Bitcoin Forum
November 19, 2024, 02:45:15 PM *
News: Check out the artwork 1Dq created to commemorate this forum's 15th anniversary
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 [24] 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 ... 238 »
461  Local / Others (Pilipinas) / Re: Misleading headline ng mga media on: August 31, 2020, 10:25:48 PM
I've watched the GMA news video that the OP provided but I didn't really focus on the news itself kasi alam ko naman na Bitcoin trading investment scam na naman ito pero ang napansin ko sa Facebook post na ito in particular is yubg comment section nya dahil na-curious ako sa magiging reply ng mga tao dito. Overall medyo natuwa ako sa reply ng mga kapwa nating Filipino dahil hindi nila nakitang scam ang mismong cryptocurrency kung hindi ang “easy money” scheme na nasa likod nito. Kaya para sa OP sa tingin ko dapat wala kang pang-ngambahan dahil madaming Filipino na ang aware sa mga ganitong kalakaran.
Sa tingin ko ang nais iparating ni OP talaga dito is yung paglalagay ng headline ng Media, makailang ulit na sila sa paglalagay ng headline na misleading hindi lang sa bitcoin kung di sa iba pang topic especially sa gobyerno natin. Hindi na siguro mawawala ang mga ganitong eksena sa crypto, nakadikit na talaga ang scams dito dahil umiikot ito mainly sa pera talaga, siguro ang best na magagawa ng mainstream media dito is yung pang sspread ng awareness, never pa ko nakakita ng news about avoiding scams.

Yes I get what the OP is trying to say but my point is most Filipinos in the social media na nakikita ko ay mukhang nagiging marunong na when it comes to reading the news at hindi lang basta-basta magbabasa ng puro headline lang. Hindi lang crypto-related news but kung hindi balita sa Pilipinas overall mapa-politics man yan o di kaya tungkol sa pandemic mostly makikita mong mga reply ng tao is either pag-cocorrect sa misleading article o di kaya pag-lilinaw ng mga Filipino tungkol sa balita. Pero tama ang sinabi ng OP na tungkol sa mga balita natin na sanay gumawa ng misleading title o di kaya wrongly created article, para talaga sa mga hindi nag-babasa ng buong article o di kaya walang ka-alamalam sa topic ay maniniwala na kaagad sa sinasabi ng media natin.
462  Local / Others (Pilipinas) / Re: Misleading headline ng mga media on: August 30, 2020, 11:12:15 PM
I've watched the GMA news video that the OP provided but I didn't really focus on the news itself kasi alam ko naman na Bitcoin trading investment scam na naman ito pero ang napansin ko sa Facebook post na ito in particular is yubg comment section nya dahil na-curious ako sa magiging reply ng mga tao dito. Overall medyo natuwa ako sa reply ng mga kapwa nating Filipino dahil hindi nila nakitang scam ang mismong cryptocurrency kung hindi ang “easy money” scheme na nasa likod nito. Kaya para sa OP sa tingin ko dapat wala kang pang-ngambahan dahil madaming Filipino na ang aware sa mga ganitong kalakaran.
463  Local / Others (Pilipinas) / Re: Bitcoin Code Scam - Sinira naman nila yung imahe ni Bitcoin sa Pinas!!!! on: August 27, 2020, 10:09:45 PM
Wala n finish na, dumadami n ang may ayaw sa bitcoin. Lalo sa fb magpost k lng about sa crypto sasabhin nila ingat, scam wag papaloko, eh narinig lng naman nila sa ibang tao n hindi nagreresearch

To be fair, reasonable naman ung sinasabi nilang mag ingat dahil marami talagang scams. Though yea nadadamay nga ang Bitcoin dito dahil maraming may tingin sa Bitcoin e scam. Introduction ba naman kasi ng Bitcoin sa maraming tao e mga investment scams.

Personally sa Facebook feed ko wala pa naman akong nakikitang negative comments regarding sa mga kaibigan ko or kahit sa mga komento ng tao sa isang public post tungkol aa Bitcoin. I don't know kung dahil na din sa group of friends ko o dahil na rin mga crypto related Philippime groups ang kasali ko pero lahat ng komento ng mga taong ito ay kayang hiwalayin ang scam at ang cryptocurrencies. Siguro depende na din talaga sa nakakasalamuha mo na tao sa social media kung ano ang magiging komento nila sa crypto.
464  Local / Others (Pilipinas) / Re: Blockchain on Online Classes for Computer Studies on: August 26, 2020, 10:42:22 PM
The school is partly to blame here on hiring incompetent people para sa kanilang subject/seminar na ginawa para sa isang blockchain related na topic. I say partly kasi baka naman ay yung mga heads ng school ay unaware din about sa topic kaya hindi nila alam yung mga pinag-sasabi ng mga taong yun. On the other hand kailangan din natin isipin na medyo mahirap talaga yung Blockchain and related topics kasi in our current state wala naman tayong official courses about cryptocurrencies so obviously we won't produce any qualified people to handle in this kind of matter. When it comes to prgress in our education system don't expect na magkakaroon tayo ng mga knowledgeable people na kayang mag handle ng topics related sa crypto not unless mag-hire yung mga school na ito internationally para may matutunan talaga yung mga estudyante.
465  Local / Others (Pilipinas) / Re: Bitcoin Code Scam - Sinira naman nila yung imahe ni Bitcoin sa Pinas!!!! on: August 25, 2020, 10:46:23 PM
I think this is related to this thread yung pag-kakaiba lang nila is nung una is si Carlos Domiguez ay ini-endorse nya ang Bitcoin Revolution at hindi yung Bitcoin Code na ito. Sa tingin ko with the same story line as well as the use of the same people mukhang pare-parehas lang yung mga tao na nag-papatakbo ng scam na ito, the problem is wala tayong nakikitang mabilisang aksyon sa ating gobyerno when it comes to scams and the blockage of their websites kaya for me ang mabilisang aksyon dyan magsisimula satin at ang pagbabawal sa mga kakilala natin.

Lagi nating tandaan sa ganitong klaseng scam.

Known personalities as well as rich people ≠ Bitcoin Trading services

Sa aking experience wala pa akong kilalang celebrity o di kaya bilyonaryo na involve sa cryptocurrencies maliban nalang kay Paolo Bediones o di kaya mga nasa gobyerno na kaya be skeptical na bigla nalang lalabas yung mga ganitong interview daw sa kanila at biglang mage-endorse ng isang Bitcoin trading program o di kaya investment website.
466  Local / Pilipinas / Re: P60 Million Worth of Gift Card Scam - Converted To Bitcoin on: August 24, 2020, 10:12:52 PM
Obviously the reputation of SYKES the company is the one affected here not Bitcoin dahil ang mismong Google na ang nag-pull out sa kanilang contract with SYKES being their local outsourced partner. As a Bitcoin hodler sa sarili kong opinyon hindi naman masisiraan ang Bitcoin dito dahil yung mga ex-employees lang naman ay nag-covert sa na-iscam nila to Bitcoin at hindi naman talaga ginamit ang Bitcoin para sa scam. As long as we have reliable news at walang mga misleading article na kumakalat yung reputasyon ng Bitcoin ay hindi masisira, kalaunan din magbabago yung pananaw ng public about Bitcoin na isang digital currency lang ito na walang kaugnayan sa mga illegal na bagay.

For the gift card scam done by these employees sa tingin ko yung ginagawa nilang scam is yung mga napapanuod natin sa Youtube channels na mga scammers ay nagpapanggap na customer support or di kaya IRS tax agent na para makapagbayad or avail ng service nila dapat ay bumili sila ng gift card from Amazon to Apple Store at yun yung nanakawin sakanila. Sa tingin ko similar na klase ng scam ang ginagawa ng mga ito dahil narin may equipment sila para gawin ito.
467  Local / Others (Pilipinas) / Re: UnionBank SMS phishing scam alert! on: August 23, 2020, 10:17:11 PM
UB na naman ang tinira nung mga nakaraang buwan coinsph ang pinasok nila ang nakakapagtaka bakit yung mismong official sms sender ng unionbank ang ngtext? anu un napasok nila yung messaging system ng UB galing naman mangulimbat ng mga to kaso lang ginagamit sa masama marami naman pagkakakitaan sa mga ganyang talent hindi yung magnakaw nalang sa ibang tao. UB user den ako at naka 2fa codes sakin via app kasi nga nadadaya den pala tong sms kaya sa app ako kumukuha ng codes bsta maging mapanuri lang sa mga website na pinapasok unang tingin palang naman fake phishing site na naka http lang hindi manlang encrypted most likely fake site talaga.

Kaya dapat palagi tayong maging ma-ingat sa mga bagay pag-dating sa mga online activity natin. Don't be afraid on other a few extra steps katulad ng pagdoublecheck ng mga url links at tignan kung ito nga ba talaga ang totoong url ng banking or wallet site ninyo dahil katulad ng nangyari sa UnionBank kahit personal messaging service nila ay napuntirya ng mga hacker. Ako personally ay ginagawa ko yun pag-bumibisita ako ng mga website na may hawak akong pera dahil number 1 priority ko talaga ang protection ng aking mga accounts dito kaya doble ingat ako.
468  Local / Pilipinas / Re: Bangko Sental ng Pilipinas on Crypto adoption on: August 22, 2020, 07:26:40 PM
Sa kabila ng pagtutol nuon ng mga Bangko tungkol sa cryptocurreny pero may isang pasabog na pahayag ang na pinakawalan ang Sentral Bank natin.

This statement is not true Philippines even before naging governor si Benjamin Diokno sa BSP has not seen cryptocurrencies as an illegal form of asset sa ating bansa kasi ever since sa emergence ng cryptocurrency naging open ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa industriya na ito. I remembered that during Nestor Espenilla Jr.'s run as a governor madami na syang naging statements on the topic of cryptocurrencies, hindi lang ito masyadong alam dahil hindi din lumabas sa mainstream media ang kanyang mga statements.

But there it is. Cryptocurrencies are a medium of exchange. The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) recognizes this.  We have defined crypto or virtual currency as any "form of digitally stored value created by an agreement within the community of virtual currency users."   As far back as 2014, the BSP advised the public of the features, benefits and attendant risks in dealing with cryptocurrency.

Even before his tenure as the governor of BSP nakasulat dun sa statement nya na kahit nuong 2014 pa ay recognize na at aware ang BSP sa cryptocurrency. For me personally kasi ay wala pa akong nakikitang statements na nang-gagaling sa BSP na negatibo tungkol sa cryptocurrency puro mga warning lang about scams and nothing about crypto being a bad thing para sa bansa natin. Sa dinamidami na din na locally licensed crypto exchange sa Pilipinas sa tingin mo ba na mataas pa din yung chance na maging illegal ito sa bansa natin? Kasi IMO medyo malabo na considering na madami na ding investments ang mga foreign investors sa CEZA project.
469  Local / Others (Pilipinas) / Re: UnionBank SMS phishing scam alert! on: August 20, 2020, 11:29:12 PM
~snip
UnionBank should be liable to this case as the phishing link came from their contact. There has been a breach on their messaging side which sends the victim the phishing link. Above picture clearly shows that the UnionBank messaging contact is legit as it also sends notifications such as OTP, transaction etc,.
On the facebook post where this came from, UnionBank already contacted the victim and reported this to their security department which indicates a probable breach on their messaging contact.

No they aren't liable in any way. Like what you said tgere has been a “breach” on their system which mean UnionBank didn't intend this kind of thing to happen. Yung ganitong klaseng scam kasi is fraud which requires deceit from scammers to fool people at yun nga nangyari sa biktima.

For example is yung Twitter hack na nangyari na madaming naloko dahil mga influential people at verified accounts ang nagpost nito. After the hack you won't see both these hack accounts and Twitter as bring liable for what happened. Para mo na din kasing sinabi na kailangan bayaran ni Barrack Obama, Elon Musk, at Bill Gates dahil sa kanilang mismong Twitter account nang galing yung panloloko kahit hindi naman sila yung nag post.

I see then. Pero on both way, walang mali sa customer. And so, I was wondering if naibabalik ba 'yong pera sa mga ganitong case? Looks like it wasn't the customer's responsibility naman, to begin with. Not unless 'yong number na nag-send ng notice with malicious link was entirely different sa ginagamit ng Union Bank, then if so, it would be a different story na kasi 'di nila chineck before making any actions. 

Yeah mababalik ito. With the given screenshots makikita mo naman na pinangalanan yung sinendan niya ng pera and sa alam ko may record naman ang UnionBank ditosa kanilang mga account number at holders nito. Kung pekeng tao ang gumawa nito they can backtrack a bit to see when the account was created and what branch, dito na nila makikita mga cctv records para mamukaan yung mukha ng pinagsendan ng pera.
470  Local / Pamilihan / Re: Crypto Wallet Na Pwedeng Gamitin Sa Mga Bago Pa Lang Sa Cryptocurrency on: August 19, 2020, 11:46:12 PM
~snip
Doon sa main app nila walang private key dahil exchange pero yung sa Coinbase Wallet app bibigyan ka ng option to store the private key or back up in form of a 12 word recovery phrase.

Kung ikukumpara ko yung wallet nila parang katulad siya ng Coinomi may legacy at segwit addresses na available sa tingin ko hindi siya masama gamitin as a starting multi coin wallet if yun ang prefer mo basta huwag lang malaking halaga ilalagay.

Yeah I've read about the Coinbase Wallet app that Coinbase but based on the their recent reviews sa mga user nila mukhang hindi pa din advisable sa mga newbies na gawing starting wallet ito. Based sa recent feedbacks ng mga user nito mukhang madami pang hindi kayang gawin ng wallet na ito kumpara sa ibang multi wallet it can't adjust gas limits or cancel transactions sa ETH may mga users naman na naglockout sa sariling account nila at hindi na nila mabuksan ulit yung app dahil sa isang glitch. Literally yung mga recent reviews nila puro 1 star lang.
471  Local / Pamilihan / Re: Crypto Wallet Na Pwedeng Gamitin Sa Mga Bago Pa Lang Sa Cryptocurrency on: August 18, 2020, 08:52:12 PM
I strong advice for newbies to not use a custodial wallet as their first wallet in the crypto industry. Rinirespeto ko yung opinyon mo OP thinking na safe ang Coinbase kahit online wallet sila pero the fact na online wallet sya ay isa na sa mga cons na nakikita ko, yes Coinbase might not be hackable pero as a user sa tingin mo guaranteed ka na wala kang madadaanan na mga phishing emails and website or yung email mismo mo ay hindi mahack? Of course not dahil araw araw may nabibiktima dito at pwede nila makuha yung cryptocurrencies mo na wala kang ka-alamalam. Aside from that Coinbase wallets don't give you any private keys para sa crypto wallet mo na para sakin ay medyo panget kasi hindi talaga ikaw ang talagang nagmamayari ng wallet mo. Non-custodial wallets might be tough on newbies and isn't easy to use as custodial wallets pero ones na naging familiar ka na sa U.I. nito magagamit mo ito ng maayos at aside from that mas madaming uses ito like signing messages as well as sending Bitcoin to multiple addresses at the same time.
472  Local / Others (Pilipinas) / Re: UnionBank SMS phishing scam alert! on: August 17, 2020, 09:56:57 PM
Medyo next level na yung kanilang phishing na ginagawa dahil kahit mismong Union Bank contact number ang kanilang nagagamit para makapangloko. Dati kasi pagka phishing sasabihin mo na hanggat di nang-gagaling sa totoong email or contact number ng bangko nangagaling yung message alam mo ng phishing email/text ito pero sa ganitong sitwasyon na may access sila sa contact number ng UnionBank ay medyo delikado na ang lahat. Sa tingin ko kailangan umaksyon ang mga bangko dito or kung hindi naman nila ginawan ng agarang aksyon dapata maki-elam na ang Bangko Sentral dito kasi sa potential system breach mukhang madaming pera ang makukulimbat ng mga kriminal na ito sa kanilang pamamaraan.
Hindi ba parang liable rin 'yong Union Bank rito? Not sure ah, pero paano nangyari 'yon kung 'yong source naman is galing mismo sa UB? Meaning, may fault rin sa side nila, right? Parang automatic na kasi pagkakatiwalaan ng customer 'yon if sa legitimate number naman galing 'yong notice. Or am I missing something? Sorry, medyo nako-confuse ako. I'd appreciate if someone could enlighten me here.

Parang ang hirap naman i-exclude 'yong legit sa hindi kung ganiyan. Not unless kung magbibigay sila ng prior notice through their web or sa socmed, what if hindi?

There are 2 ways na ang Union Bank ang magiging liable sa system breach na ito. Either the complainant will prove that the system breach was due to their negligence or inside job ang nangyari, either way this will involve a thorough investigation kung ano nga ba talaga ang nangyari. Since may nanakaw ng pera due to cyber crime we can expect that the police will be investigating this and maybe NBI as well dahil narin sa gravity ng pangyayari na ang system ng isang bangko ay nacompromise. Hacks like this can happen kaya hindi basta basta liable ang bangko sa pangyayari lalong-lalo na kung wala silang kapabayaan sa mga requirements and standards na binigay sakanila ng gobyerno.
473  Local / Others (Pilipinas) / Re: UnionBank SMS phishing scam alert! on: August 16, 2020, 08:55:11 PM
Medyo next level na yung kanilang phishing na ginagawa dahil kahit mismong Union Bank contact number ang kanilang nagagamit para makapangloko. Dati kasi pagka phishing sasabihin mo na hanggat di nang-gagaling sa totoong email or contact number ng bangko nangagaling yung message alam mo ng phishing email/text ito pero sa ganitong sitwasyon na may access sila sa contact number ng UnionBank ay medyo delikado na ang lahat. Sa tingin ko kailangan umaksyon ang mga bangko dito or kung hindi naman nila ginawan ng agarang aksyon dapata maki-elam na ang Bangko Sentral dito kasi sa potential system breach mukhang madaming pera ang makukulimbat ng mga kriminal na ito sa kanilang pamamaraan.
474  Local / Others (Pilipinas) / Re: Carlos dominguez vs banks on: August 15, 2020, 07:18:58 PM
Please practice fact check po tayo bago mag post or mag sabi or mag tanong sa community/social media about sa mga ganitong bagay.
Minsan sa simpleng tanong/post regarding sa mga headline/caption galing sa mga misinformation articles ay nag kakaroon ng bad result/impression at influence sa ibang tao, lalo na sa mga di marunong mag basa ng content or naka free data lang, only captions at headline lang ang binabasa sa mga clickbait na title tulad nito.

Well to give him a chance his post about this question came 1 day earlier (August 12) compared sa mga news na lumabas about the Dominguez promoting crypto trading in Eat Bulaga is False (August 13) nung nag-Fact checking ako lahat ng news about it ay dumating at the same time ng Rappler article na binigay ko lahat ay August 13. Kaya siguro ginawa ng OP ang topic na ito to clarify some things kung totoo nga ba ang nakita nya which for me is a good trait para sa mga nagba-background checks na walang nakotang reliable source online.
475  Local / Pamilihan / Re: Withdraw funds from gambling site to ??? on: August 14, 2020, 08:21:04 PM
To add not just coins.ph has the ability to lock out your account at chaka freeze yung crypto mo but all custodial wallets has that power basta malabag mo ang terms of service nila kaya I wouldn't recommend a direct withdrawal to any custodial wallet mapa Coins.ph man yan or Coinbase or even Abra. Maus0728's suggestion is good or simply just using a non-custodial wallet like Electrum ay magandang paraan din para maiwasan mo yung mga ganitong bagay.
476  Local / Others (Pilipinas) / Re: Carlos dominguez vs banks on: August 13, 2020, 10:23:57 PM
Sa unang sentence palang malakas na kutob ko na parang similar yan sa nakita ko dati. Na may isang sikat na Filipino businessman, Enrique Razon, ay kumikita ng milyon sa kanyang "automated" Bitcoin trading system which lowkey endorses a HYIP site which is Bitcoin Revolution and upon searching mukhang tama ako na peke ito.

FALSE: Dominguez endorses bitcoin trading program

Similar ito dun sa nakita kong fake Bitcoin trading system na may ginawang interview and madaming lumalabas na ganito hindi lang mga celebrities or news anchors pat narin mga businessman para magmukhang totoo na kumikita talag sila sa ganitong mga website. Sa tingin ko madaming naloloko yung ganitong fake advertisement kasi palagi na nila itong ginagawa kaya mag-ingat nalang tayo at maging aware sa ganitong modus ng mga HYIP sites. And come on bro I've watched Eat Bulaga several times already at wala naman nangyayaring interview portion dito kung hindi sila contestant sa show which I doubt ang mga milyonaryo ay kasali, simple lang pag hindi niyo ito nakita sa palabas or video ng actual interview it simply doesn't exists.
477  Local / Pamilihan / Re: [ASKING] Ledger seller sa Pinas on: August 11, 2020, 09:54:09 PM
I wouldn't advice you buying ledger nano s from anywhere aside sa kanilang mga certified retailers na nasa listahan na binigay ni blockman due to the device having a chance that it is tampered. Kahit mataas pa reviews nila sa Lazada or Shopee I wouldn't still recommend you buying from them not unless certified retailers sila ng Ledger. I remembered a topic about this one na kung saan si Maus0728 at cryptoaddictchie ay bumili direkta sa website ng Ledger at may binayaran lang silang shipping cost mukhang napamura pa nga sila dahil sa 50% of nila binili yung hardware wallet nila. Kahit ako may issues ako sa sarili nating bureau of customs pero mukhang maayos naman nilang natanggap yung package nila kaya sa tingin ko mas ok na rin ito na bibili ka direkta sa website nila. Just double check the website kung Ledger website nga ang binibisita mo kasi madami ding fake Ledger and Trezor websites ang lumilitaw kahit sa Google search results.
478  Local / Others (Pilipinas) / Re: Online transactions and house bill #6765 on: August 11, 2020, 08:51:25 PM
I think lahat naman ata ng produkto at serbisyo ay ang mga consumer ang nagbabayad ng tax tingnan mo ang mga pangunahing bilihin wich is hindi natin alam na may hidden charges pala at very wrong talaga dapat yun dahil dapat yung kompanya talaga ang magbabayad pero malabo eh nasimulan kasi ng dating mga korap na opisyal ang ganitong gawain kaya malabo na mabago ang systema.

At tsaka di naman dahil may pandemic e exempt ba ang ganyang bagay dahil gumagalaw pa naman ang ekonomiya at nararapat lng talaga maghanap ng paraan ang gobyerno na kumita dahil unti2x ng nauubos ang pundo ng gobyerno laban sa pandemyang ito. Mainam siguro na wag nating isipin ang maliit na bagay na yun dahil malaking tulong nadin ang tax natin upang tumakbo ang ating ekonomiya at may magamit ang gobyerno para sa mga pangangailangan lalo na sa panahon ngayon.

Read my post above like I said yung orihinal na proposed tax ay hindi targeted satin or tayo ang magbabayad. Ang una nilang prinopose na tax eh ay dapat ang magbabayad ay ang mga e-commerce businesses na ito at ang mga international companies like Facebook, Netflix, at Twitter na wala namang office dito pero kumikita sa mga citizens ng Pilipinas which for my side is a good thing kasi kumikita sila sa taong bayan pero hindi sila nagbabayad ng buwis para dito. Pero ang nakakagulat dito is instead na gawin ito eh ang ginawa na nilang proposed tax ay VAT sa mga serbisyon katulad ng Lazada at Shopee which instead na ang kumpanya ang magbabayad eh ang taong bayan ang magbabayad.

Sa tingin ko ngayon ay mas pag iigtingin nila ang pag tingin sa mga kumikita online dahil ngayon ay nasa isa na naman tayong MECQ at ang mga ilang iniinda na ng gobyerno natin ay wala na daw silang mapag kukunan ng pera at dahil dito mukhang mas pag lalawak na nila ang mga online transactions with tax.

Ngayon ay umutang na naman ang ating bansa, at may nakita din ako na video ni NasDaily sa internet kung saan pinapakita niya ang china trap na loan debt which is strategy nila upang lumakas ang kanilang sinasakupan. Tingin ko hindi ito good debt sa ating bansa.

To be honest medyo malayo ang Pilipinas para maging katulad ng ibang bansa na nahulog sa debt trap ng China dahil yung mga nabiktima na nilang bansa is mas mahirap kumpara satin at higit sa lahat yung utang na kinuha nila ay alam ng China na hindi nila mababayaran. Ang problema lang sa utang na meron tayo ngayon is sa sobrang laki nito is kahit ang mga apo ng apo natin eh meron parin binabayaran ang Pilipinas tungkol dito. At malaking factor ito sa magiging development ng Pilipinas even after the pandemic will be gone.
479  Local / Pamilihan / Re: Scammers BTC addresses at iba pa on: August 10, 2020, 09:58:31 PM
~snip

It took me time on finding if they have this "as is" type of reporting katulad na din ng unang post ko tungkol sa website na ito to see kung mas reliable yung way nila sa pag-report ng mga addresses na ginagamit ng scammers and yes parehas lang sila ng scam-alert.io.

Disclaimer of Warranties

You understand and agree that the information on this site is provided "AS-IS", and does not constitute legal or financial advice.

Katulad ng sinabi ko sa unang post ko bro yung ganitong klase na reporting na mag-titiwala ka lang sa reports ng ibang tao to create a database isn't the most reliable way kasi pwede itong gamitin ng mali ng ibang tao para pakinabangan nila. Mas magiging ok yung serbisyo nila kung gagawa sila ng sariling fact checking kung yung mga address nga na ito ay tama at hindi panloloko ng ibang tao lamang.


I totally agree bro, kaya sabi ko rin na hindi reliable at talagang pwedeng abusihin talaga. Ako naman ang ginagawa ko eh sa pag hahanap ko ng mga scams at na verify na scam talaga talaga, katulad ng mga fake giveaways, ni rereport ko, parang konting tulong na lang para sa iba. Smiley. Pero syempre ang mga loko gagawa lang ng ibang address lusot na. Pero lately, gumagawa ang mga kriminal ng vanity address, para mapaniwala ang mga baguhan katulad ng 1Muskxxxx na addresses, kaya ingat din tayo sa mga ganyan btc address, malamang sa kriminal na yan at wag magpadala ng btc sa mga yan.

TBH I don't see the need of doing background checks with addresses lalong lalo na kung wala namang reliable service na magbibigay sayo ng garantisadong sagot. For example sa recent Twitter hack na may fake giveaways ang mga kilalang personalidad obviously alam mo ng may nangyayaring mali dun kahit hindi mo na i-search yung address na nalink. Fake Youtube giveaways, impersonating social media pages, at scam emails alam mo naman na peke na ito kung aware ka na sa mga scam. Para naman sa mga baguhan all you need to do is maging aware sa mga ganitong klaseng scam na nangyayari sa crypto industry and kahit sa industry na ito there is no such thing as "easy money" kaya if what you are seeing is too good to be true most likely scam yan.
480  Local / Pamilihan / Re: Scammers BTC addresses at iba pa on: August 09, 2020, 11:02:16 PM
Meron pang isa;

https://www.bitcoinabuse.com/

Again, hindi masyado to reliable kasi nga pwedeng gumamit na lang ng bagong btc address itong mga kriminal na to. But at least you can check muna yung mga addressses, wala naman mawawala kung maingat tayo. Mas maganda nga yung medyo may magka 'praning' tayo, kesa maging biktima naman.

It took me time on finding if they have this "as is" type of reporting katulad na din ng unang post ko tungkol sa website na ito to see kung mas reliable yung way nila sa pag-report ng mga addresses na ginagamit ng scammers and yes parehas lang sila ng scam-alert.io.

Disclaimer of Warranties

You understand and agree that the information on this site is provided "AS-IS", and does not constitute legal or financial advice.

Katulad ng sinabi ko sa unang post ko bro yung ganitong klase na reporting na mag-titiwala ka lang sa reports ng ibang tao to create a database isn't the most reliable way kasi pwede itong gamitin ng mali ng ibang tao para pakinabangan nila. Mas magiging ok yung serbisyo nila kung gagawa sila ng sariling fact checking kung yung mga address nga na ito ay tama at hindi panloloko ng ibang tao lamang.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 [24] 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 ... 238 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!