Pano ko ba sisimulan ang topic na ito, siguro simulan ko nalang sa kung wala kang idea sa financial market at Trading, well ito ang pwedeng maging stepping stone mo, dahil ipapaliwanag ko ng simple ang mga dapat mong matutunan sa trading. Higit sa lahat ay Libre ang trading course na ito, ang kailangan lang gawin ay unawain, aralin yung mga mababasa mo na ibibigay ko dito.
Ang Trading Course na ito ay binubuo ng 10 part na ibabahagi ko dito at ang ilan sa mga sumusunod ay ang;
1.
Trading Introduction dito ipapaliwanag ko ang basic idea ng trading at ang pagkakaiba nito sa Investing. Basic overview sa Fundamental analysis,
Technical analysis, Market trend, at Market cycles.
2.
Trading and Investment strategies dito naman ipapaliwanag ko yung Types of Trading, Day trading, Swing trading, Position trading at Scalping.
3.
Financial market and Trading instruments dito naman itatackle ko yung Spot market, Margin trading, Derivatives market, Futures contract and Options.
4.
Trading platform and overview 5.
Spot trading Introduction6.
Technical Analysis isa naman ito sa napaka-importante sa ating trading journey.
7.
Trading Indicators dito naman ituturo yung mga madadaling matutunan pero very effective, tulad ng MA, RSI at Bolinger bands.
8.
Risk Management9.
Trading Psychology10.
Trial and ErrorSo 10 part lang ang aking ituturo at sigurado akong kapag nabasa nyo lahat ng yan ay pwede kang magkaroon ng solid foundation lalo na sa mga newbies na papasok sa crypto trading maging sa mga datihan na sa industry na ito. Alam ko naman na madaming mga trading tutorial sa youtube pero aminin natin sa ating mga sarili na mahirap intindihin, at kalat-kalat, pero wala pa akong nakita sa youtube na full-tutorial trading, meron din naman na mga coach sa trading pero may bayad yung mentorship, saka bakit ka naman magbabayad kung pwede mo naman ito matutunan ng libre. Yung iba kasi na nakikita ko na tutorial sa youtube ay very basic deretso agad sa trading, kaya yung mga tao o viewers ay akala nila ganun lang kadali yung trading na kung saan sasabak agad sa giyera na wala manlang basic foundation sa trading.
Kaya sa beginners guide na ito ay ituturo ko lahat sa inyo ang kailangan niyo na malaman about sa Trading. Hindi po ako professional trader may alam lang po ako at nais ko lang ibahagi ng libre at bukal sa loob ko so, the part 1 will be start tomorrow, salamat po
