Bitcoin Forum
May 24, 2024, 06:38:08 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 [11] 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 ... 77 »
201  Local / Others (Pilipinas) / Re: [PHILIPPINES NEWS] Taal Volcano Alert Level 4 already based on Phivolcs Advisory on: January 15, 2020, 02:36:27 AM
Be alert and always watch lang po tayo ng TV para po sure tayo sa balita, although, sabi nila is okay naman na daw ang Bulkan, hindi na masyadong nagaalburuto still not the reason pa din para hindi mag ingat, kasi may pangamba pa din na may lindol and posibleng biglang magalit ulit ang bulkan kaya magingat po tayong lahat.
Tama, wag maging kampante hindi natin alam ung mangyayari sa mga susunod na araw kaya dapat dagdag ingat tayo malamang hindi pa humuhupa
ung bulkan at may mga after effects pa sya. Iwas muna maglalabas ng bahay kung hindi naman importante at palaging makinig ng balita dun kasi manggagaling yung feed at mga updates.

Hanggat hindi pa humuhupa totally or 100% ang pag-aalburoto ng bulkan, mas mabuting wag nang sumugal pa sa paglalalabas ng bahay kung hindi naman kailangan.

Ang updated na balita ay wala dito kundi nasa telebisyon at radio o kahit sa social media. Minsan mas mabilis pa nga sa social media. So ugaliing magmonitor lagi.

Tsaka hindi na rin ashfall ang pinag-uusapan, andyan ang posibleng pagsabok at lindol.
202  Local / Pilipinas / Re: Need insights regarding hardware wallet on: January 14, 2020, 06:15:00 AM
1. Meron bang na mabibili thru FB wherein there is a lower price offered comapred to the original price and maintains the originality of the product?

Wag ng mag-risk kung hindi naman kailangan. Napakadumi ng FB in terms of fake, scam, etc. Dun ka na sa official site o store nila.

Quote
2. May fee ba kapag nagtatransfer ng crypto from coins.ph/ exchange/ or any kind of wallet sa hardware wallet?

Laging may fee kapag ang transfer ay hindi internal. So kapag ang transfer ay lumabas sa coins.ph wallet mo, may fee yan syempre. Pero sa tingin ko naman hindi ganun ka taas to the point na manghihinayang ka at pipiliin mo na lang ang risk over security.

Quote
3. Hardware wallet recommendations? Please explain why it is useful.

Ledger at Trezor. Di na kailangan ng explanation yan. Sila ang mga pundasyon pagdating sa hardware wallets. Hindi nila makuha ang reputasyon nila ngayon kung palpak sila. Ledger mas mura.
203  Local / Pilipinas / Re: [NEWS UPDATE]Japan and Philippines Initiate and Discuss Crypto Laws on: January 14, 2020, 05:47:48 AM
Interesting ito kung saan ito matutuloy. Sa ngayon progress na naman itong maituturing sa ating CEZA kung saan ang mga crypto projects pati na mga ICOs ay pwedeng magkaroon ng base at opisina. Success na rin ito sa buong Pilipinas kasi ang hinaharap ng fintech ay nasa crypto at ang pagiging bukas ng isang bansa sa crypto ay lamang sa ngayon. Isa sa dahilan dyan ay maraming mga bansang hindi nagbibigay ng accommodation sa mga crypto projects. Dapat sasamantalahin na natin ito at buksan ang ating pinto sa mga ganitong klaseng proyekto at kumpanya basta't hindi scam ang dala nila.

Maganda rin na Japan ang ang kasama natin sa discussion kasi ang Japan ay medyo advance na pagdating sa knowledge, understanding, at adoption sa crypto.
204  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ⚡⚡The First Digital Currency You Can Mine On Your Phone⚡⚡ on: January 14, 2020, 05:26:20 AM
Ang alam ko walang ICO ang PI Network, tsaka hindi rin pre-mined ito. Sa ngayon, ang pagmimina ng PI ay walang profit. Kahit isang kusing. Hehe. So kung convinced ka na posibleng magkakaroon ito ng halaga in the future, pwede kang mag-mine. Pero kung hindi naman, sayang lang din ang effort at CP mo. So mas mabuting malaman mo muna ang project bago magdesisyon na mag-mine o hindi.
Ito ang maganda sa mga project na ganyan na walang pre-mine which means patas ang distribution niyan kung malaki ang hawak mo mas malaki ang kikitain mo once magkaroon na ito ng exchanges sigurado kapag nakipagpartner ang devs nito sa mga institutional investors magkakavalue ito at kung ang supply e below 100m lang maganda ang magiging palitan nito sa merkado kaya mas maganda ipon na tayo habang wala pang exchange. 

Medyo lamang ang hindi pre-mined na coin kasi iba ang impression sa iba kapag ang isang project ay nagpopromote ng pre-mined na coin. Pero sa personal na tingin ko hindi naman yun big deal for as long as lahat ay nakalahad, kumbaga transparent lahat, at ang hatian sa mga existing coins ay reasonable naman. Iba rin kasi yung pre-mined tapos halos 50% ay nasa devs. Medyo negative sa akin yun kahit na naka-lock ito.

Umaasa ako na aabot sa punto na magkakaroon ng pangalan itong proyektong ito at magkakaroon ng halaga ang bawat PI. Sa ngayon growing pa rin naman ang number of miners kahit na ang tanging dahilan lang para mag-mine ay ang posibleng mangyayari in the future at hindi benefits na matatanggap sa ngayon.
205  Local / Pamilihan / Re: Winner of Tezos and Ledger Giveaway: not to brag but to inspired on: January 14, 2020, 05:04:27 AM
Maraming salamat po sa lahat. tama po kayo 50% hardwork 50% luck din po, according to ledger, nsa more thatn 40,000 participants po, maswerte and nabilang ako sa 100 na nanalo.

Isipin mo yung chance of winning mo 1:40,000. Talagang itinadhana na sayo mapupunta ang hardware wallet.

Pero may kunting hardwork din syempre kasi hindi naman lahat nakita at sumali dun. Baka yung iba isinantabi na lang kaagad at hindi na nageffort pang sumali.
206  Local / Pamilihan / Re: BSP will be selling P10,000 and P500 comemorative coins [70th Anniversary] on: January 14, 2020, 04:41:26 AM
Hindi naman sumasagot ang BSP sa email.

Meron na ba dito nagtry magpareserve sa email tapos sinagot?

Papalapit na rin ang deadline kasi.
207  Local / Pamilihan / Re: [FREE RAFFLE] LET'S HAVE SOME FUN!!! on: January 13, 2020, 04:23:06 AM
Okey lang sakin kabayan wala yun. 
Nanalo narin naman ako noong nakaraan lang haha. 
Sakin din naman may problema dahil nabura ko yung post ko. 
Congrats sayo next time nalang ulit ako sasali. 

Yun ang literal na pera na naging bato pa. Hehe.

Pero okay na rin naman yun kasi nagkachance yung ibang hindi pa nanalo.

Congrats Eternad.
208  Local / Pamilihan / Re: Winner of Tezos and Ledger Giveaway: not to brag but to inspired on: January 13, 2020, 04:02:11 AM
Congrats OP. Ngayon ay makakahinga ka na ng malalim kasi safe na ang mga coins mo dahil sa napanalunan mong hardware wallet.

Swerte ka talaga. Marami namang legit na contests pero sobrang swerte mo na kung ikaw ang mananalo. Libo libo madalas ang participants pag ganyan lalo na kapag free contest lang.
209  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ⚡⚡The First Digital Currency You Can Mine On Your Phone⚡⚡ on: January 13, 2020, 03:36:34 AM


Good question yan paps, kahit naman siguro masira ang cp natin just incase na nabagsak, na-snatch o naremata Smiley meron naman kasi tayong account dito kaya kahit sa ibang cp mo ilog-in pwede at mareretrieve mo ang iyong mga namina.


bale yong daily mining lang ang pwede magka problema incase mangyari ang mga ganitong problema?pero yong mga na mine mo na the previous days ay mananatiling nasa account mo ganon pa yon paps?medyo nabanggit mo kasi na pag nag log out mawawala ang on going mining that means in 24 hours duration lang pala?kung ganon eh mukhang mag DL na ako ng apps na to abay sayang din yong pwede kitain samantalang 24/7 naman online cp ko hehe.

Yes tama ka, yung namina mo previously intact yan ang maapektuhan lang kapag naglogout ka eh yung namina mo ng 24hrs, kaya no need to sign out, pwede naman patayin ang apps ng di ka naglologout, gumagana pa rin naman kasi ito.

Very nice pala to, ano po to may ICO/IEO din sila or own fund? Kumusta naman po yong profit base po sa inyong experience?

I will check it out nga po, meron kasi akong hindi na ginagamit na phone baka sakaling maging compatible pa siya, sayang din ang income in case na magfit siya.


Ang alam ko walang ICO ang PI Network, tsaka hindi rin pre-mined ito. Sa ngayon, ang pagmimina ng PI ay walang profit. Kahit isang kusing. Hehe. So kung convinced ka na posibleng magkakaroon ito ng halaga in the future, pwede kang mag-mine. Pero kung hindi naman, sayang lang din ang effort at CP mo. So mas mabuting malaman mo muna ang project bago magdesisyon na mag-mine o hindi.
210  Local / Pamilihan / Re: [News] Bumili ng US stocks gamit Bitcoin sa Abra app. Ano say nyo dito? on: January 13, 2020, 03:12:03 AM
Matagal na tong offered paps. Kahit nga ibang foreign currencies pwede rin sa abra. Pero duda ako na yung mga stock traders or investors ay abra ang gagamitin. Kung ako lang din, dun na ako sa mga may malalaki, may pangalan, trusted, tested, at talagang solid na stock brokers. Parang Philstocks o COL Financial sa Pilipinas kumbaga.

pero US stocks anf pinagb uusapan dito mate at hindi Local stock exchange kaya Abra ang ina advertise ,but for me?why should i need to Buy US stocks when i can have philstocks?

Kinumpara ko lang bilang halimbawa ang COL Financial at Philstocks. Hindi ko alam kung anong mga leading stock brokers sa US kasi hindi ako exposed dun. Ang punto ko ay in terms of stocks, mas mabuting dun na tayo sa trusted at tested o may pangalan na platforms.

Itong balitang ito ay nasulat nung July pa to last year.
211  Local / Others (Pilipinas) / Re: [PHILIPPINES NEWS] Taal Volcano Alert Level 4 already based on Phivolcs Advisory on: January 13, 2020, 02:49:51 AM
Medyo off-topic nga ito. Pero ganun pa man, ingat tayo kabayan. Kung hindi naman kailangan lumabas, wag na muna. Yung mga nakasked na mga gala, kung pwede cancel na muna. Maliban sa sagabal ang ash fall, delikado din ito sa ating kalusugan. Tsaka yung sa malapit sa mismong danger zone, doble ingat din. Malaki ang posibilidad na sasabog nga itong bulkang Taal.
212  Local / Pamilihan / Re: [News] Bumili ng US stocks gamit Bitcoin sa Abra app. Ano say nyo dito? on: January 12, 2020, 03:59:39 AM
Matagal na tong offered paps. Kahit nga ibang foreign currencies pwede rin sa abra. Pero duda ako na yung mga stock traders or investors ay abra ang gagamitin. Kung ako lang din, dun na ako sa mga may malalaki, may pangalan, trusted, tested, at talagang solid na stock brokers. Parang Philstocks o COL Financial sa Pilipinas kumbaga.
213  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Gabay] Tukuyin ang scam na pyoekto gamit ang tinatagong premined coin indicator on: January 12, 2020, 03:40:03 AM
Ayos itong thread na ito. Pero baka sabihin ng iba na porket pre-mined ang isang coin ay scam na ito. Hindi rin naman ganun. Hindi automatic na dahil pre-mined ang isang coin ay shady na o medyo maloko ang mga developers. Maraming dahilan kung bakit ang ibang coins ay pre-mined. Pero kapag tinatago ng mga developers na ang coins na inooffer nila ay pre-mined, yun siguro ay malaking red flag na posibleng nagpapahiwatig na scam nga ito.
214  Local / Others (Pilipinas) / Re: Legendary rank achieve!! 💓 on: January 12, 2020, 03:16:11 AM
Congrats yatsan.

Andami mong achievements, sunod sunod.

Sobrang laking tulong nung art contest sayo. Bumaha ng merit sa account mo. You deserve it. Artist kang tunay. Malaking inspirasyon ka dito sa local.
215  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ⚡⚡The First Digital Currency You Can Mine On Your Phone⚡⚡ on: January 12, 2020, 02:56:43 AM
Nagdownload ako ng apps nato nga lang need mag text sa US number para maverify yung phone number. Magkano ba need na load para makapag text sa US?

Naku po. Ako hindi pa nagverify ng number.

Ginamit ko nga lang na panglogin FB ko.

Medyo marami akong katanungan dito. Medyo malabo pa sa akin ito. So far, wala pa yata talaga kahit isang use case ito eh.

Sa ngayon wala pa, pero kung babasahin mo ang whitepaper nila sa apps medyo malilinawan ka paps. Maraming mga crypto enthusiast ang nagmimina ngayon nito kaya nakisabay lang din ako, malay mo naman maganda maging outcome di ba, at saka up until now wala namang pangit na epekto sa cp ko,

Ako nakikisabay lang din eh. hehe.

Lagpas na milyon na rin naman ang nagmimina so ibig sabihin nakalikom o nakabuo na rin sila ng community nila kahit papaano pero kahit sa mga nagmimina, kahit sa group nila mismo sa PI na app andun pa rin yung tanong kung saan papunta ang lahat ng ito. Syempre kilala natin ang devs, matinding mga bihasa galing sa Standford. Dahil dyan, medyo kampante ako na may patutunguhan itong project na ito kahit napakaraming questions pa rin ang tumatakbo sa aking isipan tungkol dito.

Tignan ko yung whitepaper nila kapag may time ako.
216  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [UPDATE] Senior advisor for the Dash Core Group has apparently disappeared on: January 12, 2020, 02:30:29 AM
Unfortunate para sa mga nabiktima niya, pero paano nila napagkatiwalaan ang nagiisang anonymous member ng buong core team. Pero ganun pa man hindi naman ito gaanong makakaapekto sa buong ecosystem ng crypto at mukhang isolated case lamang ito. Pero magsisilbi parin itong isang malaking aral sa mga mahilig mag stake ng mga coins na pagdating sa tiwala kailangan 50/50.
Yes! That was really unfortunate for the victims.
Mabuti na lang at hindi ako nakabili ng Dash kasi malamang pabagsak na yan. If ever na may mga ganitong balita especially this is not a FUD and all about an allegedly scam, naku maraming investors ang magwiwithdraw. Ipagdasal na lang natin na ibalik ang pondo kundi kawawa naman yung bumitaw ng pera.

Hindi rin naman madaling bumagsak ang DASH. Medyo blown out of proportion na rin siguro kung magconclude kaagad tayo na pabagsak na ang DASH dahil dito. Hindi lang naman dahil dyan ay masisira na ang buong reputasyon ng DASH. Isa sa mga pinagkakatiwalaan at beteranong altcoin ang DASH. Isa din ito sa mga nagbibigay ng strongly anonymous na features. Nasa top 30 consistent ang DASH. Sa katunayan nga, double digit ang growth nya ngayon, isa sa mga pinakamataas na growth sa lahat ng top altcoins sa ngayon.
217  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ⚡⚡The First Digital Currency You Can Mine On Your Phone⚡⚡ on: January 11, 2020, 03:48:40 AM
Nagdownload ako ng apps nato nga lang need mag text sa US number para maverify yung phone number. Magkano ba need na load para makapag text sa US?

Naku po. Ako hindi pa nagverify ng number.

Ginamit ko nga lang na panglogin FB ko.

Medyo marami akong katanungan dito. Medyo malabo pa sa akin ito. So far, wala pa yata talaga kahit isang use case ito eh.
218  Local / Others (Pilipinas) / Re: Resources Para Matuto sa English Language on: January 11, 2020, 03:23:09 AM
i'm working as a community manager and i need to learn english language as of now i can only speak basic, this is a big help thank you

English is more than just words put together into a sentence to make some sense. It is also about using punctuation marks properly. It is also about knowing when to use a capital word and when not to. "I" should always be capitalized.
You also have to write a sentence not only grammatically correct but also meaningfully correct because there sentences that is grammatically correct but meaningfully incorrect. We should practice english because we can use it in our daily loves most especially here. Because it is the only language that we can use to interact with our foreign brothers and sisters here.

Ibang usapan na rin yung content sa mismong sentence construction. Syempre yung content sobrang mahalaga nun kasi yun yung pinakapunto kung bakit ka gumagawa ng sentence. Pero kapag ang sentence mo naman ay hindi maayos yung pagkaconstruct syempre maapektuhan yung content. Pwedeng hindi mo na mapaabot ang talagang gusto mong sabihin o yung point mo kapag hindi mo naconstruct ng maayos yung sentence mo. Kaya parang hand-in-hand yung dalawa. Proper sentence construction para yung sense ng content mo hindi masisira at mawawala.
219  Local / Others (Pilipinas) / Re: Password changed/Woke up. Magandang senyales sa pagtukoy ng potensyal na scammer on: January 11, 2020, 03:04:55 AM

Advisable talaga security-wise na magpapalit ng password every once in a while. Iniencourage lagi yan sa kahit anong account na supported by a password.

Sa tingin ko hindi naman big deal ang account dito na nagbago ng password. Mas big deal kapag nagbago ng email. Big deal din kapag long time inactive tapos biglang naging active tapos may inooffer na services. Red flag din yan. At laging usisahin ang post history. Makikita din naman dun kung may pagbabago ba sa style ng post. Kapag meron at ginagamit ang account sa kung ano anong offers, red flag na rin yun.

Para sa akin din walang problema kong magpalit ka ng password mo every now and then, tama ka diyan para sa seguridad mo naman yon eh. For as long as wala naman nagcclaim na nahack sila with proof and everything then nothing to worry about changing passwords, I do it din lagi lalo na kapag nakapagsign up ako sa ibang lugar dati.
Frequently changing your password will make your account safer. Gawain ko kasi yan. Kahit na ako lang nakakaalam ng mga password ko frequently pa din aki nagpapalit for safety reasons kasi syempre di ba di natin masasabi panahon ngayon most especially sa tulad ko na mahilig magdownload uso pa naman phishing ngayon.

Laging reminder naman yan sa mga emails natin, kahit social media accounts, at kung ano-anong sites pa na passwords have to be changed every so often. Naalala ko nga may online bank account ako na nageexpire ang password. Because passwords need to be changed talaga. Kahit yung mga PIN dapat din binabago.
220  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: NEW!! Boxing Champ Senator Manny Pacquiao nilaunch na ang kanyang CRYPTO TOKEN on: January 11, 2020, 02:42:04 AM
Sa ngayon ba listed na sa mga exchanges, kahit sa minor man lang, ang Pac token?
Sa ngayon listed pa lang ang Pactoken sa GCOX exchange, Sa ibang mga exchange wala pa. Wala pa rin kasi usecases ang pactoken sa ngayon aside sa trading(speculation).

Akala ko GCOXIN na exchange, which is based in Singapore. Iba din pala ang GCOX.

Medyo nakakacurious lang na medyo mataas ang volume ng Pactoken sa GCOX kahit paano. Sa ngayon nasa 174.55 BTC. Or baka dahil lang ito sa trading competition? Before, or kahit nga hanggang ngayon, di ko lubos maisip bakit kailangan ng ganitong cryptocurrency.

At isa pa, nakanino ang ibang tokens? Nagtatanong lang kasi sa total supply na 1 billion PAC, wala pang 1 million ang nasa circulation.

GCOX stand for Global Crypto Offering Exchange  eto link ng exchange https://gcox.com

eto din ang link ng details about sa pactoken https://pactoken.io/pactoken
explore mo lang at meron din info about sa usecase ng pactoken

about naman sa volume hindi ko din alam kung bakit  ganyan kataas ang volume ng pactoken siguro madami din nagtitrade.

Akala ko kasi ang GCOX ay admitted na sa CMC. Hindi pa pala. Ang nasa CMC kasi GCOXIN. Medyo naintriga lang ako bakit halos magkapareho ang names nila.

Meron naman mismo sa GCOX na short description of the token. At medyo napakalimitado ng use cases nya especially on a larger scale, like on an international scale, gawa ng si Manny kasi domestic-based kasi nga public servant.

Yung taas ng volume malamang sa trading competition talaga yun.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 [11] 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 ... 77 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!