Bitcoin Forum
April 30, 2024, 09:02:06 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 [64] 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 ... 282 »
1261  Local / Others (Pilipinas) / Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala? on: April 25, 2023, 06:33:45 PM
Ito na lumabas na ang desisyon at extended ng 90 days ang sim card registration https://www.google.com/amp/s/newsinfo.inquirer.net/1760774/sim-registration-extended-for-90-days-doj/amp

Marami ang nag request nito at for sure papakinggan yan ng mga assigned government bodies ang suggestion ng mga tao since pulitiko mga yan at gusto nila ang atensyon ng mga tao. Mainam narin ang action nato para sa susunod na matapos ulit ang deadline wala nang ma e rason pa ang ilan nating kababayan kung bakit di pa sila registered.
Si BBM nag approve na i-extend. Dapat talaga hindi na i-extend yan pero last na sana na extension yan at katuwang ng mga Telcos at local government, may mga assigned na helpdesk na para sa mga hindi alam paano magparehistro.

Maganda naman sana talaga na wag nalang e extend para totally wipe out na yung sim card na ginagamit ng mga scammers at maging fully implemented na to. Pero marami parin talagang need e consider kaya siguro napag desisyonan nalang nila na e extend nalang. Kaya tuloy parin ang ligaya ng mga scammer since may 90 days extension pa sila bago mawala ang mga sim cards na hawak nila.  Sana first and last extension na ito para makita natin talaga kung maganda ba ang epekto ng batas na ito o wala paring pinagbago.
Ok na yan at napagdesisyunan na. Tingin ko ay walang susunod na extension at sapat na yang 90 days extension kasi parang aware na ang maraming kababayan natin sa balita na yan. Marami din namang naging aware na last day na sana pero yun nga, dahil hindi naman lahat ay marunong mag register at maraming oras sa pagreregister kasi nagkakaroon ng problema sa pagpasa nila ng mga documents, kahit na malinaw meron talagang hindi tinatanggap at hindi ma-verify, ayon sa napanood ko sa balita.
1262  Local / Others (Pilipinas) / Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala? on: April 25, 2023, 10:40:46 AM
Kanina lang, grabe mga scammer nagte-text sakin mga nagpapanggap na mga taga bangko pero halata naman na manloloko kasi barabara na mga link binibigay nila sa akin. May nagpapakilala na taga BDO, wala naman akong account doon. Parang todo kayod din sila kanina eh. Dahil nga na-extend and registration, feeling ko natuwa itong mga scammer kasi mas humaba pa panahon nilang makapanloko.

Ito na lumabas na ang desisyon at extended ng 90 days ang sim card registration https://www.google.com/amp/s/newsinfo.inquirer.net/1760774/sim-registration-extended-for-90-days-doj/amp

Marami ang nag request nito at for sure papakinggan yan ng mga assigned government bodies ang suggestion ng mga tao since pulitiko mga yan at gusto nila ang atensyon ng mga tao. Mainam narin ang action nato para sa susunod na matapos ulit ang deadline wala nang ma e rason pa ang ilan nating kababayan kung bakit di pa sila registered.
Si BBM nag approve na i-extend. Dapat talaga hindi na i-extend yan pero last na sana na extension yan at katuwang ng mga Telcos at local government, may mga assigned na helpdesk na para sa mga hindi alam paano magparehistro.
1263  Local / Pilipinas / Re: Epekto ng Crypto at Bitcoin sa Ekonomiya ng bansa on: April 24, 2023, 07:23:41 PM
Sa ngayon, masasabi kong ang impact ng cryptocurrency ay para sa individual economy at hindi para sa national economy.  Hindi pa naman kasi totoong napapakinabangan ng gobyerno ang mga opportunity na inilalaan ng Bitcoin dahil ang ating bansa ay hindi pa naglalagak o nagtatalaga ng anumang tax sa mga kita sa industriyang ito.
Sa tingin kahit papano nakikinabang na sila sa pamamagitan ng tax na pinapataw nila sa mga malalaking exchange sa bansa natin tulad ng coins.ph at iba pang mga players.
Pati yung pagkuha ng license, pagkakaalala ko masyadong mahal para masecure sa BSP ang license ng pagiging VASP. Kaya kahit bond lang ang need diyan o need ng deposit, malaking pera parin ang umiikot sa ngayon sa bansa natin. Hindi man ganoon kalaki katulad ng ibang industry pero tama ka na ang pinaka impact ng bitcoin ay para sa mga individuals tulad natin.
1264  Local / Pilipinas / Re: Negative Perception sa PH Crypto Start-up project on: April 24, 2023, 04:37:08 PM
Basta kasi i-front lang ng pera na madami, akala nila legit na at ganun gumagana ang greed. Ang daming hindi pa rin matuto tuto sa ganitong klase ng mga scheme kasi nga ang daming iniisip na mabilis lang kumita at hindi sila matitigil hangga't hindi sila kumikita ng malaki.
Ayaw nila ng mabagal na paraan pero ang mga scammers ay nagiging wais na din kaya dapat sana mga kababayan natin na tumatangkilik sa mga scams project yun ang matigil. Pero sa mga lehitimong mga projects na gawang pinoy, maging mabusisi pa rin tayo kasi hindi naman lahat ay scam.
Mula pa noon nung nagsisimula palang ako sa cryptocurrency, napapansin ko na napakaraming mga pinoy ang nahilig sa referral system dati at mga HYIP at sa nakikita ko ang mga scammers ay tinitake advantage nila ang kawalan ng sapat na edukasyon at financial na awareness pag dating sa investments. Ang mga pinoy din kasi minsan ay napaka vulnerable nila sa ganyang mga bagay lalo na't alam naman nating napakahirap makahanap ng opportunity dito sa pinas, idagdag pa ang mga matatamis na pangakong ROI galing sa mga organizers ay talagang mahihikayat ang mga pinoy. Alam din naman nating illegal lahat ng pasugalan dito sa pilipinas maliban nalamang sa iilang rehistrado diba? pero bakit napakarami paring mga pinoy ang nagsusugal?

Totoo din na parte na rin ng kultura ng Pilipino ang pagsusugal pero kahit sabihin man itong ilegal ay maiintindihan din naman natin ang kakulangan dito sa pilipinas kaya mas pinipili nalang nilang makipagsapalaran sa ibang paraan. Kaya hindi rin ako magtataka kung bakit iba ang perception ng mga pilipino sa investments given na napakarami ng nangyaring hindi maganda dito sa pinas. Napakahabang panahon pa ang kailangan ipang tuluyang mabura sa isipan ng mga pinoy ang ganitong mindset at madami dami pa ang kailangang pagdaanan mga kampanyang kailangang ilunsad para magkaroon ng awareness ang ating mga kababayan.
Ok lang naman ang referral kasi nagagamit yan sa mga legit na business pati sa online shopping. Ang kaso nga lang, maging sa scam networking at iba pang uri ng scam, dito nagiging pangit ang imahe ng referral system. Ang akala kasi ng mga tao, yan lang ang basehan para kumita ng pera sa online at doon na natatak ang pag iisip na mali sa karamihan ng mga kababayan natin. Ang mga scammers naman, tinake advantage ang pagka-greedy ng karamihan sa mga kababayan natin. Kaya pati yung mga legit na start up projects na gawa ng mga kababayan natin, damay damay na lahat dahil sa mga hindi magagandang experience nila.
1265  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: April 24, 2023, 02:36:12 PM
Di ako fans ng mga maaangas pero tingin ko tatalunin ng Grizzlies yong Lakers bukas, huwag lang silang magpatambak sa umpisa.

Sana makabawi tayo bukas.
Baka mag tie pa yan bukas. Ganyan naman madalas nakikita natin sa mga playoffs at iilang team lang yung nakita ko na straight yung panalo. Pero sa Lakers at Memphis, parang dikit lang din naman halos bawat match nila. Parang sa start ng series na ito, palitan lang sila ng lamang saka panalo kaya tignan natin bukas baka Memphis to.
1266  Local / Pilipinas / Re: {Babala}: Mag-ingat sa P2P trading on: April 24, 2023, 10:03:31 AM
okay ba ByBit? May promo sila 15% cashback e. Haven't checked the app kasi Binance lang talaga ako pero gusto ko itake advantage yung promo nila.
Ok din naman yan, madami na rin tayong mga kababayan na gumagamit ng bybit. Pero ako sa ngayon, stick pa rin ako sa binance. Check mo yung Filipino page nila.
Meron ding mga community groups na diyan nagte-trade sa bybit, sali ka din sa mga group na yun para mas magkaroon ka pa ng maraming info about them.
1267  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: April 24, 2023, 08:26:54 AM
Sorry for bumping the thread that has been inactive for a month already.

Gusto ko lang sana i-share dito yung nangyari sa amin kagabi lang. Nagsend kasi ako ng Bitcoin galing sa coins.ph ko papunta sa coins.ph ng partner ko pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagrereflect sa account niya. Sinubukan rin namin na magsend galing sa coins.ph account niya papunta sa coins.ph account ko at ganun rin walang nag-reflect na Bitcoin sa account ko.

May naka-experience na ba ng ganitong scenario sa inyo? If yes, paano niyo naresolba yung issue? Nag-send na rin kasi kami ng ticket sa kanila at nagshare ng details kagabi, pero wala pa ring response hanggang ngayon. Salamat if may mag-share ng kanilang experience tungkol sa problemang ito.
Bukod sa changes na ginagawa nila ngayon, posible ba na max limit na kayo parehas? At isang puwedeng rason rin ay baka may pending KYC kayo sa kanila.
Ganyan nangyari sa akin nung nagsend ako tapos wala ring natanggap, tinanong ko mismo support nila at nilatag yung link ng follow up KYC ko sa kanila. Kaya posibleng ganyan din yan.
Ang mas maganda, rekta ka na sa support nila at itanong yung dahilan dahil nate-trace naman nila kasi kung coins to coins, dapat instant transfer yan.
1268  Local / Others (Pilipinas) / Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala? on: April 23, 2023, 11:32:45 PM
Sa ngayon naman nagbigay sila ng deadline ng registration sa mga sim card around first week nang April, pero may nag text sa tatay ko na ang deadline daw is April 30 for Globe sim card. Sa tingin ko panakot lang nila ang deadline para mag register ang lahat dahil nga baka isawalang bahala lang ito ng mga user paabutin pa ng taon ang registration.
Wala namang panakot dun ah, reminder yun na mag si register ang mga sim holder, kase if responsable naman mga tao matagal na sila nag pa register ng sim. Ilang buwan nag announce, at i dont think na aabot pa ng april 30 yung dead line hanggang april 26 lang at wala ng extension as per sa na rinig ka sa NTC.
Hindi nga naman panakot yun, reminder lang yun. Nagbigay na sila ng mahabang deadline at simula nung naisabatas yan, lagi na silang nagbigay ng advisory para sa lahat na dapat iregister na ang mga sim nila noon pa. Ganito kasi tayong pinoy, mahilig tayo sa extension at laging last minute lang gagawin ang isang bagay at parang in a rush pa. Madali lang naman mag paregister at hindi naman ganun katagal ang kailangang ilaan na oras, pabor ako doon na hindi na lagyan yan ng extension sa deadline.
1269  Local / Pamilihan / Re: PHLWIN Fraud/Scam nga ba? on: April 23, 2023, 09:11:37 PM
Sa aking natuklasan ngayon yung mga influencers na nagpromote ng phlwin kagaya ni @whamoscruz at @awitgamer ay biglang naghuhugas kamay na sila sa pagpromote nila ng phlwin. Siguro dahil nararamdaman na nilang madami ng nagagalit na mga followers nila at sinisisi na sila, ngayon nag-ala poncio pilato na sila at yung pamamaraan ng pagpromote nila sa phlwin biglang meron na silang paalala sa mga maglalaro samantalang nung nakaraang linggo sinasabi nila surewin at wala silang sinasabi na paalala sa mga mgrererhistro kundi pagnagrehistro direct sa link nila ay surewin ka walang talo at ang sobrang lalaki pa ng taya nila nasa 100k up tapos ngayon biglang nung pinapakita nilang natatalo din daw sila.
Ramdam talaga nila hate ng tao sa kanila, kung wala naman silang konsensya na mga tao. Siguro ganid lang talaga sila at walang pakialam sa mga nahihikayat nila magsugal at lalo na sa mga nalulong na. Yan ang hirap sa pagiging influencer lalo na kapag hindi masyado nag iisip kasi pera lang ang nakikita nila at akala nila easy at instant money lang sa kanila. Pero hindi nila naunawaan yung balanse sa sugal na kapag may natatalo, meron din namang nananalo.
1270  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Dating Pastor nag launch ng sariling Crypto! on: April 23, 2023, 07:32:20 PM
Biblically, ang salitang Ophyr/Ophir ay isang lugar na mayaman. Tingin ko doon niya binase para magmukhang kawanggawa at related sa religion.

  • "Kristocurrency"
  • "Iglesia ni Crypto"
  • "Pray to Earn"
  • "Cryptojerusalem"
  • "To the moonheaven"


Pili na ng kanya kanyang favorite meme lol.
Yan talaga agad naisip ko pero napost mo na haha. Dami kong nakita sa mga news pages dati na ganyang mga meme. Basta mga kababayan talaga natin ang bilis sa meme.  Grin

Bilang isang Christian, Maganda sana ang ganitong klaseng ideya kung transparent ang pagdistribute ng pondo sa mga recepient ng donasyon. Pero alam naman natin kung gaano kadaming mga scam na involved ang pastor sa ating bansa kaya duda ako sa maayos na kahihinatnan ng ganitong kalakaran.
Duda din ako, bakit sa "mahihirap" na bansa tulad ng sa atin siya magla-launch? Kasi madaming madaling mauto sa bansa natin at madaming kulang pa sa financial literacy at knowledge sa crypto.
1271  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: BAGONG SHITCOINS on: April 22, 2023, 06:33:00 AM
Welcome back sayo.
Para lang sa akin, tapos na yang mga meme coins na yan. Kung may mga pump man na mangyari sobrang minimal nalang niyan at hindi na diyan iikot ang market.
Kung sa tingin mo maaga ka naman nakapag accumulate ng mga yan, good para sayo at antayin mo nalang mag pump sila sabay benta. Mabilis ang galawan diyan kaya dapat lagi kang nakamonitor. Kung investor ka, yung kaya mo lang mawala ang iinvest mo. At kung libre mo lang nakuha yang mga yan, mas maganda kung ganun kasi effort lang ang talo sayo.
Salamat Kabayan!
Sa aking palagay nagiging katuwaan lang din siguro ng iba ang pagbili sa ng mga shitcoins ngayon upang makasabay sa uso talaga tulad ng pagputok ng mga NFTs last year. Pero nagiging seryoso lang naman ang mga investor sa pag-invest dito kapag napansin nila talaga na biglang angat ang presyo nito o kung may chance talaga sila maka-doble ng pera nila.
Kumbaga ganun na naging galawan ng karamihan sa mga investors, kung saan may hype, doon din sila pero masyadong risky yung ganyang galawan kasi nga sobrang taas ng volatility na tine-take nila. Posible rin talaga na maging seryoso ang mga investors na ganyan na namulat lang sa mga meme coins at narealize nila na parang ganun lagi ang galawan. Mas gugustuhin nila ng secured na investment nila kaya yung iba, kapag kumita na, ita-transfer nila sa bitcoin, eth, stable coins at iba pang mas worth it na crypto.
1272  Local / Pilipinas / Re: For how many years ngayon lang ulit nag balik sa bitcoin world on: April 21, 2023, 11:18:05 PM
Welcome sa inyong lahat na kakabalik lang, pati rin ako kakabalik lang at naging busy lang din sa totoong buhay.  Tongue

Marami ang naging inactive here sa forum pero still doing a crypto activities, its good that you come back kase may mga opportunity ren naman here to make money.

Ako, I can’t afford to leave this forum kase for me you can see everything here and maganda ang knowledge na possible mo makuha dito sa forum aside from making money from the bounty.
Mas maraming matututunan kapag naging active at parang bonus nalang yang mga side income na yan. Katulad ng laging sinasabi ng marami na parang incentive na yan. Pero ang biggest factor dito ay yung updated tayo at laging dagdag kaalaman. Kapag matagal o saglit na nawala sa space parang naninibago at nakakalimutan yung mga na acquire na knowledge.
1273  Local / Others (Pilipinas) / Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala? on: April 21, 2023, 09:06:00 PM
Maiba lang ako saglit pero related naman kasi nga malapit na matapos yung Sim registration nakatanggap din ba kayo ng mga messages galing sa mga bank nyo kung may apps kayo, kasi si BDO at EastWest nagpapaalala na need maregister yung Sim para hindi magkaproblema pagdating sa secure code / OTP.

Ilan din ito sa pwede talagang maging informational drive na need maresister talaga yung mag SIM mahirap magkaproblema lalo na pagdating sa usapan financial.
Sa email ko, nakareceive ako ng mga reminders tungkol sa pagregister ng sim. Halos lahat ng bank ginawa na yan at binigyan ng notice lahat ng customers nila para hindi magkaproblema sa OTP at iba pang verification purposes nila related sa sim number.
Kaya hangga't maaari, yung mga hindi pa nakaregister, mas maganda kung magparegister na kasi ilang araw nalang ay deadline na. Pagkatapos nun, mapipilitan pa rin naman ang bawat isa magparegister kaya kung gustong maretain yung number na meron ngayon, huwag nang antayin pa ang mismong deadline.
1274  Local / Pamilihan / Re: [Table] Withdrawal Fees at Withdrawal Amounts sa Crypto Casinos on: April 21, 2023, 07:21:25 PM
Yun nga kahit na sobrang tanda na ng FJ madami pa rin tumatangkilik sa kanila at hindi rin nagpahuli sa adoption ng mga mas bagong coins sa ngayon.
Isa na rin kasi ang withdrawal fees sa laban ngayon sa factors na pinipili ng mga customers kaya dapat ma-maintain nila yung fees na nagugustuhan ng karamihan ng mga customers nila.

Medyo humina na nga lang tlaga sila ngayon dahil madaming bagong casino na nagooffer ng matinding promotion at VIP benefits. Sa pagkakatanda ko ay walang VIP program dati si FJ at tanging referral program lang ang meron sila. Humina ang casino nila ng maglabasan ang mga casino na kagaya ng Stake, Sportsbet at Bitcasino na nagooffer din ng free withdrawal fee tapos sobrang ganda pa ng VIP reward system. Pero saludo pa din ako sa FJ dahil hindi pa dn sila naiiwanan at mayroon pa dn silang signature campaign dito sa forum.
Oo, no contest sa bagay na yan kasi sobrang dami at bigat na ng competition ngayon at kahit papano nakakasabay pa rin naman sila sa marketing para hindi sila tuluyan na makalimutan ng mga tao. Iba pa rin talaga yung presence kapag may mga on going na campaign at mga promotions na mas nakaka-attract sa mga gamblers. Kaya sa ibang casinos na nawalan na ng campaign, mapapansin natin na medyo nagla-lie low sila sa presence nila dito sa forum kahit na may mga long time customers na sila.
1275  Local / Pamilihan / Re: [Table] Withdrawal Fees at Withdrawal Amounts sa Crypto Casinos on: April 20, 2023, 08:46:46 PM
Naalala ko lang fortunejack na isa sa sobrang daming mga altcoins na accepted dati at point na yung mga accepted niya na altcoins dati ay nakalimutan na ngayon ng marami.

Natatandaan ko dn ito. Isa kasi si FJ sa pioneer crypto casino kasabayan ng Primedice at Bitsler kaya puro mga old school tokens yung mga nakalist sa knila dati kagaya ng clam at redcoin na ngayon ay hindi kilala. Matagal na akong hindi nakakalaro sa FJ pero masaya ako na makita na napanatili nila yung free withdrawal fee dahil sila lang dati ang nagooffer ng gnun.
Yun nga kahit na sobrang tanda na ng FJ madami pa rin tumatangkilik sa kanila at hindi rin nagpahuli sa adoption ng mga mas bagong coins sa ngayon.
Isa na rin kasi ang withdrawal fees sa laban ngayon sa factors na pinipili ng mga customers kaya dapat ma-maintain nila yung fees na nagugustuhan ng karamihan ng mga customers nila.
1276  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin balik 20k$ na ulet. Bear? on: April 19, 2023, 11:08:23 PM
Madami na ako na nakikita sa youtube about cryptocurrencies lalo na sa usapan ng Bitcoin at presyo neto sa market. Ang daming mga analys nanaman ang naglalabasan at parang hinahype nanaman ang market dahil nareach nila ang 30k$ sa market. Lalo na dahil kila sa mga market analysis nila na maaaring maulet ang history ng bitcoin dahil dati ay nangyari na rin ang pagreject sa 30k$ at parehong pattern, kaya maraming mga influencers ang nahyhype sa Bitcoin. Yung mga dating cryptoyoutubers na hindi na nagpopost ay nagpopost na ulet ngayon dahil sa pagangat ng presyo ng Bitcoin. Maaaring correction lang ito ang matagal na panahon pa bago ulet magskyrocket ang presyo ng Bitcoin, pero randam na ang hype sa social media for sure dadami nanaman ang mga investors.
Normal na yan kapag gumaganda ang market, maraming magpopost ulit na mga influencers at pa lowkey lang na gumagawa ng content ulit about sa market.
Hindi natin sila masisisi kasi yan ang content nila pero sana iwasan nalang nila manghikayat pa ng mga bagong investors na mag invest sa mga projects na shinishill nila. Kasi hindi na maganda ang tingin ng mga tao sa mga influencers lalo na kung may mga sablay silang advertisements.
Expect pa natin na mas dadami yan after ng halving kasi parang yun talaga ang kasagsagan ng dadami pa lalo mga investors.
1277  Local / Pilipinas / Re: Possible kaya ang UITF investmet style sa Bitcoin at Altcoins on: April 19, 2023, 08:57:49 PM
Maganda sa unang paningin yung ganitong type of investment kasi nga pooled funds kayo at hati hati kayo sa risk. Pero individually, hindi nawawala ang risk at para sa akin nga parang mas risky pa yung ganitong uri ng pag iinvest kasi very volatile ang bitcoin at altcoins. Sa US pagkakaalam ko parang may mga ganitong type na ng investment. Pero para sa akin, kaya nga ang bitcoin ay may description na "Be your own bank". Meaning, na ikaw na mismo may kontrol sa sarili mong pera, mapa-hold ka man o investor. Made-defeat ang purpose ng ganung description kung iaasa mo sa iba ang pagkontrol ng asset mo.
1278  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: BAGONG SHITCOINS on: April 19, 2023, 07:50:59 PM
Welcome back sayo.
Para lang sa akin, tapos na yang mga meme coins na yan. Kung may mga pump man na mangyari sobrang minimal nalang niyan at hindi na diyan iikot ang market.
Kung sa tingin mo maaga ka naman nakapag accumulate ng mga yan, good para sayo at antayin mo nalang mag pump sila sabay benta. Mabilis ang galawan diyan kaya dapat lagi kang nakamonitor. Kung investor ka, yung kaya mo lang mawala ang iinvest mo. At kung libre mo lang nakuha yang mga yan, mas maganda kung ganun kasi effort lang ang talo sayo.
1279  Local / Pilipinas / Re: Negative Perception sa PH Crypto Start-up project on: April 18, 2023, 11:37:50 PM
Dahil din subok ng subok ang mga pinoy kahit walang kasiguraduhan sa pinapasok nila kaya sila ay nabibiktima kadalasan ng mga scammers. Naalala ko tuloy yung issue tungkol sa mine games na phlwin, same concept parin na ginagamit ang mga influencers para ma hype ang project, eh eto namang mga kababayan natin gusto ng easy money kaya ayun sinubukan, tapos mag rereklamo kung sakaling madali sila. Usually din kasi kapag pinoy lack of financial education and awareness, kawawa lang ang mga nabibiktima.
Hindi na mababago o kung mabago man yang ugali ng mga kababayan natin tungkol sa easy money sobrang baba lang chance. Kasi dapat magkaroon ng mga drive tungkol sa financial education na walang easy money. At kapag may mga ganyang offer dapat maging mapanuri at huwag lang basta basta naniniwala. May mali rin kasi sa sistema natin at dahil na rin sa hirap ng buhay kaya ang mindset ng iba ay na-stuck nalang sa mga easy money schemes na kahit alam nilang scam ay ang isip naman nila, "hangga't hindi pa nagiging scam, kikita muna".
ganitong ganito talaga ang common na mentality ng pinoy kaya usually napakadali nilang mabiktima sa mga get rich scheme, at ang nakakatakot pa ay napakadali nilang nag recommend sa kapwa pinoy ang masaklap pa ay kadalasan kapamilya lang nila unang nirerecommend kahit alam naman natin na walang puruhang kumita sa mga recommendation nila.
Basta kasi i-front lang ng pera na madami, akala nila legit na at ganun gumagana ang greed. Ang daming hindi pa rin matuto tuto sa ganitong klase ng mga scheme kasi nga ang daming iniisip na mabilis lang kumita at hindi sila matitigil hangga't hindi sila kumikita ng malaki.
Ayaw nila ng mabagal na paraan pero ang mga scammers ay nagiging wais na din kaya dapat sana mga kababayan natin na tumatangkilik sa mga scams project yun ang matigil. Pero sa mga lehitimong mga projects na gawang pinoy, maging mabusisi pa rin tayo kasi hindi naman lahat ay scam.
1280  Local / Pamilihan / Re: Gcash/Paymaya (Help & Concerns) on: April 18, 2023, 10:03:01 PM
Pagkakaalam ko naman may automatic feature si gcash na hindi magpo-proceed ang transaction kung wala namang gcash account yung number na sinusubukan mong padalhan. Kasi puwedeng ipasok lang nila ang problem ng limit ng mga nonregister simcards kapag walang makitang registered sa system nila kasi wala ngang tatanggap so, naka limit siya. Sobrang dami pa ring dapat i-improve sa mga ganitong what if/else situations ng gcash at number natin pero makikita natin mangyayari kapag tapos na ang registration period ng mga sim cards natin. Nakapag register na ba ang lahat?
Pages: « 1 ... 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 [64] 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!