Bakit Hindi Kayang Gayahin ng Altcoins ang Monetary Policy ng Bitcoin
Talaan ng Nilalaman
I. PanimulaSa mga nakalipas na taon, alam nating napakaraming altcoins and sumubok na gayahin o yung tinatawag nating i-fork ang Bitcoin. Gusto nilang gawing mabilis, mas scalable at energy efficient. Subalit lahat sila ay nabigo sapagkat may isang aspeto ang Bitcoin na hindi magawa gawa ng sinumang project, at ito yung tinatawag na "monetary policy ng Bitcoin". At sa aking pag back read, narito sa baba ang ilang mga fork na ito na naging malaking balita sa ating komunidad na nagdulot ng maraming debate, argumento, kuro-kuro na parang nahati sa gitna ang forum. Ngunit sa bandang huli, lahat sila ay hindi nagtagumpay at nanatili na iisa lang ang Bitcoin at walang makakagaya dito.
Ang Bitcoin Cash (BCH, 2017) at Bitcoin SV (BSV, 2018) ay direktang hard forks ng Bitcoin na nagsasabing sila ang "tunay na Bitcoin." At kung titingnan mo, ng 21 milyong supply cap din sila. Ngunit hindi sila nag tagumpay, at pinakita lamang na ang paggaya sa supply cap ay hindi sapat. At katulad ng sinabi ko, nagbunga ito sa ating komunidad na hinati ng pulitika at pinangunahan ng mga makapangyarihang indibidwal tulad nina Roger Ver at Craig Wright. At lumalabas na hindi sapat ang teknikal na pagkopya kailangan din ang "social consensus, incentive alignment, at immutability credibility".
II. Ano ang Bitcoin Monetary Policy?Ang Bitcoin monetary policy ay nakabatay sa apat na pangunahing elemento:
- Fixed Supply Cap: 21 Million
Ang maximum supply ay limitado lamang sa 21 milyong BTC, at hindi ito tataas.
- Halving Schedule
Bawat humigit-kumulang 4 na taon, ang reward sa pagmimina ay nababawasan sa kalahati. At dahil dito, pinapabagal ng halving ang inflation at nagpapatatag ng monetary emission curve.
- Difficulty Adjustment
Tuwing 2016 blocks (~2 linggo), ina-adjust ang mining difficulty upang mapanatili ang ang average block time sa 10 minuto. At sa kasalukuyang, merong 500 exahashes bawat segundo (EH/s) mas mataas kaysa sa pinagsama-samang hash rate ng lahat ng iba pang proof-of-work na cryptocurrency. Kaya mas mataas na hash rate, mas maganda para maprotektahan sa tinatawag na 51% attack, o isang coordinate attack para baguhin ang chain.
- Non-Governance Monetary Rules
Hindi katulad ng karamihan ng mga altcoins, walang CEO ang Bitcoin. Walang central committee, board, at kung may babaguhin man, ito ay dadaaan sa ng isang mahirap, masalimuot, na proseso, consensus sa pagitan ng mga developers, miners, node operators, at users.
III. Immutability at Credibility: Susi ng BitcoinMaraming altcoins ang nagsasabing may fixed supply, ngunit tanungin natin, Credible ba na hindi ito mababago sa future?
Sa Bitcoin, ang sagot ay oo, dahil sa:
- Decentralized hash power - ibig sabihin walang may control ng mining power ng Bitcoin. Marahil sa ngayon maraming entity na nagminina, pero nasa iba't ibang bansa, iba't ibang energy source, at libo libong minero.
- Long chain security history - ito ay tumutukoy sa sa haba ng panahon na ang blockchain ay tuloy tuloy ang takbo at hindi pa na compromise at hindi pa naputol kailanman.
- Waláng central developer control - alam naman natin to, walang nito kasi pinili ni Satoshi na mawala.
- No pre-mine - ang supply at naka cap sa 21 million. Kahit si Satoshi ay walang natanggap sa umpisa. Sya mismo ay nagmina rin katulad ng karamihan sa ngayon.
- No ICO allocations - ganun din, walang allocation na natanggap is Satoshi, either mag mina ka or bumili ka ng Bitcoin.
- No foundation override power - walang Bitcoin foundation, ibig sabihin walang pwedeng mag override ng policy nito. Kinakailangan ng node consensus para magpatupad ng pagbabago.
IV. Bakit Hindi Ito Magaya ng Altcoins?Unang una, karamihan sa kanila ay may founder, halimbawa ang Ethereum, si Vitalik Buterin. Merong silang mga foundation committees, meron mga tinatawag na token governance mechanism. So kayang kaya nilang baguhin ang monetary rules nila kahit ano mang oras. At isa ulit sa halimbawa ay ang Ethereum na marami nang pagbabago na nagawa. From PoS to PoW, tapos may staking na rin, unlimited supply, burning. At yung iba naman ay may pre-mine. At hindi natin makakalimutan ang panahon ng ICO na tiyak marami dito sa inyo ang inabot to. May airdrops na natanggap na malalaking halaga. At sa huli, sa tingin ko ay hindi talaga ang code ang batayan kung bakit hindi magaya to ng altcoin. Maari silang mag experiment ng mga mabibilis na modelo, ngunit ang trade off nito ay nawawala ang sentralisadong punto ng pagkakatiwalaan.
Samantalang ang Bitcoin ay nag-iisa lamang, ang kanyang lakbay, desentralisasyon, at pinatibay nito na ang pera ay hindi dapat magkaroon ng tagapamagitan na maaring magbago ng mga patakaran. Kaya napakatatag ng monetary policy ng Bitcoin.
V. Game Theory at IncentivesAng Bitcoin monetary policy pwede rin nating tawagin na "game theory breakthrough". Meron tayong tinawagan na miners, at sila ay may incentives upang pangalagaan ang network. Ibig sabihin nito, ang mga miners ay nagpapatakbo ng malalakas na computer para i-solve ang complex mathematical problems para ma validate ang transaksyon at sila at kumikita o binabayaran para gawin ito. Pero bago nila magawa to, kailangan nilang sundin ang lahat ng patakaraan at gawin lahat ng tapat. Samantalang ang mga nodes naman ay nang dyan para, mga computers din pero ang trabaho nila ay verify kung sumusunod ang mga transaksyon at block sa tamang patakaran. Wala silang kinikita na pera, pero sila ay napakahalaga rin.
VI. Liquidity at AdoptionAng Bitcoin at halos i-adopt na globally, bukas ang market 365/24/7 sa buong mundo from Asia to Africa. Maraming institution o kahit gobyerno ngayon ang bumibili nito. Bakit kasi nga dahil sa matatag na monetary policy nito. Dahil kung titingnan nga natin ang uptime ng Bitcoin's blockchain, ay halos 100% ito. So marami ang nagtitiwala dito kumpara sa mga altcoins bago man o luma. Kahit bago na sa papel eh mas superior sa Bitcoin, wala parin makaka daig dito at hindi nito kayang lampasan ang Liquidity at Adoption at Brand recognition na rin ng Bitcoin.
VII. KonklusyonHindi kayang gayahin ng altcoins ang monetary policy ng Bitcoin ito ay natatangi at mahirap nang masundan. Kung baga, one of a kind talaga tong nagawa ni Satoshi. Iba ibang combinasyon na desinyo nya, at nalathala sa tamang panahon. At ito talaga ay isang ingay na gumawa sa kasaysayan ng tao. At sa ngayon masasabi natin na ito ay pinoprotektahan ng maraming tao, bilyon bilyon enerhiya at hardware at kahit kailan man ay hindi pa napapabagsak. Ang Bitcoin ay unang cryptocurrency at pwede rin nating sabihin na huli at tanging cryptocurrency na may monetary policy na hindi man mababago at wala man sino mang may lakas na baguhin ito. Kahit na sabihin natin na may malalakas at ma impluwensyang tao o entities ngayon na nag iinvest ng malaki sa Bitcoin market.
VIII. Sources & References