Bitcoin Forum
July 15, 2024, 10:43:39 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 [9] 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 ... 77 »
161  Local / Pamilihan / Re: [FREE RAFFLE] LET'S HAVE SOME FUN!!! on: January 23, 2020, 01:56:31 AM
Late again! 
Hindi makatyempo sa paraffle.
Congratulations nalang sa mananalo  Wink
Kaya nga e, hindi ko din maabutan yung post ni OP, palaging late. Kapag naabutan ko palaging puno na. Walang oras sa pagpost si OP kaya kailangan mabilisan at lagi kang nakaabang sakanya, ni-hindi pa ako nakakasali kahit isang beses sa raffle ni OP.

Ganun din naman ako. Pabilisan na lang kasi to. 16 slots lang tapos inaabangan pa ng karamihan.

Hindi ko rin maaadjust ang oras ko kasi may iba pang responsibilidad sa buhay.

Congrats na lang din ulit sa maswerteng mananalo sa round na ito.
162  Local / Pamilihan / Re: Binance Charity donates $1million to Australia Bushfire Incident. on: January 23, 2020, 01:37:41 AM
As far as I remember, this is not the first time na tumulong ang Binance, On April 15, 2019, a fire broke out on the roof of the historic Notre Dame Cathedral in Paris, France, At meron din silang Binance Lite Australia.

This is good news, I mean malaking tulong na rin ung ido-donate nila dahil grabe na talaga ang pinsala ng bush hire na ito, hindi lang sa tao pero sa wild life ng Australia rin.
Hindi ko akalain na ganito ba talaga ang Binance. Mas pinakita nila talaga kung gaano nila pinapahalagahan ang ibang tayo at wala silang pinipili. Siguro nga mayaman na itong Binance at sa palagay ko mas maapreciate pa sila lalo dahil sa mga malalaking tulong na ginagawa nila.

May charity arm kasi ang Binance so yung mga ganitong malalaking sakuna ay nabibigyan nila ng pansin at kaukulang tulong.

Quote
At sa atin nman, siguro hindi na natin kailangan pang isipan ang tulungan yung mga tao sa Australia mas mabuti siguro kung dito nalang tayo sa local natin lalong-lalo na sa mga naaapektuhan ng pagsabog sa Bulkang Taal.

Sang-ayon naman ako dito. Minsan may tendency kasi tayo na naaawa dun sa nahahype sa media. Kung ano-anong feed sa social media ang nababasa natin tungkol sa mga koala at kangaroo na wala nang makain at matitirhan dahil sa bush fire samantalang paglabas natin sa mismong bahay natin yung kakilala nating matanda wala rin naman halos masisilungan at makakain.


163  Local / Pamilihan / Re: [FREE RAFFLE] LET'S HAVE SOME FUN!!! on: January 22, 2020, 04:05:48 AM
2 days na ata akong hindi nakakasali dito ah sayang opportunity never pa akong nanalo malapit nang mag-isang buwan so sad talaga.
Kahit sana yung 4 yung pipiliin wala akong napanalunan ni isa malaki na yung pag-asa ko doon kaso negative pa rin bawi ako this day.
anlupit ni OP mag bigay ng start eh,talagangw alang consistency kaya mas lalong nakaka excite sumali at manalo,kasi yong makasali ka pa lang sa mga entries eh parang panalo kana sa hirap ma tyempuhan hahaha.
ako nga dalawang beses pa lang nakasali eh lage ko naman sinisilip tong thread ang problema lang either Full agad or tapos na pag sumilip ako  Grin Cheesy Cool

Ako din nga e parang isa o dalawang beses lang din.

Taga-congrats na nga lang ako dito sa raffle ni OP. Hehe.

Pero napakagenerous ni OP kasi hanggang ngayon patuloy pa rin tong raffle na to kahit malayo na tayo sa holiday season.
164  Local / Pilipinas / Re: Ledger Nano X [Simple Guide for everyone] on: January 22, 2020, 03:41:36 AM
Kung gusto nyo naman ng mas mura pero same pa rin naman ang safety at security na binibigay, dun na lang kayo sa Ledger Nano S. Nasa 3k lang mahigit in pesos.
165  Local / Pilipinas / Re: Lunes,pinakamagandang araw para bumili ng bitcoin? on: January 22, 2020, 03:21:14 AM
Medyo nakakatawang isipin na may mga ganito din palang statistics. Pero sa tingin ko naman wala sa araw kung kelan magandang bumili ng Bitcoin. Ang presyo ang basehan at hindi ang araw. Kapag mababa ang presyo ng Bitcoin e di bibili ka kahit anong araw pa yan. Kapag naman nasa kasalukuyang pump ang Bitcoin e di hindi ka bibili kahit anong araw pa yan.
Tama ka jan, tulad ng sinadbi ko mukang kapag long term investment ay  hindi masyadong mahalaga ang araw ng pinagbilihan mo at nakadepende na kung tataas o bababa ang presyo ng bitcoin sa market.

Mas lalo yatang delikado kapag sa short term mo sinusunod yung pattern ng mga araw. Ibig sabihin maghihintay ka lagi ng Monday para bumili and to maximize your profit? Mukhang hindi magandang strategy yan. Kapag day trader ka, chart at patterns ang tinitingnan mo at hindi kalendaryo. Hehe.

Kaya nga at wag maniwala basta-basta sa mga ganyan dahil hindi talaga nagkaka pareho ang resulta kada lingo or sa particular na araw at siguro coincidence Lang ang nangyari dyan Kaya mas mainam talaga na maging vigilant sa pagbili at aralin ang galawan ng market Kasi pag umasa tayo sa mga ganyang claims e malamang tataob Tayo dyan.

Agree naman  Grin sinabi ko din naman na hindi accurate palagi and for sure not all the time magandang bumili ng bitcoin kapag lunes, masmaganda parin syempre kung pagaaaralan naten ang market ang kung nakikita naman naten na hindi magaanda ang market sa mga panahon na un syempre iaavoid parin naten na bumiili pero since may ganito tayong analysis wala naman mawawala kung susubukan naten.

May mawawala paps, BTC mo. Hehe.

Sa tingin ko kasi coincidence lang to na natapat sa lunes ang may pinakamataas na return. Walang significant relationship kumbaga.

At mind you, hindi ito analysis. Statistics lamang ito. Blind o rough statistics. Sinasabi lang na sa lunes ang may pinakamataas na return pero hindi sinasabi na ang lunes ang dahilan kung bakit mataas ang return.

166  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pilipinas Bitcointalk Org Shirt on: January 22, 2020, 02:57:55 AM
Ganito na lang, iyon bang nagpopost dito is sigurado ng kukuha? Kasi yang design di na problema yan. Ang mahirap kasi dito is budget. Dapat magkaroon ng advance payment para talagang may kaunting liwanag na matutuloy to or baka nagpopost lang iyong iba dito pandagdag ng post count.

Para masimulan na into reality, magabot tayo kahit Php 500 dun sa lalakad. Puwedeng kulang pa yang Php 500 pero at least may liwanag na tayo na tuloy na tuloy na talaga to. Pero syempre abutan na rin natin iyong lalakad kasi effort at pamasahe pa niya.

Yun lang. Magkakatalo na sa presyo yan. Kapag polo shirt and gusto tapos nakaburda expect na medyo mahal yan. At lalo na kapag kunti lang ang ipapaprint, mas lalong mahal din yan. Magkakatalo na rin sa quality ng polo shirt. Mas magandang quality syempre may kunting kamahalan kumpara dun sa medyo manipis na polo shirt.
167  Local / Pilipinas / Re: Decentralized Banking 🏦 on: January 22, 2020, 02:36:30 AM
Whlile browsing in social media
Hindi naman sa nagdadamot pero mahirap na makitang binabawasan ng ating mga banko ang perang ating pinaghirapan para i donate sa mga nangangailangan.  nakakahiya dahil nga sa mabuti naman ito mapupunta pero hahayaan nalang ba natin ito? Nakontrolin tayo ng mga bangko.  Salamat dahil narito ang crypto currency tayo ang mga hawak ng ating pera tayo rin ang mag dedesisyon kung magbibigay ba tayo o hindi  o kung magkano ang ating ibibigay at hindi automatikong binabawasan ang ating nga account.

To be fair, hindi ako naniniwala na binabawas o kinukuha na lang basta-basta ng mga bangko ang ganitong amount, at buwan buwan pa. Sa tingin ko may terms or condition na napirmahan ang may-ari ng account na nagsasaad na magdodonate siya sa ganitong charity o kung anuman. O kaya may nacheckan siyang box na ang ibig sabihin ay may ibabawas sa kanyang account para sa tulong. Hindi man lingid sa kaalaman ng may-ari, nag-agree na pala sya sa ganito.
168  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pilipinas Bitcointalk Org Shirt on: January 21, 2020, 11:11:28 AM
Nasimulan na ba production ng Local Org Shirt natin?

Kasi if hindi pa willing ako mag-design since marami na rin akong na-designan na org shirt sa university namin. Pero kung meron na, pwede pa bang humabol for pre-order.
Any plans in making this a reality? Well, makakapaghintay naman po. Smiley
Since mukhang hindi pa, I'll try to make a design, nagbabakasakali lang. Gonna send it here, probably bukas ng gabi, kung gusto niyo lang naman.
Not yet, I think they are having a hard time looking for someone that will produce these designs. If only there is someone who's willing to make it a reality, it would be good for all of us.

Kung hindi ako nagkakamali may design naman na yata. May ginawang design si Julerz tsaka si cabalism at yung iba pa. Ang final design yata yung combination ng dalawang design. Pero mukhang hindi na umusad simula nun. Lima lang din ang sumali dun sa poll tungkol sa pagpili ng designs. Mas okay kung may bago para mas maraming pagpipilian. Hindi pa naman yata final ang lahat. Tahimik na e.

kung magkakaroon ulit ng bagong design magiging magulo lang ulit madami na kasing hindi nagresponse so ang goal natin is ma go yung napagkasunduan ng design madami kasi ang di kayang gawin at yung iba naman may minimum na order para magawa nila kaya mas maganda na makahanap din tayo ng gagawa.

Mas mahal kasi kapag kunti lang yung pinagawa lalo na kung ang design ay yung nakaburda.

Pero depende na sa nag-initiate nito kung interesado pa bang ituloy o wag na lang muna hanggat wala masyadong demand na bumili.
169  Local / Pilipinas / Re: Si Craig Wright nga ba si Satoshi Nakamoto? on: January 21, 2020, 10:46:55 AM
Halos wala namang naniniwala kay Craig Wright sa mga claim nya na siya si satoshi. Ni isang proof wala syang maibigay para mapatunayan ang claim niya. Sa palagay ko ginagamit niya lang ito para sa publicity at fame. I doubt kung lilitaw ang tunay ma creator ng bitcoin, ni hindi nga nag iwan ng trace si satoshi. Napakalaking kalokohan kung bigla mo na lang irereveal ang sarili mo, kung totoo mang si Craig nga ang creator.
Oo,  nagpapanggap lang yan si craig. Napakaonti ng supporting information tungkol ss pagclaim ns yan.  Ss tingin ko din ay hindi irereveal ng tunay na tao kung sino man siya para na rin sa safety niya. 

simple lang naman ang kailangan nyang gawin e para sakin kung gusto nya talagang paniwalaan ng tao ilog in nya lang ulit yung account na satoshi dito sa forum with supporting videos na nilolog in nya di na sya pagdududahan pero di nya kaya so malinaw na kineclaim nya na lang yon for its own agenda.

Pwede din pero possible din na baka na hack ang account ni Satoshi pero at least no maibsan ang nagdududa sa kanya. Dami  lang nya media interview etc wala naman pala access sa wallet ni Satoshi. Inamin na din ata ng lawyer nya na wala syang private keys doon.

Maaari din mangyari in pero ang pinakamalakas na proof talaga is mag sign message sya sa wallet na pagmamay Ari ni Satoshi at napaka impossible naman nun na ikaw ang gumawa tas nawalan ka ng access malaking kahibangan un at tsaka sana nag claim sya ng ganun ng hindi sya gumawa ng coin dahil kaduda duda ang ganap dahil Isa lang ang tiyak dito nag sinungaling SI Craig upang magsilipatan ang mga tao sa BSV nya at mapabagsak nya ang bitcoin.

Yun lang naman talaga ang pinakapurpose nya e, na patalsikin si Bitcoin sa kanyang number one spot at pumalit ang Bitcoin SV. Hangal to si CSW e. Pero sino nga bang hindi. Si Roger Ver din naman ganun ang ginawa para sa kanyang Bitcoin Cash. Wala ng puwang ang mga galawang CSW sa ngayon. Wala ng bago sa ginawa nya. Kaya no big deal na kahit anong sabihin at gawin nya.
170  Local / Pilipinas / Re: Lunes,pinakamagandang araw para bumili ng bitcoin? on: January 21, 2020, 10:05:49 AM
Medyo nakakatawang isipin na may mga ganito din palang statistics. Pero sa tingin ko naman wala sa araw kung kelan magandang bumili ng Bitcoin. Ang presyo ang basehan at hindi ang araw. Kapag mababa ang presyo ng Bitcoin e di bibili ka kahit anong araw pa yan. Kapag naman nasa kasalukuyang pump ang Bitcoin e di hindi ka bibili kahit anong araw pa yan.
Tama ka jan, tulad ng sinadbi ko mukang kapag long term investment ay  hindi masyadong mahalaga ang araw ng pinagbilihan mo at nakadepende na kung tataas o bababa ang presyo ng bitcoin sa market.

Mas lalo yatang delikado kapag sa short term mo sinusunod yung pattern ng mga araw. Ibig sabihin maghihintay ka lagi ng Monday para bumili and to maximize your profit? Mukhang hindi magandang strategy yan. Kapag day trader ka, chart at patterns ang tinitingnan mo at hindi kalendaryo. Hehe.
171  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 21, 2020, 09:37:18 AM
Guys, sino na naka experience sa inyo sa app e mag lolog in ulit kapag binuksan ito? Nag open kasi ako at ayun nga pinag log in ako pero hoping na di kasama yun sa dagdag security nila.

Ilang days of weeks ba inaabot bago mag expire yung log in sa app at kailangan mo ulit mag log in? baka kasi nag expire lang yung log in ko kaya pinag log in ulit ako? 

Sa desktop meron namang parang remember me tapos parang naka-exception yung unit mo o kaya IP na wala ng login at 2FA. Hindi ko na maalala kung kelan ako last naglog-in. Ang alam ko ilang buwan na yun. Sa smart phone, nakatouch ID ako so wala na ring login process at 2fa code na hinihingi.
172  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pilipinas Bitcointalk Org Shirt on: January 21, 2020, 09:09:46 AM
Nasimulan na ba production ng Local Org Shirt natin?

Kasi if hindi pa willing ako mag-design since marami na rin akong na-designan na org shirt sa university namin. Pero kung meron na, pwede pa bang humabol for pre-order.
Any plans in making this a reality? Well, makakapaghintay naman po. Smiley
Since mukhang hindi pa, I'll try to make a design, nagbabakasakali lang. Gonna send it here, probably bukas ng gabi, kung gusto niyo lang naman.
Not yet, I think they are having a hard time looking for someone that will produce these designs. If only there is someone who's willing to make it a reality, it would be good for all of us.

Kung hindi ako nagkakamali may design naman na yata. May ginawang design si Julerz tsaka si cabalism at yung iba pa. Ang final design yata yung combination ng dalawang design. Pero mukhang hindi na umusad simula nun. Lima lang din ang sumali dun sa poll tungkol sa pagpili ng designs. Mas okay kung may bago para mas maraming pagpipilian. Hindi pa naman yata final ang lahat. Tahimik na e.
173  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 20, 2020, 04:15:18 AM

What do you mean your 2 cents? Even sa 2 cents may OTP din?
Sorry but i can't help it, natawa ako.  Grin

---------------------

Yesterday, I activated my 2fa and I withdraw some and wala naman dumating na OTP sakin. I actually waited but nothing arrived. I don't know if it's on my end or ganun talaga.

Joker naman to si spadormie. Hehe. Grin

Sa tinagal tagal ko rin sa coins.ph never akong naka-encounter ng OTP.

But you'll have to because that for the security improvement. OTP stands for One Time Passwords, and although it's hassle but we have to understand that security over convenience is more important, especially in money matters.



Ps.. natawa lang ako sa 2 cents, pero last na to. promise.

Alam ko naman yung OTP. Pero ang coins.ph hindi naman nagrerequire ng OTP per transaction at sa lahat ng accounts. Hindi ko alam ang basis pero selected transactions and accounts lang naman ang minsan ay nirerequire nila ng OTP. Hindi din lagi. Ako never ko pa na-encounter na nagrequire sila ng OTP through text o kaya email sa mga transactions ko using coins.ph.
174  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pilipinas Bitcointalk Org Shirt on: January 20, 2020, 03:40:10 AM
Hey folks?

Just bumping this thread since sumagi sa isip ko why this thread become so silent for quite a few weeks now.

Any plans in making this a reality? Well, makakapaghintay naman po. Smiley

Mukhang tumamlay yata ang interest.

Sa poll nga napakakunti lang yung bumoto dun sa mga available na designs. Maganda din naman.
175  Local / Pilipinas / Re: Lunes,pinakamagandang araw para bumili ng bitcoin? on: January 20, 2020, 03:13:04 AM
Medyo nakakatawang isipin na may mga ganito din palang statistics. Pero sa tingin ko naman wala sa araw kung kelan magandang bumili ng Bitcoin. Ang presyo ang basehan at hindi ang araw. Kapag mababa ang presyo ng Bitcoin e di bibili ka kahit anong araw pa yan. Kapag naman nasa kasalukuyang pump ang Bitcoin e di hindi ka bibili kahit anong araw pa yan.
176  Local / Pamilihan / Re: [Phemex Giveaway] Win 2 BTC Puzzle Contest sali na mga kababayan! on: January 20, 2020, 02:54:18 AM

Sobrang hirap nito. Kung madali lang to matagal na tong na-solve nung ibang mga expert sa mga ganitong technicalities.

May mga puzzles ding ganito sa Bitcoin discussion mismo. Sobrang hirap din. Inaabot na ng taon kung hindi ako nagkakamali pero hindi pa rin nasosolve.

Good luck sa mga magtatry.
Mga gifted nalang din talaga yung makakasolve sa mga ganitong puzzle eh. Punta ka sa mismong twitter account nila at ang daming mga humuhula at meron pang gumagawa ng mga logical apps at sila mismo ang nag program para lang sakto sa mismong instruction at condition ng puzzle.
Kaso wala pa rin, kung iisipin mo mga matataas na ang logic ng mga yun pero wala pa rin hanggang ngayon.

Sa sobrang hirap pati mga magagaling na nag-todo effort na ay hindi pa rin nakakahula.

Hats off sa gumawa nito. Magaling ang kanilang marketing. Ginawan pa ng paraan para mas lalong kumalat ang kanilang site. Puwedeng i-tag ang kahit sino na sa tingin nila ay magaling manghula ng mga ganito tapos kapag may nanalo na lahat ng nag-refer nung winner ay makakatanggap din ng premyo.

Matalinong promotion ito.
177  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: January 20, 2020, 02:29:38 AM

What do you mean your 2 cents? Even sa 2 cents may OTP din?
Sorry but i can't help it, natawa ako.  Grin

---------------------

Yesterday, I activated my 2fa and I withdraw some and wala naman dumating na OTP sakin. I actually waited but nothing arrived. I don't know if it's on my end or ganun talaga.

Joker naman to si spadormie. Hehe. Grin

Sa tinagal tagal ko rin sa coins.ph never akong naka-encounter ng OTP.
178  Local / Pamilihan / Re: [FREE RAFFLE] LET'S HAVE SOME FUN!!! on: January 19, 2020, 04:47:43 AM
E- Experia

OP, please put him in the last slot, it's your call, and we're full.


[/center]

Sayang yun. Hehe. Naunsa sana sya kaso iba ang napili nyang slot, may nakakuha na.

Desisyon ni OP kung ilipat ba sya sa isang available na slot o hayaan lang na i-change nya mismo ang napili nyang slot o tanggapin ang bagong participant. Mukhang si Ailmand ang nakakuha ng slot C.
Well, he got a chance to update his slot before I update it myself. Ailmand got the slot first so he's the first one.

BTC - abel1337
BTC wins! Congratulations!  Grin Grin

https://live.blockcypher.com/btc/block/000000000000000000077d902b8bfaf909b52cd7e2342ffccc25fa374fe8595b/

Ayun may nanalo na. No more fuss on slot C kasi ang nanalo B. Hehe.

Congrats abel1337! Grin
179  Local / Pamilihan / Re: NBA Weekly Competition - 0.001 btc entry fee. on: January 19, 2020, 04:25:48 AM
Ayos sana to. Kaso medyo mataas na ang 0.001BTC sa akin sa ngayon.

3.) Your prediction should be posted 1 hour before the fist game will start.

Klarohin ko lang sana bro. Kailangan ba 1 hour before the game starts talaga o at least 1 hour before the game starts? Para pwedeng manghula kaagad pagkapost mo ng games.
180  Local / Pamilihan / Re: [FREE RAFFLE] LET'S HAVE SOME FUN!!! on: January 19, 2020, 04:04:55 AM
E- Experia

OP, please put him in the last slot, it's your call, and we're full.


[/center]

Sayang yun. Hehe. Naunsa sana sya kaso iba ang napili nyang slot, may nakakuha na.

Desisyon ni OP kung ilipat ba sya sa isang available na slot o hayaan lang na i-change nya mismo ang napili nyang slot o tanggapin ang bagong participant. Mukhang si Ailmand ang nakakuha ng slot C.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 [9] 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 ... 77 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!