Bitcoin Forum
July 07, 2026, 08:35:04 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: « 1 [2]  All
  Print  
Author Topic: For translation to FIL (please do not delete)  (Read 503 times)
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2324
Merit: 2018


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
May 19, 2026, 04:13:09 PM
 #21

Quote from:  🎀 Crypto Casino at Sports Betting Platform [Bets.io Web] at [ANN Bitcointalk] & [Telegram] & [Promo] new [Bets X]


🎀 Bets.io ay isang casino na ginawa para magbigay ng matinding kasiyahan, at suportado ang mga sumusunod na currencies .ETH, SOL, USDT, LTC, TRX & Bitcoin. at marami pa. Dito ninyo matatagpuan ang marami sa pinaka bago at pinaka nakakapanabik na online cryptocurrency games, na ginawa ng mga crypto enthusiasts na mahilig sa online betting

  • Mga pangunahin


✅ Sports Betting!
✅ Slots at Games (Napapatunayang Patas).
✅ Cashback at Welcome Bonus (1st Deposit: 100% hanggang 1 BTC).

  • Impormasyon sa usaping Bayad

✅ Mabilisang withdrawal mula sa halagang 5 EUR.
✅ Maaaring mag-bet ng mataas (hanggang sa 100,000 USDT para sa mga regular na manlalaro).
✅ Currencies: ETH, SOL, BCH, XRP, DOGE, USDT, LTC, TRX at Bitcoin (510+ cryptocurrencies mula sa ibat ibang networks).

  • Mga Suporta sa User

✅ VIP Transfer
✅ Live Chat / Email Address: support@betsio.com
✅ Mga suportadong Wika: Arabic, English, French, German, Italian, Portuguese, Russian, Spanish


.RES.    |   .RES.   |   .GER.   |   .SPA.   |   .PID.   |   .IND.   |   .CRO.   |   .RUS.   |   .SWE.   |   .ROM.

▄▄████████████████████▄▄
▄███████▀▀██████▀▀███████▄
████████████████████████
████████▄▄██████▄▄██████

████████████████████████
██▄▄█████████████▄▄██████
██▀▀██████████████████▄▄██
██████▀▀██████████████▀▀██
██████████████████████████
██████▀▀██████▀▀████████
████████████████████████
▀███████▄▄██████▄▄███████▀
▀▀████████████████████▀▀
 
 DΞX.fo 
▄▄██████
█████████
██████████
█████████
██████████
█████████
▀▀██████

▄███████
▄██████████
████████████
█████████████
█████████████
|
▄▄█
▄████▀
▄███▀
▄██▀▄██
█████▀▀
███████
████████
▀██▄████
▄████▄▄
▄█████▀███
▄█████▀████
█████▀███████
▀██▀█████████
|  BTC     XMR  
  DAI     LTC  
   Fees  0.8%    
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2324
Merit: 2018


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
May 27, 2026, 02:08:38 AM
 #22

Quote from:   👻 Anonymous Exchange [DEX.fo Web] & [Questions] & [ANN Bitcointalk] & [Onion Mirror]Live Support [SimpleX]


♻️ DEX.fo is an anonymous cryptocurrency exchange that respects your privacy. Reliability of the service based on modern security protocols. Exchanges are processed either through DEXfo's own liquidity or through verified decentralized cross-chain mechanisms — without custodians, without wrapped tokens.

  • Rules/Prizes

➥ Post Bitcoin price prediction for June 10th (once submitted, you cannot edit your post).
➥ Thread will be closed on June 08, 2026, 23:59 UTC
➥ The winner will be determined based on the Bitcoin price at 23:59 UTC, June 10(CMC). 🕐
➥ The one closest predictions will WIN $75. 🎁
Double/Triple prediction if you've already tested the swap and left a comment on kycnot/b1exch or monerica/b1exch.

  • Example

Code:
$100,000

Quote from: Manager
If you indicated 2 or 3 slots and won, you will have to share screenshots of your comment.

▄▄████████████████████▄▄
▄███████▀▀██████▀▀███████▄
████████████████████████
████████▄▄██████▄▄██████

████████████████████████
██▄▄█████████████▄▄██████
██▀▀██████████████████▄▄██
██████▀▀██████████████▀▀██
██████████████████████████
██████▀▀██████▀▀████████
████████████████████████
▀███████▄▄██████▄▄███████▀
▀▀████████████████████▀▀
 
 DΞX.fo 
▄▄██████
█████████
██████████
█████████
██████████
█████████
▀▀██████

▄███████
▄██████████
████████████
█████████████
█████████████
|
▄▄█
▄████▀
▄███▀
▄██▀▄██
█████▀▀
███████
████████
▀██▄████
▄████▄▄
▄█████▀███
▄█████▀████
█████▀███████
▀██▀█████████
|  BTC     XMR  
  DAI     LTC  
   Fees  0.8%    
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2324
Merit: 2018


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
June 12, 2026, 12:45:39 PM
Last edit: June 12, 2026, 01:17:49 PM by Peanutswar
 #23

Sa bawat transaction sa Bitcoin ay kailangan ng bayad. Ito ay importante dahil kailangang mababa ang patunay hangga't maaari para dumating ang transaksiyon sa papaldahan nila ng naaayon sa oras. Ang bilis ng transaksiyon ay depende sa kung magkano ang binayad dito. Ang fees ay tinatawag na Satoshi per byte (sat / byte). Mas mataas na bayad ng sat / byte, mas mabilis ang transaksiyon na maiilagay ito sa susunod na block. Ang mga miners ang pipili ng transaksiyon depende sa laki ng transaction fee (sat / byte). Ito ay lohikal, dahil ang mga miners ay hindi lang makakatanggap ng block reward kundi pati na rin ang transaction fee sa lahat ng transaksiyon ay kasama sa naminang block.

Hindi lahat ng wallet ay papayagan kang i-adjust ng transaction fee at sa mga maaari ay madalas nilang ginagawa ay ung simpleng default settings (o di kaya ay yung pinaka mahal). Ang isang magandang wallet ay papayagan kang ilagay ng transaction fee tulad ng Electrum.

Pagkatapos mong magpalit ng settings, isa sa pinakamahalaga ay malaman mo ang ideyal na halaga ng transaction fee, kung saan ito makikita sa maaasahan at tumpak na websites. Pero kailangan ay maaari mong palitan ang mga fees.

Para sa gabay na ito, ginagamit ko ito Electrum at ang Mempool by Jochen Hoenicke.
Ngayong malapit kana onting hakbang na lang para makatipid ka sa halaga ng Bitcoin:

1.

Una, buksan mo ang iyong Electrum. Ngayon, simulan natin maging madaling gamitin ang iyong wallet sa paggamit ng mga shortcut. Ngayon pindutin ang view sa may kaliwang itaas na bahagi at pindutin ang shortcut na gusto mong lumabas, tulad ng sa imahe sa ibaba.
Sa gabay na ito ay pinili ko lahat-lahat.






2.

Para sa mga older version ng Electrum, maaari ninyo edit ang fees manwal mula sa Electrum gamit ang tools and preferences sa menu, gayunpaman halos lahat ng bagong version ay hindi na kaya. Para lang mapalitan ninyo ang fees ay kailangan ninyong subukang gumawa ng transaksiyon. Ngayon ang kailangan nyo na lang gawin ay lagyan ang mga detalye tulad ng wallet address at kung magkano bago pindutin ang pay. At lalabas ang window na ito






3.

Ngayon makikita ninyo at maaari kayong mag-ayos ng fee gamit ang slider kung saan hindi sapat. Para ma-edit ang inyong mga fees ay pindutin lang ang icon na nakasaad sa ibabang imahe.






4.

Ngayon kung kayo ay tapos na sa step 3, ang maliit na window bar sa ibaba na may tsek ay maaaring pindutin sa setting at lalabas ang mga ito





5.

Ngayon, ang kailangan mong gawin ay piliin ang opsiyon na gusto mo sa iyong transaksiyon. Siguraduhing piliin mong mabuti ang Edit fees manually.





6.

Ngayon mapapansin ninyo na may dumagdag na slider at mayroon na tayong dalawang checkbox para magpalit ng fee tulad ng asa imahe sa ibaba. Gamit ang box na may highlighted na green sa ibaba, maaari kang magpalit ng fees gamit ang manwal na pag-type ng gusto mong halaga ng sat/byte. Habang ang isang box na may highlighted in red ay maaari kang mag lagay ng halagang fees na gusto mo ibayad na BTC or mBTC






7.

At tapos na, ngayo naman ay kailangan ninyong alamin kung magkano ang kailangan ninyong bayaran sa transaksiyon ninyo. Maaari ninyo malaman ito kung susunod kayo ang mga susunod na hakbang:

May ilang paraan para malaman ang kasalukuyang halaga ng transaction fee ang kailangan.
Ang isa sa mga paraan para tingnan ito ay sa Mempool Observer Topic at tingnan ang maaaring maging fee gamit ang FeeBuddy bot.

Ang isa pang magandang paraan para direktang makita ito ay tingnan ito sa Bitcoin Mempool. Ang Mempool ay hindi isang pool na kumukolekta ng mga memes, pero ay nagre-representa ng Bitcoin transaction na hinihintay na lang ma-confirm. Kaya ang isang buong Mempool ay nagkakahulugan na mahal ang pinadalang bayad para ma-proseso ang transaksiyon ng mabilis, dahil maraming transaksiyon ang nakahintay para ma kumpirma at makumpleto para masama ito sa susunod na block (ang mga mataas ang binayad para sa transaksiyon ay ang mga mapipili para mapasama sa susunod na block hanggat ito ay mapuno), habang ang ilan na halos wala pang laman na Mempool ay nag hihintay lang na makuha ang iyong transaksiyong makumpirma dahil sa mababang fee.

Ang isang magandang imahe ng Mempool ay makikita ninyo dito sa page ng Jochen Hoenicke: https://jochen-hoenicke.de/queue/#0,24h.

Mula sa website ay maaari kayong pumili pumili ng mga oras kung gaano ito katagal na maaari ninyong magamit para i-analisa ang Mempool. Mayroong 3 ibat ibang graph:
- Unconfirmed Transaction Count (Mempool)
- Mga Pending transaction fee sa BTC
- Mempool Size na MB

Para sa konsiderasyon, ang una at huling graph ay angkop, pero ang huling graph ang pinakaepektibo ay may gamit, kung titingnan mismo ang aktuwal na laki ng Mempool in MB. Dahil madalas mangyari ay mayroong malaking transaksiyon (in bytes) ang naghihintay sa Mempool, kung saan nakalista ito sa first graph bilang isang transaksiyon pero kailangan ng malaking laki (dahil mayroon itong maraming input), halimbawa mayroong maraming non-SegWit transactions).  
Pero pag katapos nito ay, katulad na ito ng mga ibang graph.

Unconfirmed Transaction Count (Mempool):







Mempool Size na MB:



Kung igagalaw ninyo ang inyong mouse patungo sa graph, maaari ninyo makita ang linya na nagre-representa kung gaano kadaling satoshi per byte (sat / byte). Ito ay nagbibigay sa inyo ng estimasyon kung magkano ang kailangang inyong bayaran para sa inyong transaksiyon. Kailangan nyo rin tingnan ang mga nakaraang itsura nito, gaano kalaki ang MB ng transaksiyon mula sa mga nakaraang oras at madalas bang walang laman ang Mempool. Kaya, mas maiging onting satoshi per byte. Siyempre, depende pa rin ito kung gaano mo mabilis gustong ipadala ang transaksiyon. Kung hindi naman ito agaran, mas maiging maghintay o di kaya ay gumamit ng mababang fee, mas makatotohanan sa mga susunod na oras.

Ang isa sa mga hindi tiyak na variable ay kung saan makikita ang susunod na block. Sa mga iilang kaso, ito ay tumatagal ng halos ilang oras sa pagitan ng dalawang magkasunod na block. Tapos, may maraming transaksiyon ang naiipon na kailangang ilagay sa susunod na block at kailangan ng maraming oras. Karagdagan pa dito, ito ay posibleng maraming transaksiyon ang pumasok sa Mempool bayagya at mayroong mas mataas na fee kaysa sa inyo, Ito ay masasama sa susunod na block kaysa ang sayo. Kaya, mayroon ding panganib ang pagpili ng mababang bayad sa transaksiyon.

Dagdag pa dito, kailangan ninyong tingnan lagi ang volume ng transaksiyon ng mga nakaraang araw. May ilang pangyayari, madalas ay may mga pattern:



- Pag katapos ng mga 08:00 CET, ang dami ng tranksiyon ay tumataas, mga bandang 23:00 ang mga Mempool ay walang madalas na laman (kaya ang mga oras na ito ay mahalaga, minsan maaga o di kaya naman ay mamaya)
- SA pagitan ng 02:00 at 08:00 CET ay ang magandang oras para mag padala ng Bitcoin, kung saan ang Mempool ay madalas walang laman
- Monday ang madalas na pinaka abalang oras
- Tuwing weekend ang Mempool ay madalas walang laman sa buong linggo, kahit na ito ay rush hour

Laging isipin ang mga pattern na ito ay nag papalit kahit anong oras, lalo na sa pag taas ng presyo ng BTC, maraming users ang gumagawa ng transaksiyon, kaya ang fees ay maaari ding tumaas.



At sa pang huli, isang maikling halimbawa

Ngayon ay 01:00 CET dito (gabi) noong ginawa ko ang screenshot, ang kung makikita ninyo ang Mempool sa larawan (daily overview):


Ito naman ay Monday, ang dami ng transaksiyon sa araw na ito ay sobrang taas tulad ng inaasahan. Pero ang Mempool ay madalas walang laman pa din. Maaari nating sabihin na dahil wala itong laman ng mga ilang oras pa ngayong gabi, tulad ng nakaraang linggo at mayroon pa tayong oras ngayong gabi.

Kung titingnan ninyo ang laki ng lahat ng transaksiyon sa Mempool pag ginalaw ninyo ang mouse ninyo sa graph, makikita ninyo sa huling block na hindi pa ito kumpleto (halos 0.55 MB (madalas mahigit 1 MB ang kasya sa isang block)). At sa ngayong punto, pipiliin ko ang 2 satoshi / byte at maaaring ito ay mataas dahil kasama na ito sa susunod na block.

At kung titingnan ninyo ang graph, maaari ninyong makita ang ilang transaksiyon na sobrang taas... Pinadala nila ang transaksiyon nila na mahigit 100 satoshi / byte, kahit na ang fee lamang ay 2 satoshi / byte na sapat lang para makuha sa susunod na block. ^^




▄▄████████████████████▄▄
▄███████▀▀██████▀▀███████▄
████████████████████████
████████▄▄██████▄▄██████

████████████████████████
██▄▄█████████████▄▄██████
██▀▀██████████████████▄▄██
██████▀▀██████████████▀▀██
██████████████████████████
██████▀▀██████▀▀████████
████████████████████████
▀███████▄▄██████▄▄███████▀
▀▀████████████████████▀▀
 
 DΞX.fo 
▄▄██████
█████████
██████████
█████████
██████████
█████████
▀▀██████

▄███████
▄██████████
████████████
█████████████
█████████████
|
▄▄█
▄████▀
▄███▀
▄██▀▄██
█████▀▀
███████
████████
▀██▄████
▄████▄▄
▄█████▀███
▄█████▀████
█████▀███████
▀██▀█████████
|  BTC     XMR  
  DAI     LTC  
   Fees  0.8%    
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2324
Merit: 2018


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
July 01, 2026, 02:43:48 PM
 #24

Kami ngayon ay OFNT (Open For New Translators)
Matuto paano mag-apply DITO


Ang ANN sa mga lokal boards:IndonesianSpanishRomanianTurkishPortugueseGermanFilipinoRussianPidginBangla



Kalidad na pagsasalin para sa inyong mga Proyekto at sa Forum.

Mga Miyembro ng Gang:

Quote
Polish & German
Romanian
Russian
Spanish
French


Indonesian
Turkish
Ukrainian (Rus back-up)
Filipino
Pidgin


Serbian & Croatian
Indonesian back-up
Bangla
Portuguese
Pidgin back-up


Urdu
Hindi
Filipino back-up
Swedish
Join us!



Ang Alliance Of Bitcointalk Translators [AOBT] ay isang desentralisadong grupo na binubuo ng mga aktibong miyembro ng forum na nagtutulong-tulong para magbigay ng halaga sa kani-kanilang mga lokal boards at lehitimong pribadong proyekto. Kami ay walang manager, pero kami ay bukas para makipagtulungan sa mga mapagkakatiwalaang manager ng forum. Kung kayo ay may hinahawakang bounty, signature o di kaya ay iba pang campaign at gusto ninyong bigyan ng translation service, maaari ninyo kaming kontakin.


- Ano ang ginagawa namin

  • Kami ay nakikipagtulungan sa bawat miyembro para isalin ang isang akdang nakita namin, upang mapalawak at magkaroon ng pagtutulungan, at bawat isa ay makahanap ng bago akdang isasalin (ang paghahanap ng mga ito nang isa-isa ay sobrang hirap).
  • Kami ay nag-aambag sa kani-kanilang lokal board para magsalin ng ilan sa mga natatanging post/thread dito sa forum pro bono upang gumawa ng mga mahahalagang nilalaman dito. Ibinabalik lang namin kung ano ang gandang bigay ng forum sa atin. .
  • Tinatanggal namin ang hadlang sa pagitan ng bawal lokal board upang ibahagi ang mga ideya at karanasan para sa mga bagong kaibigan mula sa iba't ibang nasyonalidad dahil tayong lahat ay Satoshi hindi mahalaga kung saan ka man nakatira.


- Bakit kami

  • Kami ay isa sa mga aktibong mamamayang miyembro ng forum.
  • Nagsasalin kami ng mga ideya, hindi lang mga salita, at kami ay may angkop na karanasan para magsalin na isina sa puso.
  • Kaya naming magbigay ng kalidad na salin para sa inyong pera
  • Malamang ay kilala ninyo kami bilang indibidwal, kaya naman pinahahalagahan namin ang reputasyon..
  • Sa pagpili sa amin para sa inyong proyekto, kasama na rin dito ang pag-unlad ng aming mga lokal board sa forum!


- Ano ang hindi namin isinasalin

  • Mga ilagay na bagay.
  • Scams.
  • at iba pa. (Bawat miyembro ay mayroong sariling pamantayan patungkol sa gambling, pornography,...).

- Ilan sa mga testimonials

  • GazetaBitcoin: More than 90 translations so far. Translator of Bitcoin white paper listed on bitcoin.org.
  • mindrust: Translating is my business and business is good.
  • Porfirii: More than 70 projects translated into Spanish since 2017. Ask me for my Porf-olio.
  • Peanutswar: Translation is like sharing knowledge.


- Signatures




KONTAKIN KAMI:


[1] Para sa may mga bayad na salin: Kung gusto ninyong isalin ang inyong proyekto, pakiusap, i-post ninyo ito sa ibaba o di kaya ay mag-send ng PM at maaari naming bigyan kayo ng offer.
[2] Para sa mga libreng salin: Kung mayroon kayong mukhang gusto ninyong ipasalin, isang magandang usapin na maaaring isalin sa aming lokal na board ng libre, ipagbigay-alam lang ninyo o di kaya ay i-post ito sa ibaba. Mas maraming mungkahing matatanggap namin, mas maraming salin ay maaari naming gawin.

Gusto kaming suportahan? Sponsor ang aming Alliance at/o mga partikular na paksa.

NEWAng miyembrong si redsun114 ay nagbigay ng pabuyang $50 sa BTC para sa pinakamahusay na translator ng buwan Maraming salamat!!!

Para sa Escrow: GazetaBitcoin.

PAUNAWA:

-------------------------------------
Kahit na gusto naming piliin ang pinakalehitimong proyekto para isalin, hindi namin ginagarantiyahan kung ano man ang mangyari kung ang kanilang manager ay gumawa ng maling desisyon. Kami ay nagbibigay lamang ng offer para sa aming serbisyo bilang translator ng naibigay na teksto.


-------------------------------------

Kung kayo ay mayroong patunay o di kaya ay seryosong pagdududa para sa proyektong aming isinasalin, pakiusap, ipaalam ninyo sa amin.


▄▄████████████████████▄▄
▄███████▀▀██████▀▀███████▄
████████████████████████
████████▄▄██████▄▄██████

████████████████████████
██▄▄█████████████▄▄██████
██▀▀██████████████████▄▄██
██████▀▀██████████████▀▀██
██████████████████████████
██████▀▀██████▀▀████████
████████████████████████
▀███████▄▄██████▄▄███████▀
▀▀████████████████████▀▀
 
 DΞX.fo 
▄▄██████
█████████
██████████
█████████
██████████
█████████
▀▀██████

▄███████
▄██████████
████████████
█████████████
█████████████
|
▄▄█
▄████▀
▄███▀
▄██▀▄██
█████▀▀
███████
████████
▀██▄████
▄████▄▄
▄█████▀███
▄█████▀████
█████▀███████
▀██▀█████████
|  BTC     XMR  
  DAI     LTC  
   Fees  0.8%    
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2324
Merit: 2018


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
July 06, 2026, 12:38:58 AM
Last edit: July 06, 2026, 08:49:28 AM by Peanutswar
 #25

  Statistika ngayong  Hunyo 2026____________________ ni
Ito ay isa sa malaking update na pinag handaan simula noong mga nakaraang taon at sa wakas ito ay nailabas na. Ito ay noong ika-10 ng Hunyo at ngayon ay opisyal na ito nailunsad sa TalkImg 2.0, na may iilang idinagdag na nainiwala kaming magagamit ng lahat.

Naging maayos naman ang naging proseso. Pag ka tapos gumawa ng mga kailangang backup, ang update ay nailabas naman ng maayos at walang problema at ang lahat naman ay gumagana ng hindi aabot ng isang oras. Pag ka tapos nito, sa loob ng ilang araw, ang mga features ay nadagdag at siniguradong lahat ay gumagana ng maayos.

Sa kabutihang palad, mayroong isa o dalawa lang na mga kailangan ayusin, at ang lahat ay gumana naman ng walang naging problema. Bilang kailangan ng update, ayusin ang ilang mga bugs, pag aayos ng istraktura, at ikagaganda ng platform na kailangan naming ipatupad. Dagdag na dito, ang proyekto ay kailangan isailalim sa ilang pag sasaayos para mapadali ang mga hinaharap pang updates.

Pero ang tanong ko sa lahat ay: ano nga ba ang bago? Ang ilan sa mga bagong features dito ay nasabi na ng ilang mga users, ang ilan ay nakita na nila ito kahit hindi pa ito pinag uusapan. Kaya naman, ito ang listahan ng mga pangunahing bagong features.

# Image Compression
Ito ay isa sa mga pangunahing feature, tulad ng ipinangako sa simula palang ng proyekta. Kung alam nyo, ang forum ay tumatanggap lang ng hanggang 2.5MB (ito ay limitasyon ng Bitcointalk, hindi ng TalkImg). Kaya dito, ngayon ay posible ng mag upload mga matataas na image (hanggang 15MB), kung saan ang platform ang mag mag papaliit nito upang mapababa pa sa 2.5MB

Paano ba ito gumagana? Simula pumili ang user ng imahe na humigit 2.5MB, ang sistem ay gagawa ng pangunahing compression, kung posible ito gamit ang browser (mula kay user). Kung ang compression ba na ito ay sapat para mabawasan ang image na mas mababa pa sa 2.5MB, ang pag upload ay tutuloy lang ng normal. Kung ang imahe naman ay hihigit sa 2.5MB, ito ay mag sasagawa ng panibagong compression sa server para masiguradong ang imahe ay mas mapapaliit ng mas mababa sa 2.5MB, para magawa ang kumpletong pag upload.

Pinili namin ang paraan na ito dahil naisip namin na maraming imahe ang maaaring ayusin sa pinaka magandang size gamit mula sa browser, habang kasunod nito ang pag iwas para mapuno ang server. Bukod pa dito, ang proseso gamit ang browser ay mas mabilis, at ang paraan na ito ay maaari nating mabawasan ang posibleng bagal sa pag proseso ng pag upload.

Ang Compression ay kadalasang ginagawa para mabawasan ang kalidad ng imahe, at kasama na din dito ay ang size (sa pixels). Mula sa pag sasagawa namin ng testing, halos lahat ng imahe ay na comress naman ng maayos, pero hindi namin ginagarantisado na lahat ng imahe ay ma co-compress. Kung ang image ay hindi ma-compressed, ang user ay sasabihan naman. Pakitandaan lang na ang GIFs ay hindi maaaring ma-compress, at ang uri ng imahe na ito ay tatanggapin lang kung ito ay hanggang 2.5MB.

# Suportado ang Ibat ibang Image Types
Isa sa mga hinihiling nilang feature ay abilidad na mag upload ng ibat-ibang file types bukod sa opisyal na supportado ng forum (ito ay ang: JPG, JPEG, PNG, GIF). Ngayon posible ng mag upload ng ibang formats, katulad ng WEBP, BMP, HEIC, HEIF, at AVIF.

Pag pinili ninyo ang alin sa mga format na ito, ang platform ay mag sasagawa ng parehas na proseso ng compressing ng mga larawan, at papalitan ito mula sa JPG o di kaya ay PNG.


# Bagong Editing Tools
Pag katapos mo pumili ng larawan na gusto mong upload, ngayon ay maaari mo nang ayusin ang laki nito. Ngayon, ang gamit nito ay mas gumanda na at maaari mo na din gawin ang ilang mga edits.

Ngayon mayroon ka ng slider na maaari mong adjust ang size ng larawan, kaysa i-type ito. Maaari mo na din ikutin ang larawan. Guputin ang larawan. Mag sulat ng text, mag drawing, gumawa ng square o kaya ay circle. Para magamit ang feature na ito, pindutin lamang ang "Edit/Resize" button at lalabas dito sa itaas ang thumbnail bago ka mag simula mag upload.


Itong lahat na papalitan na mga edits na ginawa sa browser (user-side), at ang ilan ay hindi maaaring magamit. Gayunpaman, lahat ng modernong browser ay maaaring gumana ng walang problema.

# BBCode Table Tool
Ito ay bagong feature. Ngayon, kung kayo ay mag upload ng maraming imahe sabay sabay, maaari kayong bigyan ng opsiyon na gumawa ng BBCode table kasama ang mga larawan.

Kung ang upload ay nakumpleto na, sa ibabang bahagi nito ay makikita ang  BBCode links para sa mga larawan, mayroon ditong bagong field na tinatawag na  "BBCode table generate". Ang opsiyon na ito ay binibigyan ng paraan kung gaaano kadaming column sa table ang kailangan at ayusin ang larawan sa loob nito. Pag katapos ay pindutin lang ang  "generate," ay makukuha mo na ang lahat ng kailangan mong BBCode na kailangan sa forum.




# Image Details (Size and Pixels)
Nag dagdag din ako ng ilang detalye sa mga larawan, kasama na dito ang mag ayos ng size sa pixels at ilang mga space na bakante. Ang impormasyon na ito sa ibaba ng larawan. Ito ay talagang nakaka engganyo tignan ang impormasyon kung ang larawan ba ay na compress, dahil ilalabas nito ang bago at magkatapos na impormasyon.

Tignan ang halimbawa, tulad ng isang malaking larawan na nai-compressed:
Kung titignan ninyo sa unang larawan ang compression gamit ang browser ay hindi sapat (ito ay mula sa 7MB at nangyari ay naging 5MB) tapos ito ay co-compressed naman gamit ang server. Sa pangalawang larawan, makikita ninyo ang server compression, kung saan ang larawan ay naging 2MB.

Mayroon din kaming onting inayos para sa UX
Naway ang update na ito ay mapaigi para sa lahat ng gumagamit at ang TalkImg ay maging epektibo. Salamat sa lahat ng inyong suporta, dahil kung wala iyon ay hindi ito magiging posible.


Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 7 833 (+394 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.77GB (+0.5 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 1 033 723*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 5 763 686*
 Bandwidth ngayong buwan: 262.50GB*
*Ang datos dito ay maaaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.

10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

226
nakakita
     
#02

223
nakakita
     
#03

197
nakakita
     
#04

197
nakakita
     
#05

178
nakakita
              
#06

178
nakakita
     
#07

177
nakakita
     
#08

174
nakakita
     
#09

173
nakakita
     
#10

172
nakakita

▄▄████████████████████▄▄
▄███████▀▀██████▀▀███████▄
████████████████████████
████████▄▄██████▄▄██████

████████████████████████
██▄▄█████████████▄▄██████
██▀▀██████████████████▄▄██
██████▀▀██████████████▀▀██
██████████████████████████
██████▀▀██████▀▀████████
████████████████████████
▀███████▄▄██████▄▄███████▀
▀▀████████████████████▀▀
 
 DΞX.fo 
▄▄██████
█████████
██████████
█████████
██████████
█████████
▀▀██████

▄███████
▄██████████
████████████
█████████████
█████████████
|
▄▄█
▄████▀
▄███▀
▄██▀▄██
█████▀▀
███████
████████
▀██▄████
▄████▄▄
▄█████▀███
▄█████▀████
█████▀███████
▀██▀█████████
|  BTC     XMR  
  DAI     LTC  
   Fees  0.8%    
Pages: « 1 [2]  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!