Bitcoin Forum
April 30, 2024, 10:00:45 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 [63] 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 ... 282 »
1241  Local / Pamilihan / Re: Gcash/Paymaya (Help & Concerns) on: April 30, 2023, 11:34:49 PM
Meron ba rito nagakaroon na nga issue regarding nung mag try ka mag cashout ng pera sa ATM pero walang lumabas na pera? Nakita ko yung article nila na sabi 1-2 days lang ay mag reflect na daw yung pera na nagka error or 7-10 days dahil titingnan pa raw ng bangko pero almost a week na at yung ticket ko open pa rin. Nakakapanghinayang lang kasi sa dami na ng transactions ko sa kanila ay hindi man lang ito maasikaso.

Nagsumite lang ito ng isang text message sa akin na natanggap na daw nila yung ticket ko pero hanggang ngayon wala pa naman. If ever 10 days ay wala pa rin talagang tatawag na ako sa hotline nila.
Nakaranas na ako ng ganyan at ang unang akala ko gcash ang may problema kasi wala akong nakuhang pera pero nung na-analyze ko at pinaliwanag ng gcash na pasok naman ang pera sa banko na pinagtransferan ko. (Agad ko kasing winithdraw sa ATM tapos walang perang lumabas kaya akala ko walang na cashout galing kay gcash).
Kung hindi ka pa nakikipag ugnayan sa bank mo, contact-in mo na. At kung nacontact mo na yung mother bank mo, yung mismong may ari ng ATM card mo, sila na makipag coordinate kung ibang bank ang may ari ng ATM, magiging ok din yan pero yung sa akin tumagal ang process parang mga 3 weeks kasi minsan ko lang finafollow up kada linggo. Kung lagi mo follow up yan, mas mabilis.
1242  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: April 30, 2023, 10:24:23 PM
Pasok na Warriors guys. Sayang, ang akala ng marami Kings ang papasok at ang dami ko pang friend sa FB naghanap ng kapustahan abot pa ng 100k para sa Kings sila. At ang sobrang lakas naman na Suns, tinalo naman ng Nuggets. Sa kabila naman tinalo ng Heat ang Knicks.
Ito na yung isa sa inaabangan ng lahat, Lakers laban sa Warriors, dito na lalabas yung mga mabibigat tumaya panigurado.
1243  Local / Pilipinas / Re: [Question] Bitcoin to Fiat alternative on: April 30, 2023, 06:23:05 PM
May Gcash ka ba? Puwede mo subukan yun at direct na ang selling/buying mo ng bitcoin dun tapos rekta pa nasa Gcash mo na agad. At may isa tayong thread diyan na kakapost lang kahapon. Ito yun: List: Cryptocurrency Platform sa Pilipinas.
Check mo yung ibang mga comments ng mga kabayan natin diyan at pati mismo yung link na shinare ko na merong license galing sa BSP.


Ang nakikita kong mga okay na alternative, Gcash, pdax, bloomx.
1244  Local / Pamilihan / Re: [LIST]Cryptocurrency Platform sa Pilipinas. on: April 29, 2023, 02:44:59 PM
Ang isa sa sikat na din ngayon ay yung Bybit kaya tingin ko dapat nasa list din yan. Mas marami pang wala sa listahan na yan yung mga platforms na nakabased sa bansa natin na mayroong VASP license galing sa BSP[1]. Pero mayroon din na nasa list na yun na mga active na kaya hindi rin ako sigurado kung ilan ba talaga ang active ngayon. Sa mahal ng pagkuha ng license na yan, yung ibang mga potential exchange na hindi tumuloy siguro may mas mabigat na dahilan.

[1] https://www.bsp.gov.ph/Lists/Directories/Attachments/19/VASP.pdf
1245  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph- another "enhanced" KYC documents and process. on: April 29, 2023, 12:45:14 PM
Iba talaga nung panahon na yun, pasikat pa lang ang Coins.ph at wala silang kalaban, maganda pa ang support at mabilis. Kung hindi ako nagkakamali kahit weekends yata dati may support sila. Tapos biglang tinanggal at M-F na lang at may oras pa. So kung gagamitin mo ng Sat-Sun at nagkaroon ka ng issue at naipit ang pera mo at kung nung araw na yun eh importante na makahuha mo yun dahil may emergencies ka, wala kang magagawa kundi mag-antay ng Lunes pa.
Oo, kahit weekends dati pwede mo silang contactkin tapos magrereply pa rin sila after ilang minutes. Sobrang ibang iba na ang serbisyo nila ngayon, nakakalungkot lang kasi nga part rin naman ng growth yan ng company nila at ng market na may mga pagbabago na magaganap. Pero hindi to' inaasahan na imbes na mas gumanda ang serbisyo nila parang mas naging worse pa sa iba.

Yan na nga ang nangyayari, may Binance at Bybit P2P na tayo na pwedeng alternative sa ngayon. Directa pa sa Gcash or Paymaya natin at mababa lang ang fee. Wag nga lang tayo papaloko sa mga scammer sa buyer sa platform na yan.
Mas pinapadali pa ngayon services na galing sa mga wallets, dati rati coins.ph nangunguna na kasi parang universal wallet sila. Ngayon, naabutan at parang nalalagpasan na sila ng Maya at gcash.
1246  Local / Others (Pilipinas) / Re: [LIST]Aktibong Poster sa Pilipinas Board at ang Kailangang Merit para magrank-up on: April 29, 2023, 10:30:20 AM
Malayo layo pa ang tatakbuhin ko para maging legendary pero okay lang. Ganitong typical discussions lang at kung merong maka appreciate ng posts ko salamat sa inyo mga kabayan. Natural na takbol ang ang gusto ko at masaya lang ako ulit na makabalik sa forum at sumali sa mga discussions. Para sa mga malapit na rumank up, pag may makita akong mga posts na para sa akin deserve ng merit tutulong ako sa inyo guys. Sana maging active na ulit itong local forum natin at magsibalikan na ulit yung mga naging inactive lalo na magkakaroon ng bull run inaasahan ko na madaming babalik o di kaya mas lalong maging active ulit tayong lahat dito.
1247  Local / Pilipinas / Re: Negative Perception sa PH Crypto Start-up project on: April 29, 2023, 08:14:56 AM
Medyo natumbok mo parekoy, yung ganyang mga istilo na gaya ng mga nasabi mo ay grabe ang mga pinoy mang-hyped ng kapwa nila pinoy. Hindi nila pinapakita kung bakit magiging useful ang coins na crypto sa future, sa halip hinahyped nila ng todo sa key word na " Magiging mayaman ka sa hinaharap pag hinawakan mo ng matagal ang coins o token na ito. Yung style networker kung magsalita, tapos pakikitaan kapa ng madaming pera, magarang sasakyan at iba pa dun palang halata na agad para sa akin na hindi talaga yung coins ang pinopromote nila kundi yung mahype ka sa kitaan na yayaman ka agad na kung saan ay to good to be true.
Yung ganyang linyahan ay hindi parin gasgas hanggang ngayon kasi ang mindset ng karamihan ng ating kababayan ay sumandal lang sa mga quick rich scheme. Kahit siguro ilang beses na maging biktima, hindi pa rin titigil e. Papakitaan lang ng mga resulta kunwari na dumami pera nila at kumita sila, yung tingin ng mga kababayan natin legit na agad kahit hindi pa napag aaralan. Sobrang pangit ng mindset na nilagay sa mga isipan natin nung hindi pa tayo aware sa mga ganyang taktika nila.
1248  Local / Pamilihan / Re: PAG ACCESS NG COINS WALLET NG DI NAKA REHISTRO ANG SIM CARD. on: April 28, 2023, 11:48:27 PM
Ingat lang din sa mga text message na narereceive mo kasi may mga link na ibibigay yung mga scammer sayo para doon ka daw kuno magregister.
Pero ang totoo mga scam links yun at phishing links para makakuha ng details sayo at worst baka pati mga bank accounts mo ay tanungin. Sundin mo nalang yung normal na proseso na pagrehistro ng sim tutal extend pa naman hanggang July.
1249  Local / Pamilihan / Re: [NEWS] GCrypto is now available to selected users on: April 28, 2023, 09:03:26 PM
Dapat nga ngayon hindi na sila maging sobrang mahigpit dahil marami na kakumpetensya. Talagang mag aalisan ang mga users na noon loyal sa kanila dahil hindi na nga convenient gamitin. Anyway nagkaron pala sila ng update kelan lang, nagbago na yung receiving address baka hindi nyo napansin, ako kasi nakakapag cash out pa rin paminsan minsan sa coins.

Anyway, para sakin ok gamitin ang Gcrypto na try ko na at so far wala akong nakitang problema mabilis mag buy/sell hindi naman din kalakihan ang fee.
Tama lang naman ang fee ng gcrypto at hindi malayo ang agwat sa mga typical exchanges. Pero siguro nasanay na ang marami na sa p2p markets kasi mas maganda din naman magkaroon ka ng reputation doon.

Ang galing lang ng Gcash kasi marami na silang features na napapanahon, alam nila kung ano ang hanap ng mga users.
Kung tutuusin late na nila ginawa yang mga updates na yan. Meron din ako nakita na nag-aadvertise sila ng NFT kaya parang sasagad sagadin na nila ang adoption.
1250  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: April 27, 2023, 11:11:41 PM
Baka nga in batches, check mo ulit yung mga emails nyo baka na missed nyo lang.
Chineck ko din email ko pero wala akong nareceive.

Or with the advent of e-wallets like Gcash and Paymaya, we have more options and might sway away from Cebuana or M Lhuillier (as far as I my experience, if you are going to be cashing out big amounts like 20k and up, you have to notify them early so that they can prepare the money).
Puro fees lang sa gcash bawat transfer at puwede na rin naman siya kung gusto ng madaliang transfer like if you want to send your crypto directly to Gcash and just sell it on their gcrypto, I've done a couple of times and sort of convenient for me. But it's still has a different range of pair from the usual platforms we use like those that you've mentioned Binance and Bybit's p2p.
1251  Local / Others (Pilipinas) / Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala? on: April 27, 2023, 05:09:13 PM
Ito na lumabas na ang desisyon at extended ng 90 days ang sim card registration https://www.google.com/amp/s/newsinfo.inquirer.net/1760774/sim-registration-extended-for-90-days-doj/amp

Marami ang nag request nito at for sure papakinggan yan ng mga assigned government bodies ang suggestion ng mga tao since pulitiko mga yan at gusto nila ang atensyon ng mga tao. Mainam narin ang action nato para sa susunod na matapos ulit ang deadline wala nang ma e rason pa ang ilan nating kababayan kung bakit di pa sila registered.
Si BBM nag approve na i-extend. Dapat talaga hindi na i-extend yan pero last na sana na extension yan at katuwang ng mga Telcos at local government, may mga assigned na helpdesk na para sa mga hindi alam paano magparehistro.

IMO po dapat lang po talaga e extend yung sim registration. I know na sari-sari ang reaction ng mga tao sa naging decision ng gobyerno at alam nyo yung pinaka pangit na narinig ko na rason sa mga tumututol sa extension? Mga rebelde at scammers daw ang kadalasan nag re-request nito. Well, most of these people na nag co-comment ng ganito ay kadalasan yung nasa malalaking syudad. Me, I'm from a small town na malayo sa malalaking syudad at talagang nakikita ko yung mga indigenous people na kahit isang ID wala sila, kung meron man ay hindi naman nererecognize as valid ID. And yes po gumagamit din po sila ng mobile phone mainly para sa mga maliliit nilang negosyo/produkto na binababa galing sa bundok patungo sa market.
Ambagal pa naman kumuha ng valid ID dito sa pinas lol at lahat may bayad na hindi bababa sa 250 pesos including fares.
I am also hoping na isang extension lang yung gagawin nila, itong buong 3 months sana e focus nila na tulongan yung mga hirap mag register at yung government along with the telco reps na mismo yung mag reach out sa mga far flung areas.
Grabe naman yang rason na yan kung yun ang tingin nila kung bakit na extend ang sim registration. Sa akin naman nung tanggap ko na walang extension tapos bumungad nalang yung balita na nagkaroon ng 90 days extension. May sinasabi naman ang gobyerno na yung ibang features mawawala sa mga sim na hindi pa registered mga around 60 days ng extension kaya lahat mapipilitan na magregister as soon as possible. Kasi mapa-extend man o hindi ang sim registration, ang mangyayari kasi ay kukuha pa rin ng sim card ang bawat isa at ipaparegister din bago magamit ang kaso nga lang, hindi na yun ang number na makukuha nila pero puwede naman din siguro irequest yan sa telco pero dapat sumadya sa mismong mga store nila. Tingin ko maobliga na ang lahat na magrehistro at sana sa mga liblib na lugar merong mga naka-assign na mga staff ng mga telcos o kaya local government para i-assist sila katulad ng sa sinabi mo.
1252  Local / Pilipinas / Re: For how many years ngayon lang ulit nag balik sa bitcoin world on: April 27, 2023, 02:45:47 PM
Marami sa ating mga kababayan ang may ganyang success story, ito yung mga nakadiscover at naniwala sa potential ng Bitcoin at iba pang Crytocurrency sa mga taong malakas ang ingay mga taong 2016 at 2017 ako nga di ko akalain na dito ako suswertehin sa Cryptocurrency, sa kaso ko mas kumita ako sa bounty campaign may isa ako bounty na kumita ako 150k sa isang buwang campaign lang, kaya nga lang natigil ang glory days ng bounty campaign dahil sa pagpasok ng mga scammers na developers ito ay dahil pumasok na yung tinatawag na ICO o Initial coin offering.
Isang factor din na nawala ang glory days ng mga bounties dahil pumasok na ang bear market. At diyan na halos lahat ng mga projects ay bumagsak at hirap na maging successful kaya parang onti onti natuyo yung mga bounty campaigns. Pero sa experience mo, ang laki nun para sa isang bounty na kumita ka ng 150k sa isang buwan, sana all nalang talaga at sana bumalik pa yung ganoong panahon.

Sa ngayun lahat at tayo na nag umpisa noong mga glory days ang bounty hunting ay natuto na alam na natin na halos worthless ang mga dumarating na bagong token, ang tanging swerte natin ay Bitcoin pa rin at yung mga Coins at token na proven na ang worth sa market.

Tulong tulong lang tayo mga mga kababayan at makarating uli tayo sa tagumpay basta tuloy lang ang accumulation.
Tama ka diyan, kung patatagan lang, walang iba kundi bitcoin.
1253  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Dating Pastor nag launch ng sariling Crypto! on: April 27, 2023, 10:57:50 AM
Christian din ako parang hindi magandang idea ito sa mga churches kasi ang pag bibigay sa church ay d dapat napipilitan ito ay kusang loob. Pero kung ang paraan nayan mag bigay dahil may kapalit napipilitan ang mga member ng church mag bigay ng mas malaking halaga.
Hindi siguro sapilitan yan sa mga churches na involve diyan sa sarili nilang crypto. Pero hindi na bago sa atin na may mga churches talaga na sapilitang nanghihingi ng donation sa mga members nila pero ibang topic na yun.

Sana kung ang crypto na ito ay magkakaroon agad ng value para naman may benefits na makukuha mga member.
Ang mahirap lang dito kapag iba yung intention ng developer kasi nga baka pansarili lang at hindi naman para sa welfare ng church.
1254  Economy / Economics / Re: Why is Inflation Happening All Over the World At Once? on: April 26, 2023, 11:01:23 PM
In my mind, I've been thinking who invented this inflation because it sucks. It's not just sucking my life but entirely everyone's life and all of us do suffer from all of these increased prices of commodities and services that we use. Whilst our salary remains stubborn and don't have an increase that's enough to cover these inflation rates.

When everyone is aware that there are only two permanent things in this world which are death and taxes. Make it three and include inflation.
1255  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: April 26, 2023, 09:45:55 PM
Bawi nalang tayo sa game 5 kasi sure ako Bucks yan at blowout win ang mangyayari.

Butler 56 points ginawa, di na yan mangyayari sa game 5. Smiley
Posible pa rin yan na Bucks babawi sa game 5. Ganyan din naman halos nangyayari kapag blowout ang nangyari sa past game, sa 2nd game parang hindi naman na nauulit.
Hindi yan hahayaan ng Bucks na magiging easy lang sa kanila yung series na ito kaya tignan natin kasi rooting din naman ako sa Bucks na manalo dito.
1256  Bitcoin / Bitcoin Discussion / Re: I may sound really stupid right now, but it's what I noticed on: April 26, 2023, 05:50:24 PM
Why is it that bad news always comes in a bear market and when we are in a bull market, all bad news about Bitcoin vanished? Are they doing this on purpose? It's always the bear market, after halving everything will disappear and some bans will be lifted, and so on...
Maybe that's what you've only noticed but in every season, bears or bulls, we do get the same FUD and these bad news are all over the market in all times. They only have one goal and that's to send people fear and panic so that they will sell.

Are we been played? Are these people toying with us, knowing that crypto will work but let's scare the hell out of them and take advantage of the fear? I can't come up with anything that makes more sense than this.
No, we're not being played. That's just part of bitcoin and its market being volatile and it's normal to a market that has this type of obstacles.
1257  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Paalala] Ma-eexpired na ang mga Existing Deposit Addresses ng ETH sa Binance! on: April 26, 2023, 01:46:35 PM
Pero dapat lagi nating kinokopya ang wallet address sa exchange mismo para maiwasan yung mga ganitong pagkakamali.
Ganito ginagawa ko, direkta kong kinokopya mga address ko sa exchanges at hindi ko sine-save as a file o kung saan man na puwede ko i-paste.
Mukhang hindi lang sila ang magpapalit at maga-update kasi pati si Coins.ph nabasa ko na merong update tungkol dito.



Curious lang ako, ano kayang meron at parang sabay sila nag-update pero baka coincidence lang.
1258  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: DOH Twitter na Hacked, Promoting Fake Crypto Airdrop on: April 25, 2023, 11:31:19 PM
Ang may kasalanan diyan yung social media manager. Maaaring nakareceive yan ng mga fake offers tapos may link na pinapa-click para magproceed kunwari sa kung ano man ang offer o di kaya free money, etc. Basta mga ganyan ang common style ng mga hackers. Hindi ka naman basta basta mahahack lang na direkta lang na walang gagawin sayo. Phishing yan normally at hindi aaminin yan ng kung sinoman ang handler ng Twitter account na yan. Parang hindi na yan mawawala lalo sa mga may malalaking followers, hula ko hindi yan aakuin ng DOH o kung sinomang involve diyan kasi ang sasabihin na rason ay hindi sila yun at nahack lang sila kung may mga tao nag invest at nawalan ng pera na pinost ng hacker.
1259  Local / Others (Pilipinas) / Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala? on: April 25, 2023, 10:19:30 PM
Ok na yan at napagdesisyunan na. Tingin ko ay walang susunod na extension at sapat na yang 90 days extension kasi parang aware na ang maraming kababayan natin sa balita na yan. Marami din namang naging aware na last day na sana pero yun nga, dahil hindi naman lahat ay marunong mag register at maraming oras sa pagreregister kasi nagkakaroon ng problema sa pagpasa nila ng mga documents, kahit na malinaw meron talagang hindi tinatanggap at hindi ma-verify, ayon sa napanood ko sa balita.
Teleco companies should start helping yung mga hinde pa nakakapagregister at dapat magkaroon ng easiest way to register. This extension is good for everyone, sana maging ok na ang lahat kase panigurado natutuwa na naman ang mga scammer because of this extension, sa mga nakakaalam kung paano ang process nito, mas ok na tulungan naren yung iba mag register.
Meron naman na silang hakbang na ginagawa at parang nagsimula sila sa mga local government na nagpapatayo ng mga helpdesk centers. Pabor rin yan sa mga telco na magkaroon ng extension para mas mapadali yung trabaho nila na mga tao na lalapit sa kanila at magre-reachout at hindi na nila kailangan pa ng campaign drive na malapit na ang expiration ng sim registration. Naniniwala ako na magiging okay din naman yan pagkatapos ng deadline. Kaya sa mga kababayan natin na yung mga cellphone numbers nila na registered sa mga exchange at iba pang wallet apps na hindi pa rin nakapagparehistro, magparehistro na kayo.
1260  Local / Pilipinas / Re: Negative Perception sa PH Crypto Start-up project on: April 25, 2023, 08:18:56 PM
Ok lang naman ang referral kasi nagagamit yan sa mga legit na business pati sa online shopping. Ang kaso nga lang, maging sa scam networking at iba pang uri ng scam, dito nagiging pangit ang imahe ng referral system. Ang akala kasi ng mga tao, yan lang ang basehan para kumita ng pera sa online at doon na natatak ang pag iisip na mali sa karamihan ng mga kababayan natin. Ang mga scammers naman, tinake advantage ang pagka-greedy ng karamihan sa mga kababayan natin. Kaya pati yung mga legit na start up projects na gawa ng mga kababayan natin, damay damay na lahat dahil sa mga hindi magagandang experience nila.

Ang problema kasi halos di matukoy ang legit project at scam project dahil nga pinapasakan nila ng sobrang affiliate system  para lang makapangenganyo ng mga taon maghahanap ng mga investors.  Magaling din kasi manggaya ang mga scam projects at magpanggap na legit.  Meron pang ipapaharap na tao kungyari siya founder pero wag ka pangfront lang pla iyong tao at iba talaga ang may-ari ng scam na kumpanya na ito. 

Nang pumutok kasi ang crypto ang daming mga binarian at ponzi schemer ang nagsipagtalunan sa crypto.  Kahit nga mismong Bitcoin ginagawa nlang pagkakitaan sa pamamagitan ng pagtayo ng kumpanya then iaaply nila ang binary system o di kay ay ang pyramiding scheme.  Sa daming naloko ng mga scammers syempre madadala na rin talaga ang mga investos.  Lalagyan na ng label ika nga.  Kaya ayan daming skeptical kapag may bagont itatayong project under Pinoy developer.  Iniisip na agad pagkakaperahan lang.  Grin
Kaya hindi natin masisisi mga kababayan natin kung ang comment nila agad agad ay 'basta pinoy, alam na'. Sobrang pangit ng ganong mindset pero yun ang masakit na katotohanan kasi nga madami ng nabiktima ang mga kapwa nating pinoy na mga scammer. Kahit naman sa totoong pera o peso, sobrang dami paring existing mga scam na dinadaan sa forex, stocks, pati livestock at iba pang legit na negosyo. Sinasabing may mga ganong negosyo ang founder at dinadaanan lang sa token ang funding para sa expansion. Sa sobrang gullible naman ng iba nating kababayan na hindi pa aware sa ganyang scam, sila yung kawawa na laging target ng mga scammers na yan.

Hindi naman talaga lahat scam pero mahirap makahanap sa panahon ngayon ng legit. Lalo na kapag usapang pinoy, sa totoo lang maraming scammer ang nagkalat sa mga social media na kung hindi ka marunong magsiyasat at alamin kung legit ay ma eengganyo ka talaga.

Danas ko ito noon nung panahong maraming crypto projects ang naglalabasan at kapwa pinoy pa ang mga nagpo promote nito. Hindi mo aakalain na scam pala dahil mukhang legit naman lalo na at hindi naman dummy ang mga account na gamit. Kaya lang sa huli talaga ang pagsisisi kapag bigla silang naglaho tangay ang pera mo dahil yung project pala ay nag exist lang para linlangin ang mga investors. Kaya importante talaga na wag basta magtiwala at laging mag research para hindi ka mabiktima.
Kaya maging mapanuri kapag may mga nago-offer sayong mag moon daw ang token ng project na yun. Ako, sawa na ako sa ganyan kahit matagal akong nawala, masasabi ko pa rin na kahit papano na may chance na maging scam ang isang project na pinopromote, mapa kilala mang personality o hindi.
Pages: « 1 ... 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 [63] 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!