Bitcoin Forum
May 25, 2026, 08:08:16 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Mga Baguhan – Basahin muna bago mag-post  (Read 54 times)
fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 364
Merit: 276


You Attract What You Are


View Profile
April 23, 2026, 10:20:48 AM
Merited by GazetaBitcoin (1), Peanutswar (1)
 #1

May Akda: Lauda
Orihinal na Akda sa English: Newbies - Read before posting



Maligayang Pagdating sa bitcointalk.org! Ang bidyo na ito ay pinapakita ang pangunahing kaalaman tungkol bitcoin, kaya iminumungkahi ko na tingnan ito. Silipin din sa ibaba para sa karagdagang impormasyon tungkol sa forum.

Mga Paalala sa Forum
  • Thread ng Pagpapakilala: Kung pakiramdam mo ay kailangan na mag post ng isang thread para magpakilala magsikap ka naman na magsulat ka na makabuluhan kung hindi, huwag na lang. Ang threads o post na naglalaman lamang ng isang salita/pangungusap katulad ng  "hello & welcome to the forum" ay buburahin ng walang babala dahil nagdudulot lamang ito ng mga hindi kinakailangang kalat.
  • Pangkalahatang threads: Ang Pangkalahatang thread ay naglalamang lamang ng mga impormasyon na may kaugnayan sa tanong/paksa ng pamagat. Ang pakakaparehong threads na may relasyon sa tanong/paksa ay hindi pinapayagan, kaya maari lamang na itigil ang paggawa nito. Ang Pangkalahatang threads ay dapat naglalaman ng impormasyon at ang pag post na katulad na impormasyon ng maraming beses ay hindi pinapayagan.
  • Watch List: si theymos (ang administrador ng forum) ay ipinaliwang kung paano gamitin ang Watchlist. Ang tampok na to ay pinapadali ang pagsunod ng mga threads na kung saan ka nag post.
  • Trust List: Basahin ang sistema ng pinagkakatiwalaan Sa thread na ito. Iminumungkahi rin na basahin: Trust Vocabulary. Kung mayroon kayong katanungan, itanong ito dito. Pwede mong gawin ang sariling mong listahan ng pinagkakatiwalaan dito.

Iba pang mahahalagang impormasyon


Mas detalyadong impormasyon

Hindi ako makapag-post ng imahe?
Ang mga imahe na pinost ng Baguhan gamit ang  [img]-na tag ay ipapakita bilang links, dahil sa nagdaaan na insidente ng mga spammers at trolls. Tingnan itong thread na to para sa karagdagang inpormasyon Ang mga imahe sa posts ay hindi na pinapayagan sa mga baguhan. posibleng bumili ng "Copper"-ranggo kung gusto mong mag post ng imahe sa ngayon, suriin ang thread na to para sa karagdagang impormasyon tungkol diyan: Ang mga baguhan ay pwede nang mag bayad ng maliit na fee para paganahin ang imahe.

Bakit hindi ko mabago ang aking avatar?
Ang mga Full Members lamang at pataas ang pinapayagan na magsuot ng avatars. At ito ay hindi hihigit sa 120px wide, 80px tall, at 100 KiB ang sukat. At ito ay dapat isang PNG, GIF, or JPEG na imahe. Dahil ligtas itong gamitin.

Para sa karagdagang impormasyon kung bakit mayroon limistasyon, pakiusap na tingnan ito Tungkol sa kamakailan na pag-atake at Ang Avatars ay muling pinagana

Bakit ako naka proxybanned?
Kapag ang isang user ay na proxybanned, ang ibig sabihin nito ay ang kanyang IP ay mayroon ay may kasamaan na kaugnayan sa mga dating gumagamit nito at kailangan mag bayad ng kaukulang fee para payagan na maka pag post.
Ang Evil IP ay isang hadlang para pigilan ang mga pinagbabawal na user na makapag rehistro ng mga bagong account sa forum;
Kapag nag rehistro ka, ang IP na iyong ginamit kapag sinumite mo ang pagpa-rehistro ng from ay ginagamit para kalkulahin ang kasamaan. Mas madalas na ginamit ang IP o ang mga kapitbahay na hindi pinapayagan, mas malaki ang kasamaan na nauugnay sa iyong account.  Ang bilang ng kasamaan na nauugnay sa isang IP ay nababawasan ng dahan dahan sa paglipas ng panahon, ngunit ang bilang ng kasamaan na nauugnay sa iyong account a hindi. Ikaw dapat ay dapat magbayad o manual na i-whitelisted para makapag post sa isa sa  "pinagbabawal" ba accounts.

Ang tampok na ito ay paminsan-minsan na nakaka apekto sa matuwid na bagong users na baka madismaya na mag rehistro sa forum. Sa kaso na to, posibleng magsabi na ikaw ay ma whitelisted ng staff o maga piling forum members:

Saan ko makikita ang aking Bitcointalk ID/UUID?
  • Pumunta ka sa  profile
  • Punditin ang "Summary"
  • Tingnan ang URL sa URL bar (mine would be https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=101872;sa=summary)
  • Ang bahagi na bold ay ang aking ID/UUID, kaya "101872"

Ano ang mga antas ng account sa forum?
May iba't ibang antas ang mga account dito sa forum, ito ang mabilisang listahan ng lahat at paano makuha ito:
RankRequired activityRequired merit
Brand new00
Newbie10
Jr Member301
Member6010
Full Member120100
Sr. Member240250
Hero Member480500
Legendary775-10301000

Makakakuha ka nag bilang ng merito kapag mayroon nagbigay sayo sa isa sa mga posts mo. Para sa karagdagang impormasyon, suriin Mga ranggo/posisyon/badge sa forum at Merito & bagong kinakailangan sa ranggo.

Paano binibilang ang aktibidad sa forum?
Ang aktibidad ay kinakalkula gamit ang sumusunod na pormula:
Code:
activity = min(time * 14, posts)

Ang aktibidad ay tumataas kapag nag post at ito ay na-update kada isang oras; ngunit, ang updated na bilang ng puntos ng aktibidad ay makikita lamang sa iyong profile pagkatapos ng kasalukuyang panahon ng aktibidad. Bilang paalala, sa kaso ng ng latent na aktibidad sa mga nagdaaang panahon (ibig sabihin sa bilang ng aktibidad na hindi ka nag post araw-araw: sa kaso na to, sa mga araw na hindi ka nag post ito ay nagiging latent na bilang ng aktibidad), itong mga to may ma-update sa isang profile sa loob ng isang oras. Pwede ka lamang magkaroon ng pinakamataas na 14 bilang ng aktibidad kada 2 linggo.

Ang aktibidad ay na-update kada isang oras.

Ano nag Merito at SMerit?
Mayroon kang Merito na pwede mong ipadala Merito (sMerit). Ang sMerits ay pwede lamang ipadala, walang dahilan na itago mo ito dahil walang bilang. Kapag mayroon isang nagbigay ng Merit sa yo, nawawalan sila ng sMerit na katumbas na nalipat sayo at magkakaroon ka ng Merito at ng sMerit (at pwede mong ipadala ulit kung sakali).

Quick Example:
Kapag nagpadala ako ng 10 Merito sa iyong post, ang aking SMerito ay bababa ng 10.
Ang iyong Merito ay tataas ng 10 at ang iyong SMerito ay tataas ng 5.

Anong panghihigpit meron sa pirma?
Mayroon limistasyon sa pirma, base sa iyong actibidad/ranggo.

Ang mga baguhan ay hindi na pwedeng mag set ng kahit anong signature o personal na teksto.
- Jr. Member: Hindi pinapayagan ang links. Pinakamarami ay 150 na karakters.
- Member: Walang limitasyong ang haba.
- Full: Pinapayagan ang Kulay
- Sr. Member: Pinapayagan ang Sukat
- Hero: Pinapayagan ang kulay sa background

Bakit hindi ako makapag padala ng pribadong mensahe sa iba bilang baguhan?
Bilang tugon sa mga nakakainis na pribadong mensahe spam na nangyayari, ngayon ay pwede nang mag opt kung tatanggap ng mensahe na PMs galing sa mga baguhaan. Ang option na ito makikita sa preferences ng pribadong mensahe.

Para sa mga karagdagang impormasyon tingnan ito: Newbie PM opt-in.

Hindi ako makapagpadala ng maraming PMs?
May limitasyon kung gaano karami ang PMs na pwede mong ipadala base sa iyong aktibidad.

ActivityMax recipientsMax recipients if whitelistedMax PMs per hourMax PMs per hour if whitelistedMax PMs per dayMax PMs per day if whitelisted
02101402120
15310104015120
30510104030120
1007142080150600
25015301201203001200
500303012012012001200


Ikaw ay awtomatikong whitelisted kapag bumili ka ng copper membership. Hindi mo kailangang isuot ang copper membership, ito ay magpapa may-ari mo. Pwede ka rin ma whitelisted ng libre ng kahit sinong staff member at ilang mga hindi staff, ngunit kailangan mo ng lang dahilan na isipin na dapat kang pag bigyan. Wag magtanong sa kin ng libreng whitelisting.

Ang Whitelisting ay hindi lisensya sa pag spam. Ikaw ay dali daling ma-banned kapag nakita kang nag spam, kahit na sabihin mo pang binili mo ang copper membership (at hindi ibabalik sa yo ang pera).

Gaano ako katagal mag-antay sa pagitan ng pag post sa forum?
Ang oras na pag-aantay sa pagitan ng pag post sa forum ay binibilang sa pamamagitan ng mga sumunod na formula:
Code:
waittime = 360;
if(activity >= 15)
        waittime = (int)(90 - activity);
if(activity >= 60)
        waittime=(int)(34.7586 - (0.0793103 * activity));
if(activity >= 100)
        waittime = max((int)(14-(activity/50)), 4);

Ano ang mga badges na mayroon ang ibang mga tao?
Mayroong mga badges na pwedeng makuha ang ilang mga miyembro sa forum.

Nagdagdag ako ng sistema ng badges sa SMF nitong mga nakaraan, ngunit dalawa lamang ang malinaw sa ngayon. Ito ang mga badges sa ngayon:

Bitcoin expertDev&Tech lamang. Ang mga taong may badge na ito ay mas malalim na kaalaman sa Bitcoin network na kayang mag implement galing sa wala. Sila ay may kapasidad na pag usapan ng mga katalinuhan ang Bitcoin network.: ang kasalukuyang protokol, posibleng pag atake, mungkahing pagbabago, atbp. Pamantayan: Rekomendasyon ng isang eskperto sa Bitcoin or core dev at pag-apruba ng administrador ng forum.
Bitcoin-Qt core developer Dev&Tech lamang. Ito ang mga core developers ng Satoshi's Bitcoin client. Sila ay nakalista sa here. Ang Core developers ay isa sa mga nangungunang kontributor sa Bitcoin-QT, at sila ay lahat ay eksperto sa bitcoin, ngunit sila ay walang badge.
The Glider(simbolo ng hacker) Iginagawad sa mga taong may responsibilidad na ipakita ang mali sa seguridad ng forum.

Ang core dev ay hindi "nahihigitan ang ranko" ng isang bitcon expert (o baligtaran), at posible rin na mayroon na walang badge pero nagbibigay ng makabuluhang kontribusyon sa diskusyon kasama ang eksperto at core devs.


Pagkilala sa paligsahan sa Sining na badge - Mga nanalo sa paligsahan sa sining lamang. Iniaalok ng Theymos sa 5 tao lamang na lumahok sa Ika-10th anibersaryo sa paligsahan sa sining.
- Pagitan ng 1 at 20 (depende sa bilang mga isunumite) ang mga taos ay makakatanggap ng paligsahan sa sining na badges: , base sa panguhaning konsunsus ng komunidad ng kung sino ang pinakamagaling sa sining.. Sa paghugsa ng konensus, Hindi ako na impluwensiyahan ng kabuuang merito na ang natanggap ng iyong sining.

Patakaran sa pag gamit AI


Hindi ninyo kailangan mag copy/paste ng sulat mula sa AI papunta sa inyong post, maliban sa mga ito:
 - kung kayo ay may malinaw na intensiyon na sabihin na ang inyong post ay gawa ng AI, at kayo ay pawang paminsan minsan at maayos na gumagamit ng gawa ng AI, kung ganyon ito ay OK lang.
 - kung kayo ay gumagamit ng AI sa lahat ng oras at direktang pag salin nito sa inyong sulat ay OK lang ito. Halimbawa, maari mong sabihin sa AI na "Direktang isalin itong teksto sa Espanyol: <kung ano ang iyong sinulat>" o di kaya ay "Palabasin ang sumusunod na teksto na parehas kung ano ito, bukod sa maayos at ayusin ng tama ang mga gramatiko <kung ano ang iyong sinulat>". Ito ay hindi OK na sabihin sa AI, "Pagandahin ang sulat na teksto <kung ano ang iyong sinulat>", dahil ito ay paniguradong uulitin ang lahat ng ginawa mo at mataas ang tyansang ito ay magiging isang walang kabuluhan na gawa ng AI.
 - Ang hindi gawang AI na teksto tulad ng art ay OK lang (sa ilalim ng karawaniwang patakaran)


Gusto kong bigyan ng pagkilala ang lahat na nakapaloob sa thread. Maraming salamat sa inyong pinaghirapan na trabaho. Kung may nakita kayong mali o suhestyon, pakiusap, pwede kang magsabi kay Mitchell at titingnan namin ito.


Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!