Bitcoin Forum
May 14, 2024, 10:02:58 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 [20] 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 ... 282 »
381  Local / Pilipinas / Re: When do you think is the next bull run will start, and why? on: November 20, 2023, 08:50:29 PM
Kaya nga, as long as meron kang holding na bitcoin o kung ano pa mang coin mag kaka profit ka talaga sa mga yan. At kung talaga ngang every four years ang bull run edi mas may guide na para sa mga gustong bumili ng coins.
Sa mga experienced, cycle na talaga sya at proven naman na din. Sa ngayon, nakikita na natin yung signs na papasok na tayo sa bull run at note na hindi pa yan yung actual bull run na inaantay ng nakararami.

Pero malay natin mapaaga o mas tumagal, tiyagaan lang talaga at pahabaan ng pasensya.
Ito ang isa sa unpredictable at hindi natin alam kasi baka mas mapaaga pa nga tapos sana naman mas tumagal ang bull run parang katulad din noong 2021. Kaso ang factor naman nun ay dahil pumasok ang pandemya noong 2020 tapos halving year din yun. Kung ganitong factor na halos magkakaparehas lang din at mas malaki ang volume sa papasok na halving ngayon, ang expected ng marami ay baka ito na yung point na $100k.
382  Economy / Economics / Re: #HODLing is not a smooth journey on: November 20, 2023, 07:43:42 PM
Someone who wants to hold for long like me don't have to think of how smooth or not it is. Because the problem goes on our way and it comes at any time that we're not thinking of. The journey of everyone won't be definitely smooth because we're all investors and we're aware of how the volatility of Bitcoin in nature and it sucks when we invest and we're not even aware of it which applies to the newbies. But by the time that you're seeing the result of your holding is growing, you will forget all of those lonely and FUD days on this market because you're only looking forward for that day of making a profit.
383  Local / Pilipinas / Re: Bullrun Strategy Discussion on: November 20, 2023, 01:39:43 PM
 Smiley
Benta muna tapos convert into stable coins. Antay ng kaunti hanggang bumaba tapos saka lang bibili ulit, halos wala din namang bagong strategy akong naiisip kung hindi ulitin lang din yung mga typical strategies na meron na buy low and sell high. Ganyan lang pero mahirap tumayming kapag nasa bull run kasi nga hindi mo alam kung may pataas pa ba o pababa na. Pero ang mahalaga sa paparating na bull run, huwag sayangin yung pagkakataon na kikita ka. Kapag may pagkakataon ka at nakita mong profit ka na, benta na. Tapos wag ng panghinayangan at lalong lalo na huwag maging greedy kasi yan ang isa sa dahilan kung bakit maraming nakakamiss ng opportunities kapag bull run.

Wise move talaga yung magtake ng profit tas iconvert sa stable coins lalo kapag di ka pa sigurado. Patience lang sa pag-antay ng dip, tapos balik pasok kapag mababa na at wag maging greedy. Dapat rin disiplinado tayo sa paghold ng assets para maiwasan yung madalas na paglipat-lipat ng holdings. Big help yon para di maging impulsive sa mga desisyon or magkaloss.
Sa darating na bull run dapat mas madaming mga kababayan natin na gawin ito. Kasi kadalasan sa bullrun at pag take ng profit, nakakalimutan na yung pag buy back at hindi na binabalikan pa yung dapat nilang bilhin ulit. Kasi kapag nakapagbenta na ay parang malabo na tayong makabili ulit sa mas mababang presyo kasi ang ginagawa natin ay ibenta lahat tapos ibili ng kailangan nating mga gamit. Wala namang problema sa mga ganun pero ang problema ay kung may plano kang magbuy back ay hindi mo na magagawa kasi malaki ang chance na ibili mo na yun ng sarili mong gamit.
384  Local / Pilipinas / Re: Paraan para umunlad ang Buhay pinansyal on: November 20, 2023, 12:08:41 PM
Ito na nga ang natututunan ng karamihan sa mga kababayan natin na dapat ay hindi tayo dependent sa iisang source of income. Lalong lalo na yung employment. Wala naman tayong problema kung employment lang ang source pero ang kaso nga lang napatunayan natin na sa hirap ng buhay ngayon, hindi sasapat kung employment lang ang meron ka. Pero kung sapat naman at malaki ang sahod mo, walang problema. At isa pa, yung puwedeng mawala ang trabaho mo anytime ay napatunayan na din na sobrang hirap sa panahon ngayon. Kaya dapat talaga, meron at meron tayong backup. Hindi naman sa hindi tayo marunong makuntento, pero dapat lagi tayong may backup plan lalo na kung pamilyadong tao ka.
Bukod jan, ang isa sa importanteng natutunan ng karamihan ay ang paraan paano kumita online. Naging sikat ang freelance, nakakita ang karamihan ng oportunidad na magkaroon ng ibang source of income gamit ang kanilang mobile device at internet na hindi nila ginagawa noon. Hindi na kasi uubra kung isang source of income lang ang mayroon ka lalo na sa panahon ngayon.
Kaya nga naging trending ang work at home pati na din ang freelancing. Pero ang nangyari naman ay parang naging crowded yang mga space na yan dahil sa sobrang dami ng naghahanap ng work, kapag hindi ka upskilled, makakawawa ka lang at dadami ang kakumpitensiya mo.
Kaya sa mga nagfe-freelance ay dapat may panibago at angat na skill ka sa lahat ng mga freelancers para konti lang ang kakumpitensiya mo lalo na sa panahon ngayon na madaming mga courses online at madali nalang din matutunan ang karamihan sa mga bagay bagay. At kapag tamad ka matuto ng panibagong skill, mao-obsolete ka sa niche na yan at kokonti lang ang opportunities na pupuwede sayo.
385  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 20, 2023, 09:49:40 AM
Paano ba mapapataas ang GCredit o GScore, dapat ba maraming laman lagi yung Gcash mo o maraming nakalink na bank account sa Gcash account mo?
Magkano fee nung kinonvert mo yung GCredit mo to Cash gamit ang coins.ph?

Actually di ko sineseryoso yang GScore at di ko na lang namalayan na tumaas na pala. Nasa 600 iyong Gscore ko nung naactivate si Gcredit. Iyong Gloan dati na-offerran ako ng Php 20,000 last 2019, ang GScore ko that time is 700. Gamit na gamit lang Gcash ko sa Pay Bills (Meralco, Internet), Buy Load, saka dito ako lagi nagtotop-up ng RFID both Easytrip and Autosweep at madalas kami bmyahe.

Bale ang total fee is 25 pesos sa coins.ph thru DragonPay then 10 pesos sa Gcash via Gcredit payment.

Sa ngayon thru coins.ph ang pinakaconvenient na way sa akin ng pagconvert ng Gcredit. Anyway, wag masilaw sa Gcredit ah kasi loan pa rin un hehe. Gamitin lang kung kinakailangan talaga. Wag ring magpapabaya sa pagbayad dahil laking kabawasan sa score.
Nagagamit ko din gcash ko sa mga services na yan pero hindi ko pa nacheck masyado. Nalimutan ko na itong tungkol sa Gscore at Gloan. Kung maka abot ng 20k sa gloan, ang laking bagay na din yan kung kailangang kailangan ng mabilisang pera para magamit din sa mga emergency na bagay. Mabuti at medyo mababa lang ang fee at transfers kasi karamihan sa mga transfers ngayon matapos pati si Coins.ph napansin niyo ba ang instapay niya 15 pesos na? Dati 10 pesos lang. Noong free, tapos naging 5 pesos ata o 10 nitong nakaraan tapos ngayon 15 pesos na. Oo naman sa mga loans, huwag masyadong palunod at gamitin lang kung kailanga at siguraduhing may pambayad.
386  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Mga ragnarok classic gamer maganda ito on: November 20, 2023, 08:09:21 AM
Yan naman talaga design ng game para bumili lang ng bumili para sa new meta. Kasi nga sa marketplace laging merong share ang SkyMavis at doon sila kumita din ng malaki tapos bonus pa kung sila din mismo nagbreed nung kalakasan di ba?
Oo nga, kailangan kasi nila pagalawin ang marketplace para may kitain sila. Kaya bawat galaw mo sa marketplace, buy, sell o breed, may porsyento silang nakukuha. Bukod pa diyan sa new meta rin umiikot ang excitement ng laro. Hanggang may bagong meta na nadidiskubre na ginagamit ng mga players, lalo pa sila nagiging competitive, ibig sabihin, mas lalong gagalaw ang marketplace nila.
Parang dito din sa ragnarok classic, parang sa process nila sa market o nft nila parang may percentage din sila. Kaya bukod sa in game items, madami silang mga iba pang mga source na pagkakakitaan ng devs.
Ang kinaibahan lang dito, hindi pa natin alam kung magtatagal lahat sa players at kung ano mangyayari sa economy nila dahil bago bago pa. Pero kung pumutok nanaman ang market at pumalo ng sobrang taas, para diyan ulit papasok ang hype.
387  Local / Pilipinas / Re: Ano ang gagawin mo sa sitwasyon na ito? on: November 19, 2023, 08:51:26 PM
May reward na mas mababa sa ninakaw. Siguro kung hacker talaga at magnanakaw, wala nang chance ibalik yan at bahala na sila maghabulan at ipablock nila yung addresses para hindi makapunta sa mga exchanges pero aware naman siguro itong mga hackers na ito na puwede nilang gawan ng paraan yan, mixing, etc.

Liit ng reward compared sa ninakaw nila, basi sa news, nasa $120 million nawala sa poloniex,.

Poloniex Confirms ID of Attacker Behind $120M Hack, Involves Police from China, Russia and the US

Tingin ko di na yan ibabalik kasi before nila ginawa yan alam na nila ang conseqeunces sa mga mangyayari. KUng alam nila kung sino, pwede naman nilang hulihin tapos bawiin ang pera, bakit need pa ganitong set up, tingin ko parang walang laman sinasabi nila, bluff lang.
Ito pala alas nila pero gawin nila dahil baka mga pekeng IDs lang yan na ginawa ng hacker para malito din sila. Tama ka diyan, kung may lead sila, pwede naman na nilang arestuhin pero aware yan sila na kapag hacker ka, marunong ka din magtago ng identity mo at hindi basta basta lang na maexpose ng ganyan.
388  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Fee Observer Thread in USD(sat/vB) on: November 19, 2023, 04:27:03 PM
        -  Sa ngayon parang bumaba na ulit siya ng 50-60 sats sa electrum gamit ang mempool, kanina lang sinilip ko at sinubukan ko mga 2 hours ago. Di tulad ng kahapon nasa 370 sats ata nung nakita ko kung hindi ako nagkakamali.

Pero meron bang maximum fee yang transaction sa Bitcoin kapag tinignan natin yan sa blockchain history nya? tanung ko lang naman.
Dahil kung wala yari na naman tayo nitong mga holders ng Bitcoin na gumagawa ng transaction dito dahil pag-umatake ay parang Ethereum din pala ito sa aking nakita.
Wala ata, puwedeng tumaas yan kahit abong presyo. Ang panahon na naalala ko na mataas yan ay noong 2017 bull run, pero hindi ko lang maalala kung kaparehas ng fee sa ngayon. Basta ang fee nakadepende yan sa network kung traffic yan at ang mga miners wala naman magagawa kundi ibigay lang din yung demand ng mga fees na nagagawa nitong network natin. Kaya kapag dumating siguro sa point na sobrang taas ng presyo ng Bitcoin at magkaroon ng spam, posibleng mas tumaas pa ang value ng sats/vb na transactions kung converted sa $$$.
389  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Fee Observer Thread in USD(sat/vB) on: November 18, 2023, 11:55:46 PM
Nakita ko yan kanina at nung chineck ko sa mempool, grabe lang yung pagkapula ng mga fonts na parang nakakatakot sa taas haha. Medyo bumaba na siya ngayon pero mataas pa rin sa high priorty kasi 100+sats/vB pa rin at ayaw ko pa rin magtransact kapag ganyan.

Its not worth mag transact ngayun actually I need to trade kasi may pagkakagastusan ako pero nung makita ko na sa 2000 pesos na withdraw at para mapabilis angpag withdraw ang recommended price ng Electrum ay from 500 to 700 pesos parang hindi worth it, I ended up kumuha na lang sa savings ko at ibabalik ko na lang, nag loan na rin ako sa lending Bitcoin sana pero baka naisip ko kung ibabalik ko baka sobrang taas pa ng fee baka mas mataas pa yung bayaran ko kaysa sa interest kaya I end up borrowing USDT.
Hindi talaga siya worth it kung ganyang amount ang iwiwithdraw mo tapos ganyan din yung fee. Kung siguro mga 50k pesos pataas, okay lang magbayad ng ganyang fee. Naalala ko tuloy yung panahon ng axie na mataas din ang fee sa ethereum tapos may bridge pa dun di ba? libo libo ang fee pero parang wala lang kasi malakihan din ang withdrawhan. Siguro sa paparating na linggong ito bababa na din yung fee. Kaya maganda din na may savings tayo if ever kailangang kailangan natin ng pera tapos hindi tayo makatransact dahil sa taas ng fees.
390  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Fee Observer Thread in USD(sat/vB) on: November 18, 2023, 09:37:29 PM
Mga kabayan, good news na $36k na Bitcoin na mahihit na niya ulit ang $37k. Baka hindi pa tapos itong araw o sa makalawa ay $37k na. Ngayon, ang bad news ay yung fees, dahil ito naman talaga ang topic natin sa thread na ito. Grabe lang.

Code:
No Priority | Low Priority | Medium Priority | High Priority
20 sat/vB       136 sat/vB       141 sat/vB          145 sat/vB
$1.03           $6.99            $7.25               $7.45

source: https://mempool.space/

Kanina parang umabot pa yan ng almost $9 sa high priority. At taas ng fee naman masyado ngayon. Kapag magta-transact kayo, huwag nalang muna kung ang transactions niyo ay below $50-$100 parang hindi siya worth it. Maliban nalang kung need niyo talaga gawin.

At tuloy parin ang pagtaas ng fee, umabot na naman sa mahigit sa 200 sat/vB. Although may isang weird na transaction akong nakita,



Di ko alam kung ano to at hindi ko pa talaga nasilip at naimbestigahan or kung na discussed na to ng community.
Nakakaloko yung nangyayari at ang taas lalo ng fee kanina. Ordi / ordinals daw ang may pakana nitong pagtaas ng fees dahil sa spam daw meaning na madaming transactions ang nangyayari.

At tuloy parin ang pagtaas ng fee, umabot na naman sa mahigit sa 200 sat/vB.
Lampas 300 sat/vB na ang high priorty fees ngayon Shocked
Nakita ko yan kanina at nung chineck ko sa mempool, grabe lang yung pagkapula ng mga fonts na parang nakakatakot sa taas haha. Medyo bumaba na siya ngayon pero mataas pa rin sa high priorty kasi 100+sats/vB pa rin at ayaw ko pa rin magtransact kapag ganyan.
391  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Mga ragnarok classic gamer maganda ito on: November 18, 2023, 12:44:58 PM
Nawala na ang complete interest ko sa gaming nowadays kabayan , instead nag fofocus na ako aralin ang sports betting kasi at least alam kong nag uubos ako ng oras sa Sugal na pwede ko pagkakitaan at pwede ko din pagka talunan.
Kung saan ka mas may interes doon ka kabayan. Kung sports betting man yan ay nasa iyo naman yan dahil nonstop din naman ang sports betting at continuous din yan parang sa laro.

hindi katulad sa online gaming na umubos talaga ako  ng mahabang oras at kahit paano gumastos ako, tapos pag nagsara yong game eh Iyak ka nalang dahil napamahal kana sa character mo at nakapag dulot na ng maraming saya bigla nalang matatapos.
Tama ka diyan at karamihan pa sa mga server ngayon ay madaling magsara pero kung itong server na ito magtagal ng 2 years or more. Mukhang isa ito sa magiging matibay na server ng ragnarok. May mga nakikita pa rin akong private server na buhay pa rin ngayon at mas nafe-feel ko yung nostalgic moments dahil yun ang unang private server na nalaro ko noong highschool pa lang ako at walang alam sa larong ragnarok.
392  Local / Pilipinas / Re: Paraan para umunlad ang Buhay pinansyal on: November 18, 2023, 10:10:36 AM
Ang daming negosyong nagsara, madami ding empleyado ang nawalan ng trabaho. Pero isang bagay lang ang napansin ko na parehas tayong lahat at yun ay hindi tayo nawalan ng pag asa. Ang dami ding mga buhay ang nawala dahil sa sakit na dala ng covid virus pero lahat tayo pinipilit lumaban ng patas at bumabangon hindi lang para sa sarili natin kundi para rin sa mga pamilya natin. Totoo yang realization mo at yan ay na-apply din sa lahat sa atin na hindi dapat tayo kampante kung anong meron tayo ngayon dahil hindi natin alam ang mangyayari kinabukasan. Ang employment din ay hindi permanente dahil madaming tinanggal sa mga trabaho kaya dapat talagang madiskarte at maparaan ka na kahit anong sitwasyon ay dapat marunong kang mag adapt.
Tama ka jan, hindi permanente ang employment kaya hanggat maaari kung kaya mong makapagsimula ng other source of income or business, gawin natin. Huwag maging complacent sa kung anong meron ngayon kasi hindi talaga natin alam ano pa ang mga susunod na mangyayari. Halos lahat nabigla nung pandemic at karamihan ay hanggang ngayon ay bumabangon padin, kaya sana ang iba sa atin ay natuto na sa nangyari. napansin ko lang na iyong ibang tao,mas nag boom ang business nila during pandemic lalo na mga online sellers, Diskarte lang din talaga lalo na sa panahon ngayon.
Ito na nga ang natututunan ng karamihan sa mga kababayan natin na dapat ay hindi tayo dependent sa iisang source of income. Lalong lalo na yung employment. Wala naman tayong problema kung employment lang ang source pero ang kaso nga lang napatunayan natin na sa hirap ng buhay ngayon, hindi sasapat kung employment lang ang meron ka. Pero kung sapat naman at malaki ang sahod mo, walang problema. At isa pa, yung puwedeng mawala ang trabaho mo anytime ay napatunayan na din na sobrang hirap sa panahon ngayon. Kaya dapat talaga, meron at meron tayong backup. Hindi naman sa hindi tayo marunong makuntento, pero dapat lagi tayong may backup plan lalo na kung pamilyadong tao ka.
393  Bitcoin / Bitcoin Discussion / Re: An easy approach to Bitcoin on: November 18, 2023, 08:12:17 AM
I really don't understand what is the benefit of teaching bitcoin to children, why does it always become a topic of discussion when at their age it is only suitable for basic knowledge of life and most of the time their mission is to have fun and explore the world. I would love to know the people who are coming up with the idea of teaching bitcoin to children, have they done that with their children? Or do they not have children and know nothing about how to raise a child? Bitcoin is just a currency, and while they don't know what currency is, how can we teach them more complicated things?
Those who legitimately taught their children about Bitcoin, it's because of their passion and like for Bitcoin. It's just fine to teach them about Bitcoin but if they show no interest after introducing it to them, that's where one should stop. That's just like teaching something new to them and if they think that they should stop learning from it then that's how it goes. And those that haven't got a child yet, maybe it's on their plan that when their kid grow up a little bit and understands some things already and that's where they're going to teach them.
394  Local / Pilipinas / Re: PCSO Idinemanda Ang Isang Blockchain Company on: November 18, 2023, 04:00:27 AM
Just read this news, unfortunately, ginamit na naman ang blockchain tech related sa mga illegal na gawain, although friendly naman ang authorities dito pero marami paring ayaw sumunod, business is business, need mo sumunod ng business and tax related laws dito satin ma online business man or hindi.
Well, bad publicity is still publicity, mas pabor at mas fair ang gawang blockchain tech related or cryptography about lottery apps and software.
Sa bansa kasi natin madaling mag operate kahit wala yang mga taxes at business permits na yan. Pero kapag nahuli ka, tiyak na sarado agad. Kung meron lang pangil ang batas sa atin na bago pa man magoperate yung mga ganito, matatakot na sila. Naging parang hub na itong bansa natin dahil hindi takot ang karamihan sa batas o sadyang hindi lang talaga matibay ang ngipin ng batas natin kaya madaming pilipino ang mga hindi sumusunod pati mga banyaga malalakas ang loob.
395  Local / Pilipinas / Re: Paraan para umunlad ang Buhay pinansyal on: November 17, 2023, 09:58:56 PM
On point ka kabayan, nung time ng pandemya wala ka talagang magagawa kundi isakripisyo kung anoman ang meron ka, salamat na nga lang medyo nakakagalaw na tayo ulit at kahit papano makakapag simula ulit, pwede ng makapag hanapbuhay ng maayos at makapag ipon para sa investment, ung tungkol sa kalusugan tama ka din dyan maliban sa pera dapat meron ka din panahon sa kalusugan pati maintenance na makakatulong sa pagpapalakas nito.
Mahirap noong panahon ng pandemic at limited lang ang kilos natin kaya sa mga hanapbuhay, kanya kanyang diskarte at marami na din napasabak sa crypto at mas maraming lumabas ang tunay na talent sa pagnenegosyo. Kaya nga sa ngayon, mas okay na yung ganitong pamumuhay natin dahil balik na tayo sa normal at hindi na natin iniinda yung mga nakaraan na nangyari dahil sa pandemya. Kahit na parang madalas pa rin ang sakit ngayon, ang nagiging dahilan nalang natin ay uso ang sakit. Kaya sa mga kababayan natin dito na may crypto investments, may trabaho tapos may negosyo pa, mas lalo pa nating galingan pero huwag pabayaan ang kalusugan.
Grabe yung buhay nung panahon na nagsisimula yung pandemya, marami yung naudlot na plano isa na rito yung trahabo ng magulang ko at yung pagaaral ko kaya kung isiipin natin yung buhay natin ngayon ay magpapasalamat ka na lang talaga at nakakaluwag luwag na ulit hindi tulad dati. Sa totoo lang marami ipinamukha satin yung nangyaring pandemya na kung sakaling wala kang diskarte sa buhay ay patuloy kang mahihirapan. Yung kakilala kong naghahanap ng pagkukunan nung pandemya ay meron na ngayong business dahil sa diskarteng ginawa nya. Thankful din talaga ako dahil sa crypto dahil malaki yung naitulong nito sakin lalo na nung nagkaroon rin kami ng Covid, kahit mahal yung nagastos namin ay naisalba parin kaming lahat. About naman sa kalusugan, malaking tulong na rin yung pagkuha ng insurance lalo sa panahon ngayon. Nagplaplano na rin akong kumuha ng insurance kahit yung company na pinagtratrabuhan ko ay may insurance na given dahil hindi natin masasabi kung anong mangyayari satin.
Ang daming negosyong nagsara, madami ding empleyado ang nawalan ng trabaho. Pero isang bagay lang ang napansin ko na parehas tayong lahat at yun ay hindi tayo nawalan ng pag asa. Ang dami ding mga buhay ang nawala dahil sa sakit na dala ng covid virus pero lahat tayo pinipilit lumaban ng patas at bumabangon hindi lang para sa sarili natin kundi para rin sa mga pamilya natin. Totoo yang realization mo at yan ay na-apply din sa lahat sa atin na hindi dapat tayo kampante kung anong meron tayo ngayon dahil hindi natin alam ang mangyayari kinabukasan. Ang employment din ay hindi permanente dahil madaming tinanggal sa mga trabaho kaya dapat talagang madiskarte at maparaan ka na kahit anong sitwasyon ay dapat marunong kang mag adapt.
396  Local / Pilipinas / Re: Paraan para umunlad ang Buhay pinansyal on: November 17, 2023, 08:47:45 PM
On point ka kabayan, nung time ng pandemya wala ka talagang magagawa kundi isakripisyo kung anoman ang meron ka, salamat na nga lang medyo nakakagalaw na tayo ulit at kahit papano makakapag simula ulit, pwede ng makapag hanapbuhay ng maayos at makapag ipon para sa investment, ung tungkol sa kalusugan tama ka din dyan maliban sa pera dapat meron ka din panahon sa kalusugan pati maintenance na makakatulong sa pagpapalakas nito.
Mahirap noong panahon ng pandemic at limited lang ang kilos natin kaya sa mga hanapbuhay, kanya kanyang diskarte at marami na din napasabak sa crypto at mas maraming lumabas ang tunay na talent sa pagnenegosyo. Kaya nga sa ngayon, mas okay na yung ganitong pamumuhay natin dahil balik na tayo sa normal at hindi na natin iniinda yung mga nakaraan na nangyari dahil sa pandemya. Kahit na parang madalas pa rin ang sakit ngayon, ang nagiging dahilan nalang natin ay uso ang sakit. Kaya sa mga kababayan natin dito na may crypto investments, may trabaho tapos may negosyo pa, mas lalo pa nating galingan pero huwag pabayaan ang kalusugan.
397  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 17, 2023, 07:43:31 PM
Paniwala ko totoo yang nangyari yan at hindi lang gawa gawa pero ayaw lang din nila bigyan ng official na pahayag yan dahil kahihiyan din niya yan at baka mas lalong mapasama pa ang career niya. Sa totoo lang, effective yung pagpapalipat ni Harden sa Clippers kung sa publicity lang ang usapan natin dahil sila ngayon ay isa sa usap usapan at kung gaano ba kasulit yung trade na yan pero ang labanan naman ay hindi sa chismisan at publicity kundi sa laro at doon sila talong talo. Parang ilang beses na ata natin na nakita yung ganitong jinx ni Harden kapag nalipat siya sa mga kilala ding mga players. Mas okay pa na nagstay nalang siya kasama si Embiid dahil naging maganda naman yung run nila last season. Kaso nga lang, basta sa mga ganitong players may attitude problem at hindi rin nakukuntento kahit na maganda ang treatment at terms ng contract na meron sila.

Oo nga sa tinging ko din sya talaga yung problema eh, maganda naman ung nangyari sa Sixers kinapos lang pero kung nag stay na lang sana sya at sinubukan nilang mag palakas pa lalo, tutal nakuha na ni Embiid yung MVP siguro ung pagiging inspired maglaro nasa kanya na.

Imbis na nag ingay si Harden at nanghingi nanaman ng trade, lalo lang napasama yung pangalan nya lalo na ngayon sunod sunod ung talo nila.
Kaya nga, MVP naman kampi niya at may tira naman din siya kaya naging MVP yung kakampi niya. Pero kung ganitong player, si Kobe ata ang may sabi sa kaniya na hindi siya magtatagumpay. O hindi si Kobe yun? Basta parang may nakapagsabi ata ng ganun na mahihirapan makakuha siya ng title.

Hindi pa naman siguro katapusan ng Clippers need lang nila hanapin yung tamang timpla para makatikim naman ng panalo.
Hindi pa pero disadvantage talaga kapag sobrang daming talo at baka hindi magandang result ang abutin nila ngayong season at baka hindi na din umabot sa contention o playoffs.
398  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: November 17, 2023, 06:29:15 PM
Parang mas mababa pa yung nakikita kong bentahan ng axie ngayon tapos puwede na din mag offer sa axie ng iba sa marketplace. Nakakatawa lang kasi may mga nag offer ng $2 sa magagandang axie dati tapos libo libo ang presyo. Sobrang nakakahinayang pero wala naman na tayong magagawa kundi tanggapin nalang ang katotohanan na tapos na ang hype sa axie at kung magkaroon man ulit, hindi na yan aabot sa point na parehas din ng hype na nagawa nila dati.
Yes pwede na din mag offer sa naka sale sa marketplace, depende naman sa seller kung iaaccept yung offer o hindi. Libre tawad kahit sa marketplace ng axie diba, haha. Binabarat na kasi ngayon ang mga axie talaga e, yung iba nga para lang maipaubos agad ang axie nila, binebenta ng bundle.
Mas puwede pang baratin kaya pala sa mga nakatabing axie ko din nung nagcheck ako, meron ding offer. Akala ko 1 ETH na yung offer pero $1 pala, haha. Akala ko may pabuwena mano na si Axie dahil sa mga ganitong bagong feature at makakabawi bawi na pero sablay pala pero ayos na din yan para sa mga gustong magdump at may makuha kahit papano. Pero yun na nga, yung iba ayaw magbenta ng sobrang palugi, di bale ng walang makuha wag lang magbenta ng palugi kasi parang masakit nga naman sa damdamin yun.
399  Local / Pilipinas / Re: Tarot cards gamit pang predict ng market? on: November 17, 2023, 03:47:27 AM
Siguro ay napakalabo para sa atin na irelate ang tarot cards sa market, dahil ang tarot cards ay pawang hula lamang ng mga posibleng mangyari sa hinaharap. Yung iba pilit lang o sadyang naniniwala o sabihin na nating nagkataon lang kaya pinaniniwalaan nila ang paggamit ng tarot cards. Posible din yang sinabi mo na baka may alam din sa crypto market ang mga nanghuhula at sinasabayan lng ng tarot cards para mas kapani-paniwala sa iba.
Yun na nga kabayan, mahirap talaga kasi wala namang basis at parang ang basis nila ay sa kung anoman ang pinagbabasehan nila sa panghuhula nila na walang direct connections sa market. Mas madaling isipin na may alam sa crypto yung nanghuhula at gimik lang ito para pagkakitaan. Ganito naman sa mundo basta kung saan may raket, puwedeng gawin at meron at merong bibili.

part lang siguro ito ng kanilang plans for hyping kasi parang nakakaloko naman talaga paniwalaan kahit sinong may matinong isip hinding hindi maniniwala dito tarrot card  i coconnet sa crypto?
Hindi natin alam kung hyping pero kung nangyayari talaga at may mga parokyano baka established na din yan sa may Thailand.

may mga nakita akong tao na ginagamit ang kanilang faith even sa gambling , pero yong ganitong connection na imposibleng magkaron ng katotohanan eh nakakaloko na.
Ayun na nga, nagdadasal pero nagsusugal.. Ooops maraming influencer sa bansa natin niyan pero kahit individuals, madami din.

tsaka baka siguro kung sa Bitcoin pa nila i connect eh may mga maniwala pa or sakyang ang trip nila but LUNA? come on alam naman ng lahat na scam ang project na to.
Medyo malayo kabayan, nabanggit ko lang yung luna dahil = sa buwan na nasa tarot cards.
400  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 17, 2023, 01:26:53 AM
Akala ko gagaling ng husto tong Clippers pagdating ni "The Beard" pero kabaligtaran ata ang nangyari pagkat wala pa silang panalo buhat ng siya'y naglaro sout ang Clipper's uniform.

Umalingaw-ngaw na naman yong issue about that locker incident pero tingin ko totoo yong mga bali-balita at hindi magtatagal ang ibang team na naman ang bagsak ni Harden.
Paniwala ko totoo yang nangyari yan at hindi lang gawa gawa pero ayaw lang din nila bigyan ng official na pahayag yan dahil kahihiyan din niya yan at baka mas lalong mapasama pa ang career niya. Sa totoo lang, effective yung pagpapalipat ni Harden sa Clippers kung sa publicity lang ang usapan natin dahil sila ngayon ay isa sa usap usapan at kung gaano ba kasulit yung trade na yan pero ang labanan naman ay hindi sa chismisan at publicity kundi sa laro at doon sila talong talo. Parang ilang beses na ata natin na nakita yung ganitong jinx ni Harden kapag nalipat siya sa mga kilala ding mga players. Mas okay pa na nagstay nalang siya kasama si Embiid dahil naging maganda naman yung run nila last season. Kaso nga lang, basta sa mga ganitong players may attitude problem at hindi rin nakukuntento kahit na maganda ang treatment at terms ng contract na meron sila.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 [20] 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!