Bitcoin Forum
May 21, 2024, 12:56:23 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 [101] 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126 127 128 129 130 131 132 133 134 135 136 137 138 139 140 141 142 143 144 145 146 147 148 149 150 151 ... 283 »
2001  Local / Pilipinas / Re: Patay na nga ba ang dominanteng bear? on: May 19, 2019, 10:48:09 PM
Napansin niyo ba takbo ng price sa crypto market kabayan? After a small correction, there should be a resistance patungong bull run. May naalala ako eh kung paano naging movement ng Bitcoin. Para sumasayaw ng cha-cha, back step isa at paabanti dalawa, parang ganyan takbo ng price ng bitcoin sa ngayon ang napansin ko. Well, bear market now has gone and we are facing now into a bull market which all of us are wanted.
Oo pansin na pansin ko. Hindi ako mahilig sa mga TA's pero may sarili akong pag unawa sa market. Kapag may mga dumadating na small o big correction, malaki din ang gain agad ng market. Sa pinaka madaling observation, tama yung sa cha-cha, isang hakbang pabalik, dalawa o higit pa pa-abante. Kaya hindi ako nakikinig doon sa mga tao na nag-aabang pa ng sobrang baba sa bottom kasi nagdadala lang sila ng takot sa mga newbie investor, wish ko nalang talaga mag patuloy ganitong galaw hanggang next year.
2002  Local / Pilipinas / Re: Patay na nga ba ang dominanteng bear? on: May 19, 2019, 10:24:04 PM
Hindi natin masabi, ang importante lang dapat lagi lang nakakasabay sa agos.. Buti meron magagaling sa chart na pwedeng sundan, may mga future prediction din sa pagbasa ng charts
Sino ang sinusundan mo kapag tungkol sa mga charts at future prediction? ako kasi basa basa lang ng ilang mga balita at mga technical analysis na din pero wala talaga akong sinusundan sa kanila. May mga interesting na mga prediction at may valid support sa claim nila, humahanga ako pero hindi ko talaga nilalaan yung pag-asa ko sa mga sinasabi nila. Mahirap parin nating I-conclude kung talagang hindi na bear market, antay parin siguro hanggang $9k-$10k.
2003  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoin Bounty Hunter on: May 19, 2019, 09:53:17 PM
Profitable parin naman kaso medyo maliit nga lang at yung iba di pa nagbabayad pero kung pagdating lang naman sa libre at ayaw mo maglabas ng pera sa bulsa mo swak na pagtiyagaan to

Ito yung mali sa karamihan sa atin na bounty hunter. Hindi libre ang pag-promote ng mga projects kahit pa sabihin natin na wala tayong nilalabas na pera. Isipin din natin yung kuryente, internet payment, at higit sa lahat yung oras na ginugol natin kada-araw o kada-linggo.
Hindi na kasi kinokonsider yung kuryente kapag may sarili ka namang pinag gagamitan ng computer o smartphone mo. Parang bonus nalang yung mga bounty ganyan yung nasa isip ng karamihan. Pero tama yung sinabi mo na hindi libre ang pagpromote kasi pagod, oras, kuryente at pera mo ang ginagamit mo para ma sustain mo lang ang pag sali mo sa kanila. Ang iniisip nalang din kasi nga wala kang investment pero mamumulat din ang karamihan na yung mga factors na nabanggit mo ay mismong investment na talaga.
2004  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Pagbagsak ng ICO on: May 19, 2019, 09:31:16 PM
Kaya nga yan ang kinakatakutan ng ibang bounty hunters, hehehe.

Kasi wala o bibihira ang IEO na nagpapa bounties, basta mag oopen lang sila tapos ayun, sold out again in less than a minute. Samantalang ang ICO ang tagal ng promotion dito, daming mga bounty hunters, and siste. And siste para naman sugal, hindi mo alam kung panalo ba ung nasalihan mo o scam at hindi ka babayaran sa huli.
Kaya nga mas mabilis ang galawan sa IEO para sa mga mismong may ari ng project kasi mismong exchange ang magbebenta ng project nila. At dahil doon, kapag halos lahat ng project nag-conduct na lang din ng IEO mawawala na ng puwang ang mga bounties. Kung meron mang matira karamihan na doon puro scam project nalang. Meron parin naman siguro na hindi pipili sa IEO kasi tingin ko medyo malaking fee ang kailangan nila para magkaroon ng IEO.
2005  Local / Pamilihan / Re: Mga useful sites na pang reference ng newbies na nagtitrade ng bitcoin on: May 19, 2019, 09:07:41 PM
Salamat sa advice, kung nagbasa lang talaga ako dati at nabasa ko to ngayon, hindi siguro ako malulugi ng malaki, this week nag kamali ako ng benta , imbis na mag karoon ako ng profit, kabaligtaran pa ung nangyari. Guess i need to learn a lot pa para mas kumita ako ng maayos.
"Charge to experience" ika nga, ganyan talaga ang buhay ng isang trader akala mo kikita ka na pero merong pagkakataon na yung greediness mo a-atakihin ka at feeling mo kailangan mo pang mag antay. Nagbenta ka nung nasa loss ka, kaya ang aasahan mo loss talaga. Dagdagan mo lang din ng patience para mas siguradong aangat ka sa susunod. Normal lang sa isang trader makaranas ng ganito, ako nga hindi lang isang beses nakagawa ng trade na puro loss ang nangyari.
2006  Local / Pamilihan / Re: Bitcoin different ways of encashment? on: May 19, 2019, 08:42:40 PM
so far coins ph pa lang ang nagagamit ko and subok ko na naman.  ETH lang naman ang winiwithdraw ko dito at lagi ko ginagamit yung LBC express kasi isang oras lang makukuha mo na agad.

(saka ginagamit ko rin kasi pang load dahil sa rebate kaya may balance ako lagi duon ^^)

alam mo maganda nga din itong coins. ph kasi sa pinas eto ang kadalasan ginagamit o karamihan dito ayan yung ginagamit nila for cash out pero may iba ka pa din naman choices eh like Bitpanda or Coinbase

Eh? Nasubukan mo na ba mag cashout from coinbase to peso? Pretty sure hindi pa kaya mo nabanggit yan. Konting search naman bago mag post para hindi naman masyadong halata na mema.
Nagtaka din ako coinbase tapos withdraw in peso, hindi ako gumagamit ng coinbase pero pagkakaalam ko hindi yun posible dito sa atin. Kapag i-vivisit natin yung site ng coinbase, peso yung currency niya kasi nga naka-base tayo dito sa Pinas. Pero hindi ibig sabihin nun na pwede na tayo mag cashout direkta coinbase. Pwede sana kung sinabi niya na coinbase muna tapos direkta sa coins.ph wallet mo, yung ganun pwede pa yun. Sa bitpanda naman, wala pa ako experience kaya wala ako masasabi.

Nag quick check ako sa bitpanda at wala din peso na supported pero supprted nila visa at mastercard so posible and peso withdrawal pero alam ko malaki fees pag ganun e.
Kapag ganyan dadaan pa sa third party at bangko though hindi ko alam ang whole process pero parang masyadong hassle yung ganyan. Sa ibang bansa ok yung ganyang paraan ng pag withdraw kasi halos karamihan sa kanila puro cards at may cash parin naman. Sa atin kasi yung ganyang pag withdraw parang hindi pa masyadong kilala kasi nasa stage parin tayo ng cash parin ang gusto natin. At isa pa, ayaw natin ng masyadong malaking fee.
2007  Local / Pilipinas / Re: THE 10 SECRETS OF CRYPTO on: May 19, 2019, 08:20:47 PM
Ito yung pagiging jack of all trades, sa akin di ko kaya lahat yan pagsabay sabayin kaya focus lang muna ako sa iilang dapat kong masterin muna. Siguro master na ako sa pagho-HODL  Grin
VII. Diversify into as many quality altcoins as you can. That way you can experience market bubbles thousands of times over. If you hold all the coins and accumulated them for cheap, you've lowered your risk and win every time there's pump.
Risky masyado ito para sa isang baguhan at medyo natuto na din ako na wag masyado mag-diversify sa napaka daming altcoins. Tama yung word na ginamit mo na 'quality' kasi yung ibang nagdi-diversify, basta may makita lang silang low market cap na altcoin bili agad kahit walang volume.
2008  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 19, 2019, 07:53:08 PM
Ang maganda sa coins.ph sobrang daming pwede kang mag cash in pati nadin cash out.. Problema lang talaga yung high spread ng buy at sell prices.dapat babaan nila para pwedeng mag convert ng php to btc ng walang inaalalang high fees
Hindi nila bababaan yan kasi dyan rin sila kumikita kahit papano sa spread lalo na kapag may mga bumibili. May choice naman tayo kung saan tayo pwede bumili kapag medyo natataasan ka sa price nila, madaming mga exchanger ngayon sa bansa natin at pwede mo nalang ikumpara kung alin sa kanila ang may magandang price at pabor para sayo.
Bakit walang transaction ID pag nagpapasa ka ng funds from coins.ph wallet to another coins.ph wallet?
Offchain transaction kasi ang nagaganap.
2009  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mag Ingat Sa Mga Facebook Scam on: May 18, 2019, 10:46:40 PM
I don't have any idea bakit pinapayagan ng facebook ung mga ganyan klaseng ads or is it automatic pag gumamit ng browser? O talagang greedy ang facebook at hinahayaan nila kahit ano ung ads na ilagay nila basta nagbabayad ang client. Mali kasi dapat pag ganyan mga klaseng ads ung hindi makakatulong at mauutakan lang mga tao dapat kahit mag babayad dapat ireject nila.
Hindi kasi ma-filter ni facebook yan katulad ng kay google meron at meron paring mga phishing site ang nakakapag advertise sa kanila. At kapag nag-search ng keyword o di kaya search content word nila, lalabas pa sila sa first result. Open kasi ang facebook kaya karamihan ng mga post ay pwede pero ngayon ginagawa naman nila lahat ng makakaya nila para malinis yung platform nila. Kapag may makita kayong mga ganyan, report niyo nalang din agad.
2010  Local / Pilipinas / Re: [Matuto][Info] Voting System using Blockchain? on: May 18, 2019, 10:17:19 PM
Tiwala ako na magiging okay ang election kapag blockchain ang gamit. May mga nabasa ako sa group ng mga IT security na hati rin yung opinion nila, may mga magagaling na nagsabi na papayag daw ba ang gobyerno pero ibig sabihin pabor sila. Meron ding nagsasabi na feasible daw pero hindi applicable, kaya doon palang parang naging hati narin opinion ko kahit na talagang tiwala ako na kaya ng blockchain technology na gawing maayos ang halalan natin.

May idadagdag pa ako, na kahit magiging maayos ang halalan natin kapag may blockchain na kasama, may mga hahadlang pa rin sa ganitong sistema. Ang kaunaunahang hahadlang dito ay ang gobyerno. May iilan na government official na papayag sa ganito ngunit ang mga nakakataas ay hindi pabor sapagkat karamihan sa mga politicians ngayon ay madudumi lumaban.
Yun nga yung problema na nakikita nung mga nabasa ko na na-realize ko may point sila doon. Kahit gaano kaganda ng sistema kung meron at merong mga tututol, mahihirapan i-implement yun. Kapag lalo na malaman nila na apektado yung pagmamanipula sa mga boto, hindi sila papayag kasi nga may mga kalokohan sila. Meron naman na tututol kasi hindi nila ma-gets yung sistema ng blockchain, kasi karamihan sa mga mambabatas natin hindi talaga masyadong oriented sa technology at ang alam lang ay mag-facebook.
2011  Local / Pamilihan / Re: Bitcoin different ways of encashment? on: May 18, 2019, 09:57:05 PM
so far coins ph pa lang ang nagagamit ko and subok ko na naman.  ETH lang naman ang winiwithdraw ko dito at lagi ko ginagamit yung LBC express kasi isang oras lang makukuha mo na agad.

(saka ginagamit ko rin kasi pang load dahil sa rebate kaya may balance ako lagi duon ^^)

alam mo maganda nga din itong coins. ph kasi sa pinas eto ang kadalasan ginagamit o karamihan dito ayan yung ginagamit nila for cash out pero may iba ka pa din naman choices eh like Bitpanda or Coinbase

Eh? Nasubukan mo na ba mag cashout from coinbase to peso? Pretty sure hindi pa kaya mo nabanggit yan. Konting search naman bago mag post para hindi naman masyadong halata na mema.
Nagtaka din ako coinbase tapos withdraw in peso, hindi ako gumagamit ng coinbase pero pagkakaalam ko hindi yun posible dito sa atin. Kapag i-vivisit natin yung site ng coinbase, peso yung currency niya kasi nga naka-base tayo dito sa Pinas. Pero hindi ibig sabihin nun na pwede na tayo mag cashout direkta coinbase. Pwede sana kung sinabi niya na coinbase muna tapos direkta sa coins.ph wallet mo, yung ganun pwede pa yun. Sa bitpanda naman, wala pa ako experience kaya wala ako masasabi.
2012  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 18, 2019, 09:36:36 PM
Magkano ba fees ng coins.ph pag nag convert ka ng bitcoin to php at php to bitcoin? O ilang percent difference ng buy at sell ng coins?
Malaki ang agwat ng buy at sell pag nag convert ka sa coins, sayang din yung mababawas kaya kung gusto mong makatipid i try mo itong tips ni GreatArkansas.

Sekretong Malupit sa Pag Convert to PHP sa Coins.ph!

Pwede talaga yan dahil exchanger site ng coins.ph yan. Ang pinagkaiba lang nyan sa coins.ph instant ang transaction sa coinspro magaantay ka na mafill yung buy o sell order mo.

Meron ako account dyan siguro dahil 2016 pa ko member ng coins.ph pero di ko na tanda kung nag register ako sa watch list nila.
May technique naman sa coins pro na kahit di mo na antayin ma fill yung order mo. Tignan mo lang kung ilan yung ibebenta mo sa latest buy order at yun yung price na gawin mo. Para gawin yun, punta ka lang sa order entry > limit > sell tapos ilagay mo nalang kung ilang at magkano yung gusto mong ibenta. Sa presyo, yung pinaka latest syempre yung ilalagay mo para automatic ma fill yung buy order niya, applicable ito para sa mga hindi maselan at hindi masyado mataas magbenta. Sakin ok yung ganito kasi mas mataas parin price niya sa coins.ph.
2013  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: How to find latest bounty campaigns here in bitcointalk [SIMPLE LANG] on: May 18, 2019, 09:14:11 PM
Sa ngayon talaga sobrang makahanap ng mga magagandang bounty or mga bagong bounties na pwede natin salihan kasi ngayon sobrang hirap talaga makahanap kahit na ang kilala pa natin ang bounty manager may time talaga na handle nila na bounty ay scam din. Pero sa akin lang konting tyaga nalang sa pag search sa mga potential bounties.
Yun naging basehan ko dati nung sumali ako bounty, may kilalang bounty manager at yung project din syempre dapat gawan mo ng research bago mo salihan. May mga pagkakataon talaga na kahit legit ang manager may mga loko lokong mga project din na paasa at hindi na yun kasalanan ng manager. Tyaga tyaga lang talaga sa paghanap ng bounty ngayon at kapag may mahanap na ok at nagbayad, parang stress reliever yun sa karamihan kasi nagbayad eh.
2014  Local / Pilipinas / Re: [Matuto][Info] Voting System using Blockchain? on: May 18, 2019, 08:53:01 PM
Tiwala ako na magiging okay ang election kapag blockchain ang gamit. May mga nabasa ako sa group ng mga IT security na hati rin yung opinion nila, may mga magagaling na nagsabi na papayag daw ba ang gobyerno pero ibig sabihin pabor sila. Meron ding nagsasabi na feasible daw pero hindi applicable, kaya doon palang parang naging hati narin opinion ko kahit na talagang tiwala ako na kaya ng blockchain technology na gawing maayos ang halalan natin.
2015  Local / Pilipinas / Re: Ano na ang mangyayari sa bitcoin? on: May 18, 2019, 08:31:20 PM
Hanggang sa ngayon ay di padin naman lubusang tumataas ang bitcoin ngunit malaki ang itinaas nito di tulad ng maliliit nitong pag galaw noong 2018. Ngayon ay gusto ko lang malaman kung ano na ang status ng hawak mong coin. Kung di mo kaagad ito ibinenta nung january at nag antay hanggang ngayon, maaaring nakabawas ka sa iyong pagkalugi o baka kumita kapa.
Baka hindi mo lang napansin na mula sa pagkalugmot ng $3k tumaas ang bitcoin nitong nakaraan lang hanggang $8400 tapos bumaba ulit nitong nakaraang araw lang. Mula $8400 > $6900 > $7400 > $7200. Yan yung naging sequence ng pagtaas baba ng bitcoin, kaya kung para sayo hindi lubusang tumaas ang bitcoin, tinitignan mo parin siguro yung all time high noong 2017. Tama ka na malaki ang tinaas niya pero sabi mo rin kasi di pa lubusang tumaas, para sa akin mataas na yun mula $3000 naging $7200 siya ngayon.
2016  Local / Pilipinas / Re: Lists Of Bitcoin Wallets on: May 18, 2019, 08:09:48 PM
I think bitcoin wallet has a very common to use here is Electrum and Coin.ph, para sa akin maganda silang dalawa gamitin and Electrum ay magagamit sa pag store ng savings ng Bitcoin mo and then the Coins.ph kung saan ka mag covert to cash and then cash out.
Pinaka advisable talaga si electrum para sa mga hindi pa bumibili ng hardware wallet. At sa ating mga pinoy, pinakasikat ang coins.ph kasi ito ang exchanger nating lahat na preferred. Bilang isa exchanger ok siya at maganda pero bilang isang storage, hindi siya maganda kasi nga exchange siya at hindi natin hawak yung private keys. Ako magta-transfer lang ako sa coins.ph kapag magbebenta ako o di kaya kapag nakabili ako gamit coins.ph, transfer agad sa ibang wallet.
2017  Local / Pilipinas / Re: Lists Of Bitcoin Wallets on: May 17, 2019, 11:59:07 PM
-snip-
Ang isa sa domain admin ng bitcoin.org ay si cobra. Merong account si cobra dito sa forum, tignan niyo nalang. Wag kayong mag alinlangan sa website na yan kasi mga reputable na tao yan hindi lang dito sa forum kundi sa buong bitcoin community. Katulad ng payo ni mjglqw, mag research parin tungkol sa mga suggested na mga wallets nila. Meron na akong experience sa ibang mga wallets na sina-suggest ng site na yan at hanggang ngayon ok na ok parin ako.
2018  Local / Others (Pilipinas) / Re: Sampung Paraan para maging Mabuting Membro ng Forum on: May 17, 2019, 11:28:37 PM
I believe kung susundin mo lang ang rules ng forum halos karamihan diyan nakalista ay magagawa mo ng maayos o masusunod.
Meron kasi pagkatapos magregister, hindi na inaalam kung ano yung mga mahahalagang puntos na dapat tandaan lalong lalo na yung mga rules ng forum.
Yes, yan pinaka mali ng mga bagong register sa forum na ito, kahit ako dati di ko binasa ung unofficial rules ng forum kaya minsan nag tataka ako bakit na dedelete ng mga moderator mga post ko minsan.
Mahalaga na basahin muna ang forum rules para alam mo ang do's and dont's. Merong mga post na off topic na yung sinasabi o di kaya hindi nila alam yung sinasabi nila, na kung babasahin nila sa forum rules malinaw na sinasabi na wag maging off topic. Meron na tayong translated version dito na nakapinned post at sana ma-recognize yan ng iba nating mga kabayan lalo na yung mga bago palang dito sa forum. Maging obedient lang lagi at wag maging rude sa mga conversation.
2019  Local / Others (Pilipinas) / Re: Gabay sa Paggawa ng Malupit at Ligtas na Password on: May 17, 2019, 11:07:29 PM
Ako wala naman problema doon kasi kahit may net basta pinapractice mo ang safe browsing tingin ko ok ka parin.
Yan dapat pinaka importante sa lahat, alam natin ang safe browsing, alam natin mga dapat at hindi dapat na ginagawa para maging safe tayo, halimbawa kahit anong strong o haba ng password natin tapos naka login pala tayo sa phishing website, useless na yun.
Meron kasi na random browsing lang ang ginagawa pati yung mga pop up ads, kiniclick na dapat hindi na pinapansin pa. Check lagi yung SSL security na nakalagay sa browser. Maging responsable lang tayong mga browser at magiging maliit ang chance na mafall tayo sa mga phishing site na yan. Sa pagda-download, iwas lang din sa mga unfamiliar at untrusted websites. Ako hindi na ako masyado nagda-download lalo na ng mga movie, medyo nag-iingat na din ngayon.
2020  Local / Pamilihan / Re: List of Cryptocurrency Exchange Philippines on: May 17, 2019, 10:46:14 PM
I want to try trading at https://exchange.coins.asia/trade , according to OP, it's already labeled as live, but they are not accepting new sign up.

What the real status here, is there any chance that we can sign up without joining the waiting list?

And if we join the waiting list, how long do we have to wait?
Live siya at marami na ring trader na active ngayon sa coins pro pero sa signs up mukhang naging limited sila. Hindi ko alam kung bakit nag close sila ng acceptance sa mga newly register kasi matagal na ata yung ganyang condition nila mula nung beta testing pa. Tapos na pala yung beta nila according sa image na na-ipost. Try niyo na din contact yung management mismo ng coins pro para ma-accept kayo parang ganyan ata ginagawa ng iba kaya naa-approve yung wait list nila.
Pages: « 1 ... 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 [101] 102 103 104 105 106 107 108 109 110 111 112 113 114 115 116 117 118 119 120 121 122 123 124 125 126 127 128 129 130 131 132 133 134 135 136 137 138 139 140 141 142 143 144 145 146 147 148 149 150 151 ... 283 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!