Kami ngayon ay OFNT (Open For New Translators)Matuto paano mag-apply
DITO
Kalidad na pagsasalin para sa inyong mga Proyekto at sa Forum.
Mga Miyembro ng Gang:
| Polish & German | Romanian | Russian | Spanish | French |
| Indonesian | Turkish | Ukrainian (Rus back-up) | Filipino | Pidgin |
| Serbian & Croatian | Indonesian back-up | Bangla | Portuguese | Pidgin back-up |
| Urdu | Hindi | Filipino back-up | Swedish | Join us! |
Ang Alliance Of Bitcointalk Translators [AOBT] ay isang desentralisadong grupo na binubuo ng mga aktibong miyembro ng forum na nagtutulong-tulong para magbigay ng halaga sa kani-kanilang mga lokal boards at lehitimong pribadong proyekto. Kami ay walang manager, pero kami ay bukas para makipagtulungan sa mga mapagkakatiwalaang manager ng forum. Kung kayo ay may hinahawakang bounty, signature o di kaya ay iba pang campaign at gusto ninyong bigyan ng translation service, maaari ninyo kaming kontakin.- Ano ang ginagawa namin- Kami ay nakikipagtulungan sa bawat miyembro para isalin ang isang akdang nakita namin, upang mapalawak at magkaroon ng pagtutulungan, at bawat isa ay makahanap ng bago akdang isasalin (ang paghahanap ng mga ito nang isa-isa ay sobrang hirap).
- Kami ay nag-aambag sa kani-kanilang lokal board para magsalin ng ilan sa mga natatanging post/thread dito sa forum pro bono upang gumawa ng mga mahahalagang nilalaman dito. Ibinabalik lang namin kung ano ang gandang bigay ng forum sa atin. .
- Tinatanggal namin ang hadlang sa pagitan ng bawal lokal board upang ibahagi ang mga ideya at karanasan para sa mga bagong kaibigan mula sa iba't ibang nasyonalidad dahil tayong lahat ay Satoshi hindi mahalaga kung saan ka man nakatira.
- Bakit kami- Kami ay isa sa mga aktibong mamamayang miyembro ng forum.
- Nagsasalin kami ng mga ideya, hindi lang mga salita, at kami ay may angkop na karanasan para magsalin na isina sa puso.
- Kaya naming magbigay ng kalidad na salin para sa inyong pera
- Malamang ay kilala ninyo kami bilang indibidwal, kaya naman pinahahalagahan namin ang reputasyon..
- Sa pagpili sa amin para sa inyong proyekto, kasama na rin dito ang pag-unlad ng aming mga lokal board sa forum!
- Ano ang hindi namin isinasalin- Mga illegal na bagay.
- Scams.
- at iba pa. (Bawat miyembro ay mayroong sariling pamantayan patungkol sa gambling, pornography,...).
- Ilan sa mga testimonials- GazetaBitcoin: More than 90 translations so far. Translator of Bitcoin white paper listed on bitcoin.org.
- mindrust: Translating is my business and business is good.
- Porfirii: More than 70 projects translated into Spanish since 2017. Ask me for my Porf-olio.
- Peanutswar: Translation is like sharing knowledge.
- SignaturesKONTAKIN KAMI:[1] Para sa may mga bayad na salin: Kung gusto ninyong isalin ang inyong proyekto, pakiusap, i-post ninyo ito sa ibaba o di kaya ay mag-send ng PM at maaari naming bigyan kayo ng offer.
[2] Para sa mga libreng salin: Kung mayroon kayong mukhang gusto ninyong ipasalin, isang magandang usapin na maaaring isalin sa aming lokal na board ng libre, ipagbigay-alam lang ninyo o di kaya ay i-post ito sa ibaba. Mas maraming mungkahing matatanggap namin, mas maraming salin ay maaari naming gawin.
Gusto kaming suportahan? Sponsor ang aming Alliance at/o mga partikular na paksa.NEWAng miyembrong si
redsun114 ay nagbigay ng pabuyang
$50 sa BTC para sa pinakamahusay na translator ng buwan
Maraming salamat!!!Para sa Escrow:
GazetaBitcoin.
PAUNAWA:
-------------------------------------
Kahit na gusto naming piliin ang pinakalehitimong proyekto para isalin, hindi namin ginagarantiyahan kung ano man ang mangyari kung ang kanilang manager ay gumawa ng maling desisyon. Kami ay nagbibigay lamang ng offer para sa aming serbisyo bilang translator ng naibigay na teksto.
-------------------------------------
Kung kayo ay mayroong patunay o di kaya ay seryosong pagdududa para sa proyektong aming isinasalin, pakiusap, ipaalam ninyo sa amin.