Bitcoin Forum
May 24, 2024, 12:51:31 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 [8] 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 ... 77 »
141  Local / Pilipinas / Re: Would a crisis in general would affect crypto adaptation ? on: January 27, 2020, 06:43:29 AM
Medyo natawa na ako sa kung ano anong koneksyon ang binibigay sa presyo ng Bitcoin.

Naapketuhan nga ba ng US-Iran Tension ang presyo ng Bitcoin?
Kaya nga, parang wala naman epekto yung tension na naganap coincidence lang na umakyat yung presyo at pati na rin yung sa virus kung gagalaw man ng todo ang presyo. Yung iba nga binabanggit pa yung Chinese new year basta may biglaang masama o magandang pangyayari i-associate agad sa presyo ng Bitcoin.

Wala lang maisulat minsan ang mga crypto news e. Minsan sobrang atat na rin yata na magpump si Bitcoin kung ano-anong hype na lang ang ginagawa. Nagpopromote din ng FOMO. Kababawan ng mga crypto enthusiasts and evangelists kuno.
142  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Off-Topics] Pilipinas on: January 27, 2020, 06:12:17 AM
Napakasaklap ang nangyari sa pagpanaw ni Kobe Bryant kasama ang kanyang anak at iba pang tao. Hindi maganda ang biglang pamamaalam ni Kobe sa mundong ito dahil ito ay sa pamamagitan ng isang aksidente. Pero siguro ang iisipin na lang natin ay kung ano ang iniwang legacy ni Kobe hindi lamang sa basketball kundi pati na rin sa kabuuang disiplina nito.

RIP The Black Mamba.
143  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ⚡⚡The First Digital Currency You Can Mine On Your Phone⚡⚡ on: January 26, 2020, 04:39:21 AM
May nakapag-KYC na ba sa inyo dito mga paps? O kailangan na ba sa ngayon?

O kahit yung number verification?

Baka may mga limit sa days. Hanggang ngayon kasi nasa basic login details pa lang ako e. Gamit ko pa facebook login. Hehe.


Sa ngayton ay wala pang latest update about kyc, phone number verification pa lang sila ngayon.

Pati number hindi ko pa naveverify hanggang ngayon. Wala pa naman sigurong deadline para dito?

Naaalala ko may text pa-US na kailangang gawin? May sinabi yung isang post dito dati.
144  Local / Pilipinas / Re: Would a crisis in general would affect crypto adaptation ? on: January 26, 2020, 04:16:29 AM
Ang cryptocurrency kabilang ang Bitcoin ay sensitibo sa mga 'geopolitical' na mga usapin. Naapektuhan ng US-Iran Tension ang presyo ng Bitcoin. Ang halaga nito ay umakyat sa $9,194.99.

https://www.coinspeaker.com/coronavirus-gold-bitcoin-prices/amp/

Kung naapektuhan nito ang presyo, maaari kayang maapektuhan din ng isang malaking krisis katulad ng corona virus na ngayon ay kumakalat, ang adaptasyon ng Bitcoin sa isang bansa?

Medyo natawa na ako sa kung ano anong koneksyon ang binibigay sa presyo ng Bitcoin.

Naapketuhan nga ba ng US-Iran Tension ang presyo ng Bitcoin?

Baka ang lindol sa Turkey, and pag-aalburoto sa Taal, at iba pa ay may epekto na rin sa presyo ng Bitcoin. Hehe.
145  Local / Pilipinas / Re: Pagdami ng mayroong 1bitcoin on: January 26, 2020, 03:53:59 AM
Siguro kung naibalik ko sa btc mga altcoins na hold ko bago mag dump nung 2018 baka malapit na siguro makaaama sa listahan pero ngayon ?baka matagalan pa bago kp makumpleto dahil minsan nababawasan pag nagkakaron emergency ayaw ko magbenta ng altcoins dahil sobrang laki mg ibinaba.
Sana dumating araw na bawat pinoy dito sa forum magkaron ng kahit 1btc lang.

Maraming napapahamak sa altcoins e. Mga altcoins ko noon hindi ko rin binenta kasi nakabase ako sa ATH nila. Pero kalaunan nawalan na rin ako ng gana dahil hindi naman na bumalik kahit man lang sa kalahati yung mga values nila. Yung iba nasubsob na talaga sa pinaka-bottom. Dapat sana nag-cut loss na lang at nagfocus sa Bitcoin.
146  Economy / Services / Re: [? SLOTS OPEN] ChipMixer Signature Campaign | Sr Member+ | Up to 0.0375 BTC/w on: January 26, 2020, 03:30:51 AM
Username: Periodik
Post Count: 1399
BTC Address (must be SegWit): Would be very glad to provide one if accepted.
147  Local / Pamilihan / Re: [Babala] Coins.ph SMS Phishing scam. on: January 26, 2020, 03:08:26 AM
By default Coins.ph and lumalabas sa SMS imbis na number lang?

Nakakacurious naman ito. Tapos alam nila ang transaction mo, amount ng transaction mo, at kahit ang bank account mo?
148  Local / Others (Pilipinas) / Re: [PHILIPPINES NEWS] Taal Volcano Alert Level 4 already based on Phivolcs Advisory on: January 25, 2020, 04:35:24 AM
galing ako ng btangas last sunday, so far so good walang problema sa mga relief at talagang umaapaw mga donations ng tao plus LGU, ang problema lang talaga ay itong mga bakwit ay gustong gusto ng umuwi sa kanilang mga bahay. Yan lang ang tanging problema.

Kasalanan ni vice mayor yan, Dahil sa interview nya kay kabayan nagkakaron ng lakas ng loob ang mga tao na umuwi at suwayin ang utos ng mga pulis at phivolcs.

Maraming nagsasabi na sana pumutok na ngayun at ng matapos na ang problem sa paghihintay at ng makapagsimula muli ang mga nasa evac center. Kesa daw uuwi sila tapos biglang puputok ang bulkan.

May himala po mga kababayan, instead, maging ready lang po tayo pero ipagpray po natin na sana ay huwag na talaga tuluyang pumutok ang bulkan para po hindi na madagdagan pa ang mga pinsala nito sa mga tao, dahil nakakaawa po ang mga tao, need po natin magkapit kamay sa pag pray.

Wala pong himala. Ang himala ay nasa puso ng mga tao. Sabi yan ni Nora. Hehe. Pero seryoso, wag nang umasa sa himala. Bakit ba matigas ang ulo natin at sasabihing magdasal na lang at umasang ilayo sila sa kapahamakan ng panginoon? Ano ba namang pag-iisip yan. Wag lang  umasa sa dasal. Kapag sumabog ang bulkan, sasabog yan. Natural reasons ang nandyan. At kahit anong dasal pa kung hindi ka umalis dyan sa danger zone ay mapapahamak at mapapahamak ka talaga. Hindi maidadaan sa dasal yan kasi active volcano yan. Ang dapat gawin, lumikas papalayo sa bulkan at sa area ng danger. Yun ang makakapagligtas sa mga taong nandyan, hindi ang himala.
149  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ⚡⚡The First Digital Currency You Can Mine On Your Phone⚡⚡ on: January 25, 2020, 04:06:05 AM
May nakapag-KYC na ba sa inyo dito mga paps? O kailangan na ba sa ngayon?

O kahit yung number verification?

Baka may mga limit sa days. Hanggang ngayon kasi nasa basic login details pa lang ako e. Gamit ko pa facebook login. Hehe.
150  Local / Pamilihan / Re: Anyone with Brave Browser? Crypto on Browsers? on: January 25, 2020, 03:43:40 AM
Good Day, meron ba dito sa Local ang gumagamit na ng Brave Browser maliban sa Google/Firefox/Opera? I'm just curious about it, also may natatandaan ko na just by using the Browser you can earn crypto, kailangan mo lang bumisita sa mga partner sites nila and some says na makaka-earn din while watching ads?

Safe ba gamitin ito? Then as for earning how much ang nagiging biyaya?

Kung gagamit ka ng brave browser for safety, okay yun. Kung gagamit ka ng brave browser para mabilis, okay din yun. Kung gagamit ka ng brave browser to avoid annoying ads, okay din yun. Pero kung gagamit ka ng brave browser para lamang kumita dun sa passive na income sa kanilang tips gamit ang BAT, hindi okay at sulit para sa akin dahil insignificant naman yung amount na binibigay.
151  Local / Pilipinas / Re: Pagdami ng mayroong 1bitcoin on: January 25, 2020, 03:25:24 AM
Mas maraming taong mayhawak ng 1 BTC or more mas mabuti. Dapat well distributed para safe at para fair din.

Ang galing lang kasi habang pamahal ng pamahal si Bitcoin ay patuloy pa rin na tumaas ang bilang ng mga addresses na may laman ng 1 BTC pataas. Sana naman hindi lang whales at mga business like crypto exchanges ang majority ng nagmamay-ari nito. Mas maganda kung ang karamihan sa mga addresses na ito ay pag-aari ng mga ordinaryong tao katulad natin.

Kung tutuusin isa ngang madaling paraan ang pag aaccumulate ng 1BTC sa ngayon, ito dapat ay unang iprioritze ng mga early cryptocurrency adopters tulad natin, dahil sa nalalapit na hinaharap ay titingalain ang lahat ng may BTC pataas na holdings dahil sigurado ako na tataas ng sobra ang presyo ng bitcoin habang tumatagal ang panahon. Marahil wala tayong kapasidad bumili nito sa isang iglap, ngunit mabisang paraan ang pag ttrade at pag hohold ng kaunting BTC paunti-unti. Nang sa gayon, ay makabuo din tayo ng 1BTC sa ating personal wallet.

Sa totoo lang mahirap na mag-accumulate ng 1 BTC sa ngayon. Pero kahit na mahirap, mas madali pa rin ito kumpara sa mga taong hinaharap. Darating ang panahon kahit 0.1 BTC ay magiging isang pangarap na lamang. Kaya kahit na mahirap, magpupursigi na tayo sa ngayon habang early adopter pa tayo. Kapag sumabog na ang presyo ng BTC, pagsisisi na lang ang matitira sa atin.

Inabot ko na si BTC nung mga panahon na wala pang 50k in pesos ang isa. 2016 alam ko na si BTC. 2017 nasa forum na ako. Mura pa si BTC noon. Pero kasi medyo nag-alangan at hindi inisip na magiging ganito kamahal, hindi bumili ng marami. Lesson learned, wag nang maghintay pa. May chance pa naman sa ngayon.
152  Local / Pilipinas / Re: Boy Abunda's statement about cryptocurrency on: January 25, 2020, 03:02:31 AM
Iba kasi ang basic na understanding ng karamihan sa mga pinoy pagdating sa crypto. Akala nila ito ay parang quick rich scheme sa pamamagitan ng investment o kaya recruitment na may kasamang solicitation ng registration fee o investment amount. Naunahan kasi ang mga may alam ng mga taong sumakay lang sa crypto trend para sa kanilang kalokohan. Kaya parang ayoko na ring magexplain tungkol sa crypto sa publiko kasi parang napagkakamalang manloloko ka pa.
Hinahalintulad kasi nila yung nangyari nung 2017 pero hindi na nila tinitignan yung mga sumunod na pangyayari. Ang hirap talaga sa mga ibang kababayan natin, kapag marinig lang na kumita yung ibang tao, gusto rin nila kumita agad agad kahit walang background research o pag-aaral man lang. Sa case na ito, tama lang ang ginagawa ni Tito Boy kasi nga public figure siya at hindi naman talaga siya related. Madaming beses ng nangyari yung ganyan na ginagamit ang mga artista at iba pang mga kilalang tao para sa pangs-scam nila. Naalala ko nga merong nabalita dati sa 24 oras na nagsimula yung network sa casino kasi nga may kilalang artista na nagsabi na nag-invest din sila kaya yung kawawa nating kababayan, nag-invest din at nagtiwala.

Akala naman kasi ng karamihan ang artista ay credible na mga tao na kahit anong sasabihin nila ay tama at tumpak. Biruin mo pati eskwelahan pinopromote ng artista. Gamot pinopromote ng artista. Lagi naman silang ginagamit. Ang kaso karamihan sa atin kapag pinopromote ng artista at idol pa natin, madali tayong makuha.
153  Local / Pilipinas / Re: Pagdami ng mayroong 1bitcoin on: January 24, 2020, 04:19:23 AM
Mas maraming taong mayhawak ng 1 BTC or more mas mabuti. Dapat well distributed para safe at para fair din.

Ang galing lang kasi habang pamahal ng pamahal si Bitcoin ay patuloy pa rin na tumaas ang bilang ng mga addresses na may laman ng 1 BTC pataas. Sana naman hindi lang whales at mga business like crypto exchanges ang majority ng nagmamay-ari nito. Mas maganda kung ang karamihan sa mga addresses na ito ay pag-aari ng mga ordinaryong tao katulad natin.
154  Local / Others (Pilipinas) / Re: Millionnaire mind : Paano Yumaman? on: January 24, 2020, 03:50:28 AM
May mga libro, seminars, talks, guides, at kung ano ano pa tungkol sa kung paano yumaman. Sa katunayan may mga nabasa na rin akong libro tungkol nito. Yumaman ba ako? Hindi. Hehe. Yung mga nakikinig ba sa mga talks, seminars, at iba pa yumaman? Maraming hindi. Yung mga speakers ba at recruiters mismo ng kung an ano ay yumaman din ba? Karamihan hindi rin. Hehe.

So siguro naman nasa tiyaga, dedikasyon, ugali, oportunidad, talino, sipag, tiyaga, swerte, at marami pang ibang factors para yumaman ang isang tao.
155  Local / Pilipinas / Re: Boy Abunda's statement about cryptocurrency on: January 24, 2020, 03:25:07 AM
Iba kasi ang basic na understanding ng karamihan sa mga pinoy pagdating sa crypto. Akala nila ito ay parang quick rich scheme sa pamamagitan ng investment o kaya recruitment na may kasamang solicitation ng registration fee o investment amount. Naunahan kasi ang mga may alam ng mga taong sumakay lang sa crypto trend para sa kanilang kalokohan. Kaya parang ayoko na ring magexplain tungkol sa crypto sa publiko kasi parang napagkakamalang manloloko ka pa.
156  Local / Pamilihan / Re: Binance Charity donates $1million to Australia Bushfire Incident. on: January 24, 2020, 03:03:09 AM
Wow, nakakatuwa na mabasa na ang trading platform mo na ginagamit ay nakakatulong din sa mga nangangailanga lalo na sa Australian Bush Fire. Sana ganito sa lahat ng exchnages na may charity extension, para naman maibalik sa mga tao ang part ng kanilang tubo.

Parang Corporate Social Responsibility (CSR) to ng Binance. Maraming mga kompanya na may mga ganito din. Pero ewan ko lang kung ang pag-uusapan ay mga crypto exchanges. Binance lang ang alam kong may charity arm.

Kahit hindi na bumalik sa mga kliyente mismo ang mga ganitong pagtulong, di na bale. Ang mahalaga napupunta sa mga ganitong matinding pangangailangan.
157  Local / Pamilihan / Re: 🔥 🔥 WARNING!! 🔥 🔥 BenriBit Exchange 0.3BTC Giveaway is a SCAM!! on: January 24, 2020, 02:44:00 AM
It's my first time hearing this kind of scheme, Siguro nung nag stop ako before na gumamit ng crypto ay tsaka lamang nag si labasan ang ganitong modus, Sobrang mapapaniwala ka talaga sa ganitong modus kasi almost legit ang exchange site , Ganda ng pagkabuild ng website nila, Maganda masyado kaya nakakalinlang ng tao. I searched BenriBit sa google pero ang unang lumabas ay ang reddit thread for confirming if legit or hindi ang exchange na yun. Dun palang siguro mag tataka na ako pero once na bigyan ka ng direct link ehh medyo mahirap din mag hanap ng signs or flaws na may anumalya dun sa exchange website itself.



Totoo yan kabayan by searching alone di mo talaga masasabi fi scam exchange talaga siya dahil nga professional ang pagkakagawa ng site at tapos wala pang gaanong review dahil nga bago pa lang. Pero kapag tinignan mo sa whois dun mo makikita na iba ang kanyang domain name kaya medyo magaalangan ka na rin. Plus the fact na ayun need mo magdeposit bago mo maclaim yung giveaway nila. Ibinase ko to sa mga legit exchange like Binance jex na may giveaway naman sila pero pwede mo na itong alruin sa traing nila at iwithdraw.
Natural kabayan gagawin nila lahat para hindi mahalata na fake sila o kaya maituring sila  na legit kaya nila ginawa yan.
Pero yung pagpagiveaway nila halata naman talaga na may motibo sila pero kung sino maglalakas loob na sumali at makakuha ng giveaway na walang scam na mangyayari doon palang mapapatunayan na legit kaso ang tanong sino ang magpapaloko sa kanila sa tingin ko wala.

Hehehe yun nga ang tanong, who wants to dare to deposit 0.02btc para mapatunayan if legit or scam.

Parang tinapon mo lang yung 0.02 BTC mo para dyan. Almost 10k in pesos na rin yan. Di bale sana kung ang deposit ay 10,000 sats lang baka may gusto pang sumugal at magtry. hehe.
158  Local / Pamilihan / Re: Sino Nakapag-open ng Union Bank Account Dito on: January 23, 2020, 03:46:58 AM
I'm not sure if this the right place to ask question, pa-move na lang pag hindi.


Guys, tanong ko lang kung sino nakapag-open ng Union Bank account thru their app? I noticed kasi that there is a yearly card fee of 500 for their PlayEveryday card and 350 for their Personal Savings card.

Pag sa bank ba mismo mag-open ng account walang yearly fee?


I am planning to buy kasi some cryptos using Abra but the only bank that support it right now is Union Bank


Nakapagbukas ako dati pero yung EON nila. Ginamit ko dati para sa online job ko. Kailangan yun para sa paypal na payment. May fee din yun annual pero siguro mga 150 lang yun. Di ko na matandaan. Ilang taon na rin yun so baka nagtaas na. Pero sa tingin ko may annual fee talaga yan.
159  Local / Pilipinas / Re: Ledger Nano X [Simple Guide for everyone] on: January 23, 2020, 02:37:39 AM
Kung gusto nyo naman ng mas mura pero same pa rin naman ang safety at security na binibigay, dun na lang kayo sa Ledger Nano S. Nasa 3k lang mahigit in pesos.
Nano S pa rin gamit ko ngayon pero sa original price ko siya nabili dati nung wala pang nano x. Salamat sa pag-share mo OP ang maganda sa nano x pwede mo siyang connect sa smartphone mo samantalang kapag nano s, sa PC lang talaga siya. Ang dami rin palang freebies pag nano x kasi may sticker, sa akin dati nung nano s binili ko wala. Kahit na meron na akong nano s balak ko din mag avail soon ng nano x para hindi nawawala sa bago.  Grin

Ako din paps e. Hehe. Dun lang ako sa medyo mura. Solb na ako sa Nano S kong to. Basta hardware wallet, okay na sa akin. Hanggang PC lang din ako. Walang problema kung sa mobile. May wallet naman akong pangmobile. Pati coins.ph ko nasa mobile na rin naman. Ang hardware wallet ko naman designed for long term safe keeping. Yung mobile ko for gastos lang every now and then kaya kunti lang laman nun. Load lang tsaka kunting bills. Magrerefill na lang kapag ubos na.
160  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pilipinas Bitcointalk Org Shirt on: January 23, 2020, 02:18:43 AM
Ganito na lang, iyon bang nagpopost dito is sigurado ng kukuha? Kasi yang design di na problema yan. Ang mahirap kasi dito is budget. Dapat magkaroon ng advance payment para talagang may kaunting liwanag na matutuloy to or baka nagpopost lang iyong iba dito pandagdag ng post count.

Para masimulan na into reality, magabot tayo kahit Php 500 dun sa lalakad. Puwedeng kulang pa yang Php 500 pero at least may liwanag na tayo na tuloy na tuloy na talaga to. Pero syempre abutan na rin natin iyong lalakad kasi effort at pamasahe pa niya.

Yun lang. Magkakatalo na sa presyo yan. Kapag polo shirt and gusto tapos nakaburda expect na medyo mahal yan. At lalo na kapag kunti lang ang ipapaprint, mas lalong mahal din yan. Magkakatalo na rin sa quality ng polo shirt. Mas magandang quality syempre may kunting kamahalan kumpara dun sa medyo manipis na polo shirt.

Di mo naman nakuha kabayan iyong pinupunto ko. Siyempre kapag kulang magdadagdag. Yang Php 500 na yan is panimula lang at biglang katibayan na talagang di lang tayo puro post dito at talagang kukuha. Baka kapag final na kasi ang plano saka magbabackout ang iba na kesyo walang pera.

Kagaya nga ng sabi ko, tatamarin talaga ang mag-oorganize nito kung puro post lang tayo. Saka shoulder lahat ng lalakad iyong pagpunta sa patahian saka oras niya pa. Dapat kahit papaano may hawak syang pera para may pang-down sya doon sa patahian then if swertehang may sobra, gamitin niya na lang pangmeryenda.  Sa dami natin dito nag post makakadiscount na tayo unless nagpost lang iyong iba dito para sa post count.

Nakuha ko naman yung pinupunto mo kabayan. Ang sinasabi ko lang ang mga taong nandito ay hindi pa sigurado kung bibili ba talaga o hindi kasi nga hindi pa alam ang presyo. Bago sila magbibigay ng paunang ambag ay dapat din nilang malaman kung magkano ba talaga ang bawat isang polo shirt kasi kung halimbawa nasa 800 ang isa baka hindi na rin magpapasabay yung iba. At hindi na rin magdadagdag kung sakaling nakapagbigay na sila ng kunti para dun sa taong mag-iinquire, magpapaprint, at mag-aasikaso sa lahat.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 [8] 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 ... 77 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!