Bitcoin Forum
May 05, 2024, 03:14:43 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 [46] 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 ... 282 »
901  Local / Pilipinas / Re: Stay Lowkey lang tayo on: August 12, 2023, 05:52:30 AM
Sana nga kabayan , gustong gusto ko talagang maipasyal man lang yung pamilya ng magkakasama . Sa ngayon malayo sa kanila at nagttrabaho dito sa Cagayan para may pangsuporta sa kanila habang sumasideline sa crypto.
Magiging ok din ang lahat kabayan, laban lang para sa pamilya.

Sabagay dun naman sila kikita , kaya gagawin talaga nila lahat ng paraan for the views. Pero sa atin lamang ay kaligtasan ng kapwa natin nasa industriya ng crypto , kaya kung yumaman man talaga tayo at swertehin ay lagi natin ilagay sa utak ang pagiging simpleng tao. Mas mainam kung magbahagi tayo ng magagandang paraan sa pag-asenso.
Dadating ang panahon, tayo naman ang yayaman pero hindi na natin kailangan iflex. Ang gagawin lang natin, alagaan ng maigi ang kayamanan na yun pati na rin ang ating pamilya tapos i-share ang blessing sa iba.  Cool
902  Local / Pilipinas / Re: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin on: August 12, 2023, 01:54:28 AM
Ok din naman ang ganyan pero kapag meron naman gusto matuto at pinipilit ka. Malalaman mo naman yung mga willing matuto at nasa sayo na din yun kung tuturuan mo sila o di kaya kung iiwan mo nalang at sila na ang bahala. Bigyan mo nalang ng mga resources para magbasa basa.
Ang mahirap lang sa iba, ayaw mag basa kaya mas gusto nila merong magtuturo sa kanila dahil ang rason nila, mas madali daw matuto kapag may nagtuturo.

Kaya dapat sila talaga mag first move kung gusto nipa matuto dahil kung sila ang atat tas satin maghihintay kung ano gagawin nila ay tiyak di tatagal mga taong ganyan since panandaliang kitaan habol nila at ayaw nila magpagod para matuto pa ng mas malalim ukol dito sa crypto.
Sa dami na nating mga nakaexperience at nakausap tungkol sa ganitong kalakaran, malalaman mo lang talaga kung sino yung gustong matuto at gustong kumita ng mabilisan. Hindi nila alam na kapag aaralin nila, mas kikita sila ng matagalan kaya kapag hindi pa rin sila seryoso at hindi sila magta-tiyaga, huwag nalang silang umasa na isa sila sa kikita.
903  Local / Pilipinas / Re: Inflation sa Pilipinas - Kamusta ang mga kabayan natin dito sa forum on: August 11, 2023, 07:19:56 PM
hindi lang naman satin , buong mundo halos ay dumadanas ng inflation now , mismong mga kamag anak ko sa US at sa europe ay may mga hinaing din sa mahal ng gastusin .
Tama ka diyan, buong mundo naman dumadanas ng inflation kaso sa ating parang mas mabilis o hindi lang talaga sanay na ganito kabilis ang inflation.

sa ganitong panahon mapapaatunayan ang kakayahan nating mga pinoy maghigpit ng sinturon .
meaning di natin maiiwasan pero magagawan natin ng paraan hangang gumanda na ang ating ekonomiya.
Hindi lang sa paghihigpit ng sinturon kundi pati na rin sa diskarte. Sa totoo lang, kapag nasa mall ako parang wala namang inflation kasi sobrang crowded at ang daming tao, meaning na may pang gastos ang tao na parang normal lang. Sentiment ko lang naman.
904  Local / Pilipinas / Re: Stay Lowkey lang tayo on: August 11, 2023, 05:11:15 PM
Hindi na kailangan ipagyabang pa ang ating kayamanan , sapat na yung maganda na ang buhay natin na may matiwasay na pamumuhay. Ang problema lang sa ating mga pinoy ay may pagkahambog imbes na maging humble ay ginagawa pang ikalat sa social medias ang lahat ng kanilang ari-arian na dahilan ng kanilang kapahamakan. Okay lang mag share ng mga paraan para kumita ng pera , huwag lang yung milyones na hawak.
Sinabi mo pa, pero choice nila yan kung gusto nila iflex ang kayamanan nila sa social media. Tayo naman, alam naman natin ang pagiging lowkey lalo kung matagal ka na sa market at may mga holdings kang inaantay na tumaas balang araw.
Tama ka , hayaan na lamang sila. Buhay naman nila yan basta tayo hanap lang ng mga maganda ipanglongterm na coins para kahit papaano ay may maipon at yumaman balang araw. Lowkey is the key lang , makisama lang ng simple yun lang sapat na.
Mangyayari yan balang araw basta hold hold lang at maging pasensyoso at makakamit natin yang totoong flex para sa sarili natin na mai-treat at makatulong tayo sa pamilya natin.

Isa na  rin itong papaalala na dapat simple lang tayo sa buhay pwera lang kung gwardyado ka. Na kahit ipagyabang pa yan sa buong mundo ay ayos lang dahil may seguridad naman yung buhay.
Worried lang ako sa mga mahilig mag flex tapos lahat ng lakad nila parang pinupubliko nila. Yung tipong paalis palang tapos ipopost nila kung saan sila pupunta. Paano nalang kung may masamang loob na nagbabalak pala sa kanila?
Kaya nga , hindi nila iniisip yung kaligtasan nila kapagpinagplanuhan sila ng masasamang tao ay bali wala yung kayamanan nila . Sabagay maraming views malaki ang kita . Kapag maraming pera marami manonood. Kaya mas magandang maging simple lang tayo yung parang wala lang pero may ibubuga pala.
Agree ako diyan, simpleng papamuhay lang ok na at hindi na kailangan pa isa publiko ang mga bagay bagay na ginagawa natin. Pero yung iba kasi, yan na ang hanap buhay kaya kahit ano lang na mashare, gagawin nila.
905  Local / Pilipinas / Re: Stay Lowkey lang tayo on: August 10, 2023, 11:33:50 PM
Hindi na kailangan ipagyabang pa ang ating kayamanan , sapat na yung maganda na ang buhay natin na may matiwasay na pamumuhay. Ang problema lang sa ating mga pinoy ay may pagkahambog imbes na maging humble ay ginagawa pang ikalat sa social medias ang lahat ng kanilang ari-arian na dahilan ng kanilang kapahamakan. Okay lang mag share ng mga paraan para kumita ng pera , huwag lang yung milyones na hawak.
Sinabi mo pa, pero choice nila yan kung gusto nila iflex ang kayamanan nila sa social media. Tayo naman, alam naman natin ang pagiging lowkey lalo kung matagal ka na sa market at may mga holdings kang inaantay na tumaas balang araw.

Isa na  rin itong papaalala na dapat simple lang tayo sa buhay pwera lang kung gwardyado ka. Na kahit ipagyabang pa yan sa buong mundo ay ayos lang dahil may seguridad naman yung buhay.
Worried lang ako sa mga mahilig mag flex tapos lahat ng lakad nila parang pinupubliko nila. Yung tipong paalis palang tapos ipopost nila kung saan sila pupunta. Paano nalang kung may masamang loob na nagbabalak pala sa kanila?
906  Local / Pilipinas / Re: Mag-ingat sa mga Fake PYUSD stablecoins on: August 10, 2023, 05:15:44 PM
Hindi naman ako masyadong gumagamit ng PayPal at hindi rin ako nagte-trade dun, maliban nalang kapag may nagsend sakin ng pera thru PayPal. Yung mga ganitong issue na merong pekeng token din na lumalabas, parang naging common na ito sa community. Basta merong kilalang project, may mga developers na magte-take advantage tapos gagawan din nila ng token at sa kasamaang palad, may mga nabibiktima.

Iniisip ko lang kung pano magagamit ang Pyusd? Magagamit din ba ito sa pagpapadala ng fiat papunta sa Paypal din? O mula sa ibang bank account papunta sa Paypal ay maiswap ba ang fiat sa Pyusd? Or pwede lang ito matrade sa Ethereum at Binance pair bukod sa coinbase layer2? Medyo nalilito ako lang ako ng konti eh.
Halos lahat yan puwede basta within sa platform din mismo ni Paypal. Maliban nalang kung iadopt din yan ng ibang exchanges tulad ng BUSD.
907  Local / Pilipinas / Re: Crypto scammers na nakikipagsosyo sa gobyerno ng Pilipinas. on: August 10, 2023, 03:44:05 PM
These people are crazy, a few simple search they'll know who actually is that guy. Too many misinformed fellow countrymen about him.
I bet that these attendees are just there for hearing out that there's someone who's gonna speak about fake Bitcoin and aren't aware that he's faketoshi.
908  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: August 09, 2023, 06:31:03 PM
Sana nga si Kai ang ipasok ni super coach sa final lineup para pwedeng mag kwatro si edu at junemar or kung sana lang mapagsasabay sabay sila kasama si JC at Ramos or Parks palag na palag na yan kung magiging maganda yung chemistry ng limang nasa loob kasi kaya pa naman tumakbo si Junemar lang ang medyo matanda na pero kung tutuusin yung laki natin sa ilalim pwede na yan kasi pare parehong may shooting naman yung mga malalaking yan kumpyansa lang bumitaw at tyak maganda yung magiging outcome.
Parang nawalan na ako ng pag-asa diyan, lagi nalang pinupulitika saka lahat ng kilos puro pa media. Hindi naman na kailangan ipamedia lahat ng galawan nila kasi nakakawala ng morale, imbes na iboost ang morale ng team, kapag may isang bagsak diyan ay damay damay na yan lahat. Kahit na super hero pa ata ipalit diyan kung ganyan ang coach parang malabo pa sa malabo na magkaroon ng pag-asa yang gilas kahit na sa posibleng mahihinang team sa world cup, yun nga lang, tayo lang ata ang mahina.  Undecided

Sang-ayon ako sa iyo dyan kabayan pero hindi lang natin mapipigilan yon mga content creator na gumagawa ng istorya para lang magkaroon ng views. Ang ibig kong sabihin dito ay kahit constructive pa tong mga statement na binibitawan ng magkabilang panig ay gagawan talaga ng twist para ma-intriga yong mga nanonood ng kanilang content, click bait kung baga.
Isa pa yang mga content creator, sila din yung nagpapabahagi sa mga pinoy na basketball fans. Bawat kilos ng isang player, ico-content nila. Sana magkaroon ng batas para mamonitor itong mga content creator lalo na yung mga clickbait at misinformation.

Dumating na pala sa bansa si Jordan Clarkson noong nakaraang araw, wala na talagang pag-asa pang makalalaro si JB sa FIBA World Cup 23.
Reserve naman siya pero JC na talaga ang option ng Gilas.
909  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: August 09, 2023, 04:04:55 PM
Kaka-miss naman yang Axie nayan during the bull run, dami din nagka pera dito eh and dami din natulungan sa financial aspects ng manager at sa mga scholars. Possible pa kaya bumalik hype ng Axie or wala na talaga pag-asa ito makabangon sa hukay?
Parang malabo na, kung babalik man ay malayong malayo na sa hype na nakilala ang Axie. Neutral nalang yan at parang enjoyment sa mga naglalaro. Sabi din naman kasi ni Jihoz dati ang Axie para sa mga gamer talaga na nag eenjoy may reward man o wala.

Marami pako tokens nito na hindi ko na benta nung mataas pa price nito. Sad
Nasa sayo yan kung aantayin mo pang bumalik pero karamihan nga ng mga members dito, hindi na yan inaasahan na babalik at accepted as loss nalang.
910  Local / Others (Pilipinas) / Re: Ang Pagbabalik on: August 09, 2023, 01:16:25 PM
Kamusta na mga kababayan, nakakamiss naman tong forum na to, ako poy nagbabalik ulit dito para dagdagan pa ang aking kaalaman patungkol sa cryptocurrency dahil batid kong ito na talaga ang pinaniniwalaan ko dati na hinaharap na uri ng salapi, sa pagkakakitaan, pagbabayad, transaksyon, investment at kung ano ano pa.
Welcome back, kabayan!

Naway mabigyan ako ng mga beterano dito sa forum na to kung ano ano na ang mga bagong pangyayari sa mundo ng cryptocurrency. Maraming salamat po
Wala naman masyadong nangyayari na bago kabayan, kung ano ang nadatnan mo dati, yun at yun pa rin. Ang nadagdag lang siguro yung adoption ng mga bangko tulad ng BDO na may mga balita na maga-adopt sila ng crypto o stable coin. Mag browse ka lang sa buong forum kabayan at magbasa basa para maging updated sa ibang mag discussions.
911  Local / Pilipinas / Re: Banks nagsisimula na ang pagpasok sa crypto on: August 09, 2023, 11:22:52 AM
Sa akin naman, open tayo sa adoption kahit itong mga bangko na ito. No choice naman na din sila kundi sumabay sa agos katulad ng pagsabay natin. Ang kaso lang mas nauna tayo at mas opinionated tayo kesa sa kanila. Maganda yan para may exposure din ang market thru them. Pero yun nga lang sa BDO gagawa at sila sarili nilang stable coin. Hati yung opinyon ko din diyan, maganda at hindi din maganda. Pero tingnan nalang natin kung hanggang saan dadalhin yan ng pagkakataon.
912  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: August 08, 2023, 11:53:13 PM
Hmm. Mukhang nag ingay ulit ang Axie ah. Meron pa akong mga estimated 100 pets na balak kung ibenta. Pero baka antayin ko na lang sa 2025 bull run baka mas tataas pa value nila. Sobrang sayang yung pera kung tinuloy ko lang sana ibenta ng maaga kaso mga isko gusto pa laruin until half of 2022.
Kung bentang palugi ka, nasa sayo yan. Sobrang bagsak yung presyo simula noong nagsibilihan tayo kumpara sa presyo ngayon. Ako din dati masyado akong naging patient nung mga panahon na yun, tingin ko naman lahat tayo parang naging patient at akala na babalik sa dating presyo yung mga axie kaya hindi na natin binenta.

Antayin ko na lang talaga to sa 2025 at bahala na kung palugi basta wala na ibang iisipin hahah. Obviously palugi talaga kahit sa 2025 kasi pinakamahal ko nabili noon is 75k isa eh. Pero alam ko mas marami pang mga bumili ng mas mahal pa. Highest price narinig ko is 500k isang aqua. Maliban pa yan sa mga mystics na milyones ata ang presyo noon.
Ganyan tayo haha, bahala na si batman kung ano man kalalabasan kung mag pump pa ba at makarecover o hindi. At least, tanggap natin kung ano man ang maging resulta ng paghihintay natin. Ang mahal pala ng pinakamahal mong nabili, sa akin naman 40k+ haha. Di ko akalain na nakagastos ako ng ganyan sa axie ni tipong brip ko nga butas na.  Tongue

Meron Arena of Faith tapos na sila sa beta. Sayang di ako nakatest pero abangan ko pa din. Yung League of Ancients sana mas maraming pera nalikom mga devs dun kaso mukang scammaz na.
Hirap kasi sa mga yan, di mo alam kung rugbold at scam, parang bihira na mga legit na P2E kaya mas magandang kung sa games ka, steam, epicgames ka nalang at enjoy kahit walang reward.
913  Local / Pilipinas / Re: Ano ang gagawin mo? on: August 08, 2023, 10:54:19 PM
Bounty reward, uso ngayon yan sa mga developers. May mga gray hat hackers na puwede gumawa ng masama at puwede ding magsilbing bug hunter. Sa isang platform na successful nalooban at nahack, no choice na sila kundi mag offer nalang ng 10% reward tapos magkalimutan nalang sila basta maibalik at least yung mas malaking pondo na nahack. Okay na may maibalik kesa naman sa 0% na walang maibalik at lahat nakuha, di ba?
914  Local / Pilipinas / Re: Inflation sa Pilipinas - Kamusta ang mga kabayan natin dito sa forum on: August 08, 2023, 09:52:58 PM
Ramdam na ramdam, yung pag mag grocery ako dati yung 1k-2k sobrang dami. Ngayon, yang ganyang halaga napaka konti nalang ng mabibili. Sobrang bilis din ng inflation kaya dapat hindi lang source of income natin at dapat mas dagdagan pa natin kasi doon tayo makakabawi.
Ang hirap lang ngayon kapag hindi ka madiskarte kasi parang mababaon lang yung pera mo sa inflation lalo na kapag ise-save mo lang sa bangko, yung value talaga namang mabilis lumiit.
915  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: August 08, 2023, 12:51:46 PM
Sana nga si Kai ang ipasok ni super coach sa final lineup para pwedeng mag kwatro si edu at junemar or kung sana lang mapagsasabay sabay sila kasama si JC at Ramos or Parks palag na palag na yan kung magiging maganda yung chemistry ng limang nasa loob kasi kaya pa naman tumakbo si Junemar lang ang medyo matanda na pero kung tutuusin yung laki natin sa ilalim pwede na yan kasi pare parehong may shooting naman yung mga malalaking yan kumpyansa lang bumitaw at tyak maganda yung magiging outcome.
Parang nawalan na ako ng pag-asa diyan, lagi nalang pinupulitika saka lahat ng kilos puro pa media. Hindi naman na kailangan ipamedia lahat ng galawan nila kasi nakakawala ng morale, imbes na iboost ang morale ng team, kapag may isang bagsak diyan ay damay damay na yan lahat. Kahit na super hero pa ata ipalit diyan kung ganyan ang coach parang malabo pa sa malabo na magkaroon ng pag-asa yang gilas kahit na sa posibleng mahihinang team sa world cup, yun nga lang, tayo lang ata ang mahina.  Undecided
916  Local / Pamilihan / Re: Anong P2P exchange ang may pinaka fair price? on: August 07, 2023, 09:07:54 PM
Parang mahirap mag isip ng iba pang may P2P exchange maliban sa mga kilala ngayon. Typical exchanges lang naman meron tayo, coins.ph at pdax tapos wala na. Pero kung international naman, Binance lang talaga ang kilala sa P2P, meron din palang paxful na nagbalik.
Pero kapag ganun, ayaw ko ng gamitin yung ganung exchange na nag announce na ng closure nila tapos biglang magbabalik. Parang kakaiba kasi at mas magandang sa safe at known p2p exchange at market nalang.
917  Local / Pilipinas / Re: Isa na namang Bitcoin negative publicity on: August 07, 2023, 07:31:12 PM
Hindi naman talaga natin maikakaila na ginagamit sa black market at illegal activities ang Bitcoin kaya madalas may lumalabas na negative publicitiy tungkol dito. Very common na lalo na may mga scam activities sa bansa natin involving Bitcoin kaya nagkakaroon din ng misperception ang karamihan na scam nga raw ang Bitcoin.
Sa kabilang banda, hindi naman talaga Bitcoin ang may mali kung hindi ang paggamit ng marami dito sa maling paraan. Natatake advantage kasi nila ang anonymous transactions na naibibigay nito. Mabuti na lang at mulat na rin ang marami sa atin sa kung ano nga ba talaga ang Bitcoin.
Dati pa naman yan bago pa mapunta sa mainstream. Kaya nagkaroon na ng tatak sa publiko na ang Bitcoin ay isang scam para sa kanila at mas lalong dumami pa simula nung ginamit na ng mga scammer yan. Ang hirap lang baguhin ng isip ng mga tao kapag yung negative thinking nila naka stick na sa ganyang paniniwala. Dahil ang totoong mga scam ay yung mga tao na ginagamit ang bitcoin sa pangi-scam nila.
918  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: August 07, 2023, 01:31:22 PM
Wala akong na receive na ganyang email para ireset ang password bakit kaya.Hehe Pero minsan nagamit pa rin ako ng coins, maliitan na transaction lang, mahirap na baka magka problema.
I-check mo nalang baka nasa spam folder mo. Pero kahit wala ka namang nareceive, automatic na ire-reset mo pa rin naman yan kapag nag log in ka o di kaya para lang sa mga naging inactive na talaga yung email na yun.

Dahil meron na nga tayong ibang alternative na pwede gamitin para ma cash-out ang ating crypto, hindi na need mag stick sa coins kasi nga hindi rin sya ganun ka safe. Marami parin yung nakakaranas ng problema sa account nila at yung usual eh walang ma receive na otp kapag maglalabas ng pera. Sikat sila noon pero dahil may ka kumpetensya na ngayon nabawasan na yung users at lumipat kung san mas convenient.
Basta mas madaming option, mas maganda. Kung saan tayo convenient mag exchange ay doon tayo. Ang mangyayari lang ay parang dagdag option nalang siya nating lahat.
919  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: August 07, 2023, 09:10:33 AM
Hmm. Mukhang nag ingay ulit ang Axie ah. Meron pa akong mga estimated 100 pets na balak kung ibenta. Pero baka antayin ko na lang sa 2025 bull run baka mas tataas pa value nila. Sobrang sayang yung pera kung tinuloy ko lang sana ibenta ng maaga kaso mga isko gusto pa laruin until half of 2022.
Kung bentang palugi ka, nasa sayo yan. Sobrang bagsak yung presyo simula noong nagsibilihan tayo kumpara sa presyo ngayon. Ako din dati masyado akong naging patient nung mga panahon na yun, tingin ko naman lahat tayo parang naging patient at akala na babalik sa dating presyo yung mga axie kaya hindi na natin binenta.

Wala nako balak laruin to at mas excited nako sa ibang NFT games. Sana meron mala-DOTA or ML.
Pagkakaalala ko parang may moba style pero hindi pumatok, nalimutan ko lang din pangalan.
920  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: August 07, 2023, 01:49:28 AM
Mukhang magiging trending ulit yung V2. Ang daming streamer ulit naglalaro ng V2 at baka may niluluto silang panibagong event para magbalik mga tao. Sa totoo lang mas ok naman ang V2, hindi ko na nilaro yung latest version kasi ang daming charms at runes.
Parang kailangan nanaman ata ulit nating mastress, lalo na sa mga nakaimbak lang yung axie nila. May pang energy nanaman ulit maglaro. Wish ko lang kung may bago silang update, sana naman pumalo ulit yung presyo ng SLP, AXS at Ron.
Legit! Nabigla nga ako nung nakita ko na may nag sstream ng Axie sa facebook. Didn't expected na nasa 1k viewer yung nanunuod at that time! Sobrang napa wow ako kasi meron pa palang active na nanonood ng axie infinity. Mas maraming gusto ng V2 dahil simple laruin eh tapos halos kuha na nila yung game play. Sad thing lang na nilabas nila yung origin na palubog na yung value ng SLP kaya demotivated na iexplore ng mga tao yung V3. Sa ngayon balita ko merong event ang Axie: The Throwback. May buy-in slot para makasali ka sa tournament. Eto yung exiting laruin kasi may naka stake ka na AXS, para ka lang pumupusta sa sarili mo.
Para kasing masaya pa rin naman maglaro yun nga lang kung may reward at kung naeenjoy mo din naman kung walang reward. Yan nga ata at may pa-event ata si Sky Mavis kaya ganyan ang ginagawa at parang pinapa stream ulit mga Axie streamer. Kaya mas madami ulit maglalaro kaso wag nalang umasa na tataas pa ulit value ng slp pero kung itong ginagawa nila ay magpataas ng demand, hindi natin alam at sana may magandang kalalabasan yan para makabawi yung marami sa bagsak na value ng slp.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 [46] 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!