Bitcoin Forum
April 30, 2024, 09:12:15 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 [52] 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 ... 282 »
1021  Local / Pilipinas / Re: [Question]Wala ba magiging problema kung gagamit ng mixer sa coins.ph at gcash on: July 06, 2023, 03:30:28 PM
Kung ako sayo huwag mong gawin yan. Sobrang higpit ni coins.ph ngayon at kahit dati na hindi sila mahigpit, parang may mga nabasa akong na detect na galing sa mixer at casino yung funds nila. Hindi ko pa natry yan pero wala akong balak gawin base sa mga nabasa ko dati.
Sa Gcrypto, hindi ko lang alam kung may paraan sila para malaman yan pero kung tutuusin pati rin naman si coins.ph wala naman sigurong way yan para ma detect nila.
1022  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Dating Pastor nag launch ng sariling Crypto! on: July 06, 2023, 09:10:33 AM
Meron naman talagang mga tunay pero yung kaisipan kasi ng marami sa atin na basta pera, nandiyan na yun. Pero dahil sa mga loko lokong gusto lang magkapera, nadadamay na yung tunay pero nasa sa atin na din kung sino ang paniniwalaan. Maganda pakinggan na merong ganitong nangyayari sa ibang mga church dahil nasa the same space tayo pero kung ating inaanalyze, hindi tayo sang ayon kasi posibleng sa pang sariling kapakanan lang.
kaya nga sinabi ko na 90% dahil yana ng reyalidad , hindi sa pagiging mapang husga pero yan ang na obserbahan ko mula pa ng pagkabata ko dahil sa dami na din ng relihiyon na napasukan or napakingan ko.
halos lahat gagamitin ang salita ng Dios para sa kanilang financial na kapakanan.
and tama ka na magandang nangyayari to sa ibang church pero nakakatakot dahil alam din nating ang crypto ay isa sa daan na madalas ginagamit ng mga scammers sa pinas, milyon milyon na ang nakukurakot ng mga scammers kaya sana wag maging isa itong mga churches na to.
Sana lang at hindi natin alam kaya ang pwede ang nating gawin ay iwish na sana hindi nga yan isa sa mga iniisip natin na churches.
May balita ba kayo kung kamusta na yung church at pastor na ito? Mukhang walang balita na akong nabasa tungkol sa kanya.
1023  Local / Pilipinas / Re: Internet Apocalypse, Handa kaba? on: July 05, 2023, 09:50:51 PM
Sa pag-aaral ng mga bata, tingin ko ok lang naman mawala ang internet kung sakali lang ha kahit na may high technology na tayo ngayon sa lahat ng uri ng aspeto. Kasi dati noong kapanahunan namin, walang internet, libro, mga bala ng cd at vhs para sa educational purposes at mga educational channels ang pinapanood namin. Sa negosyo, trabaho at iba pang uri ng businesses na reliant sa internet, sobrang hirap nito. Sobrang lungkot ng mangyayari pero may saya din kapag nagkataon pero sa mga nasanay na merong internet, mahihirapan mag adjust. Totoo na maapektuhan ang buong bitcoin network at crypto market pero kung mangyari man yan sana, nakapagbenta na tayo at may sapat tayong ipon.
1024  Local / Pilipinas / Re: Blackrock ETF for the win! on: July 05, 2023, 07:18:33 PM
So nag re-file sila ng application, kung matatandaan ang sabi eh inadequate daw, so hayun ang ginawa ng BlackRock

https://listingcenter.nasdaq.com/assets/rulebook/NASDAQ/filings/SR-NASDAQ-2023-016_Resubmission.pdf

OO nga pala ang pinagkaiba he pinangalanan nila na ang Coinbase ang magiging trust custodian. So alam naman natin na matunog ang Coinbase although may pang aalinganan sa kanila ang SEC pero madadaan naman to sa maayos.

At kung matatandaan eh biglang bulusok tayo sa $31k after this news, but so far all good pa naman tayo at nasa support line tayo ng $30k. So everything is getting interesting nitong mga nakaraang buwan at sa mga susunod pa.
Inaantay nalang ng karamihan na maapprove yan at hindi lang Blackrock ang inaabangan nating lahat kundi pati yung ibang mga ETFs din.
Sigurado yan tataas kapag nagkaroon pa ng positive na balita tungkol dito sa application nila pero sana mas maging maganda ang kalalabasan niyan. Parang all set lahat ng mga nangyayari sa market kasi ang inaasahan ko lang halving lang magiging driving force sa bull run pero parang on timing din itong mga ganitong balita.
1025  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 05, 2023, 05:49:13 PM
Wala na, may contract na si Lopez sa Bucks. Ang ganda sana kung may big man pa sila kasi parang sila lang ata yung team na walang ganyang big man.
Si Jokic talaga magiging standard ng isang NBA team ngayon, may shooting, may assist, at lalong lalo na yung height niya na isang asset niya na magiging asset din ng isang team.

Yup, siguro parang backup lang ng Warriors yung kay Lopez deal na reported, kung hindi pumayag is Green eh malamang kukunin nila si Lopez. Hindi naman sa halos parehas sila ng laro, pero sa experience rin nyang mag set ng mga picks at may pang offense pa sya, malaking tulong talaga pag nakuha sya.

Nag tre-trending is Bol Bol dahil ni waived ng Magic pala. At dahil matangkad din sya katulad ni Wemby, nagtatanong ang marami bakit ni waived sya ng team nya eh maganda naman ang pinakita nito last season.

Highlights: https://www.youtube.com/watch?v=hXTalS8B7uM
Kaya nga tungkol kay Bol Bol, na-waived nga siya. Bakit kaya? Ang dami kong nababasa na dahil kay Kai daw. Huwag muna tayong assuming pero baka hindi pa panahon ni Bol at baka may mas magandang kontrata na ibibigay sa kanya ang ibang team na nag aabang sa kanya. Sa ngayon puro superstar ang may spotlight kaya naggagandahan ang mga kontrata nila at meron din namang mga downgrade.
1026  Local / Pilipinas / Re: Crypto scammers na nakikipagsosyo sa gobyerno ng Pilipinas. on: July 05, 2023, 12:44:44 PM
Suprised ng makita ko kung sino ang OP at I followed the post at nagkaroon pa ng MOU ang BSV at Ateneo de Manila. I don't know if they done extensive research pero hindi rin ako sang-ayon sa napili nilang blockchain technology partner, there are a lot of red flags for BSV at isa pa rito ay ano nalang ang ihahatid nilang vision at counsel sa government natin considering they still have that narrative na ang "BSV ay ang true vision ni Satoshi", which on my opinion na mali. Huli na ba o hayaan nalang kasi isang MOU lang?
Napaka misleading ng ginagawa nila at tamang tama sa title na ginawa ni kuya Greg. Kahit na open ang bansa natin sa crypto pero sa ganitong bagay parang na caught off guard ang gobyerno natin. May mga maling consultant o di kaya maling proposals ang tinanggap nila.  Undecided

Dalawa lang naman ang nakikita ko dyan, either merong opisyal dyan sa gobyerno na alam nya kaya nakipagsabwatan siya sa pakay ng BSV or pwede din na nagtetake advantage ang BSV sa gobyerno natin dahil nakitaan nila na kaya nilang paniwalain ang mga ito na pumayag sa kanilang gagawin, in which is ngyari na nga dahil nakitaan nila na madaming opisyal ng gobyerno dito sa pinas na hindi talaga pa alam ang pasikot-sikot na galawan dito sa cryptocurrency at blockchain technology.

Kawawa mga taong makikinig dito sa mga ito unless kung may knowledge ka ay aalmahan o hindi ka maniniwala dyan sa mga yan.
Madali lang kasi makapenetrate dito sa bansa natin at sa sobrang daming opisyales na wala namang kamuang muang sa ganito, hindi humihingi ng consultation sa mga kilalang may alam, sige lang ng sige. Kawawa talaga mga taong mamimislead ng mga yan.
Sasabihin nila kasi nga suportado ng gobyerno kaya yan ang susuportahan din nila at baka mahikayat pa bumili ng fork coin na yan.
1027  Economy / Services / Re: Signature/bounty campaigns referral system on: July 04, 2023, 11:13:58 PM
Since you're alread aware that Royse has that program if you ever refer a campaign to him. Check the other management campaign thread's of other managers and read if they've got the same program.
* Overview of Bitcointalk Signature Anti-Spam Campaign Managers
* Campaign Management Services
Little mouse gave me a really good offer, but I will look for others too, thanks
Nice, you're getting offers now and you've gotten attention from other managers as well. I think that all of it fits well with what you're looking for and what they need from someone like you. Good luck.
1028  Local / Pilipinas / Re: Silliman University College of Law Professor Launch Platform To Educate Bitcoin on: July 04, 2023, 09:03:02 PM
Diba itong si Florin Hilbay ay isang pinklawan supporters? Diko-akalain na Bitcoin enthusiast pala itong tao nato, kung sa bagay mas okay na yan kesa gumawa siya ng aklat ng paninira sa mga marcoses.
Para sa akin, labas na ang politika dito kasi nung tumakbo siyang senador. May mga agenda yan sila kung bakit nila nasasabi mga ganyan pero ngayon tahimik na siya at wala na siya sa politika at mas nagfofocus na siya sa pagiging abogado at professor niya kaya kalimutan nalang yung mga bagay na yun.

Kung 150 ang magiging shipping fee nito luzon bisayas at mindanao na yun at masasabi kung mura na yang shipping fee, pero sa amount ng Books tungkol sa Bitcoin ay 600 each parang namamahalan ako, dapat binabaan nya muna tapos kapag nakikita nyang lumalaganap na ito ay saka nya ito taasan. Or dapat meron din siya nung parang komiks lang na murang halaga lang.
Mahal talaga karamihan sa mga books na published ng mga author na tulad niya. May mga mas mahal pang books ako na nakita na authored din ng isang kababayan natin. Puwede naman sumuporta o di kaya kapag hindi talaga kaya, okay lang naman.
1029  Local / Pilipinas / Re: Crypto scammers na nakikipagsosyo sa gobyerno ng Pilipinas. on: July 04, 2023, 07:53:27 PM
Suprised ng makita ko kung sino ang OP at I followed the post at nagkaroon pa ng MOU ang BSV at Ateneo de Manila. I don't know if they done extensive research pero hindi rin ako sang-ayon sa napili nilang blockchain technology partner, there are a lot of red flags for BSV at isa pa rito ay ano nalang ang ihahatid nilang vision at counsel sa government natin considering they still have that narrative na ang "BSV ay ang true vision ni Satoshi", which on my opinion na mali. Huli na ba o hayaan nalang kasi isang MOU lang?
Napaka misleading ng ginagawa nila at tamang tama sa title na ginawa ni kuya Greg. Kahit na open ang bansa natin sa crypto pero sa ganitong bagay parang na caught off guard ang gobyerno natin. May mga maling consultant o di kaya maling proposals ang tinanggap nila.  Undecided
1030  Local / Pilipinas / Re: Bakit takot ang mga Filipino na pasukin ang crypto? on: July 03, 2023, 11:11:35 PM
Oo hindi natin sila masisisi kaya kapag may nagbanggit sa kanila, ang una nilang maiisip ay yung napanood nila na ginamit ang bitcoin / crypto sa pangi-scam.
Kaya sa mga gusto man matuto, may negative na idea na agad sila kaya imbes na pag-aralan pa lalo. Wala na silang gana dahil naka stuck na sa isipan nila na scam lang at wala naman patutunguhan.

Na sana eh maitama nung mga nakakaintindi, sabagay sa mga sarado na ang isip kahit ano pang paliwanag wala na talaga, kala kasi ng karamihan instant way to earn tapos pag nadale ng scammer ayun na magkakalat na ng mga kung ano anong impormasyon patungkol sa crypto na hindi naman talaga totoo.

Sa mga ganitong paraan din pala tayong mga nakakaunawa makakatulong lalo dun sa mga mahal natin sa buhay na gusto din natin maishare yung pagkakataon, basta tamang timpla lang ng idea sila na bahala magpalago ng kaalaman nila.
Para doon sa mga saradong isip, mare-realize nalang nila sa huli na sana nakinig sila at pinag aralan pa muna nila bago nila tinanggihan ng todo. Kapag nakita na nila yung mga kumita sa pagbili ng bitcoin at nag flex na sa social media, doon na nila mare-realize na hindi dapat sila naging close minded at ibang iba ang bitcoin sa inaaakala nilang scam. Naging pangit lang din kasi ang image ng bitcoin dahil sa mga totoong scammer at yung mga traditional ponzi scheme na nag divert into bitcoin para maging mukhang legit sila.
1031  Local / Others (Pilipinas) / Re: Salamat sa Bitcointalk forum on: July 03, 2023, 09:36:03 PM
Ayos ah, nagtatapon ka lang ng pera sa paglalaro mo ng sugal. Kung isusuma total ko sahod mo sa livecasino nasa around nasa 400$ din mahigit sa loob ng isang buwan. Mas malaki pa sa normal na sahod ng isang ordinaryong pinoy sa rate na 610 pesos per day. Magastos din ang hobby mo kapatid Grin

Pero sana bawas-bawasan mo na yan, sa halip na ibuhos mo sa sugal yung sahod mo sa signature campaign, siguro kahit half nalang ipansugal mo then yung half nun sa signature campaign use it nalang sa pagsasagawa mo ng crypto trading. Ito ay isang payo ko lang naman sayo, pero siyempre the choice is yours parin naman.
Okay lang yan kay kabayan kasi may mga businesses siya at aware naman siya sa expenses niya. At sabi naman niya, ineenjoy niya lang ang buhay, walang pressure kumbaga.
Basta aware ka sa ginagawa mo, passion man yan o hobby o enjoyment lang. Okay lang yan basta yung expenses mo nata-track mo at may cash flow naman siya na marami.
Ito yung mapapasabi nalang tayo ng sana all.  Grin
1032  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 03, 2023, 07:46:51 PM
Parang hindi na kukunin ng Warriors si Lopez kung nabigyan na ng medyo malaking kontrata si Green. Isa pa rin siya sa free sa ngayon at may mga iba pa. Mabuti nalang at nakuha pa rin ng Warriors si Green baka nagpataas lang talaga siya ng value niya base sa mga statements niya pero dahil sa mga ganung statement public at sa social media may bagong batas na patungkol diyan.

Ganda siguro nito kung matuloy na makuha ng Warriors si Brook Lopez dahil may tira sa tres yon eh, di gaya ni Looney na sa loob lang maasahan, yong nga ang panawagan ng mga fans ng Warriors na kumuha na sila ng bigs para naman hindi palaging small ball yong plays nila dahil mukhang binabago na ni Jokic yong playing landscape ng NBA sa ngayon, mukhang papalitan na nya si Steph Curry.
Wala na, may contract na si Lopez sa Bucks. Ang ganda sana kung may big man pa sila kasi parang sila lang ata yung team na walang ganyang big man.
Si Jokic talaga magiging standard ng isang NBA team ngayon, may shooting, may assist, at lalong lalo na yung height niya na isang asset niya na magiging asset din ng isang team.
1033  Economy / Services / Re: Signature/bounty campaigns referral system on: July 03, 2023, 11:08:38 AM
Since you're alread aware that Royse has that program if you ever refer a campaign to him. Check the other management campaign thread's of other managers and read if they've got the same program.
* Overview of Bitcointalk Signature Anti-Spam Campaign Managers
* Campaign Management Services
1034  Local / Pilipinas / Re: Bakit takot ang mga Filipino na pasukin ang crypto? on: July 02, 2023, 11:48:26 PM
Doon sa mga walang ideya tungkol sa crypto/bitcoin pero naririnig nila sa balita at napapanood na ginagamit sa mga scam, matatakot talaga sila. May bias nga lang doon kasi yung mga walang alam sa market na ito, negative thinking agad kahit na wala pa silang ideya. Tamang measure lang naman yun at yun ang magiging thought nila sa bagay na hindi pa nila alam talaga tapos may mga balita pang hindi maganda na napanood sa tv news.

Dun kasi naibase ng karamihan ung crypto / bitcoin hind naman natin sila masisi kasi nga yung mga scammers ang lulupit gumamit ng term ng crypto investment tapos ang sistema eh ponzi kaya ganun na lang kasama yung nagiging impression ng mga tao, pero tama yung sinabi mo, ung set nung expectation vs dun sa paghahanap at pag aanalyze ng totoo, yun talagaang kainlangan, pag kasi nasimulan mo ng matutunan yung market maiiba din yung tingin mo at baka nga maging eager ka pang matuto ng mas malalim para na rin sa kapakanan mo lalo na kung nagsimula ka ng kumita db?
Oo hindi natin sila masisisi kaya kapag may nagbanggit sa kanila, ang una nilang maiisip ay yung napanood nila na ginamit ang bitcoin / crypto sa pangi-scam.
Kaya sa mga gusto man matuto, may negative na idea na agad sila kaya imbes na pag-aralan pa lalo. Wala na silang gana dahil naka stuck na sa isipan nila na scam lang at wala naman patutunguhan.
1035  Local / Pilipinas / Re: Bakit takot ang mga Filipino na pasukin ang crypto? on: July 02, 2023, 06:28:25 PM
Quote
Re: Bakit takot ang mga Filipino na pasukin ang crypto?
Very accurate yang chart na nakita mo OP. Kahit ako yan din sasabihin ko or isasagot sa survey kung tatanungin ako. Tsaka as in baka wala naman talagang pang invest sa crypto.

Sa talamak ba naman scamman at balita ngayon about sa mga scam sa crypto at marining mo pa lang ang bitcoin/crypto  automatic scam na agad ang iniisip nila. Hindi nila alam pareho lang din naman yun kung anong currency ang ginagamit mo.
Doon sa mga walang ideya tungkol sa crypto/bitcoin pero naririnig nila sa balita at napapanood na ginagamit sa mga scam, matatakot talaga sila. May bias nga lang doon kasi yung mga walang alam sa market na ito, negative thinking agad kahit na wala pa silang ideya. Tamang measure lang naman yun at yun ang magiging thought nila sa bagay na hindi pa nila alam talaga tapos may mga balita pang hindi maganda na napanood sa tv news.
1036  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 01, 2023, 02:35:05 PM
^^ Oo, nag sign na nga daw si Green ng $100m takot talagang bitawan ng Warriors si Green hehehe. Kaya solid parin sila next year although although wala na si Poole at ibang mga role players nila.

May nabasa nga ako na nag sign na daw rin si Brook Lopez sa Warriors, pero duda ako dito hanggang maging opisyal. Kasi meron ding balita na sa Lakers naman daw sya mag si-sign. si FVV ng Toronto halimaw ang contract sa Houston, max eh $130m.
Parang hindi na kukunin ng Warriors si Lopez kung nabigyan na ng medyo malaking kontrata si Green. Isa pa rin siya sa free sa ngayon at may mga iba pa. Mabuti nalang at nakuha pa rin ng Warriors si Green baka nagpataas lang talaga siya ng value niya base sa mga statements niya pero dahil sa mga ganung statement public at sa social media may bagong batas na patungkol diyan.
1037  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Anong Crypto ang nasa Hodl Wallet nyo ngayon? on: July 01, 2023, 11:55:44 AM
Update ko lang holding ko , Nag Add nga pala ako ng Arbitrum recently and also NEAR Protocol , actually matagal ko na binabantayan itong Near and yes nekita ko ang paglago nito .
so now na nagkaron ako ng konting sobra para i risk eh Hindi na ako nagdalawang Isip na bumili at i hold.
Yung NEAR parang isa yan sa mga projects na gusto kong bumili pero hanggang ngayon sinusundan ko pa lang din kung ano na nangyayari diyan. Tumingin ako sa website nila at ang ganda ng mga offer, not related sa investing pero yung mismong blockchain at ecosystem nila ang dami nilang puwedeng ituro para sa mga interesado.
1038  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: July 01, 2023, 09:20:04 AM
Sang-ayon ako dyan kabayan, yong nga siguro ang dahilan kung bakit hindi sumama si Jordan Clarkson sa Team Gilas para sa mga pockets tournaments dahil may aasikasuhin pa siya sa kanyang kontrata sa Jazz at kailangan na healthy siya para hindi ma-compromise yong kontrata.
Parang babalik na siya sa Jazz dahil sa napagkasunduang kontrata niya at tama ka diyan, kahit na gustong gusto niya mapasama sa lahat ng activities at side tourneys ng Gilas, kailangan niya muna asikasuhin yung sarili niya at mga potential offers niya pero parang stay pa rin siya sa Jazz base sa mga nabasa kong balita.
Hindi na rin kasi siya 6th man, starting five na nga ang datingan ng ating kababayan na si Jordan Clarkson kaya sigurado magiging busy pa ito sa ibang events lalo na sa mga organizations ng NBA like NBA Cares. Dati marami-rami pa ang oras niya dahil nga 6th man of the year siya, pero ngayon star na talaga at maaring mag propose na din ang Utah Jazz na magabsent siya sa mga FIBA or other leagues para lang makaiwas sa injuries.
Maganda ang progress ng career niya at mas lalo pang makakarecognize sa kanya. Pero sana makita pa rin natin siya sa mga games ng FIBA para maglaro sa national team natin.

Nandiyan pa naman si Wiggins pero sana kumuha pa sila ng isang matibay na pang ilalim nila. Kaso kahit kumuha sila parang salary cap na din ata sila kahit mawala si Poole at Green sa kanila.
Oo brad, lintek ang luxury tax nitong Warriors dahil nga over lagi sa salary cap. Wiggins, Curry, Thompson, at CP3, yan pa lang kumakain na ng sandamakmak na pera sa cap space nila.
Mahihirapan na sila makakuha ng isa pang forward para sa depensa nila, sa tinging ko nga kahit yung rumor na offer nila kay Draymond Green na $100M in 3 years ay baka mahirapan pa sila. Kakailangan nila magbawas ng mga players na kumakain ng space at ito ang siguradong ikakahina ng team nila.
Nakilala sila sa good player rotation na isang magandang play ni Steve Kerr, kung wala silang maayos na bench ay panigurado lawit dila na naman si Steph Curry nito.
Hindi na rumor yung $100M, dahil totoong yun na ang kontrata niya sa Warriors. Maganda na nandun pa rin siya at makakasama pa rin siya sa team kung saan binibigyan din siya ng halaga.

Pwede nila i-build si Jonathan Kuminga, ang hirap lang kasi bata pa, minsan medyo mainitin sa pagsalaksak sa rim although marami-rami din siyang nagawang pasiklab. Kulang na lang talaga sa experience na hindi naman nakukuha sa training.
Magkakaroon rin yan siya ng time to shine.
1039  Local / Pilipinas / Re: Stay Lowkey lang tayo on: July 01, 2023, 07:26:28 AM
Seryoso? I thought nasa ibang bansa si Miranda. If I am not mistaken, isa syang coach at nagbibigay ng strategies about cryptocurrencies. Naglilive trading din sya at minsan eh napapanood ko sya sa Youtube.
Nasa page niya at inamin na nangyari yan sa kanya.

Ito ang mahirap kapag sobrang yabang sa social media na ultimo trades ay shinishare pa. Hindi na secured wallet through online at risk pati ba naman personal. Maniwala pa ako kung way back 2017 na kakaunti lang may interes at sapat na kaalaman sa crypto ang tao. Eh sa panahon ngayon pagsinabi mong nagcycrypto ka. Millionaire mindset agad ang isip ng iba. Hehehe.
Sa tulad niya naman, wala naman sigurong yabang kasi influencer siya at yun ang content at niche niya. Pero para sa mga tulad natin, iba talaga nagagawa ng yabang. Kaya mag ingat din tayo sa mga sinasabihan at kinakausap natin, hindi natin alam na may masasamang balak na pala sa atin lalo na kapag inggit ang umiral.
1040  Local / Pilipinas / Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas on: June 30, 2023, 10:46:12 PM
Grabe nga kabayan, naalala ko nag open ako ulit ng coins.ph na app ko tapos need ko ulit i-verify from the start e LEVEL 3 na yun matagal na, tapos valid ID naman pinakita ko tapos biglang di tinanggap maski face recognition ayaw. Dati coins lang meron tayo ngayon wala na nauungusan na sila ng Maya saka Gcash, di ko na rin gusto yung UI nila medyo parang siniksik yung mga elements. Kaya ngayon mas prefer ko UB saka Maya mas convenient para sa akin.
Yun ang maganda ngayon, kahit na maghigpit si coins, hindi na problema sa atin kasi hindi lang sila ang pwede nating gamitin sa pagbebenta ng cryptos natin. Nandiyan na si Maya na puwede na transfer, in and out ng crypto at ganun din kay gcash kaya nagiging super apps na din sila.
Sayang lang yung kapanahunan dati na lipad na lipad ang coins.ph kaso ngayon parang napagiwanan na sila kasi nga hindi nila masyadong nafocusan ang customer service nila at icheck mo din kung ilan ang magiging limit na ibibigay nila sayo sa pagiging level 3 kasi madaming binabaan ng limit.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 [52] 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!