Bitcoin Forum
November 19, 2024, 02:03:54 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 [25] 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 ... 238 »
481  Local / Others (Pilipinas) / Re: Online transactions and house bill #6765 on: August 09, 2020, 09:36:07 PM
With the growing debt of the nation day by day, they are trying to seek for ways to at least pay for that debt, or to supplement whatever payment they can recoup with the available taxation streams they have currently.
Maganda naman ang adhikain nitong batas na ito, yun nga lang bibigat ang babayaran ng mga taong gumagamit ng mga online services na tatamaan sa batas na ito, dagdag expenses din kumbaga.
Talking about our national debt, what I can say is that we are in a good position pa naman, our debt-to-GDP ratio is healthy which makes sense to have a loan. Good debt kung matatawag.

Para sa akin, malaking kaswapangan naman siguro kung pati sa industriya ng video games ay makikihati pa sila. Sapat na siguro yung mga taxes at duties na binabayaran ng mga publishers at related people sa gaming industry pag nagdadala sila ng product nila dito. Aggressive tax models wouldn't do the cut kung yung humahawak naman eh palpak at incompetent.
Hindi malayong tamaan ito sa totoo lang lalo na yung mga larong ginagastusan talaga like ML, Dota, etc. Ang gusto kong malaman sa ngayon ay kung paano nila magagawa iyon.

The problem here was the first proposed law was supposed to be the companies having a special kind of tax in relation sa kanilang online service at biglang nagbago yung kanilang proposed tax na ang magbabayad ng buwis is yung mga gumagamit sa online service nito which is wrong dahil ang kanilang reasoning dati is yung mga kumpanya na ito ay kumikita satin kahit wala silang local operations sa Pilipinas. Bukod pa dun bakit nila lalagyan ng VAT ang ganitong klaseng serbisyo na parang digitized supermarket/mall lang naman. At ang pinaka panget dito is ginawa pa nila sa panahon ng pandemic na mas importante na ang mga ganitong serbisyon dahil sa kanilang contactless shopping experience.
482  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: August 08, 2020, 09:24:06 PM
~snip

Since verified ka ng coins.ph team may itatanong lang ako,

May kakayahan ka bang mag-bump ng ticket? I mean kung dito padadaanin sa forum tapos iraraised mo dyan sa team niyo? Or taga-sagot ka lang talaga ng mga basic queries or questions?

And di ka na nag-login ulit sir. Mukhang come and go ang mga coins.ph representatives dito.

Or that account is not connected to coins.ph, only 1 post and then the account signed off..whoever own the account, I think he is just messing around.  Grin

Refer to this post bro kasi mismong coins.ph representative ng kanilang in-app chat support ay nag-confirme na representative sya ng coins.ph the only problem is tama yung sinabi ni chaser15 na "come and go" lang ang mga representative nila dito kasi mostly lahat ng queries or concerns ay hindi na nila nababalikan ulit.

@chaser15 I don't know kung may ibang gumagawa nito pero kung may ilang oras ng hindi ako nare-replyan sa aking ticket gagawa ako ng panibagong ticket linking my old ticket reference number para mabalikan kaagad. Ang napansin ko kasi mas mabilis reply nila sa mga bagong ticket kaysa sa pagsusubaybay sa mga old ticket. Pagkagawa mo ng new ticket hintayin mo lang yung reply at dapat mabilis din yung reply mo para ma-attendan ka kaagad ng representative na nag-chat sayo.
483  Local / Others (Pilipinas) / Re: Online transactions and house bill #6765 on: August 07, 2020, 10:23:58 PM
With the growing debt of the nation day by day, they are trying to seek for ways to at least pay for that debt, or to supplement whatever payment they can recoup with the available taxation streams they have currently. Para sa akin, malaking kaswapangan naman siguro kung pati sa industriya ng video games ay makikihati pa sila. Sapat na siguro yung mga taxes at duties na binabayaran ng mga publishers at related people sa gaming industry pag nagdadala sila ng product nila dito. Aggressive tax models wouldn't do the cut kung yung humahawak naman eh palpak at incompetent.

Medyo panget din kasi yung solusyon nila pagka ganito. Isipin mo malaki na ang utang natin ang gagawing solusyon is dagdagan yung mga tax responsibilities nating mga Filipino na may mga ilan satin na nahihirapan na sa sitwasyon. Kung gusto nila malutas yung utang ng bansa dapat ang gawin nila is solusyon kung paano ipag-patuloy yung ekonomiya ng bansa at para magawa nila ito dapat solusyunan nila ang pandemic sa bansa. Kasi biruin mo ang gagawin nilang sagot sa "lack of funds" due to Covid-19 is additional kinds of tax para sa naghihirap ng bayan? Hindi ata tama yung ganun na dadagdagan mo pa ang paghihirap ng mga tao mo.
484  Local / Others (Pilipinas) / Re: Online transactions and house bill #6765 on: August 06, 2020, 11:22:10 PM
Naku parang desperate na yata sila na makakuha ng tax sa atin, kung kailan tayo nag hihirap saka pa sila nagsusulong ng tax.
Dahil iyan lang ang pinagkukunan naten ng pondo, kakaunti lang ang mga nagtatrabaho ngayon dahil nga pandemya kung kaya kakaunti lang ren ang nakakapagbayad ng tax. Hindi sa pag aano ha, pero kung disagree kayo dito para nyo na ring pinagkaitan ng pampagkain ang mga mahihirap nating kababayan, kasi malaking porsyento nito ay para sa kanila rin naman.

This isn't really a valid point. Unang-una sa lahat kung madami na ang nawalan ng trabaho bat ang solusyon nila is taasan yung buwis at hindinalang gumawa ng ibang proyekto para makagawa ng trabaho para sa mga nawalan? Bukod dun ang buwis na ito which is Value-added-tax(VAT) ay para sa lahat ng klase ng tao kaya kahit mahirap na bumibili lang sa e-commerce websites ay ma-aapektuhan nito, baka kaya imbis na maka-tulong yung tax na ito ay perwisyo lang mararamdaman nila. Masyado ng malaking utang ang kinuha ng gobyerno matin para aabihin na kulang yung pondo nila. Oo may mga social amelioration at relief goods tayong natatanggap pero hindi naman ito ang solusyon para mawala ang pandemic. Kung gusto nila tumigil yung pagkalat ng pandemic para maging maayos na ulit ang ekonomiya dapat alam nila kung paano nila titigilin yung pag-kalat.
485  Local / Pamilihan / Re: Nauusong "easy-money" on: August 05, 2020, 11:08:59 PM
Technically guys pyramiding and Multi-level-marketing are the same in terms of concept, the only difference is MLM/Networking companies are selling with real products kaya nagiging legal yung kanilang business.
-

So, parang cover up lang nila 'yong item para makatakas sa legalities, right? Since, pyramiding is illegal. Saka ang money game pa rin naman nila is 'yong referral thing behind, or let's say na lang na, huge portion nung kinikita nila. Pero kasi 'di ko maisama 'yong relevance ng item sa potential na kita, eh hindi naman ma-benta 'yong iba doon unless it has a name na in the market.

I don't think "cover-up" is the right wording for that kasi legal naman talaga yung mga networking companies dahil may binibenta silang product, what makes them attractive though is yung commission basis nilang earnings para sa mga magiging members/sellers nila. Ponzi schemes/pyramiding schemes on the other hand just offer up fake investments without any products pero meron silang similar structure ng commission katulad ng networking kaya nagkakaroon sila ng similarities. At totoo yung sinasabi mo na yung mga member nila ay mas kumikita pa sa referrals kaysa sa mga produkto nila but it doesn't make their company illegal dahil ang pyramid type of referral commission itself isn't illegal kaya malaya nila pwedeng gamitin ito.
486  Local / Pilipinas / Re: DOJ laban sa mga pekeng crypto traders? on: August 04, 2020, 11:23:51 PM
Parang wala naman ginagawa si SEC sa mga ponzi investment puro notice to public nalang wala inutil den sila pagdating sa mga online websites kagaya ng Forsage na maraming naloko yung iba kumita tlaga pero yung iba iwan ko kung kumikita nga sa Ponzi na to halimbawa nalang itong nakita ko sa YT (https://www.youtube.com/watch?v=bJyn4yaj5o8) milyones kinita pero pano yung mga baguhan diyan, dapat matigil na tong mga PONZI na ito.

It might look like they are not doing anything kaya nakikita pa din natin yung mga website na ito pero ang sa totoo lang ay kulang lang ang ginagawa nilang aksyon dito katulad ng notice to the public. Napansin ko mas effective sila sa panghuhuli ng mga lokal scams or mga scams na may mga tao sa loob ng Pilipinas pero pagdating sa mga digital scams or scams na involve lamang ang internet ay dito sila nagkukulang dahil ni hindi nila ma-block yung mga website na ito sa Pilipinas. Ito lang naman talaga kaya nilang gawin bukod sa notice lang dahil mapreprevent nila ang mga Filipino sa pag bisita ng mga scam sites na ito.
487  Local / Pamilihan / Re: Nauusong "easy-money" on: August 04, 2020, 09:08:37 PM
Technically guys pyramiding and Multi-level-marketing are the same in terms of concept, the only difference is MLM/Networking companies are selling with real products kaya nagiging legal yung kanilang business. The concept na meron kang nasa taas at meron ka nasa baba at mga referral system or komisyon ay parehas lang but the thing is pyramid schemes don't have any product to show that's why they are counted as a fraud type of investment dahil peke yung business nila. Sa totoo naman kikita ka sa MLM/Networking companies pero ang ayaw ko dito is parang masyado ng extreme yung panghihikayat ng ibang mga tao para lang sumali ka sa kanila tapos hindi ka naman tutulungan sa dulo. Also networking is never an easy money kahit yung mga produkto nilang mga sabon or kape ay mahirap din ibenta, don't be fooled by the rewards you will get kasi ikaw ay dadaan sa hirap bago mo ito makuha.
488  Local / Others (Pilipinas) / Re: Online transactions and house bill #6765 on: August 03, 2020, 10:18:44 PM
Sorry for bumping this old thread pero mukhang naloko na naman tayo ng mga legilator natin.

House panel OKs VAT for online goods, services

Dun sa original bill na ginawa they were looking to add additional taxes to corporations involve in the digital industry (see my post above) pero ngayon mukhang lumiko sila and focus on consumers na ang bagong tax na ibibigay nila is para sa customers at hindi sa mga korporasyon.

Quote
Netflix and Spotify subscribers as well as Amazon, Lazada and Shopee customers may soon have to pay more for these digital platforms’ products and services should the 12-percent value-added tax (VAT) approved by the House committee on ways and means becomes law after third reading in the House and Senate approval.

Ito ay nakaka-lungkot man isipin kasi sa hirap na ng sitwasyon ngayon ang mga nakikita nating bill na ginagawa instead sa agarang pag-tulong sa tao ay puro nalang pag-papahirap dito. Hindi ko din na-gets yung punto nila kung bakit nag-shift yung focus ng buwis from corporations na dating sinabi ni Salceda at naging tayo ang focus ng buwis.
489  Local / Pilipinas / Re: Philippines Central Bank Considers Issuing Its Own Digital Currency. on: August 02, 2020, 10:46:27 PM
But then the bigger problem na sobrang laki nang posibilidad na mangyari is maopen-up yung cryptocurrency and current users nito in which they might study nor investigate anyone involve in any forms or making profit out of cryptocurrency, and there's no impossibility that they might also come up to an idea about taxing such activities (which could take years to happen of course). But then the bigger advantage naman if ever they really pushed the idea would somehow change the ideology of the Filipinos with Bitcoin and crypto being a scam, especially with the current issue of forsage lol
Kahit meron pang ganito yang mga scammers na yan maghahanap at maghahanap yan ng paraan maka-scam lang or they even take advantage if these digital money didn't dessiminate briefly to the whole nation, educating the citizen should be the focal point bago man nilang ilabas ito. Pero I'll precisely assume meron paring babatikos diyan or marami paring mga katanungan kahit mailabas man.

I'm not against taxing it but I am hoping it should always be to those who have their digital assets and I think it is on the process by this proposed bill by Joey Salceda the House Bill 6765 also known as “Digital Economy Taxation Act”.

Kung sa tingin ko naman mag-iissue ng digital cryptocurrency ang Pilipinas hindi na naman tayo mag-kakaroon ng additional tax sa kikitain natin dito dahil meron na tayong tax para sa ganito either income tax or capital gains depende kung paano ka kikita dito. Ang pag-pataw ng bagong tax dito will be counted as double taxation dahil in a sense digital currency lang ito at it will act as a Philippine Peso, hindi porket naging digital yung currency mo ay magiging applicable na ito sa bagong tax. Just look at other countries na nahihirapan kung anong classification lang ang ibibigay sa cryptocurrency dahil dito nila makikita kung ano magiging tax nito.
490  Local / Pilipinas / Re: Philippines Central Bank Considers Issuing Its Own Digital Currency. on: August 01, 2020, 10:22:10 PM
Maganda sana itong balita kaso alam naman natin yung ugaling "ningas kugon" ng mga pinoy, mabuti lang sa umpisa at saka nan dyan pa yung mga legacy policy makers na ayaw ng pag babago.

Tandaan na dapat hindi natin i-assume na maganda yung balita just because yung mga ibang bansa meron ng sariling digital currency. Hindi kasi porket may plano ng gagawin na digital currency ang Pilipinas pwede na natin sabihin na magiging beneficial ito sa bansa natin dahil sa ngayon hindi pa natin alam kung anong purpose ng cryptocurrency na ito kung magiging backed ba sya ng sarili nating FIAT currency or some kind of project based katulad ng nasa Venezuela. Either way hindi pa din natin masasabi na good news ito depende pa din sa magiging plano ng gobyerno gaya na din kung paano natin batikusin ang mga ICOs.


Pero sa tingin ko ay darating din tayo sa puntong ito lalo na pag naging maganda yung resulta ng sariling digital currency ng China, sana matupad ito sa pinaka madaling panahon. Imho. Smiley

We can't really assume that the same thing will happen to us as what will gonna happen with China. Kasi sa puntong ito ang China meron talaga silang plano on digitization of their payments na ang Pilipinas ay wala pa kasi ang mismong gobyerno nila may ginagawang aksyon as compared sa atin na wala. Sa tingin ko nga before tayo mag-expect ng digital currency para sa atin dapat may ginagawa muna yung gobyerno on modernizing our country para lahat ay makikinabang nito.
491  Local / Pilipinas / Re: DOJ laban sa mga pekeng crypto traders? on: July 31, 2020, 09:23:19 PM
Yung problema na nakikita ko dito is yung mga fake investment sites na ito bago pa matunugan ng mga otoridad natin eh nakakapag-promote na kaagad sila at may mga nabibiktima na bago pa sila makita or ma-report kay hindi kaagad na-aaksyunan ng SEC or ng Cybercrime department natin. And even if na-ireport na ito sa otoridad ang kaya lang nilang gawin is magbigay ng notice ng babala sa illegal nilang operasyon pero hindi nila kayang ma-block yung website via IP restriction, kung titignan ninyo ang website ng Bitcoin Revolution hanggang ngayon ay pwede pa ding mabisita. Kumbaga yung kanilang damage prevention ay hindi ganun kaganda dahil may chance pa din na may mga Filipino na sumali sa investment scam na ito. Because let's face it magiging walang kwenta yung promosyon nila sa website nila if in the first place ay hindi ito nabibisita o walang access ang mga Filipino.
492  Local / Pilipinas / Re: Philippines Central Bank Considers Issuing Its Own Digital Currency. on: July 30, 2020, 10:54:08 PM
If there plan is to create some kind of stable-coin yung gagawin is fiat-backed crypto then go for it even if hindi naman sya ganun na kailangan ngayon dahil na din lahata ng apps and e-commerce websites na ginagamit natin ngayon ay may sarili ng mga wallet katulad ng Grab, Lazada, o Shopee. It wouldn't really make any sense kahit sabihin nilang panlaban nila ito sa pandemic sa Pilipinas pero sa tingin ko this is a step in the right direction. The biggest problem is the Philippines is not yet ready to go digitalized kumpara sa mga bansa na nabanggit sa article katulad ng China, kumbaga kahit may digital currency tayo ng Peso konti lang ang makakagamit nito at makaka-kompetensya nya ang ibang wallet apps na meron tayo. If they are just creating some kind of utility token sa tingin ko ito yung hindi na magandang gawin ng BSP dahil na rin sa nasabi ni mk4.
493  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: July 29, 2020, 11:15:20 PM
Yung mga past reply ba ay tungkol pa rin sa enormous fees ng Coins.ph sa kanilang Steam Wallet Credits? Kung ganun I never expected na ganito kadami tayong affected sa ginawa ng Coins.ph. @Reynald@Coins I hope naiintindihan mo yung hinaing ng mga users ninyo kasi from 1:1 na naging 16% charge ninyo for your game credits is really unfair, kahit sabihin na natin may convenience sa inyong side yung fee na ito is not justifiable and just by the looks of it your service provider is simply taking advantage of the situation dahil sa pandemic na ito and alam nila konti lang ang choice ng tao which is online. I hope that Coins.ph will find a way or at least re-negotiate with your service provider dahil talagang napakataas ng 16% as compared sa offer ng ibang sites/service.
494  Local / Pamilihan / Re: Cryptocurrency from trader and non-trader's perspective on: July 28, 2020, 09:43:12 PM
I mean it's not their fault kung bakit ganyan ang tingin nila sa trading dahil kung tutuusin naman kasalanan ito ng mga fake investment websites kung bakit mali ang nakikita ng mga tao sa mundo ng cryptocurrency lalong lalo na kung paano talaga ang tamang pagkita dito which is trading. Kung walang fake investment website na nag-propromote ng passive way of "earning" sa kanilang mga "automated trading" at iba pang fake business para makapang loko ng tao hindi magiging ganito ang pag-tingin ng publiko. Hindi na din kasi maiiwasan yung mga ganitong website dahil mas mabilis silang dumami kaya mahirap silang mapigilan lahat kaya sa tingin ko ang kaya nalang natin gawin is mabawasan yung mabibiktima nila gamit ang ating sariling paraan katulad ng pagbibigay kaalaman sa mga kaibigan natin o di kaya pag-report sa mga pekeng website na ganito.
495  Local / Pilipinas / Re: The Anti-Terrorism Act and Why Non-Custodial Wallets Will Be Important on: July 28, 2020, 08:40:37 PM
Wala namang bill na gusto ang lahat, bago ma pirmahan ito, marami ng umalma, pero sa tingin ko maganda naman ang bill na ito, not for everyone but for the majority of people, to protect their interest. Di ko kabisado ang buong bill, pero sa pagkakarinig ko maaring ma freeze ang financial accounts mo, pwede sa bank or sa crypto exchanges siguro na sakop ng pilipinas kung ikaw ay suspected terrorist, so parang sa akin okay lang dahil mallit lang naman ang pundo ko.. at pero ko sa bank ay for savings lang din kasi yung pera ko ni ro roll ko for investment.

You are missing the point of the whole thread I created. Yung topic na ito ay hindi para talakayin ang linalaman ng Anti-terrorism law (batas na sya ngayon) pero ang importansya ng non-custodial wallets lalong lalo na meron na tayong batas na ganito. Alam ko meron tayong difference of opinion pag dating sa mga politikal na bagay kaya I tried my best to stay away as much as possible kaya nandito lang ako nag-eexplain kung ano mangyayari sa crypto assets mo or assets in general pag hinahawakan mo ito sa isang centralized business katulad ng bangko or custodial wallet. Kaya nasa sayo yan if kukunin mo yung advice ko or makikita mo itong as a political move pero ever since naman non-custodial wallets talaga ay mas ok na gamitin para sa cryptocurrency natin.
496  Local / Pilipinas / Re: Kaalaman : Philippines Launches Blockchain App to Distribute Government Bonds on: July 27, 2020, 08:53:31 PM
Yes Bonds.Ph works perfectly as expected with Unionbank.

Mostly, ang mga private companies ay nagiissue ng bonds so they can collect more funds to support their business and same lang sya with the government bonds.

Super safe ang bonds investment since may fixed interest rate sya and hinde ka talaga malulugi dito not unless mas mataas ang inflation rate compare sa bond rate. I suggest to invest more on MP2 program ng pagibig which is mas malaki yung interest rate nya and sure profit talaga ito.
Marami ren akong nakikitang mga comment na mas ok pa talaga ang MP2 kesa sa bonds na ito pero para sa akin naman ay dipende talag ito sa risk tolerance mo and kung wais ka sa pag iinvest, kikita ka talaga dito.

Nangunguna talaga ang Unionbank sa pagdevelop ng online services especially using blockchain technology, sana maraming project pa silang ilabas gamit ang blockchain at patuloy na ipakilala sa Blockchain sa Pilipinas.

I just visited the FAQs page ng MP2 program ng pag-ibig and tama kayo na mas malaki yung kikitain niyo dahil ang annual dividend rate nila is 7.65% which is considerably bigger kumpara sa 2.625% na binibigay ng RTBs what's different though is yung one time payment option nila for 1,000,000 Pesos dahil it has a annual payout of 75,000 pesos per year which can give you a total earning of 375,000 for five years bukod pa dun tax-free ang dividends nito. Mukhang magandang option ito para sa mga low-risk investors na gusto ng passive way para kumita yung pera nila.
497  Alternate cryptocurrencies / Altcoin Discussion / Re: Are DeFi projects next on SEC's watchlist? on: July 26, 2020, 10:27:36 PM
I also don't agree that because of SEC crypto market will crash. Look at where we are now today, with or without SEC, crypto industry survives and keep on progressing. So the SEC issue will always be there, they will only find ways how to manage crypto projects because there's no stopping for these projects to conquer in the world market.

Maybe you are forgetting the dozens of Bitcoin ETF proposals that the SEC denied for about 2 years now denying the chance for Bitcoin ETFs be possible in the fiancial market, the most recent ones they denied are from Wilshire Phoenix, Bitwise, and Arca which all of them have their proposals denied several times already. Aside from Bitcoin ETFs being denied the SEC also showed its power when they shutdown the sale of Telegrams's cryptocurrency, GRAMs, as they have proven it to be a security token rather than a utility one. These projects and offerings have been monitored by SEC since on their eyes they have violated or have not meet the requirements they need to have to be made available to the public. These are just some of the examples to show how powerful is the SEC in the US and how they can stop crypto projects on dominating the market.
498  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mga Komunidad na kinabibilangan ng mga Bitcointalk Members on: July 26, 2020, 06:22:07 PM
For me masasabi ko na walang mas makakahalintulad sa Bitcointalk in terms of cryptocurrency content and Bitcoin specifically dahil dito ka lang makakakita ng mga matitinong opinyon ng tao about sa mga topic, oo may mga iilan-ilan dito na mga trash or bias yung sinasabi nila pero still makikita mo yung sides ng ibang tao at higit sa lahat pwede ito i-clarify ng ibang tao. Nasabi ko ito kasi recently nung nabisita ko yung r/BTC na subreddit ng Bitcoin sa Reddit makikita mo na puno na ng shiller ng Bitcoin Cash yung subreddit ng Bitcoin karamihan dito biased content at pinapamukhang "Bitcoin" nga ang BCH. If makaka-recommend man ako ng isa pang community sa tingin ko yung tradingview page ng Bitcoin ay isa sa mga matitinong page tungkol sa technical analysis ng Bitcoin, you will see users sharing their analysis as well na din yung opinyon ng ibang tao tungkol dito.
499  Local / Pilipinas / Re: Kaalaman : Philippines Launches Blockchain App to Distribute Government Bonds on: July 25, 2020, 08:48:49 PM
~
Contrary to popular belief not all kinds of stocks yield the same kind of risks as compared to others. Mostly may mga companies na financially sound at ito yung mga kumpanya ne pwede mong asahan na stable na kahit pabayaan mo yung portfolio mo dahil pwede mo gamitan ng Peso Cost Averaging. Yung mga medyo risky naman is yung tinatawag na speculative stocks na ang mga investors ay nagbe-bet sa kanilang future or rumore projects, ito yung medyo volatile at kailangan bantayan. The former definitely has a higher chance of giving you better gains for your capital kumpara naman sa ibibigay na interest rate ng RTBs. Technically wala ka ngang kikitain dito kung ifafactor-in mo yung inflation rate natin sa loob ng limang taon.
True that buying stocks of a financially sound company (blue chips) yields lower risk but most likely still not as low as T. bonds. Like I said, it's a more agressive approach.

On inflation, mukhang wala nga kita lalo na kung titignan natin from the perspective of a businessman or an investor looking for higher gains. Then again, may iba naman na iba ang pananaw at hindi na nila tinitignan ang epekto ng inflation. Kumbaga it's bank vs. T. Bonds ang laban.
It's really up to them bro kasi sa pananaw ko talaga na pag yung capital ko linigay ko sa isang treasury bonds mawawalan lang ng value yung capital ko pag pinatagal ko pa ng 5 years yung pera ko para sa mababang interest rate. Pero iba iba naman pananaw natin dyan and baka yung iba gusto lang talagang mahold yung numerical value ng pera nila. Mas malaki nga ang interest rate mo kumpara sa mga bangko which is just .25% per annum pero hindi ko masasabing malaking difference ito na worth sa pera mo.

~
You are just referring to millionaires now since yung milyon nilang investment pwede pa din tumubo ng ilang milyon dahil sa laki ng kanilang mga capital. Ika nga sa Philippine Stock Market ang bluechip companies ay para na sa mayaman at ang small and medium enterprises ay para sa mga gusto yumaman. If you want to earn and you aren't rich wala talagang room para maging low risk investor ka dahil sayang lang ang pera at oras mo.
Not really just millionaires. May malaking interest din ang mga average investors (in terms of capital) at mga OFWs sa mga T. Bonds. I've seen it discussed plenty of times in investor based group that I'm in. It didn't come accross to me that they view T. Bonds as a way to become millionaires but an opportunity to grow their money than let it sit in a bank. I can't say for sure kung meron na din sila funds alloted for stocks, mutual funds, and other form of investments.

I also read the comments when DOF first announced it on their page and seen them complain dahil hindi nila ma-download yung mobile app para makabili.

I'm not sure kung anong klaseng treasury bonds ito pero makikita mo naman yung rate na ino-offer ng Department of Teasury natin which is just below 3% and from what I know ang average inflation ng Pilipinas is around 8% which technically wala ka talagang kikitain at mawawalan lang ng value yung pera mo.
500  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: July 24, 2020, 07:55:38 PM

I see. Hindi nga makatarungan yung additional charges ng coins.ph
Tumaas kasi siguro ang demand kaya ngayon na babawi si coins.ph. Tingin ko tataas parin ang demand at yung mga nasanay na bumili sa kanila, mag stay lang.


Sigurado ako na may malaking rason dyan kabayan kung bakit ganyan nalang kalaki ang charges ng coins.ph, kasi kung hindi mataas ang demand di naman siguro nila gagawin yan. Digital product na kasi pinag uusapan dyan kaya mangyayari talaga ang mga pagbabago ng presyo ng isang produkto, lalo na ito ay tinatangkilik ng maraming online gamers na gumagamit ng steam.
Demand talaga yan. Kasi ang ganda ng marketing nila at tingin ko effective naman yung ginawa nilang advertising na pinakakilala nila ang Steam wallet on coins.ph. Yung mga nasanay na bumili sa kanila, ia-adopt nalang yung change at hindi na maghahanap ng iba.

I would have to disagree with you bro. In-game or Game Client credits even though tumaas yung demand it doesn't mean lumiit yung supply ng Steam para sakanilang Steam wallet credits/funds, the demand for credits itself can be automatically be matched by Steam kasi yung credits nila virtually exists. Ang nakikita lang natin ng pagtaas ng Steam Wallet funds na ito is kagagawan lang ng mga business man na gustong makapag-take advantage sa sitwasyon ngayon kasi perfect opportunity para sakanila na kunin yung convenience ng Coins.ph at ng quarantine situation sa Pilipinas para mapilitan yung mga unknowing buyers na bumili. Now I'm not saying na wag kayong bumili sa Coins.ph dahil sa fee pero para sakin it's not worth my money to buy Steam credits na may 16% na patong dahil obviously mas malaki pa yung makukuha ko na credits pag sa iba ako titingin.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 [25] 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 ... 238 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!