Bitcoin Forum
April 30, 2024, 03:54:03 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 [53] 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 ... 282 »
1041  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: June 30, 2023, 01:49:09 PM
Sang-ayon ako dyan kabayan, yong nga siguro ang dahilan kung bakit hindi sumama si Jordan Clarkson sa Team Gilas para sa mga pockets tournaments dahil may aasikasuhin pa siya sa kanyang kontrata sa Jazz at kailangan na healthy siya para hindi ma-compromise yong kontrata.
Parang babalik na siya sa Jazz dahil sa napagkasunduang kontrata niya at tama ka diyan, kahit na gustong gusto niya mapasama sa lahat ng activities at side tourneys ng Gilas, kailangan niya muna asikasuhin yung sarili niya at mga potential offers niya pero parang stay pa rin siya sa Jazz base sa mga nabasa kong balita.

Pag-usapan naman natin mga kabayan yong estado ng Golden State Warriors sa ngayon na nandyan na si Chris Paul sa kanila at yong Draymond Green naman ay mataas ang tsansa na umalis. May laban pa kaya sila sa West ngayon na kung saan ay hindi masyadong effective yong "small ball' line-up nila.

Your thoughts...
Nandiyan pa naman si Wiggins pero sana kumuha pa sila ng isang matibay na pang ilalim nila. Kaso kahit kumuha sila parang salary cap na din ata sila kahit mawala si Poole at Green sa kanila.
1042  Local / Pilipinas / Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas on: June 29, 2023, 09:15:20 PM
Kaya nga may maintaining balance tapos sisingilin pa ata kapag inactive na. Tama ka na baka yang ginawa nilang policy para lang masimot yung mga nakalimutan ding mga wallet na may mga dust amounts. Hindi ko alam kung ramdam ba talaga nila yung pag decline ng users nila dahil sa mga walang kwenta at makabagong policy nila o baka hindi nila ramdam kasi di nila gusto maramdaman. Puro complain nga lang makikita mo sa page nila kapag try mo visit mga posts nila. Hindi na sing saya tulad ng dati.

Parang mas gusto ko na lang paniwalaan ung ayaw nilang maramdaman sa sobrang dami nung nagcomplain about sa napaka daming ulit ng KYC kahit old timer ka pa uulit ulitin mo yung KYC, siguro ung may mga naipit na maliit na halaga tanggap na nila na wala na silang magagawa pa tapos nag implement pa ng maintaining balance so talagang magbibigay yun ng karapatan sa coins.ph na simutin yung pera mo sa wallet nila.

Di bale maging masaya na lang din tayo kasi gaya ng nakaopen na topic meron talagang mga banko / financial institutions na willing at yumayakap na sa crypto.
Nagcheck ako ulit sa FB page nila, wala na talagang masyadong interes ang tao sa kanila at puro complains pa. Ang maganda lang dito, naging maganda ang market ng Pilipinas pagdating sa mga digital wallets kasi yung mga kilala nakisali na rin pati na rin yung mga bangko na nagooperate dito.

Iniisip ko nga kung talaga bang huli na ako dito sa crypto dahil karamihan sa inyo dito ay talagang matagal na sa larangang ito, di tulad sakin na kakasimula pa lamang at marami pang dapag matutunan.
Makalipas ang ilang taon, merong baguhan na magsasabi at magtatanong ng parehas na tanong mo sa sarili mo.
1043  Local / Pilipinas / Re: Bakit takot ang mga Filipino na pasukin ang crypto? on: June 29, 2023, 06:25:09 PM
Normal lang ang takot sa mga online scams dahil mapa-crypto o hindi, sobrang daming scams na nangyayari. Mas mainam na umiwas at tama lang yung ibang mga kababayan natin kesa naman pumasok sila sa mga investments na hindi alam tapos ending mas-scam lang pala sila.
Sa volatility, tama lang din yan, alam nila na gaano kavolatile ang crypto at hindi kaya ng risk taking nila. Parehas na tamang huwag na nila pasukin kung ayaw nilang matalo at ayaw nilang alamin.
1044  Local / Others (Pilipinas) / Re: Salamat sa Bitcointalk forum on: June 29, 2023, 04:16:57 PM
Lahat sa atin dito hindi mapagkakaila na malaki ang ambag ng forum sa buhay natin, hindi lang sa kaalaman pati na rin sa mga part time na pagkakakitaan.
Ang sarap lang basahin na maraming mga kababayan natin na natupad ang mga pangarap nila at syempre hindi lang kalakip ang forum kundi ng bitcoin syempre. At hindi na rin nakakapagtaka na isa itong malaking bagay sa mga buhay natin kasi nga kung sino ang may likha ng bitcoin, narito rin siya at isa rin sa mga naging haligi bago naitayo ito at naging active din, sayang nga lang hindi na natin naabutan si satoshi dito.

     -  Totoo yang binanggit mo na ito, siguro isa narin sa pangunahing factor kung bakit nung mga panahon ng 2017 onwards ay dinumog itong platform ng mga community na gumawa ng account dito ay dahil nga nakarating sa kanila na pwede kang kumita sa pamamagitan ng mga bounty campaign, at nagkaroon ng exploitation din sa mga accounts.

Kaya lang dahil nakita ng mga moderators at staff ng admin ng forum na ganun ang ngyari ay nagkaroon ng mga changes at para sa bagay na ito at nakatulong naman yung mga innovations na yun sa aking nakita at palagay din. Pero madami din akong nakita sa mga kababayan natin na natulungan talaga ng forum na ito financially din at maging sa ngayon kahit pano nakakatulong parin sa ibang pinoy in terms of trading at bounty campaign din bukod sa knowledge na nakukiha natin dito. This forum really informative Wink
Sobrang laking tulong nito sa bawat isa lalo na sa mga struggling sa pinansiyal. At ang gandang basahin na marami itong natulungan hindi lang sa mga campaigns at bounties kundi sa mismong natutunan sa pagbabasa basa dito tapos may mga nakatapos pa.
TIngin ko mas marami pa tayong mababasa na ganyang mga kwento sa mga susunod na taon kasi magiging bull run nanaman tapos yung mga nagtatanong kung tamang oras na ba bumili kasi nga mga baguhan pa lang sila.
1045  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Dating Pastor nag launch ng sariling Crypto! on: June 29, 2023, 10:41:50 AM
Kahit na sabihin natin ang ganyang mga patakaran, ang realidad ngayon sobrang daming mga churches na tinayo para lang sa kapakanan ng mga leaders at founders nito.
May innovation man na part o wala pero kung usapang pera lang, hindi na yan maiiwasan kaya may mga leaders na kitang kita na nabulag nila mga miyembro nila.
Sa pastor naman na ganito, updated siya sa mga trend ngayon at baka nakita niya yung mga pump and dump ng mga tokens kaya naisip nya yung ganito. Ang tingin ko sa ganito corporation, hindi na church at ginawang gatasan ang mga miyembro.
Hindi sa pagiging hipokrito pero halos 90% ng relihiyon ay ginawa para pagkaperahan . maaring merong tunay na gustong maglingkod sa Dios pero sa karamihan ito ay pera pera lang.
free sa taxation puhunan mo lang ay Bible at kapal ng mukhang manloko eh kikita kana .
lalo na itong pastor na to in which nakita ang potential ng crypto para mas malaki at mabilis ang kitaan?
no doubt na ang main objective nya dito ay magkabukingan man eh mahihrapang habulin sya sa mga naloko nyang halaga.
Meron naman talagang mga tunay pero yung kaisipan kasi ng marami sa atin na basta pera, nandiyan na yun. Pero dahil sa mga loko lokong gusto lang magkapera, nadadamay na yung tunay pero nasa sa atin na din kung sino ang paniniwalaan. Maganda pakinggan na merong ganitong nangyayari sa ibang mga church dahil nasa the same space tayo pero kung ating inaanalyze, hindi tayo sang ayon kasi posibleng sa pang sariling kapakanan lang.
1046  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: June 28, 2023, 11:46:19 PM
Late discussion na ito pero solid about 2023 NBA draft yung mga tumataya ng ganito. May nakita ako na 400K USD tinaya kay Victor Wembanyama 1.01 lang din yung odds. Imagine matalo ka ng 400K usd para lang sa 4K na gusto mong mapanalunan. Well sabi nga nila win is win. At pa konti konti is way good than losing ika nga.

Ikaw ba nag ririsk ka rin ba sa mga 1.01 odds? Knowing na meron at meron paring chance itong matalo.
Kung sobra kong daming pera at parang ganyan yung odds at usap usapan naman talaga kung sino magiging overall pick, baka tumaya ako. Pero kung yan ay parang ipon ko na o di kaya buong pera ko, malabo pa sa sabaw ng pansit na mangyayari yan.
Mahirap ang buhay ngayon ng karamihan at kung isusugal ko yan para sa ganyang panalo kahit na sabihin pang sure win yan, ayaw ko. Madami na akong nakitang ganyang bet tapos natalo kahit na ganyan yung odds.
1047  Local / Others (Pilipinas) / Re: Salamat sa Bitcointalk forum on: June 28, 2023, 10:03:45 PM
Lahat sa atin dito hindi mapagkakaila na malaki ang ambag ng forum sa buhay natin, hindi lang sa kaalaman pati na rin sa mga part time na pagkakakitaan.
Ang sarap lang basahin na maraming mga kababayan natin na natupad ang mga pangarap nila at syempre hindi lang kalakip ang forum kundi ng bitcoin syempre. At hindi na rin nakakapagtaka na isa itong malaking bagay sa mga buhay natin kasi nga kung sino ang may likha ng bitcoin, narito rin siya at isa rin sa mga naging haligi bago naitayo ito at naging active din, sayang nga lang hindi na natin naabutan si satoshi dito.
1048  Local / Pilipinas / Re: May Mga Influencer Ba Tayo Na Tutok Sa Cryptocurrency? on: June 28, 2023, 08:49:47 PM
Yung asawa din ngayon ni Ms. Universe 2013 (not sure if 2013 search mo nalang) Megan Young na si Mikael Daez into crypto sya like NFT, Mining and Trading mga year 2017 niflex nya yung mining rig nya sa facebook account nya. Ito nga't sa Twitter my list pa sya hahaha : https://twitter.com/i/lists/910476224085975040?lang=en
Ayos pala 'to si Mikael, nagma-mine din pala ito. Ito ata yung kapanahunan na sobrang mahal ng mga GPU hanggang bago ang 2021 bull run tapos biglang bagsak na dahil nagkaroon ng shortage sa chip parts hanggang sa ngayon bagsak na mga GPU lalo na naging POS ang ethereum.
Ngayon ko lang nalaman ito, hanggang ngayon kaya nagma-mine pa rin to siya at naghohold?

Ito ata yung mga panahon na kasagsagan ng Bitcoin o cryptocurrency nung pumasok si mikael daez kaya lang saglit lang siya naging bitcoin enthusiast sa aking nakita, sumabay lang siya sa trend at sa tingin ko rin ay nahyped lang din siya. Pero kung titignan mo yung mga inauplod nya sa kanyang mga social media account wala ka ng makikitang mga updates about sa bitcoin o cryptocurrency.

Pero sigurado din ako, pagnakita nya na trending na naman ang Bitcoin sa pagpasok ng bull run ay for sure babalik na naman sa paguplod itong kolokoy na ito, isa ito for sure sa magfeeling may alam at experts sa Bitcoin o crypto.
Yan ang di natin alam kung nakisabay lang ba siya o baka silent lang din siya para hindi malaman ng tao na nasa crypto siya. Pero posible nga na nagstop na siya nung nakita niyang hindi na profitable katulad ng karamihan na pumasok sa NFT tapos nung bumagsak na, nagsikalasan na kasi wala ng masyadong kita. Sana mas marami pa tayong makitang mga artista na nasa crypto at magbigay kaalaman sa mga tao para hindi matakot mag invest at pasukin ang crypto.
1049  Local / Pilipinas / Re: Silliman University College of Law Professor Launch Platform To Educate Bitcoin on: June 27, 2023, 03:44:00 PM
Sa tingin nyo ba mas mapapabilis ang adoption ng Cryptocurrency sa ating bansa kung mag karoon ng mga league o council na puro mga abogado at mga professor ang members at mag launch sila ng mga educational campaign kaysa mga social media influencer lamang
Oo naman kasi meron silang pinangangalagaan na reputasyon at bilang isang abogado mas paniniwalaan sila ng tao kesa sa mga influencers na walang ganyang maipapakita na katibayan ng edukasyon. Hindi ko minamaliit ang mga influencers kasi marami sa kanila na yumaman, hindi sa pagiging influencer nila kundi sa pagiging early investor. Ang point ko lang kasi, karamihan sa mga kababayan natin hindi basta basta na maniniwala kung wala kang katayuan sa buhay o kaya tinapos na ganyan kabigat bilang isang abogado.
1050  Local / Pilipinas / Re: Paraan para umunlad ang Buhay pinansyal on: June 27, 2023, 01:02:31 PM
Marami rin kasi sa mga kababayan natin na kahit turuan mo financial literacy, tingin nila walang kwenta lang kasi nga mababa lang ang sahod, walang ibang pagkakakitaan. Kaya ang feeling nila, parang nakaset nalang sila sa fixed income at yun na lagi ang ba-budgetin nila.
Tapos ang ideya na nasa isip pa nila na wala namang saysay yang mga pag-aaral sa financial literacy at investments kasi takot din sila mag take ng risk.
Yan ang problema eh , mnadalas kasi ang alam lang nila yong pang mabilisang kitaan , hindi nila binibilang and long term na tulong ng mga bagay bagay lalo na sa financial literacy.

Minsan ko ng pinagdanan ang ganyang panuntunan pero never akong nag isip ng ganyan instead lahat sinusubukan at inaalam ko dangan lang na hindi ako nag iinvest ng ganon kabilis ,
inaaral ko maige bawat detalye bago ako mag invest ng maliit na halaga para subukan.

lalo na ngayong sa mundo natin eh hindi na ganon kalaki ang kitaan sa physical na trabaho instead mas malaki na talaga ang kita sa mga online or computer base works.
Mukhang matagal tagal bago mawala sa isipan ng mga pinoy ang easy money kasi parang pasa pasa na yan at ang pinaka dahilan bakit ganun ang isip ng marami ay kakulangan sa kaalaman. Dumaan din ako sa ganyan hanggang sa na realize ko na hindi siya long term at mukhang talo pa ako sa ganyang galawan. Kahit na hindi gaano kalaki ang kita basta legit at may potential lumaki, mapa online o offline man basta madiskarte at lumalaban ng patas, doon din tayo makakabawi.
1051  Local / Pilipinas / Re: May Mga Influencer Ba Tayo Na Tutok Sa Cryptocurrency? on: June 27, 2023, 09:31:35 AM
Yung asawa din ngayon ni Ms. Universe 2013 (not sure if 2013 search mo nalang) Megan Young na si Mikael Daez into crypto sya like NFT, Mining and Trading mga year 2017 niflex nya yung mining rig nya sa facebook account nya. Ito nga't sa Twitter my list pa sya hahaha : https://twitter.com/i/lists/910476224085975040?lang=en
Ayos pala 'to si Mikael, nagma-mine din pala ito. Ito ata yung kapanahunan na sobrang mahal ng mga GPU hanggang bago ang 2021 bull run tapos biglang bagsak na dahil nagkaroon ng shortage sa chip parts hanggang sa ngayon bagsak na mga GPU lalo na naging POS ang ethereum.
Ngayon ko lang nalaman ito, hanggang ngayon kaya nagma-mine pa rin to siya at naghohold?
1052  Local / Pilipinas / Re: Ano ang isususgest mong batas para sa Crypto adoption sa ating mga lawmakers on: June 27, 2023, 07:09:36 AM
Para sa akin, meron na pros and cons kung magkakaroon ng regulation ng cryptocurrency sa ating bansa. Of course, sino bang may gusto na hindi safe ang investment or asset mo. As of the moment, ang bill na gusto kong maipasa sa senado ay sisiguraduhin kong magbebenefit ang cryptocurrency enthusiasts such as tax and job opportunity.

Quote from: Fintechnews.ph
The Philippine government has recently implemented a capital gains tax of up to 15 percent on cryptocurrency transactions to regulate and tax the growing digital asset market. This tax applies to profits made from the sale or exchange of cryptocurrencies and purchases made using cryptocurrencies.

Since hindi naman pwede na tanggalin ang batas na iyan. I think the best thing that we can do is to amend the tax. I think 15 percent is too much high for a cryptocurremcy enthusiast since we don't know also if we gain or lose money in crypto trading. Lowering up to 5% to 10% is a decent tax for cryptocurrency market.

Magfofocus din ako sa pagcreate ng job opportunities sa mga cryptocurrency enthusiasts. Tatawagin ko itong House Bill #20091 - Promoting job opportunity for Filipino Cryptocurrency Enthusiast.

House Bill #20091 - An act promoting job opportunities For Filipino Cryptocurrency Enthusiast

1. Government will support small eaning traders through loans. Pwede ka na magloan ng up to 50,000 with 2% monthly interest as long as verified ang well-known exchange app na meron ka at valid ID.
2. Cryptocurrency exchange outlets will be established. For example, gusto mo mag cash-in and cash-out sa Binance. Magkakaroon na ng outlet sa Pinas na magdirekta na sa Binance. Hindi mo na kailangan maglagay pa sa gcash at ipapasa sa binance.
3. Government will support Filipinos in creating cryptocurrency projects. Since mahirap magfund ng isang project, maglalaan ang gobyerno ng pondo para sa mga gustong magsimula ng proyekto pero walang sapat na pera.
4. Cryptocurrency literacy for all Filipinos (How to make money using crypto and avoid scam projects).
Meron na palang batas kasi ang akala ko hanggang ngayon wala pa rin. Pero parang hindi masyado iniimpose yan ng gobyerno at mas malaking taxation ang nagaganap siguro sa mga exchanges locally. Agree ako sa suggestion mo na masyadong malaki ang 15%, parang sa India ata yung nabasa ko at may mga discussion na 32% na tax na grabe nga ang laki. Yung sa funding sa mga small projects, tingin ko pwede na nilang isama yan sa mga programs na meron ang DOST at DTI, may mga naattendan kasi akong seminar tungkol sa mga ganyang funding dati sa both agencies na yan.
1053  Local / Pilipinas / Re: May Mga Influencer Ba Tayo Na Tutok Sa Cryptocurrency? on: June 26, 2023, 11:18:19 PM
Followers din ako ng ibang influencers na ang tatackle about sa usaping crypto. Nagsimula yan nung kasagsagan ng mga play 2 earn at scholarship. But mostly sa knila play to earn ang topic but still consider na rin nman crypto yun nagkakaroon ng value. May groupo pa nga sila ng mga crypto enthusiast. Si tito vlogs pinapanoood ko, may webinar pa nga sya about sa crypto and trading. As in nabuksan ako diwa sa mga mas malalim na pag trade ng crypto.
Napapanood ko din yan si Tito Vlogs, ok din mga lessons niya yun nga lang alam naman natin kapag mga ganyang influencer tapos parang may special seminar at classes, may bayad na yun. Okay lang naman yun kasi another source of income nila yun.

As of now karamihan sakanila is di na nag cocontent about crypto especially streamers pero meron mangilan ngilan na educational content talaga ang focus at hinding hindi sila mawawalan ng content given na moving forward palagi ang crypto.
Yung ibang mga streamers na alam kong YGG, parang balik stream sila pero hindi na related sa crypto. Gaming stream na ulit sila.
1054  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Anong Crypto ang nasa Hodl Wallet nyo ngayon? on: June 26, 2023, 10:06:26 PM
Sa akin, bukod sa BTC at ETH ay may BNB akong hinohold saka mga ibang fork na tokens na hindi ko pa rin nabebenta. Ang hirap maghanap kasi ngayon yung tipong iisipin mo na bago palang at saka isa ka sa mga nauna. May mga magaling mag spot sa ganyan pero may panahon din na sumasablay. Yung isa sa mga bumibili ako pakonti konti rin ay yung mga exchange tokens bukod sa bnb, yung pancakeswap token.
1055  Local / Pilipinas / Re: Paraan para umunlad ang Buhay pinansyal on: June 26, 2023, 12:26:22 PM
Tama ka dyan, Mahalaga din na matutunan ng sinuman ang Pinansyal at Risk management, kung matutunan nga naman ito ng bawat isa na nais umunlad sa buhay paniguradong malaki ang maitutulong nitong dalwang nabanggit mo. Ngayon, ang tanung pano ito iimplement sa aktwal na buhay ng bawat Filipino? Ito naman yung sagot dyan,

1. Alamin natin kung ano yung magiging risk nito.
2. Suriin mo kung ano yung magiging epekto nito kung anuman yung negosyo o organisasyon na kinabibilangan mo.
3. Bumuo o mag-isip ka ng mga diskarte para dito.
4. Kapag nakaisip ka na ng mga diskarte saka mo ngayon ito iaplay.
5. Kapag naaplay na ito kailangan subaybayan mo ito at suriin ang magiging resulta.
Marami rin kasi sa mga kababayan natin na kahit turuan mo financial literacy, tingin nila walang kwenta lang kasi nga mababa lang ang sahod, walang ibang pagkakakitaan. Kaya ang feeling nila, parang nakaset nalang sila sa fixed income at yun na lagi ang ba-budgetin nila.
Tapos ang ideya na nasa isip pa nila na wala namang saysay yang mga pag-aaral sa financial literacy at investments kasi takot din sila mag take ng risk.
1056  Local / Others (Pilipinas) / Re: Local Forum Tungkol Sa CryptoCurrency Na May Additional Local Sections on: June 26, 2023, 09:45:25 AM
Okay lang maglagay ng mga ganyang sections, tingin ko magandang project nga yan na simulan. Iniisip ko nga rin yan dati kaso wala naman akong sapat na oras para tutukan yan. Kahit na may konting traffic lang basta active, okay na parang pang present din sa portfolio.
Kung long term, patience ang kailangan sa ganyan. Kasi sa sobrang daming websites ngayon kahit na hindi na lalayo sa Facebook, yung karamihan sa mga users doon nalang nags-stay sa mga specified groups. Pero ok pa rin yung ganitong mga forum locally, yung isang alam kong buhay pa yung pinoy exchange.
1057  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: My Defi Pet - DeFi meets NFT on: June 25, 2023, 11:11:08 PM
At alam naman nating lahat na itong mga project na ito ay parang naasa lang din sa swerte kung papatok yung gawa nila.

Lesson learned sa akin at sa lahat din na ang FOMO ay risky talaga nung pumutok ang Axie naghanap talaga ako ng katulad na platform ng Axie na isa ako sa mga nauna at natapat ako sa DPET dahil nag uunpisa pa lang ang entry price ko dito kung di ako nagkakamali ay more than one hundred pesos per egg at 9 eggs yung di ko rin akalain pag ka bili ko di na tumaas ang price at dere derecho na ang pag bulusok.

Hindi na rin ako naniwala sa mga ginagawa nilang hype, natuto na rin ako sa iba na pag tapos na ang trend o kung yung nag paumpisa o original sa platform ay pabagsak na sigurado yung mga nag gayahan ganun din ang kapalaran, kaya yun na nga ang nangyari, charge na lang natin lahat sa experience.
Yan naging mindset ng karamihan kasi nga parang instant income at easy pa kaya parang nagkaroon ng gold rush sa mga P2E. At may mga developers naman na nagsigawa ng mga games agad agad kahit ang daming bugs at merong mga tokens din para nga sa kanila din ang profit. Ang daming life lessons nung panahon na yan at okay lang.

Muntik na ako madali nito pero hindi ako bumili kasi ang dami kong nababasa na ang daming bug. Sobrang dami kong friends sa FB na nagse-share ng mga itlog nitong MDF tapos biglang naging inactive na. Para rin kasing ang bagal ata ng development nito.
Dapat sana sa mga P2E na ito yung tipong competitive at team game parang ML, COD, Dota, LOL yung mga ganyang laro kaso ang mahal ata ng development para magkaroon ng parang ganyang game tapos P2E pa, sobrang laking pondo. At alam naman nating lahat na itong mga project na ito ay parang naasa lang din sa swerte kung papatok yung gawa nila.

Sinabi mo pa, yung tipong sinubukan kung may magiinvest tapos pag medyo madami ng nakuhang pera eh biglang iwan kasi nawala na yung hype, andami ko din dating kaibigan na talagang kung makahikayat eh ginagamit pa yung success ng axie at ito daw yung susunod sa yapak alam naman natin ang mga kababayan natin pag naniwala na sa words of mouth eh talagang papasok at aasa.

Ang masakit lang dito kasi nag try pang maghype yung developer nito yun ang naging masaklap kasi may nagsipab bilihan pa
tapos wala din naman ginawang development.
Madaming naging kawawa sa ganitong mga entry kasi nga nakakahikayat at parang maaga pa tapos malaki laki ang kikitain. Ako di naman ako nanghikayat sa Axie at nagtest lang din tapos parang naging emotional tapos muntik ko pa itry itong MDP pero buti nalang di natuloy.
1058  Local / Pilipinas / Re: Stay Lowkey lang tayo on: June 25, 2023, 09:53:16 PM
Wala naman talagang masama sa pag shshare ng achievements sa buhay, siguro the way of sharing mo nalang yun kung paano ma iintepret ng tao kung nangbrabrag ka ba or inspired. Kasi aminin natin gusto rin nating umangat sa buhay and once na ma achieve natin yon ay di mawawala sa isip natin na ishare sa ibang tao ang success na nagawa mo sa buhay. Tama ka bro na dapat limited lang talaga ang lahat kahit sa pag shshare ng achievements stay private pa rin tayo para na rin sa safety natin kahit nga yung sinabi mong wishing na bumaba ka from ibang tao lala na non eh. Alala ko tuloy yung nag share ng credit card niya nakalimutan niyang icensor yung important details niya, ayun nanakawan!
Totoo na lahat tayo umangat sa buhay at walang magagawa ang ibang tao kung gusto mo maging public person at magshare ng mga bagay bagay.
May mga tao na nakapaligid sa atin na gusto tayong magtagumpay ngunit may mga tao din naman na ayaw nakakakita ng mga taong nagse-share ng successes nila sa buhay at gusto hilahin pababa.
1059  Local / Pilipinas / Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas on: June 24, 2023, 02:09:05 PM
Walang napuntahan yung kahigipitan ni coins.ph, tumingin tingin ako sa FB page nila. Ibang iba na, kasi dati ang dami laging reactions, engagement at likes pero ngayon parang bawat comment ay complain nalang. Ok lang sana yung kahigpitan nila kung nasa ayos lang at hindi masyadong nakakasakal, pero yun nga ang akala nila. Pati matatagal na users nila hindi na na-impress sa mga pinaggagawa nila.

Meron na rin silang maintaining balance ngayon, mala bank na ang approach nila.  Kapag ang balance natin sa kanila ay less than the minimum ay magcharge sila ng maintenance fee.  Siguro humina na ng husto talaga ang kita nila, para siguro makabawi kahit paano kaya inimplement nila ang maintening balance requirement.   Malaki ang makakamkam ng coins.ph dito dahil iyong mga member na maliit lang ang funds at naabutan ng paghihigpit ay hindi na magbibigay oras para magpakyc pa sa knila.
Kaya nga may maintaining balance tapos sisingilin pa ata kapag inactive na. Tama ka na baka yang ginawa nilang policy para lang masimot yung mga nakalimutan ding mga wallet na may mga dust amounts. Hindi ko alam kung ramdam ba talaga nila yung pag decline ng users nila dahil sa mga walang kwenta at makabagong policy nila o baka hindi nila ramdam kasi di nila gusto maramdaman. Puro complain nga lang makikita mo sa page nila kapag try mo visit mga posts nila. Hindi na sing saya tulad ng dati.
1060  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: My Defi Pet - DeFi meets NFT on: June 24, 2023, 12:36:02 PM
Sinabi mo pa kabayan, swerte ung mga nakapag mina ng marami at nakapagpalit ng Either items or gold tapos na hype pa yung presyo nung mga time na talagang madaming naglaro at tumangkilik, pero hindi naman natin maalis ung katotohanan na malayo ang axie sa success ng mga P2E na project, itong Mt Defi Pet lang talaga yung inalat ang maraming nakisabay, puro pabor sa developer ang nangyari lahat ata ng update nila puro pampabor at pang kabig hindi man lang nabigyan ng chance ung mga nakisabak, meron mang kumita hindi ko lang sure kung nasayahan ba sila or same scheme lang din ng ponzi mauna masaya, mahuli lugmok..
Muntik na ako madali nito pero hindi ako bumili kasi ang dami kong nababasa na ang daming bug. Sobrang dami kong friends sa FB na nagse-share ng mga itlog nitong MDF tapos biglang naging inactive na. Para rin kasing ang bagal ata ng development nito.
Dapat sana sa mga P2E na ito yung tipong competitive at team game parang ML, COD, Dota, LOL yung mga ganyang laro kaso ang mahal ata ng development para magkaroon ng parang ganyang game tapos P2E pa, sobrang laking pondo. At alam naman nating lahat na itong mga project na ito ay parang naasa lang din sa swerte kung papatok yung gawa nila.
Pages: « 1 ... 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 [53] 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!