Ito ang V1 ng merit thread natin:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5422828.msg61336639#msg61336639Inspirasyon ng thread sa ibang Local Board
Indonesia:
[HELP]Bantuan untuk menaikkan Rank (Newbie s.d Hero) V.2OP Note:Napagdesisyunan ko na ilock at gumawa ng panibagong merit thread natin dahil malapit ng maubos ang aking smerit. Sa pagkakataong ito ay gagayahin nmn natin ang modelo ng Indonesian Local Board Merit thread dahil ito ay may mas mainam na merit distribution cycle dahil may partisipsyon ang bawat isa at hindi centralized sa akin ang pagdistribute ng merit sa bawat post.
Gusto nyo ba ng tulong para tumaas ang iyong ranking?
Kung ikaw ay isang quality poster na gustong mag rank up ngunit hindi napapasin ang effort mo dahil sa dami ng nagpopost sa thread na pinopostan then ito ang thread na para sa iyo para makapag rank up ka na kabayan!
Matuto ng ilang mahahalagang bagay kung paano magrank up ang iyong account.
Sa sistema ng rank sa Bitcointalk, mayroong anim na rank na pwede makamit ng ordinaryong user: Brand New, Newbie, Jr. Member, Member, Full Member, Sr. Member, Hero Member at Legendary.
Bukod sa anim na rank na nabanggit, mayroon din ilang mga rank na hindi maaring makamit ng ordinaryong user: Copper Member,
Donator, dan
VIP.
Mayroon din sub-ranking para sa mga staff ng Bitcointalk: Staff, Moderator, Global Moderator, Administrator, at Founder.
*Magkakaroon ka ng 0.5 sendable merit(SMerit) sa bawat 1 merit na iyong matatanggap. Hindi mababawasan ang merit na iyong naipon kung ikaw ay magbibigay ng merit kaya walang sense kung ihohoard mo ang smerit mo dahil ito ay naeexpired or nawawala. Makikita mo ang bilang ng iyong smerit sa page na ito:
https://bitcointalk.org/index.php?action=merit
Rules sa thread na ito:- Maari lamang sumali sa thread na ito ay ang mga account na may Newbie hanggang Hero Member(Para makakuha ng tulong sa pag rank up). Walang rank limit para sa mga member na nais magcontribute sa thread bilang isang taga review or taga bigay ng merit.
- Mag report sa thread na ito ng post na sa tingin mo ay may maayos na kalidad para mareview (kagaya pa din ng dati;post lang sa Pilipinas board ang pwede)
- Bawal makiusap sa ibang miyembro na ireview ang post mo sa pamamagitan ng pag PM or mention dito.
- Irespeto at pahalagahan ang bawat miyembro na nais humingi ng tulong para mareview ang post
- Bawal makipagtalo sa thread ukol sa kumento ng miyembro na ibinigay sa post mo. Dapat tanggapin ito ng bukal sa puso upang mapalago mo pa ang iyong kakayanin dito sa forum.
- Ang lahat ng off-topic post at diskusyon ay buburahin ko. Maggagawa ako ng ibang thread para sa pakikipag debate ukol sa paksa na ito upang mapanatili natin ang kaayusan ng thread na ito.
- Ang thread na ito as Self-moderated.
- Maari lamang mag request ng post review pagkalipas ng 30 araw mula sa naunang report
- Ang mga post lamang na ginawa sa loob ng 120 days ang maaring ireport dito
- 2 post lamang na ginawa sa parehong araw ang pwede isama sa isang applikasyon
Sino ang mga pwedeng tumulong?
Inaasahan na ang lahat ng mga matataas na rank at high merit dito sa local board ay makiisa upang mapunan natin ang kakulangan sa merit source. Ang lahat ay maaring makiisa sa pagreview at pagbigay ng merit sa lahat ng mga aplikasyon na karapatdapat bigyan ng merit.
Ito ang format sa pagreport ng iyong post link:[list]
[li]
[url=1st Post Link][b]1st Post Title[/b][/url]
Board: Pilipinas/Pamilihan
[/li]
[li]
[url=2nd Post Link][b]2nd Post Title[/b][/url]
Board: Pilipinas/Pamilihan
[/li]
[li]
[url=3rd Post Link][b]3rd Post Title[/b][/url]
Board: Pilipinas/Pamilihan
[/li]
[li]
[url=4th Post Link][b]4th Post Title[/b][/url]
Board: Pilipinas/Pamilihan
[/li]
[li]
[url=5th Post Link][b]5th Post Title[/b][/url]
Board: Pilipinas/Pamilihan
[/li]
[/list]
Reference para sa reviewer:~snip~
I recommend:
- If a newbie posts something that could be even called good, then give them 1 merit. It doesn't need to be a great post.
~snip~