Bitcoin Forum
May 13, 2024, 05:23:29 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 [39] 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 ... 93 »
761  Other / Beginners & Help / Re: How does creating topics improve you a lot? on: April 30, 2020, 09:31:08 AM
Good day! As I have no idea how to start a new subject, I finally made this thread about the advantages of producing quality topics. After the introduction of the merit system, it urges me to build topics to gain merits and at the same time to learn. And this thread will give you an idea of how certain people in a single post receive a lot of merits. The key benefits of creating topics are merit that shows the quality of your posting and can also improve your credibility. Making this a passion motivates me to create and improve a lot which helps me to learn and learn more.

Here are the threads I created on my local section:

So what's the product of my efforts on creating threads?

I'm just a full member when merit system came, and I reach Sr. Member and Hero member last year through these efforts, and hoping to be a Legendary Member this year 2020.

The benefits of creating quality topics is very simple;
1. You'll gain more knowledge.
2. You can apply it in different applications.
3. You will get a strong reputation and credentials because you are making an effort to make a quality threads.

So my advice to all aspiring posters of quality soon, always think about your posts, it's better not to rely on the thread of others. Sometimes it's easier to discuss about something you've learned well because you're going to build a successful conversation that serves a forum function. So always share all of your learning that might support other beginners who have begun their journey here at the forum recently. So the point is very obvious, nothing special on this thread. Always keep safe from COVID-19, Have a good day everyone!  Cheesy
I have been stalking your posts even you were on Senior Member and I really amazed on how you created topics which are new and helpful to our community specially in Philippines (our local board).

And now, I was surprised that you are already a Hero member. A few step forward then legendary rank will open a gate for you. Advance Congratulations!

I have also made my own posts even before, here are some of it:
Taxation
constructive posting
AOTS
MA

But only few amazed it. Haha. However, I am always positive to have good post which will be commented by moderators and merited by lots of people.

Looking forward, I am really inspired of what you have done.
Long live, Filipinos!
762  Local / Others (Pilipinas) / Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread on: April 30, 2020, 07:18:32 AM
Kaloka itong si Governor Jonvic Remulla.
Pabago-bago ng desisyon.
Panic na talaga ang karamihan ng taga-Cavite dahil sa announcement niya na total lockdown tapos biglang "wag na lang".
Wow!

Napapila ako ng 3 hours sa Puregold para lang mag grocery for milk and diapers ng baby ko tapos ganon lang. Sorry lang.
Tapos nasita pa ako dahil 1 pm na ako nakauwe which is lockdown time na at ayaw ako papasukin ng subdivision. Kinailangan pa makiusap ng todo todo.

Dapat sa mga gantong situation ay manigurado muna sila.
Madami tao ang nagpapanic tapos congested ang mga groceries dahil sa mga maling pagpapatupad.
Baligtad eh. Nauna magpatupad bago ang research na hindi pala kaya ng mga city and barangay.
Sa nakikita ko parang biro-biro lang sakanya ang LOCKDOWN. Hindi man lang naisip kung ano yung magiging response ng mga citizen kapag naganunsyo sya at biglang babawiin.

Imagine, nagkaroon ulit ng panic buying which is iniiwasan na ngayon kasi dumadagsa ang tao sa mga grocery stores. Dahil lang sa announcement na kalaunay binawi nya.

Kapag ganyan sya palagi, naku. Marami sa kanyang magagalit.
763  Local / Others (Pilipinas) / Re: Newbie question on: April 30, 2020, 04:56:57 AM
Sa tingin ko magandang mag invest sa Binance kung meron kang malaking kapital lalo na kung dolyar ang pinag uusapan. Hindi ako masyadong sigurado kung hanggang magkano or ano ang minimum sa Binance, kung Faucet naman, sa opinyon ko naman ay sayang lang sa oras lalo na kung mag hihintay ka ng matagal para sa sobrang liit na halaga, may minimum withdrawal ka pang kelangan maabot para makuha mo yung inipon mo. Pero kung papipiliin sa dalawa, Binance mas ideal na pagkakitaan.
Hello bro!
Ang binance po ay isang exchange, top exchange ng cryptocurrency. Bale hindi sya mismo ang pinagkikitaan, jan ka bibili ng pwede mong pagkakitaan. For example, bibili ka ng bitcoin sa binance sa halagang 6K usd at ibebenta mo ito pwede sa 8K usd. Yung ang masasabing, you will take the profits.

Another thing, hindi po main currency ang dollar though it can be in other currency. Hindi mo masasabi na kapag marami kang tubo sa dolyar, mas marami sa bitcoin nga dahil volatile ito.

Ang faucet kasi pwede ka makakuha ng satoshi na libre pero matagalan. Masasabi nating maliit kasi faucet lang, pinamimigay lang ang sats jan.

Kung papapiliin between faucets and trading, idepende mo sa asset mo. Kung may capital ka na malaki, then trading is really good for you. But take note, the higher your income, the more capital your risk in trading.

Actually, you can do that both. It's up to you on what will you prioritize.

Lastly, if you want to trade, you should have a wallet for the coin na bibilhin mo. Mahirap ipagkatiwala sa mga exchanges ang asset kahit pa binance yan.
764  Local / Others (Pilipinas) / Re: The elephant in the room on: April 30, 2020, 04:31:09 AM
18. Having multiple accounts and account sales are allowed, but account sales are discouraged.

Let's make things clear out guys kasi info rin ito para sa mga newbies who are trying to break laws in forum.
Let's go back to that rule. Having multiple accounts are allowed as it was stated on the rules. But using those accounts to manipulate a certain bounty is badly not allowed.

Nasa rules ng mismong mga campaign na no multiple accounts and yun ang sa tingin kong naging dahilan ng pagban sa mga account ni sir Polar.

Naaawa at saludo ako ay Polar91 dahil sa mga nagawa nya para sa forum at sa sipag nya sa pagbabounty pero wala eh ang mali ay mali. At hindi ito maitatama ng isa pang pagkakamali. I admire him because matapang nyang inamin pero mananatiling baho ito ng buong Pilipino dito sa forum.

About po sa maghanap ng job outside of this forum. Yeah, it is good. Pero para sa akin, hindi yan sa forum o anong trabaho. Ang mahalaga jan eh wag ka manlamang sa iyong kapwa tao.

Para naman sa sinabi ni yahoo, may point naman siguro sya pero sana wag naman lahatin tayo. May mga Pilipino pa din na patas magtrabaho. At ang pagkakamali ng isa ay hindi para sa lahat.

Sa mga nagbabalak jan magcreate ng accounts, just create one. Wag na magbalak gumawa ng alt para hindi sayang pinaghirapan.

Wag na din natin hayaang maulit toh. Kapag sinabing no alt accounts, wag na labagin. Tandaan, no man is above the law.
765  Local / Others (Pilipinas) / Re: Birthday Celebration- Merit and load Giveaway on: April 30, 2020, 02:28:41 AM
Bago ako magsimula, gusto kitang batiin ng Maligayang Kaarawan kababayan! Maraming bitcoin at blessings pa ang dumating saiyo!

Dahil hindi pa naman kumpleto yung year 2020, kaya gusto ko na lang ibahagi yung kwento ko last year lamang.


"The ends justify means"- Niccolo Machiavelli

Hindi ako yung tipo ng estudyante na matalino talaga. Yun bang maraming awards na natatanggap at recognition na nadadaluhan sa tuwing magtatapos ang taon. Kaya naman isang malaking hamon para sa akin ang makapasa sa Licensure Examination for Teachers o LET. Masyadong, maliit ang percentage na nakakapasa sa LET, imagine 20-40% lang ang nakakapasa out of 200K na nagtatake. Kaya naman talaga bwenas ka kung makapasa ka.

Mahirap, ika ng mga instructor at ibang batchmate na ahead sakin para ipasa ang LET, kailangan mo nito paglaanan ng oras sa pagrebyu. Subalit, isa ako part time job hunter dito at sa aming lugar. Kailangan kasi din magtrabaho para may maitulong ako sa gastos sa bahay at pagkain. Lalo na at wala ng tatay na tumataguyod sa amin. Kaya naman halos, hindi ako makafocus sa pagrerebyu. Ang tanging oras ko lamang ay 10pm to 12am. Kaya kape at determinasyon na lamang ang aking panlaban sa antok at pagod. Ang laging routine ng buhay ko ay magtrabaho, magpost dito sa forum, asikaso sa bahay at magrebyu kahit antok na.

Dumating ang araw ng paghuhukom. Hehe. Sa tingin ko naman ng mga oras na yun ay ginawa ko ang best ko at iniisip ko na kapag bumagsak, edi magtake ulit. Hindi naman nakamamatay ang judgement ng ibang tao di ba? Ngunit, simula pa lamang ay nagkaroon na ako ng aberya. Nasulatan ko ang answer sheet ko sa Majorship ng ballpen which is malaking epic dahil baka hindi na tanggapin ang sagot ko ng scantron machine. Pero tuloy lang ang laban. Inisip ko na lang lahat ng pagod at sakripisyo na linaan ko para sa exam na yun.

So, fastforward. December 1 yun eh nung lumabas ang exam. Sakto parating palang yung Bagyong Tisoy ng ilabas ang result. Hehe. Expected ko ng wala ako sa listahan pero nagbaka sakali pa din. Grabe yung kaba ko noon and mina-mind set ko na bawi na lang next time. Lalo na nung malapit na sa apelyido ko pero wala pa din pangalan ko. Haha. Pero, God is really good at all times. Lahat ng hirap, effort, antok na naramdaman ko ay worthy dahil pumasa ako sa LET. With matching 91.00 ang General Education.

Lessons?
1. Lahat ng ginagawa natin ay dapat lagyan natin ng purpose. Para kahit ano pa man na pagsubok atleast alam mo kung ano ba ang layunin mo. Hindi masamang mangarap lalo na kung lalapatan mo ito ng sipag at tyaga.
2. "Give me 6 hours to cut down a tree and I will spend the first hour, sharpening the axe" - Abraham Lincoln. In every battles of life, kailangan mo maging prepared. Kasi ang opportunities ay nanjan lang, marami ang nagbubukas ng pintuan para sa atin. Ang tanong, handa ba tayo para dito? So, we need to make the best thing para sakaling magkaroon ng problema man, alam natin kung paano ito lagpasan.

Isa din na gusto kong ibahagi ay ang pagbobounty ko, hehe. Biruin mo, 3 years na ako pero member rank pa din. Hirap kasi akong pagsabayin talaga ang pag-aaral, pagside line and trabaho. Kaya wala akong masyadong post na creative talaga dati.

Marami din akong nasalihan na failed at exit scam ICO, di ko na ata mabilang sa daliri ko. Halos ilang buwan ako nagtagal sa Arena Space. Kaasar yun! Hindi man lang kami nabayaran. Haha. Pero tuloy pa din ang laban.

Kahit na ilang libo pa lang ang nahawakan ko dahil sa pagbobounty at inabutan ako ng merit system. Sinisikap ko pa din maging creative na member ng forum at kumita sa pagbobounty. Tyaga at sipag lang. Kahit wala pa akong masyadong kita dito. Pero sa ngayon natutuwa na ako dahil tumaas na ang bilang ng merits ko.

Lesson? Never give up, failure and rejection are the first step to success.


God bless everyone, I hope nakainspire ako kahit sa kaunting bagay lang. Hehe.
766  Local / Others (Pilipinas) / Listahan ng Mga Dating Sikat na Bounty Manager on: April 29, 2020, 02:12:26 PM
Ginawa ko itong thread para magbalik tanaw sa mga Bounty at Bounty Manager na sikat dati at ngayon ay wala na.


Last 2017 and before, ang ICO ay talaga namang sikat kung kaya't ang bounty noon ay talaga namang patok. Marami sa bounty noon ay nagbabayad at promising. Syempre ang mga Bounty Managers naman dati ay talaga namang patok at sikat. Sila yung mga Manager na talaga namang para sakin ay magaling maghandle at humawak ng maraming bounties.

Bago natin sila makilala, ano nga ba ang Bounty Manager? (para sa mga baguhan sa forum, trivia lang)

Quote
Ang bounty manager ang namamahala sa bounty campaign. Kailangan kasi ang bounty sa pagpromote ng ICO o project. Sila din minsan ang nagpapamahagi ng tokens at kadalasan ang mata at bibig ng developer sa mga bounty hunters.


Kaya ginawa ko ito para naman makilala ng iba yung mga BM na nagpasuccess ng mga proyekto ngayon na sikat na at nagbigay ng maraming token o opurtunidad sa mga myembro ng forum.
Ito yung top 10 Bounty Managers na dating sikat pero hindi na ngayon naghahandle ng campaigns:

10. Sylon-
https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=112240
Isa to sa pinakahinahangaan ko na BM, kasi bukod sa magaling maghandle, marami pa syang project na napasuccess.

9. Sk_ezaz-https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=914627
Kala ko dati same lang ito pati nung kay Jamal, magkahiwalay pala. Madami akong nakuha din dito lalo na sa ICO na LaLa World(pero investment, hindi bounty).

8. Momopi- https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=1132766
Wala akong gaanong background kay momopi dahil hindi ako nakasali sa kahit anong campaign nya. Pero ito yung halos lahat ng nahawakan successful. I don't know pero nasa amazix ata ito dati.

7. Sandra Evans-
https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=1182014

Eto, active pa sana last year. Kaso nawala na din pati sa telegram hindi na active. So, I think lumisan na sya sa BTT talaga.

6. Olcaytu2005-
https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=401363

Kamember ito ni Needmoney sa tokensuite hehe. Magaling din to, kaso tulad kay needmoney may mga scam din na nahawakan

5. BarbieCasino- https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=927216
Hindi ako nakasali sa campaign nito pero may mga nakita akong successful na project na hawak nya din.

4. NeedMoney - https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=86907
Eto, legend toh sakin kasi daming hinawakan na project. I could say na karamihan talaga sa project nya ay scam pero meron naman talaga nagbayad like zper na good for 3 weeks lang.

3. AtriZ-https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=135920
Kaunti lang nakuha ko dito, hehe. Pero magaling sya humawak ng bounty tsaka sa pagkakaalam ko, dati syang member ng gunbot bago sya nagkared trust.

2. Arteezy-https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=1059021;sa=summary
Harmony, kauna-unahang IEO na nagsuccess sa Binance. Hindi na rin sya active ngayon sa TG pero online sya nung mga nakaraan sa BTT. Baka bumalik ito soon kapag okay na ang fundraising.

1. Jamalaezaz-https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=721115
Jamal, isa ito sa pinakanaging kontrobersyal na BM dati. Isa syang sikat at halos successful ang hinahawakan na project. Kaso bumagsak sya matapos malagyan ng redtrust din.

Kailan kaya babalik ulit sa paghahandle ng campaigns ang mga toh? Siguro kapag naging maayos na ang sistema ng mga fundraising. Well, may mga bago naman ng BM na magaling like BountyDetective pero hindi pa rin tutumbas sa mga BM ng mga kapanahunan. Hehe. Pansin ko din na karamihan sakanila ay umalis sa pagiging BM kasi nagkaroon ng red trust.

Masayang tanawin ang mga account at BM na ito na nagbigay ng opurtunidad satin. Nakakamiss lang kasi hindi ko na nakikita pangalan nila sa bounty threads.

Kanino kayo dati nakafollow na campaigns at sino gusto nyong BM dati?
767  Local / Others (Pilipinas) / Re: Need suggestions on: April 27, 2020, 05:57:04 AM
Hey there! I'm a student and had saved some money around five digits in pesos. Nagbabasakali lang na mabigyan niyo ko ng ideas na magawa ngayong quarantine period na maari ko itong mapalago. Sayang naman po kung nakatambak lang siya and kung may iba pa pong pagkakakitaan then please do share po!

P.S. Wag niyo na isuggest yung signature campaigns since bago pa lang po yung account ko. Lalo na po yung gambling kasi di ko siya kinoconsider as investment o kung anuman.
P.P.S. Kung may interesting reading materials or anything po kayo feel free po naishare.
Alam mo bro pinakadabest jan sa 5 digits na pera mo? Idivide mo for savings and investment. Either you can gamble your money in trading or invest it in networking. But trading for me is the best option for that since networking in Philippines has many scams.

Marami ka na pwedeng pagkakitaan sa online. Ang btt or pagbobounty ang isang kung paano ka makakita at fyi, hindi lang sig camp meron sa bounty. Marami yan, hanap ka lang. Hehe
768  Local / Others (Pilipinas) / Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread on: April 26, 2020, 11:27:53 PM
Yes, base din sa region kagaya ng ginawa sa SAP.
Just to clarify SAP =/= SBWS, magkaiba ang target beneficiaries ng dalawang programa.

Scheduled distribution is May 1-31 2020 for tranche 1 & 2. By that time, malamang lahat ng rehiyon ay nasa General Community Quarantine na (hopefully).

Ops. Speaking of SAP, look at how other Filipinos who spent their SAP amidst of enhanced community quarantine and COVID pandemic.

Quote from:  ABS CBN
3 nakatanggap ng ayuda, 4 iba pa arestado sa pagsusugal sa Ilocos Norte

PIDDIG, Ilocos Norte - Arestado ang 7 magkakabarangay, kabilang ang 3 nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program ng gobyerno, matapos mahuling nagsusugal sa isang bahay dito sa bayan, Huwebes.

Huli sa aktong nagsusugal ng "Lucky 9" ang apat na lalaki at tatlong babae sa labas ng bahay ng isa sa mga suspek sa Sitio Cagat, Barangay 8 Tangaoan sa nasabing bayan.

Nakuha sa kanila ang P2,582 na perang taya sa sugal at baraha.

Ayon sa mga pulis, tatlo sa mga suspek ang nakakuha ng P5,500 mula sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development para sana magamit pantawid sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Isang barangay kagawad din ang kasama sa mga nahuli.

Sasampahan ang 7 ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law.

- ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News


Source: https://news.abs-cbn.com/news/04/24/20/3-nakatanggap-ng-ayuda-4-iba-pa-arestado-sa-pagsusugal-sa-ilocos-norte

Eto ang malala,

Quote
Babae nahuli sa curfew: SAP cash ginamit sa rebond ng buhok

BOCAUE, Bulacan — Isang babae ang nahuli sa isang checkpoint sa Barangay Binang 2nd bandang 9:30 ng gabi ng Abril 20.

Ginabi daw kasi ang babae dahil sa pagpaparebond ng buhok ngunit kalaunan ay inamin pa na ang ginasta sa parlor ang perang nagmula sa Social Amelioration Program (SAP).

Hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang sinasabing babae na nahuli sa checkpoint na dinala sa presinto ngunit malaunan ay pinauwi na din ng bahay.

Ayon kay kagawad Rico Navarro, nagroronda sila gabi ng Abril 20 nang makita ang nasabing babae habang naglalakad sa kalsada.

Nang kanilang tanungin kung saan ito galing ay ang tugon ng babae na nagparebond siya sa isang parlor.

Malaunan ay inamin pa daw nito na ang perang pinagpa-rebond ay ang natanggap niya na P6,500mula sa SAP na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development.

Ani Navaro, sinabihan nila ang babae kung bakit ginastos sa pagpapa-rebond ng buhok sa halip na gugulin ito sa pambili ng pagkain ay hindi na ito tumugon pa.

Agad nila itong dinala sa presinto dahil sa paglabag sa curfew ngunit pinauwi din kalaunan.


Read more at: https://punto.com.ph/babae-nahuli-sa-curfew-sap-cash-ginamit-sa-rebond-ng-buhok/

Conclusion:

Mukhang hindi deserving iba sa SAP. Sa kalagitnaan ng krisis at pandemiyang ito, mas nauuna pa ng iba nating kababayan ang luho at sugal. Katulad lang ng pagpunta ng iba nating kababayan dati sa Espanya hindi para mag-aral o gumawa ng kontribusyon laban sa pang-aalipin ng Espanya. Kaya nagalit si Rizal. Tunay nga, history repeat itself.

Ngayon, kawawa talaga yung mga taong nangangailangan na hindi pa nakakakuha ng SAP kasi in case mareprogram yung SAP, apektado sila talaga.



769  Local / Others (Pilipinas) / Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread on: April 26, 2020, 08:52:37 AM
By the way, this thread is for the ongoing crisis but I guess medyo na o-off topic na ito sa aking palagay. Anyways, hindi rin magandang tingnan na i-include those big chunks of quotes at least only quote who you want to address.



<....>
Yung 5k-8k still depends on the region where you are in, am I right? May pinsan kasi ako na ito rin yung inaasahan na makukuha but I guess matatagalan pa ata even on the lift of lockdown parang hindi pa.


You are right po. Nakadepende po ang marereceive sa minimum wage ng isang region po.

And I think related pa din ang topic sa covid since studying will be paused because of pandemic and the arguement between online teaching for me has impact for the learning of the students. Maybe, it may for the goodness or it will not allowed other students to learn. So, we need an equity for that in order to sustain education in the Philippines.

I am also disagree with mass promotion sa mga estudyante at any grade level.

Source:abs cbn facebook page
770  Local / Pilipinas / [GABAY] BTS - Basic Trading Strategies on: April 26, 2020, 08:22:47 AM
Since marami na din akong nagawang thread about trading, I will use this thread para hindi ako maspam sa ating local board. And hoping some guys to help by this thread that I made. I edited this already from "Ano ang Moving Average" to "Basic Trading Strategies" para naman mautilize natin ang thread. In addition, I am not that kind of trader na kumita na ng milyon sa trading. Small time trader lang ako. But then, I think it would be helpful for everyone specially for those who are just starting to know about trading.



So here are some of my threads that you can follow also in regards with trading:

Alignment of the Stars
[GUIDE] Introduction sa Chart Patterns



Quote from: Nellayar
Hello guys! I am back! Hehe. Naudlot ang aking posting at activity dito dahil nagexam ako. And I want to continue again my journey and life in crypto. So, I want to share guys all about Moving Average kasi marami pa sigurong newbie na darating dito at nandito ngayon. So, kung matagal ka na sa trading kahit wag mo ng iview ang thread na toh.

Another thing, if ever my topic na mismong ukol sa moving average. Just tell me and I will delete this.

Ano nga ba ang Moving Average?

Ang Moving Average(MA) ay ang tool na nagpapakita ng average na presyo ng coin/stock sa isang takdang panahon. Tinatawag din itong Simple Moving Average.
Halimbawa nito ay ang Moving Average sa loob ng 5 day o MA5, na kung saan ipinapakita nito ang average na presyo sa lumipas na 5 araw.

Palagay natin na ang presyo ng ETH sa nagdaang 5 araw (From April 1-5) ay:
100, 105, 110, 105, 100
=520/5(days)
=104$ ang average price nya for 5 days. Bale nagsara ang presyo ng ETH from April 1-5 sa average price na 104.
Sana magets nyo ang meaning ng average. Hehe.

Meron din naman na MA10, Ito ay katulad ng MA5 subalit ito ay nagpapakita ng presyo sa lumipas na 10 araw

Remember guys, yung pagsara sa candle ang titignan kasi yan yung closing price po para maindicate ang MA


Paano nga ba magplot ng Moving Average?

Ang pagpaplot po ng dots ay madali pero waste of time sya. Kasi may mga platforms/exchanges na may MA na. Try to utilize their Technical Indicators.

Pero ang kailangan sa pagplot ay ang sumusunod:
1. PC or CP (Syempre san ka magpaplot) hehe
2. Chart ng Stock/coin (candlestick)
3. Platform kung saan ka pwede magplot.


Ngayon try natin gumamit ng MA3 O Moving Average 3, syempre logically its 3 days. Bale kailangan natin makuha ang presyo muna. Makikita sa ibaba, may mga presyo tayo na 2, 3, 4, 8, 6, 4, 5, 3, 7, 10. Kailangan natin makuha ang average price ng unang tatlong presyo and so on.

Bale 2+3+4= 9/3(days) =3 average price.



Then iplot na natin sya.



next three naman,
3 + 4 + 8= 15/3(days) = 5average price



And complete it hanggang mabuo nyo ang MA3. Pero I highly advice to use the technical indicators para accurate and less hassle.

Ano naman ang Exponential Moving Average?

Actually guys, parehas lang sila ng gamit ng SMA or MA ang pagkakaiba lang nyan ay kung paano magcompute ng average. Kumbaga, mas teknikal ito.
The characteristics of Exponential Moving Average is madali syang magreak sa presyo compared to SMA kung saan kaya maganda sya para maging trend tool.

Eto guys ang Formula sa pagkuha kay EMA. haha

EMA = Ptod x K + EMAyest x (1-K)

Kung saan,

K=2/N+1
N= bilang ng araw na napili mo
Ptod= presyo ngayon
EMAyest = Exponential moving average kahapon

Mahirap makuha si EMA kaya try to use technical indicators na lang pero if you want to prove that its reliable then you can make your own format using that guide formula.

Hope that it helps specially for newbies in trading and in this industry.
771  Other / Beginners & Help / Re: How does creating topics improve you a lot? on: April 26, 2020, 06:23:17 AM
But when someone decides to create topic only for gaining merits it sucks.Many newbies trying this trick in recent days but without prior knowledge, they are not going to make merits even if they create constructive topics without contexts.
It depends upon the objectives of the poster. There are posters want only to receive merits so even they really don't know the content as long as they think that they are the first one to make it, they will do it. For me, having a merit system makes a quality post. And it really help this community to provide more info and make everyone of us a resource of knowledge and facts.
772  Local / Others (Pilipinas) / Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread on: April 26, 2020, 04:32:42 AM
Mukhang sa lahat ng nasabi mo bro, dito ako medyo tututol. Lahat ng bagay sa mundo ay may kahulugan kung lalapatan mo ito ng kabuluhan. Magsisilbi sayong walang kwenta ang pag-aaral kasi sa tingin mo ay satisfied ka na dahil sa trabaho mo dito. Pero para sa akin, all of us need to educate. I believe in the saying that, absence of education is ignorance and ignorance is evil.

Kahit sikat na mga taong naging mayaman na hindi satisfied dahil hindi sila tapos like Pacman and pomoy na nag-aral kahit pa successful na sila in their own field.

Hindi rin ako pabor dun sa "schools are the biggest scammers" hehe. Bakit? Kung scammer ang school walang nakukuha jan. Eh satingin ko, maraming nakukuha sa paaralan. Skills, value, social aspect and intelligence. Education is long lasting. So, kung may profit ka na nakukuha, matatawag mo ba yan na scam?

I want to emphasize bro that in your condition, masasabi mo na kahit hindi makapag-aral eh makakahanap ng trabaho. Ultimo kasambahay ngayon dapat high-school graduate na, kaya isang malaking kalokohan yan sakin. Unless na magigi kang entrepreneur or freelancer. Pero kahit nga sa field na yan, you need to be educated.

Lastly, ang x and y ang dahilan kung bakit may mga building at infrastructure. Ang math ang dahilan sa mga inventions. Try to look out the essence of education bro.

I am a licensed professional teacher kaya kung may maudlot man dahil sa pandemic na nangyayare, sana magkaroon ng paraan para mapagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata. Kasi education is the key to success. Hindi masama na tapos ka, ang masama eh yung wala kang alam sa mundo.
First of all, gusto kong humingi ng apologize sau at sa mga natamaan ng sinabi ko gayunpaman salute at saka respeto pa rin sa mga kagaya mong Professional Teachers. Kung wala kayo, hindi ako at ang mga ibang tao dito ang makakagraduate at makakakuha ng diploma na makakatulong sa kanilang paghahanap ng work.

Pangalawa, magkaiba tayo ng mindset. Kasalanan to ni Robert Kiyosaki dahil sa pagshare nya ng mga totoong nangyayari Cheesy. Kidding aside, di porket sinabi ko na scammers na ang school ay literal na scammers na. Sana wag nang maging debate to para sa atin at sa mga ibang users dito sa forum pero sasabihin ko lang ang own opinyon ko base sa sinabi mo. Siguro masiado akong exaggerated sa term na ginamit ko na scammers ang schools. Sa bansa natin un ang naimulat na nakasanayan na dapat makatapos ka ng pagaaral, makahanap ka ng trabaho at mag ipon para sa future. Sa paraang ito, di uunlad ang mga tao. Bakit? Kasi karamihan sa kanila ay nananatiling empleyado hanggang tumanda dahil nakakatikim na sila ng paychecks. Wala silang time at dedication para matuto pa ng ibang mga skills kasi nga kumikita na sila. If gusto nating umunlad, magiging one-sided ako sa part na ito pero need natin na maging entrepreneurs at business owners at hindi empleyado. 

Di ko sinasabing di importante ang pag aaral. Ang point ko is if gusto mong umunlad sa buhay, kulang ang napagaralan mo sa school para maabot un at dapat maghanap ka pa ng ibang ways para umunlad at maraming paraan para matuto tau ng ibang mga skills. Importante pa rin ang diploma para sa atin para makahanap tau ng trabaho. Sadyang ang nasa isip ko lang ay iba.

Tungkol naman sa sinabi ko na makakahanap ng trabaho kahit di makapag aral, I will stand dito sa sinabi ko. Marami nang successful ngayon na hindi nakapagtapos ng pagaaral pero marangya na ang buhay at di ko na need mag mention. Yes naging freelancers sila at entrepreneurs at un ang way nila para umunlad, bagay na di naituturo sa karamihan ng mga schools ngaun. Mejo malungkot ako dahil ganun ang nangyayari pero sadyang ganun na nga ang nangyayari.

Mukhang tama nga ung sinabi ko sa #3 na may tututol pero di na bago sa akin un since walang opinyon ang puro sang ayon Wink. Different people = different mindsets. Lahat tau kailangang mageducate para maging successful pero aun nga lang sa ibang paraan. Hindi lang ung natutunan natin sa schools ang dapat nating gamitin. Yes makakatulong ang mga yun aat magiging stepping stone natin un para sa financial freedom pero need pa rin natin matuto sa ibang paraan.

Mahalaga ang pagaaral para sa ating mga pinoy alam naman natin yan. Ang punto ko lamang ay di sapat ang natutunan natin sa schools para maging maunlad tayo sa buhay. Dun sa unang sinabi ko sa last post ko, may halong biro un kaya may smiley na Grin.

Anyway, no hard feelings sau bro at gaya ng sinabi ko may respeto ako sa mga guro dito since guro din ang Mother ko. Sadyang iba lang ang mindset na nakalakihan ko sa mindset ng mga tao dito sa paligid ko kaya ganun ang nasabi ko. Either way, humihingi ako ng paumanhin if na offend man kita sa mga nasabi ko at sana wala kang sama ng loob sa akin Smiley.

P.S. After ko maipost ang post na ito mag quiquit na ako dito sa forum  Cheesy Cheesy Cheesy JK.
Lol. Akin na lang account mo pag nagquit ka. Haha
Kidding aside, I was not offended. I am just telling my own side and I knew it naman na respeto ka sa mga teacher based upon sa sinabi mo na nanay mo ay guro.

Tama ka din naman na may mga bagay na hindi natuturo sa paaralan, may tinatawag tayong hidden curriculum / hidden learning. Pipwede na ang skills like entrepreneurship / freelancing ay hindi matutunan sa paaralan kasi learning does not occur in 4 corners of the classroom. But there is fundamentals.
Tsaka, maraming umuunlad at nagiging marangyang estudyante na hindi katalinuhan. Karamihan nga eh yung mga naging tambay. Haha. Hal. ang mga A students ay nagiging loyal sa pagiging engineer samantalang yung C student eh nafocus sa pagvlog.

Ang maganda siguro na mangyari ngayon ay innovation pagdating sa pag-aaral. Para hindi maging hadlang ang highly fortified enriched extended enhanced community quarantine para sa pag-aaral. Haha

Dapat DepEd and Ched mismo ang gumawa ng paraan para hindi mastop at para hindi makunsume ang mga magulang sa load at internet ng mga bata.

Satingin ko, load or free net na lang ang kailangan ifund kasi as I noticed to my past students na halos lahat may gadget na partida nasa probinsya ako. Hehe. And kung may mga estudyante talagang hindi makaavail ng cp(yun na lang ang bigyan) but I think there is a cp or gadget per household sa Pinas.

Pero maiba, dapat siguro ngayon na ang time para mapromote ang online job like crypto trading, bounties and etc sa tao kasi kahit ECQ eh kumikita tayo.
773  Local / Others (Pilipinas) / Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread on: April 26, 2020, 12:22:18 AM
CHED hits proposal to suspend classes until December
Medyo dito ako tutol, okay lang sana kung sa pag suspinde nila ay katulad nitong nakaraan na matik pasado ang estudyante at bahala na lang mag self study. Pero kung sususpindihin tapos madadagdagan ang panahon na sa pag aaral abay lintik. Urat na urat na ko at gusto ko ng makapag hanap ng matinong trabaho kaya gusto ko na agad makatapos, tapos magkakaroon ng ganitong implementasyon...

Although naiintindihan ko yung point kung bakit pero dapat magbigay sila ng mas malinaw na detalye ukol dito.
Wag ka nang mag aral at maghanap ka na ng trabaho Cheesy. Kahit naman hindi nakapagtapos makakahanap ka pa rin ng trabaho eh. Sabi nga ni Robert Kiyosaki "Schools are the biggest scammers" Wink.
Kidding aside, wala akong reaksyon dito sa proposal ng CHED na isuspend ang klase hanggang December dahil:

1. Kahit walang pasok may sahod pa rin ang mga guro. Guro kasi ang mama ko kaya alam ko Cheesy. Less stress para sa kanila dahil ang kukulit na ng mga bata ngayon pramis.
2. Graduate na ako ng College pero kapag nag aaral ako for example pero ganito na ung mindset ko na scammers ang mga schools, di na rin ako gaganahan pumasok.
3. Maraming tututol dito sigurado pero karamihan ng tinuturo nila ay di mo magagamit sa future. Trust me Smiley. Ang galing ko nga sa math noon pero di ko ginagamit ngayon ung mga X or Y na yan gaya ng tinuro sa akin Cheesy.

Ito lang masasabi ko tungkol sa continuation ng classes. If nakikita ng government na may risks pag binalik ang classes ng mas maaga, syempre di sila magdadalawang isip na isuspend ito. Health over Education na ang pinag uusapan dito Cheesy. Take note na ang target na time frame bago makagawa ng antivirus ang mga scientists ay 12-18 months mabilis pa un kaya magtatagal itong virus IMO.
Mukhang sa lahat ng nasabi mo bro, dito ako medyo tututol. Lahat ng bagay sa mundo ay may kahulugan kung lalapatan mo ito ng kabuluhan. Magsisilbi sayong walang kwenta ang pag-aaral kasi sa tingin mo ay satisfied ka na dahil sa trabaho mo dito. Pero para sa akin, all of us need to educate. I believe in the saying that, absence of education is ignorance and ignorance is evil.

Kahit sikat na mga taong naging mayaman na hindi satisfied dahil hindi sila tapos like Pacman and pomoy na nag-aral kahit pa successful na sila in their own field.

Hindi rin ako pabor dun sa "schools are the biggest scammers" hehe. Bakit? Kung scammer ang school walang nakukuha jan. Eh satingin ko, maraming nakukuha sa paaralan. Skills, value, social aspect and intelligence. Education is long lasting. So, kung may profit ka na nakukuha, matatawag mo ba yan na scam?

I want to emphasize bro that in your condition, masasabi mo na kahit hindi makapag-aral eh makakahanap ng trabaho. Ultimo kasambahay ngayon dapat high-school graduate na, kaya isang malaking kalokohan yan sakin. Unless na magigi kang entrepreneur or freelancer. Pero kahit nga sa field na yan, you need to be educated.

Lastly, ang x and y ang dahilan kung bakit may mga building at infrastructure. Ang math ang dahilan sa mga inventions. Try to look out the essence of education bro.

I am a licensed professional teacher kaya kung may maudlot man dahil sa pandemic na nangyayare, sana magkaroon ng paraan para mapagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata. Kasi education is the key to success. Hindi masama na tapos ka, ang masama eh yung wala kang alam sa mundo.
774  Economy / Services / Re: Acewins.io Signature Campaign (2 Open Slots) on: January 23, 2020, 09:13:07 AM
Btctalk name: Nellayar
Link to profile: https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=1287090;sa=summary
Rank: member
Current post count: 1087 (including this one)
BTC ADDRESS: 34tRuiED4hjsdwQoBDDT9BCs83cfHQkZNm
Wear appropriate signature: YES
Wear avatar: NO


Edit:

Sorry, i thought there is a space for member rank.
775  Economy / Services / Re: BestChange Bounty and Signature Campaign on: January 22, 2020, 09:38:39 PM
Btctalk name: Nellayar
Link to profile: https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=1287090;sa=summary
Rank: member
Current post count: 1086 (including this one)
BTC ADDRESS: 34tRuiED4hjsdwQoBDDT9BCs83cfHQkZNm
Wear appropriate signature: YES
Wear avatar: NO
776  Local / Pamilihan / Re: [GAME CONTEST]--💰🎁PREDICTION PRICE OF BTC in Q3🎁💰-- on: September 30, 2019, 09:54:16 PM
Mahigpit ang labanan.  $7951 na ang value as of 9.30am Ph Time. Hindi talaga ako swerte sa hula hula hahaha, 3 na lang ang naglalaban laban, at yung mga users na nag guess ay hindi pa active, muhkang putok yung pot money ng prediction ngayon ah.

Singaw ika nga, pero malay pa rin natin baka bigla silang mabuhay after manalo... Anyways muhkang slight na lang para kay pinoyden sa kanyan $8500 prediction.
Sino po nanalo? Hehe.. Nagexam kasi ako nung September 29, 2019 kaya medyo offline ako last days. Hopefully na isa ako sa nanalo:)
777  Economy / Gambling discussion / Re: Gambling habits that will cost you on: September 09, 2019, 11:06:40 PM
The emotional part really triggers us, I've done that before and regret what I did. And I'm sure that many also experienced this though it's already a lesson learned for me.

I would like to add also that do gamble with legit crypto casino's only. I've seen many complains about those gamblers who deposited to the fake and scam casino and most of those casinos were newly created.
Play only in gambling sites that are trusted and already established their name in this industry. There are many sites that are working to scam players. At first, they might be good for giving sats until the time that they will require money in order to withdraw their prize.

We can play as much as we want but we need to be a wise player. Gambling is not only for entertainment, it may destroy our emotions once we lose a lot.
778  Economy / Economics / Re: Your Source of Investment Money? on: September 09, 2019, 09:47:31 AM
I get a source of capital from bounty campaign rewards. from the tokens that I get, I can trade using that capital, but part of the results I use to meet daily needs and invest long-term in bitcoin, and the rest I use to trade. especially rewards in 2017, where many bounty hunters rely on rewards from bounty campaigns
Yes! That is during 2017 but right now, the cryptocurrency is no longer a trend. Many whales and even small investors are leaving the industry because they don't have profits anymore due to the scam projects. The dying of every project makes bounty campaigns poor. They never paid people anymore. By that, I cannot say that bounties are source of money and investment.
779  Bitcoin / Bitcoin Discussion / Re: Why is Bitcoin market dominance rising fast? on: September 09, 2019, 09:29:27 AM
Due to the numerous people who are supporting bitcoin, we cannot deny the fact that it easily grows up. Another thing is the scarce supply of bitcoin help it also to grow faster. There are many times that bitcoin crashed down but it always goes up because it is volatile. That is why I can say that bitcoin is king of cryptocurrency, many people specially whales are buying it.
780  Local / Pilipinas / Re: May tax ba ang Cryptocurrency? on: September 09, 2019, 08:41:16 AM
Just wondering, ang cryptocurrencies ba ay may tax? Ayon sa Taxation Law ng Pinas, kapag kasi ang isang freelancer ay lumagpas ang kinita sa PHP250,000 sa loob ng isang taon ay may kaukulan na itong tax.

This case might be sensitive pero matanong ko lang, wala pa bang kumatok sa mga bahay sa inyo ayon sa usaping ito? I mean tax evasion.
Share your thoughts and experiences, hirap kasi na parang ilegal tong ginagawa natin dahil wala naman talagang batas ukol dito
First of all, hindi pa naman lumalagpas ang kinita ko dito sa 200K. In fact, nasa 150K lang ang kinita ko last year (whole year na yan). Another thing, there is no valid law or bill stated yet na mayroong direct tax ang freelancers (as I remember when I had read about taxes). Actually, we can say that we are all paying tax eh, indirect tax nga lang. Ito yung pagbabayad natin ng tax through withdrawal in any remittances. But direct tax only applies for those who have monthly salary atleast 20K. Imagine, hindi naman tayo kumikita talaga ng 20K every month.
Those are income tax from salary, and what we earn in the forum is not considered as salary, therefore it's not covered by the rules and regulation under the salary income tax.

With regards to taxes when withdrawing our money through remittance, I don't think we are paying taxes on that, it's just a charge that we are paying.
IMO, if we are unemployed and we don't have business on our own, and we just rely on what we are making online, the tax that we are only paying are the VAT which is already included every time we purchase a product or pay for services.
I agree, just like what I am saying there is no yet a law discussing about the tax of freelancer. Maybe soon, but regarding with our payment sir in the remittances we can consider it also as a tax since it is a burden to us. We can call it as indirect tax or VAT because we pay for their services. Therefore, we are paying tax pa din. Indirect nga lang po.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 [39] 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 ... 93 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!