Bitcoin Forum
May 02, 2024, 09:00:03 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 [3] 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 »
41  Local / Pamilihan / Re: [GUIDE] Basics sa bounty management on: July 17, 2018, 07:32:06 AM
Guys, tips ko lang na mahirap imanage ang bounty ng mag-isa ka lang. Kakailanganin mo talaga ng tao para diyan at ang pinaka-priority mo sa lahat ay marunong kang sumala ng tatanggapin mong bounty. Marami na akong nakitang na-negative tagged na in-demand bounty managers dahil scam pala ang hawak nila.

Tama, kaya nga ang usual na naghahandle ng mga ganito is by team. Gaya ng mga campaigns ng TokenSuite at Bountyhive, pati yung mga individual campaign manager gaya ni Wapinter at Btcltcdigger may mga co-managers padin sila. At makikita ang mga to sa telegram chat nila.
42  Local / Pilipinas / Re: [Kaunting kaalaman] Assets and Liabilities on: July 17, 2018, 07:28:44 AM
Okey po topic ninyo may natutunan ako medyo tricky pagtinatanong ngayon alam ko sasagot ko
Ez diba?
Assets - nag papasok ng pera
Liabilities - nag lalabas ng pera

Asset din ang mga receivables, asset kapag sure ka sa tatanggapin mong profit or bounty token. Paano pala kapag scam ang ICO, I consider it as liabilities sabi nga nila pakawalan mo ang pera na kaya mong ipalugi.  Kaya kung gusto natin ng more asset make it sure na legit ang ICO na sasalihan at promising ang altcoin na bibilhin. Smiley
Scam icos padin kasi ang bearing, kung di lang naman scam ang mga ito Asset talaga ang crypto pero dahil dumadami na nga, nagiging greedy nalang ang mga tao. Asset padin siya kabayan.

maaaring asset nga ang  pag  sali sa mga campaigns pero nag lalabas din ito ng pera dahil sa puhunan mo dito gaya ng  internet expences at pag coconsume ng oras mo na maaaring malugi dahil sa hindi  naman 100% ang payout.
yung puhunan mo naman is considered na sa bahay mo (which is liability nga) pwede mong iset aside yun at nakahiwalay na entity si crypto. Since kahit wala naman si crypto, mag babayad ka padin.
43  Local / Pilipinas / [Kaunting kaalaman] Assets and Liabilities on: July 16, 2018, 02:44:27 PM
Introduction:
Magandang araw mga kabayan! Nandito nanaman ako para magbigay ng konting kaalaman patungkol sa Assets and Liabilities as suggested ulit ni AdoboCandies:
  • Assets vs. Liabilities
Kung titignan niyo sa dictionary ang salitang "assets" o "liabilities" malamang sa malamang malilito ka lang (halos lahat naman kaya wag ka mangamba), ganon din naman ako at kahit sinong alam ko na wala pang muwang sa pagiging Financially literate. Sa thread na to, sisikapin kong maiexplain ang assets at liabilities as simple as possible para maintindihan ng lahat at lalo na ng mga baguhan.

Bukod sa pinaka main idea para malaman kung ano ang asset at ano ang liability nagdagdag ako ng isa pang tanong:

I. Ano ang Assets at Liabilities? At pano malaman kung assets o liabilities?
II. Cryptocurrency, asset ba o liability?

DISCLAIMER: lahat ng mababasa niyo dito ay ang pagkakaintindi ko sa mga sources ko, maaaring may mga mali o kulang kaya kung pwede paki inform nalang ako para maayos natin agad.


I. Ano ang Assets at Liabilities? At pano malalaman kung assets o liabilities?

Simpleng simple lang, Ang assets ay yung mga ari-arian mong nagpapasok ng perasayo at ang liabilities naman ang mga ari-arian mong naglalabas ng pera.

Para mas maintindihan mo, eto ang cash-flow pattern ng isang asset at ng isang liability:



Kung mapapansin niyo may dalawang part yung figure, yung nasa taas yung Income statement or Profit-and-Loss statement. At yung nasa baba is yung Balance sheet.

Yung Income statement, makikita natin diyan at nilalagay diyan ang mga pumapasok at lumalabas na pera sayo. Usually sa income diba ang mga work, and sa expenses naman is yung mga groceries, etc.

Ang Balance sheet naman, diyan mo lang makikita yung mga assets mo and liabilities, and by the word itself ang ideal para sa balance sheet mo is balance yung assets and liabilities mo or mas maganda pa doon mas marami ang assets mo at konti lang ang liabilities mo.

Bakit? Siyempre kung balanced o mas marami ang assets mo kaysa sa liabilities mo, hindi ka mamromroblema kahit gano pa kalaki ng expenses mo. Since kapag mataas ang Assets mo, mataas din ang income mo.

Kung mapapansin niyo din may arrow na nag iindicate ng dadaanan ng pera niyo, so kung sa asset siya, directly counted as income at kung liability, since ang liability nga ang mag ppwersa sayo maglabas ng pera counted as expenses o gastos (isipin niyo parang wallet yung box at palabas talaga yung pera kase gastos ng gastos).

Example ng cash-flow pattern ng mga katamtaman sa mayayaman:



Ang mga nakalista ay yung mga halimbawa ng income at expenses pati na rin ang assets at liabilities.

Sa ngayon, yan lang naman ang dapat mong malaman at i-take note.
Na ang asset ang mag bibigay sayo ng pera at ang liability ang maglalabas ng mga ito. At ideal para satin (sa mga gusto yumaman) ang balanced ang assets at liabilities or higit pa ang assets.

Ang dali lang intindihin pero bakit parang marami paring tao ang nalilito sa mga ito?

Ang problema kasi is hindi natin alam na ang mga inaakala nating assets gaya ng Bahay at Kotse ay liabilities pala. Pero kung lupa ang usapan, then macoconsider siya as asset, since ang presyo ng lupa ay gradually increasing. At mabebenta mo yon ng mas mahal pagdating ng panahon.

BABALA: Nga pala, hindi porket tumaas na ang assets mo ay ibigsabihin non goods ka na, kasi ang kadalasang nangyayari, kahit na may malaki kang income, kung sobra sobra padin ang gastos mo at di mo alam kung pano i-handle ang pera mo, ekis padin. Example dito ay yung mga nananalo sa lotto. Mayaman ngayon pero mahirap na bukas. Kasi ang Rule #1 sa pagpapayaman ay: You must know the difference between an asset and a liability, and buy assets.

II. Cryptocurrency, asset ba o liability?

Well, kung pano mo gagamitin yung crypto madedetermine kung asset mo ba siya or liability. Kase para sakin, nacoconsider ko siya as asset. Since signature campaign lang namang ang ginagawa ko at konting twitter. Hindi ako naglalabas ng pera pero may pumapasok sakin, therefore asset.

Kung ang paggamit mo ng crypto is investment. Long-term man or short-term ang pag invest mo, considered padin siyang asset. Pero investments on crypto currency, in general is a short-term current asset. Since di din naman natin alam kung gano ito katagal mag lalast and currently pasok parin siya sa mga short-term. Also, crypto ang mag papasok sayo ng pera in the near future therefore asset.

Bakit asset? Eh gagastos ka naman sa pag bili, edi mag lalabas ka padin ng pera, hindi ba dapat liabilities?

Although gagastos ka padin at first, meaning mag lalabas ka ng pera, babalik parin naman yung ginastos mo at di lang basta balik minsan dumodoble pa, so more profit.

SUMMARY:
  • Asset - Ari-arian mong magbibigay/mag gegenerate sayo ng pera.
  • Liability - Ari-arian mong pwepwersahin ka maglabas ng pera.
  • Rule #1: You must know the difference between an asset and a liability, and buy assets.
  • Cryptocurrency - In general, is a short-term current asset.
Yun lamang at maraming salamat! Sana nakatulong to maintindihan ang assets and liabilities. Sinubukan kong ikliian pero humahaba talaga pag nag eexplain ako. Muli, maraming salamat!

Sources:
https://www.quora.com/Are-Bitcoins-an-investment-or-an-asset
Kiyosaki, R. T. (2011) Rich Dad Poor Dad. Scottsdale, AZ: Plata Publishing, LLC.

EDIT:
PS: Nabura yung dati kong post without any message from the forum, di ko alam nangyari so kung binura talaga to ng mod pasabihan nalang po ako, ako na po magbubura hehe thank you po!
44  Local / Others (Pilipinas) / Re: [TIPS] SUGGESTION OF TOPIC [UPDATED] on: July 16, 2018, 02:42:26 PM
Kinuha ko na din pala yung
  • Assets vs. Liabilities
Eto yung link ng gawa ko: Assets and Liabilities, tapos nag dagdag na din ako ng tanong. Kung ang bitcoin ba or crypto is macoconsider as asset or liabilities. Salamat talaga sa thread na to, nakakatuwa yung mga suggested topics. More power kababayan!
Di ko alam kung bakit pero nadelete ata yung post ko? Without any messages from the forum? Ano nangayari haha, irerepost ko nalang. Pag binura ulit, sana sabihin na sinadya or ano para di ako makapag violate ng kahit anong rules.

New link sa post: https://bitcointalk.org/index.php?topic=4686952.msg42295427#msg42295427
45  Local / Pamilihan / Re: [GUIDE] Basics sa bounty management on: July 16, 2018, 02:38:21 PM
Sana pag bounty manager kana ay isa ka sa mga legit na bounty managers na di tumatanggap nang Scam Bounty and ICOs!
Looking forward to your progress T.S!
LOL. That is not true even bounty managers didn't get paid when the ICO or bounty they managed turns out to be a scam. BUT, it is the bounty manager's duty to examine the legality of the bounty they managed. Cheesy
Totally agree idol! Hindi nga naman kase manghuhula mga Bounty managers para malaman kung ano ang mga scam ico sa hindi. Pero kung magaling ka maghanap ng scam icos (may mga members tayong pinoy na magaling magdistinguish ng scam sa hindi e) before or during icos, magandang line din sainyo ang pagiging bounty manager. Pero siyempre maganda padin kung before, at habang nirurun mo yung campaign, nireresearch mo padin yung pinopromote mong campaign.

PS: di ko alam yung T.S. haha ano nga pala yun?
46  Local / Others (Pilipinas) / Re: [BEWARE] Avoid putting this on your Profile Information on: July 15, 2018, 10:18:52 AM
T. Tapos PH pa? Ewan ko nalang.
HAHA  Cheesy. Kaya ko nga di na sinama sa image eh. I feel so embarassed.
Gara talaga eh. Sana iniisip din ng ibang members na di lang mga pangalan nila (accounts) ang mga nakataya sa pag popost.

Sinisilip kasi ang mga profile guys, at pag na trace na sa PH ka madalas mag post tapos nag shishitpost ka sa ibang boards, ez redtrust ka na may +racist comments pa. Bukod sa na bbrand tayo as shit poster at nagegeneralize bilang isa, lumiliit yung chance nating mga nagsusumikap galingan at make names for ourselves mameritan.
47  Other / Beginners & Help / Re: [DISCUSSION] ONE MINER TWO FORKS on: July 15, 2018, 10:00:53 AM
As much as i want to understand all these, i just can't comprehend with the terms. Maybe i should go back to the basics and read about blockchains, then i'd go back here. I feel like this thread has the answers to my questions but ahkkk. Nvm. Nice topic btw.
48  Local / Others (Pilipinas) / Re: [TIPS] SUGGESTION OF TOPIC [UPDATED] on: July 15, 2018, 08:46:09 AM
Kinuha ko na din pala yung
  • Assets vs. Liabilities
Eto yung link ng gawa ko: Assets and Liabilities, tapos nag dagdag na din ako ng tanong. Kung ang bitcoin ba or crypto is macoconsider as asset or liabilities. Salamat talaga sa thread na to, nakakatuwa yung mga suggested topics. More power kababayan!

49  Local / Others (Pilipinas) / Re: [BEWARE] Avoid putting this on your Profile Information on: July 15, 2018, 02:09:12 AM
Kung binasa kasi ng mga members yung thread na to: Merit & new rank requirements and binasa pati yung mga follow up na replies ng other members, i think di na nila maiisip maglagay ng ganyan magiging given na sakanila yon, na di na dapat mag lagay ng ganyan.

Lumalabas kasi na lowkey begging sila e, and mas nagiging pangit sa tingin ng mga other members yon lalo na sa DT. Tapos PH pa? Ewan ko nalang.
50  Local / Pamilihan / Re: [GUIDE] Basics sa bounty management on: July 15, 2018, 02:01:23 AM
Siguro alt account si OP ng isang bounty manager hehe joke lang..Thanks sa info na to medyo matrabaho pala talaga ang pagmanage ng bounty kilangan nakafocus ka tlaga madali lang gumawa ng ss kung sanay ka sa excel gamitan lang ng formula mas mabilis ang trabaho, ang gusto ko lang malaman sa bounty management kung magkano pinakamamababang sahod sa isang project?Curious lang po ako.
Ah hindi po haha, gusto ko nga din pong itry mag bounty management with my basics sa paggamit ng spreadsheet. Pero wala pa po akong idea sa mga sahod since wala pa rin naman po akong na mamanage na bounty. Siguro kung marami lang talagang time na try ko na at nasabi ko na sainyo, pero studyante palang po ako haha acads ang priority.
51  Local / Others (Pilipinas) / Re: views and opinion about this forum on: July 14, 2018, 02:07:08 AM

MERIT SYSTEM EFFECTIVITY

Para sakin napakaganda ng kinalabasan ng merit system na ito kasi naging isang magandang batayan ito para masala yung mga membro na nakapag bibigay talaga ng mga magagandang impormasyon at kung paano pa mapapapunlad itong nasabing forum.
dahil din sa merit system maraming mga membrong  mapagsamantala ang nagkaroon ng negative trust dahil sa pag aabuso sa forum na ito.
Hindi lang syempre puro mga "miyembrong mapagsamantalala na nagkaka negative trust" ang nakikita natin, may other side padin.

Mas nakikilala natin yung mga taong matulungin, at quality poster na deserve talaga yung merit na meron sila. Nakikita natin sila umani ng merits which is a good thing lalo na kung low rank tayo, kase pwede natin sila i-view as mga modelo na dapat nating gayahin.

For sure, kung mag sstay ka sa dati mong way ng pag popost, masstuck ka na sa rank mo. With the merit system, lahat ng mga improving at outstanding members will shine and rise to the top.
52  Local / Others (Pilipinas) / Re: [TIPS] SUGGESTION OF TOPIC [UPDATED] on: July 13, 2018, 03:06:29 PM
Excel Template for Bounty Campaigns
- (yung lagayan ng bounty para mas organize yung sa excel)

Sinubukan kong gumawa ng thread about dito. And ang unang pumasok sa isip ko is kung pano ba ginagawa ng mga bounty managers yung pagbibilang using excel so yun yung ginawa ko, credits padin sa main idea mo. And sa tingin ko kukuha pa ulit ako sa thread na to. Salamat!

btw, eto yung link ng ginawa ko: [GUIDE] Basics sa bounty management. Maraming salamat!
53  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mga Pagsubaybay sa Merit System on: July 13, 2018, 06:00:49 AM
It looks like the visualization of merit system is like a cluster of planets. I also do not understand much of your translations in Filipino Language. Napasobra ka ata sa paggamit ng translation tool. But anyways this is a good representation of merit transfers in the forum.
By the looks of it, hindi siya pinoy. Kita naman sa old posts niya. Irereport ko dapat to nung nakaraan pero di ko alam ilalagay.

Idk bakit ginagawa ng mga tao to, at may nakita pa ko noon na nagpost sa ph na kinopya yung old merited post sa ph tapos ni repost, buti natandaan ko na nabasa ko na yung ganon sabay hanap ng old post. 1:1 copy paste kaya sobrang nakakainis, lumalabas tuloy na merit lang ang habol ng mga ganong account. Smh.
54  Local / Pamilihan / Re: [GUIDE] Basics sa bounty management on: July 12, 2018, 01:56:16 PM
~
Kung madami lang pong time eh! Susubukin natin. Anyways, tatry ko po aralin yan hehe tapos i'll try to update the thread. Thank you po sa suggestion!

Btw, ang ganda ng po spreadsheet niyo, subukan ko mareach yung ganyang knowledge sa spreadsheets then saka ko susubukan maging campaign manager (kung may time). Hirap din kasi pagsabayin ang acads and pag ccrypto at iba pang trip sa buhay haha, thank you po ulit!
55  Local / Pamilihan / [GUIDE] Basics sa bounty management on: July 12, 2018, 05:21:28 AM
DISCLAIMER: Ang mga nakasulat dito ay pawang sariling opinyon ko lamang, dahil wala parin naman akong experience sa paghawak ng mga bounty campaigns. General naman ang mga idea na ito at kadalasang ginagamit sa mga pang araw-araw, na pwededing mai-apply sa pag manage ng bounties.

Introduction:
Magandang araw mga kabayan, nandito ko ngayon para bigyan kayo ng guide patungkol nga sa pag gamit ng google spreadsheet for bounty management purposes. Usually ang mga gumagawa at gumagamit nito ay yung mga bounty manager para mapadali ang kanilang pag bibilang ng mga stakes atbp.

Sa pagbabasa ng guide na ito, sana magka insight din kayo sa kung pano ba ang ginagawa ng mga bounty managers.

Kung may mali or kulang or suggestions paki-notify nalang ako para madagdagan pa natin ang guide na ito. Maraming Salamat!



Guide difficulty: Easy - Moderate
Ang guide na ito ay nasa difficulty na easy to moderate. Ang kailangan lamang ay ang basic knowledge sa pag gamit ng excel which is applicable din sa pag gamit ng google spreadsheets.



Mga kailangan sa pag ayos ng mga spreadsheet ng mga bounties.
I. Application Form
II. Spreadsheet ng Participants



I. Pag gawa ng application form:
Siyempre simulan natin kung pano nga ba nakakagawa ng mga form na finifill-upan ng mga participants para makasali sa campaign. Ang karaniwang laman ng mga form na 'to ay yung mga basic informations tungkol sa'yo (or sa account mo) gaya ng BTCT username, BTCT profile url, Forum Rank, Avatar, at ETH Address.

Steps:
1. Pumunta sa google drive mo at i-click ang new>more>google forms.


2. I-set ang mga katanungan which is yung nabanggit ko ngang usual na laman ng mga forms (BTCT username, BTCT profile url, Forum Rank, Avatar, at ETH Address). Usually pag first time mo gumawa ng forms may tutorial naman para mas malaman mo yung pwede mong gawin sa mga tanong mo. Pwede mo gawing ang mga sagot ay short answer, paragraph, multiple choice, etc.


3. Sa may bandang taas ng form, may response doon, iclick mo yon tapos create. Ang ginagawa ng step na 'to ay bukod sa gagawan ka na ng spreadsheet, naka link nadin siya sa form mo, meaning kada respond nila sa form, marerecord ang mga ininput nila at ipapakita ang lahat ng iyon sa spreadsheet.

Example preview ng spreadsheet:


Notes:
- Mababago mo naman ang ayos ng form sa way na gusto mo, hindi naman kailangan gayang gaya sa ginawa ko. Nasasayo din ang mga gusto mong itanong, kung ano satingin mo yung mga kinakailangan itanong sa mga participants mo as a bounty manager, isama mo din.
-



II. Pag ayos at pag manage ng spreadsheet:
After natin sa part 1, makakakuha tayo ng spreadsheet na nakalink sa ginawa nating form. Ngayon, sa part na to, sabihin na nating may mga sumali na at bibilangin mo na yung mga stakes na matatanggap ng mga participants mo.

Since blank pa yung spreadsheet, yung Weeks, idinadagdag nalang sa mga columns pati yung mga makukuhang stakes ng mga participants since manual din naman ang pag bigay ng stakes kasi masinsinang pagbibilang yun.

Editable naman ang spreadsheet, bale may total control ka sa spreadsheet kahit may mga taong nagfifill-up padin ng form mo. Kung gusto mo mag tanggal ng mga details, pwede. At kung gusto mo din mag tanggal, pwede din.

Example scenario/conditions:
- Bounty supply: 6000
- Lahat nakumpleto ang mga dapat gawin, at makakakuha ng kumpletong stake
- A - Legendary, Avatar: Yes(+1 stake), 5 Stakes/Week
- B - Hero Member, Avatar: Yes(+1 stake), 4 Stakes/Week
- C - Sr. Member, Avatar: Yes(+1 stake), 3 Stakes/Week
- D - Full Member, Avatar: Yes(+1 stake), 2 Stakes/Week
- E - Member, Avatar: No, 1 Stakes/Week


Note: Bounty supply is hypothetical lamang, niliitan ko lang para hindi sobrang laki ng makukuha ng participants per stakes.


Pagbibilang ng Total Stakes, Token/Stakes, Total Token:
Things to keep in mind:

-Ang Total Stakes ay yung bilang ng stakes na nakuha ng isang participant sa duration ng campaign. Usually ang formula sa pagbilang nito ay:

Total stakes = W1Stakes + W2Stakes + W3Stakes + W4Stakes + ...

Pano gagawin ito sa spreadsheet?
- Sabi nga ng formula sa taas, i-add daw natin ang lahat ng nakuhang stakes ng participants kada linggo
- May dalawan paraan para gawin ito: By using Formula, at By using Function.

Formula: Mano manong pag bibigay ng gagawin sa mga values.
Example: =H2+I2+J2+K2, ang formula na ito ay ibibigay sayo ang sum ng mga cells na H2, I2, J2, at K2. Pag sinilip mo yung spreadsheet sa taas ang laman ng mga cells na yan is puro 5, so parang sinabi mong =5+5+5+5. Na ang sagot ay 20.

Function: Pre-defined na para di ka na mahirapan mag mano mano. Lalo na kung libong participants ang hawak mo.
Example: =SUM(H2:K2), ang function na ito ay same lang ng sa mano mano, pero imbis na isa-isa mo silang nilalagay, sasabihin mo lang na =SUM(Start:Stop) at automatic ng mag a-add ang values from H2(Start) to K2(Stop)

-Ang Token/Stakes ay yung bilang ng token na matatanggap mo kada isang stake. Usually ang formula sa pagbilang nito ay:

Token/Stakes = Bounty supply / Overall total stake count

Pano gagawin ito sa spreadsheet?
- Same padin ng sa Total Stakes. Pero since may bounty supply na tayo na given naman madalas, Over all total stake count nalang ang kailangan tapos saka gawin ang formula.
- Dalawang paraan padin ang pwedeng gawin: Formula or Function
- Para di na humaba pa, function nalang din ang gawin natin para macompute yung overall total stake count. Ang twist lang dito, imbis na pa horizontal yung bilang, magiging pa column na. Wala namang iba doon basta ang nasa loob ng =SUM function mo is yung mga cells na gusto mo ng i-add.

Function: =SUM(L2:L6)

- Pero di pa tapos, overall total stake count palang yan at hindi pa yung Token/Stakes. At para sa Token/Stakes, gumamit nalang tayo ng formula sa pag compute nito, since division lang naman at di naman kailangan ng function para dito.
- Since naka set aside na yung Bounty supply, sinet aside ko na din yung Overall total stakes para magkalapit na sila.

Formula: =B9/B10, ididivide ng formulang ito yung value ng B9 sa B10 which is kung titignan niyo sa itsura ng spreadsheet natin sa itaas, B9: Bounty Supply at B10: Overall total stakes. Na nag mamatch sa formula kung pano natin cinocompute yung Token/Stakes sa taas.


-Ang Total Token ay yung bilang ng token na matatanggap ng isang participant as a payment ng bounty. Usually ang formula sa pagbilang nito ay:

Total Token = Total stakes * Token/Stakes

Pano gagawin ito sa spreadsheet?
- Since may Total stakes na tayo, at meron na ding Token/Stakes. I-aapply nalang natin yung formula which is imumultiply yung dalawa.

Formula: =L2*M2, since yung L2: Total Stakes ni Participant A, at yung M2:Token/Stake ni Participant A, pag minultiply yung dalawa, makukuha natin is yung Total Token na matatanggap ni Participant A. Which is yun na din yung ibabayad niyo sa mga participants.



Finished Product: Click the pic to view the actual spreadsheet


Summary ng II
- From blank spreadsheet na ang laman lamang ay yung mga response ng participants. Naglagay tayo ng mga additional details. Naglagay ng column para sa Total Stakes, Token/Stakes, Total Token tapos dinagdag na din yung bounty supply at yung overall total stake count.
- Sinet aside yung bounty supply para hindi nahahalo sa iba pati na rin madaling ma relocate para kapag ilalagay mo na yung cell niya para sa formula madali nalang din.
- Inapply yung mga formulas and functions, na angkop sa original na formula, ng excel para mapadali at mas maging accurate ang pag bibilang.


Yun lamang at maraming salamat!

PS: The topic was somehow related sa suggestion ni AdoboCandies, dun ko rin naman naisip na about sa excel at minodify ko nalang.
Excel Template for Bounty Campaigns
- (yung lagayan ng bounty para mas organize yung sa excel)






 
56  Other / Meta / Re: [Guide] Reporting effectively on: July 11, 2018, 12:16:07 AM
Are there any guides for reporting someone of continuosly shit posting (you can clearly see it since almost all of the recent post of the user is a one liner). Not that i'm saying a one liner is a shit post but there's little to no sense at all.

I'm wondering if i should publicly post it but i'm thinking, do i really need to? Or does clicking the "report to moderator" button and stating "moderate to heavy shitposter" be enough to address my concern?
57  Other / Meta / Re: Can a merit be taken back after given out? on: July 10, 2018, 11:56:33 PM
I want to know if a merit given to a post can be reverse or revoke. May be if somebody give me a merit can the person take the merit back if he thinks the post don't deserve it.
If you tried giving merit to people's post out of curiosity, there's actually a message before you send any number of merits. Saying: "This cannot be undone!"
Would it be possible for me to merit myself? Should i try it?
58  Alternate cryptocurrencies / Altcoin Discussion / Re: Exhausting Scammers! on: July 09, 2018, 01:42:15 PM
If you are referring to the services being a scam then, try to find a bounty running by TokenMarket, BountyPortal or reputable bounty managers on the forums but If you're speaking about the members impersonating other members then there isn't much that can be done here. If the manager is vigilant, that shouldn't affect the original participant in anyway.
Thanks for the tip, and ill try to follow this managers. if i see some of their bounties.
And yeah i wish the managers are vigilant, but i cant blame them that much. cause of the volume of participants is quite hard to manage.
but yet its really annoying
If you're credentials are being duplicated and scams as well, i'm assuming you're doing bounties for TokenSuite. They're pretty lazy doing their jobs as campaign managers and consecutive scam bounties. Its reputation is decreasing every second, but i don't know why people still patronizes them.
That's because the participants are lazy as well. See bounties run by the TokenSuite are so dumb, even less post counts receive stakes. Doing your job untruthfullly (doing and d2ob less effort to do) lessens your job.
59  Local / Pamilihan / Re: Looking for community manager, nice salary on: July 08, 2018, 11:13:05 PM
Hindi siya pilipino kaya di ka niya magegets. Tignan mo posts niya, sa may bandang dulo, local board niya ay hindi philippines.

Translation:
If you want yo look for CM it's better for you to post on services. If you really want a Filipino CM, you should state all the details for them to clarify if it's legit or not. The thing is, your thread has no details therefore may be a troll, so no one's bothering to notice your post.

If you want to be a CM, you should find it also at services or find a developer and apply to them via Telegram.
60  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Filipino Guide] Ang Bitcointalk Merit System on: July 08, 2018, 04:14:03 PM
Well I totally agree with this, it's true. Some people here even though they're our fellow citizens doesn't care about the quality of posts and only prioritise earning money as they really need it. I understand their situation, I know that it's really difficult for a Filipino to find a job nowadays mostly people that has no education or didn't finish any educational degree (tambay) but the way they earn money here is wrong.

Those are the kind of people that won't even pay any attention to read threads like this, it's sad that although we're already helping them, they're still ignoring the opportunity.

I think the only way to stop them is to let go of them. If they are not appreciating the efforts of their fellow filipinos, let them be. We can't spoonfeed each and every tips and knowledge about cryptocurrency and the forum. The time will come that they will get tired because of their ignorance.
Pero hindi dapat tayo pumikit sa mga ganitong bagay kasi lahat tayo bilang pilipino ay napapahiya at minamaliit ng ibang lahi dahil sa ignorance ng iba. Oo hindi dapat sila maspoon feed pero hindi rin natin sila pwedeng hayaan maging stray sa forum, kawawa ang ph.
Pages: « 1 2 [3] 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!