nitong sukat at laki (Gamitin lang ang "BBCode full fix HxW").
- bago Ang pag gamit ng link, tulad ng pag upload ng mga files (Kasalukuyang naka suspende)

 Pang pamtagalang layunin  __________________
Mayroon akong karanalasan sa pag gawa ng mga online galleries at dahil dyan sana makatulong itong online project. Pero syempre, hindi naman natin masasabi ang hinaharap, depende din sa mangyayari pero ang proyektong ito ay asahan ninyong patuloy na alalalayan ng marami pang mga taon.

 Server  _____________________
Ang server ng TalkImg ay makikita sa Netherlands, kung saan mayroon itong NVMe SSD disk kung saan may isa sa pinaka maganda at mabilis na mag basa/sulat. Gumagamit din ito ng LiteSpeed Web Server software, kung saan nag bibigay ng isang magandang performance. At ito din ay naka AMD EPYC processor, kaya lahat ng impormasyon dito ay mabilis. Ang pag gamit ng service na ito ay tiyak na tatagal, kung saan kaya pang palawakin ang kapasidad nito kung kinakailangan.

 Account ____________________
Ang gamit nito ay para lang sa BitcoinTalk, para dito ay pawang mga miyembro lang ng forum ang maaring gumamit kung gusto ninyo gumawa ng account ay maari lang ninyo akong kontakin  joker_josue gamit ang PM. Ang request ay kailangan pang suriin at kung ma-aprubahan ay gagawan kayo agad ng isang account.

 Backups ___________________
- Sa server na ito ay gumagawa tayo ng araw araw na backup na hanggang 30 days ang itatagal.
- Ito ay gagawa ng ZIP kada linggo para makita ang lahat ng mga ina-upload na mga file mula sa nakaraang linggo, kung saan magiging available lamang ng hanggang 15 araw, dito : talkimg.com/tempbackups/

bago ZIP Tool _________________
Ito ay gumagamit ng Auxiliary tool, kung saan maari kayong mag ZIP ng mga larawan haggang 2.5MB. Para mapag isa ito gumagamit tayo ng PHP features, kung saan pinapaliit nito ang kalidad ng imahe. Para mailagay ang mga ito, ito ay iko-convert at ipapadala sa TalkImg, kaasma na dito ang  link/BBCode na ginagamit natin sa forum. Ang tool na ito ay BETA phase palang kaya maaring marami pang errors.
Makukuha ninyo dito : Image Zip Tool - TalkImg

size=12pt]bago Statistika ________________[/size]
Kabuuang mga datos, simula nang na lunsad ang proyektong ito (April 28, 2023):
                                                                      

Images: 176 591

Disk Space: 52.7GB
Huling update: 04/04/2025

Buwanang statistika:
[First 15 days][May'23][Jun'23][Jul'23][Aug'23][Sep'23][Oct'23][Nov'23][Dec'23][Jan'24][Feb'24][Mar'24][First Year]
[Apr'24][May'24][Jun'24][Jul'24][Ago'24][Sep'24][Oct'24][Nov'24][Dec'24][Jan'25][Feb'25][Mar'25][Second Year]



 Donations at Ad  ______________
Ang proyektong ito ay maaring supportahan gamit ang mga donasyon mula sa ating kumunidad at kasama na dito ang pag lalagay ng mga advertisements katulad ng nasa forum na signature campaigns.
- Donasyon: Sa mga gustong sumuporta sa proyektong ito ay maari kayong mag donate sa bitcoin address na ito: bc1qhwnncpdd8gfzqwjkk9n052wf7g9mvks3xaa7qa or Lightning Address: talkimg@wallets.fyoumoneypod.com
- Ad: Mayroon lamang isang ad sa homepage, katulad nito ng isang signature, kung gusto ng isang campaign manager na mag lagay ng ad sa TalkImg, maari lang ninyo akong kontakin. (joker_josue).


 Mga darating pa  ________________
- Automatic file conversion system. (wala pang saktong araw)
- Maaring malaman ang (height o width) ng isang larawan sa BBCode. (wala pang saktong araw)


 More Details __________________
Ito ay hinahawakan ni joker_josue at sya din ang nag papanatili upang magamit ito ng mga user. Ako ay bukas sa inyong mga suhesiyon at opinyon, para sa ikabubuti ng komunidad.
Ang proyekto na ito ay tatagal hanggang maari, kahit na may mga may gusto man o ayaw. Ang mga larawan na ina-upload ay mananatili na dito.

 Links, Scripts & Add-ons  _______
TalkImg
Terms of Service
Privacy Policy
bago TalkImg Service Status
bago Image Zip Tool - TalkImg
Sig Promote TalkImg
###
[Add-on] mag dagdag ng button para direkta ilagay sa forum - Gawa ni TryNinja
[Script] Imgur to TalkImg - ayusin ang mga sirang larawan - Gawa ni TryNinja
Kung may gusto kayong idagdag na script na para sa lahat, ipag bigay alam lamang sa sakin.

new Events  ___________________
TalkImg Awards - Image of the Year 2023 | sponsored by BC.Game / Icarus

 Local Boards _________________
Ang usaping ito ay para lang sa mga sumu-suporta sa TalkImg, kung saan mayroong magadang impormasyon para sa proyekto.
Pero ito ang listahan ng mga usapin na isinalin mula sa kanilang mga local:
العربية (Arabic) Kavelj22
Bahasa Indonesia (Indonesian) dansus021
Bengali roksana.hee
Deutsch (German) cygan
Español (Spanish) Porfirii
Hrvatski (Croatian) ovcijisir
Nigeria (Naija) Chilwell
Pakistan (Urdu) JunaidAzizi
Pilipinas Peanutswar
Polski cygan
Português (Portuguese) joker_josue
Pyccкий (Russian) zasad@
Română (Romanian) GazetaBitcoin
Türkçe (Turkish) mindrust
If you do a translation, let me know to update the list.

AbuBhakar
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1624
Merit: 619


Abu Bitcoin to the moon


View Profile
May 11, 2023, 11:09:28 PM
 #2

Sobrang useful nito dahil pwede kopyahan ang BBCODE ng image in bulk hindi kagaya ng imgur na iisa isahin pa ang copy per image. Medyo mahahaba lang talaga yung BBCODE nito dahil hindi naka shorten yung image link pero siguro naman ay ginagawan na ito ng paraan.

Napansin ko lng din na hindi pwede mag add ng additional imag one nakapag upload kana ng isang batch. Walang add image option kapag available na ang BBCODE. Need pa ireset bago makapag upload ulit ng panibagong set ng image. Overall magandang alternative ito sa imgur dahil na kailangan mag desktop mode para lang makapag upload ng image gamit ang mobile device. Ito na ang gagamitin ko na image hosting. Sana suportahan natin ito dahil gawa ito ng kapwa natin forum user. Salamat sa pagshare kabayan!
Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2212
Merit: 448

Bitcoin 🚀


View Profile
May 13, 2023, 10:18:54 PM
 #3

Probably will switch na muna ko dito sa TalkImg.com dahil na rin hindi gumagana ung mga upload sa Imgur, matagal ko ng ginagamit ang Imgur simula pa noon sa pagupload ng image para magamit dito sa Forum kaya maraming nadisappoint na mga members dito sa Forum dahil sa nangyare, Marami ding mga member din ang katulad ko dito sa Forum na katulad ko na noon pa ay sa Imgur na naguupload ng image na nagkaroon din ng malaking problema dahil sila ay mga established member na dito at siguro libo libo na ang mga post na mayroong image, masyadong maraming images na kailangan irecover if aayusin kaya malamang ay burahin nalang halos lahat ng mga post.

Pinagpipilian ko sana itong TalkImg.com or imgbb.com, medjo nagaalangan ako gumamit netong TalkImg dahil na rin baka matigil din ang run ng website kahit na member din ng forum ang gumawa neto ay may posibility na hindi ito mamaintain kung maraming mga image ang mauupload at kung kaya bang maintance ang website. Sinubukan ko ito at maganda at mabilis naman ang upload neto.

Aayusin ko siguro ang mga post ko na may error ay magrereupload ako ng mga Images dito.
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2254
Merit: 1895


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
April 13, 2025, 07:36:58 AM
 #4

 Statistika ngayong  February 2025____________________
Noong mga nakaraang buwan ay sobrang tahimik. Iniisip ko ano pa ang pwedeng idagdag para sa TalkImg, dahil diyan wala pa ako akong maibibigay sa inyo. Hindi ko pa alam kung kailan, sa tingin ko sa sunod na buwan. maari kong ibigay sa inyo ang isa sa pinaka bisitang larawan dito.

Ayon sa numero ito ay bumaba, at lalo na sa ngayong buwan. Pero okay naman ang lahat at ito ay gumagana sana mas marami pang mga proyekto ang maaaring maibahagi para sa lahat.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 4 760 (-1295 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 1.49GB (-0.69 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 12 381*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 1 081 479*
 Bandwidth ngayong buwan: 63.25GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.

Top 3 na larawang laging binibisita
Soon available...
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2254
Merit: 1895


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
December 17, 2025, 02:35:35 PM
 #5

 Statistics  November 2025____________________ ni joker_josue
Noong nakaraan, sinabi ko na may maaring maging pagbabago sa platform natin ngayong November, at ngayong sinasabi ko sa inyo ito dahil hindi pa ito naisasagawa. Syempre dahil na din sa walang oras, sa mga resources na kailangan at kailan pang itong subukan ng maayos, ngayon napagdesisyunan kong itigil muna ang pag sasagawa ng mga updates na ito siguro mga isa o dalawang buwan lang.

Sa kadahilanang gusto ko gamitin ang oras na ito para mag dagdag na nang magagadang features na maaring magamit ng ating kumunindad. Gayunpaman, hindi pa sa ngayon ito maisasagawa, kaya mas naisip kong pansamantalang itigil muna ang update na medyo tatagal ng kaunti.

Kahit ganito pa man ang nangyari, ako ay lubos pa din nag papasalamat sa kumundad natin para sa pag support sa TalkImg.


Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 7 276 (-1590 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.44GB (-0.41 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 108 383*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 3 072 600*
 Bandwidth ngayong buwan: 133.67GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.
#01

278
nakakita
     
#02

274
nakakita
     
#03

273
nakakita
     
#04

271
nakakita
     
#05

270
nakakita
              
#06

269
nakakita
     
#07

269
nakakita
     
#08

269
nakakita
     
#09

268
nakakita
     
#10

265
nakakita
Mr. Magkaisa
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1456
Merit: 471



View Profile
January 12, 2026, 02:31:35 PM
 #6

To be honest dami ko na nasubukan na same nito , yung Imgur hindi rin stable at yung iba nagkakaproblem talga sa upload madalas,
Pero itong  TalkIMG, Solid para sakin ito kaya hindi na ako gumamit ng iba pa. Daming option na madali lang talga.
Pinaka madali kahit sa baguhan siguro. 10\10 sakin ito.
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2254
Merit: 1895


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
January 15, 2026, 12:05:46 PM
Merited by joker_josue (2), cryptoaddictchie (1)
 #7

 Statistika ngayong  December 2025____________________ ni joker_josue
Noong buwan ng Disyembre hanggang nakaraang linggo, kung saan may hindi inaasahan na pangyayari. Biglaan lang, na umabot ng ilang oras ay hindi makapag upload ng mga bagong imahe. Pero ito ay pabago bago; may oras na hindi ka makapag upload ng ilang oras tapos ay gagana.

Kung saan nag simula na itong lumabas, tinignan ko ang services ng system at iba pa kung okay lang ba ito. Wala din namang server errors, o di kaya ay logs na may kakaibang nangyari. So tingin namin ay ito ay dahilan lang ng connect error sa website para sa ilang mga users, kung saan ay hindi na madalas nabibisita ito ng matagal mga tulad lang nyan.

Pero hindi eh parang magulo talaga, kasi may ilang mga user din ang nag rereklamo nang parehas na sitwasyon. Maaring may error na nangyari, pero ito ay pasumpong sumpong lang, at hindi lahat ng user ay apektado dito ng ilang oras. Kaya naman mas naigi pa naming alamin kung ano ang dahilan at nalaman namin ang problema.

Kung saan ang website backup system ay napunta sa isang loop at gumagawa ito ng maraming kopya ng website sunod sunod. Kaya gumawa ito ng dalawa o tatlong kopya ng service. Kahit na sobrang daming spae sa server, madali lang nito napuno ang disk. Dahil ang system ay nag bubura ng lumang backup tapos ay gumagawa na naman ng panibago. Kaya nagkakaroon ng space tapos ay maari kayong makapag upload at biglang hindi na.

Hindi ko maintindihan kung paano ito nangyari pero ang tantiya namin ay dahil sa internal server update na nag dahilan nito. Kaya ang ginawa namin ay binura namin lahat ng dobleng backup, at tinignan ang backup sa system at ito ay bumalik na sa normal

Talaga namang nakakatawa ang nangyari pero ganun pa man ay humihingi ako ng pahumanhin sa lahat dahil sa nangyari. Pero naniniwala ako na ito ay okay na at hindi na mangyayari ulit. Muli salamat sa lahat na sumuporta at nag tiwala.



Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 8 066 (+790 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.59GB (+0.15 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 69 467*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 5 137 715*
 Bandwidth ngayong buwan: 190.51GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.
#01

232
nakakita
     
#02

208
nakakita
     
#03

208
nakakita
     
#04

207
nakakita
     
#05

207
nakakita
              
#06

207
nakakita
     
#07

207
nakakita
     
#08

207
nakakita
     
#09

207
nakakita
     
#10

206
nakakita

Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2254
Merit: 1895


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
February 18, 2026, 12:10:29 PM
Merited by joker_josue (2), Porfirii (1)
 #8

 Statistika ngayong  Enero 2026____________________ ni joker_josue
Gusto ko gamitin ang report na ito para ibigay sa inyo ang tala para sa taong 2025. Sa 2025, mahigit 83,000 na imahe ang na upload, kung saan humigit kumulang 7,000 ang imahe ang nakuha ng TalkImg kada buwan. Pinapakita lang nito kung gaano sinusuportahan ng kumunidad natin ang proyektong ito, kung saan nag papatuloy lang ito dahil sa inyong mga supporta! Sa kabutihang palad, hindi ito ang taon kung saang maraming malala ang nangyari, at naaganapan nating maging banayad ito ng halos 100%.

Mayroon akong idea na gusto gumawa ng isang espesyal na okasyon para sa kumunudad, sa ngalan ng TalkImg, pero sa kasamaang palad, wala akong maisip na kahit, para bang nakahiga nalang ako mula sa 2024. Pero gayunpaman, TalkImg ay sobrang nagamit sa mga maraming patimpak dito sa forum, tulad ng pizza at pumpkin. Siguro ngayong taon, 2026, Magkaroon ako ng ilang mga interanteng ideya na maaring mag bigay sa kuminidad ng isa pang koasyon.

Sa wakas, gusto kong mag bigay sa inyo ng impormasyon matungkol sa sinasabi ko matagal na at tapos ko na ito. Ngayon kailangan ko na lang ay oras para ma-update at ma-beripika ang mga ito kung gumagana ng maayos. Pero maari lang ninyo makita (kung sa paanong gusto ko) ngayong darating na Marso o Abril. Nais kong isabay ito sa darating na 4th na anibersaryo ng TalkImg. Kahit na mayroon na akong ideya kung kailan ko sya gustong ilabas, dahil sa rami ng mga ibang proyekto ay hindi ito magawa-gawa. Pero sinasabi ko na sa inyo ito ng maaga, kung ito man ay aayon sa plano, ay ibabatid ko sa inyo ang magandag balita. Salamat sa inyong pag intindi at pag unawa.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 8 257 (+191kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.91GB (+0.32 that in the last month)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 73 734*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 4 687 666*
 Bandwidth ngayong buwan: 191.71GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

289
nakakita
     
#02

281
nakakita
     
#03

246
nakakita
     
#04

225
nakakita
     
#05

222
nakakita
              
#06

220
nakakita
     
#07

208
nakakita
     
#08

208
nakakita
     
#09

208
nakakita
     
#10

208
nakakita

Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2254
Merit: 1895


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
April 11, 2026, 01:50:38 PM
Merited by joker_josue (1)
 #9

 Statistika ngayong  Pebrero 2026____________________  ni joker_josue
Isang buwan na naman ang lumagpas kung saan ang lahat ay naging banayad, walang mga problema. Nag papasalamat ako sa lahat ng nasa Bitcointalk na patuloy pa din ang pag suporta sa proyektong ito, at lalo na sa mga gumagamit.

Gusto namin kunin ang pag kakataon na ito para ipaalala sa inyo ang isa sa mga mahalagang bahagi ng TalkImg.
Pag ka tapos mag upload, kung gusto mo i-send ang bagong larawan, ay maari mo nang pindutin ang "New Upload" button, o di kaya at pindutin ang TalkImg logo, o i-refresh ang page (katumbtas nito ang F5 sa keyboard/sistem)


Kung ang website naman ay naka bukas ng matanggal na hindi ginagamit, hinihikayat na i-refresh ito (ang katumbas nito ay F5) para maitatag ang koneksiyon sa server. Pag katapos ay subukan uling mag upload.

Ang mga hakbang na ito ay para maiwasan ang pag abuso sa sistem at mapanatili ang seguridad ng koneksiyon sa bawat user at sa server.

Nawa'y nagustuhan ninyo ang pag gamit ng TalkImg.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 8 345 (+88 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.30GB (-0.61kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 101 174*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 6 527 654*
  Bandwidth ngayong buwan: 282.17GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

292
nakakita
     
#02

290
nakakita
     
#03

288
nakakita
     
#04

279
nakakita
     
#05

276
nakakita
              
#06

253
nakakita
     
#07

244
nakakita
     
#08

244
nakakita
     
#09

243
nakakita
     
#10

243
nakakita

Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2254
Merit: 1895


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
April 12, 2026, 03:34:11 PM
Merited by joker_josue (2)
 #10

  Statistika ngayong  Marso 2026____________________ ni joker_josue
Ano pa nga ba ang masasabi ko para sa nakaraang buwan para sa proyektong ito? Gusto ko ipaalam sa inyo ang resulta nito sa Bitcointalk Community Awards, at muli tayo ay kinilala para sa pangalawang pagkakataon para sa pangalawang pinakamagandang proyekto para sa Bitcointalk forum. Nais kong magbigay ng lubos na pasasalamat para sa lahat ng bumoto sa protektong ito at sa suportang ibinigay. At gusto ko ring magpasalamat sa nag-organisa ng patimpalak na ito.

Para sa nakaraang buwan, gusto ko lang gawin ang huling mga kailangang ayusin para sa update na aking pinaplano. Ang kulang na lang talaga sa akin ay ang iskedyul ko para mailabas ko na produktong ito at makitang ito ay lubos na gumagana. Susubukan ko ito ngayong buwan, at sana naman ay hindi na ito maurong. Sasabihan ko kayo pag nagkaroon na ito ng progreso.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 7 591 (-754 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 1.98GB (-0.32 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 818 824*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 9 299 097*
 Bandwidth ngayong buwan: 363.12GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

293
nakakita
     
#02

279
nakakita
     
#03

256
nakakita
     
#04

248
nakakita
     
#05

248
nakakita
              
#06

246
nakakita
     
#07

246
nakakita
     
#08

245
nakakita
     
#09

244
nakakita
     
#10

244
nakakita
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!