Bitcoin Forum
April 30, 2024, 01:53:17 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 [60] 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 ... 282 »
1181  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 18, 2023, 11:05:14 PM
So meron palang pagbabago sa Coins.ph,

Quote
GameFi and Web3 Executive Jen Bilango Joins Coins.ph as PH Country Manager

https://bitpinas.com/business/jen-bilango-coins-ph-country-manager/

And according to the article, mukhang makikipag compete sila sa mga e-wallets like Gcash and Paymaya. So tingnan natin ang mga maaaring pagbabago sa Coins.ph. Parang pabaligtad nga eh, sila naman talaga ang nag umpisa ng mga e-wallets na to, tapos fiat->crypto, or crypto->fiat. Medyo napag iwanan nga lang sila kasi parang bumaba ang customer service nila tapos dami nang hinihingi sa tin mga docs. Samantala ang Gcash and Paymaya ay easy lang mag apply at approved again at now at may Crypto coverage na rin sila. Kaya siguro and Coins.ph eh natataranta na hehehe.
Literal na pabaligtad sila sumila ng si Wei na humawak ng company na 'to. Ibang iba ang patakbo ni Ron sa kanila pero ganon pala sa startup companies na kapag successful na, ibebenta na sa iba para ma acquire sa mas mataas na value.
Mas maganda maging friendly sila ulit o di kaya pinakafriendly laban sa dalawang giant e-wallets ngayon na maya at gcash. Lately lang nag accept ang Gcash ng crypto pero mas kilala na sila ngayon ni Maya na nagaccept ng crypto. Kung itotodo nila yung kahigpitan nila, okay lang naman pero mga users lilipat sa no hassle at easy wallet app.
1182  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Axie Infinity Philippine Thread on: May 18, 2023, 09:47:47 PM
Mga merong Axie diyan, nakita niyo na ba yung balita tungkol sa paglaunch ng Axie at support sa iOs?
Axie Infinity: Origins launches on iOS in LATAM, Asia
Saka sa mga nakakakilala kay Taxton, wala na pala siya. Yes, he passed away.
1183  Local / Pilipinas / Re: Mag-ingat sa bagong paraan ng mga hacker at Scammer on: May 18, 2023, 08:44:54 PM
Sa ngayon madami ng paraan ang mga hackers para mag nakaw. Tulad sa gcash. Pero palagay ko sa yung sa gcash hack is sa may ari talaga ng gcash ang problema. Diba maraming online gambling ngayon at gamit lang gcash pwede ka na tumaya. Isa rin itong paraan para makuha ng hacker yung gcash account mo. Kapag wala ka masyadong alam sa internet security at kung saan2x ka lang naglalapag ng gcash mo eh malaking posibilidad na ma hack ka.
Yan nga ang iniisip ng marami na ang mga biktima ng mga hacking na yan ay may ginawang tulad ng pagsusugal at inallow yung permission na makaconnect yang mga casinos na yan sa gcash account nila.

Last 3 years ago ata nakapag try ako sa isang online casino. After ng registration magcacash in ka para makalaro ka sa game. Ang nakapagtataka lang eh parang ang daling manalo. Nag cash in ako 50 tapos wala pang 10 minutes almost 12k na pera ko. Tinry ko eh cash out ayun nang hingi ng otp at pin ng gcash para ma process daw yung withdrawal mo. Kung walang ka alam2x yung may ari ng gcash malamang binigay na niya yun. Buti na lang aware ako that time at binigay ko random numbers at pin. At nag success pa. Antayin lang daw yung pera within 24 hours.
Grabe nga yan at isa yan sa mga patunay na galing talaga sa mga casino na sketchy kung paano sila nahack.
1184  Local / Others (Pilipinas) / Re: Gcash hacking issue. on: May 18, 2023, 12:07:54 PM
Marami pang accredited ng Pagcor na online gaming casino na tiyak na mas safe kesa sa mga bagong usbong na unlicensed online casinos.
List for reference: https://www.pagcor.ph/regulatory/accredited-service-providers.php/
Ang technique kasi ng mga unlicensed casinos na yan at lumapit sa mga influencers na may mga hundred thousands to millions na mga followers. Kasi alam nila sobrang dali lang nila maging popular. Sobrang daming mga bagong casinos ako nakikita na inaadvertise ng mga influencers at hindi nila inaalam kung lehitimo ba ang operations nila at licensed by sila ng Pagcor. Sa pagkuha kasi ng license pagkakaalam ko malaking halaga ang kailangan diyan kaya yung karamihan na mga casinos ngayon bina-bypass na nila yan at rekta na agad sa market hangga't hindi sila nahuhuli.
1185  Local / Pamilihan / Re: Online gambling isa sa tinuturong dahilan kung bakit nawawala ang alamn ng gcash on: May 17, 2023, 10:05:01 PM
Kaso wala atang study na ginagawa na kasama lahat sila. Meron sanang volunteer research group na magsagawa ng ganyang pagsisiyasat para naman magka-idea rin tayo kung totoo ba yung mga nababasa natin na related din sa online gambling yung mga past activities nila.
Tingin ko kahit umamin sila, itatanggi nila na related pa rin yan sa online gambling ang pagkawala ng pera nila at ibe-blame pa rin si Gcash pero ganun pa man, sana lang talaga maresolve na yan at magkaroon ng pagkaklaro lalo sa ibang mga agencies o companies na nagka-conduct ng sari sarili nilang mga studies.
Ang isang problema kapag kasi nawalan sila ng gcash, kahit alam nila na sila may kasalanan sasabihin nila na dahil nhack ang gcash nila kahit na totoo sila ay may ginawang kamalian, medyo madami na akong naencounter na ganeto, na kahit alam nila na sila mali magpapalusot sila na wala silang alam, isa kasi ito kung bakit nahihirapan gumawa ng solusyun minsan, pero siguro additional security features ang isa sa maganda nilang tignan, medyo hassle pero secure, aanhin mo naman minsan iyong mabilis pero madaming butas na pwede mamanipula,
Yun nga, nirarason nila na si Gcash lahat may kasalanan o flaw. Pero in a nice way naman, nagre-react si Gcash at mas pinaigting pa nila ang security nila.
Meron kasing mga tao na hindi marunong tumanggap ng pagkakamali nila at ituturo pa sa iba yung sisi kaya kahit na nasa harap na at sila mismo ang gumawa ng paraan para ma hack sila, hindi nila sasabihin. At kahit na hindi naman lahat fault ng mga users, meron rin naman siguro talagang mangilan ngilan na fault ni Gcash.
1186  Local / Pilipinas / Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon? on: May 17, 2023, 06:28:50 PM
Naalala ko pa dati napakarami kong doge, sumobra pa nga ng milyon yun dati naubos ko lang kakabet din hahaha. Sa totoo lang nanghihinayang ako sa tuwing naiisip ko yung mga nasayang kong tokens dati, dahil na nga wala naman din value kaya halos tinatapon ko nalang yun. Naalala ko pa dati na yung misyon ko sa poloniex na exchange ay nabili lahat ng coins available sa kanila kasi kaunti lang ang available sa exchange nila at sa panahon ding yun napakauso yung mga signal-signal pati pump and dump. Tama ka rin sa sinabi mo na walang nag expect na aabot sa ganito ang market natin ngayon, kahit ako man. Nag boom lang din kasi itong market nung late 2017, tapos mga bounty hunters dito sa forum nag aagawan sa mga bounty campaigns.
Wala pa kasing value dati tapos meme coin pa na ang akala natin ay walang buhay tapos yun nga biglang nagkaroon ng value nung prinomote ni Elon. Wala naman na rin tayong magagawa kasi nagastos na natin.

Totoo yan. Marami satin ang nanghinayang na nagbenta agad dahil may mas itataas pa pala pero kung naibenta mo naman sa maayos na presyo at kumita ka, panalo na yun gaya nga ng sinabi mo. Sa part ko, meron ding pagsisisi pero dahil kumita at nakapundar kahit konti eh malaking bagay na yun, kaya wala ng point para balikan pa ang nakaraan kasi nangyari na.

Ang importante ngayon ay ang kasalukuyan. Kasi alam na natin ang posibleng mangyari kaya mas wise na tayo sa desisyon na dapat gawin. Hindi pa huli para magsimula ulit dahil maraming coins ang pwedeng bilhin na hindi pa ganoon kamahal. Kahit paunti-unti ang pagbili basta sa coins na alam mong may potential at hindi magiging shitcoins kahit i hold mo ng matagal.
Lahat tayo may pakiramdam ng pagsisisi kasi ang akala natin wala namang kwenta yang mga coin at tokens na yan tapos sa bandang huli biglang taas. Pero sigurado ako na may kanya kanya tayong mga panalo sa mga nahold, nainvest o naearn natin na mga tokens.
1187  Local / Pilipinas / Re: Pilipinas, isa sa mga nangungunang bansa na interesado sa Web3 game on: May 17, 2023, 04:17:12 PM
Salamat sa Axie at iba pang mga NFT games. Kahit na interesado lang sila sa mga NFT games, naging malaking impact para sa mga kababayan natin yan kasi naging paraan din yan para matuto sila at magkaroon ng kaalaman sa cryptocurrencies.
Gusto ko bumalik sa ganyang panahon na sustainable lang lahat ng mga games na merong mga tech companies na susuportahan itong mga games na ito para yung mga hardcore gamers, ito na magiging pinaka source of income nila. Kaso nga lang, hindi sustainable ang naging model ng mga classic games na Axie (Sky Mavis) at iba pa.
1188  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: May 16, 2023, 11:04:12 PM
Tingin ko naman ay kakayanin ng Lakers ang Game 1 kabayan at may chance din na di makakapag laro si Murray kaya nag moneyline na ako.
Tiwala lang sa Lakers, kakayanin nila Nuggets mamaya. Less than 2 hours mag start na yung laban. Good luck sa mga bets niyo mga kabayan.

Sumugal na ako sa Celtics last minute kasi halata naman talagang di sila kaya ng Sixers lalong-lalo na ngayon kasi unreliable na si James Harden, di mo malaman kung kailan sasabog at parang naging chamba nalang nga yung Game 1 niya kasi di na naulit.
Congrats, ganyan talaga galawan ni Harden kaya minsan sobrang ganda ng stats at may mga chances na hindi naman impressive performance niya.
1189  Local / Pilipinas / Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon? on: May 16, 2023, 09:34:41 PM
Ako may bitcoin din noon at ibat ibang klase ng altcoins pero kada may altcoins ako at nasa market na benta na agad. Mga natira lang sa wallet ko yong mga nasalihan kung scam project after campaign iniwan na ng owner ang mga ito.
Sa bitcoin naman pinalit ko sa peso nung year 2016-2017 kasi biglang taas ang bitcoin dati.
Pero ngayon wala na start ulit para kumita.
Okay lang kung start ulit sa simula at wala ka ng hinohold ngayon. Karamihan naman sa atin ngayon ganyan ang sitwasyon at nanghihinayang sa nangyari.
Pero, kahit naman parang namiss na natin ang mas magandang opportunity. Basta nakabenta ka sa mataas na price at nagamit mo ang pera ng maayos, panalo na yun para sa atin.
1190  Local / Pamilihan / Re: Online gambling isa sa tinuturong dahilan kung bakit nawawala ang alamn ng gcash on: May 16, 2023, 12:34:41 PM
Mas maganda mainterview isa isa yung mga naging biktima ng pagkawala ng pera nila sa Gcash. Imposibleng nakawan sila ni Gcash at kung may inside job man, madedetect yan at aactionan naman nila yan dahil mawawalan sila ng credibility. Hindi pa din kasi knowledgeable ang karamihan sa mga kababayan natin related sa protection sa paggamit ng internet at itong pagbibigay ng permission sa mga casino gamit ang pag cash in nila using Gcash ay isa talaga sa pinakaculprit kung bakit sila nawalan. Mainterview man o hindi, ang isang panigurado lang diyan, hindi nila sisisihin ang mga sarili nila.

Ganun nga ang magandang mangyari para ma link nila kung iisa lang ba talaga ang reason kung bakit na compromise yung mga account nila. Pero since ongoing naman ang imbestigasyon nyan for sure kinokonsider na nila ang mga ito. Kaya sa mga isers dyan iwasan talaga e link ang account natin kahit saan lalo na kapag nanghingi ng pin lalo na codes since dun talaga may malaking tyansa na ma hack tayo kaya be vigilant always nalang lalo na kapag may malaki tayong balance sa mga wallets natin.
Kaso wala atang study na ginagawa na kasama lahat sila. Meron sanang volunteer research group na magsagawa ng ganyang pagsisiyasat para naman magka-idea rin tayo kung totoo ba yung mga nababasa natin na related din sa online gambling yung mga past activities nila.
Tingin ko kahit umamin sila, itatanggi nila na related pa rin yan sa online gambling ang pagkawala ng pera nila at ibe-blame pa rin si Gcash pero ganun pa man, sana lang talaga maresolve na yan at magkaroon ng pagkaklaro lalo sa ibang mga agencies o companies na nagka-conduct ng sari sarili nilang mga studies.
1191  Local / Pamilihan / Re: Online gambling isa sa tinuturong dahilan kung bakit nawawala ang alamn ng gcash on: May 15, 2023, 08:24:02 PM
Mas maganda mainterview isa isa yung mga naging biktima ng pagkawala ng pera nila sa Gcash. Imposibleng nakawan sila ni Gcash at kung may inside job man, madedetect yan at aactionan naman nila yan dahil mawawalan sila ng credibility. Hindi pa din kasi knowledgeable ang karamihan sa mga kababayan natin related sa protection sa paggamit ng internet at itong pagbibigay ng permission sa mga casino gamit ang pag cash in nila using Gcash ay isa talaga sa pinakaculprit kung bakit sila nawalan. Mainterview man o hindi, ang isang panigurado lang diyan, hindi nila sisisihin ang mga sarili nila.
1192  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Taproot ano nga ba ito? on: May 15, 2023, 06:30:33 PM
Sa tingin nyo, mas matimbang ba ang maiaambag ng Taproot sa development ng Bitcoin o magiging isa itong loop hole na maaring maging dahilan ng mga problema na mararanasan ng Bitcoin sa hinaharap?
Simple lang take ko dito. Kailangan talaga ng pagbabago para sa mga future updates dahil sa mga existing na problema na kinakaharap natin. Technically, hindi ko alam kung puwedeng maging loop hole yan, meron bang mga expert na sinabing pwedeng maging loophole itong Taproot?

    -   Wala akong nakitang experts na nagsabing ang taproot ay pwedeng maging loopholes ng Bitcoin, walang ganun. Bukod pa dyan ang Taproot din ay nagpapakilala din ng bagong uri ng script sa aking pagkakaalam na tinatawag na Schnorr signatures. Na kung saan ay mas maliit at mas mahusay kaysa sa present signature scheme.

Sa tingin ko normal lang din siguro sa ibang community dito ang magkaroon ng alalahanin sa taproot dahil sa loopholes, subalit sa aking palagay ay wala itong batayan, dahil gaya nga ng sinabi ni OP sa mga benefits nito ay andun na lahat sa mga pinost niya dito.
Oo normal lang mag-alala kasi bago palang naman itong upgrade na ito. Pero kung yung mismong mga experts na ang nagsasabi na walang dapat isaalang-alang, ganon na din ang iisipin natin.

Tama ito, Ang taproot ay ang better version ng Bitcoin dahil binigyan nya ng flexibility ang Bitcoin para magkaroon ng bagong function na pwedeng makasabay sa ibang blockchain ngayon.

Sa tingin ay ang loop hole nilang kino consider ay yung potential attack sa Bitcoin network dahil sa dust transaction dulot ng Bitcoin ordinals. Maaring abusuhin ang mataas na fee ng mga miners kung laging magkakaroon ng ganitong scenario na involve ang BRC20 tokens. Naalala ko dati nung bago plang ang NFT, Madaming sindikato ang nagmamanipulate ng price ng NFT para pataasin ang value. Dito nagsimula yung hype sa NFT na naging dahilan kung bakit sobrang mahal ng fees sa Ethereum hanggang ngayon.

Kung mangyayari din ito sa Bitcoin at madaming degen ang papasok. Sigaradong sobrang taas ng natin long term at apektado tayong lahat.
Ito nga yung lately na sinasabi ng marami na merong network attack at related sa ordinals kaya yung result ay yung fee tumaas. Posible kayang miners rin may gawa non? Hindi natin alam pero ang maganda sa ngayon unti unti ng bumababa ang fees.
1193  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin Taproot ano nga ba ito? on: May 15, 2023, 11:10:18 AM
Ang akala ko dati, as-is na yung Bitcoin at malabo na maupgrade kasi nga wala na si Satoshi although aware naman ako na may mga main dev pa rin na parang nagpa-patronize.

Sa tingin nyo, mas matimbang ba ang maiaambag ng Taproot sa development ng Bitcoin o magiging isa itong loop hole na maaring maging dahilan ng mga problema na mararanasan ng Bitcoin sa hinaharap?
Simple lang take ko dito. Kailangan talaga ng pagbabago para sa mga future updates dahil sa mga existing na problema na kinakaharap natin. Technically, hindi ko alam kung puwedeng maging loop hole yan, meron bang mga expert na sinabing pwedeng maging loophole itong Taproot?
1194  Local / Pilipinas / Re: Sobrang Taas na Gas Fee today? on: May 15, 2023, 07:37:00 AM
tama kabayan , natapat lang din talaga yong pangangailangan ko kaya wala ako naging option kundi pumatol days after ng post ko in which gumastos ako ng 24 dollars para lang sa 200 dollars na withdrawals,
makati sa bulsa pero wala naman ako choice since i need to take action.
Grabe ang taas ng fee na binayaran mo samantalang ako mga $1-$10 naman. Nakakahinayang pero no choice kapag need natin magtransact. Kahit na parang masakit sa bulsa kung agaran nating need. Sa ngayon medyo kumakalma naman na ulit ang fee pero hindi pa rin siya stable pero hindi na tulad ng singtaas kung magkano yung binayad mo.

Hindi yata natin need ng magbayad sa gas fee kapag nagtatransact tayo ng Bitcoin?  Ang alam ko transaction fee meron ang Bitcoin pero walang gas fee. Grin
Mukhang nawala lang sa isip nya na gamitin ang term na transaction fee instead nagamit nya ang Gas fee and i believe na bounty hunter din si lodi kaya mas sanay sya sa ganong terminology in withdrawing  Grin
Nasanay lang sa term pero understandable naman, all good mga kabayan.  Smiley
1195  Local / Others (Pilipinas) / Re: Gcash at ibang app nhack nga ba or ayaw lang aminin ng users ang pagkakamali? on: May 14, 2023, 11:17:59 PM
Pero karamihan parin ng users ng gcash ay for sure na mananatili parin na gagamitin parin ito. At isa na ako dun, dahil sa kasalukuyan naman ay naresolba narin ang isyu kahit papaano naman.
Kasi sikat na sila at kahit na madami na tayong mga choices sa mga e-wallets. Totoo yang sinabi mo na mas marami pa ring magstay kay Gcash kasi convenient naman sila at parang tinatamad na din tayo maghanap ng iba kahit na trusted yung mga wallets na tulad ng Maya.

Saka hindi naman din nagkulang ng paalala ang gcash sa kanilang mga users tungkol sa mga bagay na hindi dapat gawin at maging aware lang palagi sa mga phishing link at iba pang isitilo ng mga hackers hindi naman siguro mahirap intindihin yun.
Sa end naman nila, kailangan nilang i-enforce yung security nila para mapakita din nila sa tao na hindi sila basta basta lang at yung mga naga-accuse sa kanila ay fault din mismo ng mga users na yun at naghahanap lang ng mabe-blame kay Gcash.
1196  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: May 14, 2023, 09:17:40 PM
Salamat kabayan! Napansin ko din kasi na di maganda ang naging run ng Warriors mula nung nagsimula ang playoffs, yung tipong imbis na ang hirap nilang talunin ay nagkakaroon pa sila ng tambak na talo mula Round 1 hanggang ngayon nga sa Round 2 kalaban ang Lakers. Yung dating form nila ay di na gaanong pansinin tapos si KT at Poole ay di rin maganda ang kanilang stats.
Marami tayong nakapansin na hindi naging maganda stats nila. Tipong parang walang bilang, ganyan talaga. May mga times na sobrang contributor nila sa isang game at merong times naman na parang wala lang. Nung tinitignan ko si Curry habang nasa bench inuubos yung oras, hinayang na hinayang. Hindi nabuhat yung buong team at akalang marami baka mag ka game 7 pa pero wala na, tinapos na ng Lakers.
Ngayon Lakers naman haharap sa Denver, at karamihan ng sentiments sa kanila parang mahihirapan sila sa team na yan.
1197  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Denov on: May 14, 2023, 07:30:15 PM
Astig ng mga arts mo sa totoo lang parang may final fantasy feels at yung iba pang niche na ganun na game at series.
I believe na AI yung gamit niya para sa art at real world images with body stances yung reference yung gamit niya.
Pwedeng AI, pwedeng hindi din. Pero yun nga, na amaze lang ako sa ganda kasi parang classic siya at iba yung touch sa akin. Kung originally made yan, ayos at kung AI man, wala rin namang problema.

Ganun talaga, hype goes down everyone become uninterested and it will go irrelevant. If ever this project is nailaunch last bull market where NFT games/NFT arts is still booming is I think bebenta to kahit mahal pa yung presyo since halos lahat gusto tumake ng chance sa NFT at problem na that time is yung supply ng good NFT projects. Sadly nawalan ng hype ang NFT since bear market at even established NFT arts, platforms and games is nahihirapan ngayong bear market.
Oo nga kung timing lang din siguro na launch ito mga 2020-2021, madami sigurong bumili pero mukhang here to stay na ang NFT market pero para sa iilang project nga lang.
1198  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Denov on: May 13, 2023, 09:53:32 PM
Astig ng mga arts mo sa totoo lang parang may final fantasy feels at yung iba pang niche na ganun na game at series.

kaya gumawa ako ng Youtube to fund this project pero hindi ko na-expect na kahit mag bigay ako for free wala parin interesado.  Smiley
Mahirap talaga gumawa ng sarili mong brand at project pero tuloy mo lang at tiwala ka sa ginagawa mo. Medyo marami na rin kasing parang nawalan ng interes sa NFT simula nung bear market pero good luck pa rin sayo kabayan. Pag nag blow at tumaas value niyan dahil sa pagsisikap at hard work mo, dadami na interesado niyan at yung mga naniwala sayo ng maaga, sama sama kayong makikinabang.
1199  Local / Pilipinas / Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon? on: May 13, 2023, 12:55:43 PM
w, grabe ang sakit. Parang sa akin din kasi ang ATH kasi ng Doge ay $0.74. Kung kokompute-in natin yan, grabe hayahay na sana mga buhay natin. Kaso nga lang, nakakainis kasi yung sa akin nadale ng dice at ubos. Hays, kung maibabalik lang talaga ang panahon sana ihold ko nalang yung mga doge ko na yun at hindi ko din naman inaasahan na grabeng ATH ang mangyayari. Tingin ko hindi na natin makikita yang ATH, kahit hindi man sa ATH nakabenta kahit naabutan man lang yung $0.1 solve na solve na sana.

nadale kadin pala ng dice na yan anoh? saklap lang talaga kapag makita mga history.. kahit hanggang sa ngaun sa cloudbet history ko (sportsbetting) tumataya ako 1-3BTC per basketball game. mga nasa 20k+ palang BTC non.  pero nag start ako sa btc nong 6k per BTC palang wala pa yong coins.ph localbitcoin days palang..  dito sa crypto patience lang talaga pinaka importante dito. pag my patience ka dito na maghold mga 2-3years puedeng magbago buhay mo in the future.



ito doge withdrawal ko sa cryptsy.com noon papunta sa wallet ko..
nasa 7M+ na doge in total...
Oo, kasagsagan ng kaadikan sa dice at parang wala naman kasing value ang dogecoin nun. Kaya kahit matalo tapos autobet/autoroll/autodice okay lang. Ang dami mo na palang naipon at isa ka sa mga nauna sa bansa natin. Hindi naman din natin inaasahan na ganito kalaki at kalayo mararating ng market na ito kaya kung may konting naipon pa, alam na ang galawan. Tama ka na patience lang talaga ang kailangan, bukod sa capital na pera at investment natin, isa rin yan sa puhunan na kailangan ng bawat isa. Mukhang karamihan sa atin na marami raming doge na hinold dati, nadale lang din ng sugal.
1200  Local / Pilipinas / Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon? on: May 13, 2023, 09:41:30 AM
panahong adik na adik pa sa dice and sportsbetting and btc price nasa 20k+
nakakalungkot pagmakita ko mga history.. wala pa dito localbitcoins transaction ko..
meron din ako around 4M na dogecoins sa crypty. pero sinugal lang sa dice Sad
Grabe no, sa akin naman dati siguro mga year 2016 parang nagplano ako bumili ng millions na doge kasi nga feeling ko paano kung maging piso edi paldo at may milyones na ako. Kaso nga lang nilaro ko lang din sa dice yun hanggang sa naubos kasi parang wala namang movement hanggang wala na, huli na lahat at umeksena na sila Uncle Elon sa mga meme coins na yan. Tinanggap ko nalang din ang katotohanan na hindi na ako makaka-acquire ng ganun kadami. Sobrang saya na makaexperience na makahold ng mga ganyang halaga hanggang nakikita nalang natin mga history natin tapos nakakapangsisi lang. Pero ngayon, may naiwan ka ba na hinohold kahit mga btc o ibang altcoins?


Speaking of dogecoin.... pagnababanggit ng asawa ko o natatanong na magkano na dogecoin ngayn umaalis na agad ako.. kasi sa akin na mismo nanggaling sabi ko sa asawa ko nong meron pa ako around 3M  "iponin natin to maging piso lang to per doge my 3M  php na tayo" wala talaga kapag  sugarol ka tsk tsk...
Aw, grabe ang sakit. Parang sa akin din kasi ang ATH kasi ng Doge ay $0.74. Kung kokompute-in natin yan, grabe hayahay na sana mga buhay natin. Kaso nga lang, nakakainis kasi yung sa akin nadale ng dice at ubos. Hays, kung maibabalik lang talaga ang panahon sana ihold ko nalang yung mga doge ko na yun at hindi ko din naman inaasahan na grabeng ATH ang mangyayari. Tingin ko hindi na natin makikita yang ATH, kahit hindi man sa ATH nakabenta kahit naabutan man lang yung $0.1 solve na solve na sana.
Pages: « 1 ... 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 [60] 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!