Magandang araw, mga kabayan!
Nag kulang ba ang iyong pera at nakalimutan mong mag dala ng emergency cash? Fear not! You can use your coins.ph account to purchase for Grab credits!
Ito po ay isang guide para makabili ka ng grab credits using your coins.ph wallet! Fortunately, as long as may option to pay using Dragonpay, you can use your coins.ph account to pay for most services na available sa kanilang mga merchants.
Step one:Buksan ang iyong Grab application at pindutin ang "Car".
Step two:Ilagay ang Grab pick and drop point at pindutin ang Grab credits.
Step three:Pindutin ang "Add Payment Methods".
Step four:Pindutin ang "Top-up credits".
Step five:Piliin ang "Bank Methods" at buksan ito.
Step six:Ilagay kung magkano ang gusto niyong i-load para sa Grab Credits. Pwede din kayo mag lagay ng value na from 100-500 pesos at piliin ang BPI Express online sa preferred payment method.
Step seven:After nito, madidirect kayo sa Dragonpay at i-scroll niyo lang yung payment option until makita niyo ang coins.ph Wallet/Bitcoin at pindutin ang Select. Pagkatapos po ay hintayin lang po ng mga 1-2 minutes para mag load.
Step eight:Pagkatapos nito ay may dalawa po kayong option na pipillin either mag-bayad po kayo sa php or sa bitcoin. Piliin niyo lang po kung saan po kayo mas madadalian.
Step nine:May lalabas po na BTC address at dito niyo po i-send yung nakalagay po na amount. After sending, may mag bubukas na window na sinasabing successful po yung transaction at maari niyo na pong gamitin ang Grab Credits ninyo!
Ang kagandahan po nito, hindi po ito LIMITED SA GRAB CREDITS dahil padami na po ng padami ang tumatanggap ng bitcoin upang makabayad po sa mga ibang produkto/serbisyo. Ang magiging limitasyon lang po nito ay dapat tinatanggap po nila ang DRAGONPAY bilang isang alternatibo sa pag-bayad. Pwede din niyo pong gamitin ito sa shopee, etc. at same process lang po din siya!
Credits to orions.belt19