Bitcoin Forum
May 12, 2024, 05:40:40 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 [48] 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 ... 282 »
941  Local / Others (Pilipinas) / Re: Iwas loan scam dito sa bitcointalk on: August 01, 2023, 10:50:33 AM
pero tama tong initiative mo kabayan na mag ask kung merong gustong magkaron ng Tag para sa future na pwede mangyari.
but at least sana yong magpapa neutral tag ay yong mga nakasisigurong hindi babalik sa account nila once na magkaron sila ng emergency needed ng funds and Loaning lang ang talagang paraan.
Sa akin, sumunod nalang ako sa payo na maglagay nalang sa profile na hindi ako kukuha ng loan. Mas okay na sa akin yung ganito para hindi magamit ng mga manloloko na yan. At sa case naman ni PW, okay naman na at may resolution siya pero yun nga lang sasagutin niya kahit hindi naman niya kasalanan para maging okay lang yung nangyari.
942  Local / Pilipinas / Re: Panu labanan ang sweeper bots on: July 31, 2023, 05:31:54 PM
Dami kong nakikitang mga biktima nito lalo na yung mga mahihilig sa airdrop. Tingin ko kaya sila nabibiktima dahil sa mga requirements na pinapadownload sa kanila ng mga airdrop projects na sinasalihan nila. Kaya yung tingin nilang good project, posibleng maging bad project at may sweeper bots na contain yung mga files na pinaparequire nilang idownload. Kasi kung tutuusin ang isang user parang malabo mabiktima ng ganito lalo na kung hindi naman pala-download ng mga files, apps or software na di nila kilala.
943  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: July 31, 2023, 03:29:40 PM
Ito rin naman ang punto ko, at least marami tayong choices now kaya parang mahirap iwanan ang coins.ph. At kung matatadaan nyo may rant din ako sa kanila. Pero sabi ko nga baka kailangan nating i maintain parin ang mga account natin lalo na isa ang coins.ph sa mga unang platform na ginamit natin lahat lalo na yung nagsisimula pa tayo.
May punto ka diyan. Mas maganda nga na maraming choices, maganda man o pangit ang serbisyo nila ngayon. Baka dumating ang panahon dahil sa mga mahihigpit na exchanges, kakailanganin mo ulit sila kahit na low limit lang. Makikita mo pa rin naman kung convenient ka o hindi kasi kapag hindi, nasa sayo na yan. Ang mahalaga may reserve exchange at established account ka na sa kanila, kaso nga lang sana huwag na silang hyper sa paulit ulit na kyc.
944  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Mining using Green Energy on: July 30, 2023, 04:32:56 PM
Dati yung mejo baguhan ako dito, may nabasa na akong ganitong topic and they said na impossible that time. Pero fast forward, because of the new innovation in energy consumption this might be possible but i-ready na antin ang bulsa dahil ang bitcoin mining really cost a lot of money and energy.
Posible naman kahit dati lang ang kaso lang kokonti palang dati. At yung may mga malalaking mining farms sila yung mga naunang nag invest sa resources para sa green energy mining. Mas tipid din kasi kapag long term na pero sa simula, mapapagastos talaga ng malaki dahil sa components.

wag ka bibili ng panels galing shopee or lazada, dun ka sa local store na main products ay para sa solar power na malapit sayo, sure ako complete lahat sila dun even installations.
Agree ako dito, mas maganda na din mismo kung doon sa mga installer contractor talaga para may warranty na rin yung mismong pag iinstall.
945  Local / Others (Pilipinas) / Re: bisdak40's road to Hero on: July 30, 2023, 10:59:20 AM
Congrats kabayan. Ako hindi rin magaling sa paggawa ng mga technical threads kaya join lang at usual sa mga discussions ng normal lang. Kailan lang din kasi ako naging active ulit at nagbalik at good luck kabayan at tingin ko mauunahan mo ako sa pagiging legendary dahil sobrang lawak ng knowledge mo lalo na sa betting, ako kasi medyo nag lie low muna.  Smiley
946  Local / Pilipinas / Re: Ano nga ba ang Vishing? on: July 30, 2023, 07:59:28 AM
Usong uso ito sa atin pero kapag aware ka naman sa mga ganyang calls, hindi ka mabibiktima ng mga yan. Uso sa mga may bank accounts at madaling maniwala na yung tumatawag sa kanila ay mismong representative ng banko tapos manghihing ng CVV ng credit cards o ng debit cards ng mga users. Ito yung hirap kapag masyado kang masocial media, na yung tipong halos lahat ng details mo nilalagay mo sa social media kaya yung mga important details, real name, birthday, telephone number, etc. madaling manakaw at magamit laban sayo ng scammer.
947  Local / Pilipinas / Re: US DoJ ay nag drop charges na laban kay SBF on: July 29, 2023, 03:14:35 PM
Mukhang papalarin pa nga ata ang kumag na ito kung saka-sakali kasi dami talagang mga kilalang mga maimpluwensiyang tao si SBF.
Badtrip naman yan. Mukhang ganun nga ang mangyayari sa kanya at makakatakas pa ata dahil nga sa mga pinagdo-donate niyang pera sa parehas na mga partido sa US.

I think if mag tuloy-tuloy ito hanggang maiba ang mga nasa pwesto I think magkakaroon ito ng kasagutan lalo na if hindi pabor sa kanya yung nasa administrasyon na I think yung nakaupo ngayong mga opisyal talagang pumapabor sa kanya.
Pabor pa rin yan sa kanya dahil parehas naman na political party ang binribe niya. Kaya kahit magkaroon ng palitan sa pwesto, may utang na loob sa kanya yang mga kandidato na manalo.
948  Local / Pamilihan / Re: GCrypto high onchain transaction fee on: July 29, 2023, 10:26:24 AM
Sa tingin ko mas okay pa na gumamit ng maya sa crypto kumpara dyan sa gcash.
hindi ba for crypto trading sa Maya? parang naalala ko, hindi ka pwedeng mag deposit or withdraw ng crypto sa Maya.
Puwede na sabi sa news.
Maya Now Allows Users to Send And Receive Crypto
949  Local / Pilipinas / Re: Huwag manghula lang pagdating sa crypto on: July 29, 2023, 07:57:42 AM
May nag reresearch din kapag naka invest na dahil nadala ng hype. Kumbaga bumili muna saka nag research which is mali dahil kapag naabutan ng dump ng price at yung naresearch nila they found out na madaming red flag ayun nagbenta ng palugi. Para sa akin ang isang dahilan ng pagreresearch ay para sa long term hold mo na kung saan maging volatility man ang price ng isang coin na pinag investan mo ng pera ay confident ka at naniniwala ka na legit ang proyekto at ikakasiya mo lalo ang pagbagsak ng presyo nito dahil mas makakabili ka ng madami sa baba.
Madaming ganyan na bili muna tapos saka lang mag re-research kapag nabili na nila. Hindi natin maintindihan bakit ganyan yung style kasi ang mahirap sa ganyan ay nadadala lang ng hype. Walang ideya kung ano ang pinapasok nila kaya ang sistema nila, parang bahala na at saka na magtatanong kapag nagkaproblema na. Hilig kasi mag sikreto ng iba na parang style malupet kapag nagkwento sa mga kabarkada at yun pala ay nadala lang ng hype yung desisyon nila.
950  Local / Pamilihan / Re: GCrypto high onchain transaction fee on: July 28, 2023, 10:02:34 PM
Huwag BTC gamitin mo diyan sa Gcrypto kasi integrated yan sila sa PDAX at pagkakaalam ko sa PDAX ganyan din kamahal ang withdrawal fee. Pero kung sa altcoins naman ang gagamitin mo diyan pang withdraw, mababa lang naman ang fee. Pero siyempre karamihan sa atin ang transactions ay nasa bitcoin dahil direkta imbak agad sa mga cold wallets natin.
951  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 28, 2023, 08:39:01 PM
Mas gusto ng pinoy si JC pero nahati lang yan dahil sa mga Ginebra fans at ang gusto naman nila si JB. Mas maganda kung dalawa sila dahil passion naman nila na makalaro sa Gilas.
Nabasa ko pa sa balita na hindi sa pera ang issue kay JC at hindi daw malaki ang TF niya. Doon palang panalo na tayo at gusto niya talaga maka ambag sa Gilas. Ang problema naman ngayon, si Kai, may sinasabi si Chot na di daw makakalaro si Kai dahil di daw sumasali sa praktis.

Nakakatawa yang issue na yan, ung nabasa ko kasi parang ung statement ni super coach eh parang ang tema hindi daw comparable si Kai kay JC kasi sure 20 points daw si JC sa NBA parang ang dating eh iba yung kalidad ni JC which hindi naman natin maaalis yun dahil mulat na katotohanan ang pagkakaiba pero yung magsalita ka ng statement which hindi sya makakatulong sana man lang eh behind close door na lang kinausap yung bata at yung camp para masesetle yung issue.

Pero alam naman natin lahat kung gaana kamakapangyarihan si super coach , what he wants is what will happen, parang same deal lang yan sa Ravena bro kahit ano pang ingay ang isigaw ng fans wala naman nagawa nandyan pa rin yung dalawa.
Oo nga, si JC ay NBA daw at si Kai hindi naman. Kung ako dito kay Chot dapat yung mga ganitong affairs ay di na sinapubliko kung ganyang mga statement. Parang napaka unprofessional talaga nito, kawawa naman yung bata at dapat i-reach out niya na lang yan dahil galing pa sa pressured game yan at sinasabi daw ng medic team ng Gilas na wala daw sakit sa likod. Grabe talaga pulitika sa team na yan, hindi sa kinakampihan si Kai pero yung mga ganyang salitaan tapos pinapublic pa, hindi na dapat.
952  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 28, 2023, 02:30:54 PM
May history na kasi si JC sa Gilas at parang tingin ko lang ah, mas malapit sya sa Pinoy kaya mas gusto syang paglaruin natin. Ang lahat ng mga bansa sa ngayon may at least 1 player na galing sa NBA na.

Kaya mas maganda talagang is JC or 2 talaga. Nevertheless, big boost na naman to para sa atin.

Maiba lang ako, yung babae natin sa FIFA World Cup, gumawa na ng history at naka score ng goal Sarina Bolden. So maatas ang spirit ng mga Pinoy athletes ngayon dahil marami tayong achievements at sana ma carry ito ng Gilas lalo na nanjan si Clarkson satin.
Mas gusto ng pinoy si JC pero nahati lang yan dahil sa mga Ginebra fans at ang gusto naman nila si JB. Mas maganda kung dalawa sila dahil passion naman nila na makalaro sa Gilas.
Nabasa ko pa sa balita na hindi sa pera ang issue kay JC at hindi daw malaki ang TF niya. Doon palang panalo na tayo at gusto niya talaga maka ambag sa Gilas. Ang problema naman ngayon, si Kai, may sinasabi si Chot na di daw makakalaro si Kai dahil di daw sumasali sa praktis.
953  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: July 28, 2023, 12:55:40 PM
Pag higit 50k yung i labas mo sa knila may extra question sila n tinatnong pero ok lng nman. pangit n nga lang ng cpoins.ph ngayon mas ok yung dati.
Madaming mag-agree na mas maganda ang coins.ph dati. Ngayon, malayo na sila sa dating coins.ph kasi may changes na ng management at hindi na natin nagustuhan yung mga bago nilang policies. Yung nakakainis diyan yung paulit ulit na paghingi nila ng KYC kahit na parang kailan lang nag comply ka na. Yung 50k na yan pang level 3 pataas yan di ba? Kung hindi naman yan ang maximum na threshold ng account level bakit need pa nila manghingi ng docs?
954  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Make or Break on: July 27, 2023, 04:45:21 PM
Anyway, kung nasa bearish ang market alam naman natin na temporary lang ito (though hindi natin accurately ma pe-predict ang future price o kung kelan ang bullrun darating). Kaya dapat marunong tayo mag take advantage para kumita ng malaki.
Pagkatapos ng halving, alam na natin ang susunod at yun ang bull run. Ang ganun din naman sa bull run, pagkatapos niyan, alam na natin ang next at yun ang bear market. 2021 nag bull run, 2022 nag bear market at ngayon patapos na yan. Next year ang halving, tama ka at dapat alam natin kung paano i-take ang advantage kaso ang iba kapag bull run lang din nabubuhayan.
955  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Mining using Green Energy on: July 27, 2023, 02:29:46 PM
Hindi ko pa natry yan pero isa yan sa plano ko pero kung may pondo kang parang pang experiment at the same time ay gagawin mo na ring source, dapat lang ihanda mo hindi lang ang bulsa mo kundi pati ang sarili mo. Kasi kapag hindi naman kalakihan ang farm mo expect mo na mababa ang ROI pero ang kagandahan lang diyan, pwede kang mag hold at wait lang ulit hanggang bull run. Tapos yung expenses diyan, may maliit pa rin naman na cost yan kahit na solar mining ang gagawin mo. Check mo din yung klima kung ideal ba siya at hindi masyadong mainit.

           -    Sobrang tama itong mungkahi na sinabi mo, sinasang-ayunan ko ito. Alam naman nating lahat na ang ganitong pagseset-up ay kakailanganin talaga ng malaking pondo, at yung maintenance din dapat oriented tayo sa ganitong mining set-up. Kahit pa sabihin nating pinaghandaan ito, kung hindi naman maayos ang lugar at medyo hindi rin maganda ang klima magiging balewala lang din ang magandang setup at preparasyon.
Prepared naman si OP at mukhang ready to setup na at may pondo naman siya. Kung sa tabing dagat, madami siyang puwedeng alternative na source kaso nga lang katulad ngayon, mabagyo sana sa lugar niya ay hindi ganun kalala kapag na setup niya na mga rig niya.

Dahil alam naman natin na medyo magastos ang pagsasagawa ng Bitcoin mining dito sa ating bansa, at iilan lang ang may malalamig na klima dito sa ating kinalalagyan na bansa.
May mga nakita akong nakasetup sa Baguio at yun yung parang pinag iisipan ko basta magkaroon lang ako ng lote doon at pagawan para sa mining lang kaso sobrang laki nga ng puhunan kapag ganun. Pero iba kasi ang passion at parang may sense na proud ka kapag minero ka.
956  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Mining using Green Energy on: July 27, 2023, 10:10:58 AM
Hindi ko pa natry yan pero isa yan sa plano ko pero kung may pondo kang parang pang experiment at the same time ay gagawin mo na ring source, dapat lang ihanda mo hindi lang ang bulsa mo kundi pati ang sarili mo. Kasi kapag hindi naman kalakihan ang farm mo expect mo na mababa ang ROI pero ang kagandahan lang diyan, pwede kang mag hold at wait lang ulit hanggang bull run. Tapos yung expenses diyan, may maliit pa rin naman na cost yan kahit na solar mining ang gagawin mo. Check mo din yung klima kung ideal ba siya at hindi masyadong mainit.
957  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 27, 2023, 08:06:37 AM
Sobra, sobrang daming mga kababayan natin ang naging masaya nung ibalita yan at overwhelmed din si JC tingin ko sa nakikita nyang reaction sa social media.
Malamang kabayan kasi mahilig din si JC sa social media at ramdam na ramdam nya yung appreciation ng mga kababayan natin, proud na proud nga sya kahit ayaw kilalanin ng FIBA yung claim nya pero sa puso nya pinoy talaga sya!
Yun nga, kung kinilala lang siya ng FIBA, no need na sana para doon sa 1-naturalized. Pero okay na yan. Bisita lang talaga siya sa mga basketball PH groups at pages, makikita yung overwhelming na comments para sa kanya. No doubt naman at no argument naman na mas better siya sa world cup dahil iba din ang standards ng NBA at talented lahat ng mga napipili doon at siya hindi lang talented, may established name na din siya sa team niya at parang siya na rin ang nagiging face ng Jazz.
958  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 26, 2023, 10:02:35 PM
May good news tayo mga kabayan. Si JC ang maglalaro sa Gilas para sa world cup at si JB ay magiging reserved player.
Ito yung balita ~ Jordan Clarkson confirmed to play for Gilas in FIBA World Cup

Magandang balita to kabayan, at least ay naayos na ang gusot between SBP at sa kampo ni Clarkson lalo na yong kanyang ama na naging bokal sa social media dahil pag ang isang isyo ay lumalabas na sa social media hindi maganda ang kahihinatnan.

Sabi sa balita ay sasama na si Jordan Clarkson sa Gilas sa August 6 sa China para sa pocket tournament doon at for sure nandoon rin yong back-up nya na si Justin Brownlee. Alam naman siguro ni JB ang kanyang role kaya walang problema to sa kanya at naipakita naman nya yong kakayahan ng buhatin yong Gilas kung kailangan gaya ng kakatapos lang na SEA games.

Ayos, at least malinaw na sa atin kung sino ang maglalaro para sa Gilas.
Hindi na siguro kinaya ng ama yung feeling dahil ang gusto lang naman ni JC ay makapaglaro at makapagambag para sa national team. Kita naman sa passion ni JC na may pagmamahal talaga siya kahit na malayo na rin ang narating niya. Sa ibang national team na participating sa world cup, merong mga NBA players na hindi nag commit sa national team nila kaya appreciated talaga ang decision na ito.

Oo kabayan pareho nilang gusto na maglaro at alam naman natin na talagang malaki ang impact nilang pareho pero syempre lamang si JC sa experienced NBA yung pinaglalaruan nya at yung hype na pwede nya pang madagdag sa Gilas eh talagang malaki ang magiging boost nun, maganda sana kung dalawa pero gaya nga ng sinabi mo okay na din kahit si JC lang medyo makakapalag palag din.

Yung confirmation lang na maglalaro talaga si JC eh magandang update na para sa mga pinoy fans!
Sobra, sobrang daming mga kababayan natin ang naging masaya nung ibalita yan at overwhelmed din si JC tingin ko sa nakikita nyang reaction sa social media.
959  Local / Pilipinas / Re: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin on: July 26, 2023, 08:51:14 PM
Nashare na natin at wala na tayong magagawa kung maiiwan sila kapag pumalo ulit pataas. Ilang beses ko na din nasabi to sa ibang kaibigan ko na naniniwala kaso nga lang mahirap ang buhay ngayon at wala silang nakalaan na budget para dito. Kaya nanghihinayang din sila kapag nakikita nilang mababa ang presyo ng BTC kasi wala silang pambili pati kapag tumaas na ang price kasi na miss nila ang opportunity.

Mahirap talaga mag kombinse ng mga tao lalo na pag wala silang alam sa mga bagay nato. Kaya di nalang talaga ako nanghihikayat ng mga tao since ayaw ko din mapasama lalo na talamak ang crypto scams at baka mabansagan pako na scammer at sinusubukan ko silang e scam. Kaya sila na ang bahalang matuto kung interesado sila at kung magtanong man sila ukol sa crypto ay sasagutin ko nalang mga katanungan nila.

Ayaw ko mag first move dahil di natin hawak ang isipan ng mga tao at normal na sa kanila at baka mapaaway pa tayo.
Ok din naman ang ganyan pero kapag meron naman gusto matuto at pinipilit ka. Malalaman mo naman yung mga willing matuto at nasa sayo na din yun kung tuturuan mo sila o di kaya kung iiwan mo nalang at sila na ang bahala. Bigyan mo nalang ng mga resources para magbasa basa.
Ang mahirap lang sa iba, ayaw mag basa kaya mas gusto nila merong magtuturo sa kanila dahil ang rason nila, mas madali daw matuto kapag may nagtuturo.
960  Local / Pilipinas / Re: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin on: July 25, 2023, 11:14:54 PM
Ganyan ang pagkakaexplain ko dati sa mga kaibigan ko kaso nga lang parang nakakainis na pinagtawanan lang ako at tinawag pang scammer. Pero hindi directly na sinabing scammer ako kundi yung bitcoin ay isang scam. Wala naman akong ibang pinagsabihan kundi yung mga specific na tao na yun tapos may circle of friends din sila na ganyan ang sinabi na, sabi nila scam ang bitcoin. Kaya parang nainis ako nun syempre ako lang naman nagsabi sa kanila at nag explain ano ang bitcoin tapos makikita ko nalang na ganun pala ang pinag uusapan nila.
ok lang yan kabayan hindi talaga maaalis ang pagdududa ng ilan nating kababayan pagdating sa bitcoin, dahil involve dito ang pera maiisip nila na scam agad. Pero ang mahalaga naman dito ay nashare natin sa kanila ang bitcoin at nasa sa kanila na lang kung maniniwala sila o hindi.
Nashare na natin at wala na tayong magagawa kung maiiwan sila kapag pumalo ulit pataas. Ilang beses ko na din nasabi to sa ibang kaibigan ko na naniniwala kaso nga lang mahirap ang buhay ngayon at wala silang nakalaan na budget para dito. Kaya nanghihinayang din sila kapag nakikita nilang mababa ang presyo ng BTC kasi wala silang pambili pati kapag tumaas na ang price kasi na miss nila ang opportunity.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 [48] 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!