Sa akin dati tanggap lang scam man yan o hindi basta mabayaran. Way back 2016, active din ako sa mga bounties, although marami talagang project na hindi nagbabayad, may mga project naman na talagang paldo and mga kasali ng bounties. Mas binibigyan ko pa nga ng pansin ang mga altcoin sig camp kesa sa BTC sig campaign those times, pero noong naglitawan na talaga ang mga scam projects , nagfocus na lang talaga ako sa Bitcoin sig campaign.
Malaki laki narin sana ang naipon ko from sig camp kung hindi lang nagkaroon ng mga hardships na kung saan need talagang ibenta para pangbayad sa mga pangangailangan at bills.
Bounty days right? Kadalasan naman talaga nun dati is no assurance at normal na ito para sa atin dati.
Sobrang active ko din sa mga translations dati at kahit na walang kasiguraduhan na magbabayad ang project owners ay nagsusunog parin ako ng kilay. At maganda din naman ang result at masabi natin na worth it ang pagpapagod dati.
Pero yung kay Cardone ay iba yun dahil may option sya na tumanggi at piliin tanggapin ang fiat, pero galing nya din dahil sumugal parin siya at nagbungga ng maganda yung ginawa nya.
Kung tinuloy tuloy ko lang siguro pagbili nito at hindi ko ginalaw maaring madami na akong bitcoin tinignan ko dati ung wallet ko sa bitcoin mahigit ilang bitcoin din ang aking nabili, pagkatapos cheneck ko din ang bitcoin wallet ko sa poloniex naka 3-5 bitcoin din ako, tapos iyong mga bitcoin pa dati na nilalagay ko sa mga wallet kung saan pagmagpresale siguro mahigit 6 bitcoin iyon, sayang lang, pero minsan talaga kelangan ding sumugal, sa buhay pero hindi naman need iyong todo sugal sakto lang ang sinasabi kung sugal hindi iyong kasino ha, kundi iyong chance, na wala naman mawawala sige subakan, dapat may ganeto din tayo, hindi puro takot kaunting research din.
Siguro mainam wag muna pagsisihan ang mga naganap na. And importante dyan ay kung naging masaya ka sa mga pinag gagastusan sa mga kinita mo dati.
May chance pa namang bumawi dahil andito pa naman si Bitcoin at sobrang taas parin ang chance na mas tumaas ang presyo nito in future.
Wala talaga siyang knowledge about Bitcoin pero tinanggap nya parin ito. Kung kayo nasa lugar nya tatanggap ba din kayo ng currency na di nyo alam? or gaya lang din ng iba na palalampasin lang ito?
Iba din talaga ang nagagawa ng pagiging open-minded at long-term na mag-isip. Kung sa iba ito, kung nagkaroon ito ng value, i-trade agad ito, pero nagawa niya pa itong i-hold hanggang ngayon, kahit na umabot na sa 6-digit ang price ng Bitcoin, kahit man lang 1 o 10 Bitcoin ay di niya nagawang ibenta.
Magkano kaya niya gustong ibenta ito? Naniniwala siya na aabot ito sa 1 milyon at doon niya ito ibebenta. Kung sa akin nangyari ito, baka i-trade ko agad ito unless may magsabi sa akin na puwedeng mag-10000 times ito in the future.
Mapera naman din kasi dati pa yan si Cardone at baka sumugal lang sya dahil gusto lang siguro nya madagdagan ang experience nya sa pagsasalita sa mga ganung event. Pero ang nangyari yun pala ay isa sa mga best situation na naganap sa kanyang buhay.
Di natin alam kung hanggang kailan sya mag hold, pero malamang e dump nya din yan sa hinaharap kung kailangan nya na talaga ng pera.
Siguro sa ngayon mas pinili nya munang itago ito at mag antay muna ng mas maganda pang pagkakataon.
Tsaka nakakatuwa din ang interview nya dito sa Coindesk
https://www.youtube.com/watch?v=VobVgBR779g at inexplain nya kung pano yun nangyari at ang maganda pa dito ay nakahold pa ito hanggang ngayon.
Sa mga story na to makikita natin marami talagang magandang kaganapan dati, na kung saan yung early investors or di kaya yung mga tumanggap ng Bitcoin sa mga gig nila ay kumita ng malaki ng di nila inaasahan kay Bitcoin.
I didnt check the interview, pero isa lang ang pattern ng mga early adopters na until now naka hold pa rin ay may mga kaya na since then, may kaya or mayayaman na. Kase if average person or average earner and below pa lang mga yan, obviously nag sell off na sila before pa ng 2017 ATH at $20k. Or that time mismo or mas ear
Spend some time to check kabayan dahil maganda ang story nya.
Kaya agree din ako na depende sa sitwasyon talaga. Siguro kinalimutan muna ni Cardone ang natanggap nyang Bitcoin dati at binalikan nya lang nung nabalitaan nyang pumutok lalo ang presyo nito. At tinuloy tuloy nya na ang pagtitiwala kay bitcoin kaya hanggang ngayon naka hold parin sya.
Isa ito sa mga rason pano nakapa importante ang Bitcoin community kasi mas makakatulong ito para mas makilala pa ng ibang tao kung ano ang Bitcoin talaga, ma introduce sila sa Bitcoin sa kahit anong pamamaraan.
For sure para sa akin, during the the event na ginawa nya, jan nya lang nalaman at nagka idea na siya.
Ayon din naman sa mga nabasa ko, dun lang din sa event na yun nakilala ni Cardone si Bitcoin. Sadyang tinadhana talaga sa kanya ang mga bagay nato at yun rest is history at siguro safe to say na successful holder sya dahil pumaldo sya ngayon kay Bitcoin.