Bitcoin Forum
May 21, 2024, 01:25:59 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 [98] 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126 127 128 129 130 131 132 133 134 135 136 137 138 139 140 141 142 143 144 145 146 147 148 ... 283 »
1941  Local / Pamilihan / Re: NBA Finals 2019 ( Warriors vs Raptors) on: May 28, 2019, 07:28:34 PM
kumbaga gusto ko makita na matapos yung momentum nila at mabigay naman sa deserving na team.
The deserving team to reigned as champion is the strongest among all of course. Hindi naman porket nagchampion na ang gsw ng maraming beses ay hindi na nila deserve ang tuktok. Actually nakakamangha nga eh kasi consistent sila through the years, lumalakas ang mga kalaban nila pero hinihigitan pa nila lalo yun. But you know what? Gusto ko point mo because I feel the same way Cheesy. Gusto ko naman na iba mag champion this year, nakakasawa na rin kasi. Kung pwede nga lang na magchampion ang mga not so deadly teams like Suns, Mahic etc. ay hihilingin ko lol.
Di ko sinasabi na hindi nila deserving kung ano man meron sila at ano na-achieve nila. Ang akin lang sabi ko, gusto ko makakita ng panibagong team na nasa tuktok tulad ng Raptors, meron kasi tayong tinatawag na 'umay' at 'nakasanayan' at kapag nakasanayan na natin na sila't sila lagi yung nandun parang mananawa ka. Alam ko ganito rin feeling ng iba na nandito pero hindi ko sinasabing hindi deserve ng GSW kung maging champ ulit sila this year, ika nga, may the best team wins.
1942  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: May 28, 2019, 07:03:32 PM
Daming yumaman nung 2017, yung mga taong nakuntento nun sila talaga ang mga panalo. kahit mga shitcoins nun nag taasan.
Marami nga ang yumaman pero naawa ako doon sa mga tao na nadala lang ng hype. Kasi nakita nila ang taas ng bitcoin at ang daming kumita, sila naman nagmadali na bumili kasi ang akala ng lahat tataas pa nung mga panahon na yun. Meron akong mga kaibigan na mga ka-close ko pa na nagsibilihan kaso yun nga lang karamihan sa kanila na-trap at maraming nagsipagbentahan nung napakababa at sa sobrang dami nila, isa lang yung natira na tahimik lang na nagho-hold hanggang ngayon.
1943  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 28, 2019, 06:41:02 PM
Maganda sana tong egivecashout e ang problema madaming problema lol.
Ito pinaka prefer ko dati kasi nga libre pero nung ako mismo naka-experience ng mga problema na yan, sumuko at umayaw ako. Siguro mga taon na rin bago ko huling nagamit yang egivecash.
Usual na itong nangyayare para sakin mas maganda na magsettle tayo kay egivecash as secondary option kesa dito tayo laging umaasa na babalik like what happened before na inabot ng ilang buwan bago bumalik at walang abiso na nangyare kung bakit matagal na hindi operational.
Tama,wag na lang umasa sa egivecashout kasi talagang maiinis ka lang. Sobrang daming problema at hindi lang ako ang magpapatunay niyan, halos lahat tayo dito naranasan na natin kung gaano kapangit yan. LBC talaga ngayon ang ok para sa akin, mahaba lang pila sa mga branch na napupuntahan ko.
1944  Local / Pamilihan / Re: NBA Finals 2019 ( Warriors vs Raptors) on: May 28, 2019, 11:13:51 AM
Sabi nga nila bilog ang bola so kahit ano talaga pwede mangyare antay nalang tayo ng game 1  sa friday,may chance naman ang raptors pero mas may edge lang talaga ang warriors malalaan nalang natin kung kaya ba nilang gibain sa friday or sa further games
May chance naman lahat ng team, sa ngayon kasi mas tinitignan at pinapaburan kasi ng crowd yung Golden State Warriors kasi nga champ sila at maganda yung naging standing nila at isa pa, consistent sila. Fanboy ako ng Golden State Warriors pero parang nagsasawa na ako na laging sila nalang lagi yung nag-chachamp, kumbaga gusto ko makita na matapos yung momentum nila at mabigay naman sa deserving na team. At para sakin dahil talo naman ang Bucks, Raptors ay deserving din naman.
1945  Local / Pamilihan / Re: Bitcoin Mixer (Tagalog) on: May 28, 2019, 03:37:26 AM
at ang bagong blitblender na sa tingin ko ay ok den.
Sa totoo lang matagal na yang bitblender at pagkakaalam ko mas nauna pa yan magkaroon ng campaign kesa sa chipmixer. Ingat lang sa paggamit ng bitblender at tignan lagi yung domain kasi may scam site na gumagaya dyan katulad ng paalala ni OP.
Bitblender.io -legit
Bitblender.com fake clone of bitblender.io
Oo matagal na tong Bitblender.io and trusted to. Ang tagal na nilang nagooperate. 2014 pa to be exact. One more thing para maiwasan maencounter yung fake clone na yan, it's best to try na icheck yung icon ng lock. If nakalagay is connection is secure, then it's safe na gamitin yung site.

Icheck  mo lang din yung mismong URL at domain kasi kahit nag stop na operation ng legit na bitblender, meron parin na mga phishing site. Yung sa sinasabi mong SSL protection/security ok din yan pero meron ring mga phishing at scam site na ginagawa na rin yan.
Natakot na din ang bitblender. Malamang natunugan na din nila na may mag-iimbestiga sa kanila kaya inunahan na. Mukhang tapos na ang mga araw ng mga mixers at blenders.
Hindi pa naman siguro, baka magpapalamig lang tapos sa mga susunod na taon meron at meron parin na maglalabasan.
1946  Local / Pamilihan / Re: Bitblender is shutting down on: May 28, 2019, 02:57:34 AM
Nabanggit naman sa website ng bestmixer kung ano yung dahilan ng pagsasara nila kaya posible na parehas yung dahilan ng bitblender sa pagsara nila. Kung maaalala niyo meron ring isang sikat na mixer service na may pinakamalaking signature campaign rin dito sa forum ang nagsara. Yun nga lang hindi nila nabanggit yung dahilan ng pagsara nila kaya ganun yung kinagulat ng marami. Wala naman masyadong alam yung karamihan na nasa crypto tungkol sa mga service na yan kasi mga may malalaking hold lang gumagamit niyan.
1947  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price & movements [Discussion] on: May 27, 2019, 10:52:47 PM
Congrats sa atin, another good price na naman tayo today, akala ko mag $9,000 na, pero ayos na rin at mas maganda kung stable na naman tayo dito for awhile, and next target will be $10,000. I feel like may chance pa tayong mag $10,000 before the end of the 1st half of the year,
Good price pa rin naman yan kahit $8800, medyo bumaba ng bahagya at yun yung inaasahan ko kaso ang maganda sa nangyari $8700 siya. At mukhang yun na yung maliit na correction na inaasahan ko o pati rin siguro ng ibang mga enthusiast dito. Kapag nanonood ako ng mga bitcoin speculation videos sa youtube ang lakas maka-hype at ang tataas na ng mga prediction nila. Merong $100k at meron pang mga million, pero ako hindi naman ganun ganun basta basta madala sa hype pero hold lang.
1948  Local / Pamilihan / Re: Binance meet up in Manila on: May 27, 2019, 10:20:32 PM
Matagal na nagkaroon ng binance meet up, andun nga si Paolo Bediones, isa pala din siyang crypto user. Sana magkaroon din ng meet up dito sa amin hindi lang sa maynila.
Si Paolo Bediones isa sa mga founder ng Loyalcoin kaya sigurado kapag mga malaking exchange na event yan, nandyan siya. Naka-attend na ako sa ibang mga crypto meetup pero wala naman siya kasi mga small time lang at mga NEM meet ups. Sana may makapag update lagi kung merong meet up/seminar na gaganapin si Binance. Gusto ko din pumunta para naman kahit papano makasalamuha yung ibang mga crypto kababayan natin.
So mas maganda siguro my may local tayo katulad nitong thread na to, Meetups? Suggestion lang naman.

At least kung sino may ang interesado na dumalo at hindi ma-late late sa mga annoucements na katulad nito.
Kahit hindi na siguro, ok na dito yung may mag post lang ng update o bagong thread.
1949  Local / Pamilihan / Re: NBA Finals 2019 ( Warriors vs Raptors) on: May 27, 2019, 09:55:50 PM
Sorry sa mga bucks fans, move on na tayo and congratulations to the Raptors for winning, galing nila, 4 straight wins ang ginawa.
Time to update the thread na din.

First game is home court ng Raptors, pero one day rest lang sila.
Wala ganun talaga buhay, yung inaasahan mo na makakapasok sa finals talo. Better luck next time to Bucks ika-nga, meron pang ibang pagkakataon at least pangatlo sila sa standings. Yan ang lamang ng Golden State Warriors sa kung sino man ang mananalo, mas mahaba haba yung pahinga nila at mas marami silang praktis kung tutuusin kesa sa mananalong team. Pero hindi naman excuse yan sa Raptors para panghinaan ng loob ng ganun ganun lang, good luck sa first game, sino mga naka-bet na?
1950  Local / Pamilihan / Re: Bitcoin Mixer (Tagalog) on: May 27, 2019, 05:24:58 PM
at ang bagong blitblender na sa tingin ko ay ok den.
Sa totoo lang matagal na yang bitblender at pagkakaalam ko mas nauna pa yan magkaroon ng campaign kesa sa chipmixer. Ingat lang sa paggamit ng bitblender at tignan lagi yung domain kasi may scam site na gumagaya dyan katulad ng paalala ni OP.
Bitblender.io -legit
Bitblender.com fake clone of bitblender.io
1951  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 27, 2019, 05:03:28 PM
posible po ba sir na gawin ko bbili ako ng BTC kay coins pro tpos ped ko ba gamitin si coins pro pang sesend ko dun sa wallet nung ICO?
Ang mangyayari, kailangan mo parin ilabas yung bitcoin mo mula kay coins pro papunta kay coins.ph at saka mo na siya pwede i-transfer sa ICO wallet address na pagi-investan mo. Kung ako sayo di na muna ako mag-invest sa mga ICO kasi ang daming mga scam at hindi ka sigurado na kikita dyan sa panahon ngayon. Maraming magsisilabasan ulit kasi kalakasan ulit ni bitcoin pero kung ako sayo, hold mo nalang muna yung bitcoin mo hanggang sa tumaas ulit.
1952  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Patulong kung pede ako mag mine ng Monero on: May 27, 2019, 03:47:48 PM
guys san maganda bumili ng BITCOIN ok sana si COINS.PH kaso ang prob kasi kapag mag transfer ka ng BITCOIN sa ibang wallet grabe ang taas ng TRANSFEE NIYA
Paps kapag mag tatanong tayo siguro sa related na thread nalang at dahil nabanggit mo naman ang coins.ph, meron silang Coins.ph official thread dito doon tayo pwede magdiscuss about dyan. Pero sasagutin ko na din yung tanong mo, mataas kasi ang value ng bitcoin ngayon at parang ito yung isang side effect na normal lang naman na yung fees niya ay tumataas. Kapag magsesend ka, doon ka nalang muna sa mga pwede ka mag-adjust ng fees tulad ng electrum at blockchain.com, marami pang ibang wallet bukod dyan. Makikita mo din sa site na ito, https://bitcoinfees.earn.com/ kung magkano at gaano katagal yung estimation sa fee mo.
1953  Local / Pilipinas / Re: All green right now? on: May 27, 2019, 03:11:05 PM
Good news ito dahil madami na naman pumapasok na fiat sa crypto, pero baka magsilabasan na naman yung mga Noob money na pwedeng ikasira ng bullish trend kagaya noong taong 2017, marami kasi na nakiFOMO lang kay Bitcoin.
Normal lang na may lalabas ulit at ito yung mga malalaki at maliliit na trader. Kapag umabot sa $9k sa mga susunod na araw, asahan na natin na aabot na yan hanggang $10k. Dyan na magsisimula yung mga iba't ibang mga speculation at sigurado mas marami pa rin yung mga FUD na lalabas pero wag kayo magsisipaniwala sa mga yun, dahil hindi nakabili yun nung medyo mababa pa at umasa sila na mas bababa pa. Kaya ang gagawin nila, magdadala nalang sila ng panakot sa karamihan para mapilitan magbenta yung karamihan.
1954  Local / Pilipinas / Re: Ano na ang mangyayari sa bitcoin? on: May 27, 2019, 04:07:25 AM
Maging masaya tayong lahat ngayon na $8500 - $8600 na bitcoin.
Well, hindi ko na mapigilan ang self ko na masabi, "this is it bull run na talaga". Bitcoin now rapidly growing up including altcoin parang ito na nga pinakahihintay nating lahat. The price was almost reaching $9k and maybe later part it will hit that amount.

CoinsMarketCap chart price now showing a long candle line.


Captured from CMC at the time I posted this.

Walang problema yun, sabihin mo lang yan kasi ganyan naman kapag sobrang excited at saya natin. Expect some major dips para hindi masyado maging disappointed kasi normal yan. $8700 sobrang taas ng gain para sa isang araw at unti unti na ako naniiwala na bull run, konting galaw pa. Posible sa posible na umabot ang price ng $9000 bago matapos itong buwan na ito, lahat nanaman ng mga portfolio ng bawat isa shiny ulit at green na green.
1955  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price & movements [Discussion] on: May 27, 2019, 02:11:14 AM
Happy monday mga besh, mga bai! Good start of the week ito, na break natin yung minor resistance na around $8,400 na halos tatlong beses natin sinubokan basagin last few weeks.

Para sa akin, easy $9,000 na lang ito this week pero consider parin natin mga pullbacks around $8,400 and worst is around $7300-$7,000.
Stay safe mga bayaw!
Talagang malupit ang week na ito beshie!!  Grin Ang ganda ng pagkagising ko kaninang umaga kasi nagulat ako $8500 tapos ngayon $8700 na, easy na easy lang talaga ang $9000 soon. Okay na ako sa pricing ngayon at panigurado tataas pa ito, nakaready na ba kayo mag sell o meron ba dito nag convert ng bitcoin nila into other alts? di ako nagco-convert baka mag benta lang ako kapag umabot na siya sa $10k. Di naman ganun karamihan bebenta ko kasi mababa lang laman ng portfolio ko.
1956  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Patulong kung pede ako mag mine ng Monero on: May 26, 2019, 11:40:40 PM
Na try ko mag mine using yung MinerGate na nadownload ko sa website nila. Matagal ko na yun na try and kailangan talagang 24 hours naka on yung PC. Grabe tumaas din yung kuryente namin dahil dun eh. Hindi ko na tinuloy ng tinuloy kasi sayang bayad at kulang yung kinikita ko eh. Maliit lang naman yung additional hash ko which is not profitable.
Malakas talaga sa konsumo ng kuryente ang mining lalo na kapag nasa city ka. Mahal kasi ang kuryente din dito sa atin kaya yung ibang miner may kanya kanyang diskarte nalang sila pano nila mautilize yung bill nila sa kuryente at paano masustain yung tuloy tuloy nilang pagmimina. Merong mga nagmimina sa baguio na kung saan malamig yung lugar para hindi rin masyado mainitan mga rig nila. Madami dami na ulit akong nakikitang mga minero nagbabalik loob sa ngayon.
1957  Local / Pilipinas / Re: Ano na ang mangyayari sa bitcoin? on: May 26, 2019, 11:18:40 PM
Ito ang dapat hinde naten kalimutan, hinde dapat tayo mag panic kapag bumabagsak ang presyo ni bitcoin kase alam naman natin ang background nito at alam naman naten na nagsimula ang bitcoin sa mababang presyo. Ngayon, maganda na ulit ang presyo ni bitcoin at tuloy tuloy na ito.
Walang dapat ika-panic ngayon kasi tumataas na ulit presyo ng bitcoin. Wag niyo isipin yung negative side kasi madidismaya ka lang at hindi ka makakamove on pero kung ikaw naman ay palaging optimistic at may plano ka sa future mo kung ilang bitcoin hawak mo, mas maganda yun ang titignan mo. Kasi kung palaging negatibo lang iisipin mo, ang hirap makausad niyan at laging yun lang ang iisipin mo. Maging masaya tayong lahat ngayon na $8500 - $8600 na bitcoin.
1958  Local / Pilipinas / Re: Patay na nga ba ang dominanteng bear? on: May 26, 2019, 10:55:42 PM
Sa tingin ko nasa punto na tayo na pataas na talaga ang presyo ni bitcoin at talaga namang hindi na ganun bumababa ang presyo siya. Kita naman natin na in 1 month ang laki ng tinaas ng presyo ngayon, I would probably say na bull run na ang mangyayari ngayong taon.
Pataas na rin tingin ko kasi mukhang maganda ang support sa $7k-$8k at hindi na siya bumababa pa di tulad nung last year. Gusto ko na rin maniwala na bull run na pero gusto ko muna makita muna na aabot siya ng $10k o kaya $11k bago ako maniwala na bull run na. Pakonti konti ang pag angat ni bitcoin, kumbaga step by step lang tumaas. Ayaw ko lang din maging kampante na tapos na ang bear market mas mainam na sigurado para hindi ma fail ang expectation.
Hindi naman masama maghintay na tumaas ang presyo ng bitcoin sa $10k pataas bago ka maniwala na bull run na talaga to. Dahil siguro nadala na tayo dati kaya hindi agad agad basta nagtitiwala which is good naman. Pero huwag kang mag-alala dahil for sure posna mahihit ni bitcoin ang ganyang value ng bitcoin ulit at doon sa araw na yun maniniwal ka na may bull run nga ulit.
Yun nga yun, ayaw ko na agad agad magtiwala at mas maganda talaga ma-validate ko muna sa sarili kong batayan. Marami nang naniniwala ngayon na wala na tayo sa bear market kasi nga tuloy tuloy ang pagtaas, merong mga pagbaba ng ilang beses pero hindi naman ganun kasalap at kasakit. Ngayon tumaas ulit yung presyo at pumalo na sa $8,600 at mukhang ito na ata yung pinaka momentum na hinihintay ng lahat. Aabot na kaya ito hanggang $10k o higit pa?
1959  Local / Pamilihan / Re: Bitcoin Mixer (Tagalog) on: May 26, 2019, 10:35:28 PM
Huwag mo na lang isama yung Bestmixer kasi sinarado na ng Europol nung nakaraang mga araw lang. Sana ma-update din yung OP.
Totoo itong update na ito kahit I-visit niyo yung website nila at hindi na rin naman na usable yung service nila.
Mas maganda siguro kapatid kung maglalagay ka ng another subtopic ditto sa OP mo and dun mo i-include yung bestmixer. And label it as under investigation mixer para at least alam nila yung issue and siguro link dito sa forum nyan(discussion about this).
No need na gumawa ng panibagong thread para lang doon. Pwede na I-sama yan dito sa pinakababa at lagyan nalang ng label na under investigation at hawak ngayon ng FIOD yung website nila.
1960  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 26, 2019, 10:09:22 PM
Masyadong mahigpit sa.LBC kailangan talaga ng dalawang ID so mas pipiliin ko pa rin sa Palawan kahit anong klaseng ID pwede hindi ko katulad sa LBC napakahigpit need ng dalawang ID then valid pa dapat. Instant nga lang sa LBC pero kung hindi rin naman masyado kailangang ang pera sa araw na iyon best option para sa akin Palawan Express Pera Padala.
Parang hindi naman ganun kahigpit sakin kapag magclaim ako sa LBC. Isang ID lang hinihingi sakin pero syempre primary ID dapat. Lahat naman ng ID na hinihingi nila dapat valid kasi kung invalid yan di nila yun tatanggapin. Isang araw kasi pagitan sa Palawan kaya yun lang ang disadvantage, tingin ko yung higpit sa LBC depende din yan sa branch. Ako mga limang branch ng LBC dito malapit sa amin pero hindi naman ganun kahigpit basta primary ID lang.
I think maybe it depend on the branches na siguro sa mga staff nila, we  the same situation. Isa nga lang gamit ko na ID sa LBC passport lang, dependi na siguro sa pag reason out mo kasi sabi ko wala akong ibang ID at meron ako voters ID kaso naiwan yun lang sinabi ko. Well, once makuha mo na red card you don't need to bring ID's in the next transaction, yung red card nalang papakita mo approved na cash out mo.
Oo pwedeng sa branch staff lang talaga yung naranasan niya kung bakit niya nasabi na mahigpit ang LBC. Lahat kasi ng na experience ko sa LBC ok naman kaso ang ayaw ko lang sa LBC kapag medyo late ka na dumating, sobrang haba ng pila at queue. Merong cargo at shipping tapos iba pa yung sa money remittance. Sa red card, required ka pa rin nila na mag provide ng isang valid ID. Kala ko nga dati ok na kahit walang valid ID basta may member card (red) nila.
Mayroong ata kasi na branch na maarte pagdating sa mga ganyan pero if kilala mo naman yung teller siguro kahit 1 valid ID nalang gamitin mo. Iba iba talaga ang mga branch kaya mamili na lang kayo kyng saan niyo icacashout yung pero niyo na hindi kayo mahihirapan na kunin ito.  Lahat naman na yan ay natry ko na magcashout kaya depende na lang kung san niyo mas gusto.
Staff problem na yun at hindi management ni LBC. Sakin kasi talaga hindi ko naman kilala yung mga staff basta mababasa mo nalang agad sa facial expression at galaw niya kung mataray at maarte ba yung teller. Kaya ako pag ina-approach ko sila, friendly approach ginagawa ko para good vibes sila lagi sakin. At so far wala naman akong naging problema kahit kanino sa kanila. Yun mga wala bang LBC card, request kayo pag nag cash out kayo, libre lang yun.
Pages: « 1 ... 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 [98] 99 100 101 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126 127 128 129 130 131 132 133 134 135 136 137 138 139 140 141 142 143 144 145 146 147 148 ... 283 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!