Bitcoin Forum
November 10, 2026, 11:19:47 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 32.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: TalkImg.com - Image hosting para sa BitcoinTalk  (Read 913 times)
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
May 01, 2023, 04:54:20 AM
Last edit: October 14, 2026, 06:26:23 AM by Peanutswar
Merited by joker_josue (5), Halab (2), AbuBhakar (2), cryptoaddictchie (1), Porfirii (1), PX-Z (1)
 #1

Akda ni: joker_josue
Orihinal na paksa: TalkImg.com - Image hosting for BitcoinTalk






WWW.TALKIMG.COM


Ngayon ipinapakilala ko sa inyo ang isa sa mga serbisyo sa pagbibigay ng image hosting, na idinisenyo para sa Bitcointalk at sa buong komunidad.
Makalipas ang ilang taon ay madalas nating makita ang hindi lumalabas na imahe pag ito ay nailagay na natin sa forum. Alam naman natin kung gaano ito kabagal din mag-load. Ngayon ay ginawa ang proyektong ito at tinatawag na TalkImg.

 Layunin  ____________________
Ginawa ito para magbigay ng opsyon para sa Bitcointalk forum kung saan napakadaling gamitin at ito ay para sa lahat, kung saan mas mabilis ang load ng mga imahe pag ito ay in-upload.


 Katangian ____________________
- Lahat ng imahe na gagamitin ay maaring magamit sa forum (depende kung hilingin ng mga sa user; ito ay maaari lang gawin pag ka tapos lang pagsusuri ni joker_josue).
- Tinatanggap lamang nito ang mga sumusunod (JPG, JPEG, PNG).
- Ang laki lamang ng imahe at dapat na sa 2.5MB
- Pag na-upload na ang imahe ay hindi na ito mabubura (depende na sa link na ginamit sa pag-upload, na maaari lamang mabuksan sa oras na iyon).
- NSFW (Not safe for work) na larawan ay ipinag ba-bawal dito.
- Hindi kailangang magrehistro ng personal na impormasyon para lamang magamit ito (Pawang IP lamang ang mai-save para sa spam control).
- Lahat ng EXIF na impormasyon ay kusang buburahin ng system habang nag-u-upload.
-Opsiyon sa code upang maisama ang BBCode ang aktuwal nitong taas at haba ng larawan (piliin lang ang "BBCode full fix HxW").
- bago Awtomatikong binabago ang larawan na mas malaki pa sa 2.5MB.
- bago Tumatanggap at pinapalitan ang mga larawan na hindi suportado ng forum (WEBP, BMP, HEIC, HEIF, at AVIF).
- bago Baguhin ang larawan bago ito i-upload (crop, rotate, mag dagdag ng text, underline, at iba pa.)
- bago Awtomatikong gumagawa ng talahanayan kapag maraming larawan ang sabay-sabay na ina-upload.


 Pang pamtagalang layunin  __________________
Mayroon akong ilang taong karanasan sa paggawa ng mga online galleries at dahil dyan sana makatulong itong online project. Pero syempre, hindi naman natin masasabi ang hinaharap, depende din sa mangyayari pero ang proyektong ito ay asahan ninyong patuloy na alalalayan ng marami pang mga taon.


 Server  _____________________
Ngayon, ang TalkImg dedikadong server (VPS) ay makikita sa Michigan, US. Ito ay gumagamit ng AlmaLinux 8, 64-bit OS, at may 4 cores ng CPU, 4 GB na RAM at 120 GB hard disk. Para sa seguridad  na dahilan, ito ay gumagamit ng Cloudflare protection system, dagdag pa ay mayroon itong sariling server DDoS protection system. Ito ay nakahandang lumawak pa kahit anong oras, kung kinakailangan.


 Account ____________________
Ang gamit nito ay para lang sa BitcoinTalk, para dito ay pawang mga miyembro lang ng forum ang maaring gumamit kung gusto ninyo gumawa ng account ay maari lang ninyo akong kontakin  joker_josue gamit ang PM. Ang request ay kailangan pang suriin at kung maaprubahan ay gagawan kayo agad ng isang account.


 Backups ___________________
- Ang ZIP ay ginagawa kada linggo kasama ang mga bagong larawan mula sa nakaraang linggo, na maaari lang makita at i-download sa loob ng 15 araw, dito: talkimg.com/tempbackups/
- Ang ZIP ay ginagawa kada buwan sa lahat ng larawang nakita kahit isang beses sa Bitcointalk image proxy, at mga hindi nasama sa mga nakaraang zip. Ito ay makikita para i-download sa loob ng 60 araw, dito:  talkimg.com/tempbackups/btctalk_bk/
Mayroong API na magagamit sa mga gustong humingi upang mapadali ang pag-download ng mga backup. May ginawang isang lingguhang offline backup para sa lahat ng larawang nai-upload sa TalkImg.


bago Statistika ________________
Kabuuang statistikang datos, nagsimula ang proyekto (April 28, 2023):
                                                                      

Larawan: 322 992

Disk Space: 101.6GB
Huling update: 10/10/2026


Buwanang statistika:
[First 15 days]
[May'23][Jun'23][Jul'23][Aug'23][Sep'23][Oct'23][Nov'23][Dec'23][Jan'24][Feb'24][Mar'24][Apr'24][First Year]
[May'24][Jun'24][Jul'24][Aug'24][Sep'24][Oct'24][Nov'24][Dec'24][Jan'25][Feb'25][Mar'25][Apr'25][Second Year]
[May'25][Jun'25][Jul'25][Aug'25][Sep'25][Oct'25][Nov'25][Dec'25][Jan'26][Feb'26][Mar'26][Apr'26][Third Year]
[May'26][Jun'26][Jul'26][Aug'26][Sep'26]



 Donations at Ad  ______________
Ang proyektong ito ay maaaring suportahan gamit ang mga donasyon mula sa ating komunidad at kasama na dito ang paglalagay ng mga advertisement katulad ng nasa forum na signature campaigns.
- Donasyon: Sa mga gustong sumuporta sa proyektong ito ay maaari kayong mag-donate sa bitcoin address na ito: bc1qhwnncpdd8gfzqwjkk9n052wf7g9mvks3xaa7qa or Lightning Address: talkimg@wallets.fyoumoneypod.com
- Ad: Mayroon lamang isang ad sa homepage, katulad nito ng isang signature, kung gusto ng isang campaign manager na mag lagay ng ad sa TalkImg, maari lang ninyo akong kontakin. (joker_josue).


bago Abangan  ________________
- Muling ayusin ang backup system.
- Mag-isip ng bagong feature na maaaring magamit.


 Iba pang Detalye __________________
Ito ay hinahawakan ni joker_josue at sya din ang nag papanatili upang magamit ito ng mga user.
Ako ay bukas sa inyong mga suhestiyon at opinyon, para sa ikabubuti ng komunidad.
Ang proyektong ito ay tatagal hangga't maaari, kahit na may mga gustong man o ayaw. Ang mga larawang ina-upload ay mananatili na dito.


 Links, Scripts at Add-ons  _______
TalkImg
Terms of Service
Privacy Policy
TalkImg Service Status
Sig Promote TalkImg
###
[Add-on] Add a button to upload an image directly from the forum - Created by TryNinja
[Script] Imgur to TalkImg - automatically fix your broken images - Created by TryNinja
Kung may gusto kayong idagdag na script na para sa lahat, ipagbigay-alam lamang sa sakin.


 Events  ___________________
TalkImg Awards - Image of the Year 2023 | sponsored by BC.Game / Icarus


 Local Boards _________________
This topic is the only one that will support TalkImg users, and will always have official information about the project.
But here is the list of topics translated to local boards:
العربية (Arabic) Kavelj22
Bahasa Indonesia (Indonesian) dansus021
Bengali DYING_S0UL
Deutsch (German) cygan
Español (Spanish) Porfirii
Hindi M47AK16
Hrvatski (Croatian) ovcijisir
Nigeria (Naija) Chilwell
Pakistan (Urdu) JunaidAzizi
Pilipinas Peanutswar
Polski cygan
Português (Portuguese) joker_josue
Pyccкий (Russian) zasad@
Română (Romanian) GazetaBitcoin
Türkçe (Turkish) mindrust
Укpaїнcькa (Ukrainian) DrBeer
Kung kayo ay gumagawa ng pagsasalin, maaaring ipagbigay alam para ma-update ang listahan.

AbuBhakar
Hero Member
*****
Offline

Activity: 1624
Merit: 619


Abu Bitcoin to the moon


View Profile
May 11, 2023, 11:09:28 PM
 #2

Sobrang useful nito dahil pwede kopyahan ang BBCODE ng image in bulk hindi kagaya ng imgur na iisa isahin pa ang copy per image. Medyo mahahaba lang talaga yung BBCODE nito dahil hindi naka shorten yung image link pero siguro naman ay ginagawan na ito ng paraan.

Napansin ko lng din na hindi pwede mag add ng additional imag one nakapag upload kana ng isang batch. Walang add image option kapag available na ang BBCODE. Need pa ireset bago makapag upload ulit ng panibagong set ng image. Overall magandang alternative ito sa imgur dahil na kailangan mag desktop mode para lang makapag upload ng image gamit ang mobile device. Ito na ang gagamitin ko na image hosting. Sana suportahan natin ito dahil gawa ito ng kapwa natin forum user. Salamat sa pagshare kabayan!
Asuspawer09
Sr. Member
****
Offline

Activity: 2408
Merit: 480


Buy Bitcoin ✨


View Profile
May 13, 2023, 10:18:54 PM
 #3

Probably will switch na muna ko dito sa TalkImg.com dahil na rin hindi gumagana ung mga upload sa Imgur, matagal ko ng ginagamit ang Imgur simula pa noon sa pagupload ng image para magamit dito sa Forum kaya maraming nadisappoint na mga members dito sa Forum dahil sa nangyare, Marami ding mga member din ang katulad ko dito sa Forum na katulad ko na noon pa ay sa Imgur na naguupload ng image na nagkaroon din ng malaking problema dahil sila ay mga established member na dito at siguro libo libo na ang mga post na mayroong image, masyadong maraming images na kailangan irecover if aayusin kaya malamang ay burahin nalang halos lahat ng mga post.

Pinagpipilian ko sana itong TalkImg.com or imgbb.com, medjo nagaalangan ako gumamit netong TalkImg dahil na rin baka matigil din ang run ng website kahit na member din ng forum ang gumawa neto ay may posibility na hindi ito mamaintain kung maraming mga image ang mauupload at kung kaya bang maintance ang website. Sinubukan ko ito at maganda at mabilis naman ang upload neto.

Aayusin ko siguro ang mga post ko na may error ay magrereupload ako ng mga Images dito.
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
April 13, 2025, 07:36:58 AM
 #4

 Statistika ngayong  February 2025____________________
Noong mga nakaraang buwan ay sobrang tahimik. Iniisip ko ano pa ang pwedeng idagdag para sa TalkImg, dahil diyan wala pa ako akong maibibigay sa inyo. Hindi ko pa alam kung kailan, sa tingin ko sa sunod na buwan. maari kong ibigay sa inyo ang isa sa pinaka bisitang larawan dito.

Ayon sa numero ito ay bumaba, at lalo na sa ngayong buwan. Pero okay naman ang lahat at ito ay gumagana sana mas marami pang mga proyekto ang maaaring maibahagi para sa lahat.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 4 760 (-1295 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 1.49GB (-0.69 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 12 381*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 1 081 479*
 Bandwidth ngayong buwan: 63.25GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.

Top 3 na larawang laging binibisita
Soon available...
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
December 17, 2025, 02:35:35 PM
 #5

 Statistics  November 2025____________________ ni joker_josue
Noong nakaraan, sinabi ko na may maaring maging pagbabago sa platform natin ngayong November, at ngayong sinasabi ko sa inyo ito dahil hindi pa ito naisasagawa. Syempre dahil na din sa walang oras, sa mga resources na kailangan at kailan pang itong subukan ng maayos, ngayon napagdesisyunan kong itigil muna ang pag sasagawa ng mga updates na ito siguro mga isa o dalawang buwan lang.

Sa kadahilanang gusto ko gamitin ang oras na ito para mag dagdag na nang magagadang features na maaring magamit ng ating kumunindad. Gayunpaman, hindi pa sa ngayon ito maisasagawa, kaya mas naisip kong pansamantalang itigil muna ang update na medyo tatagal ng kaunti.

Kahit ganito pa man ang nangyari, ako ay lubos pa din nag papasalamat sa kumundad natin para sa pag support sa TalkImg.


Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 7 276 (-1590 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.44GB (-0.41 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 108 383*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 3 072 600*
 Bandwidth ngayong buwan: 133.67GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.
#01

278
nakakita
     
#02

274
nakakita
     
#03

273
nakakita
     
#04

271
nakakita
     
#05

270
nakakita
              
#06

269
nakakita
     
#07

269
nakakita
     
#08

269
nakakita
     
#09

268
nakakita
     
#10

265
nakakita
Mr. Magkaisa
Hero Member
*****
Offline

Activity: 1652
Merit: 502


Bet25.com - Zero Margin Sportsbook


View Profile
January 12, 2026, 02:31:35 PM
 #6

To be honest dami ko na nasubukan na same nito , yung Imgur hindi rin stable at yung iba nagkakaproblem talga sa upload madalas,
Pero itong  TalkIMG, Solid para sakin ito kaya hindi na ako gumamit ng iba pa. Daming option na madali lang talga.
Pinaka madali kahit sa baguhan siguro. 10\10 sakin ito.
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
January 15, 2026, 12:05:46 PM
Merited by joker_josue (2), cryptoaddictchie (1)
 #7

 Statistika ngayong  December 2025____________________ ni joker_josue
Noong buwan ng Disyembre hanggang nakaraang linggo, kung saan may hindi inaasahan na pangyayari. Biglaan lang, na umabot ng ilang oras ay hindi makapag upload ng mga bagong imahe. Pero ito ay pabago bago; may oras na hindi ka makapag upload ng ilang oras tapos ay gagana.

Kung saan nag simula na itong lumabas, tinignan ko ang services ng system at iba pa kung okay lang ba ito. Wala din namang server errors, o di kaya ay logs na may kakaibang nangyari. So tingin namin ay ito ay dahilan lang ng connect error sa website para sa ilang mga users, kung saan ay hindi na madalas nabibisita ito ng matagal mga tulad lang nyan.

Pero hindi eh parang magulo talaga, kasi may ilang mga user din ang nag rereklamo nang parehas na sitwasyon. Maaring may error na nangyari, pero ito ay pasumpong sumpong lang, at hindi lahat ng user ay apektado dito ng ilang oras. Kaya naman mas naigi pa naming alamin kung ano ang dahilan at nalaman namin ang problema.

Kung saan ang website backup system ay napunta sa isang loop at gumagawa ito ng maraming kopya ng website sunod sunod. Kaya gumawa ito ng dalawa o tatlong kopya ng service. Kahit na sobrang daming spae sa server, madali lang nito napuno ang disk. Dahil ang system ay nag bubura ng lumang backup tapos ay gumagawa na naman ng panibago. Kaya nagkakaroon ng space tapos ay maari kayong makapag upload at biglang hindi na.

Hindi ko maintindihan kung paano ito nangyari pero ang tantiya namin ay dahil sa internal server update na nag dahilan nito. Kaya ang ginawa namin ay binura namin lahat ng dobleng backup, at tinignan ang backup sa system at ito ay bumalik na sa normal

Talaga namang nakakatawa ang nangyari pero ganun pa man ay humihingi ako ng pahumanhin sa lahat dahil sa nangyari. Pero naniniwala ako na ito ay okay na at hindi na mangyayari ulit. Muli salamat sa lahat na sumuporta at nag tiwala.



Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 8 066 (+790 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.59GB (+0.15 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 69 467*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 5 137 715*
 Bandwidth ngayong buwan: 190.51GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.
#01

232
nakakita
     
#02

208
nakakita
     
#03

208
nakakita
     
#04

207
nakakita
     
#05

207
nakakita
              
#06

207
nakakita
     
#07

207
nakakita
     
#08

207
nakakita
     
#09

207
nakakita
     
#10

206
nakakita

Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
February 18, 2026, 12:10:29 PM
Merited by joker_josue (2), Porfirii (1)
 #8

 Statistika ngayong  Enero 2026____________________ ni joker_josue
Gusto ko gamitin ang report na ito para ibigay sa inyo ang tala para sa taong 2025. Sa 2025, mahigit 83,000 na imahe ang na upload, kung saan humigit kumulang 7,000 ang imahe ang nakuha ng TalkImg kada buwan. Pinapakita lang nito kung gaano sinusuportahan ng kumunidad natin ang proyektong ito, kung saan nag papatuloy lang ito dahil sa inyong mga supporta! Sa kabutihang palad, hindi ito ang taon kung saang maraming malala ang nangyari, at naaganapan nating maging banayad ito ng halos 100%.

Mayroon akong idea na gusto gumawa ng isang espesyal na okasyon para sa kumunudad, sa ngalan ng TalkImg, pero sa kasamaang palad, wala akong maisip na kahit, para bang nakahiga nalang ako mula sa 2024. Pero gayunpaman, TalkImg ay sobrang nagamit sa mga maraming patimpak dito sa forum, tulad ng pizza at pumpkin. Siguro ngayong taon, 2026, Magkaroon ako ng ilang mga interanteng ideya na maaring mag bigay sa kuminidad ng isa pang koasyon.

Sa wakas, gusto kong mag bigay sa inyo ng impormasyon matungkol sa sinasabi ko matagal na at tapos ko na ito. Ngayon kailangan ko na lang ay oras para ma-update at ma-beripika ang mga ito kung gumagana ng maayos. Pero maari lang ninyo makita (kung sa paanong gusto ko) ngayong darating na Marso o Abril. Nais kong isabay ito sa darating na 4th na anibersaryo ng TalkImg. Kahit na mayroon na akong ideya kung kailan ko sya gustong ilabas, dahil sa rami ng mga ibang proyekto ay hindi ito magawa-gawa. Pero sinasabi ko na sa inyo ito ng maaga, kung ito man ay aayon sa plano, ay ibabatid ko sa inyo ang magandag balita. Salamat sa inyong pag intindi at pag unawa.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 8 257 (+191kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.91GB (+0.32 that in the last month)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 73 734*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 4 687 666*
 Bandwidth ngayong buwan: 191.71GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

289
nakakita
     
#02

281
nakakita
     
#03

246
nakakita
     
#04

225
nakakita
     
#05

222
nakakita
              
#06

220
nakakita
     
#07

208
nakakita
     
#08

208
nakakita
     
#09

208
nakakita
     
#10

208
nakakita

Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
April 11, 2026, 01:50:38 PM
Merited by joker_josue (1)
 #9

 Statistika ngayong  Pebrero 2026____________________  ni joker_josue
Isang buwan na naman ang lumagpas kung saan ang lahat ay naging banayad, walang mga problema. Nag papasalamat ako sa lahat ng nasa Bitcointalk na patuloy pa din ang pag suporta sa proyektong ito, at lalo na sa mga gumagamit.

Gusto namin kunin ang pag kakataon na ito para ipaalala sa inyo ang isa sa mga mahalagang bahagi ng TalkImg.
Pag ka tapos mag upload, kung gusto mo i-send ang bagong larawan, ay maari mo nang pindutin ang "New Upload" button, o di kaya at pindutin ang TalkImg logo, o i-refresh ang page (katumbtas nito ang F5 sa keyboard/sistem)


Kung ang website naman ay naka bukas ng matanggal na hindi ginagamit, hinihikayat na i-refresh ito (ang katumbas nito ay F5) para maitatag ang koneksiyon sa server. Pag katapos ay subukan uling mag upload.

Ang mga hakbang na ito ay para maiwasan ang pag abuso sa sistem at mapanatili ang seguridad ng koneksiyon sa bawat user at sa server.

Nawa'y nagustuhan ninyo ang pag gamit ng TalkImg.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 8 345 (+88 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.30GB (-0.61kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 101 174*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 6 527 654*
  Bandwidth ngayong buwan: 282.17GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

292
nakakita
     
#02

290
nakakita
     
#03

288
nakakita
     
#04

279
nakakita
     
#05

276
nakakita
              
#06

253
nakakita
     
#07

244
nakakita
     
#08

244
nakakita
     
#09

243
nakakita
     
#10

243
nakakita

Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
April 12, 2026, 03:34:11 PM
Merited by joker_josue (2)
 #10

  Statistika ngayong  Marso 2026____________________ ni joker_josue
Ano pa nga ba ang masasabi ko para sa nakaraang buwan para sa proyektong ito? Gusto ko ipaalam sa inyo ang resulta nito sa Bitcointalk Community Awards, at muli tayo ay kinilala para sa pangalawang pagkakataon para sa pangalawang pinakamagandang proyekto para sa Bitcointalk forum. Nais kong magbigay ng lubos na pasasalamat para sa lahat ng bumoto sa protektong ito at sa suportang ibinigay. At gusto ko ring magpasalamat sa nag-organisa ng patimpalak na ito.

Para sa nakaraang buwan, gusto ko lang gawin ang huling mga kailangang ayusin para sa update na aking pinaplano. Ang kulang na lang talaga sa akin ay ang iskedyul ko para mailabas ko na produktong ito at makitang ito ay lubos na gumagana. Susubukan ko ito ngayong buwan, at sana naman ay hindi na ito maurong. Sasabihan ko kayo pag nagkaroon na ito ng progreso.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 7 591 (-754 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 1.98GB (-0.32 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 818 824*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 9 299 097*
 Bandwidth ngayong buwan: 363.12GB*
*Ang datos dito ay maaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

293
nakakita
     
#02

279
nakakita
     
#03

256
nakakita
     
#04

248
nakakita
     
#05

248
nakakita
              
#06

246
nakakita
     
#07

246
nakakita
     
#08

245
nakakita
     
#09

244
nakakita
     
#10

244
nakakita
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
May 12, 2026, 12:23:06 AM
Merited by joker_josue (2)
 #11

  Statistika ngayong  Abril 2026____________________ ni joker_josue
Ang Abril ay isa sa mga mahalagang buwan para sa TalkImg, dahil ito ang buwan kung saan ito nailunsad (kahit na talagang sa dulo pa talaga ito ng buwan). Sa nakaraang Abril ay minarkahan na nito ang pang-3 na anibersaryo ng paglulunsad nito. Nagbigay tayo ng panghuling datos ng taon na maaari ninyong makita dito.

Simula noong nakaraang taon, lagi kong sinasabi na may hinahanda akong update, pero hindi ko pa ito nagagawa. Sinusubukan kong ilabas ang update na ito, kasabay ng pang-3 anibersaryo ng TalkImg, pero may isang problema ang umusbong. May naisip na akong araw kung kailan ko ilalabas ito, at ito ay sa April 26. Pero ang mga bagay ay hindi umaayon. Ang TalkImg ay naka-down na halos 8 oras, kaya hindi ito makapag-upload ng mga bagong imahe.

Noong sinimulan kong i-upload ang bagong update, naisip kong maaaring problema ito sa gumaganang database version. Noong nalaman ko ito agad, ilang minuto lang, ay hindi ko tinuloy ang update. Gayunpaman, may ilang pagbabago na ang nailagay, ilang dahilan ng problema. Akala ko ay naibalik ko na ito sa ayos, dahil nagawa ko namang mag-backup bago pa iyon. Pero sa ibang kadahilanan, ang pagbabalik ng backup ay hindi gumana. Pagkatapos ng ilang oras na pagbabalik ng backup, kailangan kong humingi ng request mula sa technical team ng server.

Ang sistem ay pumasok sa isang loop, kaya ang pag-reset ay hindi naisagawa. Dahil dito, ang technical team ay kailangang mag-reset ng buong server para masira ang loop at masiguro na maisagawa ang pag-reset. Ang buong proseso ay umabot ng sobrang tagal bukod sa inaasahan dahil sinisigurado ko na ang mga aktibong imahe ay gumagana dito sa forum, at sinisiguradong walang mawawala sa mga ito habang ginagawa ang proseso. Dahil na mayroong kabagalan, nagawa naman natin ang kailangan; ang mga imahe sa forum ay gumagana at walang mga nawala.

Kung tama ang memorya ko, ito lang ang oras na hindi gumagana ang TalkImg sa buong nakaraang taon. Ngayon, gumagana na ulit ito tulad ng dati. Titignan ko na ang mga gagawing pagbabago dito, at gagawa ng mas maraming test, para masiguradong walang magiging problema. Maniwala kayo sakin. Gusto ko ibigay ang pinakamagandang klase ng serbisyo. Muli, salamat sa inyong support! Lubos akong nagpapasalamat.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 7 439 (-152 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.27GB (0.29 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 1 021 682*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 19 443 384*
 Bandwidth ngayong buwan: 635.66GB*
*Ang datos dito ay maaaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


Top 10 Images Viewed
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

291
nakakita
     
#02

291
nakakita
     
#03

290
nakakita
     
#04

285
nakakita
     
#05

284
nakakita
              
#06

267
nakakita
     
#07

259
nakakita
     
#08

244
nakakita
     
#09

230
nakakita
     
#10

222
nakakita
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
June 10, 2026, 12:25:38 AM
Merited by Porfirii (1), joker_josue (1)
 #12

  Statistika ngayong  Mayo 2026____________________ ni joker_josue
Sobrang lapit na, sobrang lapit na. Iyon lang ang masasabi ko sa sobrang tagal ng pag hihinatay na pinangakong balita. Nag sagawa ako ng ilang mga pagsusulit, tinignan lahat, at nag laan ng oras para mag dagdag ng ilang mga feature at naniniwala akong magagamit ito ng lahat.

Pero marami ang nag tatanong sa atin kung: kailangan nga ba ito ilalabas? Ang sagot para sa tanong na iyan: sobrang lapit na, onting pag hihintay na lang.
Sa loob ng ilang mga buwan, may nagawa akong magandang proseso, at ito ay sobrang lapit na mangyari. Sabihin nating isa itong countdown

Gayunpaman, ngayong buwan ay naging normal pa din, kasama na dito ang ating patimpalak patungkol sa pizza event, marami pang mga maaaring mangyari. Nagagalak ako sa mga gumagamit ng TalkImg at sumusuporta sa proyektong ito.

Pero ang natitirang tanong ay: saan gingamit ang mga madalas na binibisitang imahe? Mayroon ba sa inyong nakaka alam o may nakakaligtaan lang ako? Huh

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 8 237 (+798 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 2.69GB (+0.42 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 831 891*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 11 392 803*
 Bandwidth ngayong buwan: 411.12GB*
*Ang datos dito ay maaaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


Top 10 Images Viewed
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

[Edit]Ngayong buwan ay naging isang espesyal  dahil dito...

#01

338
nakakita
     
#02

330
nakakita
     
#03

330
nakakita
     
#04

327
nakakita
     
#05

326
nakakita
       
                  
#06

322
nakakita
     
#07

320
nakakita
     
#08

318
nakakita
     
#09

312
nakakita
     
#11

305
nakakita
     
#10

309
nakakita

Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
July 07, 2026, 12:21:50 AM
Merited by joker_josue (3), Porfirii (1)
 #13

  Statistika ngayong  Hunyo 2026____________________ ni joker_josue
Ito ay isa sa malaking update na pinag handaan simula noong mga nakaraang taon at sa wakas ito ay nailabas na. Ito ay noong ika-10 ng Hunyo at ngayon ay opisyal na ito nailunsad sa TalkImg 2.0, na may iilang idinagdag na nainiwala kaming magagamit ng lahat.

Naging maayos naman ang naging proseso. Pag ka tapos gumawa ng mga kailangang backup, ang update ay nailabas naman ng maayos at walang problema at ang lahat naman ay gumagana ng hindi aabot ng isang oras. Pag ka tapos nito, sa loob ng ilang araw, ang mga features ay nadagdag at siniguradong lahat ay gumagana ng maayos.

Sa kabutihang palad, mayroong isa o dalawa lang na mga kailangan ayusin, at ang lahat ay gumana naman ng walang naging problema. Bilang kailangan ng update, ayusin ang ilang mga bugs, pag aayos ng istraktura, at ikagaganda ng platform na kailangan naming ipatupad. Dagdag na dito, ang proyekto ay kailangan isailalim sa ilang pag sasaayos para mapadali ang mga hinaharap pang updates.

Pero ang tanong ko sa lahat ay: ano nga ba ang bago? Ang ilan sa mga bagong features dito ay nasabi na ng ilang mga users, ang ilan ay nakita na nila ito kahit hindi pa ito pinag uusapan. Kaya naman, ito ang listahan ng mga pangunahing bagong features.

# Image Compression
Ito ay isa sa mga pangunahing feature, tulad ng ipinangako sa simula palang ng proyekta. Kung alam nyo, ang forum ay tumatanggap lang ng hanggang 2.5MB (ito ay limitasyon ng Bitcointalk, hindi ng TalkImg). Kaya dito, ngayon ay posible ng mag upload mga matataas na image (hanggang 15MB), kung saan ang platform ang mag mag papaliit nito upang mapababa pa sa 2.5MB

Paano ba ito gumagana? Simula pumili ang user ng imahe na humigit 2.5MB, ang sistem ay gagawa ng pangunahing compression, kung posible ito gamit ang browser (mula kay user). Kung ang compression ba na ito ay sapat para mabawasan ang image na mas mababa pa sa 2.5MB, ang pag upload ay tutuloy lang ng normal. Kung ang imahe naman ay hihigit sa 2.5MB, ito ay mag sasagawa ng panibagong compression sa server para masiguradong ang imahe ay mas mapapaliit ng mas mababa sa 2.5MB, para magawa ang kumpletong pag upload.

Pinili namin ang paraan na ito dahil naisip namin na maraming imahe ang maaaring ayusin sa pinaka magandang size gamit mula sa browser, habang kasunod nito ang pag iwas para mapuno ang server. Bukod pa dito, ang proseso gamit ang browser ay mas mabilis, at ang paraan na ito ay maaari nating mabawasan ang posibleng bagal sa pag proseso ng pag upload.

Ang Compression ay kadalasang ginagawa para mabawasan ang kalidad ng imahe, at kasama na din dito ay ang size (sa pixels). Mula sa pag sasagawa namin ng testing, halos lahat ng imahe ay na comress naman ng maayos, pero hindi namin ginagarantisado na lahat ng imahe ay ma co-compress. Kung ang image ay hindi ma-compressed, ang user ay sasabihan naman. Pakitandaan lang na ang GIFs ay hindi maaaring ma-compress, at ang uri ng imahe na ito ay tatanggapin lang kung ito ay hanggang 2.5MB.

# Suportado ang Ibat ibang Image Types
Isa sa mga hinihiling nilang feature ay abilidad na mag upload ng ibat-ibang file types bukod sa opisyal na supportado ng forum (ito ay ang: JPG, JPEG, PNG, GIF). Ngayon posible ng mag upload ng ibang formats, katulad ng WEBP, BMP, HEIC, HEIF, at AVIF.

Pag pinili ninyo ang alin sa mga format na ito, ang platform ay mag sasagawa ng parehas na proseso ng compressing ng mga larawan, at papalitan ito mula sa JPG o di kaya ay PNG.


# Bagong Editing Tools
Pag katapos mo pumili ng larawan na gusto mong upload, ngayon ay maaari mo nang ayusin ang laki nito. Ngayon, ang gamit nito ay mas gumanda na at maaari mo na din gawin ang ilang mga edits.

Ngayon mayroon ka ng slider na maaari mong adjust ang size ng larawan, kaysa i-type ito. Maaari mo na din ikutin ang larawan. Guputin ang larawan. Mag sulat ng text, mag drawing, gumawa ng square o kaya ay circle. Para magamit ang feature na ito, pindutin lamang ang "Edit/Resize" button at lalabas dito sa itaas ang thumbnail bago ka mag simula mag upload.


Itong lahat na papalitan na mga edits na ginawa sa browser (user-side), at ang ilan ay hindi maaaring magamit. Gayunpaman, lahat ng modernong browser ay maaaring gumana ng walang problema.

# BBCode Table Tool
Ito ay bagong feature. Ngayon, kung kayo ay mag upload ng maraming imahe sabay sabay, maaari kayong bigyan ng opsiyon na gumawa ng BBCode table kasama ang mga larawan.

Kung ang upload ay nakumpleto na, sa ibabang bahagi nito ay makikita ang  BBCode links para sa mga larawan, mayroon ditong bagong field na tinatawag na  "BBCode table generate". Ang opsiyon na ito ay binibigyan ng paraan kung gaaano kadaming column sa table ang kailangan at ayusin ang larawan sa loob nito. Pag katapos ay pindutin lang ang  "generate," ay makukuha mo na ang lahat ng kailangan mong BBCode na kailangan sa forum.




# Image Details (Size and Pixels)
Nag dagdag din ako ng ilang detalye sa mga larawan, kasama na dito ang mag ayos ng size sa pixels at ilang mga space na bakante. Ang impormasyon na ito sa ibaba ng larawan. Ito ay talagang nakaka engganyo tignan ang impormasyon kung ang larawan ba ay na compress, dahil ilalabas nito ang bago at magkatapos na impormasyon.

Tignan ang halimbawa, tulad ng isang malaking larawan na nai-compressed:
Kung titignan ninyo sa unang larawan ang compression gamit ang browser ay hindi sapat (ito ay mula sa 7MB at nangyari ay naging 5MB) tapos ito ay co-compressed naman gamit ang server. Sa pangalawang larawan, makikita ninyo ang server compression, kung saan ang larawan ay naging 2MB.

Mayroon din kaming onting inayos para sa UX
Naway ang update na ito ay mapaigi para sa lahat ng gumagamit at ang TalkImg ay maging epektibo. Salamat sa lahat ng inyong suporta, dahil kung wala iyon ay hindi ito magiging posible.


Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 7 833 (+394 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 2.77GB (+0.5 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 1 033 723*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 5 763 686*
 Bandwidth ngayong buwan: 262.50GB*
*Ang datos dito ay maaaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.

10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

226
nakakita
     
#02

223
nakakita
     
#03

197
nakakita
     
#04

197
nakakita
     
#05

178
nakakita
              
#06

178
nakakita
     
#07

177
nakakita
     
#08

174
nakakita
     
#09

173
nakakita
     
#10

172
nakakita
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
August 22, 2026, 01:43:19 AM
Merited by joker_josue (2), Porfirii (1)
 #14

  Statistika ngayong  Hulyo 2026____________________ ni joker_josue
Isang buwan na ang nakalipas pag katapos ng opisyal na pag lunsad ng bagong bersiyon ng TalkImg, nais kong mag pasalahat sa lahat ng nag pakita ng suporta sa proyektong ito. Ipagpapatuloy ko ang pag-develop na ito para sa inyo dahil kayo ang nagbigay ng motibasyon para gawin ito.

Nakatanggap ako ng ilang mumunting feedback at mga suggestion, at ang lahat ng iyon ay natanggap ko. Ang ilan sa kanila ay binubusisi ang bawat detalye, at ang mga nais idagdag sa hinaharap. Kaya naman, patuloy lang kayo sa pagbibigay ng inyong mga mungkahi, at susubukan natin kung kaya nating gawin.

Kasalukuyan, sinusubukan kong ayusin ang backup structure para magamit at patuloy na maaasahan ng lahat. Ito ay importante at maayos ang proyekto sa lahat ng bagay, pera sa huli ay makatulong sa lahat.

Ngayon, pag-usapan natin ang isa sa mga bagong before na hiniling ng matagal na panahon na: ang abilidad na makapagpadala ng imahe gamit ang link. Magbibigay ako ng kaunting eksplanasyon kung bakit ang feature na ito ay hindi pa gumagana, at di kaya ay wala pa akong planong gamitin.

Pag ang user ay nag-upload ng imahe gamit ang kanilang browser, ang TalkImg ay hindi ito pinapakita sa mga third party. Gayunpaman, pag ang imahe ay ipinadala gamit ang isang link, ang TalkImg server ay kokonekta sa isang website para ito ay ma-download. Kaya, sa madaling salita, ang TalkImg ay kailangan pang i-download ang imahe, hindi ng gumagamit nito. Kaya maaaring lumabas na mahaharang ang TalkImg ng ibang website/serbisyo at maaaring maakusahan sa paglabag ng pangongopya. Ngayon, pag ang larawan ay namarkahan na lumabag sa isang patakaran sa pagkopya, maaari kong itong tanggalin at sabihing ito ay hindi mula sa amin. Dahil ito ay gamit mula sa isang link, ang argumentong ito ay hindi valid.

Isa pa, isang seryosong problema ang maaaring lumabas at ito ay ang "Server-Side Request Forgery (SSRF)". Sa madaling salita, ang malisyosong user na sumubok na magbigay ng link sa internal server information, ay maaaring gumawa ng atake (kung saan naranasan kong maghirap dahil sa DDos attack, at mas nanaisin kong hindi na ito maulit). Kahit na may sukat laban sa SSRF, ang umaatake ay maaari pa ring sumubok na magpadala ng atake gamit ang mga link na maaaring magpabagal sa pagsagot dahil sa server overload.

Kung uunawain, mas mainam na ang direktang user ang mag-upload ng larawan, kaysa ang TalkImg ang kukuha. Dahil dito, ang site ay tumatanggap ang "copy/paste" function. Sa madaling salita ay ang user ay maaaring mag-copy ng larawan mula sa isang website (hindi na kailangang i-save ito sa kanilang PC) at tapos ay "i-paste" ito direkta sa TalkImg. Alam natin na hindi ito praktikal sa ibang device, tulad ng mga smartphone, pero kami ay nagpaplano na ito bilang kasama sa pagpapaganda.

Sana ay makatulong ito sa inyo kung bakit ang upload-via-link functionality ay hindi pa gumagana. At nagagalak ako sa lahat ng bahagi ng kanilang mga ideya. Patuloy lang kayong magbahagi ng inyong mga ideya.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 7 711 7 833 (-122 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 3.13 2.77GB (+0.36 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 1 462 665*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 2 120 060*
 Bandwidth ngayong buwan: 181.37GB*
*Ang datos dito ay maaaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.
Note: Tinitingnan namin ang bagong configuration, pagkatapos ng update, kung apektado ang datos na aming nakolekta. Ang datos sa buwan na ito ay maaaring lumampas sa pamantayan.

#01

11
nakakita
     
#02

7
nakakita
     
#03

7
nakakita
     
#04

6
nakakita
     
#05

6
nakakita
              
#06

6
nakakita
     
#07

6
nakakita
     
#08

6
nakakita
     
#09

6
nakakita
     
#10

6
nakakita
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
September 13, 2026, 07:29:46 AM
Merited by joker_josue (2)
 #15

 Statistika ngayong  Agosto 2026____________________  ni joker_josue
Sa nakaraang estadistika, mapapansin ninyo ang biglang pagbaba ng mga nakakakita sa ilang madalas na binibisitang imahe. Mahalagang tandaan na ito ay dahil sa paggamit ng Cloudflare; kahit pag pagbabago lamang ay makaaapekto ito sa server na maaaring maging dahilan ng traffic sa site. At ito ang nangyari; gumawa ako ng ilang adjustment na naging resulta para abutin ang server dahil ito ay limitado lamang. Dahil sa nakita kong ito, ako ay bumalik para tingnan ang setting at unawain kung paano ko mas mapapaigi upang makuha ang pinakamalapit sa realidad.

Tulad ng alam ninyo, ang TalkImg ay ginawa sa Bitcointalk, kaya ang traffic sa forum gamit ang image proxy ay priyoridad sa server na walang nililimitahan dito. Kahit na hindi man ito gumagawa ng malaking hadlang kahit gamitin sa iba't ibang lugar, ang priyoridad natin ay ang forum. Kaya kung iisipin, kailangan ko magkaroon ng ilang pagbabago sa setting para mas mapadali ang access sa forum. Ito ay para mapaganda natin ang statistika ng forum sa paggamit ng TalkImg

Kaya naman, ngayong buwan, makakakita tayo ng malaking pagbabago sa numero kumpara sa mga nakita natin noong nakaraang buwan. Gayunpaman, makikita natin kung ang numero ay pumasok sa isang buwan o sa susunod pa, para makita kung may silbi na ito o wala. Pero sa unang tingin, mukhang mayroon.

Gusto kong gamitin ang oportunidad na ito upang ipaliwanag sa inyo kung paano gumagana ang ranking ng imahe. Ang statistika ng system ay tinitignan ang bawat queries sa forum gamit ang image proxy, tinitignan nito ang bilang ng imahe sa link na ni-request. Para makita kung ang lahat ng imahe ay may parehas na exposure, tinitingnan ang imaheng na-upload mula sa nakaraang buwan. Sa madaling salita, halimbawa ngayong buwan, titingnan natin ang pinakatinitingnan na imahe ng Agosto na na-upload noong July.

Isang huling panuto: pinapaalalahanan ko sa inyo na ang TalkImg ay isang platform kung saan ang mga imahe ay NSFW, illegal na nilalaman, o di kaya ay content para mag-promote ng illegal na aktibidad ay pinagbabawal.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 7 982 (+181 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 3.11GB (-0.02 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 1 823 008*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 5 898 861*
 Bandwidth ngayong buwan: 882.31GB*
*Ang datos dito ay maaaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

1795
nakakita
     
#02

1782
nakakita
     
#03

1346
nakakita
     
#04

1345
nakakita
     
#05

1345
nakakita
              
#06

1344
nakakita
     
#07

1344
nakakita
     
#08

1344
nakakita
     
#09

1341
nakakita
     
#10

1337
nakakita
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
October 12, 2026, 12:57:44 PM
Last edit: October 13, 2026, 05:38:00 AM by Peanutswar
Merited by joker_josue (2), Porfirii (1)
 #16

 Statistika ngayong  Setyembre 2026____________________ ni joker_josue

Ngayong buwan, bibilangin ko ulit kung anong nangyari noong bago matapos ang buwan ng Agosto at simula ng Setyembre. Sa mga huling araw ng Agosto, ang TalkImg ay nagsimulang bahain ng maraming larawan kada oras.

Sa una, hindi ko naman talaga ito binibigyan ng atensiyon, pero ang bilang ay patuloy na dumadami, kaya nagbigay ito ng daan para intindihin ang nangyayari. Kaya, nakita ko kung ano ang mga larawang ina-upload. Halos lahat sa kanila ay mga larawan ng gubat, or remote locations, na may GPS coordinates na kasama. Sa una, iniintindi ko kung ang mga larawang ito ay gagamitin sa forum. Pero wala man lang bakas na ito ay ginamit.

Dahil ang mga larawan ay may GPS coordinates, maaaring may tanong kung bakit may naglagay ng mga larawan na nagbubunyag ang kanilang lokasyon. Kaya, tiningnan ko ang coordinates na sinasabi dito. At napunta ako sa rehiyon ng Russia. Dahil dito, pumunta ako sa Russian community para magtanong kung nakita naba nila ang larawang ito, o di kaya kung ano ito. Nakatanggap naman ako ng mabilis na sagot na maaaring ang mga drug traffickers ang gumagamit ng serbisyong ito para magbigay ng mga larawan.

Dahil sa pagdududa na ito, ako ay nag-imbestiga at naghanap sa mga libo-libong larawang na-upload sa platform. Pagkatapos ma-beripika ang ilang daan na larawan. Napunta ako sa isang malinaw na ebidensiya na ang mga larawan ay nakadugtong sa mga drug trafficking services, na may larawan ng mga droga na ibinebenta at advertising banners.

Para masolusyunan ito, ang pag-block at paglilinis ay sinimulan na. Tinitingnan ko ang mga IP na nagdudulot ng biglaang pagtaas ng mga upload. Simula nang malaman ito, naka-block na silang lahat sa platform at sa Cloudflare. Kaya naman bago mag simula ang proseso, sinimulan ko na mag ipon ng mga ibidensiya at dokumento kung ano ang nangyari, sa kasong ito kailangan ito sa hinaharap. Pagkatapos nito, nagbura ako ng humigit-kumulang 30,000 images (+8GB) na naka-upload sa loob ng dalawa o tatlong araw.

Kasunod, sinimulan ko intindihin ang iba pang setting na maaari kong ilagay sa server at sa platform para mabawasan ang maaaring maging problema sa hinaharap. Para dito, kailangan ko intindihin ang server logs kung paano gumagana ang bot at gumawa ng mitigation rules, para siguraduhin na hindi maapektuhan ang mga lehitimong users. Mas striktong filters laban sa sobrang dami na pag create, kaya naglagay din ako ng configuration sa Cloudflare

Pero hindi dito natatapos ito, kaya naging posible ito makita dahil sa bagong setting na sobrang epektibo. Pagkatapos ng ilang oras na paglilinis, isa na namang larawan ang lumabas na katulad ng nakaraang pangyayari. Pero ngayon ito ay iba; gumamit na sila ng bagong IP, na talagang magkaiba mula sa nakaraang logic. Dahil sa limitado lang ang mga larawan sa mga imahe na maaaring ipadala, kaya ang bot ay kailangan palitan ang IP address pag katapos mag padala ng kalahati ng mga maraming larawan.

Kaya sa bawat isa o dalawang araw, kada 10 minuto (humigit-kumulang), 3 o 4 na larawan ang lumalabas sa bot, gamit ang ibang IP. Pagkatapos ng ilang oras na lumipas, unti-unti na itong bumagal. At tuluyang natapos. Kaya ito ay natapos sa loob ng halos dalawang araw para mag-browse ng mga larawan dahil patuloy pa rin itong lumalabas.

Ito ang ilan sa mga nakaraang pangyayari. Ipakikita ko sa inyo ang klase ng serbisyo na maaaring abusuhin. Pinapakita dito kung paano, kahit na pinapaliit na datos ay sapat na upang makontrol ang mga ganitong kaso. Gusto ko magpasalamat sa Russian community dito sa forum, na tumulong


Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 7 823 (-159 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 3.51GB (+0.4 kumpara sa nakaraang buwan)
 Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 690 208*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 5 964 459*
 Bandwidth ngayong buwan: 1.04TB*
*Ang datos dito ay maaaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

1622
nakakita
     
#02

1618
nakakita
     
#03

1614
nakakita
     
#04

1612
nakakita
     
#05

1610
nakakita
              
#06

1607
nakakita
     
#07

1606
nakakita
     
#08

1605
nakakita
     
#09

1603
nakakita
     
#10

1603
nakakita
Peanutswar (OP)
Legendary
*
Offline

Activity: 2450
Merit: 2241


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
November 07, 2026, 06:50:02 AM
Merited by joker_josue (2), cryptoaddictchie (1), Porfirii (1)
 #17

 Statistika ngayong   Oktubre 2026____________________ ni joker_josue
Habang sa kasalukuyang buwan ng Oktubre tayo ay nagtatrabaho para ayusin ang mga donasyon at pag-renew ng server, kasama na rin dito ang paghahanda ng updates.

Naisip naming ayusin ang mga donasyon sa portfolio para makasigurado sa seguridad at maayos ang mga donasyon na matatanggap para sa TalkImg. Para dito, gumawa kami ng holding wallet kung saan lahat ng donasyon na makukuha ay ipapadala dito. Kaya naman, ang mga donasyon ay ipapadala sa usual na address (bc1qhwnncpdd8gfzqwjkk9n052wf7g9mvks3xaa7qa), tapos paisa-isang ililipat sa holding wallet. At ito naman sa consolidation wallet na pera ay gagamitin para masakop ang maintenance expenses ng TalkImg. Itinigil na din namin ang pagtanggap ng donasyon gamit ang LN. Makikita ninyo dito sa signed message sa usaping ito.

Tinatrabaho namin ngayon ang server provider para mag-renew ng bagong terms para sa susunod na 2 taon para maging stable ang service operation. Pagkatapos ng ilang negosasyon, masasabi ko sa inyo na posibleng mapanatili sa parehong financial condition na napagkasunduan sa nakalipas na 2 taon.Hindi lang ito mga perang kailangang magamit, pero kailangan din ang maiging seguridad para sa ikakatagal ng proteksyon. Ito ay posible ring mataasan ang storage space na pasok sa budget, kahit na may biglaang pagtaas dito. Itong renewal process ay matatapos ngayong buwan ng November, at hindi gaanong maapektuhan ang normal na operasyon ng TalkImg.

Nasimulan na din namin ang panibagong update, kung saan aayos ng ilang mga bugs at posibleng mag bigay ng mga bagong features. Inaasahan namin ang update na ito sa katapusan ng November. Gusto naming ipaalam sa inyo patungkol sa nakaraang problema patungkol sa PHP ay na naibsan na at hindi na appektado ang TalkImg.

Muli, ako ay nagpapasalamat sa lahat na sumusuporta sa proyektong ito.
At bilang pasasalamat, magbibigay ako ng isang eSIM na may hanggang 20GB (depende sa lokasyon at mayroong available) sa may pinakamalaking donasyon sa November 10th. Para mapasali, mag bigay lang ng donasyon dito bc1qhwnncpdd8gfzqwjkk9n052wf7g9mvks3xaa7qa. At, mag sulat ng signed message  mula sa address na pinadalang donasyon mula kanino at i-send ito gamit ang DM. Ang user na magbibigay ng pinakamalaking donasyon mula ngayon hanggang sa deadline ay makakatanggap ng impormasyon kung paano magamit ang eSIM.

Ito ang mga datos para sa ngayong buwan:
               
 
 Numero ng mga na upload ngayong buwan:
 8 984 (+1161 kumpara sa nakaraang buwan)
 
 Kabuoang disk space para sa ngayong buwan:
 4.07GB (+0.56 tkumpara sa nakaraang buwan)
  Bilang ng mga bumisita ng talkimg.com ngayong buwan: 797 173*
 Bilang ng mga binisitang larawan ngayong buwan (umabot ng): 5 545 211*
 Bandwidth ngayong buwan: 979.16GB*
*Ang datos dito ay maaaring hindi pa ang sumatutal na bilang, dahil sa Cloudflare.


10 sikat na larawan
Ito ang 10 larawan na madalas tignan (tantya) ngayong buwan, kung saan ay uploaded noong nakaraang buwan.

#01

3862
views
     
#02

2845
views
     
#03

2834
views
     
#04

2820
views
     
#05

2818
nakakita
              
#06

2799
nakakita
     
#07

2210
nakakita
     
#08

2207
nakakita
     
#09

2004
nakakita
     
#10

1746
nakakita
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!