Bitcoin Forum
April 16, 2026, 01:26:37 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Do not Delete for Translation  (Read 393 times)
fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
January 06, 2026, 01:48:53 AM
Last edit: January 24, 2026, 11:28:52 AM by fullfitlarry
 #1

May Akda: Pmalek
Original na Akda sa English: How to Export/Import Labels In Popular Wallets

Ang BIP-329 ay nagtakda ng bagong pamantayan para sa pag-export at pag-import ng mga labels galing sa Bitcoin wallets, pero maraming mga wallets parin ang hindi sumusuporta sa paggamit na ito.
Si dkbit98 ay gumawa ng maganda listahan sa kanyang topic, BIP-329 Labels Export Wallets. Ang thread na iyon ay nag lilista ng wallets na sumusuporta sa BIP-329, pero gusto ko itaas pa to at ipaliwanag kung paano mag export/import ng labels na mano-mano sa mga sikat na software wallets at native apps ng hardware wallet kahit sila ay sumusuporta sa BIP-329 o hindi.

Simulan na natin at wag na natin itong patagalin.
Kinontak ko ang customer support ng mga sikat na wallet apps at tinanong ko sila ng impormasyon tungkol sa exporting labels ng kanilang software. Ang mga sumusunod na impormasyon ang sinabi nila sa pamamagitan ng chat o e-mail, at mga karagdagang info na nakalap ko online.

Ang topic na to ay work in progress. I-uupdate ko to kapag lumabas ang mga bagong impormasyon o may makita tayong impormasyon tungkol sa bagong wallets na sumusuporta sa importing at exporting ng labels.


Hardware Wallets at ang kanilang Native Apps

* Bitbox at Bitbox App
Sumusuporta sa pag-export ng labels: OO

Ang Bitbox apps ay sumusuporta sa pag export ng pangalan ng account at transaksyon labels para sa Bitcoin gamit ang pamantayan ng BIP-329. Ang app ay tumutukoy sa impormasyon na exported bilang mga "tala".

Paano mag export ng mga tala galing sa Bitbox App:

Quote
1. I-connect at buksan ang iyong BitBox02 hardware wallet. (Pwede mo tong lagpasan kung meron kang naka-on ang 'Remember wallet' ng account mo).
2. Sa BitBoxApp, i click mo ang Settings at siguraduhin mo na ikaw ay nasa pahina ng General setting (heto ay karaniwang panguhaning pahina sa loob ng Settings).
3. Mag scroll pababa sa Pangkalahatang pahina.
4. I-Click ang buton na nagsasabing "Export notes".
5. Isang file saving na dialog ang magbubukas mula sa iyong operating system. Piliin mo ang gusto mong lokasyon at pangalan ng file, at i click ang Save.
6. Ang exported na file na naglalaman ng mga kinakailangang impormasyon para maibalik ang pangalan ng account at tala ng transaksyon. I save ang file na to ng ligtas o ilipat mo sa ibang device.

Paano i-import ang tala sa BitBox App:

Quote
1. I-connect at buksan ang iyong BitBox02 hardware wallet. (Pwede mo tong lagpasan kung meron kang naka-on ang 'Remember wallet' ng account mo).
2. Sa BitBoxApp, i click mo ang Settings at siguraduhin mo na ikaw ay nasa pahina ng General setting.
3. Mag scroll pababa sa Pangkalahatang pahina.
4. I-Click ang buton na nagsasabing "Import notes".
5. Isang file saving na dialog ang magbubukas mula sa iyong operating system. Pumunta at piliin ang naunang mong na-save na file na naglalaman ng mga tala na nais mong i import at i click mo ang Open.
6. Ang tala ng iyong transaksyon at pangalan ng account na galing sa file ay naibalik at makikita sa loob ng BitBoxApp.

* Coldcard
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

Quote
Wala mismong labels sa CC, ito ay nasa companion app katulad ng sparrow. Pwede mong i-export ang labels mo galing doon.

* Foundation Devices at Envoy App
Sumusuporta sa pag-export ng labels: Yes
- Applicable lamang ito sa Envoy Standalone wallets at hindi kung ang Envoy ay pinares sa Foundation hardware wallets..

Ang Envoy ay sumusuporta sa exporting ng labels at tags bilang .json files sa format ng BIP-329.

Paano mag export ng labels gamit ang Envoy app:

1. Mula sa Account selection, i click mo ang dalawang pahalang na linya sa kaliwang taas.
2. I-Click ang "Backups."
3. I-Click ang "Advanced Backups."
4. Piliin ang "Export Tags & Labels (BIP-329)" at piliin ang lokasyon kung saan mo gusto i-save ang file.
5. I-Click ang "Save."

* Jade at Blockstream App
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

Quote
Sa sandaling ito, hindi posible ang pang export ng address labels or pangalan ng account mula Blockstream Green. Ang labels na napasok para sa transaksyon galing na pasadya are nakatago sa lokal at hindi kasama sa inyo recovery phrase o backup data.

* Keystone at Keystone Nexus
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

Quote
Sa sandaling ito, Hindi sinusuportahan ng Keystone at pag export ng maramihan na address labels o pangalan ng account. Naiintindihan natin kung gaano kahalaga ang impormasyon na to, pinahahalagahan namin ang iyong mga pag puna.

Sa ngayon, ni rerekomenda ang pagtatala ng mano-mano ng kahit anong importanteng labels or pangalan ng account na gusto mo itago. Gayumpaman,
nilista namin ang iyong ninanais, at seryoso naming itong isasaalang-alang ang pagdagdag at pag suporta ng para sa exporting ng mga datos na to sa susunod na mga pagbabago.

* Ledger at Ledger Live
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

Sinusuportahan ng Ledger Live ang pag export ng kasaysayan ng transaksyon history pero hindi ang labels at pangalan ng account.

Quote
Tandaan na ang CSV export ay kasama ang iyong kasaysayan ng transaksyon, pero hindi kasama ang address labels o ang pangalan ng account. Para sa tiyak na pag report ng tax o mas detalyado pang pamamahala ng datos, isa isip ang paggamit ng serbisyo katulad ng ZenLedger, na makikita sa 'Discover' na seksyon ng Ledger Live.
Sa kasamaang palad, hindi sinusuportahan ng Ledger Live ang pag export at address labels o pangalan ng acount na direkta. Baka kailangan mong na i dokumento ito ng mano mano itong detalye kung sa tignin mo ay mahalaga ito para sa iyong talaan.

* SafePal at SafePal App
Sumusuporta sa pag-export ng labels:NO

* Satochip
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

Quote
Ang mga impormasyon na to at nakatago ng lokal sa loob ng Sparrow Wallet. Makikita mo ang lahat ng mapagkukunan dito: https://sparrowwallet.com/docs/faq.html

* Tangem at Tangem App
Sumusuporta sa pag-export ng labels: NO

* Trezor at Trezor Suite
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

Ang mga label na galing sa Trezor at pwedeng i-store nang lokal sa iyong device o i-sync sa cloud storage account mo, katulad ng Google Drive o Dropbox. Kapag naka on ang labeling feature, pwede mong i label ang pag pasok at pag labas ng transaksyon at addresses at palitan ang pangalan ng accounts.

Una, dapat mong i-enable ang labelling sa app. Heto ang paraan para gawin to:
Quote
- Buksan ang Trezor Suite at i-click ang gear icon sa kanang itaas para ma-access ang Settings.
- Sa Application settings tab, pumunta sa baba sa Labelling.
- I-Click ang toggle para i-enable ang labelling.
- I-Confirm ang iyong ginawa sa action sa iyong Trezor device.
- Piliin kung saan mo itatago ang iyong labels sa "Save labels" window (Dropbox, Google Drive, o lokal).

Paano i-label ang mga receiving addresses:

1. I-hover over ang cursor sa receiving address at i-click ang "Add label".
2. Ipasok ang label name at i-click ang berdeng checkmark upang kumpirmahin.

Paano i-label ang mga outgoing addresses:

1. Sa Send tab, hanapin ang "Address" input field.
2. I-Click ang "Add label".
3.  Ipasok ang label name at i-click ang berdeng checkmark upang kumpirmahin.

Saan makikita ang mga labels na naka store ng lokal:

Quote
- MacOS: ~/Library/Application Support/@trezor/suite-desktop/metadata/
- Linux: ~/.config/@trezor/suite-desktop/metadata/
- Windows 11: C:\Users\YOURPCNAME\AppData\Roaming@trezor\suite-desktop\metadata

Basahin ito para as impormasyon tungkol sa pagtago at paghanap ng Trezor Suite labels sa cloud.


Mga sikat na Software Wallets

* Blue Wallet
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

Sa kasalukuyan, ang Blue wallet ay sinusuportahan lamang ang pag export ng labels pero hindi ang pag import nito.

Para sa pag export ng labels, sundin ang mga sumusunod na hakbang:

1. I-Click ang iyong wallet sa home screen.
2. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas.
3. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas ng bagong screen na lalabas.
4. I-Click ang "Export History to CSV" at pagkatapos ay i-click ang "Save" icon.
5. Ang mga labels ay ma-sasave sa file sa iyong device at ang field na ito at tatawaging "Memos".

* Electrum
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

Ang Electrum ay sumusuporta sa exporting at importing ng labels na dati ay sini-save bilang JSON files.

Paano mag import o mag export ng labels sa Electrum:

1. Buksan ang iyong wallet sa Electrum.
2. I-Click ang "Wallet" at i-hover ang iyong mouse sa "Labels".
3. I-Click on "Import" at "Export".
4. Ipasok ang lokasyon ng na i-save na file kung ang ang importing o pag pili kung saan mo gusto i-save ang file kung exporting at i click ang "Open or "Save".

* Liana Wallet
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

* Ang kredito ay kay satscraper
Sinusuportahan lamang ng Liana ang pag export ng labels bilang JSON files ayon sa pamantayan ng BIP-329. Ang importing ay hindi possible sa ngayon.

Paano mag export ng labels sa Liana Wallet:

1. Buksan ang iyong wallet at i-click ang "Settings".
2. I-Click ang "Import/Export".
3. Sa ilalim ng "Other formats" i-click ang "BIP 329 labels".
4. Piiliin ang lokasyon kung saan mo gusto i-save ang .json file.

* Nunchuk Wallet
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

Sinusuportahan ng Nunchuk ang exporting at importing ng labels sa Nunchuk's export format o bilang JSON files alinsunod sa pamantayan ng BIB-329.

Paano mag export ng labels sa Nunchuk Wallet:

1. Buksan ang iyong wallet sa home screen.
2. I-Click ang "View wallet config."
3. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas.
4. I-Click ang "Export labels."
5. Piliin ang Nunchuk o BIP329 export format.
6. Ipasok ang lokasyon kung saan mo gustong i-save ang .json file.

Paano mag import ng labels sa Nunchuk Wallet:

1. Buksan ang iyong wallet sa home screen.
2. I-Click ang "View wallet config."
3. I-Click ang tatlong tuldok sa may kanang itaas.
4. I-Click ang "Import labels."
5. Piliin ang Nunchuk o BIP329 import format.
6. Pillin ang lokasyon kung saan mo na-save ang .json file at i-import mo.

* Sparrow Wallet
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

Sinusuportahan ang exporting at importing ng labels na dati ay sini-save bilang JSON files ayon sa pamantayan ng BIP-329.

Paano i-import o export ang labels sa Sparrow Wallet:

1. I-Load ang iyong wallet sa Sparrow.
2. I-Click ang "File".
3. I-Click ang "Import wallet" para sa pag import ng labels o "Export wallet" para sa pag export ng labels.
4. Ipasok ang lokasyon ng na i-save na file (kung importing) o pag pili kung saan mo gusto i-save na exported na labels file (kung exporting).


* Specter Wallet
Sumusuporta sa pag-export ng labels: YES

* ang kredito ay kay nc50lc
Sinusuportahan ng Specter ang exporting at importing labels na dati ay na saved bilang CSV files. Ang software ay compatible sa Electrum's exports.
Paano mag export ng labels sa Specter Wallet:

1. Buksan ang iyong wallet sa Specter Desktop.
2. I-Click ang "Transactions" tab.
3. I-Click ang "Export" at "Export Transactions to CSV".
4. I-Click ang "Done" na buton.

Paano mag import ng labels sa Specter Wallet:

1. I-Open ang wallet sa iyong Specter Desktop.
2. I-Click ang "Settings" tab.
3. I-Click ang "Advanced".
4. I-Click ang "Import" o "Upload File" buton at lumipat sa iyong na saved na label files.



Sources:
https://trezor.io/guides/trezor-suite/trezor-suite-desktop/labels-in-trezor-suite
https://support.bitbox.swiss/managing-wallet-labels-bip-329/import-export-notes-labels-bip329




Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng:


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
January 20, 2026, 09:15:34 AM
Last edit: January 28, 2026, 02:39:03 PM by fullfitlarry
 #2

May Akda: *Ace*
Original na Akda sa English: [Experimental] ⭐Bitcointalk BRDb score








Hello sa lahat, binuksan ko tong thread na ito para maipakita ang maliit na script na ginawa ko bilang isang eksperimento, at sana magustuhan to ng lahat.

And board na ito ay madalas na pinag-uusapan ang kalidad ng mga posts, ngunit kakaiba ang paskang ito dahil walang eskaktong metric para malaman ng sigurado kung ang isang post ay may kalidad o hindi. At dahil dyan, ginawa ko tong tool na nagpapakita kung gaano karaming users o kulang, o kung gaano kadami ang kaildad ng post na ginawa nila nung sila sa oras na ginugol nila sa forum.

Ang tool na ginamit ko ay galing sa Tryninja website (salamat lagi ) bitlist.co at ang forum na ito.

And mga datos na sinuri ay posts, Merit at profile age (data galing sa forum) merito nung 120 na araw at mga posts nitong 120 na araw (datos galing sa bitlist.co).

Ang ginamit na formula ay ang mga sumusunod.



Code:
Q_hist = M_tot / max(P_tot, 1)

Q_120 = M_120 / P_120      if P_120 > 0
Q_120 = 0                   otherwise

Age_factor = min( log(Age_days + 1) / log(3650), 1 )

Activity_factor = min( P_120 / 50, 1 )

Score = 0.5 * Q_hist * Age_factor
      + 0.3 * Q_120 * Activity_factor
      + 0.2 * Q_hist

Quality_score = 0.6 * Q_hist + 0.4 * Q_120    if P_120 > 0
Quality_score = Q_hist                         otherwise

Code:
Variables
P_tot
Total number of posts written by the user.
M_tot
Total number of merits received.
P_120
Number of posts written in the last 120 days.
M_120
Number of merits received in the last 120 days.
Age_days
Account age in days, calculated from the registration date.

Core Ratios
Historical Quality Ratio
Represents long-term posting quality and reputation.
Q_hist = M_tot / max(P_tot, 1)
This ratio grows slowly, cannot be inflated quickly, and rewards consistent contribution over time.

Recent Quality Ratio (120 days)
Measures current posting quality.
Q_120 = (P_120 > 0) ? (M_120 / P_120) : 0
If the user is inactive in the last 120 days, recent quality is considered zero, avoiding artificial inflation through inactivity.

Stability and Activity Factors
Age Factor (logarithmic)
Controls how much account age influences the score.
Age_factor = min( log(Age_days + 1) / log(3650), 1 )
The effect increases smoothly and reaches its maximum after roughly 10 years.
This prevents very old accounts from having unlimited advantage.

Advanced Score (internal weighting)
This score combines history, recent behavior, age, and activity in a balanced way:
Score = 0.5 × Q_hist × Age_factor
0.3 × Q_120 × Activity_factor
0.2 × Q_hist
This value is mainly used to study behavior and tune the system.

Final Quality Score (displayed)
The main score shown to users is:
Quality_score = (P_120 > 0) ? (0.6 × Q_hist + 0.4 × Q_120) : Q_hist
Active users are evaluated using both historical and recent quality.
Inactive users retain their historical quality without penalty.
Activity Status
Activity is shown separately and does not affect quality.
If P_120 = 0 and Age_days > 180 → Dormant
Otherwise → Active
This allows labels such as “Dormant – Elite”, which correctly describes historically important but inactive accounts.

Para maging patas, sasabihin ko na tumanggap ako ng tulong kay le chat mistral (ai), kung saan ako ay nag proposed ng aking mga nakaraang formula, na ang  (merit_120d * Merit)/post pero maraming mali ito. Tinulungan nya ako na gumawa ng formula na to na mukang mas matibay.

Maraming salamat sa mga taong sasali sa mga pag-uusapn na to. Sana makita nyo na may pakinabang ito.



====== Pagbabago =======

Naisipan ko na ilabas ang script. Makikita nyo to sa mga sumusunod na link

Bitcointalk Brdb score — Greasyfork

Kung sino man ang gustong sumubok at mag bigay ng kuro-kuro, kayo ay aking inaanyayahan.

Mahalagang paalala: Kung ang script ay hindi nagsimula pagtapos ng ma-install, kailangan nyong pumunta sa bitlist.co website ang kumpletuhin ang 2-second anti-bot verification. Si Tryninja ay gumawa ng paraan para maiwasan ang DDoS na pag-atake, at malinaw ang website ay hinaharang ang aking script.

Narito ang mga ilang screenshot ng tool.

Bagong formula at pagsubok












fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
February 02, 2026, 10:06:52 AM
Last edit: February 04, 2026, 12:54:22 AM by fullfitlarry
 #3

Akda ni: 1miau
Original na Akda: Why it’s important to avoid telling everyone about your crypto holdings




Sa unang tingin, hindi masamang sabihin sa ibang tao na mayroon kang Bitcoin, pero may mga detalye na dapat kang tandaan.


Sabihin ito sa mga iyong mga kaibigan ay maaaring hindi maganda ideya

Kahit sabihin mo na sila ay iyong mga kaibigan, kailangang maging maingat ka parin sa pagsabi sa kanila tungkol sa iyong hawak na crypto.

Katulad ng karamihan, may mga taong mabilis mainggit, lalo na kung ang tingin sa yo ay mayaman ka (kahit hindi) at magsimulang mag makaawa na sana bigyan mo sila. At ito ay magdudulot ng kawalan ng tiwala at ang magandang samahan nyo dati ay permanenteng masira.

O kaya sa kabaligtaran, alam nating lahat na mga ilan sa kanila ay hindi marunong magtago ng sekreto at sasabihin sa iba, at ikukuwento sa iba pa. Kapag ganun, posibleng ang mga taong nakakaalam nito, ay mag selos / magkaroon ng hindi magandang relasyon sa yo / o kaya naman ay mga kriminal na may plano na kunin ang iyong crypto.

Kaya naman, mas maraming taong nakakaalam ng iyong hawak na crypto, mas malaki ang pagkakataon na ang masasamang tao ang makakaalam nito.



Kapag naugnay ang iyong pag-kakakilanlan sa Internet sa totoo mong pagkatao ay lubhang mapanganib

Sa pagkahalatan hindi magandang ideya na gamitin mo ang tunay mong pangalan sa Internet, lalo na pag dating sa cryptocurrencies. Naaangkop to sa forums, sa mga pam publikong social media accounts patungkol sa cryptocurrencies lalo na sa lahat ng serbisyo, na kung saan ginagamit natin ang email address o kaparehas nito.

Dahil ang email address ay laging kailangan sa pagpa rehistro sa ibat-ibang accounts, kailangan mong gumamit ng bagong gawang email na wala ang tunay mong pangalan. Pino-protektahan nito laban sa spam at sa mga manloloko na gustong malaman ang tunay mong pangalan at saan ka nakatira.

Gamit ang social engineering, ang mga manloloko at maaring magsulat ng kanilang konklusyon tungkol sa tao, at ilan ang crypto na pag mamay-ari nila, saan nakatira at i-plano ang isang pagnanakaw.



Ang KYC ay pwede rin ibunyag ang iyong pagkakakilanlan sa mga taong hindi dapat malaman ito

May malaking maling pagkaunawa sa pagitan ng layunin at resulta ng isang KYC-procedure.

Mahalagang tandaan na kailangang maingat tayo at alam ang panganib sa paggawa ng KYC. Mas mabuting iwasan to kung kaya mo at sapagkat ayaw mong may masamang surpresa. Ang mga Mangloloko / Hackers ay gagamitin ang ninakaw / hacked na mga personal na impormasyon para malaman ng mas malalim ang iyong address / lokasyon / ibenta sa iba para sila ang mag plano ng pagnanakaw sa yo sa bahay ay kunin ang iyong crypto. Kahit ang Coinbase ay nahuling, nagbebenta ng user data..

Ito pa ang ilang mga dahilan kung bakit ang KYC ay ilalagay ka sa panganib. Bakit ang KYC ay lubhang nakakatakot at walang silbi (hindi maaasahan)



Ang sobrang maling paghawak ng mga personal na impormasyon ay posibleng magdulot na ikaw ay mabiktima ng $ 5 wrench attack

Maraming paraan na pag atake na kung saan ay pwede mong mawala ang iyong cryptocurrencies: scams, phishing sites o na hacked na wallets. Isang paraan para maiwasan ang sikat na  $ 5 wrench attack:


https://xkcd.com/538/

Pwede itong maiwasan ng maayos kung ang mga umaatake ay hindi alam ang iyong personal na datos at saan ka nakatira.



Sa huli, nasa bawat isa kung paano pangangalagan ang kanilang sariling datos ang kung sino ang makakaalam ng kanilang hawak na crypto. Isang patakaran, laging ina- abisuhan na mag-ingat kung may pagdududa. Kasama ang lahat ng aksyon sa Internet na isang posibleng may pagbabanta sa ating privacy.
Kapag ang impormasyon ay inilabas, hindi na natin pwede itong ibalik kasama na ang (masamang) kahihinatnan nito.

fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
February 09, 2026, 11:00:59 PM
Last edit: February 15, 2026, 02:22:12 PM by fullfitlarry
 #4

Title: Tahimik na Pagbabayad

May Akda: witcher_sense
Original na Akda sa English: Silent payments




Panimula

Sa thread na ito, nais kong pag-usapan natin ang isang kawil-wiling panukala ni Ruben Somsen, na tinatawag na "Silent payments", na isang teknik na pinapaayos ang pribado at ang nais gawin sa pamamagitan ng dalawang partido sa blockchain na hindi masyadong malinaw sa mga tagamasid na galing sa labas. Ito ay base sa konsepto na "stealth addresses at "reusable payment codes" at subukang lutasin ang parehong problema pero sa isang eleganteng paraan.

And pangunahing ideya

Ang pangunahing ideya ay ang mga sumusunod: maglalabas ang user A ng isang identifier (karaniwan ay isang pampublikong susi), at pagsasamahan ni User B ang kanyang pribadong susi sa nailathalang susi ni A at gagawa ng isang natatanging address na kung saan si A lamang ang pwedeng gumastos dito. Si User C ang pwedeng magpadala ng pera kay User A sa pamamagitan ng pagsama ng kangyang pribadong susi sa address ni A at maglabas ng isang natatanging address. Malalaman ni User A na ang parehong users B at C ay nagpadala ng pera sa kanya, pero si B at si C at hindi malalaman ang isa't isa. Dahil dito, si User A ay makakatanggap ng bayad sa kompleto sa mga hindi magkakaugnay na address gamit ang isang pampublikong address lamang.

Paano ito gumagana

Sabihin natin na si Bob ay gustong magpadala ng tahimik na bayad kay Alice.

1) Si Alice ay gagawa ng isang natatanging tagapagpabatid (sabihin nating pampublikong susi) gamit ang matematika ng elliptic curve:

 A = a*G, kung saan

A - pampublikong susi ni Alice (nakaturo sa isang elliptic curve),
a - pribadong susi ni Alice (isang random na numero na dapat lihim), at
G - ang generator point (mga paunang-itinakda na punto sa elliptic curve).

2) Ginagawang pampubliko ni Alice ang identifier na A upang malaman ni Bob (at ang iba pang gagamit katulad ni Carol) para malaman kung saan dapat magpadala ng mga bayad.

3) Pinili ni Bob ang isa sa mga input na kontrolado niya na naglalaman ng isang pang pumblikong susi

B = b*G, kung saan

B - pampublikong susi ni Bob (nakaturo sa isang elliptic curve),
b - pribadong susi ni Bob (isang random na integer na si Bob lamang ang nakakaalam), at
G - ang generator point.

4) Kinuha ni Bob ang pampublikong susi ni Alice na A at gumawa ng bagong pampublikong susi gamit ang sumusunod na pormula:

A' = hash(b*A)*G + A, kung saan

A' - isang pampublikong susi na kung saan dito pinapadala ang bayad kay Bob.

5) Nagbayad si Bob kay Alice, na gumawa ng isang output na kaugnay ng naunang ginawang pampublikong susi na A'.

6) Dahil sa b*A = b*a*G = a*b*G = a*B, si Alice ay makabubuo ng parehong muli nang mabubuo ni Alice parehong pampublikong susi na A' gamit ang kanyang pribadong susi na a sa sumusunod na pormula:

A' = (hash(a*B) + a)*G, kung saan

hash(a*B) + a - ang bagong pribadong susi ni Alice na pinapayagan sya na gastusin ang pera mula sa output na tumutugma sa pampublikong susi na A'.

Ngunit, ang problema ni Alice ay kailangan nyang malaman ang pampublikong susi ni Bob na B upang malaman ang kanyang bayad, kaya siya ay patuloy na nag scan sa blockchain para malaman kung alin sa mga pampublikong susi ang pwedeng pagsamahin sa kanyang pribadong a susi upang mabuo ang isang umiiral na bitcoin address.

Mga Bentahe:

1) Hindi kailangan ang interaksyon mula sa nagpapadala at tumatanggap. Para sa magpapadala ng bayad, kailangan lamang nya na bumuo ng isang address galing sa silent public keytatanggap

2) Ang tahimik na pagbayad ay gumagamit ng blockspace na epektibo dahil hindi na kailangang "ianunsiyo" ang transakyon gaya ng sa kani ng BIP147. Kaya naman, isang transaksyon ay katumbas ng isang bayad, at ito perpekto para sa isang beses na donasyon

3) Ang mga silent na transaksyon ay hindi matutukoy mula sa mga karaniwang transaksyon (hal. walang OP_RETURN outputs para ibahagi ang isang pansamantalang pampublikong susi gaya ng sa kaso ng "Stealth addresses"), na nangangahulugang napakadali para sa mga gumagamit na magtago sa karamihan - ang anonimong hanay ay ang buong blockchain.

4) Ang mga address na galing sa paunang silent public key ay laging deterministic at natatangi dahil ang bawat nagpapadala ay gumagamit ng kanilang natatanging susi para ibahin nang kaunti ang taga tanggap ng tahimik na pang publikong susi.

5) Ang mga tahimik na pang babayad ay nagbibigay ng insentibo sa mga tumatanggap ng pondo para panatilihin nilang tumatakbo ang sarili niyang Bitcoin full node, na awtomatikong nagreresulta na mga desentralisadong network.

6) Walang sinuman, maliban sa nagpadala ng transaksyon at sa tatanggap nito, na nagkaraoon ng bayaran.

7) Ang tahimik na pagbabayad ay lubos na pinapabuti ang fungibility ng mga transaksyon sa bitcoin.

Kahinaan:

1) Ang pinakamalaking kahinaan ng teknik na ito ay ang medyo may kamahalan ang pagpapatunay. Sabihin na natin na ang tatanggap ng bayad ay hindi alam ng maaga kung anong bitcoin addresses ang pwedeng gastusin gamit ang private key na sya lang ang may kontrol, dapat nyang suriin ang bawat input ng transaksyon, kalkulahin at pang hambingin and pampublikong susi.

2) Ang potensyal na pag ulit ng address sa pagpadala. Kapag ang isang nagpapadala ay may maraming input na ipinahagi ng parehong pampublikong susi, bawat isa sa mga input na ito ay magreresulta sa parehong kinalkulang address. Ang pag ulit ng address ay kinokonsedera na hindi magandang gawain sa pagkapribado at dapat itong isawan sa lahat. Pwede naman gawin ang paglalagay ng mga karagdagang impormasyon sa proseso ng pagkukuwenta, ngunit gumagawa lamang ito ng karagdagang gawain, lalo na sa mga light client. Bilang alternatibo, ang nagpadala ay pwedeng gastusin ang lahat ng input sa isang transaksyon, pero heto parin ay magpapakita kung sino ang iisang may-ari, na nakakasira sa pagkapribado.

References:

1] https://gist.github.com/RubenSomsen/c43b79517e7cb701ebf77eec6dbb46b8
2] https://github.com/genjix/bips/blob/master/bip-stealth.mediawiki
3] https://github.com/bitcoin/bips/blob/master/bip-0047.mediawiki
4] https://en.m.wikipedia.org/wiki/Elliptic-curve_Diffie%E2%80%93Hellman
5] https://bitcoinops.org/en/newsletters/2022/04/06/
6] https://bitcoinmagazine.com/technical/bitcoin-silent-payments-secret-keys
7] https://bitcoinmagazine.com/technical/improving-bitcoin-privacy-with-silent-payments
8] https://gist.github.com/w0xlt/72390ded95dd797594f80baba5d2e6ee




Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng:


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
February 19, 2026, 12:11:51 PM
Last edit: March 01, 2026, 07:58:49 AM by fullfitlarry
 #5

Title: Ang leksyon ni Satoshi

May Akda: Theymos
Original na Akda sa English: Satoshi's lesson




Ang mga pundasyon ng Bitcoin ay tinatag sa bato 10 na ang nakakalipas sa paggawa ng genesis block, at ang bersyon ng Bitcoin 0.1 ay opisyal na inilabas pagkatapos ng isang linggo. Ang bersyon 0.1 ay kamangha na kumpleto, at ang kahanga hanga ay meron lang itong konting bugs. Mayroon din itong mahusay na forward-compatibility, na may pag supporta para sa mga softforks sa hinaharap sa anyo ng mga OP_NOPn opcodes. Bago pa man malaman kung paano gumagana ang desentralisadong cryptocurrency, pinag-aralan na ni Satoshi kung paano idadagdag sa Bitcoin ang mga bagay katulad ng smart contracts at mga channels sa pagbayad. Ito ay kamangha-mangha, at maraming tao ang tumitingala kay Satoshi sa kanyang nagawa sa Bitcoin at sabihing, "Si Satoshi ay isang henyo sa crypto, ang susunod na Einstein." Ngayon, sa tingin ko, hindi nila nakikita ang tunay na punto.

Nang ginagawa ni Satoshi ang ang Bitcoin noong 2007-2009, halos lahat ng panguhahing ideya ng Bitcoin ay kilala na sa komunidad ng cryptography. Noong 1996, may buod ng mga dating akademikong gawa tungkol sa electronic cash ay inilathala, at pinag usapan ng mahaba tungkol sa mababang-antas na cryptographic primitives na gamit sa Bitcoin at gamit ang mga pamilyar na salita katulad ng "double spending". Ang Hashcash proof of work ay sikat na, at sa pagkakatanda ko sa pagbabasa dito bago pa man sa Bitcoin bilang isang ideya para pigilan ang spam sa email. Ang git ay gumagamit ng parehas na kadenang hindi napuputol ng hashes na katulad ng block chain ng Bitcoin, at unang inilabas noong 2005. Si Satoshi ay gumawa ng isang malaking pag talon: pinagsama sama nya ang mga bagay na ito para maiwasan ang dobleng pag gastos gamit ang PoW na block chain. Ito ay kamangha mangha, ngunit ang parehong kislap ay mangyayari sa sinumang sumusubaybay sa mga bagay na ito.

Si Satoshi at hindi lamang kamangha mangha dahil pinanonood nya ang mundo ng crypto at nagkaroon sya ng isang mahusay na ideya. Siya at kahanga hanga dahil sa pagkakaroon ng ideyang iyon, isinakatuparan nya iyon. Alam nyo kung anong gagawin ko kapag nagkaroon ako ng ideyang ganun? Sigurado sasabihin ko yon sa kaunting tao lamang, baka nagsulat ako ng code kung pakiramdam ko ay ako ay ambisyoso. Alam nyo kung ano ang ginawa ni Satoshi? Ginugol nya ang 2+ na taon at pag-isipan ang bawat posibleng aspeto ng sistema na pumasok sa isip nya, at sumulat ng code sa gagana ng sa totoong mundo. Ang code ni Satoshi ay magaling, pero kung sino man na nagbasa ng magandang libro sa C++ ay pwedeng gumawa ng parehas na ka gandang code. Sinuman na kumuha ng panimulang kurso sa crypto o nagbasa ng ilang libro tungkol dito ay maiindintindihan ang paggamit ni Satoshi ng crypto primitives. Ang gawaing paglikha ng Bitcoin ay kinakailangan ang maliit na kislap ng katalinuhan, katamtamang nalalaman at isang nakapalaking dedikasyon sa pag-iisip patungkol sa coding, at pagsubok ng sistema hanggang sa ito ay gumana ng eksakto sa kanyang isip.

Ang leksyon ni Satoshi ay hindi mo kailangang maging kasunod ni Einstein para mabago ang mundo. O kaya magkaroon ka ng maraming pera o impluwensya para sa  "movers & shakers" ng mundo. Kailangan mo lang pag sumikapan ito. Maaring si Satoshi ay isang ordinaryong hobbyist katulad ng ilan sa atin dito, nakita nya na may kulang sa Uniberso, at nakipag laban sya ng patayan sa loob ng 2+ na taon hanggang sa maitama ang imperpeksyong na ito. Ito ang dahilan kung bakit si Satoshi ang at kanyang gawa ang aking pinaka malaking inspirasyon.

Malayo na ang narating ng Bitcoin sa loob ng 10 taon, pero marami parin itong lugar para lumago, na may maraming hamon at oportunidad sa hinaharap. Kung paano ang Bitcoin ay umusad at paano ang gawa ni Satoshi ay pinagpatuloy - ay para sa maraming tao hangga't maari at akuin at personal na responsibilad para mababuti ang ekosistema ng Bitcoin, gumawa ng mga kawili wiling bagay, at baguhin ang mundo para sa ikakabuti nito. Dahil matagal na nating nalampasan ang mga buwan, nawa'y makiisa kayo na bituin naman ang ating abutin.

Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng:


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
March 01, 2026, 11:27:36 AM
Last edit: March 05, 2026, 08:50:58 AM by fullfitlarry
 #6

Bagong topic: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5353904

[Mga baguhan] Basahin ito bago ka mag-stake ng address

Ang pag stake ng address ay nangangailangan na intindihin mo ng mabuti kung ano ang eksakto mong gagawin, lalo na kung ikaw ay baguhan. Gayundin,
Signatures and their capabilities are complicated.
Kaya napag desisyunan ko na gumawa ng thread na to: para gawing hindi kumplikado sa mga baguhan at para malaman nila kung ano ang kanilang gagawin. Kung ikaw ay baguhan, maaari mong malaman kung bakit mong dapat i stake ang iyong address at paano (kung anong softwares). Magtutuon ako kung paano i-stake ng maayos gamit ang pang unawa.




Pag Stake.

Kapag ikaw ay nag stake ng address, ginagawa mo ito para kung kailangan, ay mapapatunayan mo na sa iyo ang account. Ang problema madalas, ang mga tao ay kumikilos na parang mekanikal, kaya ang kinakahtnatnan ay hindi nila alam kung ano talaga ang kanilang ginagawa. Kung hindi ka pa nakapag stake ng address dati, ikaw lamang ay pupunta sa tamang thread at iwan ang iyong address na nabuo galing sa non-custodial wallet, nang ganun-ganun na lamang:

Code:
This is my address, please quote it: bc1q0fc0e3e0zpve6qg2fw2tfxwnvsw5p4kae3u2yx

Hindi na kailangan na magbigay ng isang pirmahang mensahe galing sa address, kasi alam namin sa sandali, ang may-ari ng account ay nag stake ng kanyang unang address. Ito ay sa kanila at malinaw kahit na may pirmahan o hindi pa.

Minumungkaii na gumamit ng natatanging address, lalo na yung hindi pa nakakatanggap ng Bitcoins. Pwede mo ito gawin, sa pamamagitan, ngunit ito ay makakasakit sa iyong pribado. Mas mabuti na simpleng pumili ng address na walang kaugnayan sa iyong transaksyon.

Pag Pirma.

Kapag ikaw ang nag bigay ng katibayan ng pagma may-ari, ikaw ay pipirma at ilalathala mo ang mensahe. [ito ay kung paano] [ito ay kung bakit]

Code:
-----BEGIN BITCOIN SIGNED MESSAGE-----
I am BlackHatCoiner. Today is 08/11/2021 (15:01). This is a proof that I still own bc1q0fc0e3e0zpve6qg2fw2tfxwnvsw5p4kae3u2yx.
-----BEGIN SIGNATURE-----
bc1q0fc0e3e0zpve6qg2fw2tfxwnvsw5p4kae3u2yx
Hyi7C7hHSBN3cVV0Q3NF7poPFox49Zehs0z2WRWEV1x/ZdJUpcGWT5UUhWZylZ3SNFn0DU6ITNZgqu0goqY2C8s=
-----END BITCOIN SIGNED MESSAGE-----

Kung gusto mo na mag stake pa ng isang address, kailangan mo na pumirma ng mensahe sa luma mong address at kasama dapat ang bago mong address.

Code:
-----BEGIN BITCOIN SIGNED MESSAGE-----
I am BlackHatCoiner. Today is 08/11/2021 (15:01). My new signing address is bc1q2mxckeclkndcu68m5v7qhf6guwakn6en96s2mc.
-----BEGIN SIGNATURE-----
bc1q0fc0e3e0zpve6qg2fw2tfxwnvsw5p4kae3u2yx
IChf1za07r3UTa2CGlU4mVpQaHlVAK3N8yK3ViASvfbtbstLNX60TSfFml+9VAR4czTMP9Y8+yyDkB+XwZmPRlM=
-----END BITCOIN SIGNED MESSAGE-----

Dapat mong tandaan na wala dapat na dahilan na pumirma ng mensahe galing sa bagong address, sa kaparehas na kadahilanan na hindi dapat kailangan gawin sa iyong unang address. Alam natin sa sandali, na ikaw ang pumirma ng mensahe galing sa luma mong address. Sa makatuwid, pwede natin sabihin na ikaw talaga iyon at pumili mo na mag stake ng isa pang address.

Maaring mangyari sa maraming kadahilanan. Isa ay dahil sa takot na ma kompromiso and luma. At kapag ito ang kaso, kailangan mo sabihin na sa pag pirma ng mensahe na ang pag mamay-ari ng account ay sya rin nag bigay ng pirma galing sa bagong address at hindi sa luma.

Pag Pagsipi at Pagpapatunay.

Ngayon ito naman ay opsyonal na hakbang, para lamang doon na gustong tumulong sa pagsipi at pang berika ng mga thread's addresses.

May ilang mga gumagamit na pinili na mag stake ng address kasama ang pirma na mensahe sa unang pagkakataon, kung pakiramdam nila na ang staking ay para lamang sa address ngunit hindi sapat (kahit na pinaliwanag ko sa itaas na ito ay sapat na). Kung ang gagamit ay ini-stake ang pirmang mensahe, dapat mo itong beripikahin.

Kung ang mensahe ay hindi ma mapatunayan, ganon, hindi nagbigay ang gagamit ng isang wastong pirma. Kung ganon ang kaso, dapat kang sumagot at sabihin sa kanila na may mali silang ginawa sa panahon na isinasagawa nila ang paraan at "sumagot" ang ibig kung sabihin at kopyahin mo ang buong mensahe sa sandaling baguhin nila ang kanilang post. Kung ito ang kanilang unang pagkakataon na mag stake ng address, ayos lang ito. Matututo din sila. Ngunit kung nag stake na sila dati pa ng address and gusto mag isang bagong address, at hindi makapag bigay ng isang wastong pirma ng mensahe galing sa dating address, nagiging kahina hinala ito.

Kung naging matagumpay nilang nabigay ang pag pirma sa mensahe at magiging katulad nito:

Code:
-----BEGIN BITCOIN SIGNED MESSAGE-----
I am BlackHatCoiner.
-----BEGIN SIGNATURE-----
bc1q0fc0e3e0zpve6qg2fw2tfxwnvsw5p4kae3u2yx
H1kZ1IEa3WY1LOjsyj/5rWE1bjS7dzWXaPDsXFqK3zSUcYJvAcjAxGzZn+UDoIU7sDu+nTS+i4QF4eH4fXYnVzA=
-----END BITCOIN SIGNED MESSAGE-----

Tatanggihan mo iyon at magtatanong ka ng isa na hindi pa napipirmahan dati. Upang matiyak na ang orihinal na may-ari ay hindi pa pinipirmahan ang hinihinging mensahe (na ang hacker ay maaaring nakuha na ito sa kanya), kailangan mong itanong ng maayos na magbigay sa yo ng dagdag na bagay; Mag post ng isang mensahe at isama ang oras, at para ma kumpira ang pag ma may-ari ng account.

At kung patungkol sa mensaheng pinirmahan na may panipi: Hindi mo na kailangan magbigay ng link na kung saan pupunta ang magbabasa sa website/image para kumpirmahin ang mensahe at ma beripika. And tanging kailangan parte ay ilagay sa panipi ito para ang mga mambabasa ay pwedeng kumpirmahin na ang account ay hindi pa na kompromiso at ang origihal na mensahe ay iiisa. Mayroon din mga mabuting intensyon ang users na gumagawa ng websites na nag-archive ng bawat post na ginawa. [loyce.club, ninjastic.space]



Kung sa tingin nyo ay may mali ako o may hindi ako naisamang importante, pakisabi na lang sa kin.

Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng:


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
March 09, 2026, 09:36:11 AM
Last edit: March 12, 2026, 09:32:18 AM by fullfitlarry
 #7

Bago: for translation - https://bitcointalk.org/index.php?topic=5474187.0

Kamusta BitcoinTalk!

Sa ngayon, nakagawa na ako ng dalawang PGP tutoryal, at ito ay para sa mga gumagamit ng Linux at Windows. Pero ako ay napa-isip kung meron kahit anong apps para sa mga gumagamit ng Android. Karamihan sa aming lokal na gumamit at mga Android devices. Kaya, nandito na naman ako para sa isang PGP thread, at sa hula ko ay ito na ang huli. Wala akong MAC o IPhone para masubukan tong PGP sa mga devices na iyon.

Quote
Image source: primekey.com


➥ Marami pang PGP Tutoryals:


➥ Pag-Install OpenKeyChain

Ang Openkeychain ay isang Android App na pwede mong makita sa Play Store, Hanapin mo sa Play Store, o kaya subukan mo sa link na ito; https://play.google.com/store/apps/details?id=org.sufficientlysecure.keychain
At pagka tapos mong ma-install ang app, paki buksan mo ito at sundan ang mga sumusunod na hakbang.

➥ Pag Generate ng Key:

Sundan ang mga sumusunod na hakbang sa ibaba. Tingnan ang kahulugan ng mga larawan.



Pindutin ang Create My Key


Ilagay ang iyong pangalan at pindutin ang Next


Isulat ang iyong email at pindutin ang next



I-tsek ang Public on keyservers
 na gusto mong i-upload ang iyong public keys
at sa key server at Pindutin ang Create Key


Ang iyong Susi ay nililikha


Ang susi mo ay handa na

Para makita ang iyong public key, tapikin ang Icon ng clipboard, at iyon ay mag kokopya ng iyong Public key PGP. Sa aking kaso, ito ang aking Mobile Public Key, na nagawa ko isang minuto na ang nakakaraan.

Code:
-----BEGIN PGP PUBLIC KEY BLOCK-----

mQGNBGVUvDUBDACbMfY1mvnLKjp0M8t1PMqh6YBTF9sx9RPNpj+G9CLBrNalcc+2
bQRdFWJjxIEImSsKf4Khaen3rTNtkQ39bNG3qBEoBgOazrK0FEulW93P0BsqbpzT
l1SkDfIAXEDTrHsJ2noTbZT7S1eKsNCpnrWUb1h8rmOtBiCcBcxtgDQ+WDMbYiqe
/J8bNY0otjCoIcUJnSNIFbZuRvgA3ftqkGzFFy3JpcFb3PpiP7FGCwlRdIp2Z/gL
gbhPb5gSrHebNADKIbfwo4zkTi1rWYiOyhhHxfe9hmYSqWdO2e7n4Ip6EDCPdip6
YE0tYgTEMpZS2MUzyhEzI3sdhc/tD/+ZA065MVbyD6jr7DrflLQEpvFKTxTFEucf
5/sj2fEoFi9DlXpZYaupnkQE4StmbfsqBo2HGLvuU1VVAswEbs03BNgnAf0aZs/G
DLDdcOIeXM5kebj3OLjNUBNYyXfzhyjj1HHKPSN8V7gseBxjWvOjsiXY0xlzGOLt
q2wny8/WbtaYPgsAEQEAAbQoTGVhcm5CaXRjb2luIDxsZWFybmJpdGNvaW5AdGVz
dG1haWwuY29tPokBsAQTAQoAGgQLCQgHAhUKAhYBAhkBBYJlVLw1Ap4BApsDAAoJ
EBMhjHliVQZM3Z0L/i7EhA7EQgDIk5DPj14sKJB0KQ4UU2IJeoJ3nZOSQcQoayzd
dFPdCHzYPzv9eK8RxYONeLw1QWV81AB+KAiPxKwLN617J+o1lqpYfyMVW8MYWomr
0kfVR4L/6IyqJ2HI61+rFR1Vjdc0XkDMBRGKX0fIKRzoCD8JptzyP5vjI/QIa7LQ
YiNWys7BWwFmZb9t8b+hyUc8sctURLo5IWYKzshWoXtKQUWEjTrF8JNaGe80AbPy
XjlqZAdM9vk3l01MRVjQN26UH7LxO514737F9rU2qeLzMJRmIFZsh9vO0feEVYqr
pPUSbSdzyW5+geuhPRKYA2P2+b5JBaMFm/sLUQiDUH/3yvGZ698Uy+hxPi7R8UH9
loqfkwFPGBba8G1SUkK2XXgbojEh9ge5G3zMQfxkzK1YDuSPUd2zhydxyVVYm53a
kRhO27K0rqJBBcukOYRzSWC4ZV5Fp8c2zNC4DWSB0gfwKVUsORqdG3yp3Sl1f7Jj
HAxk3iI3LRHLMtUmibkBjQRlVLw1AQwAzLEAPZmy/Jt4vRPI3+gshMJjIghAQecf
OC6AG0n4ufGFR/u2AlTtRQ092tLPOUZVCoAxfWTNzeab/2viWpDGLi07u+0AqxAJ
6CMybBbeqbLTXLiSBU5kyrmd9fPLS/jhA55edeS6KUp/SVuNy2YqpuMidOf0z0V9
gbB/cGJvVkfn5ko7gZ+FYUKAbJsHUFvNBz6sf8Q4sBeOFu3E8e7Byo/aY7okDF0Y
4NrIuxLd7zNOwS7VxXtNrguUPGr26Vn0NY7FhZaoowP5QfrgYpOMKAt8MUwI58sr
ucxiUVaFqArd1BkFYyPO9Au/2EYglVJ+jMrn2W4NN2JDA+ctMfoGKVm6X7Vqg61w
dozcTRGa2JAmmE17LQbwl1yzFEMxnpuAJB8R9wg2/EYFCQC+/8CNEa8TR4Nf46dw
h3+gBW6/vin2qG5a9HXr1I4f9cmC6Svqn6SzOHe0ImGy7xSoHtCv7b74ZNlxtYxM
qd3IdeSSLKtYYZQXQQ2TslRQJHn+IrkLABEBAAGJAZ8EGAEKAAkFgmVUvDUCmwwA
CgkQEyGMeWJVBkyGNgv8DqC/h/NVE9nD0Fc9fzmMyGCmHQZniDTRh4ZWjcgyGARl
p8pH70GXExTTF0ML/DVwQlC362a9fF5WQlAHmhuaGywO4qUGR0QM3o3Ky6idzYex
Wrh+1/WnupStadvcoSFOyDyDF+sKB4alCEGEq4Q1OPIZ3vTOuq8XKkr6H74tLo09
VAou05xvruLK6eCPVEdl7NkyzSNZbbm8QMErgAoUu0LWaKVrr0OYuFZHofGqEBRv
WaI2X2JC9ldP2k5RwNGer3JPrGyZ5Ts/9LcJJqGHkcJoYZ04Aio10MemOflN3lUd
SWdaNrYKdc5fmTqz3hZTdNTV3bhYN/NFfBKgZq2MKUa85rQnCVpBF38xlNPZpc7W
w1nGvdqaQsEqAibMbPXIbR2m3YSwjoNeudQ13vIRkbT2H6tsymcrEMPU7gZHMFyk
6e4l8Rkb5keaxcE7eg04EyoCjgLbio9vAeUCYB1HutNBBoTCgja/zXJCR2j7Az0k
4EVqsclfu8pf60TmSlrC
=rso3
-----END PGP PUBLIC KEY BLOCK-----


➥ Pag-export ng Secret Key:

Upang i-export ang iyong secret key, sundin ang mga hakbang na ipinapakita sa ibaba:



Pindutin ang tatlong tuldok at i-tap
ang Backup Key


i-tsek ang I have written down this
backup code at pindutin ang Save backup


I-save ang file sa iyong device


Siguraduhin na isulat mo ang Backup key. Kung susubukan mo na i-import ang Secret key sa ibang device, magtatanong ito ng iyong backup key.



➥ Pag papadala ng Encrypted Message:

Para makapag padala ng Encrypted message, kailangan mo ang PGP Public key ng isang tao, at kailangan mo tong i-import sa iyong device para makapag padala ka ng encrypted message. Para mag-import ng Encrypted key ng isang tao, kopyahin mo ang Public Key. Sa aking kaso, kokopyahin ko ang iba kong test key. Pagkatapos kopyahin ang tatanggap ng Public key, sundan ang mga mga hakbang sa ibaba::



Pindutin ang + Icon at i-tap
ang Import from file


Pindutin ang tatlong tuldok at pagkatapos
pindutin ang Read from clipboard


Pindutin ang Import


Ngayon meron ka nang address ng tatanggap. Magpapadala na tayo ng Encrypted na mensahe.
I-click ang tatlong guhit sa kaliwang bahagi sa may itaas, at sundin ang mga sumusunod na hakbang sa ibaba:



Pindutin ang Encrypt/Decrypt


Pindutin ang Encrypt Text
 

Pindutin ang Encrypt para maisulat mo ang pangalan ng
user na iyong inimport isang minuto ang nakakaraan


Ngayon isulat mo ang iyong mensahe, at ang huli, Pindutin ang naka saradong Clipboard icon sa kanang bahagi sa itaas. Iyon ay mag encrypt ng iyong mensahe at kokopyahin ang encrypted PGP na mensahe. Ngayon, idikit mo ito kahit saan para makita mo ang hitsura nto. Narito ang aking resulta.

Code:
-----BEGIN PGP MESSAGE-----

hQGMA01VYPjWVnQkAQwArWsqENxsVrwd0U2Y0TR+5ODURn3WKT+cZJv8hO8MAKL8
yER5Y1ULQ4/zsGqZqHx/3yjaArV/OmvKLfcYRwKMMnppUwrs0+mHWlQupfo+1aO9
tL9yDxO7urmAp7uttDV5N2vDRGQhyWUo5tDo3WDg1sParCD+oDUxPovy6Nnp+/kd
d13XQWpZYnUssn3hAtWvYtFpuHeqSbD6kBiyGqrMd1YKSGWe/B/aat4iwq0bVuUH
qsZkT7kX5gbEv50/MAjs2N7k8AAQZBIapOA3yPF2GXREuF5n9MkQmr/O6x8lC7cS
K8IbtsLWk+tEE9mJUMQifXJEMNJPnkgEEVVaDClD5ulfW/X766nWoW53U27ge4nG
CljJfAx4cRpy0mEB6io0zi7ME4n7MvFd+1p0UBo76XUkAh8uJl7zx9KId5hqZSnF
FVkS3uuG4/IFk8I+ExE/nJQloJO0fOb8sFNlXWbxPsPMUaFRtzP4FcAzDghGp894
dH59WmYEJuhhAO4XQw9o0sFZAZ0+lQkQg5c9T7xzXVD8tum1YLIHPJ51+soLO3uO
nQSdv3ui8bUpLDPi+GneELaPkmqWfbKV2kkUpcMmDofQjwwEG+6HEa5xPn7YcvkG
rFrCAFv/rV6wx3Q7yDNgv2Ecnl6NZhwGkZ/UvnxjQfEXmiQJb2DYUwIuT0kARGGg
dRRCmVKZckNvtZiu4yjt3VYdZJSSOdJxLjzjSHKKYtyQdWJBkL3s8TMFI5mccuBZ
hNAEWVO9k37Watjb6FfblS40KmjpkIEvZIdq1GTDeT/wv175CdXX20yTaxjGngw+
MZgh5qzWAgfJCge6ZBN1TLeL0Ia0JUHQFpeC4JspXwXr/BwW7Qsi7/Lke6IrAZ9k
0RmNB8iW6XHNyPccZh1Neh0PtcWlAZwWx9N7M8NJIkZQHZGiwj/jWEIvSqpoOr4p
L90QecA9FCN+2UAQay3vNax8sZ1BdMJNAaUwEi9s1iX5QKL2SfM3a/WoCweOrUm8
IJ/vnhKQd2Mc0HxR6MXLh29dEtvuD2DfIWfFddhIgDIcImZ42d6l0mrHNFRMZbHL
JM+A0fLp2S9Bnfs2Qp2K4fkFEyWeEUrA+QtSl+bNIiiVIRwYunojel4EM7f42zH2
DlZ921odaxSGOFtY+/gIT86XHcz6H8In0Gy0Y8DhdzR3tHeq0MtzAS7utDkJ3Hzi
p3JB1+sQN6NDBODWMODtvdNx7wqpaQ6FS94D
=j5Os
-----END PGP MESSAGE-----

Malapit na tayo matapos. Isang bagay na hindi ko ipinakita ay kung paano i decrypt, dahil naniniwala ako na kahit sino ay pwedeng mga decrypt ng mensahe. Una, kopyahin ang encrypted na mensahe.>> Pindutin ang tatlong guhit sa itaas na kaliwang bahagi.>> Pindutin ang Encrypt/Decrypt >> Read from Clipboard >> Boooom! Ikaw ay tapos na!

Salamat sa pagbabasa!


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
March 19, 2026, 11:46:00 AM
Last edit: March 25, 2026, 12:24:33 AM by fullfitlarry
 #8

May Akda: 1miau
Orihinal na Akda sa English: Is diversification into different coins really a good advice for Newbies?

Title in Tagalog: Ang pag iba-iba ba ng iba't ibang coins ay talagang magandang payo sa mga Baguhan?

Karamihan sa mga bagong artikulo ay nag rerekomenda nito: "Mag-iba iba! Huwag ilagay ang lahat ng itlog sa isang basket! Bumili ng iba't ibang coins para mabawasan ang panganib!".

Sa ngayon, magandang pakinggan to sa unang tingin, ngunit may katotohanan ba ito sa realidad? Tara tingnan natin:


Ang pagkakaiba-iba ba para sa cryptocurrencies ay naaangkop?

At dahil ang payong ito ay tila nanggaling sa merkado ng tradisyunal na pamumuhunan tulad ng stocks, mamahaling metal at iba pa, ang isa ay dapat maintindihan na ang estratehiya ito ay mas maganda sa tradisyunal na merkado. Sa likod ng stocks ay karaniwang mga malalaking kumpanya na pinakita na subok at matatag sa merkado at ang panganib na malaking pagkalugi ay mababa, lalo na kung aasa ka sa nangungunang stock. Kahit ang mga mahahalagang metals na katulad ng ginto at pilak ay hindi nawawalan ng halaga ngayon at bukas, kaya ang pagkakatalo ng malaki ay malabo.

Kung kukunin mo ang Coinmarketcap 100 para ikumpara sa S&P 100, mabilis mong malalaman na ang daming mga shitcoins na walang konsepto, kahit sila ay nasa TOP 100 sa mahigit na 10,000 Altcoins. Kahit na sila ay nasa TOP 10, halos 50% ay pwede mong tawaging shitcoins, kung hindi man karamihan ay matatawag mong mapanglinlang.
Karamihan sa mga proyekto na to ay nasa una pa lang yugto at kahit ang Etheruem ay hindi parin siguro kung ang ideya ng PoS ay gagana (kasama pa ang iba't ibang problema). Ang Ethereum ay kasalukuyang nasa pangalawang posisyon, na nagsasalaysay ng spekulatibo ng mga mababang coins. Ang pagkalugi ng mahigit 90%, nitong nakaraang 2 taon ay pinapakita, na ito ay hindi bihira. Itong mga bagay na to ay hindi makatotohanan sa karamihan ng stocks at sa mga mahahalagang metal o sa real state.

Ang cryptocurrencies ay hindi pwedeng ihambing sa kanilang estrukturang pagdating sa estratehiya nag pagkakaiba ng matagumpay sa ngayon, dahil ang estruktura ng crypto ay talagang iba. Nagbibigay sila ng mataas na balik ng kita ngunit may kaakibat na malaking panganib.

Ano ang tama nung nakaraan, mag-iba iba pa o hindi?

Para as cryptocurrencies nitong nagdaang dalawang taon, kitang kita na ang paghawak ng mataas na porsiyento ng Bitcoin ay ang tamang desisyon. Kung babalikan natin, pwede nating sabihin na ang Coin xy ay tinalo ang Bitcoin, pero kung inanalisa mo karamihan sa mga kilalalang altcoins noong 2017 / 2018, na nawalan na sa pagitan ng 80-95% mula noong kanilang pinakamataas na presyo, habang ang Bitcoin ay nawalan lamang ng 50% hanggang sa ngayon. Kaya, sa Fiat, ang ibig sabihin nito ay naka tipid ka ng mas maraming pera kung namuhunan ka lamang sa Bitcoin, katumbas naman sa 250% sa Altcoin ng 80% na pagkalugi o kahit 1,000% sa Altcoin ng 95% na pagkalugi. Sa mga sumusunod na talahanayan:

CoinPuhunan malapit sa ATHPagkalugi hanggang ngayonNatitirang Halaga
________________________________________________________________________________________________________________________________
Bitcoin1000$50%500$
Shitcoin A (sabihin na nating Litecoin, kaagahan noon 2018 Rank 7)1000$80%200$
Shitcoin B (sabihin na nating NEM, kaagahan noon 2018 Rank 6)1000$95%50$

Kaya, mabilis mong maintindihan na ang pagkakaiba ng mga ilang nangungunang 10 coins ay hindi epektibo kung ikukumpara natin kung namuhunan tayo ng lahat sa Bitcoin. Bagaman meron namang cryptocurrencies, na tinalo ang Bitcoin, hindi naman ito masyadong nakaapekto sa mga mataas na pagkaka-iba ng portfolio. Talagang mahirap at imposible na makita ang mga Altcoins sa simula at talagang spekulatibo ang magpunta lamang sa isang Altcoin. Maidagdag din, ito ang kaibahan ng pagkaka-iba iba.
Ang pagkahawak ng maraming coins at "pagkakaiba", ay mag reresulta ng mas malaking pagkalugi laban sa paghawak lamang ng Bitcoin.

Hindi ko mahulaan ang may estatistika ay may kaugnayan sa hinaharap, malalaman din natin. Ngunit kung ikukumpara, maraming Altcoins ay nangunguna sa Bitcoin nitong huling bull run sa merkado. Ngunit mababa ang posibilidad nito, lalo na sa dami ng hindi pa luto Altcoins na nag-aalok ng parehas na paggamit.


Karagdagang pang problema sa pagiba-iba: mas maraming trabaho, aksidenteng pagkawala ng mga coins at ang panganib sa pagda-download ng mga malware

Ang portfolio na mataas na antas ng pagkaiba iba ay may ilan pang kahinaaan:

Ang bawat isa ay kailangang maglaan ng maraming oras sa pag trabaho:
  • Ang bawat Altcoin ay kailangan suriin para makita kung ito ay matatag at maganda puhunanan. Pwede ka rin magtapon ng pera sa bawat coins na nasa Unang sampu pero hindi ito tamang desisyon.
  • Sa pang kalahatan, lahat ng pagmamay-ari mo na Altcoins ay dapat madalas mong tinitingnan para mabenta mo sa oras kung may lalabas na problema sa Altcoin. Ang ibig sabihin nito ay kailangan mong maglaan ng maraming oras, lalo na kung marami kang coins sa iba't ibang proyekto.
  • Kailangan mong aralin at matutunan ang teknolohiya sa bawat Altcoin, kung paano ang proyekto gumagana at paano gumawa ng sarili mong pitaka para maitago mo ang iyong Altcoin. Maari itong maging mahirap depende sa Altcoin, lalo na sa mga baguhan, at idagdag na rin natin na ilalagay natin sila sa panganib ng mawala ang coins dahil sa maling pag gamit. Kapag nag-install tayo ng iba't ibang wallets, mayroon panganib na makapag download ng malware at ito ay may kaakibat na maling kahhiihitnan.

Kung meron ka lamang na kaunting coins, ang mga dahilan na to ay mababawasan.

Sa pagtatapos, malaking bahagi ng Bitcoin sa iyong portfolio ay mallit ang spekulatibo, hindit ito mapanganib at bawas trabaho. Mas maraming Altcoins na iyong binibili ay binabawasan ang Bitcoin na iyong hahawakan, mas malaki ang spekulatibo, mas mapanganib at mas ma trabaho sa iyong puhunan para meron kang matanggap.



fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
April 10, 2026, 12:30:02 AM
Last edit: April 11, 2026, 10:19:51 AM by fullfitlarry
 #9

May Akda: 1miau
Orihinal na Akda sa English: MLM – a dangerous marketing strategy

Title in Tagalog: MLM – isang mapanganib na estratehiya sa marketing

Paunawa: Pakiusap huwag mamuhunan sa Sistema ng MLM, hindi mo na makukuha ang iyong ipinuhunang pera. Sa susunod na paksa ay ipapaliwanag ko kung bakit:



Paano matukoy ang mga Sistema ng MLM

Kapag ikaw ay naghahanap ng magandang oportunidad sa pamumuhunan, maaring nakita mo na ang isang modelo sa negosyo na tinatawag na MLM. Ang ibig sabihin ng MLM ay Multi-Level-Marketing at kadalasang ginagamit para makapag hikayat ng bagong kustomer. Sa bawat na recruit mong kustomer, ang kasalukuyang kustomer ay makakatanggap ng komisyon base sa nakatakdang porsyento ng deposito ng kanyang ni-refer.

Madalas, may iba't ibang antas, kung saan ang komisyon ay binabayaran:
Kapag ang ni-refer mo ay nag-advertise ay nakakuha ng bagong miyembro, makakakuha ka rin ng maliit na porsyentong bonus mula sa kanyang diniposito.
Magandang pakinggan sa una, na makakakuha ka ng bonus dahil sa pag recruit ng bagong kustomer, ngunit kung titingnan mo ito, hindi ito kapaki-pakinabang at ang tamang desisyon ay lumayo at wag mamuhunan sa sistemang Multi-Level-Marketing.


Istruktura ng MLM ng BitConnect Ponzi-scam. Ang pagre-recruit ng mga bagong user ay ginantimpalaan ng maliit na bonus depende sa kung magkano ang diniposito ng iyong referral.



Isang pangako ng kaduda dudang proyekto na pagpaparami ng iyong puhunan sa maikling panahon. Ilang MLM na proyekto ay may isang espesyal na bonus na kapag nakapag deposito ka ng mas malaking pera, mag aalok ito ng mabilis at malaking balik:




Ang MLM ay napakasikat sa crypto space dahil ang crypto ay nagbibigay ng mataas na kita at ang mga walang karanasan "when moon" na mga tao ay ang pangunahing grupo na target ng MLM. Noong panahon ng hype ng huling bahagi ng 2017, maraming Ponzi MLMs ay ginamit ang "when moon" na atmospera para mangalap ng pera, at kahit ano pang modelo ng pag nenegosyo pagpapahiram o pag mina, kadalasan ito at isa lamang pangako para makapag hikayat ng mga tao para pumasok.
Bukod pa dito, ang Bitcoin at cryptocurrencies ay kumplikado para sa mga baguhan, at napakadali para sa mga manloloko na lokohin ang ganitong klaseng tao para makapag benta ng pekeng modelo ng negosyo bilang makatotohanan.


Ang MLM ay makikilala bilang isang estrukturang parang pyramid, kapag meron kang ilang antas ng referral bonus at malaking kita bawat araw o bawat buwan. Ang mga sikat na MLM na sistema ay BitConnect at BitClub, halimbawa.



Matapos bumagsak ang BitConnect, ang kanilang coin ay halos nawala ang buong halaga.




Sa kabuuan, narito ang mga pangkahalatang kawalan ng sistema ng MLM at bakit dapat itong iwasan sa pamumuhunan:


1. Ang MLM at Panlilinlang ay magkasama

Ang MLM ay hindi ibig sabihin na ang isang proyekto ay panlilinlang, ngunit sa halos lahat ng kaso, ay ganoon nga. Dahil ang pangunahing nga sa MLM ay angkop sa mga operator na kumuha ng mga bagong kustomer sa pag recruit ng mga dating miyembro nito kapag sila ay nag anunsiyo para sa serbisyo. Malaking pakinabang ito sa may-ari ng plataporma, dahil ang pang anunsiyo ay gawa ng kustomer at sila ang nag pondo nito galing sa deposito ng bagong miyembro. Kaya, ang may-ari ng sistema ng MLM ay walang panganib at walang gastos para sa marketing.
Kapag nakalikom na ng sapat na pondo, isasarado na to ng may-ari at walang kustomer ang pwedeng makapag withdraw ng kanyang pera -  ito ay tinatawag na "Exit-Scam".

Ang Ponzi ay darating sa ganitong punto, kapag walang sapat na bagong kustomer ang gumagawa ng bagong deposito dahil ang kasalukuyang gumagamit ay binabayaran galing sa deposito ng bagong kustomer. Pinapaikot lang ang pera dahil walang kita na pumapasok.

Ngunit kahit na may pumapasok na kita, may ilang bagay parin na dapat isaisip.


2. Ang MLM ay nagdudulot ng malaking pagka gastos

Kung meron nagawang kita, ang isang negosyo na naka base sa MLM ay kailangan gastusin ang nakapa laking halaga na bahagi ng kanilang kita sa komisyon na kailangan bayaran na gastusin sa MLM. Depende sa bilang ng antas at sa halaga ng bawat komisyon, pwede itong bumuo ng malaking bahagi ng kita.
Bukod pa dito, ang kita ay kailangang gastusin ay hindi magagamit para sa normal na pamumuhunan, at magdudulot ng negatibong epekto sa kita para sa kustomer. Ang mga kustomer ang nagbabayad para sa marketing nito.

Kaya, ang lehitimong modelo ng negosyo ay hindi gumagamit ng MLM sa maraming kaso dahil nga hindi ito pwedeng magkakitaan na para sa pag unlad ng kompanya.



3. Ang mga taong namuhunan nang maaga at nakahikayat ng maraming tao na sumali ang makikinabang sa MLM

Ang resulta ng istrukturang affiliate, ang mga taong namuhunan ng maaga (kadalasan ang mga nagtatag) at iyong naghikayat ng maraming tao ay makikinabang ng husto. Ang mga referral na komisyon ay direktang pinondohan ng mga kustomers na nasa ilalim nila sa kanilang downline.
At siyempre pa, ang may-ari ay laging kikita sa sistema ng MLM, dahil kung hindi ay hindi nila ito patatakbuhin.

Isa pang mahalagang punto ay ang taong nag advertise ng kanilang proyekto ay may kinikilingan kapag pinakita nila ang modelo ng negosyo. I advertise nila ang kanilang proyekto sa paraan ma marami silang makuhang referrals (at mas malaking bonus) dahil sa istrukturang affiliate. And resulta ay nakapaka delikado dahil ito ay nagbibigay ng isang labis na may kinikilingang impresyon ng produkto na madalas nating tinatawag na "shilled project".



4. Walang transparency sa MLMs

Ang mga lehitimong mga proyekto ay laging interesado na gawing tranparent ang modelo ng kanilang negosyo dahilan para ang mga tao ay mamuhunan, katulad ng kung paano kikita, kung sinong team ang sana likod ng proyekto at paano hatiin ang kita (team / gastos / kita ng mga namuhunan). Ngunit, sa karamihan ng mga kaso ng mga proyektong walang sistema ng multi-level marketing.

Madalas walang malinaw na istruktura ang kompanyang may proyekto na MLM, na ang mga operators ay hindi kilala o bahagya lamang at ang marketing ay gawa ng mismo ng kustomer. Isang perpektong estratehiya ng mga may-ari na itago ang kanilang mga sarili pero makakakuha ng malaking marketing.

Lalo na ang mga walang karanasan na tao ang target nitong istruktura ng marketing sa pamamagitan ng pangakong sa kanila na "isang bagong Bitcoin", "Lambo o Moon" o ibang hindi kapani paniwalang kita.

Kung maganda ang modelo ng negosyo, ang MLM na may malinaw na komisyon ay pwedeng maging isang mabisang sukatan, ngunit ipinakita ng nakaraan na ito ay kabaligtaran.

Sa huli, ang sistema ng multi-level marketing ay hindi hinikikayat dahil na rin sa malaking panganib na pang lilinlang at kahit hindi, ang estruktura ay hindi pabor sa mga kustomers at pinapayaman lamang ang nagtatag nito.


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
April 14, 2026, 01:11:41 AM
Last edit: April 15, 2026, 03:42:09 AM by fullfitlarry
 #10

May Akda: fillippone
Orihinal na Akda sa English: Everything you wanted to know about Bitcoin Strategic Reserve

Lahat ng gusto mong malaman tungkol sa Estratehikong Reserba ng Bitcoin



Kamakailan, ang ideya ng Estratehikong Reserba ng Bitcoin (BSR) ay lumutang sa maraming ulat na balita. Ang ideya na ang US ay gagamit ng Bitcoin bilang estratehikong reserba ay pinatunayan upang itaas pa ang presyo ng bitcoin patungo sa hadlang na 100k.

Sa thread na to, ipapaliwanag ko kung ano ang Estratehikong Reserba at paano ang Bitcoin ay Estratehikong makabuluhan.  

1. Kahulugan ng Estratehikong Reserba
2. Kasalukuyang panukala: B.I.T.C.O.I.N. Act
3. Detalye ng implementasyon: kung paano ito magagawa
4. Inaasahang presyo mula sa paglulunsad ng BSR
5. Iba pang implementasyon sa buong mundo
6. Opinyon at saloobin mula sa iba pang mga stakeholder
7. Inaasahan sa merkado
8. Link at dokumento



1. Kahulugan ng Estratehikong Reserba

Ang estratehikong reserba ay isang imbakan ng mahahalagang yaman na itinabi ng gobyerno, malalaking institusyon, o ibang katauhan para gamitin sa pambihirang kalagayan - katulad ng kagipitan, malalang pagkagambala sa suplay, giyera, o panahon ng matinding pagbabago-bago ng merkado.
Hindi katulad ng regular na imbentaryo na umiikot sa pang araw araw na gamit, ang estratehikong reserba ay sadyang pinanatili bilang isang salag laban sa walang katiyakan, na tiniyak ang katatagan at seguridad sa oras ng krisis.

Ang estratehikong reserba ay mayroon ilang katangian na kakaiba kaya ito ay hindi pareho sa karaniwang imbakan:
  • Mahabaang Pag-iimbak: ang estratehikong reserba ay karaniwang nakatago ng matagal na panahon at ilalabas lamang kung mayroon na malalang pagka gambala.
  • Kritikal na kalikasan ng mga Yaman: Ang kalakal o ari-arian na kasali are mahalaga sa seguridad ng bansa, matatag na ekonomiya, o kapakanan ng lipunan.
  • Pag kontrol ng Access: ang gobyerno o ang mga pinakamataas na namamahalang katawan ang kadalasan na tumitngin  sa papapanatili, paglabas at pagpuno ng mga reserba, na ginagabayan ng malinaw na protokol.

Halimbawa, ang Estados Unidos sa kasalukuyan ay mga dalawang pangunahing estratehikong reserba.

  • Estratehikong Reserba ng Petrolyo (SPR): pagkatapos ng krisis sa petrolyo noong 70's, And gobyerno ng Estados Unidos ay nagpasya na gumawa ng imbakan ng langis na  pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Enerhiya para parehong gawin ang pagprotekta sa ekonomiya ng Estados Unidos laban sa matinding pagbabago-bago ng presyo sa merkado o bilang reserba para makapag bigay ng kuryente sa lokal na aktibidad pang-industriya sakaling magkaroon ng problema sa supply chain o giyera. Sa kasalukuyan, ang SPR ay mayroong 390 na bariles ng langis (and pinakamataas na pwedeng kapasidad ng mga reserba ay mahigi sa 700 milyon bariles) nakatago sa 4 na kweba ng asin sa kahabaan ng Gulpo ng Mexico na may halagang mahigit 27 bilyong USD, kung saan ang WTI ay ipinagpapalit sa humigit-kumulang 75 dolyar bawat bariles.
  • Reserba ng Ginto : And Estados Unidos ang may pinakamalaking reserba ng ginto sa buong mundo, na may kabuuang 8,133.5 metriko tonelada, na may kabuuang halos 700 bilyon USD sa halaga. Halos 65% ng mga reserba na to ay nakatago United States Bullion Depository sa Fort Knox.
    Ang Federal na pamahalaan ay may-ari ng ginto. Ang pamahalaan ang nag issue ng "Gold Certificates" para sa Federal na Reserba ng Bangko na nagkakahalaga ng $11 bilyon.
    Ang mga sertipiko ay nagsisilbi sa Federal na Reserba ng Bangko bilang maliit na bahagi ng kolateral para sa Federal na Reserba Notes. Hindi pag mamay ari ng Federal Reserba ang ginto.

Ang pamahalaan ng Estados Unidos ay marami pang Estratehikong Reserba, kabilang na ang natural gas, mga butil, pagkain, at keso (dati itong may reserba ng pasas hanggang 2015).



2. Kasalukuyang panukala: B.I.T.C.O.I.N. Act

Si Cynthia Lummis, isang Republican senadora sa Wyoming, ay ipinakilala ang ideya ng isang Estratehikong Reserba ng Bitcoin noong Hulyo. Ipinanukala niya sa pamahalaan ng Estados Unidos na i-konsidera ang Bitcoin bilang bahagi ng pangmatagalang estratehikong reserba. Sa Senado ng US, tinawag niya ang bill na ito na  B.I.T.C.O.I.N. (Boosting Innovation, Technology and Competitiveness through Optimized Investment Nationwide) Act.

Quote
July 31, 2024
WASHINGTON, D.C. – Following her announcement of a historic proposal to supercharge the US dollar and pay down the national debt by establishing a strategic Bitcoin reserve, today US Senator Cynthia Lummis (R-WY) officially introduced the Boosting Innovation, Technology and Competitiveness through Optimized Investment Nationwide (B.I.T.C.O.I.N.) Act in the US Senate.
"As families across Wyoming struggle to keep up with soaring inflation rates and our national debt reaches new and unprecedented heights, it is time for us to take bold steps to create a brighter future for generations to come by creating a strategic Bitcoin reserve," said Lummis. "Bitcoin is transforming not only our country but the world and becoming the first developed nation to use Bitcoin as a savings technology secures our position as a global leader in financial innovation. This is our Louisiana Purchase moment that will help us reach the next financial frontier."
The B.I.T.C.O.I.N. Act establishes a strategic Bitcoin reserve to serve as an additional store of value to bolster America's balance sheet and ensure the transparent management of Bitcoin holdings of the Federal Government. Specifically, the legislation would:
  • Establish a decentralized network of secure Bitcoin vaults operated by the United States Department of Treasury with statutory requirements ensuring the highest level of physical and cybersecurity for the nation's Bitcoin holdings.
  • Implement a 1-million-unit Bitcoin purchase program over a set period of time to acquire a total stake of approximately 5% of the total Bitcoin supply, mirroring the size and scope of gold reserves held by the United States.
  • Be paid for by diversifying existing funds within the Federal Reserve System and Treasury Department.
  • Affirm self-custody rights of private Bitcoin holders and emphasize that the strategic Bitcoin reserve shall not infringe upon individual financial freedoms.
Source

Ang kanyang mga panukala at pahayag sa publiko ay naglalahad ng isang pangitain na ang Estados Unidos ay tinuturing ang Bitcoin katulad ng ibang estratehikong ari-arian — katulad ng ginto — sa kanilang ingat yaman na hawak, na magkakaroon ng pantay pantay na hawak ng reserba sa mundo ng Bitcoin at ginto sa ilalim ng kontrol ng pamahalaan ng US.

Pagkatapos ng mahalal si Trump, and ideya ay nakakuha ng suporta:



Ang Estratehikong Reserba ng Bitcoin ay ipatutupad sa pamamagitan sa operasyong pantay sa mga mamamayang nagbabayad ng buwis, na magdudulot sa pamahalaan na makakuha ng 1 milyong bitcoins, at hahawakan ito nang hindi bababa sa 20 taon:

  • Ang reserba ay pupuhunanan sa pamamagitan ng sertipiko ng ginto ng Fed's na ang halaga ay ayon sa merkado at ibebenta nila ito.
  • Ang pamahalaan ay gagamitin ang sobra sa pagbili ng bitcoin na hindi gagamit ng pera galing sa mga nagbabayad ng buwis.
  • Ang Kagawaran ng Katarungan ay maglilipat ng 208,000 bitcoins galing sa kaso ng Silk Road papunta sa SBR.
  • Ang pamahalaan ay bibili ng 200,000 bitcoins taun-taon sa magkasunod na apat na taon.
  • Ang pinakamababang panahon ng paghawak ay 20 taon.

Ang "bagong" ideya tungkol sa pag takda ng presyo ng Federal na Reserba ng mga Sertipiko at merkado-sa-merkado na halaga: ang mg sertipiko na itinatakda at sa presyo ng ginto na $42.22 bawat onsa at maaari na ang halaga ngayon ay higit sa $2,600 bawat onsa.



Ang makukuhang kita galing sa pagsasaayos ay magbibigay daan sa paggastos na hindi gagawa ng bagong utang, na mag resulta sa neutral na galaw kaugnay ng pera sa mga nagbayad ng buwis.



3. Detalye ng implementasyon: kung paano ito magagawa

May ilang paraan para ilipat ang bitcoin sa Estratehikong Reserba:
  • Paglipat ng bitcoins na kinumpiska papunta sa Kagawaran ng Pananalapi. Ang Kagawaran ng Katarungan ay nagmamay-ari ng 208,000 bitcoins na nakumpiska galing sa palilitis sa Silk Road. Ang karamihan ng SBR ay pwedeng ibalik sa paglipat ng mga coins sa FED.
  • Bukas na Merkado sa Pagbili: ang pamahalaan ay bibili ng bitcoin sa merkado, marahil sa pakikipag tulungan sa Coinbase. Ito ang pinakamabilis na paraan para makakuha ng bitcoins, ngunit hindi gaanong epektibo. Sigurado, na may (i.e. ang paggalaw ng presyo sa merkado na dulot ng pressure sa pagbili) at ito ang pinakamataaas.
  • Estratehikong Pakikipagsosyo sa mga nag Mimina sa US: ito ay isang matapat na paggawa. And pamahalaan ay pwedeng bumili ng bitcoins sa nagminina sa US sa karaniwang presyo. Makikinabang ang mga nagmimina sa matatag na presyo at ang pamahalaan na binabawasan ang epekto sa merkado. Ang pamahalaan ay pwede rin mangulekta ng buwis sa mga kumpanya na nagmimina ng diretso sa BTC at mag-alok sa mga ito ng grants para upang itulak ang balanse ng kanilang elektrisidad patungo sa carbon neutrality sa pamamagitan ng nababagong mapagkukunan ng enerhiya o kahit na mapadali ang kasunduan na ERCOT-style sa lokal na grids (ERCOT: "Electric Reliability Council of Texas") na kasuduan sa pagitan ng mga kumpanya ng enerhiya at mga minero na patayin muna ang pag mimina sa kataasan ng pangagailangan ng enerhiya galing sa grids. Ito ay tumutugma sa bisyon ni Donald Trump para sa industriya.

    :

    Ang paggawa ng ganitong klaseng pakikipag trabaho sa pribadong sektor ay pakikinabangan ng parehong partido na kasangkot sa industriya sa kabuuan.



4. Inaasahang presyo mula sa paglulunsad ng BSR

Ang paglulunsad ng Estratehikong Reserba ng Bitcoin ay magkakaroon ng napakalaking epekto sa presyo sa merkado.
Mangyayari ito sa pamamagitan ng iba't ibang mekanismo:

  • Direktang epekto sa merkado: ang pagbili ay may epekto sa merkado, na direktang may epekto sa mga nagbebenta. Pwede tong maibsan sa mga sopistikadong estratehiya sa pagbili, na nakita na natin, ngunit may malaking pagbabago sa mikrostrukturang pangmerkado.
  • Hindi Direktang Epekto sa Merkado: ang panglunsad ng unang BSR ay may malakas na signal patungo sa ibang soberanong awtoridad, na nagbubukas para sa karera ng pangalawang anunsyo sa SBR. Magkakaroon ng pag-ikot, hihikayatin ang ibang Bangko Sentral patungo sa  pagbili ng bitcoin, katulad ngayon, meron karera sa pagbili ng ginto.
  • Modelo ng paghimok sa Pagbili: ang pagbukas ng BSR na paghimok sa pagbili ay kinakailangan para itulak ang Bitcoin sa susundo na yugto sa paglaki, isang bagay na kailangan para sa lahat ng modelo na bullish sa paikot nito (maging Stock to Flow, Power Law o S-Curve approach) para makita ang prediksyon kung magkakatotoo. Hangga't hindi "napapawalang bisa" ang mga modelo, ang mga balangkas ay bullish.

Katulad ng nasabi, ang tahasin ang eksaktong epekto ng BSR ay mahirap, ngunit, nakapalaki nito.

Mga ilang prediksyon:


Novogratz: 500K
Adam Back: Millions


Bilang ballpark pwede natin maaari nating tantiyahin ang epekto ng pagbili ng US batay sa paglunsad ang ETF. Kung ang ETF ay itinaas galing sa 40k noong Enero 2024 hanggang 100k noong Disyembre 2024 na mayroon 30 Billion na pumasok, at 1 million bitcoins, o 100B na pumasok galing sa paglunsad ng US SBR, pwedeng itaas ang merkado mula 100k hanggang 300k. At ito lamang ay ibinilang ang unang dahilan, iniwan pa ang 2 dahilan (Hindi Direktang Pagbili) at 3 (Modelo ng paghimok sa Pagbili).  



5. Iba pang implementasyon sa buong mundo

Ilang bansa ay nagtatag na o pinag-iisipan pa ang paglikha ng estratehikong reserba ng Bitcoin.

Mga ilang nagtatag na ng estratehikong reserba ng Bitcoin:
  • El Salvador: Noong September 2021, Ang El Salvador ang naging unang bansa na nag adopt ng Bitcoin bilang legal na tender. Mula noon, ang gobyerno nila ay nakapag ipon ng humigit kumulang na 5,940 bitcoins, na ng kakahalaga na tinatayang $582 million noong November 2024. Gumagamit sila ng parehong bukas na pagbili sa merkado (they are buying one bitcoin per day since) at mining operations.
  • Bhutan: Ang Kaharian ng Bhutan ay nag mimina ng Bitcoin gamit ang kanilang hydroelectric na yaman mula pa 2019. Mas maraming impormasyon ang mababasa dito: Bhutan Built A Bitcoin Mine On The Site Of Its Failed 'Education City'.
    Nitong Nobyembre 2024, Ang Bhutan ay may hawak na 12,211 bitcoins na nagkakahalaga ng mahigit $1 billion.
    Kabaligtaran sa iba pang mga bansa, Ang Bhutan ay aktibo sa merkado, madalas na nagbebenta ng bitcoin na kanilang minina.

Mga ibang bansa na nagmukahi sa kanilang estado na magtatag ng lokal na SBR:

  • Brazil: Nitong Nobyembre 2024, si Eros Biondini, isang Brazilian na Kongresista, ay nag mungkahi ng isang panukalang batas na gumawa ng Sovereign Strategic Reserve of Bitcoins (RESBit). Ang panukalang ito ay ang pagbili ng bitcoin hanggang 5% ng internasyonal na reserba ng Brazil. Ang inisyatiba na to ay para mabawasan at ibaba ang pabago bagong real state sa Brazil upang maprotektahan ang ekonomiya at paunlarin ang katatagan.
  • Poland: Ang kandidato sa Pagka pangulo na si Sławomir Mentzen ay sinusulong and pagtatag ng isang estratehikong reserba ng Bitcoin, kasama ang pagpapatupad ng regulasyon na magiliw sa crypto upang makaakit ng mamumuhunan at iangat ang kalayaan sa pananalapi.
  • Russia: Si Anton Tkachev ay nag mungkahi na mag-imbak ng cryptocurrencies sa pambansang kaban, at tinitingnan ang digital assets bilang isang potensyal na alternatibo sa US dollar sa pangdaigdigan na transaksyon at harapin ang mga parusa. Ang Russia ay naging matindi sa pagbili ng ginto sa mga nagdaang panahon.
    Russian Lawmaker Proposes Creating Strategic Bitcoin Reserve: Report
  • Republika ng Czech: Ang Banko Sentral ng Czeck ay tinitingnan na ilipat ang 5% ng kanilang reserba sa FX papuntang bitcoin.
  • Estados Unidos



Ipinakita na malinaw na ang ideya ng isang SBR ay hindi lang puro sa US naka sentro na imbensyon ngunit isang makatuwirang panukala na magbibigay ng ibang hugis sa hinaharap ng iba't ibang bansa.
Tila, marami pang darating, at hindi mahirap na maniwala sa sinabi nila Prince Filip of Serbia, Jan3 Chief Strategy Officer, na sinabi:



Ang ibang estado, ayon sa bitcointreasuries.net, ay mayroon itinatagong bitcoin. Ngunit, Hindi ibig sabihin nito ay Estratehikong Reserba ng Bitcoin, dahil ito lamang ay mga nakumpiskang bitcoins, madalas binebenta ng pamahalaan o pansamantalang hawak ng pamahalaan, at inaantay lamang na ibenta sa merkado.



6. Opinyon at saloobin mula sa iba pang mga stakeholder

  • J. Powell
    Ang Bitcoin ay kakumpitensya ng ginto, at hindi ang dolyar ng Estados Unidos.
    Ang sabi ni Powell ng Fed, ang Bitcoin ay parang ginto, maliban na lang na digital ito.
    Ang pahayag na nakikipagsabayan ang Bitcoin sa ginto bilang pili na nagpapanatili ng halaga ay nagtulak sa bitcoin para tumaas ng husto nitong Miyerkules, Dec 6th, nang sa wakas nabasag nito ang USD 100,000 sa unang pagkakataon.

  • Micheal Saylor unang nagsaita tungkol sa Estratehikong Reserba ng Bitcoin sa Kumperensya ng Cantor.


  • Robert F. Kennedy Jr. ay sinuportahan bilang alternatibo ang estratehikong reserba upang makakuha ng 5 milyong bitcoin.

  • Ro Khanna, isang Demokratikong Kinatawan ng Kapulungan mula sa California, ay sumusuporta rin sa panggawa ng isang Bitcoin Reserve:
    Quote
    "Gusto naming matiyak na bukas kami sa pagkakaroon ng bitcoin bilang bahagi ng Reserba ng Federal bilang isang reserbang asset dahil sa potensyal na tumaas at dahil rin sa potensyal na magbibigay sa Amerika na magtakda ng pamantayan sa pananalapi."

  • Bill Dudley hindi tinanggap ang ideya ng SBR dahil ang implementasyon ay hindi praktikal at mapanganib.
    Ayon kay Dudley, pag-adopt ng SBR ay magpapataas lamang sa presyo ng bitcoin ng walang malinaw na benepisyo sa US, na mamumuhunan sa isang asset na pabago bago, at hindi likidong asset.
    Sinabi rin ni Dudley na ang B.I.T.C.O.I.N. Act ay kinakailangang may malinaw na estratehiya sa paglabas.
    Source

  • Institusyong Patakaran sa Bitcoin: Digital na Ginto: Suriin ang Estratehikong Reserba ng Bitcoin para sa Estados Unidos

    Ang essay na ito ang galing sa Institusyong Patakaran sa Bitcoin at mabisang suriin ang konsepto ng BSR hanggang ngayon. Inirerekomenda itong basahin.

  • Eric Trump: Sinabi na ang BSR ay mangyayari kapag si Donald Trump ay nagsimulang manungkulan.


  • Treasury Borrowing Advisory Committee (TBAC) sinabi na ang "Pangunahing kaso para sa Bitcoin bilang isang taguan ng halaga aka digital gold."


  • Deutsche Bank panawagan para sa Bitcoin na Isama sa Federal Reserba ng Banko na assets pagsapit ng 2030:
    Bitcoin vs. Ginto: Ang Hinaharap ng Bangko Sentral na Reserba pagsapit ng 2030
    Paghahari ng ginto, pagtaas ng Bitcoin: Ang hinaharap ng bangko sentral na reserba pagsapit ng 2030




7. Inaasahan sa merkado

Gaano kalaki ang posibilidad na malikha ang SBR?
Mayroong isang pool sa Polymarket na naglagay ng posibilidad na itutuloy ba ni Trump ang panukala sa unang 100 araw sa 29%.



Ang posibilidad ng sukatan na ito ay nasa unang 100 araw, at ang Pangulo ay maaring gamitin itong Usapin ng Pambansang Seguridad. Na ang ibig sabihin ay maaari siyang maglabas ng Executive Order upang agaran na ipatupad ang SBR bilang alternatibo sa karaniwang proseso ng pag-apruba sa Kongreso.



8. Links at dokumento

Strategic Petroleum Reserve
Gold Holdings
United States Bullion Depository
Bitcoin Treasuries


fullfitlarry (OP)
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 211


You Attract What You Are


View Profile
April 15, 2026, 09:59:52 PM
Last edit: Today at 01:25:32 PM by fullfitlarry
 #11

https://bitcointalk.org/index.php?topic=1689727

Newbies - Read before posting

Mga Baguhan – Basahin muna bago mag-post



Maligayang Pagdating sa bitcointalk.org! Ang bidyo na ito ay pinapakita ang pangunahing kaalaman tungkol bitcoin, kaya iminumungkahi ko na tingnan ito. Silipin din sa ibaba para sa karagdagang impormasyon tungkol sa forum.

Mga Paalala sa Forum
  • Thread ng Pagpapakilala: Kung pakiramdam mo ay kailangan na mag post ng isang thread para magpakilala magsikap ka naman na magsulat ka na makabuluhan kung hindi, huwag na lang. Ang threads o post na naglalaman lamang ng isang salita/pangungusap katulad ng  "hello & welcome to the forum" ay buburahin ng walang babala dahil nagdudulot lamang ito ng mga hindi kinakailangang kalat.
  • Pangkalahatang threads: Ang Pangkalahatang thread ay naglalamang lamang ng mga impormasyon na may kaugnayan sa tanong/paksa ng pamagat. Ang pakakaparehong threads na may relasyon sa tanong/paksa ay hindi pinapayagan, kaya maari lamang na itigil ang paggawa nito. Ang Pangkalahatang threads ay dapat naglalaman ng impormasyon at ang pag post na katulad na impormasyon ng maraming beses ay hindi pinapayagan.
  • Listahan na Babantayan: si theymos (ang administrador ng forum) ay ipinaliwang kung paano gamitin ang Watchlist. Ang tampok na to ay pinapadali ang pagsunod ng mga threads na kung saan ka nag post.
  • Listahan ng Pinagkakatiwalaan: Basahin ang sistema ng pinagkakatiwalaan Sa thread na ito. Iminumungkahi rin na basahin: Trust Vocabulary. Kung mayroon kayong katanungan, itanong ito dito. Pwede mong gawin ang sariling mong listahan ng pinagkakatiwalaan dito.

Iba pang mahahalagang impormasyon


Mas detalyadong impormasyon

Hindi ako makapag-post ng imahe?
Ang mga imahe na pinost ng Baguhan gamit ang  [img]-na tag ay ipapakita bilang links, dahil sa nagdaaan na insidente ng mga spammers and trolls. Tingnan itong thread na to para sa karagdagang inpormasyon Ang mga imahe sa posts ay hindi na pinapayagan sa mga baguhan. It is possible to purchase to "Copper"-ranggo kung gusto mong mag post ng imahe sa ngayon, suriin ang thread na to para sa karagdagang impormasyon tungkol diyan: Ang mga baguhan ay pwede nang mag bayad ng maliit na fee para paganahin ang imahe.

Bakit hindi ko mabago ang aking avatar?
Ang mga Full Members lamang at pataas ang pinapayagan na magsuot ng avatars. At ito ay hindi hihigit sa 120px wide, 80px tall, and 100 KiB ang sukat. At ito ay dapat isang PNG, GIF, or JPEG na imahe. Dahil ligtas itong gamitin.

Para sa karagdagang impormasyon kung bakit mayroon limistasyon, pakiusap na tingnan ito About the recent attack and Avatars re-enabled

Bakit ako naka proxybanned?
Kapag ang isang user ay na proxybanned, ang ibig sabihin nito ay ang kanyang IP ay mayroon ay may kasamaan na kaugnayan sa mga dating gumagamit nito at kailangan mag bayad ng kaukulang fee para payagan na maka pag post.
Ang Evil IP ay isang hadlang para pigilan ang mga pinagbabawal na user na makapag rehistro ng mga bagong account sa forum;
Kapag nag rehistro ka, ang IP na iyong ginamit kapag sinumite mo ang pagpa-rehistro ng from ay ginagamit para kalkulahin ang kasamaan. Mas madalas na ginamit ang IP o ang mga kapitbahay na hindi pinapayagan, mas malaki ang kasamaan na nauugnay sa iyong account.  Ang bilang ng kasamaan na nauugnay sa isang IP ay nababawasan ng dahan dahan sa paglipas ng panahon, ngunit ang bilang ng kasamaan na nauugnay sa iyong account a hindi. Ikaw dapat ay dapat magbayad o manual na i-whitelisted para makapag post sa isa sa  "pinagbabawal" ba accounts.

Ang tampok na ito ay paminsan-minsan na nakaka apekto sa matuwid na bagong users na baka madismaya na mag rehistro sa forum. Sa kaso na to, posibleng magsabi na ikaw ay ma whitelisted ng staff o maga piling forum members:

Saan ko makikita ang aking Bitcointalk ID/UUID?
  • Pumunta ka sa  profile
  • Punditin ang "Summary"
  • Tingnan ang URL sa URL bar (mine would be https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=101872;sa=summary)
  • Ang bahagi na bold ay ang aking ID/UUID, kaya "101872"

Ano ang mga antas ng account sa forum?
May iba't ibang antas ang mga account dito sa forum, ito ang mabilisang listahan ng lahat at paano makuha ito:
RankRequired activityRequired merit
Brand new00
Newbie10
Jr Member301
Member6010
Full Member120100
Sr. Member240250
Hero Member480500
Legendary775-10301000

Makakakuha ka nag bilang ng merito kapag mayroon nagbigay sayo sa isa sa mga posts mo. Para sa karagdagang impormasyon, suriin Mga ranggo/posisyon/badge sa forum and Merito & bagong kinakailangan sa ranggo.

Paano binibilang ang aktibidad sa forum?
Ang aktibidad ay kinakalkula gamit ang sumusunod na pormula:
Code:
activity = min(time * 14, posts)

Ang aktibidad ay tumataas kapag nag post at ito ay na-update kada isang oras; ngunit, ang updated na bilang ng puntos ng aktibidad ay makikita lamang sa iyong profile pagkatapos ng kasalukuyang panahon ng aktibidad. Bilang paalala, sa kaso ng ng latent na aktibidad sa mga nagdaaang panahon (ibig sabihin sa bilang ng aktibidad na hindi ka nag post araw-araw: sa kaso na to, sa mga araw na hindi ka nag post ito ay nagiging latent na bilang ng aktibidad), itong mga to may ma-update sa isang profile sa loob ng isang oras. Pwede ka lamang magkaroon ng pinakamataas na 14 bilang ng aktibidad kada 2 linggo.

Ang aktibidad ay na-update kada isang oras.

What is Merit and sMerit?
Mayroon kang Merito na pwede mong ipadala Merito (sMerit). Ang sMerits ay pwede lamang ipadala, walang dahilan na itago mo ito dahil walang bilang. Kapag mayroon isang nagbigay ng Merit sa yo, nawawalan sila ng sMerit na katumbas na nalipat sayo at magkakaroon ka ng Merit at ng sMerit (at pwede mong ipadala ulit kung sakali).

Quick Example:
Kapag nagpadala ako ng 10 Merito sa iyong post, ang aking SMerito ay bababa ng 10.
Ang iyong Merito ay tataas ng 10 at ang iyong SMerito ay tataas ng 5.

Anong panghihigpit meron sa pirma?
Mayroon limistasyon sa pirma, base sa iyong actibidad/ranggo.

Ang mga baguhan ay hindi na pwedeng mag set ng kahit anong signature o personal na teksto.
- Jr. Member: Hindi pinapayagan ang links. Pinakamarami ay 150 na karakters.
- Member: Walang limitasyong ang haba.
- Full: Pinapayagan ang Kulay
- Sr. Member: Pinapayagan ang Sukat
- Hero: Pinapayagan ang kulay sa background

Bakit hindi ako makapag padala ng pribadong mensahe sa iba bilang baguhan?
Bilang tugon sa mga nakakainis na pribadong mensahe spam na nangyayari, ngayon ay pwede nang mag opt kung tatanggap ng mensahe na PMs galing sa mga baguhaan. And option na ito makikita sa preferences ng pribadong mensahe.

Para sa mga karagdagang impormasyon tingnan ito: Newbie PM opt-in.

Hindi ako makapagpadala ng maraming PMs?
May limitasyon kung gaano karami ang PMs na pwede mong ipadala base sa iyong aktibidad.

ActivityMax recipientsMax recipients if whitelistedMax PMs per hourMax PMs per hour if whitelistedMax PMs per dayMax PMs per day if whitelisted
02101402120
15310104015120
30510104030120
1007142080150600
25015301201203001200
500303012012012001200


Ikaw ay awtomatikong whitelisted kapag bumili ka ng copper membership. Hindi mo kailangang isuot ang copper membership, ito ay magpapa may-ari mo. Pwede ka rin ma whitelisted ng libre ng kahit sinong staff member at ilang mga hindi staff, ngunit kailangan mo ng lang dahilan na isipin na dapat kang pag bigyan. Wag magtanong sa kin ng libreng whitelisting.

Ang Whitelisting ay hindi lisensya sa pag spam. Ikaw ay dali daling ma-banned kapag nakita kang nag spam, kahit na sabihin mo pang binili mo ang copper membership (at hindi ibabalik sa yo ang pera).

Gaano ako katagal mag-antay sa pagitan ng pag post sa forum?
Ang oras na pag-aantay sa pagitan ng pag post sa forum ay binibilang sa pamamagitan ng mga sumunod na formula:
Code:
waittime = 360;
if(activity >= 15)
        waittime = (int)(90 - activity);
if(activity >= 60)
        waittime=(int)(34.7586 - (0.0793103 * activity));
if(activity >= 100)
        waittime = max((int)(14-(activity/50)), 4);

Ano ang mga badges na mayroon ang ibang mga tao?
Mayroong mga badges na pwedeng makuha ang ilang mga miyembro sa forum.

Nagdagdag ako ng sistema ng badges sa SMF nitong mga nakaraan, ngunit dalawa lamang ang malinaw sa ngayon. Ito ang mga badges sa ngayon:

Bitcoin expertDev&Tech lamang. Ang mga taong may badge na ito ay mas malalim na kaalaman sa Bitcoin network na kayang mag implement galing sa wala. Sila ay may kapasidad na pag usapan ng mga katalinuhan ang Bitcoin network.: ang kasalukuyang protokol, posibleng pag atake, mungkahing pagbabago, atbp. Pamantayan: Rekomendasyon ng isang eskperto sa Bitcoin or core dev at pag-apruba ng administrador ng forum.
Bitcoin-Qt core developer Dev&Tech lamang. Ito ang mga core developers ng Satoshi's Bitcoin client. Sila ay nakalista sa here. Ang Core developers ay isa sa mga nangungunang kontributor sa Bitcoin-QT, at sila ay lahat ay eksperto sa bitcoin, ngunit sila ay walang badge.
The Glider(simbolo ng hacker) Iginagawad sa mga taong may responsibilidad na ipakita ang mali sa seguridad ng forum.

Ang core dev ay hindi "nahihigitan ang ranko" ng isang bitcon expert (o baligtaran), at posible rin na mayroon na walang badge pero nagbibigay ng makabuluhang kontribusyon sa diskusyon kasama ang eksperto at core devs.


Pagkilala sa paligsahan sa Sining na badge - Mga nanalo sa paligsahan sa sining lamang. Iniaalok ng Theymos sa 5 tao lamang na lumahok sa Ika-10th anibersaryo sa paligsahan sa sining.
- Between 1 and 20 (depending on number of submissions) people will receive art contest recognition badges: , base sa panguhaning konsunsus ng komunidad ng kung sino ang pinakamagaling sa sining.. Sa paghugsa ng konensus, Hindi ako na impluwensiyahan ng kabuuang merito na ang natanggap ng iyong sining.

Patakaran sa pag gamit AI


Hindi ninyo kailangan mag copy/paste ng sulat mula sa AI papunta sa inyong post, maliban sa mga ito:
 - kung kayo ay may malinaw na intensiyon na sabihin na ang inyong post ay gawa ng AI, at kayo ay pawang paminsan minsan at maayos na gumagamit ng gawa ng AI, kung ganyon ito ay OK lang.
 - kung kayo ay gumagamit ng AI sa lahat ng oras at direktang pag salin nito sa inyong sulat ay OK lang ito. Halimbawa, maari mong sabihin sa AI na "Direktang isalin itong teksto sa Espanyol: <kung ano ang iyong sinulat>" o di kaya ay "Palabasin ang sumusunod na teksto na parehas kung ano ito, bukod sa maayos at ayusin ng tama ang mga gramatiko <kung ano ang iyong sinulat>". Ito ay hindi OK na sabihin sa AI, "Pagandahin ang sulat na teksto <kung ano ang iyong sinulat>", dahil ito ay paniguradong uulitin ang lahat ng ginawa mo at mataas ang tyansang ito ay magiging isang walang kabuluhan na gawa ng AI.
 - Ang hindi gawang AI na teksto tulad ng art ay OK lang (sa ilalim ng karawaniwang patakaran)


Gusto kong bigyan ng pagkilala ang lahat na nakapaloob sa thread. Maraming salamat sa inyong pinaghirapan na trabaho. Kung may nakita kayong mali o suhestyon, pakiusap, pwede kang magsabi kay Mitchell at titingnan namin ito.

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!