It's been a couple of months since my last cashout from Coins.ph.
Medyo wala naman akong balak mag Cashout sa ngayon kasi medyo nakakatamad din maglipat from Electrum desktop to coins.ph lol pero ano ang pinaka convenient na withdrawal method sa ngayon? Dati si Security Bank e pero wala na e.
Hmm depende if ano ang criteria mo para matawag na convenient.
Here's my ranking based on my preferred method:
1) GCASH for small cashouts/urgent
Processing time = Instant / Withdrawal kahit saang Mastercard supported na ATM, anytime, anywhere.
Fees: 2% of the cashout amount. That's why good lang siya for small cashouts.
2) LBC for small to large cashout
Processing time = Instant / Withdraw kahit saang LBC branch basta may pondo. Kalaban mo nga lang is pag natapat ka sa maraming tao. But syempre sarado sila sa gabi.
Fees: Di fixed e. Depende sa amount. Check mo na lang din. Pero mas cheap compare sa LBC.
3) ML Kwarta Padala large cashout - Ito ang preferred ko kasi mas malaki pondo nila kaysa sa LBC especially sa Malls. Nakapagcashout na ako dito ng half M. 10 transaction slips.
Processing time = Cashout before 12pm, received the same day.
Fees: Depende sa amount pero last time na nagwithdraw ako ng max amount per transaction, Php 50,000 is Php 160 fees.