Bitcoin Forum
April 30, 2024, 02:54:19 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 [62] 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 ... 282 »
1221  Local / Pilipinas / Re: Sobrang Taas na Gas Fee today? on: May 07, 2023, 01:45:35 PM
Ang mukhang di lang apektado ngayon sa fees ay BSC at Polygon networks.

Hindi sila affected since totally separate blockchains sila at wala silang current catalyst para tumaas ang demand ng blocksize. Whereas affected ang fees ng Arbitrum at Optimism since layer-2 protocols sila.
Posible na maging apektado sila no kapag itong pepecoin na ito mag-adopt din sa network ng mga nasabi nating mga chains?

Noong Tuesday ko pa naramadaman ang sakit ng pagtransfer ng BTC.  Isipin mo 5 blocks away na confirmation  na ang gamit ko sobrang mahal pa rin ng charge.  Dati dati di umaabot lang fee ng less that $1 tapos ngayon sobrang taas na talaga .  Kaya maganda ang gawin sa ngayon ay pass muna sa pagtransfer ng BTC.  Wala naman kasi tyong magawa kung hind sunod lang sa trend.
Less than $1 lang din ginagawang kong fee kapag magta-transact pero ngayon masakit na yung $3 tapos hindi naman ganon karami yung ita-transfer. Masakit lang para sa mga low transactions, ewan ko lang sa mga big transactions pero ramdam pa rin kasi mas mataas na bytes na din sa kanila. Hanggang kailan kaya yung ganitong fee.  Undecided
1222  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 06, 2023, 10:02:07 PM
Available pa ba dito yung 10% - 20% discount sa load at bills? Umay na kasi sa gcash at paymaya dahil may convenience fee na. Baka KYC nlng ulit ako dito kung sakaling may mga cashback at discount p dn sila.
Wala ng 10%-20% rebate ang loading sa coins.ph, matagal ng nawala at pinalitan nila nung points reward system na hindi naman nakakahikayat maliban nalang kung talagang fanatic ka nila at sobrang love na love mo si coins kaya madami kang rewards. Okay naman sana ang rewards nila kaso nga lang sobrang konti lang ng pagpipilian mas okay pa rin sana kung ibalik nila ang rebate sa points. Ganyan kasi style nitong mga e-wallets, magiging okay sila sa simula kasi part yan ng marketing nila tapos kapag medyo nareach na nila yung quota nila sa pagdami ng users, saka nila bababaan yung limit o di kaya ire-remove na nila.
Kung sa bills payment, icheck mo yung mga banking apps, sa Unionbank merong P100 cashback sa first bill mo pero parang hanggang dun nalang yata yun, sa next bills payment parang wala nang cashback. Dati sa shopee app merong cashback sa bills.
1223  Local / Pilipinas / Re: Sobrang Taas na Gas Fee today? on: May 06, 2023, 12:36:49 PM
Hindi ako aware na mayganito pala ngayon,Nagkaroon ako ng transaction kanina lang medjo nababaan ko ata ang fees hanggang ngayon ay hindi pa rin nacoconfirm sa network.

https://blockstream.info/tx/ce55fbcf02c5339255ca3c474f5875b25c22e7240c0d34adab82cd49f741c0e9

Any advice dito sa transaction ko? magkakaroon ba ng issue ito? Okey lang saken maghintay kahit 1 week pa dahil nakahiram na naman ako para sa transaction ko na yun pero worried lang ako sa transaction kung magtutuloy ba siya or maagkakaproblema?
Wala namang issue yan kundi magiging matagal lang ang confirmation at kung hindi ma confirm, mada-drop yan ng network tapos saka ka puwede magtransact ulit at isend mo na mas mataas yung fee. Hindi na uubra yang ganyang fee na sinet mo diyan sa transaction mo, zero priority yang ganyang fee kaya hindi yan maco-confirm. Antayin mo lang madrop yan o di kaya magkaroon ng label na 'failed' transaction tapos babalik lang din naman yan sa wallet mo, kaya no worries.
1224  Local / Pilipinas / Re: Sobrang Taas na Gas Fee today? on: May 06, 2023, 10:54:30 AM
Mataas fees dahil sobrang hyped ngayon ang Ordinals NFTs. Sa ethereum naman, daming traders nung bagong $PEPE memecoin. Kung gusto mo makatipid maybe wait it out muna, if willing ka maghintay ng a few months.
No choice kundi magproceed lang kung need talaga i-transact o di kaya maghintay nalang hanggang humupa itong high fees. Ang mukhang di lang apektado ngayon sa fees ay BSC at Polygon networks.
ERC20, Bitcoin pati rin TRC20 ang medyo mataas ang fees pero tolerable pa rin naman mga fees nila, compared sa ATH noong 2017 saka 2021.
1225  Local / Pilipinas / Re: Green energy Bitcoin Mining ng Bhutan, Meron din kaya sa Pinas? on: May 05, 2023, 10:54:45 PM
Posible na meron din tayong ganito sa bansa natin pero baka lowkey lang pero ang ideal talaga ng pagtayuan ng minahan gamit ang green energy tingin ko sa mga malalamig na lugar tapos naka solar panels sila tulad ng sa Baguio.
Yun lang naiisip ko kasi yung napanood ko dati sa China naman, hydroelectric energy ang gamit tapos sa Iceland naman ata solar panel din ata yun o yung area nila malapit ata sa isang bulkan. Sobrang prospect sana sa bansa natin kasi madaming puwedeng source kaso nga lang hindi rin naman biro ang magiging puhunan.
1226  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Testnet na may posibilidad na magkaroon ng Airdrop on: May 05, 2023, 08:04:24 PM
Hindi lahat ng testnet ay nagbibigay ng airdrop, karamihan sa mga ito ay tinuturuan lang tayo upang makipag interact sa kanilang blockchain. So para sakin win-win paring ang ating pag try kahit na wala tayong makuha dito, natuto naman tayo.  -NeillostBitcoin 2023  Grin
Tama yan, itong mga testnet para talaga magkaroon sila ng interaction sa kanilang potential community at dahil ito ang nagiging trend ngayon. Karamihan sa mga nagte-testnet ay ang motivation ay yung posibleng airdrop na ibigay nila. Kaya sa mga mahilig magtest net, nakita natin yung mga malalaking airdrop na binigay nila pero magandang paalala rin na hindi lahat ay parang magiging ARB o iba pang successful project after nila ma launch ang mainnet at tokens nila. Salamat kabayan, kapag may matipuhan ako sa mga projects na maishe-share mo dito, ta-try ko din mag testnet.
1227  Local / Pilipinas / Re: Ano ang mangyayari kapag ang iyong pagkakakilanlan ay ninakaw -- totoong kwento on: May 05, 2023, 06:17:41 PM
Hindi na bago na yung mga ninakaw na identities ay binebenta sa dark market/web at sobrang daming ganyan pero yung iba naman doon ay fake lang. Pero isa yan sa katotohanan na hinding hindi natin maiiwasan at hindi lang sa mga exchanges galing ang mga info na yan, pati sa mga websites na kung saan tayo nagfi-fill up ng mga forms natin.

Napaka halaga talaga ang pag iingat lalo na sa personal info natin ngayon huwag basta basta mag titiwala sa mga taong ma gagaling makipag usap at hihikatayin kang mag sign sa kanilang bibigay na link o ano pa man para lang makuha ang personal info. Ngayon ang dami ng nagkalat na online pautang na kailangan ang identity. Maaring isa rin ang mga ito ay kukuha lang ng mahalagang impormasyon para sa mga personal. Maingat ang lahat.
Kapag may mga unsolicited links, huwag na huwag iclick yung mga yun lalo na't hindi pamilyar kasi madaming puwedeng mangyari kapag hindi ka aware sa mga yun. Ganito madalas nabibiktima karamihan sa mga kababayan natin.
1228  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: DEFI APES on: May 04, 2023, 11:03:03 PM
Nung mga dati pa, interesting ang defi scene pero naging interesting pa rin naman nitong dumating ang bull run pero dahil nga sa kabi kabilang mga rugpull.
Ang hirap na magtiwala at maginvest sa mga ganitong projects. Pero kapag gamay mo naman ang scene na ito at may pang invest at pang risk ka, walang problema.
Tama nga kayo na high risk - high reward ang investing dito sa defi scene. Meron talagang pumapaldo dito at yumayaman lalo nung 2021 na sobrang mamahal ng mga ganito pero ngayon, di ko lang alam kung ilang percentage ang binagsak.
Hindi na talaga interesting ang isang space pag hindi na siya profitable at punong puno na ng scam projects. Halos ganyan nangyayari sa mga trend ng crypto pansin ko ehh. Mag bobloom yung isang trend once may isang project na maging trending at dun na babahain ng projects like kung anong nangyari sa DeFi space, Biglang dumami yung project na halos pare parehas lang yung utility at iba iba lang yung blockchain. Jan na din papasok yung fake projects at mag sisimula ang rug pulls at scams. Nangyari din ito sa NFT space which is sobrang daming newbies na nascam at ngayon baka pasukin din yung airdrop since airdrop ngayon ang trend. Di ako mabibilga kung maging crowded tayo ng fake airdrop projects.
Ganitong ganito nangyari sa ICO, sobrang daming profitable dati hanggang sa naging puro scam projects na. Tapos dumating na din itong mga NFTs, DeFi at ngayon naman mga mainnet at test net projects. Tuloy tuloy lang din mga trend na ganyan at parating may bago, ang kaso nga lang sila rin yung lilipatan ng mga scam kaya ang hirap mamili sa ngayon. Kaya para sa mga mahilig mag invest dito sa space na ito, maging maingat lang at alam mo dapat yung binibil at ininvest mo bago mo ilaan yung pinaghirapan mong pera.
1229  Local / Pilipinas / Re: Mag-ingat sa bagong paraan ng mga hacker at Scammer on: May 04, 2023, 09:11:06 PM
Basta ang golden rule, huwag co-connect sa mga free at public wifi. Pati sa airport, hangga't maaari huwag na huwag gagamit ng ganun sa facility na mag-charge or kumonect sa kanilang WiFi.
Itong juice jacking, parang lately ko lang din siya nalaman. Dito na magsisilbi yung mga powerbanks natin na kapag lagi kang on the go at madalas ka malowbat sa kalsada, magbaon ka nalang ng powerbank at bumili. Mahirap na mahack sa ganyan lalo na kapag may mga crypto wallets ka sa phone mo at important files or messages.
1230  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: May 04, 2023, 12:47:45 PM
Lately ko lang nabasa na si Jimmy Alapag pala ay part ng Sacramento Kings. Nakakaproud na sa ganyang run nila sa playoffs, parte pala si Might Mouse ng management sa mga players. Nag post pala siya sa instagram niya at ito lang ang simula.
May future ang roster ng Kings sana i-retain nila karamihan doon at magdagdag pa ng mas experienced sa mga ganitong run para may dagdag pwersa at shared experience sila sa current roster nila.
1231  Local / Pilipinas / Re: Paano Ka Ba Manghikayat Sa Mga Kababayan Natin on: May 03, 2023, 07:31:13 PM
Nakakalungkot talagang isipin kung may kakilala kang nalugi sa pag-iinvest sa crypto, alam ko kasi yung pakiramdam na nalugi sa investment eh kasi naranasan ko rin yan.
Sa akin ang sinasabi ko lang pag may nagkwe-kwento na nalugi sila, mga personal friends ko, sinasabi ko lang na mas malaki loss ko sa kanila para pampalubag loob nalang din sa kanila. Pero yun nga kasi iba iba tayo ng sitwasyon, kaya natin patalo ng medyo mas malaki kasi may ipon at sila kahit na hindi naman kalakihan pero yun yung parang all in na pera nila.

Tapos yung iba parang wala lang sa kanila, nanghihikayat sila na mag-invest sa crypto pero yung totoo sinasamantala kalang pala nila.
Meron talagang mga ganoong tao. Akala mo ang bait bait pero may iba palang intensyon at sariling interes.

Ako kasi hindi talaga ako yung lumalapit sa tao na mag-invest sa crypto kahit alam kong malaki ang possible na kikitain mo dito, malaki rin kasi yung risk eh. Kahit hindi ka nila sisisihin kung if ever malugi sila pero parang makokonsensya ka. Sa halip, kung makikita ko na interesado sila, yung tipong sila talaga yung gusto ay sisiguradong tutulongan ko talaga sila sa lahat ng aking mga nalalaman sa crypto especially kung paano maiwasan yung mga potential scam na projects at ano ang pinakasafe pag-investan.
Sinasabi lang din nila yan na di ka nila sisihin kahit matalo ng dahil sa payo mo. Nanggaling na ako sa ganyan na ang saya namin kasi bull run tapos kumikita ang lahat tapos nung parang bumagsak na ang market, kanya kanyang lie low na at walang pansinan hanggang sa ako nalang naiwan sa market na ito.  Cheesy
1232  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: May 03, 2023, 05:27:04 PM
Agree ako sa experience na kulang sa Kings. Pero sobrang laking improvement nun at hindi sila naging stagnant lang at malayo layo na rin ang playoffs kung tutuusin kasi nga minsan na nga lang sila ulit nakaabot dun. Yung sa yabang Grizzlies, tingin ko pampalakas lang ng confidence nila yun at normal lang talaga may yabangan pero siyempre bilang mga fans, may mga triggered lang talaga pero sa akin yung yabang na yun parang wala lang, as in normal lang sa mga ganitong serye kasi nga medyo crucial yan at nagba-bump pa ng audience at exposure sa kanila yun.

Ang kagandahan lang ng Kings, lalo na kay Fox ay walang angas at hindi mayabang na bata, palagay ko makakatikim din siya ng championship Finals appearance sa madaling panahon kung wala lang injury na mangyayari sa kanya.

Grabe yong ginawa ni Harden kahapon ahh, para version ni Harden na nandoon pa siya sa Thunder yong nilalaro nya, literal na binuhat yong Sixers kahapon buti nalang at nakasabay ako sa kanila.

Warriors -4.5 @1.88 vs Lakers

Parang ang baba naman ng spread na to kasi tingin ko ay blowout game to kasi hindi naman explosive yong Lakers sa ngayon kaya maganda tayaan to mamaya.
Malayo mararating ng Kings panigurado yan next season at mas lalo silang mamahalin ng mga fans pati na yung franchise nila. Sino mga pumaldo sa laban kanina ng Lakers at GSW? Sobrang hype ng laban na yun at kitang kita ko sa social media kasi hindi ko lang feed ang madaming hype pati mga suggested pages, naga-appear sa newsfeed ko. Doon pala sa yabang ni Dillon, mukhang may kalalagyan siya at hindi nagustuhan ng management nila. Pero para sa akin, mas maganda sana kung icapitalize nila yung ganung situation kasi nga sports lang naman at exposure pa rin sa team nila kahit na laglag na sila.
1233  Local / Pamilihan / Re: [NEWS] GCrypto is now available to selected users on: May 03, 2023, 03:11:03 PM
Mga kababayan, magandang balita para sa mga wala pa ring Gcrypto sa mga Gcash accounts nila. Open na para sa lahat ang Gcrypto na feature ni Gcash. Kaya kung meron pa ring hindi na try ang Gcrypto, ito na yung pagkakataon para masubukan niyo at matest niyo kung pasok ba siya sa standards niyo o hindi.
Ito yung balita, nabasa ko lang sa page ng Bitpinas: https://bitpinas.com/cryptocurrency/gcrypto-now-available-to-all-gcash-users/
1234  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: DEFI APES on: May 02, 2023, 10:23:10 PM
Nawala na rin ang interst ko dito sa DeFi dahil sa mga hacking at rugpull incidents.  Marami rin kasing naluging investors dahil sa sobrang tiwala sa mga nagsipaglabasang mga DeFi platform. 
Nung mga dati pa, interesting ang defi scene pero naging interesting pa rin naman nitong dumating ang bull run pero dahil nga sa kabi kabilang mga rugpull.
Ang hirap na magtiwala at maginvest sa mga ganitong projects. Pero kapag gamay mo naman ang scene na ito at may pang invest at pang risk ka, walang problema.
Tama nga kayo na high risk - high reward ang investing dito sa defi scene. Meron talagang pumapaldo dito at yumayaman lalo nung 2021 na sobrang mamahal ng mga ganito pero ngayon, di ko lang alam kung ilang percentage ang binagsak.
1235  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin balik 20k$ na ulet. Bear? on: May 02, 2023, 08:43:43 PM
at yung iba nating mga kababayan naman hinihikayat pa yung iba na ganoong style ang gawin nila.
Totoo yan, imbes na bigyan ng babala ang mga baguhan na mag-ingat sa mga meme coins ay hinikayat pa nila na mag-invest dito. Yung iba naman gustong mandamay ng kapwa, kahit alam nilang losing sila sa kanilang paraan ng pag-iinvest ay nanghihikayat pa sila. Hindi naman talaga natin maipagkakaila na malaki rin ang potensyal na kikitain sa mga meme coins kasi may kakilala ako na umabot ang ROI ng 1000%, pero dapat ilagay talaga sa isipan natin na mataas ang risks nito kaya kung meron kalang maliit na puhunan ay maaaring iwasan ang mga ito. Inirekomenda ko talaga yung mga coins na nasa top 10 market cap.
Feeling kasi sila dahil kumita na sila, ganun din mangyayari sa mga hinihikayat nila. Sobrang talamak ng mga ganito na nakikita ko sa mga trading groups.
At kawawa naman yung mga baguhan kasi tingin nila, dahil kumita nga yung nagse-share sa kanila sila din naman ay kikita. Pero hindi nila alam sobrang volatile ng mga meme coins.
May value ngayon, bukas wala na. Kaya yung karamihan sa kanila natututo sa mga talo nila at frustration dahil sa ganyan at doon na nagsisimula yung ideya na basta pinoy, huwag basta basta maniwala.
1236  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin balik 20k$ na ulet. Bear? on: May 02, 2023, 12:06:35 PM
Pero dapat alam mo rin na hindi lahat ng cryptocurrency ay lehitimo. Madaming kasing scam na project na naglalabasan, lalong-lalo na ngayon kaya dapat DYOR talaga. May risk naman talaga pagdating sa investment pero pinaka low risk talaga ang Bitcoin. The higher the market cap, the lower the risk.
Marami pa ring sumusugal sa mga hindi kilalang project kasi tingin nila mas kikita sila. Kapag nag bull run na ulit, sasabay yang mga yan at madami nanaman tayong mga kababayan natin ang iiyak kasi nga nabiktima sila ng scam at ang sasabihin nila, scam ang crypto.
Lalo na sa mga meme coins, ang daming nagte-take ng risk na mag invest sa mga bagong meme coins kasi pump and dump sila at yung iba nating mga kababayan naman hinihikayat pa yung iba na ganoong style ang gawin nila.
1237  Local / Pilipinas / Re: Epekto ng Crypto at Bitcoin sa Ekonomiya ng bansa on: May 02, 2023, 09:48:37 AM
Malaki talaga ang naitulong ng crypto sa ating mga kababayan mula ng sumikat ito dito sa bansa. Isa na nga dyan ay ang oportunidad para kumita. Natuto ang mga tao na maging isang trader at investor na nakatulong para magkaroon sila ng extra na pagkakakitaan. Sa kabila ng talamak na scam (na lagi namang nag e exist kahit saan) hindi ito naging hadlang para magtagumpay ang marami satin sa mundo ng crypto.

Nagsimula ako noong 2015 at isa sa mga nagustuhan ko ay yung pag send ng Bitcoin kahit saan ka man sa mundo dahil easy lang at mababa pa ang fee. Nagsimula na rin akong mag invest dahil high volatile nga ito at isang bagay na pwede nating i take advantage. Malaki na rin ang kinita ko sa Bitcoin dahil bukod sa invest ko pati sa alts, yung sig ay malaking bagay rin para magkaron ng additional na kita though meron naman akong real job talaga. Kung ang mindset ng mga tao na kumikita ng malaki sa crypto ay magtayo ng real business , magkakaron ito ng impact sa ating ekonomiya dahil mababawasan din ang mga taong walang trabaho o pinagkakakitaan.
Kapag ka diyan na malaking kabawasan sa unemployment para sa mga taong nadiscover at natuto na kumita sa crypto. Dahil nagkakaroon ng ambag sa purchasing ng isang mamamayan ang isang tao na kumikita sa pamamagitan ng crypto. Sobrang dami natin at hindi lang dito sa forum, mas marami ang wala sa forum at kumikita ng malaki sa pamamagitan ng pag iinvest, pag trade pati na rin yung mga focus lang sa mga airdrops at mga testnets.
1238  Local / Pilipinas / Re: [Question] Bitcoin to Fiat alternative on: May 01, 2023, 11:42:42 PM
~

Di ko pa masubukan ito dahil hindi pa active ang Gcrypto sa Gcash ko actually gusto ko na siyang itry pero kailangan ata maverified muna ang account ko.

wala pa rin akong narereceived na confirmation until now. Not sure pero i think malapit na mag1week ito. masokey sana itong Gcash dahil convinient at masmadaling maagconvert ng Bitcoin to Cash since madami na rin namang nagsusupport ng Gcash kahit sa mga Stores pwding kahit Bitcoin to Gcash lang ay okey na, dahil pwd ko naman ng isend sa ibat ibang banks kapaga nasa Gcash account ko na ito.

Convenient ang gcrypto kasi rekta out rin sa gcash mo. Yung fees naman niya spread ni pdax ang ginagamit. I-follow up mo lang din puwede naman yan, ichat mo lang yung chat support nila para ma-address yung concern mo kasi mas gusto nila na ginagamit ang mga features nila na available sa lahat ng members nila. Kung fully verification lang need mo para magamit yan, yun lang sabihin mo sa kanila para makagamit ka ng gcrypto.



Ilalapag ko nalang dito yung link nga mga nasabing P2P site.
Paxful - https://paxful.com/
Local Bitcoins - https://localbitcoins.com/
Pagkakaalam ko kabayan, close na yang dalawang P2P bitcoin market na yan.

1. Bitcoin Marketplace Paxful to Shut Down Amid Legal Battle With Co-Founder
2. LocalBitcoins Announces Its Closure—Withdraw Your Bitcoin Now

Kung may mga magde-deposit sa dalawang website na yan baka mawala lang funds niyo kasi nag announce na sila ng closure nila.
1239  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: May 01, 2023, 09:19:41 PM
Pasok na Warriors guys. Sayang, ang akala ng marami Kings ang papasok at ang dami ko pang friend sa FB naghanap ng kapustahan abot pa ng 100k para sa Kings sila. At ang sobrang lakas naman na Suns, tinalo naman ng Nuggets. Sa kabila naman tinalo ng Heat ang Knicks.
Ito na yung isa sa inaabangan ng lahat, Lakers laban sa Warriors, dito na lalabas yung mga mabibigat tumaya panigurado.

Laking panalo ng Warriors yong laro kanina at tingin ko sila mananalo sa Western Conference, pati na rin siguro sa Finals kung hindi Celtics ang makakapasok sa Easter. Gaya ng sinasabi ng ibang mga expert, experience talaga ang kulang pa sa Kings, kung titingnan natin yong laro hindi naman gaano kaganda ang nilalaro ng Warrirors pero yong mga tira nina Fox, Murray at iba pa na nagagawa nila sa elimination at pati ra rin sa game 6 ay biglang naglaho kanina. Fox with only 16 points in a game that he should produce at least 30, pero babalik siguro sila next year, hindi naman sila mayayabang katulad ng Grizzlies hehe.

Sixers +9.5 @1.95 vs Celtics

Kahit wala si Embiid pero i think may laban rin yong Sixers para maging close game to.
Agree ako sa experience na kulang sa Kings. Pero sobrang laking improvement nun at hindi sila naging stagnant lang at malayo layo na rin ang playoffs kung tutuusin kasi nga minsan na nga lang sila ulit nakaabot dun. Yung sa yabang Grizzlies, tingin ko pampalakas lang ng confidence nila yun at normal lang talaga may yabangan pero siyempre bilang mga fans, may mga triggered lang talaga pero sa akin yung yabang na yun parang wala lang, as in normal lang sa mga ganitong serye kasi nga medyo crucial yan at nagba-bump pa ng audience at exposure sa kanila yun.
1240  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 01, 2023, 07:43:17 PM
Ngayon ko lang napansin na nag release pala sila ng article nung isang araw tungkol sa mga changes: What changes can I expect from the Coins app upgrade?
-
Salamat sa pag share ng update, akala ko yung update sa balance ng coins.ph at coins.pro ay tungkol sa limit. Balance lang pala ang ico-combine at walang binanggit sa limits. Pero iche-check ko pa rin mamaya kung walang pinagbago sa limits kasi doon maraming complains sa kanila na binabaan ang limits at hindi na ganun kataas ang binigay sa kanila bilang mga customized limits.

It's nice to know that sa wakas, isang 2FA code lang ang pwede natin gamitin sa Coins and Coins Pro.
Na reset pala ang mga 2FA natin sa kanila, ibig sabihin kailangan ulit iset ng lahat. Kaya yung mga matagal ng di gumagamit ng coins, need iset ulit guys yung 2FA.
Pages: « 1 ... 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 [62] 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!