Bitcoin Forum
April 30, 2024, 03:02:08 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 [56] 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 ... 282 »
1101  Local / Pilipinas / Re: Isa na namang Bitcoin negative publicity on: June 12, 2023, 10:59:46 AM
Noon pa naman talagang ni lilink na talaga ang Bitcoin sa drugs and siguro dun sa movie is same parin , pero I think ang mga tao now is medyo alam na talaga nila kung ano ang bitcoin simula nung pandemic dahil sa value nito.
Kahit papano nagbago na din tingin ng marami sa bitcoin at yung pinaka link na description niya tungkol sa deepweb, illegal transactions at iba pang mga negative thoughts noong dumating ang pandemic at pati Axie hype.

Di na bago ito , madami pang documentaries na talagang sinasabi nila na ang Bitcoin ay masama , nasa tao parin yun kasi tulad sa atin alam naman natin kung anong ibigsabihin nito pero siguro dun talaga sa bago lang naka rinig ng bitcoin yun yung first impression nila. Kahit na Bad or Good publicity nakaka attract parin naman ito nga mga bagong invest/holder/trader so both sides nakaka buti sa Bitcoin ito.
Sa dami ng mga documentaries na mga yun, wala pa akong napanood kahit isa.  Tongue
1102  Local / Pamilihan / Re: Online gambling isa sa tinuturong dahilan kung bakit nawawala ang alamn ng gcash on: June 12, 2023, 07:24:43 AM
eto ang mabigat nma realidad kung talagang lumalabas na nagpabaya ang Gcash sa part na to dahil malinaw naman na yong mga hackers ay may point of entry na pero hindi ito na intercept ng management.
Hindi nila aaminin yan kahit na may fault sila, kaya itong issue na ito parang onti onti ng nawawala kasi nga parang okay naman na ulit yung mga users na nabiktima at may fault din sila.

Sana lang yong selfie feature na implement nila now ay maging daan para di na maulit ang mga ganitong issue.
Sana nga magtrigger kapag lahat ng funds ng nasa account ay biglang iwiwithdraw na may selfie verification at kapag hindi match, auto deny.
1103  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: June 11, 2023, 11:19:38 PM

Wala ka na bang tiwala kay Jimmy kabayan?  Cheesy


Seriously speaking, sobrang hirap Miami dahil hindi nila kayang bantayan si Jokic kaya nafoforce sila lagi mag double team. Tapos laging foul trouble si Vincent dahil nagpapaka bayani sya sa defense kahit na mismatch. Kung nagfofocus lang sana sya sa 3 points ay siguradong makakadikit sila dahil walang shooting si Porter at Pope.

4.10 odds ng Miami sa Game 4. Malakas ang Miami sa home court ng kalaban kaya susugal ako sa knila this time dahil madaming beses na dn nmn ako nanalo sa Miami na ganitong scenario.
Hahaha!
Ganitong ganito mga nakikita kong mga meme sa news feed ko. Nakakatawa pero mahirap tanggapin ang katotohanan kapag walang wala na at talagang para sa Nuggest ang finals na ito. Parang visible na mananalo sila bukas kaya kung wala ka ng pang sardinas at gusto mo naman ng lechon manok, alam mo na, sa Nuggets ka na. Agree ako sa analysis mo, hindi nila kaya sa depensa ang Nuggets at ganyan na ganyan ginawa nila nung game 1 at game 2, panay shooting lang kasi mahirap dumepensa sa loob.
1104  Local / Others (Pilipinas) / Re: Maligayang na Araw ng Kalayaan (2023) on: June 11, 2023, 09:54:27 PM
Happy independence day. Kapag merong mga posts rin dito na mai-share na deserve ng merit at tingin ko naman na deserve din, mag scout din ako.

Maligayang ika-125 na Araw ng Kalayaan sa lahat, hindi lang dito sa community natin, sa lahat ng Pinoy sa buong mundo. Kung bubuksan nyo ang Google, ganito ang bubulaga sa inyo,
Oo nga, ayos, ang galing talaga ng Google na nakikibagay kung saang bansa siya at nakikicelebrate din. Good luck mga kabayan sa mga mags-share ng mga posts nila dito na deserving.
1105  Local / Pamilihan / Re: [NEWS] GCrypto is now available to selected users on: June 11, 2023, 06:49:16 PM
Responsive sila kasi noong may concern ako sa mismong app ko sila kino-contact at sinasagot nila ako mga ilang oras nga lang sila bago magreply. Ang tagal na ng concern mo na yan pero bakit parang ang bagal nila isayos yung sayo. Sana naman maayos na yan para maenjoy mo din yung Gcrypto nila.

May note nga pala sa Gcrypto sa mga di pa registered yung SIM cards, hindi niyo magagamit ang accounts niyo kapag nag expire na ang SIM registration at hindi kayo nakapagregister.

Sa pagkakaalala ko nga eh dalawang beses na ako nagsend ng ticket sa kanila dito sa issue na ito pero wala naman silang response, sa tingin ko mukang pinostpone muna nila ung pagayos ng mga accounts sa Gcrypto, Akala ko dati allowed na ang lahat ng users sa gcrypto pero hindi pa pala pinaupdate lang saken ang details ko pero hindi ko pa rin naman nagagamit.
Yan nga din ang akala ko na ok na para sa lahat ng users ang Gcrypto at tapos na yung parang testing phase nila kaya pili lang yung mga unang nakakaaccess sa feature na yan.

Gusto ko din sanang maginvest din Dollar Cost average sa Gcash kahit papano dagdag din sa investment ko hindi masyadong malaki ang ilalagay ko pero para lang may Gcrypto rin ako sa Gcash hindi lang sa Bitcoin wallets.
Actually, puwedeng puwede siya at sobrang dali lang lalo na kung Gcash naman talaga ginagamit mong wallet. Kaso nga lang hindi mo hawak private keys at PDAX naman ang partner nila sa Gcrypto kaya most likely, nasa PDAX ang private keys.

Fix ba 'tong transaction fee ng gcash o nag-aadjust depende sa mempool? Currently, yung 21sat/vByte which is high enough to be considered "fast" only costs around 65-75 pesos per transaction.

Then itong gcash may network fee na 0.001 or PHP 1500? Like seriously? Daig pa yung withdrawal fee sa Binance -- dafvck!
Fix yan, kaya choose mo lang yung ibang altcoin kapag crypto withdrawal ka.
1106  Local / Pamilihan / Re: [FREE] 🏀 NBA Finals 🏀 Prediction Contest Game 5 on: June 10, 2023, 10:48:29 PM
A) Yes
B) Over
C) Nuggets
D) Nuggets
E) Nuggets
F) Nuggets
G) Heat
H) 211

Suggest ko lang kabayan add ka din siguro ng best player o di kaya best scorer para sa game 5. Yun lang naman pero overall, goods at salamat kabayan sa pa-contest.
1107  Economy / Games and rounds / Re: SINBAD.io MIXER June Bitcoin Price Prediction Challenge on: June 10, 2023, 11:00:56 AM
Prediction 1: $26,132.13
bech32 address: bc1qd9w74h8xrmjyc72xasrc70uad05r99ys58yh50
1108  Local / Pilipinas / Re: Stay Lowkey lang tayo on: June 10, 2023, 09:07:44 AM
Kung hindi naman tayo mga influencers, artista, high profile na mga pag ka tao i suggest na being low key sa crypto is the best thing. Wala na nga tayung enough security eh mag ti-take risk pa tayong i share mga activity natin regarding crypto.
Sang ayon ako. Pero hindi natin mapipigilan yung ibang mga kababayan natin na mahilig mag flex sa social media, nakikita ng mga friends nila mga shineshare nila at intention naman nilang ishare yun na kung magkano ang kinita nila sa mga trades nila. Ako iwas na ako sa ganyan at mas peaceful kapag wala ka masyadong fineflex o shineshare sa mga social media accounts mo lalo na kapag real name o palayaw mo nakalagay doon. Pero kung dummy account lang naman siguro, walang problema at walang nakakakilala sayo.
1109  Local / Pilipinas / Re: Isa na namang Bitcoin negative publicity on: June 10, 2023, 07:30:12 AM
Madami dami na din akong napanood sa netflix ng mga series na binanggit ang bitcoin at negative ang tingin nila katulad ng ganyan na nasa picture.
Ayan kasi ang pagkakaalam ng marami kung para saan ang bitcoin na para lang pambili ng mga drugs, illegal transactions pati ng kung ano anong mga bagay na against sa law.
1110  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: June 10, 2023, 05:51:53 AM
Hindi pa rin gaanong humahataw sa opensa tong si Murray pero yong Gordon ang pumalit sa pwesto nya at siya pa nga ang kasalukuyan ngayong points leader para sa Nuggets with 25 points at lamang na yong Nuggets ng 13 points at the end of the third quarter.

Score ng Heat is 73, kailangan nila ng 110 points para manalo sa isang game kaya tingin ko talo rin sila ngayon dahil hirap silang abutin yong 100 points nga ehh.

edit: panalo yong bet ko kaya may patimpalak akong kaunti para sa atin dito sa lokal sana salihan nyo mga kabayan.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=5455909.msg62383274#msg62383274
Ganito yung maganda sa Nuggets, lahat sila contributors sa scoring at kapag merong malas sa shooting, meron namang swerte sa shooting at nagte-take over ng hindi magandang shooting. Katulad ng nangyari kanina, si Gordon nagtake over.
Congrats sa mga nagdecide na bumet sa Nuggets kahit na ang puso ay nasa Heat. Ang mahalaga kasi kung nasaan ang pera, dapat nandoon din yung bets natin.  Tongue
1111  Local / Pilipinas / Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas on: June 09, 2023, 08:31:43 PM
Parang merong kwento sa FB na hindi daw crypto friendly ang Unionbank. Nang madebunk yung nagpost na yun, kaya pala naging hindi friendly sa kanya ay yun pala ay nagtrigger ang AMLA sa mga transactions niya kasi ang lalaking mga halaga.
Kahit saang bank naman siguro ay matri2gger yung AMLA sa gnayang kalaking mga transaction from unknown wallets or bank. Sobrang dami dati na hacking incident sa Unionbank tapos dinadala yung mga hack na pera sa crypto exchange P2P para ma mix at mapunta sa ibang tao yung dirty money. Sobrang laki kasi ng limit ng Unionbank kaya favorite sila ng mga launderer at scammer dahil sa P2P exchange kaya hindi nako magugulat kung magkakaroon ng ganitong kadami na case hindi kagaya ng coins.ph at gcash na mababa lang ang limit kaya hindi msyado naaabuso ng mga launderer.
Yun nga. Yung nabasa ko kasi na nagpost parang sinisiraan ang Unionbank kasi nag viral yung post na yun pero madami din naman nagcomment na goods ang Unionbank. Kung sa AMLA/AMLC lang, mati-trigger talaga yang mga yan kahit pinaka-friendly pa na bank sa buong mundo.

Real talk, Karamihan sa mga may problema na ganyan ay hacker na gusto mag launder ng kanilang pera sa crypto.
O di kaya, mga galing sa ponzi, sa pangs-scam pati ata online paluwagan ay negative sa mga bank.
1112  Local / Pilipinas / Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas on: June 09, 2023, 05:21:43 PM
Parang merong kwento sa FB na hindi daw crypto friendly ang Unionbank. Nang madebunk yung nagpost na yun, kaya pala naging hindi friendly sa kanya ay yun pala ay nagtrigger ang AMLA sa mga transactions niya kasi ang lalaking mga halaga.

Parang kailan lang tanging coins.ph at Union bank lang ang naaalala kong involved sa cryptocurrency.  Ngayon pati Gcash at Maya saka ibang mga banks ay nakita na rin ang potential ng cryptocurrency.  Sana mas marami pa ang magadopt ng cryptocurrency sa ating bansa.  Kung sakaling maging successful ang pouch sa pagpapalaganap ng Bitcoin adoption sa merchant baka mas lalong mapabilis ang pagdami ng mga financing services na magadopt ng cryptocurrency.
Mas maganda na ngayon na may Gcash at Maya, ang coins.ph sa ngayon parang napag iiwanan na. Hindi sila masyadong nagdevelop habang kasikatan nila.
1113  Local / Pilipinas / Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated) on: June 08, 2023, 01:29:43 PM
Ibig sabihin, apektado pa rin ang market ng mga fundamentals at mga balita na nagaganap sa market. Kitang kita natin yung direct impact nitong balita na ito at mukhang magtutuloy tuloy pa. Kahit na hindi pumayag mga investors, wala naman silang magagawa na dahil kung babagsak ang market, babagsak yan. At no choice sila kundi maghintay lang ulit na mag bull run kung nakabili man sila nung ATH pa.

Expected naman to na mangyayari since napaka laking exchange ni Binance at dahil nga napaka alerting ng news for sure marami ang mag uunahan makapag benta kung matatalo sila totally sa kasong ito. Kitang kita natin ang epekto nito dahil dagdag ito sa bad sentiments ng mga tao at makaka epekto ito sa desisyon ng iba na bumili or mag hold since may ongoing crisis na nangyayari sa top exchange at presyo ng bitcoin.

Siguro mainam na maghintay sa susunod na mangyayari at makiramdam sa balita para maka kung idea kung ano ang susunod na posibleng kaganapan.
Sa ngayon mukhang bumabawi naman ang market at kahit na ganoon yung mga balita na lumalabas, nagiging matatag pa rin naman ang market. Ang dami ng mga balita na mas matindi pa dito lalo na yung sa FTX at Luna pero matatag pa rin naman ang market.
Baka mas dadami pa yang mga exchanges na kakasuhan ng SEC sa US dahil nga sa mga tokens securities na mali ang pagbebenta nila. Tignan natin kung hanggan saan aabot yung mga ganitong balita.
1114  Local / Others (Pilipinas) / Re: SEATAOO SCAM? Beware of this site!!! on: June 08, 2023, 11:28:32 AM
your referrer will get 3% commission, on every sale of you got, not from the fund you invested as capital.
but as a referrer they need to guide you how you can start your Seataoo business.
if you need help and tips let me know.

The more seller the more competition since isa ung pinagkukunan ng product. so the early you hope in the better advantage you got.
Okay, bale sa referral commission magkakatalo at mas marami at mas malalakas na sales, mas malaking kita. Bale yung fund na ininvest mo, yun yung magiging capital mo para sa mga products mo. Gets ko na siya salamat sa paliwanag at good luck sa business na yan.
1115  Local / Pilipinas / Re: 400 Merchants Na Ang Tumatanggap ng Bitcoin Through Pouch on: June 08, 2023, 09:07:10 AM
Wish ko din sa pouch na mas lumaki sila kasi wala ng ibang nagpupush ng bitcoin acceptance kundi parang sila lang. Yung Gcash at Maya parang more on trading sila kaya sa mga advocates ng bitcoin acceptance, wish talaga natin na magtagumpay sila at sa pamamagitan nila mas madami pang mga merchants ang tatanggap ng bitcoin dahil napaunawa nila sa kanila na okay lang tumanggap niyan at puwede nilang iconvert agad agad para sa sale nila into cash.
1116  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: June 07, 2023, 11:02:10 PM
Agree ako diyan kung saan tayo mas makakatipid at convenient doon tayo. Meron namang ok lang na medyo kalakihan ang fee pero kung afford naman at convenient ang service, okay din.
Masyadong malaki kung 1/4 ng 10k ang fee pero hindi ko gets sa calculation kung paano aabot ng ganoong halaga yung magiging fee.
Nakareceive ako ng email kay coins at tuloy tuloy pa rin ang upgrade nila at parang mas pinupush nila yung coins pro nila.
Tuloy-tuloy ang upgrade pero mukhang hindi naman nagugustuhan ng mga users yung mga pagbabago nila. Last time chineck ko yung fb page ng coins at marami ang nagrereklamo sa kanilang serbisyo, kalimitan may problema sa kanilang account. Nakaka discourage na gamitin kahit sa pagbayad ng bills at pag load wala na kasi rebate.

Anyway meron na ba dito naka try mag send ng Bitcoin direkta sa gcrypto account? Kamusta experience?
Feeling ko lang na kahit anong upgrade ang gawin nila, parang di na yan mage-effect sa mga users na umalis na. Kasi sobrang laki ng binago nila sa mga limits at hindi lang yun, kahit pa yang mga changes at upgrades nila once na decided na ang mga users, hindi na yan babalik pa sa kanila. Ako hindi ko na chinecheck ang FB page nila, dati sobrang dalas ko icheck yang page nila para sa mga updates pero ngayon nakakawalang gana na, mabuti nalang talaga at may mga ibang exchanges na sa bansa natin at nandiyan pa si Gcash.
1117  Local / Pilipinas / Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated) on: June 07, 2023, 09:17:19 PM
Just-in: Coinbase naman ang kinasuhan ng SEC ngayon lang dahil daw nag offer sila ng unregistered securities. Halos same case lang ito sa Binance. Massive crackdown ang ginagagawa ng SEC ngayon at mukhang mapapalaban talaga ang mga crypto company sa case na ito.

Desidido talaga ang SEC na ipush ang crackdown sa mga exchange na nkikinabang sa US market.

https://cointelegraph.com/news/sec-sues-coinbase-crypto-exchange

Isang thread nalang dahil halos same topic lang naman ito.
Mukhang merong something sa likod nitong mga lawsuit na pinaggagawa ng SEC. Cracking down nga ang ginagawa nila at baka may malalim pang dahilan kung bakit nila ginagawa yan. Sariling kanila naman ang Coinbase at parang tinataboy na nga nila yung ibang kakumpitensya nyan dahil nga sa laki ng market na meron ang US pero sa ginagawa naman ng SEC parang walang sinasanto at halos lahat tinatarget nila na umalis nalang sa kanila ha.
Sa tingin ko ay isa pa rin itong paraan ng pagmamanipula sa market. Kasi kung tutuusin hindi na talaga bago sa Binance ang ganyan mga pangyayari. Sa recent weeks base sa chart kahit may sign of bullishness na ang market pero parang galawan ng market ay pangbearish, daming consolidations. Kung sakaling magkakatotoo talaga ang mga inaakusa sa Binance, siguradong babagsak ang presyo ng lahat ng cryptocurrency pero naniniwala ako na hindi papayag ang mga investors dito lalong-lalo na yung mga nakabili sa near ATH kasi lalo silang malulugi.
Ibig sabihin, apektado pa rin ang market ng mga fundamentals at mga balita na nagaganap sa market. Kitang kita natin yung direct impact nitong balita na ito at mukhang magtutuloy tuloy pa. Kahit na hindi pumayag mga investors, wala naman silang magagawa na dahil kung babagsak ang market, babagsak yan. At no choice sila kundi maghintay lang ulit na mag bull run kung nakabili man sila nung ATH pa.
1118  Local / Pilipinas / Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated) on: June 06, 2023, 10:09:26 PM
Just-in: Coinbase naman ang kinasuhan ng SEC ngayon lang dahil daw nag offer sila ng unregistered securities. Halos same case lang ito sa Binance. Massive crackdown ang ginagagawa ng SEC ngayon at mukhang mapapalaban talaga ang mga crypto company sa case na ito.

Desidido talaga ang SEC na ipush ang crackdown sa mga exchange na nkikinabang sa US market.

https://cointelegraph.com/news/sec-sues-coinbase-crypto-exchange

Isang thread nalang dahil halos same topic lang naman ito.
Mukhang merong something sa likod nitong mga lawsuit na pinaggagawa ng SEC. Cracking down nga ang ginagawa nila at baka may malalim pang dahilan kung bakit nila ginagawa yan. Sariling kanila naman ang Coinbase at parang tinataboy na nga nila yung ibang kakumpitensya nyan dahil nga sa laki ng market na meron ang US pero sa ginagawa naman ng SEC parang walang sinasanto at halos lahat tinatarget nila na umalis nalang sa kanila ha.
1119  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: June 06, 2023, 12:34:48 PM
Medyo malaki nga yang difference in which pabor pa din sa coins but there is  Binance p2p in which walang dahilan bakit kailangan pa nating dumirekta sa local wallets kung meron namang exchange na mas madali at malaki ang palitan.
May kanya kanya naman tayong reference kaya okay lang kahit saan tayo magtrade basta legit naman. Sa laki ng spread na sinasabi mo, lalaki lang yan kapag malaking amount din ang ite-trade mo. Pero kung mga ilang libo lang naman, hindi masyadong ramdam yung spread.
though may kanya kanya tayong preference still kailangan nating magtulungan para makaiwas sa mga ganitong pananamantala sa mga provider , and yes and actually , ilang libo nga lang ang oinag uusapan natin dito, 10k lang halos ang wiwithdraw ko pero ang fee eh halos 1/4 ng funds ko .
Agree ako diyan kung saan tayo mas makakatipid at convenient doon tayo. Meron namang ok lang na medyo kalakihan ang fee pero kung afford naman at convenient ang service, okay din.
Masyadong malaki kung 1/4 ng 10k ang fee pero hindi ko gets sa calculation kung paano aabot ng ganoong halaga yung magiging fee.
Nakareceive ako ng email kay coins at tuloy tuloy pa rin ang upgrade nila at parang mas pinupush nila yung coins pro nila.
1120  Local / Pamilihan / Re: [NEWS] GCrypto is now available to selected users on: June 06, 2023, 08:59:25 AM
Natry mo na ba ireinstall? Baka ang kulang lang din sayo ay selfie verification katulad ng nangyari sa akin. Try mo lang muna ireinstall baka sakaling may mga additional verification na hingin sayo. Kasi kung complete naman na verification mo at sinasabi nilang still verifying pa rin at pare parehas lang sinasabi ng support nila baka hindi nila madetect yung sa selfie which is ganyan din nangyari sa akin, try lang naman wala naman mawawala.

Nagpasa na ko ng verification ulet noong unang click ko ng Gcrypto need daw iupdate ang details kaya kenailangan ko talaga magsemd nanaman ng ID pero mukang tama ka kase naaalala ko nun noong nasa selfie part na ko ng verification hindi ako ready pero since nakatutok sa mukha ko bigla nalang naggreen at pumasok agad kahit na blur ung photo na nacapture.Automatik talaga hindi maaaprove un sabi ko ng kahit hindi maayos ang selfie bigla nalang naggegreen at pumapasok. Sinusubukan ko pa magopen ng ticket pero wala pa silang response.
Responsive sila kasi noong may concern ako sa mismong app ko sila kino-contact at sinasagot nila ako mga ilang oras nga lang sila bago magreply. Ang tagal na ng concern mo na yan pero bakit parang ang bagal nila isayos yung sayo. Sana naman maayos na yan para maenjoy mo din yung Gcrypto nila.

May note nga pala sa Gcrypto sa mga di pa registered yung SIM cards, hindi niyo magagamit ang accounts niyo kapag nag expire na ang SIM registration at hindi kayo nakapagregister.
Pages: « 1 ... 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 [56] 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!