Bitcoin Forum
July 25, 2024, 02:53:05 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 ... 286 »
1  Local / Pamilihan / Re: Sobrang dami na ang nalululong sa Sugal mapa Bitcoin man o Fiat (PHP) on: July 24, 2024, 09:40:23 PM
Marami sa mga online na storya ay gawa gawa lang pero yung ganitong mga storya, ang hirap mag doubt kasi totoong nangyayari. Kung wala sa circle natin sa pamilya, meron sa mga kaibigan natin o kaya kakilala o kakilala ng kakilala natin. Yung mga ads at sponsorship nitong mga online casino sa mga social media influencers ay yun yung nagpalaki sa communities nila. Kaninang sona inannounce yung ban ng POGO kahit na hindi yan dito sa atin, may connect pa rin naman yan dahil hindi naman namomonitor lahat yan. At yung pag ban sa kanila, nag iba lang yung term into Internet Gaming Licensees.
Pwedeng merong gawa gawa lang pero bakit pa nila pag aaksayahan na gumawa ng kwento tungkol dito? Ano magiging benipisyo sa kanila?
Sinabi ko lang naman kabayan na hindi lahat ay totoo pero sa ganitong storya ay naniniwala ako.

Anyway yun nga finally gumawa na rin ng hakbang ang President natin kahit papano yung POGO parte ng sugal din, which is kahit papano kabawasan sa mga pwedeng sugal na naginamit na ng ating mga kapwa pilipino. Ang pinaka gusto ko lang talaga mangyari ay ang wag sa payagan na makapag run ng commercial or ads sa national TV. Marami pa rin naman kasi nanunuod ng TV. Dati wala naman sugal na commercial.
Hindi ko lang sigurado, kasi hindi na din ako masyadong nanonood ng TV pero wala akong nakikitang sugal ads sa national TV. Pero sa social media at internet, talamak talaga at kahit na kaya kontrolin yan ng gobyerno natin ay hindi naman din nila ginagawa kasi malaki ang revenue nila diyan. At kung sa experience mo ay merong sugal ad sa national TV, grabe nga yan dapat hindi payagan yan ng gobyerno at pagmultahin yung Eat Bulaga o kahit anong programa na nagpapalabas ng ganyang ads. Yung bingoplus, madalas ko marinig sa radyo.
2  Local / Pilipinas / Re: Local platform na pwedeng gumamit ng Bitcoin sa pagbili ng stocks? on: July 24, 2024, 07:20:25 PM
PDAX meron silang bonds pero stocks parang wala pa ata. Kaya gcash palang ang pasok sa gusto mo kabayan.

https://pdax.ph/bonds/

Itong PDAX talaga ang binabantayan ko dahil sila yung may potential na mag expand kagaya ng inoffer ng FTX dati. Salamat sa update na may bonds na sila. Good indication na ito sa direction ng expansion nila sa future.
Kung tutuusin kabayan may potential sila at kailangan lang nila ng tuloy tuloy na progress at update sa mga ganitong products na puwede nilang i-offer. Puwedeng puwede silang mag expand at hindi crypto market lang ang puwede nilang i-offer sa mga users nila. Kahit na hindi ko pa natry bumili ng bonds diyan pero maganda na suportahan din natin ang mga sariling atin. Kaso nga lang kapag nakitaan ng hindi magandang serbisyo, at madaming flaws o errors, nakakadismaya lang kapag ganoon nangyari.
3  Local / Pilipinas / Re: BSP Naglabas Ng Utos Na Isara Ang Isang Bangko on: July 23, 2024, 12:59:18 PM
Walang problema sa malalaking bank yung tipong BDO, BPI, Metrobank, Landbank at iba pang known na banks. Basta yung mga established na commercial at universal banks.
Yung mga coop bank, thrift at rural banks. Nandiyan talaga yung mga risk sa mga banks na yan na puwedeng magsara dahil hindi masyadong malaki ang pondo nila pero monitored naman yan ng BSP at di ko puwedeng i-deny na yang mga yan ang malalaking tulong sa karamihan sa mga magsasaka natin.
Mas okay lang talaga maglagay ng pera sa bangko yung amount na parang emergency funds mo lang pero kung tipong investments, nasa crypto at bitcoin na tayo, di na natin kailangan pang lumayo.
4  Local / Pamilihan / Re: Sobrang dami na ang nalululong sa Sugal mapa Bitcoin man o Fiat (PHP) on: July 22, 2024, 05:35:07 PM
Hindi katulad dati na wala akong gaanong mababasa na lulong sa sugal, halos ngayon araw araw may nababasa ako. Check nyo yung page ng Peso Sense puro post na adik sugal. Kahit normal na lugar like 7/11 madalas akong nakakakitang nag lalaro ng slot sa kanilang mga cellphone. Well kahit ako walang araw na hindi ako nag susugal, lol ang kagandahan lang sakin ay libre yung pinangsusugal ko. Kailan kaya mag step up ang gobyerno natin sa ganitong problema, kasi kahit teen ager nakakapag sugal e. Sana hindi nila pinapayagan lumabas sa national TV yung mga ads ng sugal. Kanina nag TV pluss kami kasi nawalan ng Internet, hayop na yan mga komersyal sa GMA Bingoplus at Bet88.ph dapat yung ganyan bawal e. Tapos sa Eat Bulaga yung Laro Hi-Lo na isponsored ng bingo plus.
Marami sa mga online na storya ay gawa gawa lang pero yung ganitong mga storya, ang hirap mag doubt kasi totoong nangyayari. Kung wala sa circle natin sa pamilya, meron sa mga kaibigan natin o kaya kakilala o kakilala ng kakilala natin. Yung mga ads at sponsorship nitong mga online casino sa mga social media influencers ay yun yung nagpalaki sa communities nila. Kaninang sona inannounce yung ban ng POGO kahit na hindi yan dito sa atin, may connect pa rin naman yan dahil hindi naman namomonitor lahat yan. At yung pag ban sa kanila, nag iba lang yung term into Internet Gaming Licensees.
5  Local / Pilipinas / Re: Local platform na pwedeng gumamit ng Bitcoin sa pagbili ng stocks? on: July 21, 2024, 11:46:47 PM
PDAX meron silang bonds pero stocks parang wala pa ata. Kaya gcash palang ang pasok sa gusto mo kabayan.

https://pdax.ph/bonds/
6  Economy / Service Discussion / Re: 📝[Discussion topic] Overview of Bitcointalk Signature-Ad Campaigns📝 on: July 20, 2024, 11:11:16 PM
We gotta work harder, share more, post more, write more, think more in order to

Make bitcointalk great again.
Looking at your avatar, it's him that I am hearing say that.
7  Economy / Exchanges / Re: Coins.ph hacked, $6 million lost? on: July 19, 2024, 01:57:24 PM
Really hard to fathom by now, however, if they acknowledge it right away, probably this two was not able to escape or if they do their investigation very quickly, they could have prevented the two Russians from going out of the country.
Yeah, they were quite slow in acknowledging it when something was off bit already into their platform and also from the acts of these two. It was all well orchestrated by the two consultants.

But now they are already out of the Philippines so gonna be hard for Coins.ph or any authorities to track them if they are now inside Russia as the Russian government might not cooperate with the PH authorities or even Interpol.
I do hope that they will coordinate with our authorities as in the past administration, Russia and Philippines have got a good communication and relationship.
8  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Fee Observer Thread in USD(sat/vB) on: July 18, 2024, 12:44:12 PM
Konti nalang at baka maging 4 sats/vB
Pansin ko lately, kahit 5 or 6 sats/vB ang low priority fees, ang dami pa ring 4 sat/vB transactions na nakakapasok sa mga blocks.
Sana magtuloy tuloy. Ngayon naman pumapalo ulit siya 8 sats/vB pero ang ganda naman low and medium priority.

Update sa fees as of typing this:

Code:
No Priority | Low Priority | Medium Priority | High Priority
2  sat/vB     6 sat/vB       7 sat/vB        8 sat/vB
$0.18         $0.55            $0.64              $0.73
source: https://mempool.space/
9  Local / Others (Pilipinas) / Re: Elonmusk supports trump on: July 17, 2024, 04:50:18 PM
Kaya mas maganda siya manalo dahil friendly approach siya globally dahil businessman siya talaga.
tama ka diyan boss isa pa hindi maganda ang pinaggagawa ng admin ng us ngaun kesa nung term nya, tulad ng sabi ng iba mas okay nung sa kanya, itong si biden kasi parang puppet at the same time eh, mahina nadin si biden malaking bagay iyan na makita mo president mo na malakas if napanuod ninyo ang video ne biden ung humakbang sa hagdan hirap siya, panu mo mapapalakad ang bansa na ganun, malaking bagay din na makita ng tao na malakas ka.
Ibang iba ang term ngayon ni Biden. Puro kaguluhan at warfreak ata dahil malaki ang pera na kailangan ng gobyerno nila. May mga ayaw kay Trump lalo na dito sa forum at may kaniya kaniya naman tayong dahilan. Sa panahon niya, naging maganda naman kahit na parang hindi close si Digong sa kaniya pero maintained naman ang kapayapaan sa mga karagatan natin kaya yun lang naman ang tanging gusto natin kumpara dito kay Biden.
10  Local / Others (Pilipinas) / Re: Elonmusk supports trump on: July 16, 2024, 01:52:11 PM
Wala akong ibang iniisip diyan pag manalo si Trump kundi yung tungkol sa mga giyera na nangyayari sa mundo dahil laging US ang nangti-trigger sa mga bansa na involve sa mga giyera.
Actually, starting on his admin, walang giyera ang naganap na kinasangkutan ang US unlike sa past admin before sa kaniya (barrack) at this current admin, at that time na ban ang mga chinese socmed sa US even mga company mainstream ng China. On the other hand lumakas pakitungo ng US sa foreign policy sa ibang powerhouse country like Russia and China.
Kaya mas maganda siya manalo dahil friendly approach siya globally dahil businessman siya talaga.

About sa recent incident, either it's an acting or totoo nga yung assasination, malaki naging impact no'on sa darating na election, and the blame goes to the opposition ni Trump, which is daming naguluhan at baka mag change thoughts sa current admin at bumuto sa opposition which kay Trump.
Mas malaki ang naging charisma at kagustuhan ng tao sa kaniya dahil sa nangyari na yan. Malaking palaisipan yan kung staged o hindi pero baliw siya kung ginawa niyang stunt yan para lang makuha simpatya ng tao.
11  Local / Others (Pilipinas) / Re: Elonmusk supports trump on: July 15, 2024, 10:37:42 PM
Matinding usapan yung tungkol mismo kay Trump sa pag attempt ng pagpatay sa kaniya. Para sa akin, may suporta ni Elon ay parang malaking advantage yun. Pero yung tungkol sa crypto, parang eme eme lang nila yan dahil politiko sila. Wala akong ibang iniisip diyan pag manalo si Trump kundi yung tungkol sa mga giyera na nangyayari sa mundo dahil laging US ang nangti-trigger sa mga bansa na involve sa mga giyera. Kaya sana matuldukan ni Trump yang mga karahasan na yan sa pag baklas niya ng mga army niya sa mga lugar na may ayaw na karatig bansa para iwas gulo.
12  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Fee Observer Thread in USD(sat/vB) on: July 15, 2024, 09:25:37 PM
Mas lalo na tayong bumaba,

nasa 5 sat/vB na yata ang average natin nitong mga nakaraang linggo at kahit na bumulok ang presyo ng Bitcoin ngayon sa $63k, eh wala naman masyadong epekto sa transaction fees.

At ngayon nga ang usapan eh kelan tayo aabout sa 1 sat/vB ulit, o kailan mag clean up ang transactions at laging nsa 200k ang transactions although sa ngayon eh nagulat ako at nasa 150k na lang. Baka ibig sabihin na eh nag HODL na talaga muna sa ngayon.
Kaya nga kabayan nakita ko yung 5 sats/vB at sana maging stable yan kapag umabot ng $70k pataas. Sa ngayon bumalik siya sa 8 sats/vB at hindi naman issue yun at mababa pa rin ang fees. Konti nalang at baka maging 4 sats/vB at 1 sat/vB ulit, pakonti konti lang at dadating ulit yan doon.

Update sa fees as of typing this:

Code:
No Priority | Low Priority | Medium Priority | High Priority
2  sat/vB     7 sat/vB       8 sat/vB        9 sat/vB
$0.18         $0.62            $0.71              $0.80
source: https://mempool.space/
13  Local / Pilipinas / Re: Panu maaccess ang binance sa pinas kahit block na ito dito sa pinas on: July 14, 2024, 08:01:18 PM
Ingat lang kabayan kasi hindi natin alam kung hanggang kailan puwede maka-access ang mga pinoy users kahit na gamitan mo pa ng VPN. Alam naman nila kung saan ang origin ng user dahil sa VPN.
Not actually, that's why VPN is invented. Pero regardless, alam parin ni binance origin mo since may KYC kana sa kanila probably because KYC is mandatory required before.
Salamat sa pag bold, mali ako dito. Ang ibig ko sabihin diyan ay KYC.  Grin

Despite sa ban, may PHP P2P pa rin sa binance, i just checked recently, so probably they allowed VPN access sa mga PH KYC users nila. Pero yun nga lang, need mo mag take risks.
May risk talaga diyan kabayan. Yung sa mga nababasa basa ko, ayaw din mag take ng risk. Sa ibang P2P nalang sila na global exchange din naman pero hindi nga lang Binance para safe.
14  Local / Pilipinas / Re: Panu maaccess ang binance sa pinas kahit block na ito dito sa pinas on: July 12, 2024, 08:23:49 PM
Ang lala na ng Binance Android App, sobrang bagal na gamitin. Hindi pwedeng hindi na gumamit ng VPN. Ayaw na tumuloy yung app puro loading lang. Sana safe ang pag gamiti ng VPN natin dito. Kayo ba nakakagamit pa rin ng Binance Android App without using VPN? As of now kasi ako hindi pwedeng hindi na mag VPN. Buti kahit papapaano libre VPN sa tunnel bear 1GB nga lang.
Ingat lang kabayan kasi hindi natin alam kung hanggang kailan puwede maka-access ang mga pinoy users kahit na gamitan mo pa ng VPN. Alam naman nila kung saan ang origin ng user dahil sa VPN. Kung may funds ka pa diyan, mas maganda itransfer mo nalang muna sa wallet mo o sa ibang exchange na global din naman pero hindi mainit kay SEC. Anytime ay puwedeng magbago ang isip ni Binance lalong lalo na sa atin dito sa bansa natin na puwedeng makaaccess pa sa kanila. Sa akin, puwede pa ako makaaccess sa desktop pero hindi ko nalang tinutuloy.
15  Local / Pilipinas / Re: Anong Administration Nagkaroon Ng Magandang Acceptance Ang Cryptocurrency on: July 12, 2024, 04:44:58 PM
Panahon ni Noynoy, wala pang pakialam ang gobyerno natin sa crypto pero may mangilan ngilan na tayong mga kababayan na nasabak na din sa crypto na low key lang.
Sa panahon naman ni Digong, parang dito na umuusbong at parami ng parami yung mga nakakaunawa sa crypto sa kabila ng pangit na impression galing sa iba't ibang institutions. Pero ito na din pala ang simula ng pag acquire nila kaya grabeng FUD ang ginagawa nila. Sa panahon din niya naganap ang hype ng axie kaya mas lalong dumami ang pinoy sa crypto.
At ngayong panahon ni Bongbong, sabi niya sa mga speech niya ay mas lalo siyang tututok sa technology at digitalization. Mukhang okay naman pero nakukulangan pa din ako pero hindi naman yan si superman para masakatuparan ang lahat, mas gugustuhin ko pang ifocus niya ang administration niya sa pagpapababa ng presyo ng mga commodities at katahimikan sa mga karagatan dahil mukhang stable naman na ang crypto policies sa bansa natin.

             -    Yan din yung mga panahon na medyo naririnig ko yung trend tungkol sa play to earn games, na medyo dedma lang din ako, pero axie ang matunog nung time na yan talaga. Dahil naging part din ako ng trend na yan sa axie. Though, nung time din na ito ay hindi ko pa alam din ang forum na ito.

Kaya sang-ayon din sa pananaliksik ko ay medyo dumami na ang crypto community talaga nung panahon ni FPRRD, dahil itong mga panahon din na ito nagsimula yung mga scammer na ginamit yung cryptocurrency at Bitcoin para makapaglikom ng pera sa mga no idea sa crypto investment.
Noong mga panahon ni Digong, yan na yung nagkakaroon na ng ideya yung scammer na puwede nilang i-divert strategy nila sa panloloko para sa mga wala pang alam sa crypto. Idadaan nila sa kunwaring trade trade sila tapos kumikita sila. Ngayon, alam niyo kung ano yung trend ng mga scammer na yan na galing sa MLM networking? yung forex naman pinapasok nila. Ang daming kawawang mga kababayan natin na nadadale hanggang ngayon kaya sana mas dumami pa ang educated na mga kababayan natin patungkol sa mga schemes na yan at hindi lang sa crypto sa mga susunod na panahon.
16  Local / Pilipinas / Re: Anong Administration Nagkaroon Ng Magandang Acceptance Ang Cryptocurrency on: July 11, 2024, 09:29:19 PM
Panahon ni Noynoy, wala pang pakialam ang gobyerno natin sa crypto pero may mangilan ngilan na tayong mga kababayan na nasabak na din sa crypto na low key lang.
Sa panahon naman ni Digong, parang dito na umuusbong at parami ng parami yung mga nakakaunawa sa crypto sa kabila ng pangit na impression galing sa iba't ibang institutions. Pero ito na din pala ang simula ng pag acquire nila kaya grabeng FUD ang ginagawa nila. Sa panahon din niya naganap ang hype ng axie kaya mas lalong dumami ang pinoy sa crypto.
At ngayong panahon ni Bongbong, sabi niya sa mga speech niya ay mas lalo siyang tututok sa technology at digitalization. Mukhang okay naman pero nakukulangan pa din ako pero hindi naman yan si superman para masakatuparan ang lahat, mas gugustuhin ko pang ifocus niya ang administration niya sa pagpapababa ng presyo ng mga commodities at katahimikan sa mga karagatan dahil mukhang stable naman na ang crypto policies sa bansa natin.
17  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: USDT inallow narin magamit as security payment sa SSS(Social Security System) on: July 11, 2024, 10:46:03 AM
Para sa akin magandang balita nga ito pero siguro ang concern ko lang alam ba gamitin ito ng taong bahay feel ko yung knowledgeable lang sa crypto ang gagamit nito tsaka may handa ba silang support na sasagot sa issues like inquries ng mga tao pag dating sa transaction dito alam naman natin kung gaano ka poor ang management ng government natin para dito tsaka madalas nga pag tatawagan mo sila is pupunta ka talaga mismo sa kanilang tanggapan na malapit or else malala is yung punta kapa sa main para lang sa transaction mo lalo na pag crypto.
Hindi pa masyadong alam yan ng mga taong bahay lalong lalo na yung mga matatanda. Pero magandang balita nga naman at may third party naman na involved kaya siguradong may magga-guide sa mga wala pang ideya kung pano yan ginagawa. Bigyan natin ng chance ito dahil hindi naman government ang nag initiate nitong adoption kundi isang private corporation. Sana lang talaga maging efficient yan dahil madami dami na din ang mga crypto holders sa bansa natin.
18  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: July 10, 2024, 01:57:42 AM
 Coins.ph through ronin network at polygon network.

https://coins.ph/phpc-whitepaper
Akala ko joke joke lang to ngayon nagkatotoo na. Sa mga old member dito for sure alam nyo yung pesobit na ngayon ay wala. Magkaiba naman sila ng gamit pero wag naman sana na dumating sa puntong mawalan yung value yung stablecoin na to. Just like yung stablecoin coin ng terra luna. Di ba ngayon magkano nalang value nun. or hindi na 1 :1. Kaya magandang mag research muna at maging updated sa mga balita at developments tungkol sa stablecoin na ginagamit natin para malaman natin kung paano maiiwasan ang potential na pagkawala ng value nito.
Ang kaibahan kasi dito ay coins.ph ang developer nito at supported ng ronin which means na alam din ng Sky Mavis ito. Medyo maaga pa para sabihin kung saan pupunta yan. Pero nagdadalawang isip ako para dito kasi nag email agad sila na may 8% APY kapag nag hold ka pero ang maximum na puwedeng kitain lang ng isang user ay 100,000 PHPC o sa peso ay 100k per year. Tama ka din kabayan na mahirap magtiwala sa ngayon kahit na kilala ang developer. Mas okay pa manatili nalang sa mga may reputasyon na pero tignan natin siguro after 2-3 years kung matibay pa rin ba yan kapag nag bear market na.
19  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: July 08, 2024, 11:30:44 PM
Yan talaga ang final boss dito. Ang SEC at ang BSP, dahil ang license ay si BSP ang nagke-credit at nagbibigay habang si SEC naman sa global operations dito sa bansa natin. Wala nga tayong magagawa at totoo yan, kung walang say si SEC at sa pagbibigay pahintulot kay Binance. Stay lang talaga tayo kay coins.ph at sa ibang mga exchanges pero madaming mga kababayan natin nakakaaccess pa rin sa kanila pero mas maigi nalang na magingat para hindi mamoblema sa withdrawals ng funds natin.

Hindi naman talaga sila mabibigyan kasi hindi sila nag apply. trabaho ni sec ay kung ang isang corporation ay mag apply ng business, sila ang nag approve. Pero since financial institution sila, after ng SEC need pa rin ng approval ng BSP kasi sila mismo yung mas may closer look in terms of regulation sa isang financial institution.
Sabi ni CZ dati parang tinatrabaho nila dati yan.



PHPC ngayon na launch na ng Coins.ph through ronin network at polygon network.

https://coins.ph/phpc-whitepaper

20  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 08, 2024, 09:22:44 PM
Tingnan mo, mga magagaling na players noon nawala na dahit sa injury,  naalala ko mga players na ito magagaling talaga pero wala na sa NBA or di na sikat.

1. John Wall
2. IT
3. Kemba Walker.
4. Bradley Beal (struggling din).

So swerte pa rin si Klay meron siyang bagong contract.
Pagkakaalam ko si Kemba Walker ay nag announce na ng retirement niya. Baka makita nalang natin siya sa mga ibang foreign leagues tulad sa China. Si Beal naman umaasa pa rin na merong team ang maghire sa kaniya kahit na benchwarmer lang siya pero parang wala pa rin atang interesado.

Tingin ko mababa ang offer ng Warriors sa kanya, kaya tinanggihan nya na lang o talagang gusto na nya kumalas as Warriors management kasi baka hindi na sila mag champion at dahil nagkaka edad na sila. So kahit malaki daw ang offer ng Lakers sa kanya, mas pinili nya ang Dallas at mas malaki ang chances nitong makarating sa finals na katulad nitong katatapos na season.

Pero hindi natin alam, baka mali ang desisyon nyang umalis sa Warriors at baka ma disrupt ang chemistry ng Mavs hehehe.
Parang ganyan nga ang issue, hindi nabigay ng Warriors ang gusto niya na deal pero okay na yan at mas lumakas lalo ang Mavs lalo na nakaabot sila sa finals this season.
Pages: [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 ... 286 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!