Wala talaga syang knowledge about Bitcoin pero tinanggap nya parin ito. Kung kayo nasa lugar nya tatanggap ba din kayo ng currency na di nyo alam? or gaya lang din ng iba na palalampasin lang ito?
Kung darating na bagong concept, malamang tanggapin ko ito dahil sa halimbawa ng ginawa ng Bitcoin para sa napakaraming tao. Pero sa tingin ko, mahirap na uli na magkaroon ng isang katulad ng Bitcoin. Naiibang karanasan talaga ang pwede lang natin asahan ay may isang cryptocurrency na may posibilidad na maging katulad ng Bitcoin.
Pero di parin talaga natin maipagkakaila no na mas pipiliin natin ang fiat dahil yun kasi ang common na binabayad para sa mga serbisyo na ginawa natin.
Amazing lang na kahit di alam ni Cardone ang Bitcoin ay tinanggap nya parin ito at tsaka yung ginawa nyang yun ay nag bunga ng maganda sa kanya lalo na't pumalo ng mataas ang presyo ng Bitcoin.
Yeah mahirap talaga magkaroon ng another Bitcoin, kaya nga surprising ang existence nito dati at marami sa atin talaga na di alam na mag succeed ito. Kaya madami ang nanghinayang na pinalampas nila ito o yung iba di man lang nag spend ng time mag research at inuna pa yung online games dati.
Sobrang swerte ng mga ganitong storya na kung saan kumita sila ng Bitcoin dati and kapag nakita nila ang value ngayon sobrang taas na lifechanging money na, imagine na lang kung may natago kang wallet na may laman na 115 Bitcoin ngayon dba malalaman mo nalang bigla sobrang laki na ng value nyan and instant mayaman kana agad. Pero kudos pa rin dahil hindi naman siya kikita kung hindi nya pinapatos ang mga offers sa kanya ibig sabihin talagang masipag siya magtrabaho dahil kahit Bitcoin ang bayad trinatrabaho nya parin kahit maliliit na work lang, 45 mins lang na work sobrang taas na ng value ngayon. Ibig sabihin lang niyan deserve niya talaga yan kung naniwala siya noon pa sa Bitcoin if until now hawak niya pa rin ang Bitcoin na yan.
Pero mukang maganda rin talaga if merong salary na Bitcoin dito sa atin, may mga naririnig ako na ganun, pero naisip ko if may ganun sa mga corporates or private companies baka Bitcoin nalang din ang piliin ko na salary.
Kaya nga sobrang swerte talaga at iilang tao lang ang naka experience ng ganito. Tsaka yung mga nag HODL o di kaya kahit nakalimutan nila ay sinuwerte dahil kumita sila ng milyon milyong halaga kay Bitcoin.
Pero kung salary ang usapan siguro. Fiat ako mas prefer ko ang madali kung matanggap, dahil medyo hassle rin si Bitcoin sa ibang bagay. Yung matitira nalang sa sahod ko ay ibibili ko nalang ng Bitcoin.
Kung kayo nasa lugar nya tatanggap ba din kayo ng currency na di nyo alam? or gaya lang din ng iba na palalampasin lang ito?
Kahit mahigit isang oras yung trabaho, willing akong tumanggap ng currency na di ko alam
[assuming na wala akong makitang red flags], dahil at the end of the day, it's still a form of currency, so pag kailangan ko talaga, pwede ko itong i-convert agad.
- The main issue is most likely hindi ko ito ihohold for the long term.Kahit ako papatusin ko yan dati, lalo na kung ganyan lang ang usapan. Dahil nga malaking company ngarin ang nagbayad sa kanya nyan meaning may ibubugang asset narin si Bitcoin dati. Kaya siguro naisip nya rin na tanggapin ito at wag sayangin ang pagkakataon.
Yun ngalang talaga kung tayo ang makatangap nun, questionable din kung e hold natin ito or benta lalo na sa hirap ng buhay natin noon or maybe ngayon din naman.