Bitcoin Forum
May 11, 2024, 06:43:23 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 [19] 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 ... 282 »
361  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: November 23, 2023, 11:12:19 PM
Ganyan din naman dati noong nahype tayo sa axie kasi sobrang daming nags-stream at parang na FOMO tayo at hindi naging maingat. Kaya same strategy lang ulit ang gagawin nila. Tapos pasok na pasok pa sa bull run kaya, win-win yan para sa SkyMavis kaya siguro naghintay lang din sila ng panahon para maging ganito ulit tapos isang bagsakan ulit. At hindi na tayo magtataka kung pagdating ng bear market, bagsak ulit.
Lumabas na yung update e, nakita niyo din ba? Parang wala naman naging masyadong effect, hype lang nung una dahil nagkaron ng update pagkatapos ng ilang taon, pero nung lumabas na yung update na AXP, wala naman siya naging effect lalo sa presyo ng mga axie. Sabi nga din ng kakilala ko wala daw kwenta yung update dahil sinubukan niya at baka daw tumaas ulit pero walang nangyari.
Di ko pa rin masyadong napagaaralan tinatamad ako kaya yung dati kong scholar pinapaaral ko kung paano ba. May mga stream akong napanood tapos nakita ko na puwedeng mapalitan yung ibang part temporary lang ata yun. Sa AXP, hindi na siya SLP at para sa kaalaman ng lahat. Baka may mga claimable SLP pa kayo kasi hanggang December 07, 2023 nalang siya puwedeng i-claim. Kapag hindi niyo na claim sa mga accounts niyo, mawawala na dahil ididisable yung withdraw button. Pero kung nasa ronin wallets niyo na yung slp, okay na yun.
362  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Fee Observer Thread in USD(sat/vB) on: November 23, 2023, 09:22:44 PM
Ano ba ang dahilan bakit ang mahal ng transaction fee ng Bitcoin ngayon? Medyo nag lie low kasi ako, ngayon ko lang napansin itong mataas na transaction fee. Medyo nakakalula! Haha, sana'y bumaba na 'to sa mga susunod na araw.
Sa ordinals daw ang pinakadahilan kung bakit tumaas ang fees. Tapos meron pang altcoins din ang ordi. Kumbaga di ba sa Ethereum merong ERC20. Kay Bitcoin naman meron ding BRC20 kaya ganun, nagkaroon ng traffic tapos tumaas na din ang fees dahil sa demand sa ordinals.
Pero update lang, bumaba ulit ngayon habang tinatype ko ito:

Code:
No Priority | Low Priority | Medium Priority | High Priority
32 sat/vB       62 sat/vB       64 sat/vB          65 sat/vB
$1.67           $3.24            $3.34               $3.40

source: https://mempool.space/
363  Local / Pilipinas / Re: Paraan para umunlad ang Buhay pinansyal on: November 23, 2023, 01:05:02 PM
Totoo na mahirap talaga ang kalagayan ng karamihan noong panahon ng pandemic, more than 2 years din ata yun kung hindi ako nag kakamali. Pero sa tingin ko mas marami ang lumipat sa pag tatrabaho na may work-from-home set up kesa mga nag nenegosyo. Kasi mostly sa mga kakilala ko na nawalan ng trabaho noong pandemic ay hanggang ngayon nasa freelancing/virtual assistant industry parin dahil sa laki ng sahod compared sa 8-5 job natin na halos 1 day lang yung time off. Plus, maari ka pang magkaroon ng 2-3 clients ng hindi na lumalabas sa bahay.
So, ito rin yung isa sa mga hindi inaasahan ng mga nawalan ng trabaho noong pandemic na mag aahon at nag papa unlad sa buhay pinansyal nila.
Maganda din na naopen yung freelancing industry at maraming naging virtual assistants at kumikita na ng maganda. Dati takot ang mga pinoy sa mga ganitong uri ng trabaho kasi ang akala nila puro scam lang ang online pero noong dumating yung pandemic, nag open din sya kahit papano ng maraming opportunities katulad nga itong pinag uusapan natin.

Tama ka dyan kabayan, napakahirap nung mga panahon na yan, ngayon dapat lang na panatilihin natin na merong tayong iba pang mga source of income. Sa panahon na meron tayo ngayon, hindi tayo dapat magpadalos-dalos ng desisyon na bitawan agad ang trabaho na meron tayo kapag napasok o napabilang tayo sa crypto industry.

Bawal maging tamad sa halip ay mas lalo pang magpursigi para makapag-impok ng sapat para sa hinaharap o mga hindi inaasahan na pagkakataon, kaya ito ay masasabi kung wais na hakabang na maituturing.
Ito talaga ang dapat maging motivation ng marami sa atin na bawal maging tamad. Kahit anong industry ka pa nagtatrabaho, mapanegosyante ka man o mapa VA/freelancer o trader or kung anoman. Basta lahat ng pagsisipag na ginagawa natin mapa panahon man ng pandemic o sa kasalukuyan, lahat yan ay magpe-paid off.
364  Local / Pamilihan / Re: Collectibles Question on: November 23, 2023, 11:13:34 AM
Salamat sa mga tugon mga kabayan.

Naka cellphone ako kaya hindi ko maquote isa isa ng maayos. Pero lahat ng commento niyo isasaulo ko yan sa pagpili ng collectibles. Kahit pa may history din before na naswiped medyo mas nagagandahan akong kolektahin yung mga ganun na funded. Or siguro kahit hindi funded muna tapos ako nalang maglalagay since meron namang ganun para less risk sa customs, kilala na din kasi talaga ang bitcoin ngayon kaya medyo nakakatakot.
Tama ka, marami ng aware sa Bitcoin at hindi mo din alam kung yung mga shipping crew lalo na sa mga parcels nababalita na inoopen ng mga staff yung mga random parcels. Kung matyempuhan yung sayo at siyempre minted yan, hassle at baka masayang lang tapos yung worry, stress at emotion pa na iinvest mo din habang inaantay mo yung shipment. Mas maganda nga kung kay coin_trader ka nalang bumili dahil kilala naman na din siya at ka forum member pa.

Anyway nasagot naman na tanong ko. Maraming salamat ulit !
Kung okay naman na yung thread at nasagot mga tanong mo, puwede mo na iclose yung thread o kung hindi naman at gusto mo gawing longer discussion puwede din. At good luck, sana magkaroon kayo ng good deal ni cointrader.
365  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Fee Observer Thread in USD(sat/vB) on: November 23, 2023, 08:59:35 AM
Kung ikukumpara sa nakaraang araw ay medyo mas mababa na nga ngayon. Pero syempre para sa atin malaking bagay pa rin yung mababawas kaya hanggat maaari at kung hindi kailangan iwas muna sa pag transact. Electrum ang gamit ko at nasa 65 sat/vb ang pinakamababa na nila ngayon, kung mag transact ako ng 2 mbtc, nsa 0.4 ang fee at talagang masakit pa rin sa bulsa. Kaya hold lang at kalimutan muna ang Bitcoin natin.Hehe
Oo nga sana mas bumaba pa sa mga susunod na araw at makahinga hinga na din sana ang network para bumaba na yung fees. Iba pa rin talaga kapag ka 1 digit lang yung sats na babayaran natin per vb.

Malaki parin maituturing yan kumpara nung last month, pero gaya nga ng sinabi mo, kung 100$ kahit pano ay okay narin, nga lang malaki parin. Kaya nga yung kokonting Bitcoin ko sa electrun andun nakaintact lang hindi ko nilalabas kasi mahal pa yung fee nya sa totoo lang.

Gusto ko sanang itransfer para palaguin sa trading, kapag this week hindi parin ay baka subukan ko narin ilipat sa exchange, kahit na malaki ang fee, bawiin ko nalang sa day trading acitivity na gagawin ko sa exchange.
Kayang kaya mo yan bawiin sa trading kabayan. Basta bago magtransact, siguraduhin mo lang na buo na loob mo at walang problema kung magkano nirerequire ng network para sa transaction fee. Ang mahalaga magawa mo transactions mo at malaki o mababa man ang fees, hindi problema kung magkano para sayo dahil may paggagamitan ka din naman.
366  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Fee Observer Thread in USD(sat/vB) on: November 22, 2023, 11:48:22 PM
Update lang tayo sa fees. Medyo tumaas o mataas pa rin.

Code:
No Priority | Low Priority | Medium Priority | High Priority
26 sat/vB       74 sat/vB       81 sat/vB          88 sat/vB
$1.36           $3.87            $4.24               $4.61

source: https://mempool.space/

Kung ikukumpara natin sa mga nakaraan na fees, mas hawak na mababa ngayon pero kung ating iisipin medyo mataas pa rin di ba? Puwede na din yan kung tutuusin kung lagpas sa $100+ yung transaction mo pero kung mga less than $10, malaki ang tapyas ay huwag na muna magtransact at mag antay pa bumaba ulit.
367  Other / Archival / Re: Sinbad.io Mixer - secure, fast and easy to use on: November 22, 2023, 08:30:41 PM
Guys don't forget that we've got 2 days left for prediction 2 of the sinbad.io price prediction. Don't miss it out and post your prediction 2 as well. I'll be posting mine later there.
This is the thread/link for the prediction thread: November SINBAD.IO Mixer Bitcoin Price Prediction Challenge

edit: LOL it turns out I've forgotten my 2nd prediction.
368  Local / Pilipinas / Re: Paraan para umunlad ang Buhay pinansyal on: November 22, 2023, 07:08:11 PM
Kaya nga naging trending ang work at home pati na din ang freelancing. Pero ang nangyari naman ay parang naging crowded yang mga space na yan dahil sa sobrang dami ng naghahanap ng work, kapag hindi ka upskilled, makakawawa ka lang at dadami ang kakumpitensiya mo.
Kaya sa mga nagfe-freelance ay dapat may panibago at angat na skill ka sa lahat ng mga freelancers para konti lang ang kakumpitensiya mo lalo na sa panahon ngayon na madaming mga courses online at madali nalang din matutunan ang karamihan sa mga bagay bagay. At kapag tamad ka matuto ng panibagong skill, mao-obsolete ka sa niche na yan at kokonti lang ang opportunities na pupuwede sayo.
Totoo yan. Napansin ko simula ng nagkaroon ng pandemic, lahat ng nakadiscover ng trabaho sa online o ang freelancing gusto na mag focus/full-time sa freelance. Pati yung ibang nabigyan ng oprtunidad mag work from home, isa na sa criteria nila sa paghahanap ng trabaho ang may work from home set-up.

Pero gaya nalang din sa normal na trabaho, sobrang dami din kasi talagang naghahanap ng trabaho. Normal lang na sobrang dami ang naghahanap ng freenlance work, good thing lang ay madami din naman naglalabasan na trabaho online. Pagalingan nalang talaga ng skill at patagalan ng experience sa freelance.
Lalo na yung mga nasuya na sa commute at travel time lalong lalo na sa mga taga Metro Manila. Yung 2-4 hours na daily communte ang laking bagay at oras na nawawala sa araw araw na pamumuhay at kung posible naman palang magstay lang sa bahay tapos mag work at may magandang sahuran, mas okay na yun. Iba ang mental stress kapag pagod ang katawan at utak mo tapos toxic pa sa opisina. Kaya marami rin ang nakikipagsapalaran sa freelancing na kahit alam naman na din ng marami na hindi stable ang kita. May company ka ngayon, sa mga susunod na araw hindi mo alam at magko-cause pa yan ng anxiety lalong lalo na sa mga first timers na freelancers.
369  Local / Pamilihan / Re: Collectibles Question on: November 22, 2023, 05:44:02 PM
Hello may mga kababayan ba tayo dito ang nangongolekta ng Collectibles? Nagagandahan ako sa mga nakikita ko sa Collectibles pero hindi ako manalonalo sa kadahilanang natatalo ako lagi sa auction. Since hindi naman din tayo ganun kayaman para ipursue ang isang bagay na itatago lang, hinahayaan ko nalang minsan pag may nakapagbid na mas mataas. Pero kung papalarin matanong ko lang sana kung nasa magkano ang shipping fee ng inyong napanalunan sa auction? Kahit sana estimate lang. Para sana maging ready man lang ako just in case na may magustuhan akong item at ipursue kong labanan sa bid ng iba. Flex mo na din yung nabili mo kung maaari.
Hindi pa ako nakasali sa mga auctions ng collectibles pero may nabili ako dati tapos pinaship lang din dito sa Pinas. Parang hindi naman ganun kamahal yung nabili ko kaya yung shipping fee ay hindi din ganun kataasan. Pagkakaalam ko depende ang shipping fee kung gaano ang value ng ipapadala. Parang hindi naman siguro ata lalagpas ng $50 yan para sa pinakamataas + may tax pa sa customs kung lagpas 10k pesos.

Tanong ko nadin if safe ba bumili ng mga collectibles na may laman na bitcoin or other crypto-currency dahil nga nasa Pilipinas tayo baka macustom tapos buksan diba? Matatalino na ang mga tao ngayon baka mapag interesan diba.

Salamat sa sagot.
Basta sa reputable ka bibili at yung may history na siya yung pinagbibilhan ng mga collectibles na may nakamint na BTC.
370  Local / Pamilihan / Re: Binance CEO CZ bumaba sa pwesto, at nagkipagsettle on: November 22, 2023, 10:39:45 AM
Makukulong ba si CZ?
Grabe, yan na ang isa sa pinakamalaking penalty na obtain from a  corporate defendant, 4.3 bilyon dollars.
Dahil sa ginawa niya mukhang yun na yung piyansa at baka tigilan na ng SEC at US government ang Binance dahil sa ginawang pagbayad at pagbitiw ni CZ.

Malinaw na ang lahats sa akin ngayon kung bat humantong sa ganyan, maraming nalabag gaya ng AML program, KYC procedures, operations of unlicensed of money transfer business at pag facilitate ng transactions between US users and users in sanctioned countries.

Mas magiging strikto na nito ang Binance sa KYC.
Base sa report, madami daw violations na nagawa at sa mga violations na yun ay malaki laking pera ang nalaunder at dumaan sa Binance kaya nakinabang din naman ang mismong exchange at inadmit na din ni CZ. Puwedeng inadmit nalang niya at binayaran yung fine para tigilan na yung Binance at makapagback to business nalang.
371  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: November 21, 2023, 11:00:07 PM
Ayos sa strategy ung parang sila sila lang din nagusap para paingayin  ulit at makakuha ng atensyon alam naman kasi natin na bonus season na so sasabayan nila ng balitang hype dahil sa parading na bull season pero sa palagay ko lang eh habol nilang makakuha ng interest sa mga old and new possible  investors, pag nangyari yan meron talagang magandang galaw na mangyayari, kaya kung meron ka pang hold na assets maganda rin na mag abang ka na lang kesa sumama loob mo pag nag pump at na wrong timing ka.
Ganyan din naman dati noong nahype tayo sa axie kasi sobrang daming nags-stream at parang na FOMO tayo at hindi naging maingat. Kaya same strategy lang ulit ang gagawin nila. Tapos pasok na pasok pa sa bull run kaya, win-win yan para sa SkyMavis kaya siguro naghintay lang din sila ng panahon para maging ganito ulit tapos isang bagsakan ulit. At hindi na tayo magtataka kung pagdating ng bear market, bagsak ulit.

Mukhang binubuhay na nga nila Classic v2, tapusin lang daw ang Web3 Games Summit kaya pala naka maintenance ito. Naka follow ako kay Kookoo at Shanks kaya madalas makita ko mga post nila sa FB about Play 2 earn games lalo na ng Axie. Kaya kapag mga ganyan scenario ay napapa check talaga ako, may mga na ipost na rin silang snaphot ng changes like new look ng PvP at AXP earn.
From time to time, inistalk ko na rin yung original manager ko, baka magbalik loob na rin siya at maging active ulit siya, baka may bagong offer. hehe
Naka follow din ako kay Koo Koo at no doubt naman na may malawak na community yan sa NFT dahil isa siya sa mga nauna diyan at nag influence din. Pero tignan natin kung may impact pa rin sila sa paparating nabull run, tingin ko naman madaming magbabalik pero hindi na mababalik yung dating lakas ng Axie.
372  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: November 21, 2023, 09:51:21 PM
Mas puwede pang baratin kaya pala sa mga nakatabing axie ko din nung nagcheck ako, meron ding offer. Akala ko 1 ETH na yung offer pero $1 pala, haha. Akala ko may pabuwena mano na si Axie dahil sa mga ganitong bagong feature at makakabawi bawi na pero sablay pala pero ayos na din yan para sa mga gustong magdump at may makuha kahit papano. Pero yun na nga, yung iba ayaw magbenta ng sobrang palugi, di bale ng walang makuha wag lang magbenta ng palugi kasi parang masakit nga naman sa damdamin yun.
Sobrang lugi ka talaga pag binenta mo yan lalo pa ngayon na hina hype nanaman ang axie kesyo may bagong update, pero kung titignan mo parang wala naman nangyari. Nagpapaingay lang ulit sila ng pangalan dahil sa sabi-sabing bull run next year. Tama mas mainam nga na mag hold nalang muna ng axie kesa mag offer or mag dump ka sa sobrang lugi. Ang laki ng lugi sa axie lalo na yung mga bumili pa ng mahal na mga axie. Tapos biglang bumaba ang market nila. Ako may hold ako na isang coins sobrang lugi ko don halos 100 pesos nalang pero mas pinili kong i keep nalang ito kesa ibenta ko na sobrang lugi. Mas nakakasama ng loob yun kung ibenta mo ngayon.
Oo nga nagpapaingay ulit. Ako naman na parang wala ng pakialam ay nabuhayan ulit at aasa haha. Hanggang saan kaya itong pag-asa na nararamdaman ko ulit kasi isa lang goal ko, makabenta ulit at kahit papano ay makabawi bawi ng medyo malaking halaga na talo ko dito sa larong to'. Pero kahit hindi na makabawi, tulad nga ng sabi ng iba ay okay lang dahil tapos naman na din. Playful sa emotions itong ginagawa nila at sila lang din ang nakakaalam kung ano kalalabasan. Parang tinipon ulit nila mga streamers at known streamers na may malalaking community para ihanda ulit sa paparating na bull run. Totoo na mas nakakasakit sa kalooban kapag magbebenta ka ng sobrang baba tapos alam mong in loss ka na. Mas okay na tanggapin nalang yung mismong loss, ewan ko ba kung ako lang ganito o tayo lang basta mas okay na loss nalang kesa sa ibenta ng sobrang lugi at tipong walang bawi.
373  Local / Pamilihan / Re: Gamer Streamer to Gambling Streamer? on: November 21, 2023, 08:49:00 PM
Ngayon ko lng napansin na sobrang talamak na pala mga gambling creator sa atin. Yung mga pinapanood ko dati na streamer ng Dota2 at iba pmg games ay mga gambling streamer na ngayon.

Nakapanood lang ako ng isang gambling stream ni Bigboycheng ay lumabas na lahat ng gambling content sa suggestion na kilala ko din dati na mga gamer. Karamihan pa sa kanila ay mga red flag casino ang gngamit tapos kunyari nananalo ng malaki pero mga sponsor money lang naman talaga.

Matagal na ba talaga talamak ang mga gambling streamer sa atin? Nag gagambling ako madalas pero diko inaakala na madmi na dn pala streamer dito sa atin.
Relate ako kabayan. Napanood ko yang mga suggestions na video gambling ni Bigboycheng kasi nga hindi yung mismong laro ang interesting kundi yung mga amounts na binebet niya ang pinakainteresting sa mga videos niya. Mga ilan ilan lang din napanood ko pero parang entertaining nga panoorin kapag malaki laking halaga ang nakataya. Hindi ko sure pero parang matagal tagal na ding putok ang online gambling sa atin at panahon pa nga ata ni Duterte yun dahil sa mga online sabong, etc. Pero noong nawala siya parang mas dumami kasi parang sa panahon niya ang may strict na policy sa mga online casinos pero nage-exist pa rin sila dati kahit bawal. Sa mga streamer gamers turned into gambling streamers, wala tayo magagawa kasi may mga promotions sila at bayad sila sa pagstream ng mga casino na kung saan sila naglalaro.
374  Local / Pilipinas / Re: Paalala sa merong funds sa bittrex on: November 21, 2023, 07:45:43 PM
Isa sa mga kilalang exchanges noong bago palang ako sa crypto pero ngayon dahil sobrang laki ng competition sa market para sa mga exchanges, unti unti nawala mga users nila at nalipat sa mga sikat na ngayon tulad ng Binance. Lesson sa mga sikat na exchanges ngayon ay patuloy na mag invest at magdevelop ng exchanges nila para hindi magawa sa mga exchange na ito upang hindi maging out of business. Kasi kapag wala masyadong ginawa para i-retain ang mga customers nila at lalong lalo na sa security, kawawa at mawawala sila sa business nila. Kasabayan nito yung poloniex.
375  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Mga ragnarok classic gamer maganda ito on: November 21, 2023, 12:33:14 PM
Yes, may porsyento silang nakukuha sa bawat item na nakalist sa marketplace. Pero parang mas malakas ata ang kita nila sa top-up. Not sure lang pero sa lahat ng nagdaan na ragnarok games, hindi nauubusan ng mga players na malalakas talaga magtop-up sa laro na yan. Tapos classic ragnarok pa ito kagaya ng graphics at gameplay na kinaadikan ng mga ragnarok fanatics noong araw.
Oo sa top up pero mas madali ngayon dahil online transactions nalang tapos crypto pa. Kaya yung ION na crypto nila tumataas din ang demand dahil sa mga ingame items nila na mabibili gamit yun.


Tingin ko naman magtatagal sila dahil hindi ganun kadali ang makapagfarm sa ragnarok landverse, lalo kung hindi ka nakasubok ng ragnarok na laro noon. Tapos wala siyang full auto na laro, need mo mag spend ng maraming oras habang nagcocontrol sa character mo habang grinding/farming.
Sabagay, nabasa ko nga post nila sa page nila tungkol sa drop rate ng cards nila at sobrang baba talaga. Noong nilaro ko ito, never ako nakakuha ng cards na kahit pare parehas na mga mobs na pinagpapatay ko dahil nagpapalevel ako, kahit isa wala talaga.
376  Local / Pamilihan / Re: LENDING SECTION HERE (Mores Funds Available - Wanted Borrowers! on: November 21, 2023, 10:41:47 AM
Tinignan ko trust feedback niya at dalawa pa pending na nakalagay na active loans sa kaniya. Tingin ko baka struggling lang siya sa real life niya at babalik din naman siya para linisin at bayaran lahat ng yan. Ang laki ng utang na yan pero kung sa reputation niya, sa opinyon ko lang babayaran niya yan.
Ilang beses na din naman na involved si sir Dabs  pero lumalabas naman sya para magpaliwanag , ang huling nabasa ko noon eh yong may gumamit sa name nya para mag solicit or something but lumabas sya para sagutin at magpaliwanag at  linisin pangalan nya so I believe na aasikasuhin nya yan kasi etong mga nakaraang taon eh umamin naman syang may struggle sya financially.
Dating mods siya dito sa local natin at malaki ang contribution niya hindi lang sa global boards kundi mas lalo dito sa local natin. Baka busy lang din siya at yun nga may mga dapat asikasuhin, lilitaw nalang din siguro siya at isang bagsakan na bayaran nalang.

Now ko lang din nalaman na Pinoy pala itong manager na to na famous din back in 2017-2018 .
Active siya recently tapos may campaign din, sayang naman.
377  Local / Pilipinas / Re: Papanu makapagrun ng VPS ng libre para sa node? on: November 21, 2023, 06:46:52 AM
Depende sa node na available na may incentive boss, pero sige since para lang clear gagawa ako ng full tutorial setup ng sample na node, may 2nodes ako na nkarun ngaun pero not sure if may reward actually lahat naman hindi sure na may makukuha kahit may pangako, mabubulaga kanalang, depende sa project.
Salamat kabayan. Ito yung isa sa risk sa pag run ng node. Hindi mo sigurado kung kikita ba yung node na yun pero basta ba alam mo na may future o potential yang project na pinagrarun mo ng node, okay lang at hindi naman mabigat sa bulsa yung capital na nilalaan mo sa pagsetup at pagrun ng node.
At basta okay lang sayo ipakita yang nodes na meron ka at sa setup ba ginawa mo. Sa rewards nalang mabibigla at ganito naman talaga ang kalakaran sa pagi invest, mapahold man yan o nodes.
378  Local / Pamilihan / Re: Unofficial Gcash Thread/ Discussion on: November 20, 2023, 11:44:17 PM
Tama kabayan dahil may gcrypto naman na din si Gcash kaya okay na okay na sinimulan mo itong thread na ito. Para kung may concern sa gcash related transactions at features, dito nalang din natin pag usapan dahil wala pa ngang main thread para dito.
What if kaya no kung may mismong Gcash/Gcrypto rep ang dumaan dito sa forum at maging official representative nila. Kasi kay coins.ph nangyari dati kaso hindi din tumagal.
379  Local / Pamilihan / Re: LENDING SECTION HERE (Mores Funds Available - Wanted Borrowers! on: November 20, 2023, 10:02:18 PM
Since na up na rin naman ito baka pwede rin natin mapag usapan si Sir Dabs na sa ngayon ay may medyo ilang months na rin atang hindi nag log in at napag uusapan na rin naman sa labas ng local ito. As of now my utang si Sir Dabs na mahigit 1M Php. Well hindi natin alam kung ano nangyayari behind the scene pero mukha naman atang babayaran ni Sir Dubs utang nya. Ano sa tingin nyo?
Tinignan ko trust feedback niya at dalawa pa pending na nakalagay na active loans sa kaniya. Tingin ko baka struggling lang siya sa real life niya at babalik din naman siya para linisin at bayaran lahat ng yan. Ang laki ng utang na yan pero kung sa reputation niya, sa opinyon ko lang babayaran niya yan.

At meron din pa palang bagong nagdefault ng loan kay Shasan na pinoy manager dati: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5473773.msg63143096#msg63143096
Pinoy pala si Edward?

Medyo natakot naman ako dahil nga nagbabalak din akong magpautang, kahit sobrang trusted na nung tao dito possible parin pala ang ganyan. Kaya dapat yung ipapautang ko dapat kaya ko siyang mawala parang sa investment lang, Invest only what you can afford to lose. Anyway hindi natin alam problema nila sana maayos din ito.
Kung itutuloy mo naman yan basta siguraduhin mo lang na meron kang standards at basis. Yun nga di sapat na kilala yung papahiramin mo basta may kapasidad na bayaran ka at siguradong mababayaran ka. At yun na nga bilang lender dapat matibay din ang puso mo at ihanda mo lang din sarili mo kung mangyari man ang di mo inaasahan after mo magpahiram.
380  Local / Pilipinas / Re: When do you think is the next bull run will start, and why? on: November 20, 2023, 08:50:29 PM
Kaya nga, as long as meron kang holding na bitcoin o kung ano pa mang coin mag kaka profit ka talaga sa mga yan. At kung talaga ngang every four years ang bull run edi mas may guide na para sa mga gustong bumili ng coins.
Sa mga experienced, cycle na talaga sya at proven naman na din. Sa ngayon, nakikita na natin yung signs na papasok na tayo sa bull run at note na hindi pa yan yung actual bull run na inaantay ng nakararami.

Pero malay natin mapaaga o mas tumagal, tiyagaan lang talaga at pahabaan ng pasensya.
Ito ang isa sa unpredictable at hindi natin alam kasi baka mas mapaaga pa nga tapos sana naman mas tumagal ang bull run parang katulad din noong 2021. Kaso ang factor naman nun ay dahil pumasok ang pandemya noong 2020 tapos halving year din yun. Kung ganitong factor na halos magkakaparehas lang din at mas malaki ang volume sa papasok na halving ngayon, ang expected ng marami ay baka ito na yung point na $100k.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 [19] 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!