Bitcoin Forum
May 17, 2024, 06:26:25 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 [104] 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126 127 128 129 130 131 132 133 134 135 136 137 138 139 140 141 142 143 144 145 146 147 148 149 150 151 152 153 154 ... 282 »
2061  Local / Pamilihan / Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam on: May 08, 2019, 05:08:59 PM
... Ayun nga lang yung info natin alam natin at binebenta sa mga advertiser kaya minsan magtataka ka nalang kung bakit halos alam mo yung service ng ina-advertise nila....
Yes, alam ko yung galaw nila na yan kaya nagpalit ako ng browser from Chrome to Brave. Pinalitan ko na din ang search engine ko from Google to DuckDuckGo.
Naririnig ko din yung tungkol sa Brave Browser galing kay Basic Attention Token baka siguro ita-try ko siya next time. No choice talaga mga users ni chrome lalo na yung hindi alam na ganyan pala ginagawa ni google. Kaya magtataka ka nalang na halos lahat ng advertisement na lalabas parang related sa mga ginagawa atin. Akala ko pang tor browser lang ang duckduckgo, pwede din pala sa ibang browser. Salamat sa ideya at nagkaroon ako ng panibagong kaalaman.
2062  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 08, 2019, 04:36:48 PM
Ewan ko kung anong nangyari sa cash out ng e-give? Nagcashout ako ng 700 pesos via e give last week para ma try kung gumagana na pero yun pumunta ako sa ATM hindi gumana yun codes. Nagtry ako sa ibang ATM pero ayaw parin gumana yun codes, ngayon ko lang naranasan itong pangyayari. Sana maayos na yun E give cash dahil sa 0 withdrawal fee.
Naranasan ko na ito dati, walang kasalanan si coins.ph ditto as per se. Kasi ang problema talaga nanggagaling na mismo kay Security Bank sa codes na pinoprovide nila. Ang akin naman nung hindi gumana sa unang ATM na napuntahan ko, gumana naman sa iba. Dapat bago ka gumamit ng egivecash, check mo muna status nila kung Operational ba o Major Outage. At kakacheck ko lang ngayon, major outage siya kaya siguro ganyan nangyari sayo.

for last week's cashout yata nya sa egivecash yung post nya at mukhang recent lang ulit nagkaproblema yung egivecash kasi last week IIRC nakapag cashout pa ko sa egivecash na walang problema e
Ahh, ibig sabihin pala  last week ok ok pa yung egivecashout. Parang yan nga nabasa ko nung nakaraan, ok na ok pa yung cashout sa egc pero di ko na try at naniniguro na din ako kasi ang hirap na kapag kailangan mo yung pera tapos nagkaproblema lalo na sa ATM. Basta yun na lang ang basehan kapag gagamit ng cashout na egc, check muna ang status kung may problema ba o wala. Pwede din dahil major outage, damay yung mga cashout pati yung last week.
2063  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 08, 2019, 11:12:57 AM
Ewan ko kung anong nangyari sa cash out ng e-give? Nagcashout ako ng 700 pesos via e give last week para ma try kung gumagana na pero yun pumunta ako sa ATM hindi gumana yun codes. Nagtry ako sa ibang ATM pero ayaw parin gumana yun codes, ngayon ko lang naranasan itong pangyayari. Sana maayos na yun E give cash dahil sa 0 withdrawal fee.
Naranasan ko na ito dati, walang kasalanan si coins.ph ditto as per se. Kasi ang problema talaga nanggagaling na mismo kay Security Bank sa codes na pinoprovide nila. Ang akin naman nung hindi gumana sa unang ATM na napuntahan ko, gumana naman sa iba. Dapat bago ka gumamit ng egivecash, check mo muna status nila kung Operational ba o Major Outage. At kakacheck ko lang ngayon, major outage siya kaya siguro ganyan nangyari sayo.
2064  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Anu-ano ang mga crypto coins na kasalukuyan nyong hawak? on: May 07, 2019, 11:55:25 PM
Sakin ang hawak ko rvn, iost, btc eto lang yung mga hold kasi nakikita ko yung potential ng coin at pakiramdam ko maganda ihold ito for long term base on technical analysis maganda yung candle pattern tapos yung volume malaki din kaya gold for holding dun sa coin na yun.
Yung RVN isa sa biggest gainer ngayong last quarter at mas okay yan kung nakabili ka. IOST naman katulad din ni OP, mas okay yan kung medyo malaki laki yung nabenta mo, kung pagsasamahin yan kung medyo marami hinohold mo dati tapos nabenta mo sa magandang presyo, tiba tiba ka niyan. Sa bitcoin naman, wala na tayong problema dito, goods talaga ito at okay na okay para sa long term holding. Hanap lang ng magandang timing sa pagbebenta.
2065  Local / Pamilihan / Re: Listahan ng Mga Online Stores na tumatanggap ng Bitcoin on: May 07, 2019, 11:34:16 PM
Mcdo and Jollibee may chance kaya na mag add sila ng bitcoin as a payment?
Sana dumating yung panahon na pwede na magbayad gamit bitcoin pero para sa mas madaling pagpapaunawa sa mga customer nila tingin ko i-prefer nila gamitin ang coins.ph. Para lang sa purpose na mas madali unawain ng mga customers nila pero sana nga dumating yung araw na yan, Mcdo and Jollibee is life <3.
In addition, since tumatanggap din si Grab ng Dragonpay, payable ang grab credits ng bitcoin under coins.ph.
Tama, isa ako sa patunay na nakapag-credit ako sa grab account ko gamit coins.ph to dragonpay.
2066  Local / Pamilihan / Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam on: May 07, 2019, 11:08:04 PM
Maganda din itong gabay na ito. Hindi na ako madalas gumamit ng google ngayon pero may bago akong natutunan na pwede magamit pandagdag proteksyon. 
Maraming purpose si google lalo na sa mga tulad nitong alert kaya kung ako sayo gamitin mo halos lahat ng service nila. Ayun nga lang yung info natin alam natin at binebenta sa mga advertiser kaya minsan magtataka ka nalang kung bakit halos alam mo yung service ng ina-advertise nila. Salamat sa post na ito Blackdeath, sana mas marami pang maging aware sa mga post na ganito lalo na yung mga newbie para kahit papaano maka-iwas sa posibleng scam na mangyari sa kanila.
2067  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Pagbagsak ng ICO on: May 07, 2019, 10:44:07 PM
I’ve been inactive for so long at hindi na ako naging updated sa bounty at bago sa akin ang IEO ( Initial Exchange Offering) ang masasabi ko ay mukhang okay siya kakaiba para maiwasan na din ang pag dami ng mga ICO na lumalabas ngayon.
Okay pa siya sa ngayon kasi bago bago palang siya pero halos sintulad din siya ng mga ICO ngayon. Di ko pa naranasan mag invest sa mga IEO at wala rin naman akong balak.
Nakakapanghinayang nalang talaga na isiping, marami ang investors na willing kumita, willing mag take ng risk para sakaling madagdagan ang profit nila. Nakakapanghinayang kasi hindi sila trntrato as loyal investors ng madaming project. Madami pading project ang walang saysay, kaya para saakin, totoo nga. Nakakapagod na mag invest.
Yung ibang project kasi meron ng plano mula pa sa simula na mang-scam lang ng mga investor nila. Wala silang paki-alam sa nararamdaman ng mga investor nila dahil ang mahalaga lang sa kanila yung hard cap at soft cap nila. At pagkatapos nun, wala na, as in parang wala na, dumping season na.
2068  Local / Pilipinas / Re: Protect your privacy on: May 07, 2019, 10:14:14 PM
Sa mga mixing services, mag ingat lang sa pagpili kasi marami din ngayon yung scam. Mukhang legit at tunay yung website nila pero sa totoo lang iilan ilan lang yung mga lehitimo na nag-ooperate ng mixing services. Madami na akong nabasa na na-scam sila at nagsend ng bitcoin nila sa mga mixing service na yun pero di nila napansin na mali ang domain tulad ng '.io' at '.com' kaya maging mapanuri kapag gagamit ka ng mga service tulad niyan.
2069  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 07, 2019, 09:09:26 PM

Maraming salamat sa pagsagot mga bossing.

Nasagot ko naman ng maayos ang interview haha. Whew. Natapos din.

Although follow up na lang ulit iyong ID. Di ko naman kasi alam na may picture taking sa dulo eh nasa work ako at di ko dala passport ko.
Congrats sayo napasa mo ang isang interview na halos ayaw ng iba pagdating sa mga coins.ph account nila. Sa ngayon kapag ok ka na, approve ka na sa level 3 na may daily limit na
  • 400k pesos Cash-in
  • 400k pesos Cash-out
  • Unlimited cash-out monthly
2070  Local / Pamilihan / Re: Ang tatlong kinikilalang Major Bitcoin Platforms sa Pilipinas on: May 07, 2019, 08:35:12 PM
Coins.ph lang ginagamit ko, may mas magandang rate ba compared sa coins.ph sa mga na share mo?
Mas maganda sana kung meron para makatipid tayo.
Chineck ko rates nilang tatlo halos pare-parehas lang sila ng rate. Hindi sila nagkakatalo, ang madalas ko lang gamitin sa ngayon coins.ph kasi all-in-one na siya at convenient gamitin kung meron ka mang ibang mga transaksyon. Mas lalo pa lumalaki ang coins.ph ngayon lalo na naging part na sila ng gojek kasi nabili na ata sila. Kung sa rates naman, ang pinakamaganda sa buy at sell rate doon kayo sa coins.pro sulit na sulit doon lalo na kung ikukumpara mo rates nilang lahat.
2071  Local / Others (Pilipinas) / Re: Expect more poster in Pilipinas Local board! - Welcome home! on: May 07, 2019, 08:15:49 PM
Kaya husayan nalang ng mga participant ang pag advertisement sa cloudbet tyak maeextend yan dahil karamihan sa mga gambling campaign tumatagal ng ilang taon.
Good to think nadin na maraming pinoy ang pinaghuhusay ang pagpopost dito sa forum at nawala na yung ilang sa mga pasaway na member na puro troll lang ang ginagawa.
Isang tip lang mapapayo ko wag kayo mag spam o gumawa ng ikakasira nyu sa huli just enjoy the forum.
Sana nga maging tulad ng ibang campaign na maging matagal na rin pero ganyan talaga, kung test lang wala naman problema ang mahalaga nakasali at natanggap kami hehe.
Sa totoo lang napaka active ng local board natin wayback 2016-2017 kaso nga lang dahil napapansin ni sir dabs na halos lahat ng post or thread na ginagawa sa local board natin ay napaka off topic at random, napag-pasyahan nya na maghigpit dahil nagmumukang palengke ang local board natin that time. halo-halong topic na ultimo "paano mag luto ng pakbet" ay dito na rin itinatanong. Tayo ay mag focus na lamang sa teknolohiya na angkop sa forum at wag na gumawa ng random topics para lang may maipost at hindi na maghigpit pa lalo ang ating moderator sa local.
Yung iba naman kasing mga post nung panahon na yun hindi na related sa bitcoin o cryptocurrency. Ang maganda sana kung magkaroon nalang ng off topic kaso kapag nangyari yun tadtad ng mga ganung uri ng topic pagnagkataon.
2072  Local / Pamilihan / Re: [Private Beta] Coins Pro - The Philippines' First Digital Currency Exchange on: May 06, 2019, 10:01:23 PM
Sa ngayon if magcoconvert ako ng bitcoin to Philippine peso ginagamit ko na ang coinspro . Malaki ang matitipid natin kung gagamitin ang coinspro kesa coins.ph dahil almost 2 percent din ang nawawala sa tin if magconvett tayo sa coins.ph base of my own experienced kakagamit ko lang ng coins pro last week at okay naman siya wala pa naman akong nakikitang problem.
Pagdating sa smaller amount ng bitcoin na ibebenta mo sa coins pro, kung ipagkukumpara parang halos hundred pesos din ang pagitan nila. Kapag yung bebenta mo mababa lang pero kung malakihan syempre ibang usapan na yun at kung bibili ka naman din sa coins pro mas sulit talaga kung siya yung gagamitin mong converter. Hindi man ganun kalaki ang volume sa kanila pero at least yung normal price malapit lapit at medyo mas malaki sa coins.ph.
2073  Local / Pilipinas / Re: bitcoin - nanatili sa $5k level on: May 06, 2019, 05:06:32 PM
Bantayan niyo price ni bitcoin ngayon. Green ulit siya at ang bilis ng galaw, kani-kanina lang yung price niya nasa $5,600 ngayon mukhang kakapit na sa $5,800 mga ilang kembot nalang.
Ayus lang yan mga sir, darating din ang araw na yan tiwala lang maging masaya lang tayu sa kung anong meron ngayun hanggat may price at volume agus nayun. Price is just a price, kikita at kikita parin naman tayu maski ganyan price ng btc eh. Asa sa atin parin yan,
Karamihan kasi sa atin ditto holder at bumili nung mataas pa, kaya para sa kanila antay lang talaga sila para makabawi man lang kahit papano. Para naman sa ibang holder na nakabili ng mababa, mahalaga ang price sa bawat isa, yan kasi nagi-indicate kung bibili tayo o hindi.
2074  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: How to find latest bounty campaigns here in bitcointalk [SIMPLE LANG] on: May 06, 2019, 04:30:00 PM
Mukhang hindi masyado nakakakuha ng attention tong thread na ito. Sana subukan din ng marami to, lalabas yung pinaka konti na may reply.

Siguro paps dahil yung mga nauna na nating mga bounty hunters ay alam na ito kaya ganon, o di kaya ay konti nalang ang interesado sa altcoin bounty hunting na mga kabayan natin.

Salamat po napansin nyo itong thread ko hehe
Nasa sub-board kasi itong thread mo kaya hindi masyadong pansinin pero dahil konti lang talaga masyado nagpopost dito sa altcoin board ng Pinas, kaya isang factor na yun. Posible rin na marami na ring nakakaalam kaya hindi nalang sila nagcocomment dito.
Legit nga hindi naman nagbayad parang scam na yun pero kung nadelay lang yung reward ng participants reasonable yun. Para sa akin if ang bounty campaign ay may limitasyon sa pagtanggap ng bounty participants maganda itong senyales na maaaring legit iyon lalo na kung hindi agad agad sila tumatanggap ng mga sasali sa kanilang bounty unless uunahin nilang reviewin ang mga post ng mga account na pasok sa kanilang standard once na stict ang bounty may posibilidad ito ay magbabayad at legit.
Ito yung masakit talaga, kung meron man naka-experience ng legit pero hindi nagbabayad masaklap yun. Sa mga delay, okay lang yun pero karamihan sa mga delay umabot na ata ng taon at mukhang hindi na magbayad yung ganun.
2075  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Kumikita parin ba kayo sa bounty campaigns? on: May 06, 2019, 02:46:38 PM
Kapag scam yung na advertise nila at walang binayad sa kanila, sayang talaga ang effort nila. Ganun lang nangyayari, move on lang at hanap agad ng iba.
Tama ka jan paps, kaya mahirap din ang sumali sa bounty campaign ng mga altcoins dahil maaaring masayang ang oras at hirap natin sa pag effort kaya mas mainam sumali sa signature campaign na bitcoin payment atleast weekly sigurado ang kitaan, ayun nga lang hindi gaanong malaki ang kikitain pero okay na din.
Meron akong sinalihan dati na altcoin bounty at kahit papano kumita naman kasi legit yung manager at yung bounty mismo. Depende talaga sa pipiliin mo kaya dapat talaga maging mapili ka rin sa mga bounty. Hindi pwede yung basta basta ka lang sasali kasi kapag nagkamali ka ng pili, ikaw rin mismo madidismaya. Mas okay na yung hindi gaano kataasan ang kita basta ang mahalaga may kita ka parin, compare sa mga altcoin na hindi mo alam kung saan ang patutunguhan.
2076  Local / Pamilihan / Re: Sports Betting, Sinong gustong matuto? Usap tayo. on: May 06, 2019, 01:13:02 PM
Directbet was really popular in the past because if you bet and win, all your winnings will be sent in an address you have provided.
Naalala ko itong casino na ito dati nung merong weekly thread para sa pinakamagagandang casino at lagi itong nasa top. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nawala na sila bigla at huminto sa pago-operate.
Just like onehash but Directbet was better as its a real sportsbook, thy have odds providers just like a normal sportsbook.
Onehash nagamit ko na itong sportsbook na ito at ayos din naman yung mutual betting nila. Madami rin silang mga kino-cover na mga laro, pwede ka din magsuggest sa kanila ng mga sports na pwede nila isama. Binebet ko sa kanila e-sports kasi wala sa cloudbet.
2077  Local / Pilipinas / Re: (Guide) Signed Message gamit ang (Electrum) on: May 06, 2019, 12:34:54 PM
salamat dito bro. pwede ko na import yung segwit address ko sa electrum. sa ngayon kasi mycelium lang gamit ko sa segwit address e di kasi ako aware na supported na din pala ni electrum ang segwit Smiley
Pagkakaalam ko dyan nagsimula yung mga wallet na nagsisimula sa 'bc1'.
Yes sa website ng electrum naman ako nag download para sigurado.

Nag install ako ng electrum kasi nowadays segwit address na ang nire require ng ibang campaign. I thought pwede ang apk version para mag sign message.
I see. Kaya pala, hindi na kasi ako gumagamit ng electrum pero segwit wallet parin naman ginagamit ko na nagsisimula sa '3'.
2078  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: How to find latest bounty campaigns here in bitcointalk [SIMPLE LANG] on: May 06, 2019, 11:58:35 AM
Mukhang hindi masyado nakakakuha ng attention tong thread na ito. Sana subukan din ng marami to, lalabas yung pinaka konti na may reply.
Totoo yan pero usually naman sa mga altcoin bounty walang limit ang participants paps moveon nalang sa iba pagka puno na hahaha
Merong mga bounty campaign na meron silang limitasyon sa mga participants nila. Depende lang talaga yan sa mga sasalihan niyo at palagi nating pinapa-alala sa lahat na mag-iingat sa mga sasalihan niyo na mga bounty kasi nga talamak na yung mga scam ngayon. Meron mang legit na project pero delay o ang masaklap hindi nagbabayad sa mga sumali sa bounty nila.
2079  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Kumikita parin ba kayo sa bounty campaigns? on: May 06, 2019, 11:15:07 AM
Siguradong madami parin ang kumikita sa bounty campaign, dahil kung titignan mo ang mga bounty campaings dito sa bitcointalk halos lahat dinadagsa parin ng mga bounty hunters, hindi naman siguro sila magsasayang ng oras kung hindi sila kumikita hehe, ayun nga lang sigurado hindi na yan ganoon kalaki tulad ng dating kita noong 2017
Meron at meron parin kasi kung wala na, wala na sanang sasali sa mga nagdadamihang mga bounty ngayon. At karamihan nalang sa mga bounty hunters nagte-take na lang din ng risk kasi no choice na sila. Sugal na nga kumbaga ang sa part lang naman nila, wala silang investment kundi pagod at oras lang. Kapag scam yung na advertise nila at walang binayad sa kanila, sayang talaga ang effort nila. Ganun lang nangyayari, move on lang at hanap agad ng iba.
2080  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Kumikita parin ba kayo sa bounty campaigns? on: May 05, 2019, 11:58:25 PM
Noong 2017 kasi sakto lang ang sumasali sa bounty campaign, at kalimitan sa mga nagBobounty na ICO ay nagkakavalue ang kanilang token kaya sagana talaga ang mga bounty hunters, tumigil ako noong bumagsak na yung market sa  babounty dahil naging triple ang volume ng nagbabounty at marami din ang mga scam ICO. At ngayon, sa tingin ko mas profitable ang signature campaign nagbabayad ng Bitcoin kesa sa mga ICO bounty campaign  dahil na rin sa madami ang kakompitensya mo sa allocation ng bounty at marami pa din ang scam ICO na nagsasagawa ng Bounty campaign.
Ganun talaga mga project dati nung 2017, halos lahat magaganda at nagkakaroon ng value pero nung bumagsak na at dumating na yung bear market. Ako di parin ako nagbebenta ng kinita ko sa bounty ko pero meron naman akong naging bonus na token na naging worth it din naman. Para sa akin kung titignan yung mga bounty sa panahon ngayong 2019, pahirapan na talaga at swertihan nalang kung makatyempo ka na maganda yung nasalihan mo at nagbabayad tulad ng pangako nila.
Pages: « 1 ... 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 101 102 103 [104] 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126 127 128 129 130 131 132 133 134 135 136 137 138 139 140 141 142 143 144 145 146 147 148 149 150 151 152 153 154 ... 282 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!