Bitcoin Forum
May 25, 2024, 05:50:03 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 [5] 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 ... 185 »
81  Economy / Trading Discussion / Re: What tools are not enough for you to interact with cryptocurrency? on: March 04, 2020, 01:59:26 PM
Also, we have the idea of a tool for comparing currencies on exchanges. We want to make a convenient place where all the tools you need are collected in one place. And in the end, we plan to make a convenient and practical toolbox out of just a news aggregator.
It's already existing and being provided by companies such as Blockfolio, Tab Trader. Although you may add features thus you may differ from them, you'll end up being one of their competitors which is difficult for a starting company such as your company.
What tools do you use to interact with cryptocurrency? What functions do you need? What do you advise us to strive for?
Most likely features for trading. There are a lot of features that can be added in trading. If you'll take a look at stock trading tools, there are a lot of elements from them which you can apply in crypto trading.
82  Economy / Gambling discussion / Re: After losing did you feel you must return the soonest to win back your losses? on: March 04, 2020, 03:00:35 AM
I found it as one of the most interesting question from this article. http://www.gamblersanonymous.org/ga/content/20-questions

Do you guys have that kind of feeling when you are losing in gambling?
Certainly I feel the same way whenever I'm losing in gambling however everytime it also happens, I tend to stop myself from trying to recover my loss the same day I cause that to happen. Most likely if I urge to get back what I've loss, I'll lose more and my control wouldn't be managable the same way as I do when I just started gambling earlier. It's a good practice to just keep yourself from gambling after losing then go back on the nezt day for a better mindset and control.
83  Alternate cryptocurrencies / Bounties (Altcoins) / Re: [Open] Koinly Signature Campaign, payout in ethereum. on: March 03, 2020, 06:46:38 AM
Bitcointalk profile link: https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=947291
Current amount of posts (including this one): 3624
How much merit have you earned in the last 120 days: 117
Ethereum Address for Payouts: 0x3Ec8013fD3089482834a7E044B72C3c5d4725041


I'll change my sig once accepted
84  Economy / Services / Re: [OPEN] FreshDice Signature Campaign on: February 24, 2020, 11:34:53 AM
Bitcointalk UID: 947291
Starting Post Count: 3623
Bitcoin Wallet Address: 3AnpJ7FfMrM2PNfmWgyT5JhhWQVDMzzGdr
Received merits on the last 120 Days: 117
85  Economy / Gambling discussion / Re: Assess your gambling addiction level. on: February 23, 2020, 10:45:45 AM
Level 0:
Gamble while gamble and may forget it for months. Gamble only with friends and gambling is not an option to kill boredom.
I'm currently at this level as I focus my time more often in trading instead of gambling because I'm a person who explores everything that will make me grow and I don't seem my growth development by focusing my time becoming a better gambler since it's the least option that I'm thinking of.

I most likely play with friends as gambling is one of our past time and bonding also. We used to play together in order to watch everyone thus no one would be greedy and if someone of us needs a strategy, it can be given by simply asking and choosing which is best by deciding with majority.

86  Economy / Services / Re: [OPEN] PlayBetr Signature Campaign | Hero/Legendary | $50/Week in BTC on: February 22, 2020, 05:46:23 AM
Bitcointalk profile link: https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=947291
Current amount of posts (including this one): 3621
How much merit have you earned in the last 120 days: 117
SegWit BTC Address for Payouts: 3AnpJ7FfMrM2PNfmWgyT5JhhWQVDMzzGdr


I will add everything once accepted
87  Local / Pilipinas / [TAGALOG] [Paano] Gamitin ang Ledger Nano bilang Security Key on: February 19, 2020, 01:49:01 AM


Ito ay pagsasalin lamang. Ang orihinal na thead ay makikita sa pamamagitan ng pag-click sa link na nasa itaas.

Ito ay isang tutoryal sa kung paano gamitin ang Ledger Nano bilang isang security key para sa iba't ibang mga account online.



Prebiyu: Ledger Nano at U2F na nasa aksyon

1. I-start ang FidoU2F App



2. Mag-navigate sa dati nang naka-set up ng online account at mag-log in.

3. Kumpirmahin ang Login sa Ledger



4. Tapos na!




I-configure ang Ledger bilang USB Security Key

1. I-download at i-install ang Ledger Live: https://www.ledger.com/pages/ledger-live
2. Ikonekta ang Ledger Wallet sa iyong kompyuter at buksan ito gamit ang PIN
3. Buksan ang Manager
4. I-install ang "Fido U2F" App

I-set up ang Google Account

1. I-click ang 'Security' sa iyong Google Account.
2. I-activate ang '2-Step Verification', kung hindi pa nagawa
3. Ikonekta ang Ledger at buksan ito gamit ang PIN
4. I-click ang 'ADD SECURITY KEY' mula sa available na 2-Step-Verification options.
5. Buksan ang FidoU2F app sa ledger at i-click ang continue
6. I-click ang 'yes' sa Ledger kapag lumitaw ang mensahe na 'Confirm registration'.
7. Tapos na!

I-set up ang Twitter account

Upang magamit ang U2F, kailangang ma-activate muna ang SMS notification.

1. Buksan ang 'Settings and Privacy'
2. I-click ang 'Set up login verification'
3. I-verify ang numero ng telepono
4. Bumuo at isulat ang backup code (kung sakaling mawala ang U2F key)
5. Ikonekta ang ledger at buksan ito gamit ang PIN
6. Buksan ang FidoU2F app sa ledger
7. Sa ibaba ng 'Security key' i-click ang 'Setup'
8. Tapos na!

I-set up ang Dropbox

Una kailangan mong mag-set up ng 2FA sa pamamagitan ng SMS o Authenticator App

1. Mag-log in sa dropbox.com.
2. I-click profile picture.
3. Piliin ang settings.
4. I-click ang 'Security' tab.
5. Sa ilalim ng ''Two-step verification' pindutin ang 'ON'.
6. Piliin ang alinman sa 'Per SMS' o 'Via mobile app' at kumpletuhin ang proseso.
7. Sa ilalim ng 'Two-step verification' pindutin ang 'Add' button na sumunod sa 'Security key'.
8. Ikonekta ang ledger, i-start ang FidoU2F app.
9. I-click ang 'Start Setup'.
10. Ipasok ang dropbox password.
11. I-click ang 'yes' sa Ledger kapag lumabas ang mensahe na 'Confirm registration'.
12. Magtalaga ng pangalan para sa key
13. Tapos na!



Ang iba pang mga halimbawa ng mga website na sumusuporta sa U2F ay e.g: AWS, Bitfinex, Github & Gitlab, Nextcloud

Nag-aalok ang https://www.dongleauth.info ng listahan ng mga website at at kung sinusuportahan ba nila ang Universal 2nd Factor (U2F) o hindi.


Ang iba pang bentahe: Ang Recovery Seed Phrase ay nagsisilbing backup, na maaari ring mai-restore sa iba pang mga hardware wallets!


Mga Pinagmulan:
1) https://7labs.io/tips-tricks/ledger-wallet-as-usb-security-key.html
2) https://www.dropbox.com/help/security/enable-two-step-verification
Smiley
88  Alternate cryptocurrencies / Service Discussion (Altcoins) / Re: Bountyhive Platform Active again (Stop complaining now hunters!) on: February 17, 2020, 11:52:53 PM
For 2 years bountyhive given me opportunity on their platform as a hunter. I made some blogs and join social and signature and only few of their project got becomes lifeless or scam one. At least the manager of this platform make sure that payment will be given to you. Now as a hunter what can you say about them back? Do you agree that some telling that this platform is scam? I want to hear your thoughts.
I'm personally one of the bounty hunters under Bountyhive platfrom. I've done some of translations, social media campaign, and signature campaign under their supervision and they really pay for what you've worked for. The only problem to them is that they don't provide a tracking sheet just like what other campaign mangers in this forum used to provide for the participants for ths sake of transparency. On the other hand if we'll rate them as a whole, for sure they would still get a positive feedback since they are providing their service automatically and professionally.
89  Local / Others (Pilipinas) / [TAGALOG] Gabay at payo para sa mga bagong user bago mag-download mula sa Forum! on: February 17, 2020, 04:28:49 AM


Ang most posted na link ay matatagpuan sa mga bagong gawang ANN na nakikita mo at posible na ang isa sa mga ito ay PEKENG ANN at narito sisimulan ko ang aking unang payo.

Kung nakakita ka ng mga bagong gawang ANN o mga thread at ikaw ay ineresado sa mga ito at may balak na seryosong sundin ang proyekto, sundin ang mga sumusunod bago ka mag-click sa anumang link sa pag-download:

- 1 Kopyahin ang pamagat ng thread at gumawa ng ilang paghahanap sa Google o gamitin ang search field dito sa forum

(Ipapakita nito sa iyo kung mayroong iba pang mga thread na may parehong pangalan na katulad, normal kapag mayroong kahit isa)

(Kung nakakita ka ng isa pang thread na may parehong pamagat, tignan ito at marahil suriin ang petsa ng paggawa ng thread at makikita mo kung anong thread ang naunang gawin)


- 2 Tumingin sa User na gumawa ng bagong ANN

(Karamihan sa ginawang PEKENG ANN ay ginawa mula sa mga newbie na hindi gaanong aktibo at makikita mo rin ito kapag sinuri mo ang orihinal na ANN na mayroong magkakaibang mga user na gumawa ng mga ANN)

- 3 Gamitin ang quote button upang makita ang nasa likod ng mga link na maaari mong makita sa mga ANN

(Ipapakita nito sa iyo ang tunay na link ng kung ano ang maaari mong makita sa ANN at mangyaring suriin din ito sa orihinal na ANN kung mayroong pagkakaiba ng pangalan ng link)


Narito ang halimbawa ipapakita ko sa iyo!

Maaari mong makita sa larawan sa ibaba kung ano ang itsura nito


Ngunit kung gagamitin mo ang quote button, maaari mong makita na may ilang iba pang link at iyon ay kahina-hinala
Code:
Wallets:
Windows: [url=https://bitbucket.org/develsoftware/gcc-coin/downloads/GCCcoin.rar]https://mega.nz/#!QPxEhQ5b!ICzbJn2wVveWsFazG_CDpY0GI_5RBjg1cIB7_lMxP04[/url]

Maaari mong makita na may isa pang link na itinago mula sa normal na nakikita mo!

- 4 Suriin kung paano nakasulat ang mga link kapag tiningnan mo gamit ang Quote nito

(Bilang halimbawa, si Lafu ay nagsulat sa thread ng Spambuster dito: https://bitcointalk.org/index.php?topic=4720640.msg51869997#msg51869997)

Tignan nang eksakto kung paano nakasulat ang mga pangalan at letra at sa ibaba maaari mong makita kung ano ang ibig kong sabihin

Code:
 Pekeng Github : https_://github.com/cryptonexli

Tunay na Github : https_://github.com/cryptonexii

Maaari mo ring gamitin ang Virustotal upang suriin ang mga link o kung na-download mo na ang file ay maaari mo nang suriin ang file nang direkta sa Virustotal: https://www.virustotal.com/gui/home/upload

Kadalasan ng mga pekeng ANN ay may mga dowload link mula sa Bitbucket o may mali silang naisulat gamit ang iba pang letra na nasa loob nito, at mayroon silang MALWARE sa loob nito na nagnanakaw ng iyong mga detalye sa account, wallet at Email!

Suriin ito nang ilang beses bago ka mag-download ng anuman at umaasa ako na iyon ay makakatulong upang maging ligtas ang ilang mga user doon na may mga coin at pera at ilang mga aksyon bago sila maapektuhan.

Gayundin ang payo ay para din sa mga Tagapagsalin at sa lahat, kung nahanap mo ang mga ANN na nagkakaroon ng mga ganoong bagay o sa palagay mo ay kahina-hinala, i-ulat ang mga ito sa mga Moderator!


Salamat kay Pffrt para sa mga link sa ibaba.

Dito maaari kang makahanap ng isa pang thread tungkol sa mga naturang bagay mula sa grue: https://bitcointalk.org/index.php?topic=935898.0


Kung napagtanto mo ang isang bagay na tulad nito at hindi ka sigurado kung ito ay Malware o isang Bad Software ay sumulat sa iba pang THREAD ni Lafu dito:

Report Malware and Suspicious Links here so Mods can take Action !
90  Economy / Services / Re: [OPEN] EARNBET SIGNATURE CAMPAIGN | SENIOR, HERO & LEGENDARY MEMBER | on: February 16, 2020, 11:35:11 PM
Username: Polar91
Post Count: 3617
BTC Address: 3AnpJ7FfMrM2PNfmWgyT5JhhWQVDMzzGdr


I will update everything once accepted.
91  Economy / Gambling discussion / Re: What are your recommended ways of gambling. on: February 16, 2020, 10:21:05 AM
If you have some tips which helped you to gamble for years, please share here. I have limited budget but want to gamble for longer duration even I will not make profits.
First things first, gamble with a game which you doesn't find it difficult to deal with. Meaning, in the long run you're playing you must still in control and your greed shouldn't trigger often. For example in a dice game. If you wanted to play for longer game, then you should bet manually and your bet shouldn't be a huge percentage of your capital. This will tests your patience that's why you really have to identify to yourself if you can endure that. Alternatively, you may play other games which requires a low requirement bets such as color wheel, poker, and etc. Through playing other games which suits to your knowledge and skills, you won't get bored which will allow you to play the game in full control.
92  Local / Others (Pilipinas) / HERO MEMBER RANK ACHIEVED 💎 on: February 16, 2020, 07:20:50 AM
Hi, ang post na ito ay upang maging inspirasyon sa ating mga kabayan na hanggang ngayon ay nagsusumikap na tumaas ang kanilang rank dito sa forum.

Gusto ko lang magpasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin specially kela: Debonaire217, Pinkris128, Meowth05, GreatArkansas, cabalism13, atbp. Obviously, hindi naging madali ang aking naging paglalakbay upang maging isang ganap na hero member specially nung ipinakilala ni theymos ang merit system noong 2018 na siyang ikinagulat ng lahat. Way back that time, I think nasa 400 mahigit na yung activity ko and hindi pa umabot ng 500 kaya naman nanatili akong senior sa loob ng dalawang taon.

Medyo natagalan ako sa pag-rank up dahil hindi ako ganung gumagawa ng mga topics at ang puhunan ko lang nun ay mag-reply ng mga valuable at may sense na post nang sa gayun ay mapansin ng mga merit source at ibang mga members na willing magbigay ng kanilang suporta.

Gusto kong sabihin sa ibang mga members na pinanghihinaan ng loon na mag-rank up na kaya niyo yan! Hindi man madali pero doable naman as long as yung mya posts na ginatawa mo ay may talaga namang may sense at valuable and helpful dito sa forum. Hindi ganung kahirap iyan dahil kunt magtiyatiyaga kang magbasa kahit dito lamang sa forum, masasabi kong kaya mong maging isang quality poster.

Muli, maraming salamat. Kung di dahil sa inyo hindi ko maaabot ang rank na narating ko ngayon. Looking forward na maging legendary member soon. Bali dalawang taon ako bago naging maging hero so tingin ko mga apat na taon magiging legendary na ako XD


93  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Gabay] Paano makakuha ng genuine windows 10 ISO at bakit? on: February 16, 2020, 07:03:10 AM
Possible translation:

Pagkopya ng ISO gamit ang Rufos at ilang mga saloobin.

ang "with" doon ay ginamit hindi bilang kasama kung hindi bilang gamit o bagay na kailangan sa pagkopya.


Saloobin:

Magandang basihan upang magkaroon ng idea ang google translate pero kadalasan ito ay nagtatranslate ng literal na salin sa ating wika at kadalasang maaaring makapagbigay ng ibang kahulugan.
Sa totoo lang, nahirapan talaga ako sa word na yan since pinag-iisipan ko kung ireretain ko yung orihinal na salita o isasalin ko. Buti na lamang ay sinabihan mo ako tungkol diyan, na-appreciate ko yung concern mo para mas mapabuti ang thread na ito.

Sa hindi inaasahang dahilan, ang kompyuter ko ay nag blue screen, hindi ko na maopen ang pinaka OS at tinatry kong i automatically fix ito ngunit hindi ko magawang mapagana ulit.

Tnry kong ipagawa ito ngunit may mga mahahalagang files na nakastore kaya't hindi ko na tinangka. Bago lang ako field ng IT at dahil sa thread na ito, naayos ko ang aking PC partikular na ang OS nito.

Mabuti na lamang at may isa pa akong partition kung saan naka store lahat ng mahahalagang files ko at naiformat ko ang drive C.

Hindi ko matatawaran ang thread na ito sa panahong sobrang kinailangan ko ng tulong.

P.S. I think ang best compensation ko sa pagiging hero mo sa aking personal computer ay tulungan ka din maging ganap na hero.
Nakakataba ng puso kapag nalaman kong nakakatulong ako sepcially sa kapwa ko Pilipino. It's a good thing knowing ang kinahantungan ng thread na ito. Btw, maraming salamat sa iyong pag-suporta; hindi ko inasahan yung ibinigay mong merit. Anyway, makakaasa ka na ipapamahagi ko ang smerits ko sa iba nating mga kababayan na sa tingin ko ay may kapaki-pakinabang na post.
94  Economy / Trading Discussion / Re: Best trading platform? on: February 14, 2020, 10:13:19 AM
I need your assistance  to understand which is the best trading platform apart from binance as I have mixed experience when it comes to trading as my experience with binance was smooth and really productive but I had terrible  experience  with other trading platforms like coinbene  and all as it's  ruined by the bot trading.  Kindly suggest the best trading site apart from binance along with your experience
I'm recommending you to use Poloniex as I've used it before Binance and their platform runs smoothly and very suitable for any kind of trader. They are offering leverage/margin trading which enables you to maximize the features that can be acquired from an exchange. I've never had any issue to them.
95  Local / Others (Pilipinas) / [Gabay] Paano makakuha ng genuine windows 10 ISO at bakit? on: February 14, 2020, 08:16:06 AM


Ito ay pagsasalin lamang. Ang orihinal na thead ay makikita sa pamamagitan ng pag-click sa link na nasa itaas.

Prelude:

Kagabi ay nag-install ako ng windows sa isa sa aking mga makina habang pinapanood ang pag-install ay may kung anong lumabas sa isip ko. Mabilis akong nagpunta at i-ginoogle ang Mga taong nagpapatakbo ng pirated windows, hindi ako makahanap ng mga opisyal na istatistika mula sa Microsoft na kung saan ay maiintindihan dahil nagbibigay ito ng F masamang dating sa kanila ngunit nagawa kong makahanap ng ilang mga nakababahalang mga anggulo ... Ang artikulong[1] ito mula sa Indiatimes ay nagpakita sa isa mga resulta sa aking paghahanap. Ayon sa isang pag-aaral sa Microsoft sa Asya tinatayang 91% ng mga PC na nabenta sa Indya ay gumagana sa piratang Windows 10, At 85% ng mga ito ay may mapanganib na Malware. Ang kwento ay hindi pa nagtatapos dito.

Quote from: IndiaTimes
The software piracy levels in some countries is unbelievably high. According to Microsoft's report, Malaysia, Vietnam and Thailand reported 100% piracy in brand new PCs purchased off the shelves.

India was next in line with 91% pirated Windows coming pre-installed on brand new, box packed computers and laptops. That's not all. In India, 85% of PCs that came with a pirated version of Windows 10 pre-installed were also loaded with dangerous malware, including backdoor software that could be used by hackers and bitcoin miners that secretly utilize your PC's power and performance for someone else's use, according to Mary Jo Schrade, Assistant General Counsel and Regional Director of Digital Crimes Unit in Asia at Microsoft in Singapore.

Ito ay talagang gumulantang sa akin ... Ang mga taong ito ay hindi kumita nang sapat at kung sila ay naging biktima ng scam sa pamamagitan ng anumang hindi naman nila kasalanan.Ang pinakamaliit na magagawa natin ay balaan sila. Kung nagpapatakbo ka ng isang pirated na bersyon ng Windows ay mangyaring kumuha ng kahit Tunay na Windows 10 ISO lamang mula sa Microsoft! Ang gabay na ito ay magpapakita sa iyo nang eksakto kung paano mo makukuha ang tunay na Windows 10 ISO sa pamamagitan ng isang Direktang link. Ang Microsoft ay naging walang kwenta para sa ilang taon at ngayon ay itinutulak nila ang pag-download ng mga tool para sa pag-download ng windows 10 ngunit ang gabay na ito ay magpapakita sa iyo kung paano ito magagawa at makakuha ang ISO file. Bago makisali ang isang tao at nagsasabing gumagamit ng Linux, Hindi lahat ay maaaring lumipat sa mga platform nang magdamag. Maraming mga kadahilanan na napag-usapan dati at hindi ko nais na magtungo roon.



Mga bagay na dapat isipin bago tayo magsimula:

  • Kung nakagawa ka ng wallet sa isang pirated windows, isaalang-alang na ito ay nakompromiso. Iminumungkahi ko ang paggawa ng isang bagong wallet matapos i-install ang mga bagong window at ilipat ang iyong Bitcoin sa iyong bagong wallet. Bonus points kung mag-uupgrade ka sa Segwit.
  • Isaalang-alang pati narin ang lahat ng iyong mga password na nakompromiso. Iminumungkahi ko ang paggawa ng mga bagong password para sa lahat ng mga website na nakarehistro sa iyo. Maniwala ka, mahalaga ito. Basahin ang gabay na itomula kay @GreatArkansas.
  • Isaalang-alang ang pamumuhunan sa OEM Windows key. Karaniwan sito ay nagkakahalaga ng $5-$10. Lumayo sa windows activator. Kung hindi ka makakabili ng OEM key, subukan na mabuhay gamit ang ang watermark.
  • Isaalang-alang ang paglayo sa mga crack, Maghanap ng mga libreng alternatibong open source para sa iyong mga pangangailangan.
  • Isaalang-alang ang pag-format ng lahat ng iyong mga drive/Nakaraang data. Ang isang fresh start ay lamang ang makakatulong.

Mayroong suhestyon na idagdag sa listahang ito? Huwag mag-atubiling iwanan ito sa ibaba.



Simulan Natin, tara na ...

1) Pumunta sa URL na ito: https://www.microsoft.com/en-us/software-download/windows10




2) Kailangan mong paganahin ang Responsive Design Mode sa iyong browser. Kung ikaw ay nasa firefox/Chrome/Opera magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpindot sa Ctrl + Shift + M matapos buksan ang iyong console.




3) Pumili ng isang Apple Device mula sa menu ng Dropdown at i-refresh ang page.




4) Piliin ang Pinakabagong Bersyon ng Windows at piliin ang iyong naaangkop na wika. I-click ang confirm.




5) Piliin ang naaangkop na arkitektura 64-bit o 32-bit at simulan ang iyong pag-download. Karamihan sa mga PC ay sumusuporta sa arkitekturang 64bit sa mga araw na ito ngunit maaari mo pa ring tiyakin na ang iyong CPU ay katugma sa pamamagitan ng pag google ng "( CPU model ) 64-bit support"






Pag-burn sa ISO gamit ang Rufus at ilang mga saloobin.


Kapag nakumpleto na ang iyong pag-download. Tumungo sa https://rufus.ie/ at i-download ang pinakabagong bersyon. Hindi ko inirerekumenda ang iba pang mga ISO burner dahil ang Rufus ay OpenSource. Huwag gumamit ng iba pang mga shady na burner ng ISO dahil maaari silang magpasok ng lahat ng mga uri ng malware habang binuburn ang ISO. Lubos kong iminumungkahi ang pagsunod sa video na ito: https://youtu.be/K7SlsJEVSXc?t=60 dahil gamit nito ang lahat ng kailangan mong malaman habang binuburn ang file na ISO. Iminumungkahi ko rin ang pagbibigay ng ilang oras sa pag-aaral kung paano mag-install ng mga windows sa pamamagitan ng iyong sarili, Maraming mga tutorial/gabay sa youtube sa paligid na magdadala sa iyo sa sunud-sunod na proseso. Sa mundo ng Crypto, wag ka nagtitiwala sa sinuman maliban sa iyong sarili. Kaya huwag hayaang mai-install ang anuman para sa iyo. Kung totoong naniniwala ka sa Bitcoin, igalang ang mga ideya sa likod nito.

Ang P.S Microsoft ay nagpa-publish ng kanilang mga Checkum ng ISO ngunit sa ilang kadahilanan ay tinalikuran ito nang buo. Kaya kung ang iyong network ay naka-kompromiso, ay walang paraan ng pag-verify ng ISO na iyong nai-download mula sa Microsoft ay talagang legit. Sa katagalan, dapat mong isaalang-alang ang paglipat sa isang Linux based Environment.


Pinagmulan:
[1] https://www.indiatimes.com/technology/news/91-of-pcs-sold-in-india-run-on-pirated-windows-10-and-85-of-them-have-pre-loaded-malware-355997.html
96  Economy / Gambling discussion / Re: Which is easier, stop when you are winning or stop when you are losing? on: February 12, 2020, 02:23:23 PM
Do we have the same attitude or not?
Definitely we have the same attitude because taking stopping with profit is easier than stopping to avoid further loss. The reason is that although greediness triggers on both situation, when we are losing we are more likely to get anger thus it makes our emotion arise rapidly without knowing to ourselves that it occure as we're busy recovering that losses. On the other hand when we stop with profit, what our problem is that we aren't contented but it's more acceptable and your emotion at that situation is less aggressive.
97  Other / Meta / Re: Save your nice merit records, here. on: February 08, 2020, 02:11:14 PM
98  Local / Pilipinas / [Gabay] Protektahan ang iyong Crypto: Mga Security tip para sa iyong kompyuter on: February 07, 2020, 11:09:56 PM


Ito ay pagsasalin lamang. Ang orihinal na thead ay makikita sa pamamagitan ng pag-click sa link na nasa itaas.

Ang ideya ay magsulat ng isang maikling gabay upang matulungan kang gawing mas ligtas ang iyong mga home computer.
Tiyak na isang hakbang ito sa tamang direksyon upang maprotektahan ang iyong network/pc/wallets mula sa hindi awtorisadong pag-access. Smiley



OVERVIEW (clickable)





WLAN NETWORK

Simula sa pinakamahalagang bahagi (para sa akin), dahil ito rin ang pinaka kritikal.


- Patayin ang WPS

Karaniwan, mayroong dalawang magkaibang posibilidad kung paano magkakaroon ng koneksyon sa pamamagitan ng WPS.

PIN:

Upang magkaroon ng koneksyon, kailangan mong magpasok ng 8-digit PIN.
Hindi sinusuri ng router ang 8-digit PIN nang sabay-sabay, sa halip ay susuriin nito ang unang apat na numero at pagkatapos ay ang huling apat naman.

Ang Reaver, halimbawa, ay nag-aalok ng napaka-simpleng paraan upang i-launch ang brute force attack sa WPS pin.

Bigyang pansin: Ang WPS Pin function ay pinapagana ng default sa karamihan ng mga Router model.

Push- Button:
Ito ay mas ligtas na bersyon, dahil ang physical button sa router ay kailangan pindutin at ang koneksyon ay maaaring maitatag lamang sa loob ng ilang minuto.


- Palitan ang Wifi Password at ang Admin Password

Ang default password ng Netgear (WiFi) ay binubuo ng mga sumusunod:

pang-uri + pangngalan + 3 digits

Hindi dapat maging masyadong mahirap na mag-fnd gamit ang Dictionary + Hashcat na may GPU. Wink
Maaari kang makahanap ng isang pangkalahatang-ideya ng mga pamantayan sa password ng WiFi sa sumusunod na website:: https://forums.hak5.org/topic/39403-table-of-wifi-password-standards/

Mangyaring baguhin din ang default password ng admin sa lalong madaling panahon!
Kung hindi mo matandaan ang iyong default password, mahahanap mo ang halimbawa dito: https://default-password.info/


- HUWAG(!) mong i-hide ang iyong network

Ang SSID (ang pangalan) ng iyong network ipinadala bilang broadcast upang malaman ng iba pang mga device.


Ang pag-alis sa SSID broadcast ay HINDI isang tampok ng seguridad!

Ano ang mangyayari kung hindi mo pinagana ang SSID Broadcast:
Ngayon ang mga kliyente ay dapat na aktibong maghanap para sa mga pinagkakatiwalaang network sa pamamagitan ng pagpapadala ng broadcast ng pinagkakatiwalaang SSID.
Maaari nang gamitin ng mga umaatake ang SSID information upang magpanggap ang kliyente bilang isang mapagkakatiwalaang AP.

Kahit na ang board tools ng Windows ay maaaring ipakita ang mga nakatagong network (wlan show networks mode=bssid).
Ang SSID mismo ay medyo madaling malaman sa Kali Linux at airmon-ng.


-Gumamit lamang ng WPA o ng WPA2 (Mahalaga!!)


- HUWAG i-filter ang MAC addresses (opsyonal)

Ang pagfi-filter ng MAC addresses sa pangkalahatan ay HINDI itinuturing na tampok sa seguridad at mas itinuturing itong tampok sa pangangasiwa ng network.
Ang kailangan lang gawin ng isang umaatake ay subaybayan ang trapiko at suriin ang data packet.

Gayunpaman, ang filter na ito ay hindi nag-aalok ng kawalan ng pinsala sa mga tuntunin ng kaligtasan at kung gayon maaari pa rin mai-configure sa kagustuhan.



MGA PASSWORD

- Gumamit ng offline password manager

Maaari lamang na huwag gumamit ng kahit anong browser extensions!

Ang aking rekomendasyon: KeePass

Hint: Maaari ring magamit ang KeePass kasama ang yubikey.

Narito ang official tutorial: https://www.yubico.com/why-yubico/for-individuals/password-managers/keepass/?s=


2 FACTOR AUTHENTICATION

Bilang karagdagan sa mga password inirerekumenda na i-activate ang 2FA (kung saan posible).

Ang Google Authenticator ay marahil ang pinakapopular na magagamit na tool.

Ang aking rekomendasyon: Authy

Nagbibigay ang Authy ng kakayahang i-backup ang lahat ng mga account sa Authenticator at magbigay ng pag-access sa maraming mga device.
Ang backup ay naka-imbak na naka-encrypt sa cloud.

Ang sinuman na inilipat ang kanilang Google Authenticator sa isang bagong smartphone ay maaaring pahalagahan ang kalamangan na ibinigay ng solusyon na ito.  Wink

Gayunpaman, ang backup function ay hindi naman kailangang mai-activate dito.
(Ang lahat ay dapat magpasya para sa kanilang sarili kung nais nilang gamitin ang backup function.)

Hardware authentication sa pamamagitan ng FidoU2F ay mas ligtas!
Ang aking rekomendasyon: Bumili ng yubikey!

Maaari mo rin basahin ang isa ko pang thread kung paano ito gumagana sa isang ledger:
[Howto] Use Ledger Nano as Security Key


MAIL ADRESS

- Ang iyong mail address ba ay bahagi ng data leak?

Mag-navigate lamang sa https://haveibeenpwned.com/, i-enter ang iyong e-mail address at pindutin ang "pwned?" button sa kanan.
Awtomatiko itong susuriin kung ang email address at mga nauugnay na account ay nakompromiso.


- Piliin ang tamang provider

Ang aking rekomendasyon: ProtonMail


- Phishing Mails

Ang mga mail na ito ay ginagamit ng mga malicious actor upang magnakaw ng personal na data o pera.

Narito ang ilang mga karaniwang pamamaraan:

- Nanalo ka
Ikaw ang nagwagi ng isang paligsahan, loterya o iba pang mga katulad, upang matanggap ang halaga ay dapat munang magbayad ng bayad o naipon na buwis.

- Mga mail na pinapa-reset ang iyong password

- Sextortion SCAM

Dito nagsasabing ang suspek ay nagmamay-ari ng talaang webcam sa iyo na bumibisita ka sa site ng porno.
Kadalasan mayroon ding isang password na nakalakip na naka-link sa iyong email address mo dati.
Ito ay kadalasang galing sa data leak. (mangyaring sumangguni sa: Ang iyong mail address ba ay bahagi ng data leak?)

Hint: Gumamit ng isang hiwalay na password para sa bawat serbisyo at gumamit ng password manager.


GUMAMIT NG VPN

Para sa karagdagang proteksyon, inirerekumenda na gumamit ng VPN SERVICE na hindi nagla-log ng pribadong data.
Inirerekomenda ito lalo na kung wala ka sa iyong sariling home network.

Ang aking rekomendasyon: AirVPN (native client din para sa LINUX!!) o NordVPN
99  Local / Others (Pilipinas) / [TAGALOG] Paano gumawa ng Blockchain? Bumuo ng iyong sariling chain on: February 07, 2020, 07:55:31 AM
ORIHINAL NA THREAD ni webtricks


Ito ay pagsasalin lamang. Ang orihinal na thead ay makikita sa pamamagitan ng pag-click sa link na nasa itaas.

Ang header ay dinesenyo ni: HBKMusiK                              


Maaaring nabasa mo ang maraming mga teoretikal na post sa kung paano gumagana ang mga cryptocurrencies, kung paano gumagana ang blockchain at maraming iba pang mga kaugnay na konsepto tulad ng Proof of Work, sha256. at iba pa. Ngunit ang gayong mga theoretical posts ay maaring magbigay sa iyo ng pangunahing ideya tungkol sa pagtatrabaho at maraming mga bagay ay mananatiling misteryo sa iyo. Kaya, ang layunin ng thread na ito ay upang mabigyan ka ng unang karanasan tungkol sa kung paano gumagana ang Blockchain gamit ang tunay na coding.


Bago ko simulan ang gabay, nais kong linawin ang ilang mga bagay:

Una, ang thread na ito ay para sa layunin ng pag-aaral lamang. Ang code sa ibaba ay hindi pa production ready at may ilang mga kahinaan. Kung plano mong gamitin ito para sa produksyon, tiyaking makipag-ugnay muna sa akin at sasabihin ko sa iyo ang mga kinakailangang idagdag na dapat mong gawin upang maging handa ito sa paggawa.
Pangalawa, ang gabay na ito ay gagamit ng Javascript / Node.JS kaya kung mayroon kang pangunahing ideya tungkol sa kung paano gumagana ang Javascript ang gabay na ito ay cake-walk na lamang para sa iyo. Kung hindi, kahit na ikaw ay maaaring matuto nang labis hangga't sinubukan kong manatili bilang descriptive hangga't maaari. Ngunit kung natigil ka sa isang lugar, PM mo lang ako o mag-post dito at lulutasin ko ang bawat pangamba na natanggap ko. Sapat na ang sinabi, simulan natin:



PART 1: BLOCK

Part 1(a): Constructor Class

Ok! block tulad ng alam nating lahat ay pangunahing yunit ng Blockchain. Ang series ng magkakaugnay na mga blocks ay bumubuo ng blockchain. Hayaan mo akong bigyan ka ng isang halimbawa: Ipagpalagay na 10 bata ang naglalaro sa isang parke. Ang bawat isa sa kanila ay nakahawak sa kamay ng isang bata kaya nabubuo ang istraktura ng human chain, ang mga bata sa parehong magkabilang dulo ay magkahawak ng kamay ng isa pang bata habang ang natitirang 8 ay nakahawak sa mga kamay ng 2 bata, isa sa magkabilang gilid. Gumagana ang blockchain sa parehong konsepto. Ang unang block ng chain (kilala bilang genesis block) ay hahawak sa kamay ng pangalawang block habang ang pinakahuling block ay nakahawak lamang sa kamay ng huling pangalawang block. Ang lahat ng iba pang mga blocks ay nakahawak sa kamay ng mga block dati at sa tabi nito.

Ang isang maliit na larawan na representasyon ng sinabi ko:



Ok! ngayon isang bagay na ang malinaw na ang bawat block ay dapat hawakan ang kamay ng iba pang mga block upang mabuo ang chain. Upang matiyak na ginagamit ng blockchain ang konsepto ng hash at previous hash (gusto ko itong tawaging last hash). Ang bawat block ay may natatanging hash na nabuo sa pamamagitan ng SHA256 algorithm (ipapaliwanag ang mga detalye mamaya). Ang hash na ito ay kumilos bilang kamay ng bawat block. Ang pangalawang block ay ise-save ang hash ng genesis block, ang ikatlong block ay ise-save ang hash ng pangalawang bloke at iba pa ... ito ay magdadala sa atin sa pangunahing disenyo ng block, ang block ay dapat magkaroon ng hash, lastHash (hash ng previous block), data (isang natatanging bagay na nakalagay sa block), timestamp (ang timing ng paglikha ng block) at nonce (ipapaliwanag kung ano'ng nonce ang kasama ng PoW). Bago magsimula sa code, siguraduhing mayroon ka ng mga sumusunod:

(i) I-install Node.js sa inyong system
(ii) I-download ang kahit anong code editor (Gusto ko isuggest ang Visual Studio Code)
(iii) Gumawa ng isang bagong file na may kahit anong pangalan ngunit may .js extension, Halimbawa: app.js or index.js
(iv) Buksan ang file sa visual studio code

Narito ang unang snippet ng code:
Code:
class Block {
    constructor(timestamp, lastHash, hash, data, nonce) {
        this.timestamp = timestamp;
        this.lastHash = lastHash;
        this.hash = hash;
        this.data = data;
        this.nonce = nonce;
    }
}

Boom! Narito ang code para sa Part: 1 (a). Ngayon hayaan mo akong ipaliwanag kung ano ang ginawa namin. Simula sa salitang 'class'. Ang Class ay talagang isang skeleton. Ginawa namin ang skeleton na may pangalan na 'Block'. Tulad ng bawat tao ay may parehong balangkas ngunit iba't-ibang mga laman at organs. Katulad nito, ang bawat block sa chain ay magkakaroon ng Block skeleton. Timestamp, lastHash, hash, data at nonce ang mga buto. Ang bawat block ay dapat magkaroon ng mga buto upang makabuo ng isang skeleton. Sa pagpapatuloy, ang salitang 'constructor' ay tumutukoy sa function na kukuha ng mga buto bilang input at lilikha ng skeleton mula roon. Kaya't talagang pinapasok natin ang value ng timestamp, lastHash, hash, data at nonce sa constructor function na kung saan ay ang pagtatakda ng value ng timestamp, lastHash, hash, data at nonce of Block's instance na katumbas nito.
Great? Tayo na't magpatuloy sa Part: 1(b).


Part 1(b): Genesis Block

Here goes the code for Part: 1(b), this code will come after constructor function :
Code:
    static createGenesis() {
        return new this("17/01/2020", "dummy-last-hash", "dummy-hash", "data in genesis block", 0)
    }

Great! hayaan mo akong sabihin sa iyo kung ano ang ginawa natin, gumawa tayo ng isang static function sa klase ng Block na lilikha ng isang genesis block para sa atin. Maaari napansin mo na gumawa tayo ng isang hard-coded value para sa block na ito (ang anumang nasa loob ng '' "ay string o hard-coded na value, hindi code). Ginagawa natin ito sa ganitong paraan dahil ang genesis block ay hindi maaaring magkaroon ng lastHash, kaya hindi ito mabubuhay na lumikha ng hash para dito, na kung saan ay delikado na maglagay ng anumang data sa genesis block.Kaya, mas mabuti kung tukuyin natin ang mga katangian ng genesis block sa ating sarili at huwag gamitin ito para sa anumang storage.

Sa pagpapatuloy, hayaan mong ipaliwanag ko kung ano ang ginagawa ng nasa itaas na code. Simula sa salitang 'static'. Maaari tayong lumikha ng dalawang uri ng functions sa class, normal function at static function. Maaaring magamit ang mga normal function sa bawat instance ng class (halimbawa, ang bawat block na ginawa gamit ang Block class ay pwedeng gumamit ng normal function) ngunit hindi posible na gumamit ng static function sa bawat pagkakataon. Sa ating chain, nais lamang natin ang isang genesis block kaya hindi maganda kung gumawaa tayo ng normal function para dito. Samakatuwid, ang static function ay sisiguraduhin na ang createGenesis() function ay maaaring tawagi ng isang beses lamang sa blockchain.

Maaari mong mapansin ang 'return' sa code sa itaas. Ang return ay nangangahulugang bumalik (smart, ehh). Tinitiyak nito na tuwing tinawag ang function na ito, ibabalik ng function ang value ng genesis block. ang 'new' ay tumutukoy sa halimbawa ng class block. Sa tuwing, lumilikha tayo ng instance ng anumang class, kailangan nating gumamit ng bagong keyword. 'this' ay tumutukoy sa block class's constructor. Kung gumagamit tayo ng constructor sa loob ng class, kailangan nating lagyan natin ng 'ito'.

Sapat na ang sinabi, tayo na't magpatuloy at gumawa ng pinakaimportanteng function i.e. createBlock.

Part 1(c): Paggawa ng Block function at Proof of Work
Code will go after createGenesis() function:
Code:
    static createBlock(previousBlock, data) {
        let hash, timestamp, nonce=0;
        const lastHash = previousBlock.hash;
        do {
            timestamp = Date.now();
            nonce++;
            hash = hashGenerator(timestamp, lastHash, data, nonce);
        } while (hash.substr(0,4) !== ‘0’.repeat(4));
        return new this(timestamp, lastHash, hash, data, nonce);
    }

Neat! Ngayon oras upang maunawaan kung ano ang ginawa natin sa itaas. Ang function ay gumagamit ng dalawang input: previousBlock na kung saan ang block bago ang isa sa ating ginawa at data i.e. ang aktwal na data na nais nating i-save sa block. Pagkatapos, hinahayaan natin ang unang value ng hash = wala, timestamp = wala at nonce = 0. Sa Javascript 'let' at 'const' ay dalawang paraan ng pagtukoy ng mga variables. Tinutukoy natin ang mga variable na hindi nagbabago ng kanilang value sa 'const' at sa mga nagbabago ng kanilang value sa pamamagitan ng 'let'. Susunod, kinuha natin ang value ng lastHash mula sa previous Block na katumbas ng hash ng previousBlock.

Cool!Susunod ang mighty concept ng Proof of Work. Sinubukan nating makamit ito sa pamamagitan ng do/while loop. 'While' na bahagi ng do/while loop ay gumagamit ng kondisyon at ang loop ay nagpapatuloy ng code sa 'do' hanggang sa ang kondisyon sa while statement ay nakukuha. Kaya't ang kundisyon sa nabanggit nating while statement ay: hash.substr (0, 4)! == '0'.repeat (4). Ngayon ibreak natin ang statement na ito. hash.substr (0,4) ay nangangahulugang unang 4 na character ng hash na nagsisimula mula sa 0 i.e. unang character tapos yung pangalawa, pangatlo at ikaapat. Ang '0' . repeat(4) ay nangangahulugang apat na zero o '0000'. Kaya talagang sinasabi natin na patuloy na tumatakbo ang loop hanggang sa ang unang apat na mga character ng hash ay hindi 0. Sa sandaling ang unang 4 na character ng hash ay 0, magbe-break ang loop at ang resulta ng halaga ay magiging hash ng block. Hindi ito eksakto kung paano gumagana ang proof of system ngunit pareho ang pangunahing ideya. Naghahanap tayo ng hash na may apat na zero sa simula tulad ng 0000vddvd5vd4dv5dvdXXXXXXXXXX. Kung nais mong madagdagan ang difficulty ng Proof of Work system, dagdagan ang bilang ng mga zero sa 5 o higit pa at ang mga blocks ay babagal sa paghahanap. Kung nais mong babaan ang difficulty bawasan ang bilang ng mga zero sa 3 o mas mababa at ang mga block ay mas bibilis ang paghahanap.

Ngayon papunta ng code sa loob ng 'do' statement. Una ay ang timestamp na kinuha nating katumbas sa Data.now () na kung saan function ng javascript upang makabuo ng kasalukuyang petsa. Susunod ay nonce. Ang Nonce ay ang number na patuloy sa pagdaragdag ng 1 sa bawat loop upang ang value ng hash ay patuloy na nagbabago, kung mananatiling stagnant si nonce hindi posible na makabuo ng bagong hash sa bawat loop. Ang pangwakas na bagay sa code ay hashGenerator na nais ang value ng timestamp, lastHash, data at nonce at makabuo ng hash sa pamamagitan ng pagsasama ng lahat ng 4 na value bilang isang single string gamit ang sha256 algorithm. Isusulat natin ang function ng hashGenerator sa susunod na bahagi. Tayo na't magpatuloy.

Part 1(d): SHA256
Let’s write the code first, this will go at the top of the file before Block class:
Code:
const crypto = require(‘crypto’);
const hashGenerator = (...inputs) => {
    const hash = crypto.createHash(‘sha256’);
    hash.update(inputs.map(item => JSON.stringify(item)).join(‘’));
    return hash.digest(‘hex’);
}

Lovely! Oras na para sa paliwanag. Ang Crypto ay in-built library ng Node.js. Kaya, tinawag natin ito sa ating file sa pagrequire nito. Susunod ay hashGenerator function. Una, kumukuha tayo ng mga inputs sa i.e. kung naalala mo mula sa Part: 1 (c) ang timestamp, lastHash, data at nonce. Susunod dapat mong mapansin ang tatlong tuldok sa harap ng mga input. Ang mga tuldok na iyon ay hindi mali, kino-convert ng mga tuldok na ito ang lahat ng 4 na mga input sa Array na tulad nito: [timestamp, lastHash, data, nonce]. Bingo! Ngayon ay pumunta tayo sa hashGenerator function. Sa unang linya ay tinukoy namin ang value ng hash katumbas ng createHash ('sha256') function ng crypto library. Pagkatapos ay mag-i-input tayo ng bawat item ng mga input Array sa pamamagitan ng paraan ng pag-update. Una natin ang pagma-map over ng mga inputs array na nangangahulugan looping over item ng array, pag-convert ng bawat item sa string sa pamamagitan ng JSON.stringify na pamamaraan at pagkatapos ay pagsasama ng lahat ng single string. Panghuli, binabalik natin ang value ng function sa pamamagitan ng digest method ngunit unang nagko-convert ang nabuo na value mula sa line two hanggang hex.

Kung nahihirapan kang maunawaan ang function ng hashGenerator huwag kang mag-alala, dahil ito ay ginamit natin ang native syntax ng crypto library na kung saan ay naiiba sa mga generic na Javascript syntaxes.

Dito na nagtatapos ang unang part ng ating two parts guide sa paggawa ng Blockchain. Matagumpay nating nagawa ang Block class. Susunod ay gagawa tayo ng Blockchain class at magdagdag ng mga blocks sa ating blockchain.
100  Alternate cryptocurrencies / Service Discussion (Altcoins) / Re: Why are exchanges still listing shitcoins? on: February 07, 2020, 03:38:31 AM
Why do you think exchanges are still listing shitcoins? Do you think there are some advantages to having a bunch of shitcoins on an exchange?
The first thing I'm thinking is because of the listing fee that they can acquire from the particular owner of that coin. The more they list coins regardless of their intergrity, they don't care as long as they get the profit. The second thing that I'm thinking is that they believe that shitcoin could become a reputed coin just like other coins in the market who has a huge market cap whom just started from being a shitcoin. We can't really underestimate the potential of a coin as all of them can be successful once the demand overwhelmed.
Pages: « 1 2 3 4 [5] 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 ... 185 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!