Parang masakit talaga kasi yung spread ng buy and sell prices sa gcash or maya eh. Not sure sa PDAX ha, di ko pa nasubokan kasi baka same din yan sila ng coins.ph.
Yung sa gcash, galing lang din kay pdax yung spread niya dahil sila yung provider nila at masakit din talaga yung rates nila, malayo masyado. Pero dahil nga need din nila magprofit, mabuti nalang may iba tayong mga choices.
Nasubokan niyo na ba mag P2P sa mga ibang popular na exchanges? Although hindi sila based sa Philippines at yung iba ay blocked na pero may iba parin nakakagamit like Binance, Bybit, Kucoin, Okx.
Mukhang nagcoordinate na si SEC/BSP sa NTC, dahil itong mga exchanges na ito hindi sila blocked sa ISP ko dati. Pero nitong pumasok ang new year, blocked na lahat sila at hindi ko na maaccess kapag direct ko silang vinivisit pero sa mga apps nila, okay pa rin naman.